P. 1
SOSYOLOHIKAL

SOSYOLOHIKAL

|Views: 5,957|Likes:
Published by Darren N. Naelgas

More info:

Published by: Darren N. Naelgas on Mar 15, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/21/2014

pdf

text

original

ANG MAG-ANAK NA CRUZ

(Pagsusuri sa isang nobela gamit ang pagdulog Sosyolohikal)
Iniharap ni DARREN N. NAELGAS kay DR. FRANCISCA T. BORJA

ang gawaing ito ay sandatang magsisilbing tagapagtanggol ng panitikan upang huwag itong tuluyang mabaon sa baul ng limot. 1974). pinalulungkot o pinasasaya (Severino delos Angeles. kung hindi pinatitingkad. Novelus at itinuturing na supling o kaugnay ng Kasaysayan o Istorya pagkat dito isinasalaysay ng saksi ang mga karanasang kanyang namasid.ANG MAG-ANAK NA CRUZ (Pagsusuri sa isang nobela gamit ang pagdulog Sosyolohikal) “Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan”. kabilang dito ang pagsusuring pampanitikan. Sa tulong nito. Ang nobela ay sinasabing galing sa salitang Latin.Maria Ramos Sa paglalagas ng dahon ng panahon unti-unting naisasantabi ang pagkakakilanlan ng isang lahi. 1994). kasama rito ang nobela. nababawasan o nadaragdagan. Samakatwid. Ang pagsusuri ay naglalalaman ng mga bahaging maghahatid ng kalinawan ukol sa akda at repleksyon sa ating pagiging indibidwal na Pilipino at kasapi ng pamilya higit lalo sa ating kultura at tradisyon. Ito’y agham ng teksto na naiuugnay sa iba’t ibang teoryang pampanitikan kayat hindi madaling pasukin ang larangang ito ng manunuring walang sapat na paghahanda at kakayahan. Dalawa ang balangkas nito. Maraming samu’t saring anyo at uri ang panitikan. Natututuon ang kamalayan ng nakararami sa mga pagbabagong bunsod ng teknolohiya at ang mga mabungang likhang literari ay naiiwang nakatiwangwang. ang kumbensyunal (Linear) at paikut-ikot (Circular). nobelang makabanghay. nobelang maromansa at isama pa ang nobelang historikal. hangad ng manunuri na ang pamamaraang ito ay magsilbing munting ambag sa lalong ikatatagumpay ng Panitikang Pilipino at maging daan din sa paggising sa kaisipan at damdaming makabayan ng sinumang makababasa nito. gayundin mayroon itong iilang uri gaya ng nobela ng tauhan. kung hindi man walang labis o kulang. muling pumapaimbulog o nagiging bukambibig ng mga mamamayan ang akdang muling binigyang hininga. patula man o tuluyan ang maaaring himaymayin. Ang pagsusuring pampanitikan ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay buhay at diwa sa isang likhang sining (Ramos. . Sanhi nito. Mendiola. ang mga dalubhasa at tunay na nagmamalasakit sa pagpapanatili ng kasaysayan ng sambayanang Pilipino ay maigting na bumuo ng mga hakbang upang mapreserba ang panitikan. Bilang mag-aaral ng dalubhasahan at makabayang Pilipino. Sa wikang Filipino ang nobela ay tinuturingang Kathambuhay na hinahabi ng mga manunulat at naglalahad o naglalarawan ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na rin sa karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran. nobelang malayunin at nobelang masining.

Sa paglisan sa sariling bansa. si Baby ay kumuha ng Home Economics samantalang si June ay naging isang nars. Kung ang titulo lamang ang pagbabatayan maaring magkamali ang isang mambabasa. isyu. Sumandig ang nobela sa pangkalahatang paksa na “Ang pamilya ay ang pinakamaliit at pinakamahalagang yunit ng lipunan na larawan ng buhay ng isang bansa”. Nagkaroon pa sila ng isa pang anak na babaeng pinangalanang June. lalaki man o babae. maliit man o malaking papel ang ginampanan ay nagkomplimentaryo upang maisiwalat ang mga wastong kaasalan. mabigat man sa loob ni Remy tinanggap niya ang amuki ng asawa na magtungo sa Estados Unidos. Muling nag-aral si Tinoy upang makakuha ng mas marami at mataas na oportunidad sa trabaho kasabay nito ay naging matagumpay naman ang patahiang pinundar ni Remy.sa kanyang gunita ay sumirit kaagad ang muling pagbabalik. Wala nang mahihiling pa ang mag-asawa sa biyayang natanggap at patuloy na nakakamit kayat nang kumatok ang panibagong regalo sa magkabiyak na Cruz. kamalian. angkop ito sa lahat ng antas at uri ng nilalalang. naging kaakbay nila ang mga magulang bilang mapagmahal na lolo at lola sa kanilang mga apo. sa pamagat pa lamang ng akda maaaninag na ang pagiging karaniwan ng salaysay at ang pagtuon sa ugnayan ng isang pamilya. matanda o bata. Sa kabilang banda ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay di maligoy kawangis ng mga salitang ginamit na halos pawang neutral. ang bawat karakter. PAGSUSURI ANG MAG-ANAK NA CRUZ. Sa pagtitipid at pagsisikap ng mag-asawa guminhawa ang kanilang buhay. ito’y di makatawag-pansin na tila walang silbi na pag-aksayahan ng oras ngunit sa paggalugad sa mga kaganapan masusumang ang nobela ay masining at immortal na obra. at kaisipang binigyang-diin ng may-akda. madaling . Ang kanilang mga anak ay nakapagtapos na rin sa kolehiyo.nakapagpatayo na sila ng isang bahay-bakasyunan sa probinsya. Nagtutumining ang maraming teoryang pampanitikan dito. at si June naman ay ikinasal sa isang doktor. isali pa ang iba’t ibang uri ng nobela na ikinapit ng may-akda sa kanyang likha. mataas o mababa man ang pinag-aralan o katayuan sa lipunan.BUOD Ang Mag-anak na Cruz ay nagbubukas sa unang mga taon ng pagiging mag-asawa nina Remy at Tinoy. Sa pagbuo ng pamilya ng dalawang nilang anak. kultura at tradisyon. Nagtungo sa Amerika si Baby at doon na nag-asawa. Sa pangkalahatan. kung saan ay kakalipat lamang nila ng tahanan at sanggol pa lamang ang panganay nila na si Baby. Bagamat maraming mga tauhan na likas na katangian ng isang nobela.

pananaw realismo ang lilitaw sapagkat ang bawat detalye ng mga ikinikilos ng mga pangunahin at pangtulong na tauhan at kanilang pakikipagkapwa-tao ay masasaksihan sa lipunang ating ginagalawan. pagsisinungaling upang makuha ang ibig. bayanihan at seremonyas sa kamatayan. malawak ang pang-unawa at magaling sa paggabay sa mga anak. . Pinairal naman ni Liwayway Arceo ang kanyang pagiging Pemenista sa katauhan ni Remy. Ang karakter na ito ay epitomya ng isang makabagong babae. Subalit hindi maipagkakaila na mas litaw ang teoryang sosyolohikal dito. pagdiriwang ng pista. Halimbawa nito ay ang kagustuhang pumuti ng isang indibidwal. yaong babae na malayang nakapagpapasya nang may katatagan. Naipasok din ang teoryang Sosyolohikal sa pagpapakita ng kultura at tradisyon ng ating lahi sa tulong ng mga inisa-isang kaugalian sa pagpapakasal. Napalaki ng mag-asawa ang kanilang mga supling na may mataas na pagpapahalaga at paggalang sa kapwa at mahusay kumilala ng tama at mali sapagkat mismong ang kanilang mga magulang ay nagsilbing huwaran. Batid nating lahat na kahit iba-iba ang mga tao. kung ano man ito. kaibigan. TEORYANG PAMPANITIKAN… Realismo…Naturalismo…Pemenismo…Humanismo… Sosyolohikal… ang limang teoryang pampanitikang pinaglaruan ni Liwayway Arceo sa nobela. Nasilayan ang panggagantyo ng lasenggero. ang kagustuhang ito ay malamang hindi usapin sa bansang mapuputi ang mga tao. Maari nating makita ang ating sarili bilang isang karakter sa nobela. Pinalabas naman ang mga di kaaya-ayang senaryo o mistulang pagiging kagubatan ng pamayanan. kamg-anak at kakilala na nakasalamuha ng pamilyang Cruz. paglimot at pagtalikod sa pananagutang magbayad ng pagkakautang. parokyano. Mahal na Araw at Bagong Taon. Ngunit kung pag-aaaralan naman nang pabahagi.malirip ang nobela at maghahatid ng kritikal na realisasyon sa makababasa. ang pagka naturalismo sa pamamagitan ng mga kapitbahay. uusbong ang iba pang dulog pampanitikan. hinuhubog pa rin ng lipunan ang kanilang kaisipan. naisisiwalat ang saloobin nang tuwiran. paglaki ng ulo ng dating mahirap kasabay ng pagunlad at siyempre pa ang hindi pagtanaw ng utang na loob sa mga taong naging kaantabay sa panahong nakalublob ang paa sa putikan. iyan ay ilan lamang sa mga kalakasang kanyang ipinamalas bilang isang Eba. Ang mga ito ay magkakakapit-kamay na nagpasining sa nobela. tanging ang bumasa ang makaaalam. Nariyan ang humanismo kung ang mga paniniwala at gawi ng mag-anak na Cruz ang isesentro. Kung susuriin ang mga pangyayari mula simula hanggang katapusan. Tinitingnan ng mga sosyolohista ang pangkalahatang pattern sa pag-uugali ng mga indibidwal na kasapi sa lipunan.

Remy. partly. Fred at Vic. ito ang tinatawag nating istilo sa pagsulat na natatangi sa manunulat. Leonardo. Sa umpisa siya ay isang guro na ipinagpalit ang propesyon nang masubaybayan ang pamilya. Datapwat ang istilong ito ang dahilan ng pagiging kabagot-bagot ng pagbabasa at kawastuhan ng paghihinuha ng mga posibleng maganap sa susunod na kabanata. Sa nobelang ito. tsuper.Sa positibong panig naman ay nagpaningning nito ang pagiging payak ng nobela. Sina Tinoy. pinagyaman niya ang bagong karera na nagdala ng swerte sa pamilya. manlangis. pagboto. kilos. Fidel. Sistematiko o kronolohikal na inilahad ang mga pangyayari mula sa pag-uumpisang magtatag ng pamilya ng mag-asawang Tinoy at Remy. bata de baño. Ismael. Sa pag- . birthday. pakikibaka sa agos ng buhay hanggang sa pag-abot ng ginto sa dulo ng kanilang bahaghari. pampanitikan at hiram na mga salita at sandamakmak na karaniwang salita. Arsenia. Ang kadahilanan marahil na may-akda sa pagsasama ng mga ilang pormalidad ng wika ay upang susugan ang kalagayang pangkabuhayan ng pamilya. Si Remedios Cruz o Remy ay maitutulad sa isang bulaklak na kalaunan ay namumulaklak. ang pagbabago ng panahon at paglimot sa mga taal na salitang Filipino. pag-aaruga sa mga anak. MGA TAUHAN… Susi sa ikaririkit ng akda ang mga tauhang nagsisiganap sa akda. ang tauhang lapad at tauhang bilog na maaaring ilarawan ng madula o tuwiran. kumbensyonal ang balangkas na sinandalan ni Arceo. Samantala ang mga salitang pinili ay pinaghalo-halong kaunting balbal.ISTILO NG MAY-AKDA… Napapatanyag ang manunulat hindi lamang sa nilalalaman ng kanyang inakda kundi pati sa kanyang pagbubuhol ng lubid ng mga pangyayari. Nenita. Tata Ponso. memo. Ngunit ang wakas ay nagbabadya na maari pa itong dugtungan. sorry. Masisilip sa mga pananaw. shop. Binuo niya ito sa 31 maiikling kwento o kabanata. dalagang-ina. pakikitungo at desisyon ng mga tauhan kung anong uri sila ng karakter. Baby at June (Pamilya Cruz) ang mga pangunahing-tauhan samantalang sina Aling Tale at Sela. doktor.Ang ilan sa mga ito ay samahan. opisina. kung gayon siya ay isang tauhang bilog. Di nagtagal upang makatulong sa kabiyak naging isang modista. ka-gang. ubra at ekstra. Mely. areglo. Mayroong dalawang uri ng tauhan ang binubuhay ng mga manunulat.

Samantala si Faustino Cruz o Tinoy ay maihahambing sa gulong na nanatili ang pagkatao sa gitna ng pagbabago. Kapwa nagkaroon ng kani-kaniyang pamilya ang dalawa at maipapalagay na paparis sa ginawang pagpapalaki ng mga magulang. Ang mga pantulong na mga tauhan ay hindi lubusang naipakilala sapagkat wari silang mga hangin na dumaan lamang kayat mahirap tukuyin kung sila ba ay nabibilang sa mga tauhang lapad o bilog. ang mga mag-anak na Cruz ang pinamayagpag ng may-akda at nagawa ito sa pamamagitan ng mga kasamang mga tauhan. nariyan ang pagtatalo ng magasawa at nina Remy at Tinoy sa iba pang tauhan at may parte rin kalaban nila ang kanilang sariling damdamin. Sa usapin naman ng uri ng tunggalian. . Nakahihigit ang una sa huli. Hindi siya perpektong tauhan na ipinamalas sa pagkakaroon niya ng mga “mood swings”. kahit na simpleng kawani lamang pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral hanggang maging ganap na Certified Public Accountant. Tahasang masasabi na ang dalawa ay parehong tauhang lapad. siya ay palabiro pero sa kabila nito naroon pa rin ang pagiging mapanindigan nang ipilit niyang kunin at tapusin ang kursong Narsing. siya’y mabuting asawa na pumapawi sa mga agam-agam ni Remy at ama na sumusporta tuwina sa mga kagustuhan ng mga anak. ang tao laban sa tao at tao laban sa sarili ang kisangkapan ni Arceo. Sa kabuuan. Siya ay mapangarapin. Magkataliwas man ang pag-uugali ng mga anak ng mag-asawang Cruz na sina Baby at June ngunit hindi maitatatwa ang pagiging masunuring anak nila na hindi nagbigay ng sakit sa ulo sa mga magulang. Tinanggap na niya ang pagbabagong nagaganap sa kanyang paligid tulad noong magdiwang silang mag-asawa na Bagong Taon na din na kapiling ang dalawang anak gayun pa man may pagkakataong hindi rin mapapasubalian ang pagpapahalaga niya sa ilang kaugaliang Pilipino gaya ng taasang pagpuna sa maling pangingiling tuwing Mahal na Araw. Sa isang banda ang bunsong si June naman ay hindi kasing seryoso ni Baby. Sa madaling salita. Ang panganay na si Baby ay malakas ang loob.akyat ng aksyon sa nobela makikita ang pag-unlad o pagmamature ng pagkatao ni Remy. mag-isa siyang nagtungo sa Amerika upang magkaroon ng katuparan ang kanyang pag-ibig at matapos ang kanyang pagaaral. Likas na mababa ang kanyang kalooban na madalas mauwi sa panloloko sa kanya ng ibang tao tulad nina Pepe at Fidel. kayat isa siyang tauhang lapad.

Narito ang mga pagpapahalagang pinalutang sa bawat kabanata:                 Pagkapit sa edukasyon upang maiangat ang kalagayan ng buhay Pagsisi sa mga pagkakamaling nagawa Pag-unawa sa pagkukulang o kamalian ng kapwa Pagtanggap sa pagbabago at pagiging bukas ng komunikasyon Pagpapaunawa sa anak ng kahalagahan pagtanggap sa kalagayan pangkabuhayan Pagkakaisa ng magkakapit-bahay at pagkakaiba ng mga tradisyon Pagdiriwang ng pista Pag-iwas sa pagpapatayog sa sarili. Ipinimalas nito ang tungkuling ginagampanan ng pamilyang Pilipino sa lipunang kanyang kinaaniban.URI NG NOBELA… Maliban sa aliw na natatamasa sa nobela. Ang kathambuhay na ito ni Liwayway Arceo tungkol sa karanasan ng mag-anak na Cruz ang magmumulat sa mga Pilipino sa isang lipunang may karamdaman. Ngunit sa pangkalahatan. Ang nobela ay mauuri na nobela ng tauhan kung itutuk ang paggiyagis sa pagkatao ng mga tauhan lalo pa nga’t sa mag-anak lamang nahinog ang mga pangyayari sa akda. May bahagi rin namang maromansa na naglalarawan ng pag-ibig ng mga anak ng magkabiyak na Cruz. pananatiling mababa sa gitna ng kaunlaran Pagbabahaginan ng karansan ng magkakapamilya Pagtanggap nang mabuti sa mga panauhin Pagpapaubaya sa mga anak na bumuo ng sariling kapasyahan at paggalang sa mga ito Paghahanda sa pagsisimula ng pamilya ng anak Pagkakaiba ng seremonyas ng pagkakasal Pag-anib sa isang samahang tumutulong sa kapwa Pagpapakita na anumang malabis ay hindi tama Pagkakaroon ng transpormasyon ng tao . higit sa ano pa man ito ay magsisilbing talaaralang kinapapanutuhan ng buhay. hindi mapapasubaliang ito ay nobelang malayunin. Pinagsaliw nito ang makabago at makalumang paraan sa paghubog ng isang pamilyang matatag at maipagmamalaki.

Nagaganap ang panlililang sa kapwa. . Kaya naman ang nobelang ito ay hindi pa nagwawakas. pananaw at saloobing naipunla ng mga sinaunang kapamilya na ipinamana sa mga sumunod na salinlahi. pagiging matayog o materyoso. nakapangyayari ito dahil na malawak na pang-unawa ng mga ina at magaan naman na kalooban ng mga ama. Mataas ang antas ng pananagutan ng bawat pamilyang Pilipino na mauugat pa sa mga paniniwala. Bilang panapos mawiwikang ang pamilyang Pilipino pati ang kanyang lipunan ay hindi perpekto. ang kaibhan ng mga kabataan ngayon at ang nakangiting pagkaway ng pangingibang bansa na sinasabing dulo ng katagumpayan. Kasabay nito ay ang panibagong isyung kinakaharap ng pamilyang Pilipino. ang maling sistema sa halalan at kawalan ng pagpapahalaga ng iba sa kung ano ang tama at mali. maraming kabulukang makikita sa pamayanan o lipunang ginagalawan ng mga Pilipino. kaugalian. Ang tipikal na pamilyang Pilipino ay matatag ang bigkis. Ngunit gaya ng ibang lahi.        Paggunita sa mga taong naging karamay sa hirap Pagiging dayuhan sa sariling bayan Pagpapakita ng tradisyon sa paglilibing Pagkakaroon ng bulok na sistema sa eleksyon Pagkakaiba ng mga kabataan noon at ngayon Pagrespeto sa dating tradisyon at pagbuo ng bago Paggalang sa tradisyon sa kasal at Mahal na Araw Paglisan at di paglimot sa sariling bayan KONGKLUSYON Ano ba ang isang tipikal na pamilyang Pilipino? Gaano kayaman ang lahing Pilipino pagdating sa kultura at tradisyon? Ano-ano ang mga kahinaan ng mga Pilipino? Paano ba ang pamumuhay ng mga Pilipino? Ang lahat ng ito ay malinaw na nasagot sa nobela.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->