You are on page 1of 4

ANG DALAGINGDING NI IIGO ED.

REGALADO (TAGALOG) Kahambing ng isang bagong bumubukad na Kampupot si Ireneng taga-Libis

Umuwi na siya pagkatapos bilhin ni Daniel ang kanyang mga sampgauita at sinabihan siya nito na magdala pa ng mas marami araw-araw Si Daniel ay mayaman, taga bagong panahon at magtatapos na sa pag-aaral ng panggagamot Nang unang beses na bumili si Daniel ng sampgauita kay Irene, namangha siya sa gandang-Tagalog ni Irene Tinanong ni Irene sa kanyang ina kung noong bata rin ba ang kanyang ina ay may nararamdan siya sa puso pagkapinakyaw ang kanyang tinda Naintindihan ng ina ang kanyang nararamdaman at sinabi na lamang niya kay Irene na "pagkatapos pakyawin ang tinda mo ay magpasalamat ka na lamang at magmadaling umuwi sa piling ko" Isang araw ay binili ulit ni Daniel ang sampgauita ni Irene. Sinabi ni Daniel na iniibig niya si Irene Hindi maunawaan ni Irene ang kahulugan ng sinabi ni Daniel kaya tumakbo ito at tumawa Nang umuwi si Irene ay kinausap siya ng kanyang ina dhail napansin nito ang kakaibang kilos ni Irene Tinanong ni Irene kung paano niya nakilala si Tatang (ang kanyang ama) at kung nagsinungaling din ang kanyang ina sa ina nito tungkol sa kanyang pag-ibig Sinabi ng kanyang ina na hindi at ipinagtapat daw ng ina niya sa kanyang lola at nagalit daw ito at isusumpa daw nag mapapangasawa nito. Pero pinakasalan pa rin daw ng kanyang ina ang kanyang tatay Makaraan ang ilang araw ay nawala ang dalagingding dahil sumama ito kay Daniel

Siya ay nagiging hantungan ng pagkalugod at paghanga ng kanyang mga kanayon Ang pamilya ni Irene ay mahirap subalit siya'y nanatiling mabait at tumutulong sa magulang Nakatira sila sa isang maliit na dampa sa tabi ng ilog Nalilibutan ito ng mga sampaguita sa kanilang bakuran Ang mga sampaguita ay ginagawang kwintas ni Irene at inilalako Kilala siya bilang "Ang Magsasampaguita" tuwing panahon ng bulaklakan "Dalagingding" ang tawag ng matatanda sa taong nasa gulang na "pinahihimitikan na ng araw" katulad ni Irene Ang dalagingding ay isang taong walang malay sa mga likaw-likaw na suliranin ng puso May isang mayamang lalaki ang humanga sa kanya at binili ang lahat ng sampaguita ni Ineng Sumunod na araw ay nagpadala pa siya ng mas maraming sampgauita at nakita na naman siya ng lalaki. Nagulat at namangha si Irene dahil tinawag siya nitong ineng na akala niya ay ang pangalan niya. Akala niya na manghuhula ang lalaki Hinawakan ni Daniel ang kamay ni Irene upang hulaan. Hindi maintindihan ni Irene ang kanyang naramdaman sa puso at binitawan ang lalaki

PANAMBITAN Tulang Bicol/Teoryang imahismo ni MYRNA PRADO salin ni LILIA F. REALUBIT Ang teoryang imahismo (Ingles: imagism, Kastila: imaginismo) ay nagpapahayag ng kalinawan sa mga imaheng biswal. Nagbibigay ito ng eksaktong paglalarawan. Ang pagbibigay anyo sa mga ideya ay makikita rin. Maaring maging tula ito. ''PANAMBITAN" Bakit kaya dito sa mundong ibabaw marami sa tao'y salapi salaw kaya ung isa kang kapos kapalaran wala kang pag-asang umakyat sa lipunan. -Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay nasisilaw ng sa mga salapi. Mas binibigyan nilang pansin ang pera kaysa sa ibat ibang nagay na mas dapat nilang pagtuonang pansin. -Karamihan sa mga kapos-palad ay hindi na makaangat sa lipunan sapagkat hindi na sila nabibigyan ng pagkakataon na umangat ng kahit kaunti sa buhay. Hal. Sa paghahanap ng trabaho. Mga mahihirap lalong nasasadlak mga mayayaman lalong umuunlad may kapangyarihan hindi sumusulyap mga utang na loob mula sa mahihirap. -ang mga mahihirap ay lumalala lang ang kalagayan habang ganun din sa mga mayayaman, yumayaman ng yumayaman. ang mga may kaya ay hindi man lang tumingin at binigyan pasalamat ang mga taong nagtulong sa kanilang pagunlad.

Kung may taong sadyang nadarapa sa halip na tulungan tinutulak pa nga; buong lakas silang dinudusta-dusta upang itong hapdi lalong managana. -Imbis na tulungan ng mga maykaya ang mga dukha upang makaangat sa buhay, mas lalo pa nila silang ibinababa sa lupa at hindi binibigyan ng importansya. Gamit ang kapangyarihan na kanilang naaangkin, ipinapamukha pa nila na mas maliit ang nagagawa ng mga dukha kaysa sa kanila. Nasaan dyos ko? Ang sinasabi mo tao'y pantay-pantay sa bala ng mundo? kami'y mga api'y ngayo'y naririto dinggin mo poon ko,panambitang ito. -Ang mga mahihirap ay nananambit sa at humihingi ng awa sa Panginoon. Tayo ay ginawa ng Diyos na pantay-pantay at tila nasira na yaon ng mga tao dahilan sa mga kung anu-anong bagay (pamahalaan, estado ng buhay, atb) at dahil dito, nahati na ang sanlibutan sa dalawang/tatlong uri, mahihirap, katamtaman at mayayaman.

SI PINGKAW TEORYANG HUMANISMO Bakit? *Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran. Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.

Tagpuan: Pook- kalsada Panahon- hindi nabanggit Mga Tauhan:

Si Pingkaw- ang pangunahing tauhan sa kwento, namatayan ng asawa, isang ulirang ina na kuntento na sa kanyang buhay, ngunit nasiraan ng bait dahil sa pagkamatay ng kanyang tatlong anak.

Si Poray- ang panganay sa mga anak ni Pingkaw, labintatlong taong gulang, matangkad ito at napakapayat Si Basing- ang ikalawang anak ni Pingkaw, sungi ngunit mahilig pumangos ng tubo Si Takoy- ang tatlong taong gulang na bunsong anak ni Pingkaw, maputi at gwapong gwapo Ang 'tagapagkwento'(narrator) - dating kapitbahay ni Pingkaw, minsan ay tinatawag ni Pingkaw na "Meyor, Kolonel, Sardyen, at Senador" Ang Intsik- pinagbebentahan ni Pingkaw ng mga nahakot nitong bote, lata, karton, at iba pa nitong nakuha sa tambakan Pisyang Sugarol at mga kapitbahay- mga nagkakalat ng kwento tungkol sa buhay ni Pingkaw bago pa ito masiraan ng bait

BUOD Nagumpisa ang maikling kwento ng magising sa pagkakaidlip ang tagapagkwento. Nakita niyang kinukutya ng mga batang kalye si pingkaw na isang baliw. Sinaway niya ang mga iyon at nilapitan si pingkaw. Naalala niya noong mga sandaling iyon ang Pingkaw na wala pang karamdaman. Naalala niyang Si pingkaw ay isang biyuda, ang asawa nito na dapat na katulong nito sa paghahanap buhay at pagtataguyod sa pamilya nila ay sa kasamaang palad ay nasawi. Tangap na ni pingkaw ang buhay na tinatamasa nilang pamilya, binubuhay niya ang kaniyang tatlong anak na sa balita ay iba-iba ang ama sa pamamagitan ng pangangalakal sa kalye. Isang araw nang pinakain niya ang kanyang mga anak ng napanis na sardinas ay sumakit ang mga tiyan nito, dali-dali niyang isinakay sa kariton

ang mga ito at humingi ng tulong sa mga duktor na kilala niya ngunit hindi rin siya nito tinulungan. Huli na nang malaman niyang patay na ang anak niyang panganay at sumunod ang pangalawa, masuwerteng naligtas ang bunsong anak nito ngunit ng sumunod na mga araw ay namayapa rin ito. Sa labis na kasawian hindi natanggap ni pinkaw ang mga pangyayari na nagdulot na kanyang pagkawala sa sarili.

ARAL: Pagmamahal sa mga anak Paggalang at Pagmamahal sa Magulang Pagiging matulungin pagiging masipag yung pagintindi daw sa kalagayan ng isang tao pagiging mapagmalaskit sa mga nangangailangan

BABANG LUKSA (TULANG PAMPANGO) NI: Diosdado Macapagal Salin ni: Olivia P. Dantes Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw Tila kahapon lang nang ikay lumisan; Subalit sa akin ang tanging naiwan, Mga alaalang di malilimutan.

Marahil tinubos ka ni bathala Upang sa isipay hindi ka tumanda ; At ang larawan mo sa puso kot diwa Ay manatiling maganda at bata. Sa paraang ito kung nagkaedad na Ang puting buok koy di mo makikita At ang larawan kong tandang tanda mo pa Yaong kabataan taglay na tuwina

Kung akoy nasa pook na limit dalawin Naaalala ko ang ating paggiliw; Tuway dumadalaw sa aking paningin Kung nagunita kong tayoy magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay Na kung saan unang tayoy nag-ibigan ; Sa bakurat bahay , sa lahat ng lugar ,Itong kaluluway hinahanap ikaw.

At dahil nga rito, ang pagmamahalan Ay hanggang matapos ang kabataan, Itong alaala ay lalaging buhay, Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.

Sa matandang bahay napuno ng saya Sa araw na iyoy pinagsaluhan ta; Ang biyayang saglit , kung nababalik pa Ang ipapalit koy ang aking hininga.

Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw Tayoy nagtagumpay sa dupok ng buhay ,Ang ating pagsintang masidhit marangal Hindi mamamatay, walang katapusan

Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan At iniwan akong sawing kapalaran Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay At sa pagyaon moy para ring namatay ?

Ang kaugalian ng ninuno natin Isang taon akong nagluluksa mandin; Ngunit ang puso koy sadyang maninimdim; Hanggang kalangitan tayoy magkapiling.

=================================== SUKAT: 10 Saknong, 4 taludtod, 12 pantig TEORYA: Teoryang Romantisismo BABANG LUKSA: Ang tradisyon ng mga Pilipino kung saan matatapos ang pagluluksa nila pagsapit ng isang taon o Death Anniversary. (Maari nang magsuot ng makulay na damit, etc) BUOD: Isa itong tula kung saan ang awtor ay pinahayag ang mga nais sabihin sa yumaong minamahal isang taon matapos ng araw ng kamatayn. Kanyang binalikan ang mga ala-ala at kanyang tinanong din kung bakit maaga itong lumisan.

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Isinalin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo Ang Muslim na sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya hindi na kailangang binyagan upang may kasalanang maalis. Sa halip na pagbibinyag, may ilang seremonyang isinasagwa ang mga Muslim na tinatawag na PAGISLAM. May tatlong uri ng seremonyang panrelihoyon na napapaloob sa pagislam: Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras ng pagkapanganak. Isang PANDITA ang babasa ng ADZAN sa kanang tainga ng sanggol. PENGGUNTING o POGUBAD Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng KANDULI (salu-salo) bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Sila ay kumakatay ng hayop, kambing o baka, at tinatawag itong AQIQA, na ang ibig sabihin ay paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat. Ang binibinyagan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na may tubig ang buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, kapag lumutang ang buhok, magiging matagumpay ang sanggol sa kanyang buhay at kapag ito naman ay lumubog, siya ay magdaranas ng paghihirap. BUAYA kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog at laman ng niyog. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang WALIAN.

3. PAGISLAM Ginagawa ito kapag ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na Gawain ditto ang pagtutuli. PAGISLAM batang lalaki, SUNNAH batang babae Ginagawa ito para alisin ang dumi ng kanilang pag-aari. Ito ay isinasagawa ng isang walian. Ang seremonya ay ginagawa sa araw ng MAULIDIN NABI o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

You might also like