You are on page 1of 3

Larangan ng musika Nicanor Abelardo Unang-una sa hanay ng mga tanyag na musika.Isa siyang konduktor at guro.

Kinilala bilang Ama ng Sonata sa Pilipinas at sinulat niya ang Unang Konsyerto para sa piyano at orkestra. Ang ilan sa kanyang Obra Maestra ay Cinderella Overture,Florante at Laura ( hindi natapos na opera)at ang dalawang bantog na kundimang Nasaan ka Irog at Mutya ng Pasig. Julian Felipe Naglapat ng musika sa ating Pambansang Awit. Antonio Molina Ang unang Pilipino na tumanggap ng gantimpala para sa pambansang musika.Kilala siya bilang Dekano ng mga Pilipinong Kompositor. Hindi lamang siya mahusay na musikero at kompositor,magaling din siyang guro ng musika.Nakabatay ang mga komposisyon sa sinaunang instrumentong pangmusika tulad ng kulintang at gabbang.Itinuring niya Ang Batingaw-Simponiyang Pangkorobilang pinakamahalaga niyang kataha.Kasama nina Francisco Santiago at Nicanor Abelerdo, ginawa nilang kagalang-galang na anyo ng sining ang musiksang Pilipino.

Jovita Fuentes Bilang pinakaamhusay na sopranong Pilipina.Nagtanghal siya sa ibat ibang sentro ng opera sa daigdig at sinanay niya ang maraming na Pilipinong mang-aawit ng opera. Antonio Buenaventura Kompositor, mananaliksik, konduktor at guro ng musika.Binuhay niyang muli ang Philippine Army Band sa dati nitong katanyagan bago sumiklab ang digmaan. Nagpapakita ng tunay na musikang Pilipino ang kanyang mga katha. Ang Pandanggo sa Ilaw-1936atMindanao Sketches-1947ay ang mga bantayog niyang musika.

Lucresia Kasilag Naging pangulo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.Siya ay kompositor ng mahigit na 250 piyesang musikal.Naihandog niya sa daigdig ang sariwang pananaw sa kaban ng pamanang kultural ng Pilipinas. Felipe Padillla de Leon

Siya ay simulat ng mga komposisyon para sa piyano,himno,martsa,musikang pambanda,pawang pawang pang-orkestra,opera kundiman tulong simponya at zarzuela.Ang mga operang Noli Me Tangbere at El Filibusterismo ay ang kaniyang obra maestra. Nakilala siya bilang makabayang kom positor. Levi Celerio Siya ang may akda ng mga awit pampulitika tulad ng Dalagang Bukid Umaga na Neneng San ka man Naroon Sa Ugoy ng Duyan Sapagkat Kami ay Tao Lamang Gaano kita Kamahal Bastat Mahal Kita at ang Pasko ay Sumapit. Siya ay naitala sa Guiness Book of World Record na bukod tanging nakalikha ng musika sa pamamagitan ng isang dahon. Larangan ng Sayaw Francisca Reyes Aquino Nagsagawa siya ng isang masusing pananaliksik at pag-aaral sa mga katutubong sayaw ng bawat pangkat ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Naglalakbay siya at nagmamasid sa mga katutubong sayaw ng ibat ibang pangkat-etniko at isinaplaka ang mga tugtuging ginagamit dito. Binigyan diin din niya ang kasuotan at mga kagamitang ginagamit dito. Leonor Orosa Goquingco Matiyagang nagsaliksik ng mga tugtog sa sayaw ng ibat ibang pangkat-etniko sa bansa. Sila ang nagbibigay buhay sa mga katutubong sayaw at tugtugin. Mula 1961 hanggang 1974, ipinamalas niya sa daigdig ang kanyang bantog na Filipinescas Dance Company. Siya ay nakapaglathala ng mga artikulo sa sayawing Pilipino sa nakalipas na 30 taon. Lucresia Reyes Urtula Mananaliksik at nakatuklas ng mga sayaw na naiparating sa ibang bansa ang Kulturang Pilipino sa pamamagitan ng Bayanihan Philippine Dance Company. Dahil dito, ang Pilipinas naging tanyag at naisamapa ang ating kultura. Liza Macuja Kilalang Prima Ballerina ng Pilipinas dahil sa pagsasayaw ng ballet. Marami na siyang teatro at tanghalang pinagsayawan sa ibat ibang dako ng daigdig. Larangan ng Tanghalan Lamberto Avellana Kinilala siya dahil sa malaki niyang nagawa sa pagsulong ng dula at pelikula. Ang kanyang mga likha ay hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa paglalarawan ng tunay na katangi-tanging kultura at lipunang Pilipino. Kabilang sa mga artistang nabigyan ng pagkilala ay sina Elizabeth Oropesa, Raymond Bagatsing, Zsa-Zsa Padilla at Maricel Laxa sa pandaigdigang pista ng pelikula.

Honorata del Rama

Kinilala bilang Reyna ng Kundiman at Musa ng Zarzuela. Nakapaglakbay siya sa malalayong lugar upang maihatid ang zarzuela at kundiman sa mga mamamayan. Hindi siya malilimutan sa kanyang pagganap sa Dagang Bukid, Ang Kiri, Anak ni Eva at Paglipas ng Dilim. Gerardo de Leon Dekano ng mga Pilipinong Direktor. Ang bantog niyang pelikula ay Noli Me Tangere, Sisa, Huwag Mo Akong Limutin at Ifugao. Nakamit niya ang Golden Harvest Award noong 1952 sa Southeast Asian Movie Festival. Lino Brocka Kilalang batikang direktor ng kasalukuyang henerasyon. Nakamit niya ang Ramon Magsaysay Award sa Mass Communication noong 1985. Ang kanyang premyadong pelikula ay sumusuri sa lipunang Pilipino tulad ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang , Maynila sa Kuko ng Liwanag, Insiong, Bayan Ko, Kapit sa Patalim at Oropesa. Wilfredo Ma. Guerrero Nakapaglikha ng mahigit na 120 dulang Pilipino at banyaga, batikang direktor, aktor at manunulat ng mga dula. Itinatag niya ang UP Mobile Theater na nakapagtanghal na nang mahigit sa 2500 sa buong Pilipinas. Rolando S. Tinio Kilala bilang mapanuklas at makaimahinatibong direktor. Naging direktor ng mga tradisyunal at modernong dula at opera tulad ng Ang Gintong Salakot, Ang Kiri, Ang Halaga at Pagiging Masigasig. Naisalin sa wikang Filipino ang mga pangunahing dula sa kanluran tulad ng mga gawa nina Euripedes, Shakespeare, Anton Chekov, at marami pang iba.

You might also like