P. 1
Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

5.0

|Views: 26,601|Likes:
Published by Nathan Eumague
Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Isang Filipino-subjected based thesis na aking ginawa upang ma-fulfill ang requirements sa aming asignatura sa Filipino. Please lang, huwag kopyahin ang buong content, instead, you may refer to this thesis if kailangan niyo ng reference :D

Chapters I-V
Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Isang Filipino-subjected based thesis na aking ginawa upang ma-fulfill ang requirements sa aming asignatura sa Filipino. Please lang, huwag kopyahin ang buong content, instead, you may refer to this thesis if kailangan niyo ng reference :D

Chapters I-V

More info:

Published by: Nathan Eumague on Mar 21, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/02/2015

pdf

text

original

ISANG PAGSUSURI SA KAUGALIANG PILIPINO

AMA UNIVERSITY – FAIRVIEW CAMPUS COLLEGE OF ENGINEERING

ISANG SULATING-PANANALIKSIK NA IPINASA BILANG ISANG BAHAGI SA PAGSASAKATUPARAN NG ASIGNATURANG FILI0209

ADRIANNE EUMAGUE I-EA

ABRIL 2012

ISANG PAGSUSURI SA KAUGALIANG PILIPINO
Isang sulating-pananaliksik bilang pangsakatuparan sa asignaturang FILI0209: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ______________________________________________________________________________________

TALAAN NG NILALAMAN
I. UNANG KABANATA: Suliranin at Kaligiran Nito Rasyonal Layunin Kahalagahan ng pananaliksik Makikinabang sa pananaliksik Kadahilanan ng Kapakinabangan Batayang Konseptwal Batayang Teoretikal Kaugnay na Baryabol sa Pag-aaral Kadahilanan sa Paghahanap ng mga Panibagong Datos Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Pinagganapan ng mga Nakilahok Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik Saklaw ng Pag-aaral Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita

II. IKALAWANG KABANATA: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Mga Kaugnay na Literatura Mga Kaugnay na Pag-aaral

III. IKATLONG KABANATA: Metodo at Pamamaraan Metodolohiya

IV. IKAAPAT NA KABANATA: Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos V. HULING KABANATA: Lagom, Konklusiyon, at Rekomendasyon

DEDIKASYON Hindi makukumpleto ang pananaliksik na ito kung wala ang mga taong nagbigay sa akin ng panahon upang matapos ko ang pananaliksik na ito sa pagbibigay ng tulong pampinansiyal at kaunting suporta. Una kong pinasasalamatan ang aming propesor sa Filipino, si Bb. Pamela Zuniga, sa pagiging matulungin sa lahat ng oras na ibinigay sa amin upang matapos ng buong klase ang kani-kanilang thesis, lalo na sa aking thesis; at pinapasalamatan ko si G. Reinille Mendoza bilang panelist at nagbigay ng suhestiyon sa aking paksa. Pinasasalamatan rin ang tindera namin sa AVA Store na si Regine de Guzman, sa pagpapaliwanag sa akin ng mga given phrases na hindi ko maintindihan habang ginagawa ko ang aking pananaliksik upang hindi nakalilito sa paggawa. Pinasasalamatan ko rin ang aking kapatid na si Angelica EumagueBuban, para sa pagbibigay ng panahon sa akin sa paggawa ng thesis na ito habang hindi ako nagtitinda sa kanyang tindahan, at sa aking hipag na si Loina para sa tinta ng aming company printer. Nais ko ring bigyang-kredito ang aking mga kaibigan sa pangkat ng engineering, mga kaklase ko, at mga kamag-aral ko sa ibang programa sa buong AMA Fairview. Sila ang tumulong sa akin sa pagsagot ng mga talatanungan. Nais ko ring pasalamatan ang aking ina na nagbigay sa akin ng gantimpala upang makapagpagawa ng salamin sa mata sa pagkakapasa sa mga kabanata ng pananaliksik na ito. Higit sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Dakilang Maykapal sa pagbibigay ng oras at lahat ng lakas upang matapos ang pananaliksik na ito, at maipasa ang asignaturang FILI0209: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. - Nathan -

UNANG KABANATA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO PANIMULA Ang kaugaling Pilipino ay sadyang likas na sa ating lahat. Kung ating susuriin ang ating mga ikinikilos bilang mamamayang Pilipino, marahil ay naituro na sa ating lahat ang iba’t-ibang kaugaliang Pilipino na ating kinagisnan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, tila nag-iiba na ang kaugaliang nakakasanayan na ng ilan sa atin. Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay patungkol sa suliranin at kaligiran tungkol sa paksa. Dito na rin nakalathala ang iba’t ibang detalye patungkol sa napiling paksa.

RASYONAL Bakit nga ba kaugaliang Pilipino ang tema o paksa ng pananaliksik na ito? Sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin. Karamihan sa atin ay itong ipinepreserba bilang isang pamana sa mga susunod na henerasyon. Magandang paksain ang kaugaliang Pilipino dahil dito natin malalaman kung ang kaugaliang Pilipino ay kanais-nais, hindi kagandahan, at mga ugaling sakaling mababago sa ating lahat.

Nasasalamin sa tesis na ito ang bawat detalye ng kaugaliang Pilipino – ang magandang kagiliran nito, ang mga hindi magagandang kagiliran nito, mga ugaling sakaling mabago sa mga malilipas na panahon, at iba pa. Sa bawat kaugalian ng Pilipino na nakalathala sa tesis na ito ay may iba’t-ibang paglalarawan ayon sa gawi ng ating buhay.

LAYUNIN

Ang pakay ng pananaliksik na ito patungkol sa kaugaliang Pilipino ay ang maimulat ang mga Pilipino sa mga maganda at hindi magandang ugali na ating namana sa ating mga ninuno. Karamihan sa mga kaugalian ng Pilipino ay ang mga magaganda, ngunit ang mga hindi kagandahang kaugaliang ating nakasanayan ay pilit nasisira ang mga magagandang kaugalian. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang maipabatid sa mga Pilipino kung gaano kahalaga ang isang kaugaliang nakasanayan. Sa bawat baitang ng ating buhay, may mga ugali na naituturo sa atin mula pa sa mga ninuno ng mga mas nakatatanda sa atin. Naituturo na sa ating kung gaano gumalang ng tao, mapagmahal, matulungin, at iba pa. Ang pangalawang layunin ng paksain na ito ay ang maimulat ang mga Pilipino sa mga maaaring kalabasan ng kanilang mga ginagawa sa tuwina. Sa tuwina na sinasabing ito ay ang mga ugaling ipinapamalas natin sa mga nakakasalamuha natin sa buhay, na nakikita nila sa araw-araw. Ang maipabatid sa mga tao ng ating bansa na ang kaugaliang Pilipino ay hindi bina-bale wala, at ito’y pinapahalagahan natin pamula sa ating mga ninuno. Ilalantad ng pananaliksik na ito ang mga kaugalian ng Pilipino na igaganda ng kanilang ikinikilos, ang mga kaugalian ng Pilipino na ikasisira ng

kanillang ikikilos. Sa pananaliksik na ito makikita ang mga ugali ng Pilipino na maaaring mabago sa kung ano mang magiging takbo ng panahon.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Sa makabagong panahon at henerasyon, marami na ang mga taong naeenganyo sa gadgets, pag-ibig, karahasan, at iba pang bagay na nagaganap sa ating bansa sa mga panahong nagdaan. Sa makabagong panahon at henerasyon na ito’y karamihan na sa ating mga kababayang Pilipino na ang tila ‘nakakalimot’ na sa kaugaliang ating nakasanayan pamula sa ating mga ninuno, ngunit meron pa ring mga Pilipino ang hindi pa nakakalimot at magpahanggang-ngayo’y sinsasanay rin nila ang kanilang mga kamag-anakan sa kaugaliang nakasanayan na. Bakit nga ba kaugaliang Pilipino ang napili para sa pananaliksik na ito? Karamihan sa mga tao ngayon, pampubliko man o pribadong lugar, tila nakakalimot nang magpasalamat sa mga nagbibigay sa kanila ng kahit ano’ng bagay na mayroon sila o kaya’y natatanggap; hindi na nagbibigay-respeto sa mga taong kalugda-ludga o kaya’y mataas ang katungkulan; nagsasalita na ng hindi magagandang salita ang mga tao, kaya pati mga kabataan ay nagaya na rin sa kanila; at iba pang bagay na hindi kanais-nais na makita ng ating mga mata sa ngayon.

Sa pananaliksik na ito imumulat ang mga tao sa nangyayari sa mga kaugaliang ating nakasanayan, na tila binabale-wala na lamang, o hindi kaya’y nakakalimot na ang karamihan sa atin. Ito ay mailalantad sa pamamagitan ng mga makakapanayam na magbibigay ng kanilang opinyon,

mga datos, at mga sanggunian na makukuha mula sa Internet at mga libro patungkol sa pananaliksik na ito.

MAKIKINABANG SA PANANALIKSIK Kung ating susuriin ang kaugaliang Pilipino, sino ang maaaring makinabang ng pananaliksik na ito upang maimulat ang kaisipan nila sa nagaganap sa lipunan. Mga estudyante. Sa makabagong panahon ngayon, hindi natin maiiwasan na ang karamihan sa mga estudyante ay hindi nagagawa ang tamang respeto sa mga tao. Habang sila’y nag-aaral, kailangang mahasa ang kanilang isipan patungkol sa pagkatuto ng kaugaliang Pilipino.

Mga guro. Ang mga guro ay ang pangalawang magulang natin, hindi ba? Sila ang isa sa mga makikinabang ng pananaliksik patungkol sa paksaing ito. Sila ang nagtuturo sa atin ng tamang pagkilos ayon sa kaugaliang ating nakasanayan. Sila na rin ang nagtuturo ng ating ginagawa sa tuwina. Mga ordinaryong tao. Karamihan sa mga makikinabang ng pananaliksik na ito ay ang mga ordinaryong tao na minsan ay maaari nating sabihin na aware sila sa kaugaliang Pilipino habang ang iba’y hindi. Sa pananaliksik na ito imumulat nila ang kanilang isipan kung ano ang tama at mali.

KADAHILANAN NG KAPAKINABANGAN Ang mga kaugaliang Pilipino ay sadyang napakayaman para ating lahat. Ngunit ano nga ba ang mga naangkop at hindi naangkop sa atin, at dito na rin makikita ang mga kaugaliang Pilipino na may iba’t-ibang kahulugan ayon sa ating nakagisnang buhay. Ang Kaugaliang Pilipino: Likas na Katangian, Konteksto, at Konstelasyon Ano nga ba ang kaugaliang Pilipino, at ang katangi-tanging mga kaugalian sa ating sistema? Ang kaugaliang Pilipino ay ating nakuha ayon sa ating kulturang nakagisnan, paraan ng pamumuhay, at mga katiyakan na tayo’y mga tao sa kasalukuyang panahon. Banggitin natin ang kaugaliang Pilipino sa fourfold sense. Una, bagamat nagbibigay ng universal na kaugaliang pangtao ang sankatauhan, ay mayroong pagkakaiba ang mga kaugaliang Pilipino ayon sa panlasa ng kaugalian. Kung ang mga Griyego ay may meden agan o ideal of moderation, ang medio stat virtus ng mga Romano, at Doctrine of the Middle ng Buddhist at Confucians, mayroon naming walang labis, walang kulang, katamtaman lamang ang mga Pilipino. Pangalawa, kapag sinasabi ang kaugaliang Pilipino ay hindi ibig sabihin na ito’y liban sa mga kaugalian ng ibang bansa. Kung ang mga Amerikano, Intsik, Hapon, at iba pang mga dayuhan ng ibang bansa ay may sariling istilo sa pagkain, musika, at iba pa; hindi nagpapahuli ang mga Pilipino dahil mayroon tayong sariling kultura kagaya ng mga mayroon ang ibang bansa. Pangatlo, ang universal na kaugaliang pangtao sa kontekstong Pilipino (gaya ng historikal, kultural, sosyo-ekonomikal, politikal, moral, at relihiyon) ay katangi-tangi sa ibig pakahulugan at motibasyon ng Pilipino.

Ang kaugaliang Pilipino ay hindi kailanman mapapahalaga o hindi, at hindi ito umiiral ng mag-isa. Ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng bahala na, utang na loob, hiya, pakikisama, pakiusap ay tinipon sa paligid sa mga sentro ng kaugalian tulad ng social acceptance, seguridad pang-ekonomiya, social mobility, at ang palaging matatagpuan sa isang tiyak na konteksto o hanay ng mga pangyayari. Parehong positibong kaugalian at negatibong kaugalian ay sama-sama na bumuo ng isang katangian na konstelasyon sa paaralan (aralan sa dasalan [pag-aaral at pagdarasal ng], kuwentuhan sa laruan [nagsasabi ng kuwento at laro], inggitan sa tsismisan [envying at gossiping]), na naiiba mula sa configuration na matatagpuan sa mga government offices (pagkakaisa [pagkakaisa], pagkabayani [kabayanihan], intriga [intriga], palakasan [palabas ng kapangyarihan], sipsipan [pagsuhol], palusot), sa business firms (palabra de karangalan [sumpa], delicadeza [pagkapino] , "komisyon", "pagsasauli", padulas [grease money], lagay [suhol]), o sa mga barrio (paggalang [honoring], pagdadamayan [umaaliw], bayanihan [kooperasyon], ang bahala na [dumating kung ano ang maaaring], utang na loob [pagtanaw ng utang na loob], hiya [bigyan ng kahihiyan] / pakiusap [lumitaw], palakasan [palabas ng kapangyarihan]). Upang baguhin ang isang balangkas ng mga kaugalian, maaaring ito ay kinakailangan upang baguhin ang konstelasyon at konteksto ng mga negatibong kaugalian na humahadlang sa pag-develop ng Pilipino at Kristiyano. Ikaapat, maaaring masabi na ang historical na pagsusuri sa kaugalian ay nasa sa atin. Ang konsepto ng hustisya ay nagbago mula sa hindi pagkakapareho sa pagkakapantay-pantay, at sa karangalan ng tao; mula sa angkan, sa pamilya, at sa bayan. Ang kamalayang Pilipino sa mga iba't ibang mga kaugalian na ito ay nag-iiba-iba sa iba't ibang mga panahon ng ating kasaysayan. Ito ay nangyari lamang sa huling dalawang dekada na ang mga Pilipino ay naging mas nakakamalay ng overpopulation at pagpaplano ng

pamilya, environmental pollution, ang wildlife conservation, ang mga paglabag ng mga karapatang pantao, active non-violence, at People Power. Ngayong nalaman na natin ang konstelasyon, likas na katangian, at konteksto, ano nga ba ang nilalaman ng bawat kaugaliang Pilipinong dapat nating malaman? Unahin natin ang mga positibong ugali ng mga Pilipino. Ayon sa sangguniang Tagalog bersyon na WikiAnswers, ang pagkakaroon ng respeto sa lahat ng tao ay nagpapakita ng kung ano ka – ano’ng pagkatao ang mayroon sa kada indibidual. Kung ano isang tao ay marunong lumugod sa mga taong kanyang nakakasalamuha, siya ay kalulugdan rin ng mga taong kinalulugdan niya. Naisasama na rito ang paggalang sa mga matatanda at nakatatanda, kung saan may mga katawagan tayong inuuna bago ang kanilang pangalan, gaya ng kuya, ate, manong, manang, o alinmang katawagang angkop sa kasarian. Mayroon rin tayong mga salita o katagang nakakadagdag ng ating pananalitang-paggalang, kagaya ng po at opo. Ang dalawang nabanggit patungkol sa paggalang sa mga mas nakatatanda sa atin ay nagpapatunay lang na marunong magbigay ng respeto ang mga Pilipino. Ang pagiging matibay ang pundasyon ng pamilya ay nagpapatunay na ang Pilipino ay likas na mapagmahal sa kanyang pamilyang kinagisnan, lalo na’t may mga anak silang nagsi-asawa na’y pumupunta pa rin sa kanila para manatiling buo ang pamilya. Ang pagkakaroon ng takot sa Diyos (o minsan ay tinatawag na rin na may pananalig sa Diyos) ay nagpapatunay lamang na ang tao’y nananalig sa Diyos sa araw na may dinadala siyang problema, nakatatanggap ng mga biyaya, o hindi naman kaya’y gustong makatanggap ng kapatawaran sa lahat ng nagawang sala sa buhay. Kapag wala na’ng pag-asa ang isang tao ay humihingi ito ng tulong sa ating Panginoon para maresolbahan ang kanyang dinadalang ‘pasanin’ sa buhay.

Ang bayanihan naman ay naglalarawan ng pagtutulungan ng mga Pilipino tungo sa isang magandang bukas, kagaya ng simpleng pag-aani ng mga itinanim na mga palay sa palayan, paglilipat ng mga bahay-kubo, pakikipagtulungan sa oras na kailangan ng tulong, at iba pa. Dito sa bayanihan na ito nakukuha ng mga Pilipino ang kooperasyon sa kada tao na kasapi ng kanyang komunidad. Ang pagiging matulungin ng mga Pilipino ay isa sa mga magandang kaugalian ng ating bansa dahil ito ay nagbibigay ng kooperasyon sa pagitan ng tao sa kapwa tao, tinutulungan ang bawat isa sa panahon ng sakuna o problema. Marami nang napagdaanan ang ating bansa pagdating sa suliraning kalamidad at iba pang problema ng bansa, ngunit ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat Pilipino ang nagpapa-init ng ating mga damdamin, maaaring ihalintulad na ito sa bayanihan na ginagawa pa noong unang panahon. Kahit ano’ng laki ng problema ng bawat isa sa atin ay nagagawa pa ng ibang tao na tulungan, o gumawa ng paraan upang matulungan ang isang tao. Sa isang pamilya, isa sa mga anak nila ay kailangang magkaroon na ng kabiyak para mas matulungan pa nila ang kanilang pamilya, at higit sa lahat ay makumpleto ng isang kasapi ang kanyang buhay-pag-ibig. Dito papasok ang sinasabi nilang pamamanhikan, kung saan ang lalaki noon ay nagtatrabaho sa bahay ng babae sa loob ng isang taon para mapayagan ng pamilya kung ang lalaki’y karapat-dapat na ibagay sa kanilang anak. Hindi na siguro nauuso pa ang ganitong istilo ng pamamanhikan, ngunit ang nagaganap sa ganitong kaugalian ay ang pagpapakilala ng pamilya ng mapapangasawa sa bago nitong kabibilangang pamilya, at pagiging mainit o matibay ang samahan sa pagitan ng pamilya ng dalawang pamilya. Tuwing sumasapit ang araw ng mga patay, ang isa pang kaugaliang Pilipino ay ang pag-alala ng mga tao sa kanilang mahal sa buhay

na yumao na. Ang paghahandog ng mga bulaklak, nakasinding kandila, mga pagkain, at masasayang kuwentuhan ng mga natirang mieymbro ng naiwan ang kadalasang ginagawa ng mga tao sa tuwing sasapit ang araw ng pag-alala ng kanilang yumaong mahal sa buhay. Ngayong nabanggit na ang mga positibong kaugalian ng mga Pilipino, ano naman ang kanyang mga kasalungat na kaugalian? Ayon sa sanggunian sa Internet na Kuro-Kuro.org, may mga kaugaliang Pilipino na labis na hindi kagandahan na makita sa araw-araw. May mga taong kadalasan ay naninira ng personalidad ng iba, at mayroon naming namana ayon sa kultura ng mga Kastila. Heto ang ilan sa kanila: 1. Ang colonial mentality. Ang mga Pilipino ay likas na nanggagaya ng kahit anumang bagay na mayroon ang mga banyaga, ngunit karamihan sa mga Pilipino mula noon hanggang ngayon ay tila ‘nahuhumaling’ sa gawang-banyaga. Hindi natin maaaring itanggi na tayo’y sinakop ng tatlong nasyonalidad: Kastila, Hapon, at Amerikano, ng ilang taon. Nakuha natin sa kanila ang iba’t-ibang bagay na mayroon sila. Ano nga ba ang ibig sabihin ng colonial mentality? Ito ay ang isang ugali ng tao na mas gusto niyang i-patronize ang produkto ng ibang bansa kaysa sa kanyang bansang sinilangan. Dito na pumapasok ang produktong stateside na binibili ng mga tao, panonood ng mga hi-tech na pelikula, pagkakaroon ng imported na gadgets, at iba pa. 2. Ang crab mentality. Kung ang isang tao ay palagiang umaasenso sa kanyang buhay sa sikap at tiyaga, mayroon ring mga tao na gustong sirain ang pagkatao, o hindi naman kaya’y hinihila ng naninira ang estado ng isang tao pababa. Ito ang tinatawag na crab mentality, kung saan ang isang tao’y hindi masayang makakita ng taong umaasenso sa buhay.

3. Padrino system. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Padrino system na ito? Ito ay ang pagpapakilala ng isang tao sa isa pang tao na ito ‘raw’ ay matulungin o kayang tumulong sa mga problema ng isang tao. 4. Mapanghusga. Ang mga Pilipino sa ngayon ay kadalasang nanghuhusga ng ugali o ng pagkatao ng isang indibidual. Alam naman natin ang kasabihan sa Ingles na ‘don’t judge a book by it’s cover’ na nagpapakahulugan lamang na huwag tignan sa pisikal na anyo kundi sa loob nito; ngunit mayroon talagang mga tao na pilit pinipintasan ang bawat taong may kaunting mali sa kanila. 5. Pagkalimot sa nakaraan (short-term memory). May mga kasalanan tayong nagawa sa isang tao, isang grupo, o sa buong bansa kung ikaw ay isang presidente ng bansa. Marami sa mga pulitiko ang ganito, ngunit mayroon ring mga tao ang ganito ang ikinikilos. Ito ay isang kaugalian na hindi malaman kung sa positibo o negatibong ugali ito nabibilang, dahil pagkatapos ng naganap ay nakakalimutan nila ito. 6. Matigas ang bungo/ulo (hard-headed). Alam na nating lahat na may taong minsan, o kadalasan, matigas ang ulo. Hindi sinasabi na matigas ang bungo o ulo ng isang tao, kundi ang utak na ginagamit sa pag-iisip. Marami sa mga tao ang matitigas ang ulo dahil isang simpleng babala lang ay pilit nilang sisirain ang babala, gaya ng ‘huwag magtapon ng basura’ pero makikita mo’y puro basura. Pilit sinisira ng tao ang isang bagay na para sa kanyang sarili. 7. Nagkukulang sa disiplina at aksyon. Ang disiplina at pag-aksyon ay itinuturo na sa atin pamula sa ating mga paaralan, ngunit may mga taong nagkukulang sa disiplina at pag-aksyon. Ihalimbawa na lamang natin na may napatay na obrero, imbes na tulungan o idala ang report sa himpilan ay pababayaan nila ito kung saan ito nakahandusay, hindi sila gumagawa ng aksyon. Ang pagiging matigas ang ulo ay ang resulta ng pagkawala ng disiplina sa sarili.

8. Ningas cogon. Ang kaugalian ng Pilipino na dapat nang mawala sa ating dahil ito ay parang isang cogon na damo. Ang cogon ay isang damo na madaling mabuhay at madaling mamatay. Ang tao ay mabilis gumawa’t mabilis mapagod. Ang ningas cogon ay isang uri ng ugaling Pilipino na sa una’y masisipag gumawa ng maraming hangarin at sa pagtagal nito’y nagsasawa na rin silang gawin. 9. Pagiging racist. Kung akala natin ay mga Amerikano lang ang mga ganito, marami rin sa atin ang ganito ang ugali. Ang racism ay isang uri ng hindi magandang ugali na kung saan parang ‘nandidiri’ ka sa isang tao na siyang dugo mo, dugo ng bayang sinilangan. Kagaya na lamang ni Angie Ligot na nag-post sa Facebook, sinasabi niya na tayong mga Pilipino’y sadyang pango ang ilong, hindi kaputian ang kulay, at iba pa. Siya marahil ang isa sa mga halimbawa ng mga racist. 10. Manana habit. Ito ay nanggaling sa Kastila, na ang ibig sabihin ay prokastinasyon, o ang pagpapaliban sa pinagagawa sa kanya at mabilis na gagawin ito pagdating ng eksaktong araw upang magkaroon lamang ng isang bagay na kabilang sa pinagagawa sa kanya. Maraming tao sa gobyerno, paaralan, pamantasan, bahay, at iba pang lugar ang gumagawa ng ganito, na akala nila’y maganda ang dulot nito sa kanila. Ngayong nabanggit na ng pananaliksik na ito ang mga positibo at negatibong kaugalian ng mga Pilipino, tignan natin ang maaaring mabago sa ating kinasanayang kaugalian, ayon sa binasa ni Ginoong Tomas Andres na Emerging Filipino Values na pamula sa tesis ni Mila Llacuna: 1. Ang pagkawala ng pagiging mainitin ang pagtanggap sa mga bisita. Kung ang ikinaganda ng kaugaliang ito ay ang pagbibigay ng kahit ano’ng bagay na maaari nilang iuwi, o kahit ano’ng pagkain na inihanda sa kanila, ang kasalungat nito’y marahil ay ang pagkababa ng kanilang pinansiyal na bagay-bagay, upang

magkaroon sila ng oras at panahon sa pagtitipid. Hindi gaanong nagpapahanda ng sobra-sobra ang mga Pilipino pagdating sa pagdating ng mga bisita, dahil na rin sa nagbabagong ekonomiya ng ating bansa, o financial status ng nasabing pamilya. 2. Ang katapatan (loyalty) sa tao base sa utang na loob. Ang pagkakaroon ng utang-na-loob sa isang tao ay maaaring maabuso sa kahit ano’ng pagkakataon. May mga naimbentong salita kagaya ng balimbing at sipsip ang nasasabi ng mga tao sa tuwing nagkakaroon ng masyadong katapatan ang isang tao sa kanyang kinalulugdan. 3. Ang mga Pilipino ay nagkakaroon ng hiya sa kanilang sarili upang isigaw ang kanilang nararamdaman. Mayroong mga tao na nais nilang magpahayag ng kanilang iniinda, o opinyon patungkol sa mga nangyayari sa ating bansa sa ngayon. Ang mga ito’y naghahangad ng magandang bukas sa ating bansa sa pamamagitan ng kanilang boses-hinaing, ngunit ang iba’y walang lakas ng loob na ihayag ang nararamdamang hindi tama sa mga nangyayari. 4. Ang tinatawag na sipsip. Ang sipsip noon ay tinatawag sa isang tao na gusto niyang makakuha ng mas mataas na kahit ano’ng bagay sa kinalulugdan niya, bagkus, ito’y isang insulto sa isang tao. Sa makabagong panahon, ang sipsip ay ginagamit na salita sa pagkakaroon ng pagtitiyaga o perseverance. Ito’y ginagamit na salita para maiahon ang mga tao tungo sa pagbabago. 5. Ang pagkakanya-kanya. Bawat isa sa atin ay gustong gawin ang nais gawin, ngunit may mga taong tila depende ang gagawin nila sa isang tao. Ang sariling sikap (self-reliance) ay isang uri ng kaugaliang Pilipino na maaaring gawin ng isang tao para matapos niya ang isang gawaing naka-destino sa kanya’t maisagawa ito sa ayos sa sariling tiyaga, habang ang nakasandal sa pader (parasitism) ay ang isang hindi kagandahang kaugalian ng Pilipino na ang isang tao’y nakadepende sa gagawin ng isa.

6. Pagkakaisa na karamihan ay ating ginagawa. Siguro naman ay hindi natin makakaligtaan ang ginawa ng mga tao noong Pebrero 1986 na pagkakaisa sa pagpapatalsik kay Presidente Marcos at pagkakaroon ng bagong bukas sa pamamagitan ng ‘walang bahid ng dugong labanan’ na People Power sa pangunguna ni Presidente Aquino (Cory)†. Dito sa nangyaring People Power, nagkaisa ang sambayanang Pilipino na magkaroon ng magandang bukas. Ipinapahiwatig ng kaugaliang ito ang pagtutulong-tulong ng mga tao na magkaroon ng magandang bukas. 7. Ang lakas ng loob. Ang mga Pilipino ay sadyang malakas ang loob kahit ano ang problemang danasin ng ating bansa o hindi kaya’y ng kanyang pamilya. Ito ay isang batayan ng tao upang mabuhay sa pabago-bagong panahon at modernisasyon. Nailathala na rito sa pananaliksik na ito kung anu-ano ang mga inilalarawan ng bawat kaugalian ng Pilipino. Bawat ugali na nabanggit ay may positibo o negatibo na epekto sa ating nakasanayan, ngunit nasa tao pa rin ang pasya.

BATAYANG KONSEPTUAL

KAUGALIANG PILIPINO

INPUT

PROSESO

AWTPUT

Unang paglalarawan: Ang proseso ng kaugaliang Pilipino

KAUGALIANG PILIPINO

Ang kaugaliang Pilipino ay isang kultura ng ating bansa kung saan ipinapamalas ng bawat tao sa ating bansa ang mga nakasanayang kaugalian na maaaring makabuti o hindi makabuti sa kanilang buhay. Ang karamihan sa mga kaugaliang Pilipino ay namamana mula sa mga ninuno at ang iba’y sa mga banyagang sumakop sa ating bansa.

Paano nga ba naipapasa ang mga natututunan natin na mga kaugalian? Ito ay karaniwang itinuturo sa atin ng ating mga nakatatanda habang tayo ay maliit pa. Bukod sa mga pangunahing kaugaliang itinuturo sa atin, sinasanay na rin nila tayo sa mga kaugalian kapag may tradisyon sa mga bayan.

Ang isang Pilipino ay nagkakaroon ng mabuting pakikitungo sa ibang tao, at kung anuman ang ginagawa niya’y babalik rin sa kanya. Kapag hindi naturuan ang isang tao na matuto ng dapat matutunan, nagiiba ang kaugaliang kanyang nakakasanayan.

Pangalawang paglalarawan: Paano naipapasa/naipapamana ang kaugaliang Pilipino.

Ang mga flow charts na nakalarawan patungkol sa paksa ng pananaliksik na ito ay may mga ibig iparating sa atin, ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng mga nakapa-skil na paglalarawan patungkol sa paksa? Suriin ang ikalawang flow chart. Dito nakasentro ang kaugaliang Pilipino, at ang mga proseso na kanyang daraanan. Sa unang kahon, dito nakikita ang kanyang input. Ang kaugaliang Pilipino ay isang cultura ng ating bansa na kung saan ito ay ating natututunan sa ating mga tahanan, at itinuturo ng ating mga nakatatanda. Sa input na ito nag-sisirkulasyon kung ang kaugaliang Pilipino na kanyang namana ay nakabubuti sa kanya o hindi. Mayroong mga kaugaliang Pilipino na pamula sa ating mga ninuno ay ating namana, kagaya ng respeto sa matatanda, pundasyon ng pamilya, pagiging matulungin, at iba pa; at hindi magandang kaugalian kagaya ng manana habit, ningas kugon, padrino system, colonial mentality, crab mentality, at iba pa. Sa ikalawang flow chart pa rin, ating suriin ang ikalawang kahon. Dito nababase kung paano napo-proseso ang kaugaliang Pilipino. Siguro noong inyong kabataan ay naitatanong ninyo kung bakit kailangan nating matutunan ang kaugaliang Pilipino. Sa prosesong ito maipapaliwanag ang ating katanungan. Sa ating mga tahanan, may mga mas nakatatanda sa atin na pilit tayong tinuturuan ng mga kaugaliang kailangan nating maisanay upang pagdating ng panahon ay maituturo na natin ito sa mga susunod na henerasyon. Itinuturo sa atin ang mga kaugaliang Pilipino, sa maganda’t sa hindi kagandahan, upang tayo ay magkaroon ng sariling disiplina sa ating mga ikinikilos. Ito ang nagpapatunay na ang isang tao ay naturuan ng maayos na kaugaliang kailangang maisanay at nagpapatunay na rin na namana niya ang isang bahagi ng kulturang Pilipino.

Ating suriin muli ang ikalawang flow chart, at suriin ang ikatlo at huling kahon. Ano nga ba ang posibleng awtput ng kaugaliang Pilipino? Ang mga posibleng awtput ng paksang ito ay ang: (1) posibleng pag-adopt ng isang Pilipino ang mga kaugaliang kailangang masanay upang magkaroon ng mabuting personalidad, at (2) ang posibilidad na hindi ma-adopt ng isang Pilipino ang mga kaugaliang kailangang masanay, o kung ito’y nasanay man, may mga taong nag-udyok sa kanya na huwag gawin ang nakasanayan. Sa paglaki ng bawat tao sa ating bansa ay nakikita sa kanilang ikinikilos kung ang kaugaliang naituro sa kanila ay naisanay nang mabuti o hindi. BATAYANG TEORETIKAL Ang Hiyerarkiya ng Pangangailangan ni Maslow ay isang teorya sa sikolohika na ipresenta ni Abraham Maslow sa kanyang inilathala noong 1943 na A Theory of Human Motivation. Ang teorya ni Abraham Maslow ay nagkaroon ng epekto sa pagaaral ng mga kaugalian ng tao at kinakailangang matutunan ito ng bawat tao sa atin. Ang paglalarawan ng Hiyerarkiya ng Pangangailangan ay ating tignan:

Ating suriin ang diagram na ginawa ni Abraham Maslow patungkol sa Hiyerarkiya ng Pangangailangan, kung saan makikita natin ang limang baitang ng nasabing diagram. Unang suriin ang pangangailangang sikolohikal (physiological needs) na nasa ilalim ng diagram. Ito ay ang mga pangunahing pangangailangan ng tao, kagaya ng pabahay, pagkain, tubig, pagtulog, paghinga, at iba pang bagay. Ito ay ang pangunahing sangkap ng isang tao para mabuhay sa mundo.

Ikalawa naman ang pangangailangang seguridad (safety needs). Ano nga ba ang nakapaloob dito? Ito ay ang mga bagay na dapat nating ingatan sa buhay – ating sarili, ating pamilya, ating mga ari-arian, at ating kalusugan. Hindi tayo basta-basta mabubuhay kung an gating sarili o ang inaalagaan nating mga bagay-bagay ay napapabayaan nang walang proteksiyon. Ikatlo ay ang pagiging mainit ang pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay (belongingness and love needs). Tayong lahat na Pilipino ay may kanikanyang pamilya na inaalagaan, at dito na tayo natuto ng kailangang matutunan sa buhay, naisasama na rito ang kaugaliang Pilipino. Tayo ay ipinanganak na dapat matuto ng pagmamahal sa isa’t-isa sa ating pamilyang nakagisnan. Sa baitang na ito natin natututunan ang pagmamahal sa ibang tao na ating kilala. Ikaapat na bahagi ng hiyerarkiya na ito ay ang esteem. Ano nga ba ang salitang esteem? Ito ay ang nagsusukat ng ating sarili, ang mga ugaling ating ikinikilos sa araw-araw na buhay. Ang isang tao ay kailangang may panatag na loob, kalakasan ng loob, respeto sa sarili at sa ibang tao, at pagkakaroon ng sariling tiyaga tungo sa tagumpay. Sa baitang na ito naidedevelop ang ating pagkatao ayon sa ating ikinikilos.

Ang huling baitang ng hiyerarkiya ng pangangailangan ni Maslow ay ang self-actualization. Dito na natin ginagawa ang mga bagay na dapat nating ikilos ay naaayon sa ating iniisip. Ang pagiging malikhain, ang pagiging openminded sa mga nagaganap, pagtanggap sa katotohanan, pananagutan, at iba pang bagay, ay naisasaloob sa baitang na ito. Bawat bagay na ating ginagawa ay ginagawan ng desisyon bago isagawa ang dapat.

Ang Social Learning Theory ni Albert Bandura Pinag-aralang mabuti ni Albert Bandura ang pundasyon ng pagaaral patungkol sa pagkatuto ng mga tao at tendensiya ng mga kabataan at mga matatanda sa pag-imita ng mga kaugaliang kanilang nakikita. Ang Pag-aanalisa ng Agresyon Ang pananaliksik ni Bandura kasama ni Richard Walters na humantong sa kanyang unang libro, ang Adolescent Aggression noong 1959, at sa isang kasunod na libro na pinamagatang Social Learning Analysis noong 1973. Sa isang panahon na pinangungunahan ng behaviorism sa moldihan ni B.F. Skinner, si Bandura ay naniniwala na ang tanging asal na nagmo-modify ng gantimpala at kaparusahan sa klasikal na operant conditioning ay hindi sapat bilang isang framework, na ang maraming pag-uugali ng tao ay natututunan mula sa ibang tao. Si Bandura ay nagsimulang pag-aralan ang mga paraan ng pagtrato sa sobrang pagka-agresibo ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga mapagkukunan ng karahasan sa kanilang buhay. Ang unang pananaliksik sa lugar ay nagsimula noong 1940’s sa ilalim ni Neal Miller at John Dollard; ang napagpatuloy na trabaho ni Bandura sa linyang ito sa paglaon ay nakulmina sa eksperimentong Bobo Doll, at noong 1977 na dominanteng treatise, ang Social Learning Theory. Karamihan sa mga inobasyon ni Bandura ay dumating mula sa kanyang pokus sa obserbasyon, pagsisiyasat, at mga

pagsisiyasat na maaaring ma-replika, na kung saan ay salungat sa isang field ng sikolohika na pinangungunahan ng mga teorya ni Freud. Ang Eksperimentong Bobo Doll Noong 1961, si Bandura ay gumawa ng isang mapagtatalunang eksperimento na kilala sa eksperimentong Bobo Doll, para pag-aralan ang pagkakaparehas ng mga ugali, nang hindi bababa sa bahagi, ng Social Learning Theory, at ang pag-uugali na natututunan sa pamamagitan ng mga indibidwal na humuhubog sa kanilang sariling pag-uugali matapos ang pagkilos ng mga modelo. Ang eksperimento ay hinusgahan sa pamamagitan ng ilan sa wastong lugar para sa mga batang nagsasanay patungo sa agresyon. Ang mga resulta ni Bandura sa Bobo Doll ay nagbago ang kabuuan ng modernong kaisipan, at malawak na kredito para sa pagtulong sa pagbabago ng pokus sa akademikong sikolohiya mula sa dalisay na behaviorism na nagbibigay-malay sa sikolohiya. Ang eksperimento ay kabilang sa mga pinaka-lauded at tanyag sa mga eksperimentong pang-kaisipan.

KAUGNAY NA VARYABOL SA PAG-AARAL Ang kaugnayan ng Hiyerarkiya ng Pangangailangan ni Abraham Maslow sa kaugaliang Pilipino ay ang ugali ng isang tao. Bakit nga ba naiuugnay ito sa tao? Nasa tao ang desisyon kung susundin niya ang kaugaliang Pilipino na kanyang kinamulatan sa buhay. Sinasabi sa baitang na self-actualization na ang isang tao ay handa nang gumawa ng mga bagay pagdedesisiyunan bago isagawa ang gawain. Isa pang kaugnayan dito sa paksa na ito ay ang belongingness and love needs na nasa ikatlong baitang ng hiyerarkiya. Ang isang Pilipino ay kailangan ng pagmamahal na nagmumula sa kanyang pamilya at ibang tao, at na una niyang

bawat taong nakakasalamuha niya’y may naituturo sa kanya na kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin. Ayon kay Dr. Tomas Andres, ang hiyerarkiya ng pangangailangan na ito ay maaaring iugnay sa mga nakasanayan na kaugalian ng mga Pilipino: 1. Pagiging malapit ang loob sa pamilya. Ito ay ang pangunahing kaugalian ng Pilipino na kung saan ay ang isang pamilyang Pilipino ay malapit sa isa’t-isa. Dito naisasanay nila ang kanilang mga sarili sa paggawa ng mga bagay-bagay na nagkakaroon ng desisyon bago gawin ang isang bagay. 2. Reciprocity. Naiuugnay rito ang utang-na-loob na ating nakasanayang mga Pilipino. Dito madalas naiuugnay ang pagkakaroon ng pagbibigayan sa bawat isa, na kung saan ay nakikita natin ito sa mga pista-opisyal sa mga lugar. Dito natin naipapamalas ang pagbibigay ng utang na loob sa bawat taong ating nakakasalamuha. 3. Pakikisama. Ang bawat isa sa atin ay may mga taong nakakasalamuha. Karamihan sa atin ay may mga kaibigang handing tumulong sa atin sa oras ng problema. Kahit ano pa man ang ating itsura o kahit ano’ng mali sa atin ay kanilang tinatanggap, dahil sa iisa ang ating dugo. 4. Pag-unlad. Sabihin natin na naghihirap ang karamihan sa atin, ngunit may mga taong kahit naghihirap na sila ay gumagawa at gumagawa sila ng paraan upang makaligtas sa pagsubok sa buhay. Ang mga taong walang magawa sa buhay nila ay gumagawa ng diskarte upang mabuhay sila sa kanilang pinagdaraanan. 5. Self-esteem, pagkamagaling, pagkabayan. Ang isang Pilipino ay gustong magkaroon siya ng respeto sa ibang tao at gayundin sa kanya. Kung ang isang tao ay marunong rumespeto sa ibang tao, gayundin ang babalik sa kanya.

KADAHILANAN SA PAGHAHANAP NG MGA PANIBAGONG DATOS

Ang mga teorya patungkol sa kaugalian ng tao ay nabanggit na sa pananaliksik na ito, ngunit paano naman masusuri ang kaugaliang Pilipino sa tunay na buhay.

Ang pananaliksik na ito ay kumuha ng humigit-kumulang na tatlumpung tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng questionnaires upang masagutan ang mga sumusunod: 1. Inaamin mo bang sibilisado ka na ng makabagong panahon? 2. Dapat ba nating tangkilikin an gating kultura pagdating sa mga ugali? 3. Ano ang nagustuhan mong kaugalian ng Pilipino na ginagawa hanggang sa panahon na ito? 4. Ano naman ang hindi kanais-nais na kaugalian ng Pilipino na ginagawa hanggang sa panahon na ito? 5. Bakit kailangang matutunan ng mga susunod na henerasyon ang kaugaliang Pilipino?

Ang naturang katanungan sa questionnaire ang mag-gagabay sa mga nakilahok sa pagsagot ng katanungang ito, at magkakaroon ng ideya ang tagasaliksik kung ano sa dalawang kasagutan ang mas lalamang at makukuha ang porsyento.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga kaugalian ng Pilipino. Ang pag-aaral, pag-aanalisa, paglalathala, pagbabasa, at iba pang bagay na naisagawa sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga magagandang kaugalian ng Pilipino, mga hindi kagandahang kaugalian ng Pilipino, mga maaaring mangyari sa kaugaliang ating nakasanayan, mga teoryang pumapaksa sa maaaring epekto ng kaugalian ng tao, at kung bakit kailangang maimulat ang mga tao sa ganitong bagay.

Ang kaugaliang Pilipino ay isang likas na kultura ng ating bansa na isa sa mga pinagbibigyan natin ng halaga. Ito ay natututunan sa ating mga tahanan noong mga bata pa tayo, at itinuturo ng ating mga magulang. Ano ang mga posibleng maaaring problema ng pananaliksik na ito? Karamihan sa mga Pilipino ay hindi nakasusunod sa kaugaliang Pilipino na kanilang natutunan noong kanilang kabataan. Marami sa kanila ang pagpapabaya ng kanilang ginagawa, hindi na nagbibigay-daan o respeto sa mga nakakasalamuha nilang tao, napapabayaan na ang sariling pamilya, at iba pang maaaring problema ng kaugaliang Pilipino.

PINAGGANAPAN NG MGA NAKILAHOK Ang mga nakilahok patungkol sa paksaing ito ay ginanap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga questionnaires sa AMA Fairview Campus. Ang naitanong sa paksain na ito ay kung ano na ba sa kanila ang kaugaliang Pilipino sa makabagong panahon at henerasyon. Napili ng mananaliksik ang questionnaires dahil ito ay madali lang ipasagot sa mga tao, at upang makita ang frequency at porsyento ng mga mga taong sumagot sa isa sa mga kategorya.

INSTRUMENTONG GINAMIT SA PANANALIKSIK Ang mga instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito patungkol sa pangunahing paksain ay ang mga sanggunian sa Internet; sanggunian na mga libro, gaya ng Filipino at Values Education; mga taong maaaring makasagot sa mga itinatanong ng paksain na ito. Upang matunghayan naman ang paggalaw ng mga kinakailangang datos, gagamit ang mananaliksik ng mga questionnaires na may limang katanungan na may relasyon sa paksain.

SAKLAW NG PAG-AARAL Ang saklaw ng pag-aaral patungkol sa kaugalian ng Pilipino ay ang mga sumusunod: • Ang paglalahad ng mga kaugaliang nakasanayan na ng mga Pilipino: ang mga kanais-nais na ugaling Pinoy, mga hindi kanais-nais na ugali ng Pinoy, mga posibleng mabago sa ugali ng tao. • Mga posibleng teorya na maaaring tumalatalakay sa ugali ng isang tao, gaya na lamang ng hiyerarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow at ang Social Learning Theory ni Albert Bandura.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA 1. Gadget Ang gadget ay ang mga bagay na nilikha sa tulong ng teknolohiya. Ito ay ang mga bagay na ginawa ng iba’t-ibang tao upang mapabilis ang kanilang pakikipag-panayam sa kanilang gustong kausapin, mapadali ang kanilang mga gawaing-pambahay, maalis ang kalungkutan, at iba pang bagay na maaaring magawa nito. Ang gadget ay maaaring makaapekto sa ating pangunahing gawain gaya ng paglilinis ng bahay, pag-aaral, pag-ibig, oras sa pamilya, at iba pa. Kadalasan, ang mga ito’y nakasisira ng konsentrasiyon ng pag-aaral sa mga estudyante. Ito’y nakasisira rin ng relasyon ng dalawang nagmamahalan.

2.

Facebook Ang Facebook ay isang social-networking website na ginawa

noong mga bandang taong 2004 hanggang 2005, ni Mark Zuckerberg, kasama ang kanyang mga kaibigan. Ito ay nagmula sa isang tesis na kanilang ginawa na nalaon sa isang website. Ang naturang social-networking site ay mayroong mga nilalaman na kung saan ay nae-engganyo ang mga tao na gawin ito sa mga wall ng mga tao, gaya ng Like, Share, Poke, mga laro na nasa naturang website, mga sulatin (notes), at pagpo-post ng mga status. Nakikita sa website na ito ng mga tao ang kanilang mga mahal sa buhay o hindi kaya’y nagging parte ng buhay nila. 3. Internet Ang internet ay ang termino sa mga maliliit na kung tawagin natin ay networks upang magkaroon ng access ang mga tinatawag na networks sa pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang tao sa malalayong lugar. Ang internet ay ginagamit sa pakikipag-komunikasyon sa isa’t-isa noong panahon na nagkakaroon ng giyera sa ibang bansa, o ginagamit siya bilang communication device sa mga unibersidad ng Amerika. Sa panahon ngayon, ang internet ay ginagamit na rin upang maghanap ng mga bagay-bagay na maaari mo nang makita, kahit ang mga karahasan na ginagawa sa internet. 4. Social networking sites Ang mga social networking sites ay ang mga pahina sa Internet na siyang nagbibigay ng kulay sa ating tinatawag na virtual world. Naipapaloob ang social networking sites bilang isang rekreasyon ng isang tao.

Isang halimbawa ng social networking site ay ang Facebook, na siyang isa sa mga naging instrumento ng pananaliksik na ito. Ang ibang mga naturang bagay ay ang Twitter, Myspace, Tumblr, at marami pang iba.

5. Mass media Ang mass media ay tumutukoy sa lahat ng pang-teknolohiya na media devices na inilalaan upang maabot ang malaking madla sa pamamagitan ng pakikipag-komunikasyon sa masa (o sa tinatawag natin na mass communication). Ang mga broadcast media (o mas kilala bilang mga elektronikong kagamitan sa media) ay inihahatid ang kanilang mga impormasyon at ito’y binubuo ng telebisyon, radio, pahayagan, pelikula, CD, DVD, at iba pang mga gadgets katulad ng mga kamera at ibang consoles.

IKALAWANG KABANATA MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa mga lathaing sanggunian na ginamit upang magkaroon ng buhay ang pananaliksik na ito. Dito nakalagay ang lahat ng mga librong nagamit sa pananaliksik at ilang pahina mula sa mga web pages.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA Ang bahaging ito ay naglalaman ng ilan sa mga literatura na ginamit sa pananaliksik na ito. Dito rin nakalagay ang ilang sanggunian mula sa mga web pages. • Mga librong sanggunian Ang social learning theory ay pumopokus sa atensyon ng mga kondisyon na nakaaapekto sa acquisition, kasanayan, at kaayusan ng paguugali. Sa obserbasyonal na pagkatuto o paghulma, ang mga tao ay maaaring makakuha ng kumplikadong pagkakaparehas na pag-uugali kahit hindi magkaroon ng gantimpala. Albert Bandura, Personality 2nd Edition, Limpingco at Tria Ang Emerging Filipino Values ay isang master’s thesis ni Gng. Mila Llacuna na kung saan nakalagay ang mga posibilidad na maaaring mabago sa pag-uugali ng Pilipino, gaya lamang ng pagkakaroon ng katapatan, lakas ng loob, pagkakanya-kanya, pagiging sipsip, kakulangan sa pagsigaw ng hinanakit sa demokrasya, at iba pa. Dito rin inihalintulad ni Dr. Tomas Andres ang kanyang

hierarchy of needs bilang pagkakaroon ng posibilidad na pagiging simple ng mga Pilipino sa hiyerarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow. Tomas Andres, Steward on Earth 2nd Edition, Ma. Victoria Tuvilla

Mga sanggunian sa web pages Ayon kay limarx214 sa Kuro-kuro.org:

“Sa pagpapalit ng bagong pangulo ng bansa marami ang umaasa ng pagbabago; pagbabago sa sistema ng gobyerno, sa ating pamumuhay, sa ekonomiya at sa marami pang iba. Nabuhay na muli ang pag-asa ng mga Pilipino na matagal ding natulog at naudlot. Ang penomenal na pag-upo ng bagong pangulo ay nagdulot sa Pilipino ng kakaibang damdamin patungkol sa bago at mabuting Pilipinas na hindi natin naramdaman sa mga nakalipas na namumuno. Ngunit ano ba ang pwede nating gawin para makasabay sa pagbabagong nais natin? Ano nga ba ang ugaling Pinoy na dapat nang baguhin?” “Ilan sa mga nakasaad dito ay malamang na likas na ugali mo o maaring nagawa mo na ng hindi mo sinasadaya o namamalayan. Hindi ito maiiwasan dahil ang ilan dito ay sadyang nasa dugo na ng Pinoy. Maaari ding marami sa kaugaliang ito ay isa sa mga dahilan kung bakit tayong mga Pinoy ay hirap na umasenso gayun din ang bansang Pilipinas. Siguro kung mababago natin ang kaugaliang ito malaki ang possibility na magbago rin ang kalagayan ng bansang Pilipinas.” Link sa webpage: http://kuro-kuro.org/archives/3310

Ano ang kaugalian ng mga Pilipino? Ito ay ang pagiging may pagtitiwala sa Maykapal, pagbubuklod ng mga kamag-anak, pagiging matulungin, paggalang, pamanhikan, at pag-alala sa yumao. Link sa webpage: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kaugalian_ng_mga_Pilipino

Noong 1961, si Bandura ay gumawa ng isang mapagtatalunang eksperimento na kilala sa eksperimentong Bobo Doll, para pag-aralan ang pagkakaparehas ng mga ugali, nang hindi bababa sa bahagi, ng Social Learning Theory, at ang pag-uugali na natututunan sa pamamagitan ng mga indibidwal na humuhubog sa kanilang sariling pag-uugali matapos ang pagkilos ng mga modelo. Ang eksperimento ay hinusgahan sa pamamagitan ng ilan sa wastong lugar para sa mga batang nagsasanay patungo sa agresyon. Ang mga resulta ni Bandura sa Bobo Doll ay nagbago ang kabuuan ng modernong kaisipan, at malawak na kredito para sa pagtulong sa pagbabago ng pokus sa akademikong sikolohiya mula sa dalisay na behaviorism na nagbibigay-malay sa sikolohiya. Ang eksperimento ay kabilang sa mga pinaka-lauded at tanyag sa mga eksperimentong pang-kaisipan. Link: http://en.wikipedia.org/wiki/Albert_Bandura#Bobo_Doll_experiment

KAUGNAY NA PAG-AARAL Sa bahaging ito ng kabanatang ito ay makikita natin ang ginamit na thesis upang mas makabuluhan ang pagtalakay sa paksaing napili upang saliksikin. Ayon kay G. Vitaliano Gorospe:

“What are Filipino values? What is distinctly Filipino in our value system? The Filipino value system arises from our culture or way of life, our distinctive way of becoming human in this particular place and time. We speak of Filipino values in a fourfold sense.”

Sinasabi ng talatang ito na ang kaugaliang Pilipino ay mayroong fourfold sense, ibig sabihin, maaaring sabihin natin na ang kaugalian ng Pilipino pagdating sa apat na sulok ng likas na katangian nito, ang konstelasiyon, at konteksto. Sanggunian: Gorospe, Vitaliano. Chapter VI: Understanding the Filipino Value System http://www.crvp.org/book/Series03/III-7/chapter_vi.htm#N_1_

IKATLONG KABANATA METODO AT PAMAMARAAN Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pamamaraan at metodo upang makalap ang mga datos na kinakailangan sa pananaliksik na ito sa pagsusuri ng kaugaliang Pilipino. METODOLOHIYA Lugar ng pag-aaral. Ang kabanatang ito ay ang magsasabi kung ano ang ibig pakahulugan ng paksang “Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino.” Sa titulo pa lang ng paksa, sinasabi rito na ating susuriin ang porsyento ng mga taong tila nakalimot na sa kaugaliang Pilipino na nakasanayan, at ng mga taong hindi ito nakakalimutan. Ito ay maaaring gumamit lamang ng mga aparato (o ating tinatawag na instrumento) ng pananaliksik na naaayon lamang upang mapunan ang mga kinakailangang datos. Sa paksa pa lamang, nagkaroon ng dalawang seleksyon ang mananaliksik upang mapagkuhanan ng mga datos na kinakailangan. Tatlumpung (30) katao ang hihingan ng tulong upang masagutan ang mga itinatanong sa questionnaire. Disenyo ng pananaliksik. Dito pumapasok ang metodong survey research method upang magamit bilang pagkuha ng mga naaayong datos. Ano nga ba ang survey research method? Ang metodong survey research ay maaaring i-conduct sa pamamagitan ng mga questionnaires, kung saan maaaring sumagot ang mga tao sa pamamagitan ng mga papel na aangkop ang mga katanungan sa paksa.

Technique sa pagpili ng populasyon. Ang kaugaliang Pilipino ay sadyang likas na sa ating lahat dito sa ating bansa. Siguro kalahati ng populasyon ay maaaring nakakalimutan na ang nakasanayang kaugalian, o ang iba’y ito’y sinasanay pa rin sa makabagong panahon. Sa sinasabi ng paksain, hahagilap ang mananaliksik ng mga tao na maaaring makasagot ng mga katanungan na naka-ayon sa talatanungan (questionnaires) patungkol sa paksa. Mga kalahok sa pag-aaral. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ika ni Dr. Jose Rizal. Kung kabataan ang ating pag-asa, sila ang magiging kalahok sa pag-aaral na ito. Bakit? Ang kabataan ang maaaring magbago ng maling kagawian ng tao pagdating sa kanyang ikinikilos o sila na rin ang magbabago ng pagpapabuti ng kalagayan ng ating bansa.

Mga instrumento ng pananaliksik. Bukod sa mga questionnaires na ipinamigay sa mga taong nahagilap upang masagutan ang survey patungkol sa pagsusuri ng kaugaliang Pilipino, gumamit ang pananaliksik na ito ng participant observation kung saan ang mananaliksik ay magiging participant upang matignan ang mas nananaig sa magkaibang aspeto ng paksa. Kagamitan ng pananaliksik. Isa sa mga kagamitan ng pananaliksik na ito ay ang mga tanong na nakalathala sa mga questionnaires. Sa kagamitan na ito malalaman ang porsyento ng mga datos na nakalap mula sa mga taong nakasagot ng naturang instrumento.

Instrumentong statistikal. Ang pinaka-common sa lahat ng pagkuha ng porsyento mula sa mga instrumentong ginamit sa pagkuha ng datos ay ang frequency table. Ito ay may pormula ng matematika na ang Porsyento (%) = frequency x 100 / bilang ng mga sumagot na kung saan: frequency – sagot ng bawat litanya (o kategorya) sa isang chart 100 – usual na isinasagot sa porsyentong paraan Bawat litanya o mga kategorya ay may sarili itong bilang at mga porsyento na ibibigay. Ang mga kategorya ay nakabase sa mga instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito.

Hakbang sa paglikom ng datos. Naisaad na rito sa kabanatang ito ang mga uri ng instrumento ng pagkuha ng datos. Maaari nang ilahad ang mga hakbang upang makuha ang mga datos na kinakailangan ng mananaliksik: 1. Mag-setup ng oras na ilalaan upang makumpleto ang survey patungkol sa pagsusuri ng kaugaliang Pilipino. Habang hindi pa naiko-conduct ang survey, mag-isip na ng itatanong sa mga tao sa pamamagitan ng talatanungan (o questionnaire) at mag-isip na ng mga itatanong. Limang tanong lamang ang nakahanda upang masagutan ng mga respondents: 1.1 Inaamin mo bang sibilisado ka na ng makabagong panahon? 1.2 Dapat ba nating tangkilikin an gating kultura pagdating sa mga ugali? 1.3 Ano ang nagustuhan mong kaugalian ng Pilipino na ginagawa hanggang sa panahon na ito?

1.4 Ano naman ang hindi kanais-nais na kaugalian ng Pilipino na ginagawa hanggang sa panahon na ito? 1.5 Bakit kailangang matutunan ng mga susunod na henerasyon ang kaugaliang Pilipino? 2. Ipamahagi na sa mga respondents ang mga talatanungan. Dapat sabihin ang panuto bago sagutan ang talatanungan upang maiwasan ang multiple erasures. Ang tatlong pagbura sa sagot ay ayos na, ngunit kapag marami ay hindi na kaaya-aya. Tignang mabuti ang mga sagot nila. 3. Matapos ang pamimigay ng talatanungan sa mga respondents at pagsagot nila sa mga ito, suriing mabuti ang kanilang mga sagot, at kung ilan ay tanong ay gagamit ng table chart depende sa sagot bawat tanong. Halimbawa:

1.1 Inaamin mo ba’ng sibilisado ka na ng bagong panahon? MGA SAGOT OO HINDI TOTAL BILANG 7 2 9 PORSYENTO 77.78 22.22 100%

Bawat katanungan na may kasagutan ng iba’t-ibang tao ay dapat bilang ng mananaliksik upang makuha ang kinakailangang datos.

4. Ilathala ang mga nakuhang datos ayon sa mga computations ng bawat sagot sa bawat tanong sa talatanungan. Ito ay bibigyang kahulugan sa susunod na kabanata ng pananaliksik na ito.

Statistical tools. Sa pagsusuri ng mga datos na nakalap mula sa mga iba’t-ibang sagot ng mga nahagilap na tao sa survey, ginamit ang frequency table upang mas maayos ang pagkaka-tally ng mga katanungan sa survey kada kategorya. Sa susunod na kabanata ay makikita ang resulta ng mga datos na nakalap.

Pamamaraan at kung paano ito gagamitin. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa mga talatanungan, ang mga limang tanong na umangat ang porsyento ay ang mga sumusunod:

1. Ang unang katanungan ay kung ang isang tao ay sibilisado na ng kanyang bagong panahon. Ayon sa survey, 83.33% ng tao ang sumagot ng OO, hindi mapagkakailang ang isang tao’y naapektuhan ng bagong panahon. 2. Ang ikalawang katanungan ay kung ang isang tao ay tinatangkilik ang kanyang kultura pagdating sa ugali. Lumabas na 93.33% ng tao ang sumagot ng OO dahil ang kaugalian ay maraming aspeto at ito ay naging parte na ng ating kultura. 3. Ang ikatlong katanungan ay kung ano ang nananaig na mabuting kaugalian ng Pilipino hanggang sa panahon na ito. 36.66% ng katao ang nagsasabing ang pagiging mapagmahal sa kanilang pamilya ay ang pinakamagandang ugali ng Pilipino na hanggang ngayo’y buhay pa rin. 4. Ang ikaapat na katanungan ay kung ano naman ang nananaig na hindi kagandahang kaugalian ng Pilipino hanggang sa panahon na ito. 53.33% ng

katao ang sumagot ng walang disiplina dahil sa panahon ngayon ay marami pa ring tao ang hindi sumusunod kung ano man ang ipagawa sa kanila. 5. Ang huling katanungan ay kung bakit kailangang malaman ng tao ang patungkol sa kaugaliang Pilipino. Ayon sa survey, 46.67% ng tao ang sumagot na dapat unawain ang kaugaliang Pilipino para magkaroon ng bukas ang ating bansa. Sabi nila, magsimula sa sarili bago simulan sa iba.

IKAAPAT NA KABANATA PRESENTASYON, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga bilang at porsyento ng mga respondents na sumagot ng mga katanungan sa talatanungan. Dito rin sa kabanatang ito makikita ang interpretasyon ng bawat datos na nakalap.

UNANG PRESENTASYON NG DATOS Bilang at Porsyento ng mga Taong Naniniwalang Sila ay Sibilisado ng Makabagong Panahon

MGA KASAGUTAN

BILANG NG SUMAGOT

PORSYENTO

OO HINDI TOTAL

25 5 30

83.33% 16.67% 100%

Ang unang katanungan sa talatanungan ay kung ang isang tao’y naapektuhan ng makabagong sibilisasyon sa bansa. Ayon sa unang kabanata, may mga oras na hindi namamalayan na unti-unting nagbabago ang kaugalian ng tao ayon sa panahong ginagalawan. Ang dalawang katanungan ay ang katagang OO at HINDI, kung saan ito’y sinagutan ng 30 katao. Ayon sa survey, 25 katao na may 83.33% na porsyento ang lumalabas na sila’y sibilisado na ng bagong panahon, at maaaring hindi alam kung ang kaugaliang nakasanayan ay nakalimutan na o hindi; habang ang 5 katao na may 16.67% na porsyento ay tumatapat sa mga taong sumagot ng katagang HINDI sa talatanungan. Lumalabas sa survey na ito na ang mga sumagot ng katagang OO ay naniniwalang sibilisado sila ng bagong panahon, ngunit hindi alam ang nagbabagong ugali sa kanila.

IKALAWANG PRESENTASYON NG DATOS Bilang at Porsyento ng mga Taong Naniniwalang ang Kaugaliang Pilipino ay Parte ng Ating Kultura

MGA KASAGUTAN

BILANG NG SUMAGOT

PORSYENTO

OO HINDI TOTAL

28 2 30

93.33% 6.67% 100%

Ayon pa rin sa batayang konseptwal sa unang kabanata, ang kaugalian ay isang tradisyon ng isang tao sa kanyang bansang kinabibilangan. Ang kaugalian ay kasama ng kulturang kanyang nakagisnan. Sa ikalawang tanong sa talatanungan, itinatanong roon kung ang isang tao’y tinatangkilik ang kanyang kultura pagdating sa ugali ng tao. Ayon sa survey, 28 katao na may 93.33% na porsyento ang sumagot ng katagang OO habang dalawang (2) katao na may 6.67% na porsyento ang sumagot ng katagang HINDI. Lumalabas sa survey na ito na ang mga sumagot ng katagang OO ay naniniwalang tinatangkilik nila ang kaugaliang nakagisnan, at itinuturing na rin ito bilang parte ng ating kultura.

IKATLONG PRESENTASYON NG DATOS Ang Magandang Kaugalian ng Pilipino Magpahanggang Ngayon

MGA KASAGUTAN

BILANG NG SUMAGOT

PORSYENTO

MATULUNGIN RESPETO MAY TAKOT SA DIYOS
PAGMAMAHAL SA PAMILYA

TOTAL

8 3 8 11 30

26.67% 10% 26.67% 36.66% 100%

Isinasaad ng kadahilanan ng kapakinabangan sa unang kabanata na may mga ugali ng Pilipino na natural sa ating lahat. Ang mga magagandang ugaling ito ay may relasyon sa presentasyon na ito. Ayon sa ikatlong katanungan sa talatanungan, itinatanong kung ano ang napupusuan ng tao na magandang ugali ng Pilipino na hanggang ngayo’y sinasanay pa rin. Ayon sa survey, 8 katao na may 26.67% na porsyento ang sumagot ng pagiging matulungin; 3 katao na may 10% na porsyento sa respeto; kaparis ng bilang at porsyento sa matulungin ang kategoryang may takot sa Diyos; at 11 katao na may 36.66% na porsyento ang sumagot ng pagmamahal sa pamilya. Lumalabas dito na ang pagmamahal sa pamilya ang pinakaimportanteng ugali ng isang Pilipino dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon tungo sa magandang bukas. Lumalabas sa survey na 36.66% ang sumagot ng kategoryang ito.

IKAAPAT NA PRESENTASYON NG DATOS Ang Hindi Magandang Kaugalian ng Pilipino Magpahanggang Ngayon

MGA KASAGUTAN

BILANG NG SUMAGOT

PORSYENTO

COLONIAL MENTALITY CRAB MENTALITY PROCRASTINATION

2 6 4

6.67% 20% 13.33%

PADRINO SYSTEM WALANG DISIPLINA TOTAL

2 16 30

6.67% 53.33% 100%

Isinasaad pa rin sa kadahilanan ng kapakinabangan sa unang kabanata na bukod sa magandang ugali ng Pilipino, mayroon namang mga ugali na hadlang sa magandang pakikitungo ng isang tao. Ito ay ang mga hindi kagandahang ugali ng Pilipino, at ilan ay napili sa kanila para sa talatanungan. Ang ikaapat na tanong sa talatanungan ay kung ano ang hindi magandang ugali ng Pilipino na hanggang ngayo’y existed pa rin sa tao. Ayon sa survey, lumalabas na dalawang (2) katao na may 6.67% na porsyento ang sumagot parehas ng mga katagang colonial mentality at padrino system; anim (6) na katao na may 20% na porsyento sa kategoryang crab mentality; apat (4) na taong may 13.33% na porsyento sa procrastination; at 53.33% na may 16 na katao ang sumagot ng walang disiplina. Kahit saan man tayo magpunta, may mga taong walang disiplina kahit saan mang aspeto. Ito ang sinagot ng 16 katao na may porsyentong 53.33% sa kategorya ng walang disiplina.

HULING PRESENTASYON NG DATOS Bilang ng Taong Kailangang Matutunan ang Kaugaliang Pilipino

MGA KASAGUTAN …UPANG MAGKAROON NG MAGANDANG BUKAS ANG ANG ATING BANSA …NAGKAKAUNAWAAN

BILANG NG SUMAGOT

PORSYENTO

14

46.67%

12

40%

MGA TAO SA ARAW-ARAW

NA GINAGAWA …I-PRESERBA KAUGALIANG PILIPINO

ANG

4 30

13.33% 100%

TOTAL

Isinasaad ng rasyonal, layunin, at kahalagahan ng paksa sa unang kabanata na bakit kailangang matutunan ng isang tao ang kaugaliang nakagisnan. Hindi man siguro nabanggit ng mananaliksik ang patungkol sa mga sagot sa talatanungan, bigyang-daan ang mga tatlong importanteng bagay kung bakit nga ba kailangang matutuhan ng tao ang kaugaliang Pilipino. Ayon sa survey, 14 katao na may 46.67% na porsyento ang naniniwalang kaya kailangang matutuhan nila ang kaugaliang Pilipino ay dahil upang magkaroon ng magandang bukas ang ating bansa; 12 katao na may 40% na porsyento naman sa mga naniniwalang nagkakaunawaan ang mga tao sa ugali sa araw-araw na gawain; at apat (4) na katao na may 13.33% na porsyento naman para sa mga naniniwalang dapat i-preserba ang kaugaliang Pilipino. Lumalabas sa survey na ito na mas marami ang naniniwalang kailangang matutuhan ng Pilipino ang ating kaugalian ay dahil upang magkaroon ng magandang bukas ang ating bansa tungo sa pagbabago. HULING KABANATA LAGOM, KONKLUSIYON, AT REKOMENDASYON Ang huling kabanatang ito ay naglalaman ng buong lagom ng pananaliksik, ang kanyang mga konklusiyon, at rekomendasyon. LAGOM Nagsimula ang pananaliksik na ito sa layunin ng mananaliksik na suriing mabuti kung ang kaugaliang Pilipino ay nawawala na o tila nasa tao pa rin ang tradisyon ng pagsasanay ng kaugaliang nakasanayan. Sa makabagong

panahon at sibilisasyong ating ginagalawan, nagkakaroon ng tendensiya na magbago ang ugali ng isang tao na maaari siyang gumawa ng mali o tama. Sa pananaliksik na ito ay kumuha ang mananaliksik ng ilang reperensiya sa Internet, gaya ng mga blog sites, search engines, artikulong maaaring mabasa; mga aklat na lathain patungkol sa kaugaliang Pilipino na nakalathala sa mga asignatura ng Filipino, Sibika at Kultura, at Pagpapahalaga sa Sarili (Values Education); at isang lathain na tila iyon ay pag-aaral ng kaugalian ng Pilipino. Sa pananaliksik na naganap, nabuo ang konsepto kung paano susuriin ang kaugaliang Pilipino – kung ito’y nawawala o hindi nawawala sa tao. Upang malaman ng mananaliksik ang kanyang paghahanap ng mga datos, nagpamahagi ang taga-saliksik ng tatlumpung (30) kopya ng talatanungan sa tatlumpung katao sa loob ng AMA Fairview Campus. Ang talatanungan ay may limang katanungan na may dalawa (2) hanggang limang (5) katanungan na maaaring hanapin sa ikatlong kabanata. Karamihan sa mga sumagot ng mga tanong ay kung ano rin ang isinagot ng ibang tao, gaya ng pagiging sibilisa ng panahon, may pagmamahal pa sa pamilya, at iba pa. May mga naniniwalang kailangang matutuhan natin ang kaugaliang Pilipino ay sapagkat may magandang bukas itong maidudulot sa ating bansa. Sabi nga ng isang commercial sa telebisyon, “Ang korapsyon ay nagsisimula sa pamilya.” Kung ang sinasabi ni Dr. Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ay dapat magpatuloy, ang kabataan dapat ang gumagawa ng kilos para mapabuti ang ating bansa. Siguro iyan ang pananaw ng mga nakasagot ng nasabing kasagutan sa talatanungan. Pagkatapos makuha ang mga kinakailangang datos para sa pananaliksik na ito, ito’y inisa-isang kalkulahin ng taga-saliksik at ito’y kanyang binigyang bilang at porsyento kada kasagutan sa talatanungan. Matapos ang proseso na nakalathala sa ikatlong kabanata (at ginawa para sa ikaapat na kabanata), ito’y inisa-isang ililahad sa pamamagitan ng tabulated form ng bilang at porsyento ng mga sumagot ng tanong sa talatanungan.

Nakuha na ng mananaliksik ang kanyang pakay patungkol sa paksang ito na pinamagatang “Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino”, na kung ang ugali ng tao ay nawawala o tila nasa kanila, pero patuloy na ginagawa.

KONKLUSIYON Nakita na ng mananaliksik ang kanyang mga datos at mga interpretasyon nito, at siya’y humantong sa pagkakaroon ng konklusiyon. Heto ang mga sumusunod na konklusiyon: A. Ang pagiging sibilisado (civilized) ng isang tao ay nakaka-apekto sa paguugali na kanyang nakasanayan. Ito ay maaaring mabago sa pamamagitan ng kanyang lugar na ginagalawan. B. Ang kaugaliang Pilipino ay tinuturing pa rin na isang parte ng ating kulturang Pilipino. Noong kabataan nati’y tinuturo na sa atin kung paano gawin at kung ano ang ibig pakahulugan ng mga kaugaliang Pilipino. Sa HeKaSi (Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika) at inilathala ng mga awtor kung ano ang mayroon sa bansang Pilipinas – kultura, kaugalian, at iba pa. C. Ang ama ay ang pundasyon ng pamilya. Ang ina ay ang ilaw ng tahanan. Ang mga anak ang nagpapasaya sa pamilya. Hindi natin maiiwasan na mahalin natin ang ating pamilya. Kahit magkaroon pa ng problema ang buong pamilya, ito ay hanggang ngayo’y ginagawa pa rin ng karamihan sa mga Pilipino. D. “Hindi ka tatantanan!” Ito ay isang phrase na sumikat mula sa isang GMA-7 news anchor na si Mike Enriquez sa kanyang sikat na late-night documentary show na Imbestigador, kung saan pinapalabas ang mga taong walang disiplina. Ibig sabihin, ang kawalan ng disiplina sa bawat isa’y hanggang ngayo’y hindi pa rin nawawala sa sirkulasyon ng hindi magagandang kaugaliang Pilipino.

Karamihan sa mga taong sumagot ng nasabing kategorya ay naniniwalang wala pa ring disiplina ang karamihan sa atin. E. Matuwid na daan. Ito ang sinabi ni Pangulong Aquino (Noynoy) noong siya ay nangangampanya. Ang pagkakaintindi ng mananaliksik sa phrase na ito ay ang magkaroon ng magandang bukas ang ating bansa. Karamihan sa mga tao ay naniniwalang magkakaroon ng magandang bukas ang ating bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugaliang nakasanayan. F. Hindi pa talaga nawawala ang kaugaliang Pilipino, kahit saan mang aspeto natin ilagay. May mga taong gumagawa pa rin ng magagandang kaugalian na kanilang nakasanayan, habang may mga taong gumagawa ng mali na ikapapahamak pa ng ibang tao. Ayon sa ikatlo at ikaapat na katanungan sa talatanungan, bawat katanungan ay may pinakamataas na sagot bawat isa.

REKOMENDASYON A. Hindi natin maiiwasan na maging aware sa mga makabagong bagay sa ating makabagong panahon. Ang panahon na ating ginagalawan ay may mga bagay na maaaring mabago, pero ang nakasanayan at hindi dapat mabago, at hindi dapat mawaglit kailanman. Malay nating lahat, ito ay magiging instrumento ng pagkakaisa sa bawat isa.

B. Sa mga taong walang disiplina kahit saan man sila ilagay, dapat ay matuto ang mga tao sa kanilang mga mali. Ang bawat bagay ay may kaakibat na kabutihang dala patungo sa isang magandang bukas sa ating sarili. Sabi nga ng mga nagpapaliwanag, intindihing mabuti ang sinasabi nila dahil para sa mga tao ang kanilang sinasabi at hindi para sa kanila.

C. Sa mga mapagmahal sa pamilya, ipagpatuloy lamang ang mga ginagawa dahil ang pagmamahal sa pamilya ay sadyang maganda. Ang pamilya ay sigurong tinatawag na modelo ng isang bansa dahil matindi at mainit ang kanilang samahan. Kaya ang mga mapagmahal sa pamilya, ipagpatuloy ninyo lamang ang inyong ginagawa at kahit may problema, lutasin ito ng matiwasay. D. Kahit hindi na tinuturo sa atin ang kaugaliang Pilipino sa mga asignatura ay dapat magkaroon ng muwang ang mga tao sa mga mabubuting ugali na ating ginagawa. Ipagpatuloy ang magagandang ugali at iwaglit ang pangit na ugali ng ating bansa. E. Sa mga kabataan ng bagong henerasyon, inyong marapatin lamang na kayo ang itinalaga bilang pag-asa ng bayan. Sa inyong sarili pa lamang ay magsimula na ang bawat isa ng pagbabago tungo sa magandang bukas. Huwag tumulad sa mga walang patutunguhan sa buhay, dahil ang bawat isa’y may tadhana sa buhay upang magbago.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->