P. 1
Isang Liham by: Prof. Hakimi

Isang Liham by: Prof. Hakimi

|Views: 344|Likes:
Published by Cairoden Dimasangca

More info:

Published by: Cairoden Dimasangca on Apr 18, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/14/2012

pdf

text

original

Sinulat:Prof.

Reza Hakimi Saling Wika nina: Mahamod Tajar at Cairoden Dimasangca

Page

1

Sa Ngalan ng Mahabaging Panginoon

Ang liham ni Ginoong Mahmood Reza Hakimi (manunulat na taga- Iran) kay Fidel Castro (dating pangulo ng bansang Cuba) Ito ay sulat-kamay na liham, na may labing walong pahina, ni Propesor Mohammad Reza Hakimi ng bansang Iran para sa dating Presidente ng Cuba, Fidel Castro, tungkol sa relihiyong Islam. Ang liham na ito ay isinalin sa wikang Espanyol at nilalaman nito ang magagandang paksa para mailarawan ang tunay na relihiyong Islam. Si Prop. Hakim ay nagbigay din ng dalawang tomo na aklat na pinamagatang “ al-Hayat” (Ang Buhay) kay Fidel Castro, na naglalarawan ng relihiyong Islam na hango sa tatlong pinakamahalagang batayan: ang Banal na Qur’an, Tradisyon o mga Salita ng Propeta Muhammad at ng Imam Ali. Ito ang buo at pinaiksing liham na sinulat ni Propesor Hakimi: Kagalang-galang na Pangulong Fidel Castro ng Cuba, Ako ay sadyang humahanga sa inyo at walang-pasubali kong ipapahayag at sasabihin na kayo ay isang tunay na mabait at mapagmahal na taga-suporta ng mga taong dukha at maralita sa mundo. Kayo ay sumasalungat sa mga Imperyalista at kolonyalistang pamamaraan. Dalangin ko na sana ay magpatuloy ang tagumpay ninyo, kasama ang iba pang mga pinuno ng pamahalaang Cuba, kabilang na ang matalik ninyong kaibigan na si Ginoong “Che Guevara.” Matagal ko na kayong kilala at hinahangaan lalo na sa inyong pakikitunggali laban sa diktadura at pagsalungat sa mga dayuhang nag-aabuso sa inyong bansa. Hayaan ninyong ipahayag ko ang kuwento na ito para mas lalo kong maipaliwanag ang ninanais kong ipahiwatig. Ganap na 40 taong gulang ako noon nang ako ay magbigay ng panayam sa isang pamantasan sa Iran tungkol sa dinamismo ng Islam at iba pang kuro-kuro na hango sa ganap na pagbabago sa aming relihiyon para sa mga estudyante ko noon. Ang paksang tinalakay ko noon ay tungkol sa “Ang Araw ng Katotohanan.” Gaano kahalaga ang “araw” sa materyal na buhay ng tao, at gaano kahalaga rin ang “Katotohanan” para sa buhay ispiritwal, pampulitika, at panlipunang katarungan. Nang matapos ang aking lektura, isang iskolar mula sa Iran na kayo’y hinahangaan at tinatangkilik ang nagsabi sa akin: “Ginoo, kung nandito lamang si Pangulong Fidel Castro at narinig ang itinalakay ninyo tungkol sa dinamismo ng Islam, at kung gaano ito kabisa upang

Page

2

isalungat ang pamamaraang imperyalismo at pananakop ng mga dayuhan sa mga bansang maliliit at mahihina, sadyang matutuwa siya sa inyo.” Ang Imam Ali(A.S), isang tanyag na lider ng Islam, ay nagsabi: “Sa kinasasakupan kong bayan na kung tawagin ay “Kufa,” ay masasabing ni isa ay walang dukha o taong nagugutom, at lalo nang walang mapang-abusong namumuno!” May matatagpuan bang lider sa mundo na mangahas na magsasabing ganoon din siya? Napagtanto ko kung papaano may pagkahalintulad ang pananaw sa buhay at turo ng dalawa nating kultura at ideolohiya sapul pa ng apat na taong nakaraan, at sa pamamagitan nito ay hayaan mong hingin ko ang napakahalaga mong oras sa pamamagitan ng sulat na ito. Ginoo! Akin pong nabasa ang pakikipanayam sa inyo ni Padre Frie Betto. Sa panayam na iyon, na dalawang beses naisalin sa salitang Persiano ng magkaibang manunulat, si Padre ay nagtatanong sa inyo at ito naman ay sinasagot ninyo. At nang kayo naman ay magtanong kay Padre kung ano ang turo ng Kristyanismo tungkol sa pagtulong sa mga dukha at mahihina, at kung papaano labanan ang pang-aabuso ng mga mayayaman at maykapangyarihan, maikling kasagutan naman ang naipahayag ni Padre Betto. At sa aking pagbasa sa aklat na ito tungkol sa inyong usapan, kasabay kong nagunita ang mga turo ng Islam (mula sa mga salita ng Qur’an o mga aral ng Propeta Muhammad at ng iba pang mga tunay na lider ng Islam), at ang maraming kasagutan ukol sa mga tanong ninyo. Dahil dito, gusto kong ibahagi sa pamamagitan ng sulat na ito ang ilang kaalaman tungkol sa Islam at mga turo nito ukol sa usaping pagtatanggol sa mga maralita at pagsupil sa pang-aabuso at mapanamantalang may mga kapangyarihan. Gusto ko ring ipahayag, bago ang lahat, na sa inyong pagbisita sa aming bansa (Iran) ay inasam kong kayo ay masilayan ng personal, ngunit sa dami ng aking naging trabaho at pananaliksik, kasama pa ang aking pagkakasakit, ay hindi ko kayo naabutan. Bukod dito, masyado kayong abala sa ibat-ibang iskedyul kung kaya’t hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita kayo ng personal at hanggang sa telebisyon ko lamang kayo nasubaybayan. Sa inyong pagbalik sa inyong bansa mula sa Iran, narinig ko na interesado kayong dagdagan ang inyong kaalaman sa relihiyong Islam. Iyon ang nag-udyok sa akin na kayo ay sulatan dahil alam ko ang pakikibaka ninyo, kasama ang inyong nasasakupan, laban sa mga mapang-aping personalidad, lalo na ang mga pamamalakad ng Imperyalismong pamumuno ng Estados Unidos. Kaya, ikinararangal kong ipagkaloob sa inyo ang may dalawang tomo na aklat na pinamagatang “Ang Buhay” na isinalin sa wikang Espanyol at taos puso kong inilathala kasama ang mga taong tumulong sa akin para ito maisakatuparan. Kalakip din nito ang sinulat kong liham para sa inyo upang lalong maipaliwanag ang nilalaman ng aklat na yaon, at ayon din sa aking mga kaibigan, mas maipapaliwang ko ng husto ang ninanais kong ipahiwatig sa inyo kung gawin ko itong mahaba-haba.

Page

3

Ang libro na ito na pinamagatang “Ang Buhay” ay mula sa anim na tomong aklat na sinulat mula sa orihinal na wikang Arabe bago ito naisalin sa wikang Persyano ni Propesor Ahmad Aram. Ito ay isinalin sa wikang Espanyol na may kabuuang dalawang tomo ni Ginoong Mo’allemi Zadah, at ganoon din sa wikang Urdu ni Ginoong Abid Asgari. Sa dalawang tomo (na ngayon ay naging apat na tomo na sa wikang Espanyol) na pinadala ko sa inyo napapaloob ang halos lahat ng mahahalagang aral ng Islam tungkol sa Buhay Ispiritwal at pangkapayapaang koneksyon ng mga tao sa kapwa tao na sumasangguni mula sa dalawang mahahalagang pinagmumulan ng turo ng Islam: “Kitab at Sunna” (ang Qur’an, ang banal na aklat ng Islam at ang mga turo ng Propetang Muhammad). Ang paksa ng unang dalawang kabanata ng ika-4 na tomo ng nasabing libro sa wikang Espanyol ay ang mga mahahalagang aral, bagaman maiksi lamang, na naglalarawan ng paggalang sa karapatang pantao. Inaasam kong matapos agad ang pang-anim na tomo ng aklat na sinasalin sa wikang Espanyol at ito’y makarating agad sa inyo dahil napapaloob rito ang mga talakayan at mga magagandang paksa, mga aral tungkol sa katarungan ng bayan at ng mundo, at kung papaano sugpuin at labanan ang gutom at kahirapan na nagpapahirap sa sangkatauhan. Sa pagkakataong ito ay nais kong umpisahan ang maikling paglalahad na hinango sa tatlong pinagmulan ng aral ng Islam, at iyon ay: ang Banal na Qur’an, mga salita ng Propetang Muhammad at ganun din ang aral ni Imam Ali. Sa Banal Na Qur’an Ang pinakabatayan ng turo ng banal na Qur’an at ng relihiyong Islam ay nahahati sa dalawa: 1) Tawhid ( paniniwala sa iisang Diyos) 2) Adl ( patas na Hustisya) Ang Tawhid ay para ituwid at ituro ang tamang kaugnayan ng tao sa Panginoon. Ang Adl ay para sa pantay na pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa tao. Kung tutuosin po ay sadyang hindi lalabas sa dalawang punto na ito ang anumang turo o aral ng Islam, panlupa man o ispiritwal. Ang patuloy na pagtagumpay ng tao sa buhay (materyal man o ispiritwal) ay nakasalalay sa dalawang prinsipyo na ito. Ang dalawang salik na ito ang pinakamahalaga sa lahat. Ang tao ay kailangang maniwala sa Panginoon upang siya ay magtagumpay sa buhay na ispiritwal na siya ring magbibigay-daan para siya ay maniwala sa karapatan ng kanyang kapwa tao (kasama na rito ang kanyang pagiging malayang nilalang). At ang tagumpay ng tao ay kaakibat ng paniniwala niya sa isip at sa gawa. Walang maituturing na bansang hindi nagtatagumpay na sumasangguni sa dalawang pamantayan na ito na hango sa turo ng Qur’an: “ang paniniwala sa iisang Lumikha at ang pagkilala sa karapatan ng bawat isa.” Kung may nababanggit pa mang bansa sa ngalan ng Islam na hindi nagtatagumpay ay nangangahulugan lamang na sila ay naging Muslim lamang

Page

4

sa pangalan at hindi umaayon sa tunay na kahulugan at tuntuning Islam. Kinakailangang baguhin ito, at kinakailangan nilang lalong palalimin ang kanilang kaalaman sa Islam upang maiayon ang kanilang pamamalakad at pagbabago ayon sa kagustuhan ng Islam nang sa gayon ay mapatalsik nila ang pamahalaang hindi sumusunod sa mga prinsipyong nabanggit. Ang dalawang ito ay maituturing sa mga pinakamahalaga sa mga aral ng Islam: 1) Tamang Asal (pagsasanay sa mga tao tungo sa tamang sosyalidad). 2) Pangkalahatang Hustisya ( Social Justice) hustisya para sa bayan at ng bawat isa). Sa madaling salita ang bansang may tuntuning Islamiko, ay maituturing na bansang mapayapa at kung hindi, ito ay taliwas sa tunay na anyo ng Islam o hindi naaayon sa Qur’an. Kagalang-galang na Pangulo! Ang adhikain ng Banal na Qur’an, ayun sa mga pangaral nito, ay gumagabay sa bawat tao kung papaano mamuhay ng matuwid at matiwasay, hindi maaari ang pagbabago sa iisang pangkat lamang kundi ang tunay na pagbabago ay ang pangkalahatang pagbabago. Ang pinakamabisang pagsasalin ay ang pagbabago ng bawat isa kasabay ang pagbabago ng buong bayan. Isa sa mga turo ni Propeta Muhammad ay ang kanyang pagpapahayag: “ang bawat isa ay maihahalintulad sa isang pastol na may kani-kaniyang responsibilidad sa bawat tupang inaalagaan.” Sa ganitong pamamaraan, ang bawat isa ay may kani-kaniyang tungkulin, ang pinuno man ay may responsibilidad sa kanyang nasasakupan at ang lahat ay pantay-pantay sa bawat isa. Ang tao sa pananaw ng Islam ay may kani-kaniyang tungkulin sa bawat isa. Katulad ng isang perang tanso na may dalawang magkatunggaling mukha na hindi maaaring magkaroon ng isa kung wala ang pangalawa.

Samakatuwid, hindi maituturing na pagbabago ang pagsulong ng isang pangkat ng mga tao na hindi kasabay ang pagbabago ng buong bayan at ganoon din ang pag-unlad ng bayan kung hindi kaakibat ang pagsulong ng bawat miyembro nito.

Page

5

Hindi maari ang responsibilidad para sa pansarili lamang na hindi kalakip ang kapakanan ng bayan, at ang kaunlaran ng bayan na wala ang pagsulong ng bawat miyembro nito. Samakatuwid, ang pag-unlad ng isa ay tagumpay ng lahat at ng bayan.Sa ganitong antas maituturing ang pagkakaroon ng bawat isa ng dignidad at makakamtan ang pangkalahatang katarungan, mapayapang pamumuhay at kalayaan ng bawat isa. Ang paghangad ng kapangyarihan ayon sa Qur’an ay upang ito ay maging instrumento lamang sa pagsulong at pagbabago ng lipunan. Ang kapangyarihan ay hindi ginagamit sa pansariling interes at pangaabuso na gaya ng pamamalakad ng pamumunong Amerikano. Sa pamamaraan ng Estados Unidos, hindi lamang kapakanan ng sariling interes nito ang iniisip kundi dagdag pa dito ang wasakin at sirain ang moralidad at dignidad ng ibang bansa, tulad ng pakikitungo nila sa bansa namin- ang pigilin kami sa pag-alinsunod sa banal na alituntuning ipinapahayag ng Qur’an .

Kung ating tantiyahin ang mga itinuturo ng Banal na Qur’an, ipinapahiwatig nito kung ano ang kinasapitan ng ibat’-ibang sinaunang komunidad na nahumaling sa paggawa ng masama, pang-aabuso sa kapwa at nalunod sa imoralidad na gawain at gayun din kung papaano sila nawasak at naglaho. Nasa banal na Koran ang mga aral tungkol sa iba’t-ibang bansa na umalinsunod sa tamang pamamaraan at matinong pamamamlakad, at kung paano sila nagtagumpay sa kanikanilang pangpisikal at pang ispiritwal na buhay, at kung papaano nila nakamit ang malayang pamumuhay mula sa mapang-abusong pamumuno sa poder ng mga banyagang diktadura. Ang turo ng banal na Qur’an sa sangkatauhan ay upang kilalanin ang tunay na Panginoon na nagbahagi sa lahat ng buhay Ispiritwal at Pisikal; at sa pagtalikod at hindi pagkilala o pagsunod sa kautusan ng Diyos, hindi lamang buhay pisikal ang maglalaho sa kanila kundi pati na rin ang pang-ispiritwal nilang buhay ay tuluyan na ring maglalaho sa kanila. Ang taong sumusunod sa banal na kautusan sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay ay sadyang nagtatagumpay. Ang banal na Qur’an ay nagpapahayag sa tao upang mapanatili nito ang ispiritwal na pananaw at nang parati siyang magdasal at umalinsunod sa kautusan ng Panginoon. Gumagabay din ito sa tao na mamuhay sa pundasyong makatwiran sa bawat isa at hindi lamang pumapanig sa isang pangkat ng may mga kakayahan at kayamanan. Nasa banal na Qur’an ang adhikain tungo sa pagkamit ng bawat isa ng mapayapang pamumuhay. Nasa kautusan ng Banal na Qur’an ang sugpuin ang lahat ng uri ng pang-aabuso at diktadurang pamamalakad- gaya ng Pharaoh na sumisimbulo sa diktadurang pamumuno, o kaya ay pang-ekonomiyang pananamantala na tulad ni Qarun (Khosroe) o di kaya ay ang pangkulturang pang-aabuso na gaya ng kay Hamman, ang lahat ng mga ito ay dapat mapatalsik ayon sa aral ng Qur’an, upang mapanatili ang dignidad ng mga pangkaraniwang tao. Ayon din sa Qur’an, ang tunay na Muslim ay parating matatag upang maging matagumpay sa buhay laban sa mga dambuhalang mapang-abusong maykapangyarihan, at kung kinakailangan niyang makibaka para mapanumbalik ang tunay na kalayaan, karapatan at dignidad ng pangkaraniwang tao, ito ay dapat na isagawa. Sa madaling salita walang pagbabago sa bawat isa kung walang pagbabago ng bayan, at kung walang pagbabago ang bayan ay walang pag-angkat ng bawat kasapi nito. Ang Muslim ayon sa turo ng Qur’an ay mapagsumikap at handang maging matulungin sa kapwa at maging huwaran ng kagandahang asal sa kanyang komunidad. Handang sumalungat sa mapang-api o mga imoral na asal at masasamang gawain na nakasisira sa bayan at sa sangkatauhan. Page

6

Ang Qur’an ay gabay sa pamamaraan ng pag-angkat ng ekonomiya ng bansa tungo sa pagsulong ng bayan at gumagabay na maging matiyaga sa lahat ng oras at magkaroon ng matatag na pamumuhay ang bawat isa, hindi lamang para sa isang pangkat o grupo. Ipinapahiwatig ng Qur’an ang pag-iwas sa paggamit ng yaman sa maling paraan at mga kagamitan na hindi kinakailangan habang ang karamihan ay nangangailangan nito at nagugutom (umiwas sa pagsasayang ng yaman). Ipinapahiwatig nito sa tao ang pagsusumikap sa buhay at gawing makabuluhan ang bawat yugto nito sa pamamagitan ng tiyaga at huwag mahumaling sa mundong pansamantala lamang, at isa-isip nito na may kasunod pang buhay na walang hangganan. Dito mapagtanto ang tunay na katuturan ng ano mang bagay o gawain na tinamasa dito sa mundo, mabuti man o masama! Ang Qur’an ay gumagabay sa lahat ng nananampalatayang Muslim tungo sa pagkakaisa at di pagkawatak-watak. Ang Qur’an ay nagbibigay-aral sa mga tao upang mapakinabangan ang kagandahan ng buhay, at mabigyang-pansin ang paglikha sa araw, dagat, mga puno at bulaklak, mga hayop at iba pang bagay, ngunit hindi dapat kalimutan na ang lahat ng yaman na ito ay ang Panginoon ang may likha, at magbigay-aral upang itanong sa sarili kung para saan ang paglikha sa lahat ng ito, upang mapagtanto ang tunay na katuturan ng malawak at kaygandang yaman ng mundong ito. Tinuturo ng Qur’an sa bawat nilalang na palaging umalinsunod sa mga tuntunin ayon sa kagustuhan ng Panginoon ng kalangitan, at laging isa-isip ang kakayahang naipapamalas ng Maylikha sa mundong ito. Dapat isaalang-alang ng sangkatauhan na ang Qur’an ay hindi pangkaraniwang libro lamang kundi espesyal na gabay para ituwid ang tao at ang sambayanan, at walang kahalintulad. Sa pananaw ng Qur’an, higit na mahalaga ang taong pantas (may kaalaman) kaysa sa taong mangmang. Sa pananaw ng Qur’an ang isang mapanghimagsik na tao tungo sa kabutihan ng karamihan ay kagalang-galang sa pananaw ng Panginoon. At ngayon ipahayag natin ang ilan sa mga kasabihan hango sa mga salita ng Propetang Muhammad upang lubusan nating mabigyan ng katuturan kung ano ang tunay na kahulugan ng Islam: Ayun sa Propeta: “Ang isang oras na maiaalay para makamit ang katarungan ng isang tao ay mas mahalaga kaysa sa pitumpong taong pagdarasal.”

Ayun din sa Propetang Muhammad, “Ang mga maralita at mahihirap ay may sapat na bahagi sa yaman ng mga mariwasa at mayayaman.

7
Page

Sa pananaw ng Panginoon at ng Propeta, ang bayang may nakatirang nagugutom, habang hindi natutulungan, ay maituturing na makasalanan.

Maliban sa paniniwala sa Panginoon, isa sa pinakamahalagang sinyales ng talino ay ang pagkakaroon ng magandang asal at tamang pakikitungo sa mga tao- sila man ay mababait o masasama. Ayon pa rin sa mga aral ng Propeta, kung sino man ang makakatulong sa kapwa at maipagtatanggol ang mahihinang mamamayan laban sa mapang-aping indibidual o grupo ay magiging kaagapay nito sa paraiso! Alinsunod din sa turo ng Propeta, “Ang sinuman na maypagkakautang at hindi kayang magbayad at humingi ng tulong sa Islamikong Pamahalaan, siya ay karapat-dapat na tulungan ng gobyernong ito.” Sabi pa rin ng Banal na Propeta, “O, mga Muslim! Iabot niyo ang parte ng mga dukha mula sa yaman ninyo upang sa ganon ay tanggapin ng Panginoon ang mga dasal ninyo papunta sa langit!” ( Dapat natin malaman kung gaano kahalaga ang dasal sa buhay ng tao ayon sa relihiyong Islam datapwa’t ayon sa Propeta, para lubusan tanggapin ng Diyos ang mga dasal na ito, ay kalakip nito ang pagbibigay ng parte sa mga maralita at mahihirap). Sabi pa ng Propeta, “Ang naiwang kayamanan ng isang pumanaw ay para sa mga anak o kamaganak nito, at kabayaran sa mga pagkakautang nito (kung mayroon), at kung ito ay may naiwang sakahan, iyon ay para sa Gobyerno para sa pangkalahatan.” Ayon pa sa Propeta, siya ay ipinarating upang maging batayan ng magandang asal at pantay na katarungan para sa isa’t isa. Ang Propeta ay nagsabi, “Kung ikaw ay nakiupo kasama ng mga iskolar, para ka ring nakisabay sa mga kaibigan ng Panginoon at karapat-dapat ka sa langit.” Gayun din ang aral ng Propeta sa kanyang pagbanggit, “ang isang taong napapaamin sa kasalanan dahil sa pananakot rito ay hindi karapat-dapat husgahahan at parusahan”. Ayun din sa kanya, “Ang mga kababaihan ay iniingatan! Ang kahalintulad nila ay isang bulaklak! Na hindi dapat sinasaktan.” At ngayon ay ilan din sa mga siping salita ng Imam Ali bilang huwaran ng isang tunay na tagasunod ng Propeta Muhammad. Tinuturing siyang isang tunay na huwarangang Muslim sa buong kasaysayan ng Islam. Ayon sa kanya: “Ang tunay na lider ay hindi pumapanig kanino man, kamag-anak man o kakilala, kundi sa katarungan lamang.” Sinabi ni Imam Ali na ang isang Muslim na lider, ayon sa kautusan ng Panginoon, ay dapat na mamuhay tulad ng karaniwang mamamayan.” Nagpahayag din ang Imam Ali sa kanyang mga opisyal sa gobyerno: “Walang patutunguhan ang bansa natin kung walang hustisya! Huwag ninyong gamitin ang pagkatalaga sa inyo sa posisyon para magpayaman lamang mula sa kaban ng bayan, kundi upang magsilbi lamang sa mga mamamayan.”

Page

8

Kasama sa mga patnubay ni Imam Ali tungo sa pamamahala ang manatili at palaging alerto sa pagmanman sa pagkontrol ng tamang presyo ng pamilihang bayan upang sa ganoon ay hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga mapagsamantalang mangangalakal na mayayaman sa mga mamimili. Ayun din sa Imam Ali, “Kahit ang anak kong si Hasan o si Husayn man, pag mapagtantong nagkasala ay papatawan ko ng sapat na parusa.” Siya rin ay nagsabi, “Handa kong supilin kahit ang malalakas na tao, para hindi sila makapag-abuso ng mga karaniwang mamayan, at handa kong ipagtanggol ang mga ordinaryong tao upang makamit ang kanilang karapatan.” Ganoon din ang kanyang pagsabi, “Ang mga iskolar at marurunong ay may responsibilidad na tulungan ang kapwa nilang mamamayan para makamtan ang kanilang katarungan at mapasakamay ang kanilang karapatan mula sa mga lider ng pamahalaan.” Ayon pa sa Imam, “Panatilihin ninyong abutan ng kamay ang mga mamamayang nangangailangan ng tulong mapa-araw man o mapagabi o kahit sa oras ng inyong pamamahinga!” Ayon pa sa Imam Ali, “Sa pamamalakad ng Islam, lahat ay may karapatan, siya man ay isang Muslim o hindi.” Isang araw may grupo ng mga pinunong Muslim ang dumating sa kay Imam Ali at nagpahayag na sila ay maraming nagawang paglilingkod sa madla noong araw at ngayon ay hinihingi nila na dapat ibigay sa kanila sa ngayon ang dagdag nilang parte! Ang sagot ng Imam Ali sa kanila: “Ang pera ng pamahalaan ay pantay-pantay sa kapakanan ng lahat ng tao at hindi sa napipintong lider lamang, wala pa akong nababasa sa Banal na Qur’an na ang mga tao ay may kani-kaniyang antas sa lipunan kundi ang lahat ay pantay-pantay!” Sabi ng Imam Ali sa may mga kasalanan “Huwag ninyong ipahayag sa akin ang bawat pagkakasala ninyo dahil obligado akong parusahan kayo, ngunit kung kayo ay sa Panginoon mangumpisal ng kasalanan (magsisi) ay sadya Siyang handang magpatawad kanino man!” Ayon din sa Imam Ali, “Hindi karapat-dapat sa tungkulin ng pamahalaan ang mga taong makasarili at walang takot sa Panginoon.” Ayon din sa kanya, “Ang mga namumuno sa pamahalaan ay hindi dapat mag-aksaya ng anumang bagay maging sa paggamit ng papel o pluma o sa pinakamaliit na bagay.” Sabi rin ng Imam: “Ang matatapat na Hukom at Husgado ang dapat piliin, sila yung matatapat na hindi nasisilaw ng pera o regalo. Ang karapat-dapat na italaga bilang husgado ay yaong matitino!” Ayon din sa kanya, “Ang pang-aabuso sa kapwa tao ang pinakamasamang gawain ng isang nilalang at ito ay may napakalaking paglilitis na ispiritwal sa araw ng paghuhukom.”

Page

9

Ang Imam Ali ay pantay-pantay sa paghati-hati ng kani-kaniyang bahagi mula sa yaman ng bayan maging sa kapamilya man o kamag-anak. Sabi pa ng Imam Ali, “Simula nang ako ay maitalagang lider ninyo, iilan lamang ang aking pag-aari, maliban sa aking sariling damit at personal na gamit! At kung sa bandang huli, mas dumami ang mga ito ay tanda iyon ng aking pang-gugupit sa kaban ng bayan at iyon ay hinding-hindi ko magagawa!” Ang Imam Ali sa kabila ng pagiging makapangyarihang lider ay gumagawa rin ng sariling hanapbuhay bilang magsasaka, at yaong kinikita niya ay ipinamamahagi sa mga dukha! Minsan ipinagbili niya ang sariling espada at hindi hinayaang dumukot sa kayamanan ng bansa! At umabot pa sa pagkakataong ipinagbili niya ang sariling sakahan ng datiles upang ipamahagi sa mga mahihirap at maralitang nangangailangan. Ang Imam Ali ay nagpatalsik sa pwesto ng isang hukom dahil lamang sa kanyang pambubulyaw sa isang akusado sa loob ng husgado. Sa aling bansa pwede makatagpo ng isang hukom na napatalsik dahil lamang sa pangbubulyaw sa isang akusado sa loob ng kanyang sala? Sa bansang Griego ba? O Sa Roma ? O sa bansang Estados Unidos? Walang tayong huwarang makikitang ganoon! Ilan sa mga pangaral ni Imam Ali ay malalaman sa pamamagitan ng liham sa kanyang tinalagang gobernador sa bayan ng Ehipto, at kabilang sa nilalaman ng liham na yaon ay ang pagbanggit ng salitang “karapatang pantao,” na naulit ng tatlumpong beses, na nagpapahiwatig sa kahalagahan nito! Gusto kong talakayin sa inyo ang turo ng tanyag na Propesor ng Islam na naging kaibigan ko rin na si Propesor Jaf’ri (pumanaw na apat na taon na ang nakaraan) tungkol sa Islamikong pamamahala: Ukol sa karapatan ng mga hayop ayon sa pananaw ng Islam: 1) Pakitunguhang mabuti ang mga hayop at huwag maging marahas sa mga ito. 2) Maaaring isakdal ng gobyerno ang may nagmamay-ari ng hayop na nang-aabuso nito at patawan ng angkop na kaparusahan. 3) Panatilihing may matitirang gatas para sa mga sanggol nito ang mga hayop ng pinagkukunan ng gatas. 4) Hayaang mag-kuku ng kamay ang sino mang nanggagatas sa mga hayop bago isagawa ang panggagatas rito upang hindi ito masaktan. 5) Hindi ipinapahintulot ang paglalaro ng hayop sa pamamagitan ng pangangaso maliban lang kung ito ay kakailanganin sa pagkain. 6) Bawal saktan o kahit murahin man lang ang mga hayop. 7) Hindi ipinapahintulot ang pangngaso sa mga sanggol na hayop. 8) Ang dapat itatalagang tagapangalaga ng mga hayop ay yung mga taong hindi mararahas upang hindi nito saktan ang mga inaalagaang hayop. 9) Huwag kargahan ng sobra ang mga hayop pag ito ay ginagamit.

Page

10

10) Hayaan at huwag gamitin sa anumang trabaho ang mga hayop na mahihina o may mga kapansanan. Huwag maging marahas sa mga hayop. (Iilan lamang ito sa mga pangaral tungkol sa pakikitungo sa mga hayop) Harinawa Ginoo! Sadyang napapahaba ang sulat kong ito ngunit nakakabuti po itong pagkaroon natin ng komunikasyon sa isa’t isa. Ilan lamang ito sa maliit na parte na nilalaman ng mga turo ng relihiyong Islam tungkol sa kagandahang-asal na kinakailangang magkaroon ang bawat isa. Sana ay mabigyan ninyo ng oras na basahin ang dalawang libro na pinaabot ko sa inyo. Mayroon itong sampung kabanata na may samu’t-saring paglalahad tungkol sa mga aral ng Islam.

Asahan ninyong maipadadala ko anumang oras matapos ang huling pagsasalin ng pang-anim na tumo nitong nabanggit na aklat. Ang lahat ng nailahad ko sa inyong mga salaysay na hinango mula sa aral ng Qur’an, mga turo ng Propeta at ng Imam Ali ay bahagi lamang ng kabuuang Islamikong pananaliksik; ang totoo nito ay may malawak pang ibang mga pangaral ang relihiyong Islam tungo sa sanlibutan. Ito ay makakabuting mabigyan natin ng masusing na pag-aaral. Isa na rito ang tinaguriang “Araw ng Ashura,” ang huwarang ganap na Pagbabago o rebolusyon. Ano ba itong tinaguriang araw ng ganap na pagbabago na huwarang halimbawa sa mundo? Ito ang araw ng sangkatauhan! Kahit man lang sa maikling oras ay maipabatid sa buong mundo ang kaganapan sa araw na ito. Umaasa tayo na darating din ang araw na lilitaw ang katotohanan gaya ng mga pahayag ninyo, “darating din ang panahon na mailalathala ang tunay na kasaysayan at maipapahayag ang buong kaganapang nangyari sa sanlibutan.” At kung maisasakatuparan yan, malamang ay matutunghayan ng buong madla kung gaano kahalaga ang mga pahiwatig na aral ng mga tunay na guro at pinuno na makadiyos at makatao. Magpaganon pa man, kung ang “karapatang pantao”ang usaping tatalakayin, ito ba ay tunay na makatao? O pakitang-gilas lamang ng mga satanismong pamahalaan na may angking “Veto Power!” Diba, sa tinagal-tagal ng sibilisasyon ng mundong ito, ay mas lalo pa ring umuusbong ang pagkamiserable ng mga tao sa mundo ngayon? Di po ba mas lalong lumalala ang daing ng kagutuman sa mundo at ang agwat ng mayayaman sa panig ng mahihirap ay lalo pang lumalala!

Page

11

Di po ba ang bansang mayayaman ay patuloy ang walang pagkahumaling sa pagaaksaya ng pagkain samantalang sa ibang parte ng mundo ay kadalasang namamatay na ang mga tao dahil sa kahirapan at pagkasalat sa pagkain. Paano naaatim ng mundo na magkroon ng mararangya at malalawak na pagamutan ngunit sa kabilang parte naman nito ay ang pagkakasawi ng maraming bata at matatandang may sakit dahil sa kakulangan ng pagamutan at mga doktor? Ito mga mayayaman na naninirahan sa mga mararangyang mansyon at mga palasyo, mayroon ba silang puso upang maituring na tao? Itong mga dalubhasang siyentipiko na gumagawa ng mga sandatanang kumikitil ng buhay sa ngalan ng pulitika, sila ba ay inosente o kriminal din? Ano ang tinatanggap nilang kapalit sa paggawa nitong mga armas na ginagamit sa pagkitil ng buhay? Ginoong Castro! Ito ho bang Samahan ng Bansang Nagkakaisa ay totoong samahan ng pagdadamayan ng mga bansa sa daigdig? O ito’y pakitang-gilas lamang upang gamiting instrumentong mapaglalaruan ng mga bansang malalakas? Ang mapait na karanasan na nangyayari sa bansang Palestino, Bosnia-Herzegovinia at Afganistan…sila ba’y hindi mga tao at walang karapatang maging malaya? Ang mga mamamayan sa bansa ninyong Cuba, ang mga tao sa Japan noon at sa iba pang panig ng mundo? Itong mga lider ng Estados Unidos, sila ba’y tunay na may puso? Ilang beses na nilang nagawa ang pang-aabuso sa ibang mga bansa at kung may mga pag-atakeng nagaganap ( o kahit wala pa man) ay ginagawan nila ito ng dahilan para mas lalong makapang-abuso ng bansa. Ginoong Castro! Kung hindi namin maipahayag ang nilalaman ng aming saloobin, kanino po ba namin pwedeng idaing ito? Ang bansa naming Iran ay nakapagpatunay ng isang ganap na pagbabago (1979). Naialis namin sa pwesto ang diktadura ni Shah at naipatapon namin ang mga Amerikano, ganoon din ang pugad ng mga paniniktik sa likod ng embahada nito at ang pagpigil sa mga opisyal na Amerikano sa panghihimasok sa bansang Iran at naitulak tungo sa bansangTurkey. Ganoon din ang depensa namin sa mahigit na walong taong pakikipagdigma sa bansang Iraq sa pamumuno ni Saddam Hussein sa pamamagitan ng suporta ng mga bansang banyaga. At ang pagtitimpi namin upang makaraos sa ipinapataw na walang hangganang sanksyon sa aming bansa ng mga Amerikano at kaalyado nito. Patuloy namin ito pinagdaraanan, nilalabanan at dahil sa pagtatangkilik namin sa mga aral ng banal na Qur’an, at sa patuloy na pagbigayinspirasyon ng naganap sa “himagsikang Ashura” ay napapaibabaw naming magwagi sa lahat ng mga panglalabis na ito. Kaya patuloy naming itinatangkilik ang paggunita sa alaala ng kaganapan noong “Ashura” bilang pagkilala at paggalang kay Imam Husain at sa kanyang mga kasamahang bayaning nagbuwis ng buhay sa bayan ng Karbala.

Page

12

Hind man namin lubos na matapos ang lahat ng dapat naming gawin para mabuo ang Islamikong pamamaraan dahil sa dami ng mga suliraning aming kinakaharap, lalo na ang mga suliraning idinudulot ng mga kaaway naming banyaga, subalit gaya ng sinabi ninyo “dapat nating gampanan ang nararapat.” Sana lahat ng mga pinuno natin ay makagawa ng paraan para tuluyang matamasa ang hangad nating tunay na ulirang Islamikong pamumuhay. Tulad din ng pahayag ninyo na “walang pagkukubli at pawang katotohanan lamang at huwag lagyan ng piring ang tama!” Dapat din ipaalam sa madla ang pahiwatig ninyo, “Tinanggal ng mga mamamayan ng Cuba ang kadenang pagka-alipin at pinasulong ang pagiging pantay-pantay ng bawat isa,” iyan ang tunay na kahulugan ng ganap na pagbabago. Gusto kong ipahayag ang mensahe ng Islam mismo sa paanan ng isang mahalagang taong tulad ninyo sa pagnanasang maibahagi ang kasaysayan sa mundo. Kalakip ng liham kong ito ang aklat na pinamagatang “Ang Buhay” (Al-Hayat). Sadya kong hindi isinama sa liham kong ito ang mga pinagmulan ng mga paksa kong binanggit mula sa Banal na Qur’an at sa salitang Arabe o sa Tradisyon ng Propeta Muhammad para hindi lalong humaba ang kabuuan ng liham kong ito. Taos puso kong hinahangad na pagtuonan ninyo ng oras upang basahin ang nilalaman ng liham kong ito. Ipinapanalangin ko palagi sa Maykapal na tuluyan nang makamit ang karapatan natin at ng boung mundo at nang bawat bansa, lalo na ang malayang adhikain ng mga mamamayang Cubano, tungo sa matiwasay at masaganag pamumuhay. Dalangin ko ring mas lalo pang mapahaba ang inyong buhay upang lubusan ninyong maisakatuparan ang inyong pakikibaka laban sa Imperiyalismong Amerikano. Sana ay tuluyan nang maglaho sa mundong ito ang pananamantalang pamamalakad ng tao sa kapwa! Sana nga po! Wassalam Lugod na gumagalang, Muhammad Reza Hakimi 5/5/1381

Page

13

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->