You are on page 1of 10

UNANG BAYTANG 2. Anong Klaseng Klase yan?

By mgakwentonijuantamad Nakapangalan ang seksyon namin dati sa isang puno, ang tawag ay Narra. Hindi ko alam kung bakit ako napabilang doon, siguro kasing tigas ng ulo ko ang kahoy. Ka pag nasa mababang baytang ka palang ay mga kulay naman. Tulad ng kinder red, pre p green at kung ano ano pang kulay ng bahaghari. Ang sumunod ay mga bulaklak, ha nggang umaabot ka sa seksyon ng puno kung nasaan ako ngayon. Kanya kanyang pwest o ang lahat. Sa una labo-labo muna kung saan ka uupo. Syempre ang pinili ko ay b andang likod at isang upuang makinis-kinis pa, dahil mahirap magsulat sa baku-ba ko. Alam ko kaagad kung sino talaga ang mga likhang mabait at sisipsip, dahil si la ang nakaupo sa harap. Ang mga pilyong mag-aaral dati ay nasa likod, alam mo k ung bakit? (1) Para makapagtago kapag magtatanong ang guro (2) pag-inaantok (3) pag-gustong ngumuya ng tsitsirya (4) paggustong magdaldalan, at (4) para malayan g makakopya. Hindi ka kasi halata sa likod, kaya unting tungo lang ay parang bak anteng lote na. Ang una kong ginawa pagdating ng guro ay nagpaalam akong umihi. Nilibot ko muna ang ikatlong palapag para alam ko kung saan ang pinakamalapit na palikuran. Ngayon ko lang nasaksihan ang palapag na ito. Sa baba kasi, ang tand a ko, magkasama pa ang lalaket babae at pinto lang ang pagitan. Ngayon ay hiwalay na dahil tinutubuan na kami ng malisya at balahibong pusa. Ang pinagtataka ko l ang ay bakit naiihi at natatae ang ibang mag-aaral sa salawal nila. Hindi ba nil a nararamdaman pagtinatawag sila ng kalikasan? Mahihiya ka pa ba kapag sumisilip na ang tubol o kaya lumalamig na ang paligid kahit mainit naman? Minsan lang na ngyari sakin yun, kasalanan din ng guro. Nagpaalam ako sa kalagitnaan ng klase p ero pinagalitan pa ako at pinaupo. Kaya hindi ko na matiis at nagpasabog ako ng lagim sa klase. Pinamukha kong kasalanan ni Ginang! Pagbalik ko, isa-isa ng nagpapakilala ang mga bagong mukha. Naglalakihan pa ang plaka namin ng pangalan, aakalain mong gurang ang babasa. Wala munang itinuro sa unang araw, panay pagpapakilala lang at kung anong trabaho ng magulang mo. Yun ibang guro ay di pa pumapasok at may latak pa ata ng bakasyon. Ito na ang pagkak ataon para makilala namin ang isat isa. Lahat ng makilala ko ay may bansag nakulan got, tababoy, putok, kuneho, noo, uling, panot, kulot, galis, haba-baba, bakat, unano, komang atbp. Sumapit na ang recess. Tumuloy kaagad ako sa kantina at unahan kasi ang mga bata , yumayanig ang sahig sa tuwing magtatakbuhan ang mga anak ng tupa at naghihiyaw an pa ang mga patay gutom. Isang baso ng sabaw ng buko at sikat na banana-Q ang merienda ko. Pagtapos ay diretso nako sa palaruan. Maraming naglalaro, lahat sil a ay madudungis na. Halos kainin ng kalawang at lupa ang mga uniporme nila. Hind i man lang kasi malinisan ang siso at baras kaya nagbabadya ang tetano. Buti wal a pang naninigas ang bagang. 3 mga puna | posted in Nobela ni Juan

Enero 9, 2009 UNANG BAYTANG 1. Pasukan na Naman By mgakwentonijuantamad Alas sinko na ng umaga. Ang unang halimuyak na bumungad ay ang ginigisang bawang sa kusina. Rinig ko rin ang tilamsik ng mantika at depihit na radyo habang si n anay ay naghahanap ng estasyon ng nagbabagang balita. Wala pa ako sa ulirat para bumangon, pinapanalangin kong makulimlim ang umagat may sumalantang bagyo para h indi matuloy ang unang araw ng klase. Inakala kong kulog ang bawat hakbang sa ka hoy naming hagdan. Paakyat na pala siya, para gambalahin ang kaluluwa naming mag kakapatid. Para kaming mga sundalong bumangon at sumaludo sa heneral. Sapilitan pa kung sino ang una saming maliligo para makahandusay pa sa upuan at makaidlip ng ilang minuto. Ako ang panganay kaya ang pinauna ko ay ang bunso. Ang malala a y biglang bumusina ang school bus, kaya kailangan magmadali. Kaya napilitan akon g maligo sa labahan namin na saksakan ng lamig. Mali ang diskarte ko, kaya bawat buhos ng tabo ay may kasamang hiyaw na parang taong gubat. Paspasan lahat ng ki

los, pati almusal namin ay parang lamutak ng hayop. Isang kuskos lang ng sipilyo sa ngipin at ayos na! Bitbit ko ang bag kong mas malaki pa sakin, baunan kong m ay sabaw sabaw pa at coleman. Sabay karipas ng takbo sa nag-aabang na sasakyan. Sa loob ng school bus, bawal pang umupo ang maliliit na bata malapit sa pinto at baka daw mahulog. Kaya sa gitnang bangko kami umupo. Kung sardinas lang kami, s ulit kaming delata dahil siksik sa laman at katas ng pawis. Tahimik ang lahat na parang bagong saltang preso. Ang iba ay kandong pa ng nanay. Ang ingay lang na maririnig mo ay hikab at kalampag ng kundoktor sa gilid ng sasakyan na parang lu malambiting unggoy. Yan na, nag-iiyakan na ang mga bata sa harap ng gate. Hindi ko alam kung kinakab og silang pumasok o talagang nakakatakot lang yun babaeng gwardya na parang ward en. Nagpapasama pa sa loob ng klase ang iba, pero ako hindi ako papadala ng tako t. Ang nagpapasama lang sa loob ay mga iyakin! Ayaw kong maging sentro ng panlal ait at panunukso. Kaya humalik nako kay nanay at pumasok na sa loob. Sa unang pa lapag ang Grade 1 kaya tumuloy nako sa ikatlong palapag. Aakalain mong sementery o ang bawat silid aralan dahil tahimik lahat ng estudyante at hindi pa magkakaki lala, dahil ang ibang magkakaklase dati ay hindi na ngayon magkakasama. Halos la hat ay nagkakapaan palang ng ugali pero malakas ang kutob kong mga demonyitat dom inyitong nagbabalat kayo ang iba. Isa nako sa mga nagpapanggap. Mag-iwan ng puna | posted in Nobela ni Juan

UNANG BAYTANG 12. Tuli By mgakwentonijuantamad Pinagdadaanan lahat ito ng nagbibinata. Ito ang pinakamaselang usapin sa element arya noon kahit hanggang ngayon, maliban pa sa regla na para naman sa nagdadalag a. Pero isa ito sa mga kinakatakutan, dahil maaari kang maging laman ng tuksuhan na supot. May nagbabadyang sapakan sa likod ng simbahan kapag nagkapikunan. Ang m asakit lang ay kahit mabasag mo ang panga ng mapanglait na kamag-aral, supot ka parin. Madalas ay nagkakasilipin pa ng patutoy para lang mapatunayan sa korte na tuli ka nat mapawalang sala. Pagnabanggit na sayo ng tatay mo na oras ng magpaka lalaki ay binabalot ng dilim ang paligid at bigla kang manlalamig. Pero kailanga n harapin ni manoy ang madugong kapalaran. Kailangan matalupan ang balat para du mungaw ang bumbilya, dahil ito lang naman daw ang masakit na bahagi ng pagbibina ta, ang mga susunod ay maryang palad nat pagsundot ng tahong. Kaya tumuloy na kam i ng ospital para kilalanin ang tagahiwa. Habang nasa daan ay binahagi sa akin ng tatay ko ang primitibong pagtuli. Sa pro binsya kasi ito naganap at labaha lang ang uso noon, wala pang Oplan Tuli ang mga barangay. Ito ang eksenang rumolyo sa mapaglarong kaisipan ko.

Ito ang sukatan ng tapang noon ng mga bagito. Kung magtatago ka ay baka magbinat a ka ng nangungunat ang balat. Baka lagari na o palakol ang gamitin sa malatsits aron mong manoy. Ang malala ay baka mamuo pa ng kesong puti at laging mangamoy. K upal ang tawag dito, na nausong bansag sa taong nuknukan ng sama ang ugali. Pagda ting sa ospital, ay buong tapang ko na hinarap ang mga gunting at karayom ng pan gpamanhid. Napag-isip isip ko, mapalad parin ang katayuan ko ngayon kung ihahamb ing sa pamamaraan dati. Baka kailangan pa nila akong igapos para hindi magwala s a sakit, kirot at hapdi. Halos dalawang linggo rin ang nilagi ko sa bahay na suo t lang ang daster ni nanay habang paika-ikang maglakad. Ilang dahon din ng bayab

as ang pinitas at pinakuluan para ipanghugas. Ingatan mo lang madungaw ng dalaga , dahil may kasabihan na baka mangamatis ang bumbilya. Mag-iwan ng puna | posted in Nobela ni Juan

Hunyo 11, 2010 UNANG BAYTANG 11. Ligawan By mgakwentonijuantamad Pasok dito, labas dyan. Mabilisan na ang lahat ngayon. Ayaw mo? Di wag, marami dyan ang papayag. o kaya naman Gusto mo ko, di tayo na! Hindi na uso ang kilig, bakit? D ahil nalimot na natin ang kahalagahan ng maliliit na bagay. Tulad ng harana (sin o ba namang tukmol ang magngangawa ngayon sa silid ng bintana tangan ang gitara? ), liham ng pag-ibig, yakap, hawak kamay at nakakalusaw na titigan. Nilamon na k asi tayo ng libog, yan ang kaakibat ng relasyon ngayon. Pero hindi dati. Maramin g paraan kung paano suyuin ang napupusuan. Sa paaralan, Recess noon, kasama ko ang kaibigan kong si Don, Floyd at iba pang tropa. Naparaan kami sa kantina at napatigil sa kagandahan ni Luisa. Kayumanggi, matangkad na dalagita, pwede nga akong buhatin at iwasiwas. Nataranta tuloy ako ng matitigan, namula at umiwas. Gusto ko mang kilalanin pero hindi pa ito ang t amang oras at baka mabulol lang akoaaeh! Uso pa noon ang liham ng pag-ibig, wag mo n ga lang lalagdaan dahil may dapat na proseso yan kung kelan, paano at saan. Kumb aga ililihim mo muna ngayon. Dapat itago mo ang iyong pangalan sa isang palayaw o kaya naman ay unang letra ng pangalan mo. Guguhitan mo pa yun ng may iba-ibang kolorete. Kaya ang ginawa ko, nagnakaw ako ng stationary sa kapatid kong babae . Babae lang kasi meron noon, binabae ka pagnangongolekta ka ng papel na mabango . Ang ganap na lalake, ninanakaw lang yun pagkailangan. Ang sulat dati ay parang sining, pinag-iisipan bago mo ilapat ang humahalimuyak mong papuri. Dito mo nga yon ilalagay ang saloobin mo. Ipapaabot mo ito ngayon sa kalapit niyang kaibigan o kaya naman ay kamag-aral. Inuukit pa nga namin sa lamesa ang pangalan ng naii bigan, kaya ayan, bako-bako! Ang tagyawat ay malapit sa mukha ng taong humahanga . Ang susunod na hakbang, kukontsabahin mo ngayon ang isang kaibigan na babae na m ay slam book. Ipapasulat naman ngayon kay Luisa yun para makita ko kung anong hi lig niya na kulay, pagkain, pasyalan, pananaw niya sa buhay at pag-ibig, opinyon , tipong lalake at kung ano-ano pang kabalbalan. Ibabase mo na ngayon ang panlil igaw mo sa gusto niya. Panis! Puntos muna ngayon. Mahal ang rosas at hindi pa kaya ng sampung piso kong baon. Kaya ano ang solusyo n? Mamitas ng bulaklak ng santan, syempre sasabayan mo narin ng unting sipsip at matamis kasi ang katas ng tangkay. Ipapaabot mo ulit yun, hayaan mo muna siyang kiligin at magtaka kung sino ba ang kanyang lihim na tagahanga. Sa gitna ng kla se, magpapalusot ka ngayon na iihi ka. Tsaka ka dadaan sa silid aralan niya at t atanawin kung nandoon ba ang dilag. Pagsumulyap, kulang nalang ay maglupasay ka sa paraiso! Pagpadpad ko sa palikuran, susulatan ko yun bungad na pader ng pangalan niya. Ba duy? Paano mo masasabing baduy, yun nga ang uso noon puta. Pag-uwian na, syempre maglalaro muna ang lahat bago umuwi, dito ka ngayon magpapasikat. Ipapakita mo na ikaw ang hari ng agawan base, sipa, langit lupa, atbp. Kaya malupit ang pagsa sanay namin noon para mapahanga lang ang dalagita. Palilipasin mo ang ilang buwan na paulit-ulit lang ang ganoong sistema. Wag mo ng a lang sosobrahan at ikaiinis na niya yun. Oras na para tanggalin ang maskara at ipakita ang tunay na anyo ng ginoong humahanga. Nakita ko si Luisa sa ilalim ng punot nagsusulat ng kanyang takdang aralin. Lumapit ako at marahang binigkas, Ako nga pala ang nagpapadala sayo ng sulat. Parang magigiba ang mundo sa lakas ng ka ba. Pinaupo niya ako ngayon sa tabi niya at sumagot ng ngiti. Alam mo na siguro ang ibig sabihin noon.

Pero hindi naging kami. Masyado pa kaming mangmang para pumasok sa relasyon. Ang nangyari ay isang kasunduan lamang na Uy wag kang magpapaligaw. (sabay hawak ng ka may) Ang hawakan ng kamay noon ay katumbas na ng laplapan ngayon. Maiihi ka sa k ilig. Lumipas ang ilang buwan at may nanuyo na sa kanyang iba. Masakit, pero bahagi ng kwento yun. Itoy pagsasanay lang sa susunod na baytangang Sekondarya. 2 mga puna | posted in Nobela ni Juan

Marso 9, 2010 UNANG BAYTANG 10. Bintana ng Kamalasan By mgakwentonijuantamad Sa kwarto naming magkakapatid, ugali kong gumuhit sa pader. Basta kung ano ang m aisipan, sige guhit lang! Mapang-akit sa mga bata ang makinis na pader at tubig baha. Kahit marumi, magtatampisaw yan. Akala kasi namin ilog na lumitaw sa gilid ng kalye. Para nga kaming mga tanga at gumagawa pa kami ng pamingwit, butete la ng naman pala yun nakikita namin sa kanal. Maulan noon, nasa labas kami ni Bukol at Tomtom. Naglalaro ng bangkang gawa sa t ansan ng litro. Sa kabilang paupahan ay may dalagitang lumabas sa pinto. Napatig il lahat ng bagitot napatitig sa kagandahan ng babae. Alam mo naman pagbata, tumi ngin lang sayo ang babae ay para ka ng itlog na pula. Lalo na kung ngingitian ka , hay langit! Madalang lang pala siya lumabas, simula noon, marami ng kalalakiha n ang nag-aabang sa lahat ng dako. Sa puno ng alatiris, sa bubungan at pader. Ak ala mo nga mga uwak. Masulyapan lang siya ay kumpleto na ang araw. Yun iba nga k ung makapagsalita ay parang inaangkin na si Lyca. Isa na roon si Bukol na madala s na sinasabi Pare, akin yun. Walang aagaw!. Ang tigas nga! Parang sila na. Pagna ndyan na bahag naman ang itlog. Pasikat ang lahat basta makita na namin siyang l umabas. Mga tsope naman dahil hindi man lang makalapit at walang lakas ng loob n a makipagkilala. Minsang nasa kwarto ako at binababoy ang pader, biglang may sumitsit. Alam mo na man ang bata, malawak ang imahinasyon kaya kinabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy may dwendeng gustong makipagkaibigan sakin, pero imbis na pangunahan ng ta kot ay minura ko ang paligid. Aba! Minura rin ako pabalik. Pagsilip ko sa kabila ng bintana ay hindi ko maaninag kung sino dahil nangingitim na sa alikabok at sa pot ng gagamba ang salamin. Hinamon ko ngayon ng suntukan yun bata at nag-amok n a sa labas ng kalye kami magkita para magbakbakan. Tumakbo ako ngayon palabas, p agsilip ko ay galit na nag-aabang si Lyca. Siya pala yun sumitsit sakin. Nagbose s lalake kasi kaya hindi ko nahalata. Magkatapat lang pala yun kwarto namin. Pag kakataon na sana para makilala ang dilag pero nasampal ako ng wala sa oras. Wala naman akong magawa dahil babae, alangan naman na sungalngalin ko? Ngayon ay isa na akong pusong sawi. Siya na sana ang magbibigay sa akin ng unang halik, napur nada pa ang puta! Nag-isip ako ngayon kung paano makabawi, kaya tuwing umaga, bago ako bumili ng p andesal ay inaabangan ko siya lagi sa kanilang pinto para humingi ng tawad. Sa h indi inaasahang pagkakataon, sa tabing bahay nila ay may bintana. May narinig ak ong umuungol. Isang ungol ng pakikipagtalik. Sino ba naman ang hindi sisilip di ba? Dumungaw ako at ang bumungad sakin ay ang pulis nilang kapit bahay na sarap na sarap habang nakapatanong. Sakto namang napatitig sakin si hepe, kumaripas ak o ng tabo kaya hinabol niya ako sa labas na nakatapis bitbit ang baril. Ang mala s nga naman pag-umatake! Tinutukan niya ako ng boga at nakatanggap pa ng mura. A yaw niya akong paniwalaan na hindi ako namboboso. Kinutongan akot binantaan. Namu mula na ako sa galit. Hindi ko naman siya mabanatan at baka hindi tumalab suntok ko. Kinaumagahan, nagdala ako ng pentel pen na iba-iba ang kulay. Maaga pa masyado a

t padungaw palang ang araw. Lahat ng galit ay iginuhit ko sa pintuan ng pulis. M ay larawan ng ari ng lalaki, tapos salitang Putang-ina mo na may iba-ibang kulay. Isang obra mo ngang matatawag. Sining na punong-puno ng paghihimutok at puot. Sa kto at sa tabing bahay pa nila ay may gripot hose. Binutasan ko ang screen ng bin tana, pinasok ko ng marahan ang hose at binuksan ang gripo, sabay takbo na! Basa ng basa ang loob ng bahay ng parak, at galit na galit itong lumabas paggising. N agtago muna ako sa bahay at hindi muna lumabas ng ilang araw. Mahirap na, baka m apaghinalaan. 4 mga puna | posted in Nobela ni Juan

Enero 28, 2010 UNANG BAYTANG 9.Pilyong Panganay By mgakwentonijuantamad Sumapit ang aking kaarawan. Syempre ikaw ang bida, kaya dapat gayak na gayak ka, kahit nasa bahay ka lang dahil magpupuntahan ang lahat ng kamag-aral mot kaibiga n. Naghanda si nanay ng pansit at kung ano-ano pang inihaw. Wala na ngang mapagl agyan sa hapagkainan sa dami ng nakalatag. Tinadtad din ng lobo ang bahay na may naka-imprentang pangalan ko, sa dami ay pwede akong ilipad sa kalawakan. Sinili p ko ang oras at baka namamalikmata lang dahil makulimlim. Alas-8 na pala pero b akit hindi pa nakadungaw ang araw? Putang-ina biglang bumuhos ang napakalakas na ulan! Ilang oras lang ay binaha na ang kalye namin. Tinawag ko na lahat ng sant o para lang mapatigil pero mukhang sinumpa akong anak. Nilangaw ang handa, kahit kapiranggot na bata ay walang dumalo. Namumugto na ang aking mga mata, isang luha nalang ang pipirma at hahagulgol nak o ng iyak. Ang babae kong kapatid na sumunod sa akin ay dinaliri ang handa kong cake, na hindi ko pa nahihipan ang kandila. Dito na sumabog ang galit kong kinik imkim na parang bulkang bumubulwak ng nagbabagang putik. Naghorimintado ako, hab ang inaawat ay nakatanggap pa ako ng lumalagapak na mga palo kay lola dahil kina mpihan pa ang maldita. Nag-iisang babae kasi kaya bigay lahat ng hilig. Ako pa a ng may mali, may kaagyat na sumpa talaga ang pagiging panganay. Ang kasambahay n amin na si Nanang Lumen ay humahalakhak pa. Dito na binalot ang puso ko ng paghi higanti at puot. Nagkulong ako sa kwarto at naghanda para sa nalalapit na digmaa n. Napa-isip ng plano kung paano makabawi. Ang pagbabalik ng rebeldeng anak! Kinagabihan, tulog na ang lahat. Nanghuli ako ng dagang bahay sa labahan namin d ahil doon lumulungga ang mga peste. Sa wakas ay nakabingwit ng isa. Pumunta ako sa kusinat pumuslit ng siling labuyo pagkatapos ay pinasok ko ang kabilang kwarto para pumitik ng mga karayom sa makinang pantahi ni lola. Humahalakhak ang demon yitong namamalagi sakin. Kinabukasan, maaga akong nagising. Ito na ang tinakdang araw para maisagawa ang masamang balak. Inabangan ko sa labas ang nagrarasyon ng pandesal. Bago ko ipaso k ay dinikdik ko lahat ng siling labuyot pinalaman sa tinapay. Pagpasok sa pinto tangan ko na ang daga, dahil alam kong nakanga-nga laging natutulog si Nanang Lu men. Hinampas ko muna ito sa pader para mahimatay at marahan na sinalpak sa kany ang bunga-nga ang peste. Sa paboritong upuan naman ng kapatid ko ay tinusok ko p atayo ang mga karayom. Bumalik muna ako sa aking higaan para hindi mahalata kung sino ang salarin. Sumigaw ng malakas si Nanang Lumen habang nabibilaukan pa, Dag a! Nabulabog ang lahat at tumakbo pababa. Nagtinginan lahat sa akin, pero dinaan ko lang sa hikab. Si lola ay may suspetsa na kung sino. Nakahain na ang almusal, sabay upo ng kapatid kong babae. Hindi maipinta ang mukha niya sa kirot. Isa-is a nilang tinanggal ang karayom sa puwetan. Pumunta muna ako ng kubeta para hindi pagdiskitahan kaagad. Tinagalan ko muna at alam kong may nag-aabang ng ratan sa puwet ko. Sa loob ay rinig kong nag-uunahan silang makainom ng tubig sa anghang ng pandesal. Humahagikhik ako sa loob, sa wakas ay tagumpay ang plano. Sa ilang sandali pa ay hinihiyaw na ni lola ang pangalan ko. Pakiramdam ko tuloy ay para na akong bibitayin. Ang hindi niya alam ay pinalamanan ko na ng tiniklop na mga dyaryo ang suot kong salawal. Handa nako sa paghuhukom. Hinusgahan na ang nasas

akdal. Ako ang may sala! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pingot ang sumalubong sakin na halos mapi las na ang tenga. Pinatuwad nako sa bangko pero walang bakas na takot sakin. Hand a ko ng tanggapin ang latay ng ratan. Rapido ang mga palo, nagtaka lang si lola kung bakit naiinda ko ang mga hampas. Napuna niya na may papel na lumalawit sa h ita ko. Dito na nagtatatakbo ang kontrabida, habang nagmamakaawang humihingi ng tawad. Humampas ako sa pinto dahil punyeta, hindi ko man lang nakitang nakasara! Para sana maka-eskapo. Yan tuloy, lasog-lasog na nga ang hita, nakaluhod pa sa bilao ng asin habang tinatapos lahat ng misteryo sa rosaryo. Kapalit ng isang ma tamis na paghihiganti. 1 puna | posted in Nobela ni Juan

Enero 6, 2010 UNANG BAYTANG 8. Ang Cubao By mgakwentonijuantamad Pumatak na ang linggo. Araw ng pananampalataya. Kailangang isuot na naman ang ma kating polo at baston na pantalon. Ang hawi dapat ng buhok ay nasa gilid. Pwede ngang manalamin sa kintab ng sapatos ko. Pagdating sa simbahan ay aakalain mo na matimtimang nagdadasal, ang diwa koy kinain na pala ng antok. Yan tuloy, halos m atuklap na ang balat sa kurot ni Nanay. Pagkatapos ng misa ay bibili kami sa mga naglalakong madre ng kutsinta, puto at bibingka na binudbudan ng niyog. Ang iba ay ang babait kapag binebentahan ka, pero pagnakasalubong mo naman sa loob ng p aaralan ay di ka man lang mangitian. Pumara na kami ng sitak na Gemini, hindi para umuwi, kundi ay magliwaliw muna. K alat sa mga sitak ang sticker ng mga babaeng nakabukaka.Basta driver, Sweet Lover , nauso yun kasi malaki pa ang kita nila. Sa laki ay pwede silang magbahay ng dal awang pamilya at higit pa. Napaso narin ang kasabihan at kahit aso, ayaw na nila ng mag-alaga sa tumal ng kita. Kainitan ng Cubao noon at ang pinakamatayog pa na gusali ay ang Isetann. Sa kalayuan palang ay matatanaw mo na. Ngayon kasi ang m ga pinapasyalang mall ay parang kontinente, maliligaw ka pa pagtatanga-tanga ka. Syempre, ang nakasanayan na namin na pansitan muna kami manananghalian, hele-he lera ang kainan doon, na hindi mo naman maintindihan ang pangalan dahil tsinoy a ng may-ari. Wag ka lang magkakamaling tumawid sa tapat dahil haharangin ka ng mg a tinderang nagbebenta ng mga pantalon at damit. Dudumugin ka na parang bagong s altang preso na panggagahasa ang kaso. Malapit pa yun sa orihinal na COD kung sa an nagpapalabas ng gumagalaw na manikin tuwing sasapit ang pasko. Pagkatapos kum ain ay diretso sa Fiesta Carnival. Magpapakahilo muna sa umiikot na kabayot tasa at lilibutin ang buong karnibal sakay ng tren na may unanong nakakatakot. Paano sila kikita kung ganun ang bubungad sayo? Tapos dilat ang matat sasabihing Halika, sakay na. Ang Shoe Mart naman ay literal na bilihan ng sapatos. Ngayon lang naman nagpakon yo ang SM pero dati ay pugad ng mangingikil. Kalat na kalat ang sinehan noon, is a sa mga sikat ay New Frontier at Act Theater. Pahirapan pa ang manood, uso ngan g umupo sa sahig kapag punuan. Walang pagkakaiba sa bus, agawan ng mauupuan. Nga yon ay sarado na ang iba at ang mga naiwan ay motel na ng mga nagsusubuang lalak we. Buhay na ang Araneta noon at kagagawa lang ng Farmers Plaza. Ang sikat na biliha n ng mamahalin na laruan ay ang yumaong Uniwide. Na pagnapadaan kami ay magsasal ita kaagad ang nanay ko O walang magpapabili, ingat at baka may masanggi, ikaw an g ibabayad ko! Napaisip tuloy ako kung ilang bata na ang naibayad sa kahera. Mada las pa magkawalaan ang mga bata, kaya mabenta ang mga guard sa mikropono, aakala in mong komentarista ng radyo. Bago umuwi ay dadaan muna sa Plaza Fair para magp ahangin sa pinto nila. Iwas nga ang ibang matatanda sa pasukan, dahil baka lipar in ang peluka.

Pagdating sa kanto malapit sa inuupahan naming bahay ay nagpaiwan muna ako para kumain ng nilagang itlog na parang toknene. Ginutom kasi ako sa paglalakad. 4 mga puna | posted in Nobela ni Juan

Enero 4, 2010 UNANG BAYTANG 7. Away Bata By mgakwentonijuantamad Simula noon ay naging kadikit ko ng kaibigan sila Bukol at Tomtom, sa away at gi nhawa. Ang kalahating parte ng Anapolis sa Cubao ay nagsilbing pugad naming mga bubwit. Madalas kasi naming makaaway ang mga bata sa bandang baba, malapit sa pa lengke. Nepa Q-mart pa yun noon. Nagkaangasat nagkasagutan sa kanto ng New York, kaya yun away na. Ang sapakan dati ng mga bagito ay may integridad pa at palabra de honor. Hindi kami basta nagsusugudan o biglaang aatake sa kampo ng kalaban. Magkakaroon pa ng pagpupulong kung saan gaganapin at itatakda ang oras ng suntuk an. Tapos gagawin namin yun sa bakanteng lote na matalahib, sa likod ng mga nagl alakihang karatula na pinapalabas at ipapalabas palang sa sinehan. Hindi pa uso ang dambuhalang imprenta nun kaya guhit kamay lahat, yun nga lang ang mga mukha ng artistang ipinipinta ay hindi naman kamukha o kundi naman ay may dipekto. Tap at pa yun ng nasunog na Uniwide. Kung matalo ka man ay haharapin mo ang kahihiya n ng ilang linggot magkukulong muna sa bahay, pero ang kagandahan nun ay matututu nan mong tanggapin ang pagkatalo. Pumaikot na ang mga bata para manood ng tupada . Naghihiyawan pa nga at nagkakantsawan. Doon nauso ang panggatong na salitang Si ge nga, hawakan mo nga sa tenga. Ang susunod na eksena ay rumaratrat na kamao at nagliliparang mga tadyak. Bahala na kung saan tatama. Pagmay napilasan na ng bal at sa mukha ay kanya-kanya ng awat at bati-bati na. Sa muling pagkikita nalang k ung sakaling magkainitan ulit. Si Bukol ang lagi naming pambato. Kaya nadagdagan na naman ng peklat sa mukha at poknat sa ulo. Ako naman ay ang gatong pangdanga l at si Tomtom ang taga-awat. Ilang panalo at pagkatalo narin ang pinagdaanan namin. Kung walang pagkakaabalah an ay madalas kaming magmuni-muni sa mga tangkay ng puno ng alatiris sabay pitas ng bunga at rekta na sa bunga-nga. Hindi kami mahilig sa tsitserya pero bumibil i kami dahil sa laruang nakapaloob dito. Kung may matira pang barya sa baon nami ng tumatagingting na sampong piso ay bibili kami ng palamig o kung marami-rami p a ang pera ay softdrinks na kinikiskis pa ang likod ng tansan at baka sakaling m ay mapanalunan. Kung wala mang premyo ay itatago nalang namin ito para magamit p a pagpatak ng tag-ulan para gawing bangka sa rumaragasang tubig ng estero. Ang i bang laruan ay gawa-gawa lang namin. Tulad nalang ng tirador na gawa sa makapal na alambre. Tapos bibili nalang kami ng goma sa suking tindahan at lastikong pan ali. Paggawa na ay aabangan namin ang kanong nangungupahan sa kabilang bahay na nakasalawal lang habang nagdidilig. Sapul! Basag ang itlog. Mag-iwan ng puna | posted in Nobela ni Juan

Oktubre 26, 2009 UNANG BAYTANG 6. Akyat Bahay By mgakwentonijuantamad Pagbiyernes ay asahan mong maraming batang naglalaro sa labas at nagdidiwang dah il alam nilang kinabukasan ay walang pasok. Tanghali palang ay kalat na kami sa kalye dahil ano nga ba naman ang gagawin mo sa loob ng bahay kung ganung oras ay walang koryente at hapon pa magkakaroon? Magmumukha ka lang oso sa loob ng kweb ang madilim. Nagagalit pa ang mga magulang noon kapag di ka natulog ng tanghali, kaya nagpipik it-pikitan nalang akot kinakamot-kamot ang mata para medyo mamula at mukhang bago ng gising. Minsan kailangan pa ng tulong ng sibuyas para maluha-luhat haluan ng k onting hikab para kapani-paniwala. Kailangan daw matulog para mabilis tumangkad, hindi ka nga makaidlip sa kati ng bungang araw sa init.

Nauna kong natanaw sa bintana ang mga batang bagong lipat. Nakuha nila ang atens yon ko sa galing nilang maglaro ng tambling. Bigla akong inaya ni Tomtom kaya ka ilangan kong magpakitang gilas sa pamamagitan ng Diablo. Napabilib sila kaya dit o na kami nagkasundo ni Bukol. Nahiligan namin ang magsabong ng gagamba. Naglalaro sa halagang sampu hanggang b ente pesos ang isang gagamba depende sa uri kung gagambang talahib ba, gagambang demonyo na may sungay pa sa likod, gagambang koryente na kulay itim, gagambang saging na may tuldok sa likod at samot saring lahi ng gagamba. Astig kami dahil ang ibang bata sa posporo lang ang bahay ng gagamba nila, samin ay isang kaha na may salamin pa. Kaya kumpulan kapag nilabas na namin ang pambato. Para din mga a tleta ang mga alaga namin dahil araw araw may pagsasanay. Kada isa ay ilalagay m o sa tingting at kakalabit-kalabitin mo ang galamay, pagtapos ay lalaglagan ng d ahon ng sili para tumapang. Madalas mo dapat ginugutom para hayok na hayok sumun ggab pagdwelo na. Ang kabilin-bilinan pa ng tinderong kulot ay wag daw laging pak ainin ng gagambang bahay dahil baka raw maduwag. Pero sa hirap ng buhay, sinuway parin namin dahil kung ang tao ngang gutom ay hindi namimili, gagamba pa kaya? Suki kami sa mga bubungan at pader para lang manghuli ng biktimang pangtsibog ng alaga namin. Sanay na kaming umilag sa nagliliparang tsinelas dahil nakakabulabo g kami at mga lolang nanghahabol ng walis tambo. Mag-iwan ng puna | posted in Nobela ni Juan

Abril 19, 2009 UNANG BAYTANG 5. Delatang Dilaw By mgakwentonijuantamad Lahat ay kumpleto na sa school bus. Naghalo-halo na ang mga batang amoy kinulob na tinapa. Saksakan kasi ng init at kung hindi ihaharurot ng tibo naming driver ay walang hahampas na hangin para man lang matuyuan ng pawis. Mailap si Tita Lud s, minsan mo lang mapatawa. Pagnagsalita ay laging gasgas ang boses. Pero hanep magpatakbo lalo na paghinahabol ang pulang ilaw ng stoplight at pagpromeno naman ay kasya pa ang sampung bata sa upuan. Kaya kawawa lagi ang nasa dulo, kulang n alang ay putukan ng ugat sa pagkakapipi. Sa paghatid ng mga bata ay uunahin ang pinakamalapit na bahay. Kantahan muna, pagkatapos ay kanya-kanyang bitaw ng bugt ong at kwentong katatawanan tulad ng patagisan ng galing ng Hapon, Amerikanot Pil ipino. Sa huli syempre ang laging lamang ay ang Pinoy. Hindi narin maiwasan ang asaran kaya lagi akong may kalmot sa braso at halos makalbo na sa sabunot ng mga dalagita. Hindi pa ganun katutok ang mga bata sa teknolohiya kaya inaaliw nalang ang mga s arili pagdating sa laro at batuhan ng kwentong katatawanan. Halos maikwento na l ahat mula sa kung paano ipasok ang elepanta sa ref hanggang sa nanay na umakyat ng puno at inabutan ng pare ng piso pambili ng blade pang-ahit. Pangatlo ako sa mga huling ihahatid. Kaya ang kulay dilaw naming delatang school bus na tadtad ng masilya ay nagmukha ng truck ng basura sa dami ng nakakalat na plastik ng icecandy na binili namin sa kundoktor, supot ng tsitserya, nilukot na papel dahil sa batuhan atbp. Pagbaba ko sa tapat ng bahay ay may mga bagong lipat. Di ko gusto ang asta ng da lawang batang magkapatid, na si Tom Tom at Bukol. Bagong salta lang ay presko na kumilos. Kaya binangga ko sa balikat at binalot ng tensyon ang paligid. Pakiram dam ko ay para akong asong dapat markahan ang teritoryo. Hindi naman pumalag per o mukhang nagtitimpi. Bakas sa mukha ni Bukol ang mga peklat ng sapakan at pokna t sa ulo kaya alam kong laking kalye rin siya tulad ko. Mag-iwan ng puna Enero 24, 2009 | posted in Nobela ni Juan

UNANG BAYTANG 4. Silid Aralan By mgakwentonijuantamad Balik klase. Nagpakilala na ang adviser namin, sabay sulat ng buong pangalan niy a sa pisara. Mangilo-ngilo ang ngipin ko sa kaskas ng chalk sa kahaba-habang pan galan na sinulat at may palayaw naman pala. Nakagisnan narin naming bumati tulad ng Good morning teacher, good morning classmate! How are you? Fine, thank you! pa ra tuloy kaming mga sirang plaka punyeta. Paulit ulit kada palit ng guro. Ilang araw lang ang lumipas at tapos na ang maliligayang araw ko na nakaupo sa likuran . Ibabase ang pwesto ng upuan namin sa pagkasunod sunod ng apilyido. Kaya sa ika lawang guhit ako nilagay, tinapat pa mismo malapit sa upuan ng guro. Kaya unting kibot lang, tanaw ka ng matang lawin. Uso rin ang sulatan ng Noisy at Quiet, an g matindi ay bibilangan ka pat ipapasa sa guro mo kung ilang beses ka dumaldal. N abibilang pala yun! Mayayabang at masisipag pa ang lahat, dahil bago pa ang mga gamit pang-eskwela. Palupitan ng gamit , aakalain mong pang boys scout ang mga pencil case namin dah il kumpleto rekados. May pantasa, may lagayan ng pambura, may munting piano na a ng madalas na tugtugin ay ang nota ng Maligayang Bati o Twinkle, TwinkleLittle Star, ruler na may magnifying glass, patungan ng libro at sa dami ay limot ko na ang i ba. Kulang na nga lang ng swiss knife at pwede ka ng mamuhay sa bundok. Sa aming mga bata, hindi pa uso noon ang magpabango ng katawan kundi magpabango ng gamit , kaya naglalagay kami ng kisses na hugis bilog at kasing liit lang ng munggo na may ibat-ibang kulay. Napaniwala pa akong dumadami raw yun at nabubuntis kung i lalagay mo sa bulak. Mas napagastos tuloy ako sa bulak na mas mahal pa sa kisses . Dapat inahing manok nalang pala inalagaan ko. Maraming kasabihan ang mga bata noon, buti nalang nalampasan ko na ang paniniwalang pagnasugatan ka ay lalabas a ng kinain mo sa sugat. Uwian na! May mga kundoktor na nag-aabang sa labasan, unahan ang mga bata dahil naglipa na ang mga negosyanteng naglalako ng tsitseryang may plastik na laruan s a loob, kwintas na parang kapsulang botet may kulay pa, ibong maya o kaya sisiw n a kinulayan, paputok na hinihila o pwedeng itali sa pintuan, ice candy, ice buko , ang walang kamatayang bunutan na mas mahal pa ang bayad mo kaysa mapapanalunan , sipang gawa sa tansot straw at ibat ibang uri ng teks. Sa gilid ng paaralan kung nasaan yun mga vendors ang ikatlong tahanan ng mga bata. Ang mga tinderat tinder o ang ikatlong magulang namin. Ang mga baon namin, sa kanila napupunta. Mag-iwan ng puna | posted in Nobela ni Juan

Enero 15, 2009 UNANG BAYTANG 3. Bata Batuta By mgakwentonijuantamad Nagkita-kita ulit kaming magkakaklase dati. Nagkumpulan lahat sa palaruan, nagka mustahan na parang magkukumpare at nag-isip na kung ano ang lalaruin. Napagdesis yunan naming maglaro ng Marcos-Marcos, ito ang makabagong mataya-taya. Kung saan pagnahuli ka ng taya dalawa na kayong hahabol sa iba pa, hanggang mataya niyo a ng lahat. Pagnatapik na lahat ng kasali, ang unang nataya kanina ang siya namang hahabol. Pinagpatong patong na namin ang aming mga palad para simulan na ang ri twal ng maiba alis. Nagsisimula ng magtanggalan at hanggang ngayon isa parin ako sa mga umaasang wag maging taya. Dalawa nalang kami, kaya bato-batopik na ang l aban. Unahan kung sino ang makalimang panalo. Pumwesto na ang iba, magkakaalaman na kung sino ang unang hihingalin sa kakahabol. Putek ako ang taya! Karipas lah at sila ng takbo. Para tuloy akong lola na naghahabol ng sisiw. Masasagasaan ang sino mang humarang makatapik lang kahit isa. Sa wakas ay nanawa rin kami. Kaya ibang laro naman! Hinati namin ang 10 sa dalawang grupo. Ito ang larong Agawan Base. Kada grupo ay may kuta, isang uri rin ito ng habulan. Ang bawat kuta ay magsisilbing tore ng kapangyarihan. Kung sino ang unang maubos sa magkabilang panig, sila ang talo. S imula na ng digmaan sa Quadrangle. Sa kasamaang palad ay ako nalang ang naiwan s

a tore namin. Lahat ay nabihag na. Kapit bisig sila sa tore ng kalaban, ang tawa g dito ay koryente. Ito ay isang estilo para madali mong maabot ang kakampi mo k apag nabihag na ng kabila. Pero hindi ako susugal dahil para silang mga lobong l umalapit sa akin. Kailangan bantayan ang tore, hindi dapat ito mahawakan. Buti n alang at tumunog na ang kampana, balik na ulit sa klase. Mukha na kaming mga yag it pagbalik saming mga silid aralan. Ang iba ay parang may bahid pa ng putik na nakaguhit sa kili-kili at leeg, mangasim-ngasim ang amoy sabay makikitungga ng t ubig kung sino man ang may coleman. Ang mga madadamot at ayaw mamigay ay duduraa n nalang ang lagusan ng tubig. Maliliksi kami dati. Maraming bata ang nahuhumaling sa paglalaro. Hindi pa ganoo n kagarbo ang mga laruan at teknolohiya. Kaya maraming naiimbentong laro ang mga paslit dahil tanghali palang brown-out na. Kailangang aliwin ang sarili. Tulad ng bondyakan ng dyolens, wasakan ng turumpong tadtad ng tamtaks, tumbang preso n a ang gamit ay nagkakapalang Rambo na tsinelas, dampaan ng lastiko, mula luksong tinik na naging luksong baka na ang pinakamahirap na luksuhan ay pag-umabot na hanggang leeg ang tatalunin, sipa na ang panapos ay burot o black magic, walang kamatayang patentero, tambling na ang pinakamahirap gawin ay Diablo (tatambling na walang kamay) at teks tsub tsa akeyn!. Syempre samin lang mga lalaki yun, iba r in ang laro ng mga dalagita, meron Chinese garter, piko na ang pinangguguhit ay basag na paso, ang pabilog na Nanay, Tatay, Gusto ko tinapay at hula-hoop. Para sam in kulang ang isang dekada na paglalaro.

You might also like