You are on page 1of 7

Anak Dalita ni: Ako'y anak ng dalita At tigib ng luha Ang naritong humihibik Na bigyan ng awa Buksan mo ang

langit At kusa mong pakinggan Ang aking ligalig Saka pagdaramdam Ay, kung hindi ka maaaba Sa lungkot kong dinaranas Puso't diwang nabibihag Sa libing masasadlak

Francisco Santiago Magtanong ka kung 'di tunay Sa kislap ng mga tala Magtanong ka rin sa ulap Ng taglay kong dalita CHORUS Sa dilim ng gabi Aking nilalamay Tanging larawan mo Ang nagiging ilaw Kung ikaw ay mahimbing Sa gitna ng dilim Ay iyong ihulog Puso mo sa akin AD LIB Tanging larawan mo Ang nagiging ilaw Ay iyong ihulog Puso mo sa akin CODA Ang iyong ihulog, ang iyong ihulog Buhay, pag-asa, pagasa

Kalendaryo
Ilang buwan sa isang taon ang may 28 na araw ? a.) 1 b.) 2 c.) 12 Sa unang tingin ang tamang sagot ay isa. Pero ang tunay na sagot ay 12. Nang manganak Sagot: Saging ang birhen, tinapon ang lampin.

Lupang Hinirang
Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak. Kahulugan: Pera ay mahalaga sa buhay.
Bayang magiliw Perlas ng Silanganan, Alab ng puso, Sa dibdib mo'y buhay.

Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, Di ka pasisiil. Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo; Aming ligaya, na pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa iyo. Himno Nacional Filpino

Tierra adorada Hija del sol de Oriente Su fuego ardiente en ti latiendo esta. Patria de amores! Del heroismo cuna, Los invasores No te hallaran jamas. En tu azul cielo, en tus auras, En tus montes y en tu mar Esplende y late el poema De tu amada libertad. Tu pabellon, que en las lides La victoria ilumino No vera nunca apagados Sus estrellas y su sol. Tierra de dichas, del sol y amores, En tu regazo dulce es vivir. Es una gloria para tus hijos, Cuando de ofenden, por ti morir.

ANG PAGHINGI NG TAWAD NI DIMAS SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO PASYONG MAHAL


Yamang ang iyong pabantog Ang paghingi ng tawad ni Dimas sa ating Panginoong Hesukristo Sa dalawang palamara na kay Kristoy napasama sa Krus nang pagkadipa, ay hindi nga nagkaisa ang loob nilang dalawa. Yaong isang magnanakaw na si Hestas ang pangalan ay siyang nanampalasan, na yumakag na magtanan sa Poong nahihirapan. ay Mesias kang tibobos anitong hunghang na loob, Salvum fac temetipsum et nos magkalag tayo sa Krus. Nang marinig nga ni Dimas magnanakaw na mapalad yaong winika ni Hestas, kabuhungang pangungusap ay pinangusapang kagyat. At pinangusapang tikis 117 nang mga wikang matuwid dapat kamtan ng may bait, na pagtutubuang pilit ito ang ipinagsulit. Aniyay katotot irog kitay manalig sa Diyos tingi ang kalunos-lunos, na ipinako sa Krus ay walang salang tibobos. At mag-iisip siya rin magpapasulit sa atin ng sala at gawang linsil, saka wala kang panimdim bagkus mo pang iniiring. Ikaw ay nakikigaya ng paglabag at pagmura panunungayaw tuwi na

ng mga punong lahat na mga tanod sa kaniya. Ang pagpatay siyang hangad nang malulupit na uslak kita ay huwag gumagad, ngayon ay tayoy tumawag yamang ating naging palad. Anot nang maipangaral ni Dimas ang gayong bagay ka Kristo ay nanawagan, napaampon kapagkuwan ito ang siyang tinuran. Domine, memento mei Cum veneris ay ang sabi in regnum tuum ay yari Poong kong makalawingi, Diyos na lubhang malaki. Ako pong makasalanan ay huwag mong kalilimutan alalahanin mong tunay kung mauwi ka sa bayan na mahal mong kaharian. Ang sagot ni Hesukristo yaong wikang: Amen dice tibi hodie. naman ito mecum eris ay ang dulo aniyay in Paradiso. Ako ay paniwalaan nitong pangako kong tunay ngayon din hindi liliban, tatamuhin mot kakamtan Paraisong aking bayan. ARAL Laki nganing kapalaran ni Dimas na magnanakaw gayong lalong nagsukaban, miminsang tumawag lamang nakaiwas sa kasalanan. Balang gaway dili dapat asal ay lubhang halaghag kasalanay mabibigat, ngayoy sa sandaling oras

ay nagkamit ng patawad. Doroon nat nauumang sa impiernong kainitan na itutulak na lamang, ay agad nakapanaban sa awa ng kalangitan. Siya ang unang sampaga bungang hinog na maganda sa tanim ni Kristong Ama, sa Pasyon at hirap niya niyong sasakop sa sala. Kung gayoy ang katampatan si Dimas ang ating tularan manangis at manambitan, ng tayoy masama naman sa maluwalhating bayan. Kahimat ang kaluluwa nagugumon nga sa sala mahabang taot araw na, huwag matakot, umasa at kaawaan di niya. Kidaw sa gawang di tuto sa Krus manambitan tayo, ng magkamit at magtamo 118 ng grasiang mananagano sa bayan nang Paraiso. Itoy karikit-dikitan lalong kamahal-mahalan sa tumbagang ahas naman, ni Moises na naglalang sa san hebreos ng minsan. Kung sino man ang makagat nang ulupong man at ahas sa tanso nga kung magmalas ay mapaparam na agad ang mabibisang kamandag. Ano pa ngat ang katawan doon na nga galing lamang at hindi nasasakupan, ang sa kaluluwang buhay nang sa taong kasalanan.

Nguni bukod at kaiba ang mananakop sa sala lunas na lubhang maganda, siyang makagiginhawa sa katawat kaluluwa. Tindig taong nangatuka nang ulupong na mabisa salang ahas ang kamukha tayoy pagamot magkusa kay Hesus Haring dakila. Tingni at iyong pagmasdan napapako paat kamay at kaniyang hinihintay, ang dumulog na sino man yayakapin niyang tunay. Kung siya ngay dudulugin nating nangagugupiling ang buong sintay ihain, agad niyang tatanggapin tayo at kakatotohin. Malulumbay ang loob niya na di natin ipangamba tikis na nagpakamura, hirap ay inalintana dahilan sa taong sala. Lumalo pa kaya naman kay Dimas na magnanakaw masama at taong hunghang, tumawag lamang ng minsan pinagpala kapagkuwan. Oh! kalapating mapalad babaing lalo sa lahat Mariang lipos nang hirap, dibdib ay halos mawalat dahil sa Berbong Mesias. Niyon ngang maghiwalay na ang sing-ibig na mag-ina sa lansangang amargura, lumbay at buntong hininga sa loob ay di mag-iba. At baga man sinusundan si Hesus ng Birheng mahal

ay agad ding nahiwalay, parating nalulunasan

sa habang nilalakaran.

Ang Kalupi (Maikling Kwento) ni: Benjamin P. Pascual


(May mabigat na pagkakasala sa batas si Aling Marta dahil sa mali niyang paghatol sa katauhan ng bata. Madalas mangyari na dahil sa ayos ng isang tao ay dagli siyang napagbibintangan ng di mabuti. May karanasan ka ba na nakapagbintang o dili kayay napagbintangan ng di mabuti? Basahin ang kwento at ikaw na ang humatol sa mga tauhan nito.) Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib. "Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!" "Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e." "PASENSYA!" sabi ni Aling Marta. Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo. "Bakit ho?" anito. "E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka," "Ku, e magkano ho naman ang laman?" "E, sandaan at sampung piso ho." Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig. "Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng piataka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong pitaka" May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod. "Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata. "Andres Reyes po." "Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis. Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali." Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na

sa pag hihintay. "Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. "Napahiyaw ang bata sa sakit." Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan. Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapagangat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta. "Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!" Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya. "Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis. Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na. Tanghali na sya ay umuhi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay? E. . . e, Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama. "Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa "Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo nyan?" Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay." Lumalabong salitang: Bakit Kaya? Bakit Kaya?

Sagwan Sagwan, tayoy sumagwan Ang buong kaya'y ibigay. Malakas ang hangin Baka tayo'y tanghaliin, Pagsagwa'y pagbutihin. Sa ugoy ng duyan Sanay di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit

ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan Sanay di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan

Refrain: Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay koy tala, ang tanod koy bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan Sanay di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan Sa aking pagtulog na labis

ang himbing Ang bantay koy tala, ang tanod koy bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik

sa ugoy ng duyan Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay Oh! inay

UNANG YUGTO (Miyerkules Santo)


Sa Lumang Tipan ng Banal na Kasulatan nababasa na ang pagkakasala nina Adan at Eba sa paraiso, ang simula ng pagkalayo ng tao sa kaharian ng Diyos. Nang kumapal ang tao sa daigdig ay nag-ibayo ang kasamaan. Nilipol ng Diyos ang mga makasalanang tao sa pamamagitan ng baha, lindol, at apoy. Nagsimula ang bagong lahi ngunit sa paglipas ng panahon, nakalimot muli ang sangkatauhan sa kanyang manlilikha. Ngunit sadyang mahal ng Diyos ang lahat ng kanyang nilalang. Napatawad pa rin niya ang tao. Nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng mga propeta at ipinangako niya ang pagdating ng isang Mesiyas, ang Tagapagligtas ng Sanlibutan. Ang panahong tinukoy ay nang ang bansa Israel ay nasa pamumuno ng malupit na Haring Herodes Agripa at nasa pamamahala naman ng makapangyarihang Emperyo ng Roma. At ayon sa mga kasulatan, isinilang ang Mesiyas sa isang hamak na sabsaban. Siyay tinawag na Jesus at nanirahan sa Nazareth sa pag-aaruga nina Maria at Jose. Lumaki siyang malakas marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.

IKALAWANG YUGTO (Huwebes Santo)


Inihanda ni Juan Bautista ang daan ng Panginoon sa pamamagitan ng pangangaral at pagbibinyag sa mga nagsisisi. Isinigaw niya ang kasalanan ni Haring Herodes Antipas kayat si Juan ay ipinahuli at pinapugutan ng ulo. Matapos mabautismuhan, si Jesus ay nangaral sa mga bayan ng Galilea. Pumili si Jesus ng labindalawang alagad na kanyang sinugo upang ipahayag ang salita ng Diyos sa lahat ng tao. Nangaral si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga. Ipinaliwanag niya ang mga kautusan at ang mga kaalaman sa paghahari ng Diyos.

Nagpagaling siya ng mga pilay, pipi, bulag, at mga may sakit. Binuhay ni Jesus ang kaibigang si Lazaro at gumawa ng marami pang himala na nagpatunay ng pagmamahal niya sa tao. Dahil sa mga ginawa at sa kakaibang pangangaral ni Jesus, maraming tao ang lumapit, naniwala at sumunod sa kanya. Itoy ikinabahala ng mga Pariseo at ng hukuman ng mga Hudyo. Sa pangamba nilang mahigitan ang kanilang kaalaman at kapangyarihan, binalak nilang si Jesus ay ipadakip.

IKATLONG YUGTO (Biyernes Santo)


Maringal ang pagsalubong kay Jesus sa Jerusalem. Lalong napoot ang mga Eskriba, Saduseo, at Pariseo kayat pinagpasya nilang ipapatay si Jesus. Lihim na nakipagkita si Judas Iskariote sa mga Punong Saserdote at ipinagkanulo si Jesus sa halagang tatlumpung pirasong pilak. Pagkatapos ng Banal na Hapunan, si Jesus at mga alagad ay nagtungo sa hardin ng Getsemani upang manalangin. Doon, siyay dinakip at dinala sa palasyo ni Caifas. Si Jesus ay kanilang nilitis at pinaratangan ng kalapastanganan sa Diyos. Dinala siya kay Poncio Pilato, ang Romanong Gobernador ng Judea na siyang naghatol ng kamatayan. Si Jesus ay pinarusahan, kinutya, at pinahirapan. Ipinapasan sa Kanya ang Krus at pagdating sa kalbaryo, siyay ipinako at namatay. Sa ikatlong araw, si Jesus ay muling nabuhay. Nagpakita sa mga alagad at kanyang iniutos sa kanilang mangaral sa lahat ng bansa. Sa pamamagitan ni Jesus, tinupad ng Diyos ang kanyang pangako sa sanlibutan, sapagkat si Jesus, ang kanyang bugtong na anak ang Tagapagligtas.

You might also like