You are on page 1of 13

MABANGIS NA LUNGSOD

Kwento EFREN R. ABUEG

Sa tabi ng simbahan ng Quiapo may isang batang palaging nagpapalimus sa mga tao.Siyay galit sa mga taong nandidiri at kinukutya sa kanya.Sa kanyang tabi ay kasama niya si Aling Ebeng sa simbahan na isang pilay na nagmamalimus rin. Silang dalawa ay ginagamit ni Bruno para pagkakakitaan siyay isang sigang tao na lahat ay takot sa kanya.ang ipinalimus ni Adong at ni Aling Ebeng sa ibinibigay kay Bruno.Nang si Adong ay nagugutom dahil sa lahat ng kanyang pera ay napunta kay Bruno ay pilit niya itong iniiwasan, nang nakita niya si Brun ay tumakas siya,pero sa kasamaang pala nahuli siya at pagkatapos nito ay nalaman niya na walang pakialam ang lungsod sa kanya.

Teoryang Pampanitikan:
HUMANISMO

MABANGIS NA LUNGSOD
EFREN R. ABUEG

Sa simbahan ng Quiapo ay may isang batang pulubi nagngangalang Adong siyay musmus pa lamang at walang pakialam tungkol sa buhay.Sa kanyang tabi ay may kasama siyang matanda at iyon si aling Ebeng isang pilay at parehong nagmamalimus din.May isang taong kinatatakutan nila,si Bruno isang sigang tao na na ginagamit sila para pagkakakitaan. Sa tabi ng simbahan ay galit si Adong sa mga taong nadidiri sa kanya at siyay kinukutya pa.Gutom na gutom si Adong nang kinalog niya ang kanyang pera ay nahulog ito at pagkakita niya ay nandoon si Bruno na galit at pilit niya itong tumakas para hindi siya makita nito,pero sa huli ay nakita siya at nasaisip ni adong na parang ang Diyos ay walang pakialam sa kanya.

BANAAG AT SIKAT
(NOBELA)

MAY AKDA: * LOPE K. SANTOS TEORYANG PAMPANITIKAN: * EKSISTENYALISMO MGA PATUNAY SA BAHAGI NG NOBELA 1)KAGANDAHAN NG NOBELA: * makatotohanan 2)KAGALINGAN NG NOBELA:
*may-aral *madaling unawain *angkop sa mga mag-aaral

* matalinghaga

3)KABULUHAN NG NOBELA: *nangangaraL 4)ARAL NG NOBELA: Maging mabuti sa kapwa maging ano man ang katunayan sa buhay. 5)MENSAHE NG NOBELA SA MAMBABASA: Ang tagumpay ang nais ng lahat 6)KAISIPAN NG NOBELA: Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagkamit ng tagumpay *napapanahon

LOPE K. SANTOS

Ang buod ng Banaag At Sikat at lumiligid sa mga paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay isang anak ng mayaman sa kanyang pagkamuhi sa mayayaman,dito tumibay ang kanyang pagiging anarkista.Hindi niya kasi nagustuhan ang pagpapalakad ng mga mayayaman.Hinangad niya n asana mawala na daw lahat ng mga hari at ang lahat ay magtatamasa ng lubos na kaginhawaan ng buhay. Si delfin ay isang mahirap.Siyay hindi anarkista kundi isang sosyslista.Hindi niya gusto na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe,tutol din siya sa paraan ng pagpapalakad ng pamahalaan.Si Don Ramon ay isang taong mayaman at anak niya si Meni na nagging asawa ni Delfin.Kahit pumayag man siya sa dalawa,hindi nawala sa kanya ang kahihyan kung kayat siyay tumulak sa ibang bansa.Ngunit isang araw nalaman na lang nilang mga kaanak na siya daw ay piata.Maging sa huling hantungan dala-dala pa rin ng mayamang pamilya ang ugali ng karangyaan. Sa libingan ay naiwan ang magkaibigan,nag-usap sila at nagpilitan ng mga opinion at paniniwala. Teoryang pampanitikan:
EKSISTENYALISMO

MABANGIS NA LUNGSOD
KWENTO

EFREN R. ABUEG
May isang bata na pulubi nangangalang Adong.Katabi niya Simbahan si Aling Ebeng at si Bruno naman ang sigang iniiwasan ni Adong. Gabi na ng umulan sa simbahan nagsisitakbuhan ang mga tao habang si Adong ay nagugutom at parang naiinis sa mga taong nandidiri sa kanya. Kumain siya at napawi ang kanyang kumakalam na sikmura, nang kinalog niya ang kanyang bulsa kung may laman kung mayroon pang natitira sa kanyang pera. Nahulog ang pera ni adong ng pinupulot niya ito ,nakita naman ni aling Ebeng si Bruno. Tinakbuhan ni Adong si Bruno ngunit nahuli siya nito napilitan siyang ibigay ang pera niya at naramdaman niyang walang pakialam ang diyos o ang lungsod sa kanya.

Teoryang Pampanitikan: HUMANISMO


SA PULA SA PUTI
Dula

FRANSICO SOC RODRIGO

Sa bahay nina Kulas at Celing na malapit sa sabungan sa panahong kasalukuyan ay pinagtatalunan nila ang mga grasya o disgrasya ng mga paniniwalang palatandaang panaginip ni Kulas.Na ang una ay ahas na numero 8,kayat pintakasi nitong sa ika-8 ng Pebrero magsasabong ngunit siyay natalo muli.At ngayon naman ay hinabol siya ng puting kalabaw na pinagpipilitang pera ang ibig sabihin.Nang narinig ni Kula sang hiyawan ng sabong ay pilit ibinigay ni Celing ang pera para magsabong muli. Inutusan ni Celing si Teban na mahina ang ulo upang pumusta sa kalaban ni Kulas ng patago,upang matalo si Kulas ay nanalo naman si Celing. Nang natapos ang sultada,tumakbong pauwi at ibinigay ni Teban ang nanalong pusta kay Celing.Isinusumpa ni Kulas na hindi na siya magsasabong muli. Nagkataong pumunta ang kaibigan ni Kulas na si Castor na nagsabing magsasabong muli si Kulas,tinuruan din niya si Kulas ng pandaraya sa pamamagitan ng paglagay ng karayom sa saring tinali upang matalo itot lihim na pagpusta sa kalabang manok. Nang umuwi na si Celing galing sa tindahan ay hiningan ito ni Kulas ng pera na nangangahalagang dalawangpung piso (na malaki na sa kanila noon). Nangako siyang ito na ang huling pagsasabong niya at ipinatestigo pa niya si Sioning na pakakatay niyang ang lahat ng kanyang mga tinali.Tulad ng datiy nagpusta si Celing kay Teban ng parehong halaga sa kalabang manok.ngunit hindi nag-alala si Celing sapagkat matalo man siya ay dehadong panalo naman si Kulas.Pero si Kulas ay nagsisisi kung bakit naniwala pa siya kay Castor at siyay natalo muli.Dahil dito ay nagkabukingan na sila ni Kulas at si Celing,nagtataka si Kulas na pagpilitang nanalo siya na hindi naman. Pinagdudahan nila si Teban na kumuha ng pera na umaming pinataya siya ni Celing sa kalabang manok ni Kulas at natalo.Laking pasasalamat ni Celing na sa wakas ay hinding-hindi na si Kulas magsasabong muli,at ipinaihaw ni Celing ang lahat ng tinali ni Kulas na makon.

TATA SELO

Kwento

ROGELIO R. SIKAT
Sa isang istaked ay pinagkakaguluhan nila si Tata Selo dahil sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo ito. Nagawa iyon ni Tata Selo dahil sa kadahilanang pinaaalis siya nito ni Kabesang Tano, pero siyay tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo dahil sag alit ni Tata Selo ay napilitan niyang tagain ang Kabesang Tano. Ipinaliwanag niya ang trahedyang nagawa niya sa isang batang lalaki na anak ng pinakamayamang propitaryo. Nang makalawang araw, dumalaw ang akanyang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insidente.Naisip na lang ni Tata Selo na pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kanilang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig ang ama nito. Hindi na lang inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat

Teoryang Pampanitikan:
SOSYOLOHIKAL

Namalengke si Aling Marta dahil sa pagtatapos ng kanyang anak sa sekandarya.Habang siyay nasa palengke bigla siyang binunggo ng isang bata.Nawala agad ang kalupi ni Aling Marta,at pinagbintangan niya ang bata na inakala niya nasa bata ang kanyang kalupi. Nang nakita ni Aling Marta ang bata ay dinala niya ito agad sa presinto,pero sabi lamang ng bata na wala sa kanya ang kalupi ni Aling Marta dahil namimili lamang siya ng pagkain para sa kanilang pananghalian.Biglang tumakbo ang bata at nabundol ito ng isang sasakyan.Sabi ng bata sa huli niyang hininga Kahit kapkapan niyo pa ako wala pa rin kayong makikitang kalupi.

ANG KALUPI

BENJAMIN P.PASCUAL
Mataas na ang araw at namalengke si Aling Marta upang may pananghalian sialng mag-anak,dahil ito ay isang di pangkaraniwang araw para sa kanila dahil ito ang araw ng pagtatapos ng kanyang anak na babae sa sekandarya. Habang namimili si Aling Marta ay biglang humahangos ang isang batang lalaki at ang nataan si Aling Marta sa dibdib ng siko ng bata at bigla niya itong pinagalitan.Habang si Aling Marta bumibili ay nalaman niyang nawala sa kanya ang kanyang kalupi.Naisaisip ni Aling marta na ang musmusing bata ang kumuha ng kanyang kalupi dahil binangga ito sa kanyang dibdib,dali-dali siyang tumakbo palabas upang hanapin ang bata,maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liigat tiyakan ang kanyang pagsasabi na ang musmusing bata ang kumuha ng kanyang kalupi.Ninais ng bata na tumakas sa kamay ni Aling Marta at nang nabigyan siya ng pagkakataon ay bigla siyang tumakbo palabas ng presinto at itoy hinabol ng pulis at ni Aling Marta pero sa di inaasahan ay nabundol ang bata ng isang sasakyan. Tanghali na nang nakauwi si Aling Marta sa kanilang bahay ngunit sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa na tinatanong kung saan si Aling Marta kumuha ng pera para sa kanyang ipinamili at sinagot naman ito ni Aling Marta saan pa kundi sa aking pitaka,pero ang pitaka ni Aling Marta ay naiwan sa kanialng bahay ,dahil kinuha ito ng kanyang asawa pero nakalimutan niya itong isuli.

Namamalengke si Aling Marta upang mamili ng pananghalian ito ay hindi pangkaraniwang araw ng mag-anak dahil ito ang pagtatapos ng kanyang anak sa High School.Habang namimili nito ay biglang nabunggo siya ng isang batang lalaki na tumama sa kanyang dibdib. Nang bumili na si Aling Marta ay biglang nawala ang kanyang kasiyahan sa kanyang mukha ito pala ay nawala ang kanyang Kalupi,nag-iisip siya ng ilang minuto at biglang napasok sa kanyang isipan ang batang lalaki na nabunggo sa kanya.Hinanap niya ito at binatak sa liig ni Aling Marta.Pumunta sina Aling Marta sa presinto kasama na ang batang lalaki,pilit niyang pinaamin ang bata na siya ang kumuha ng kanyang pitaka.Pero tumakbo ito at nabundol.Nasaisip ni Aling Marta ang nabundol na bata nang malaman niyang ang kanyang kalupi ay nasa asawa pala niya.

BANAAG AT SIKAT

Nobela LOPE K. SANTOS


Ang nobelang ito ay nagsasaad ng adikain ng dalawang magkaibigan sina Delfin at Felipe.Si Felipe ay isang anak ng mayaman, dahil sa kanyang pagkakamuhi sa pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito ay itinalikod niya ang kayamanan nito.Siyay pumasok bilang isang manggawa at nanligaw sa isang mabait na dalaga na si Tentay.Samantala siyay nakatira sa bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon.Ang paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman ay ang mababang pagtingin sa mga mahihirap at pang-aapi niya sa mga pinamumunuan ay talagang ikinamuhi ni Felipe sa lahat ng mga mayayaman at ipinagpatibay niya ang pagiging anarkista. Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng taoy magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.
Si Delfin naman ay hindi isang anarkista kundi sosyalista,pero hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan katulad rin k ay Felipe,si Delfin ay tutol din sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Siyay isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang itoy daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo .
ANG KALUPI Akda: BENJAMIN P. PASCUAL

Teoryang Pampanitikan: FORMALISMO Uri :KWENTO SA PULA SA PUTI Akda:FRANSISCO SOC RODRIGO Teoryang pampanitikan:EKSISTENYALISMO URI:DULA BANAAG AT SIKAT Akda:LOPE K. SANTOS Teoryang pampanitikan:EKSISTENYALISMO Uri:NOBELA MABANGIS NA LUNGSOD Akda:EFREN R. ABUEG Teoryang pampanitikan:HUMANISMO Uri:KWENTO

TATA SELO
Akda:ROGELIO R. SIKAT Teoryang pampanitikan:SOSYOLOHIKAL URI:KWENTO

You might also like