PANUKALANG K-12 KURIKULUM Introduksiyon ANG UNANG DAPAT isipin ay kung paanong makapaglilingkod ang kasalukuyang kurikulum sa pinahabàng mga

taon ng pag-aaral sa batayang edukasyon, alinsunod sa planong K+6 elementarya+4 junior high+2 senior high. Kasabay nitó ang pagpapayaman sa nilalaman ng kasalukuyang kurikulum mula sa K hanggang sa ika-12 antas. Kailangan ang pagpapayaman sa nilalaman dahil lubhang mababà ang inaasahang antas ng pagkatuto ng kasalukuyang kurikulum mulang Grade I. Nangangahulugan din ito ng dagdag na mithiin para sa buong kurikulum at kaugnay na mga dagdag na gawain para sa paglinang ng inaasahang mga kaalaman, kasanayan, at hálagáhan (values). Nangangahulugan din ito ng wastong pagdudulot ng gawain—halimbawa, sa paglinang ng wika at ng panitikan—na angkop sa bawat taon mulang K hanggang ika-12 antas. Maganda ring sundin ang tuntuning UBD (bagaman matagal ko nang natutuhan ito sa aking Principles of Education) hinggil sa pagbabahagi at priyotisasyon ng mga gawain. Ang ibig sabihin, kailangang nauuna ang pinakamahalaga (ang core ideas o core tasks), tungo sa mahalagang malaman at gawin, tungo sa mainam din namang matutuhan. Sa ganitong paraan ay laging natitiyak na binibigyan ng higit na panahon sa klase, sa teksbuk, sa mga ehersisyo, sa pagpaplano at pagtatása, ang pinakamahalaga at idinadagdag lámang na pampayaman ng karanasan ang mga bagay na mainam din namang matutuhan ng mga mag-aaral. Sa kabilang dako, may kabaligtarang direksiyon ang paglinang ng bawat kaalaman, kasanayan, at hálagáhan. Nagsisimula sa payak tungo sa masalimuot, sa maliit tungo sa malaki, sa alam na tungo sa bago’t tutuklasin pa lámang, sa pampamilya tungo sa pandaigdig, sa nása paligid tungo sa nása ibang pook, sa pansarili tungo sa lipunan, sa katutubo at tradisyonal tungo sa banyaga at hiram. (Alam na ito ng lahat ng guro. Paalala lang.) MITHIIN ang unang dapat baguhin. Sa pangkalahatan, ang Filipino ay isang sangay ng pag-aaral para maging dalubhasa sa wika (fluency in language)—sa wikang Filipino. Sa gayon, pinakamahalagang layunin ng asignatura ang pagdudulot ng mga gawain upang humusay sa paggamit ng wikang Filipino ang isang batà. Ngunit alinsunod sa pangkalahatang layunin ng edukasyon sa Filipinas, kailangang magamit niya ang naturang kahusayan upang maging mabuti’t kapaki-pakinabang na mamamayan. Ipagmamalaki niya at patuloy na paghuhusayin ang paggamit ng wikang Filipino hanggang pagkatapos ng pag-aaral. Pipiliin niyang magsaliksik, maging malikhain, at mabuhay sa pamamagitan ng wikang Filipino. Sa gayon, panukala kong ipahayag ang Mithiin sa Filipino sa apat na sumusunod na pahayag: (1) Ginagamit ang Filipino para sa mabisang talastasan sa iba’t ibang larang at midya. (2) Ginagamit ang Filipino para sa pagharap ng mga gawain at mga suliranin ng buhay sa araw-araw. (3) Ginagamit ang Filipino para sa pagpapahayag at pagsasabúhay ng mga hálagáhang kailangan ng isang ulirang mamamayang Filipino, lalo na ang pag-ibig sa bayan, kagandahang-loob, at kahusayan. (4) Ginagamit ang Filipino para sa pag-unawa at pagpapahalaga sa panitikan at kultura ng Filipinas at ng ibang bansa sa mundo. ISANG MALAKING DAGDAG na pagbabago ang diin at tahas na pahayag hinggil sa kanais-nais na hálagáhang Filipino. Bunga ito ng mga komentaryo kamakailan hinggil sa kabiguan ng
1

rehiyon. at kayâ pangunahing katangian niya pagkatapos makapag-aral ang mataos na pagmamahal sa Filipinas at sa lahat ng kinakatawan nitó. Dapat idiin: Pagkatapos ng pag-aaral. pagtulong sa pamilya at komunidad. Ang kagandahang-loob ay maaaring magsimula sa wastong ugali sa loob ng klase. hanggang paggalang sa mga pambansang sagisag. Ang kahusayan ay isang karaniwang layunin ng pag-aaral. pagsasarili sa isip at gawain. at magsisikap siyang makipagsabayan sa mundo ang Filipinas. paggalang sa gawain ng iba—kakayahang pumuri hanggang paggalang sa karapatang-ari. Gayunman. Nása paanan at may pantay na bigat ang kagandahang-loob at kahusayan. at hanggang pagiging makatarungan. Magkakaugnay at nagkakasanib ang tatlo. toleransiya. Gayunman. husay sumulat at bumása hanggang sa pagsubok ng bago at mahusay na paglilingkod sa iba.edukasyon na humubog ng kanais-nais na mamamayang Filipino. mula sa pinakapayak at mababàng aplikasyon hanggang pinakamataas at komplikadong aplikasyon. kasarian. pagmamahal sa magulang at kapatid.) Ito ang pinakamalalim at pinakamalawak na katangian ng pagiging tao. kahusayan ng kalusugan (kalinisan ng katawan at mga gamit).) Makabuluhan din ang paglilista sa tatlong hálagáhan—pag-ibig sa bayan. wastong pag-upô at pag-iingat sa kalinisan at gamit ng paaralan. mag-iisip siya para sa kaunlaran at kapakanan ng Filipinas. Bakit pangunahin ang pag-ibig sa bayan? Sapagkat ito ang pangunahing layunin ng edukasyon alinsunod sa Konstitusyon. pagiging matiyaga. (Mas gusto pa ng mga batà na tumira sa ibang bansa. Ang pinakamahusay. at kahusayan. pagtanggap sa sariling kahinaan at katangian ng iba. pagtanggap sa puna. at patriyotismo. walang galang sa matanda at sa kaugalian. kawanggawa. pamana. (Bunga rin ito ng pangyayaring hindi natin napahahalagahan ang katutubo sa atin. hanggang sa pagiging mapagbigay sa iba (relihiyon. lubhang biyolente. hindi ito kahusayan lámang gumamit ng wika. konserbasyon ng tradisyon. Tandaan na ang tatlong pusòng hálagáhan (core values) ay magkakaroon ng distribusyon sa iba’t ibang antas at leksiyon. lahi). Ang kagandahang-loob ang maaaring bago sa pandinig ng marami. Nása tuktok ng piramide ang pag-ibig sa bayan. Ito ang buod sa mithiin ng salawikaing “Madalîng maging tao/ Kaysa magpakatao. kagandahang-loob. Ang tatlo ang piramide ng dapat maging mahalaga sa búhay ng isang Filipino. aanhin ang isang tao na mahal ang bayan ngunit wala namang silbi sa bayan? Kayâ nakasandig sa kagandahang-loob at kahusayan ang pang-ibig sa bayan. katapatan sa kaibigan at sa tungkulin. Sinasanay ang batà upang maglingkod sa Estado. ang batà ay hindi lámang may katangi-tanging kaalaman hinggil sa Filipinas. at serbisyo publiko. atbp. mahal niya sa ibabaw ng lahat ang Filipinas. kulang sa pagpapahalaga sa sarili. hanggang pagtatanggol sa karapatan at batas. pakikinig sa payo at ibang opinyon. Pundamental sa kagandahang-loob ang mahusay na pakikipagkapuwa-tao —mula paggalang at pagtulong sa kapuwa. Kung ano-anong values na banyaga ang minemorya natin.” Sapagkat nakapaloob na yata sa kagandahang-loob ang lahat ng civic values at mga birtud ng isang mahusay na Boy Scout. ay ipinaglilingkod ang anumang katangian sa kapuwa at sa bayan. at kaligirang pangkalikasan. pakikiisa sa gawaing pambansa. Nangangahulugan ito ng pagiging malikhain at mapagsaliksik. Ang pag-ibig sa bayan ay maaaring mag-umpisa sa pakikiisa sa pangkatang gawain. pagiging mahusay sa iba’t ibang disiplina. malinis na paglalaro at pakikipagpaligsahan. Ang kahusayan ay maaaring mag-umpisa sa bilis matuto ng alpabeto. 2 . siyempre.

maaaring ipasok ang mga ito bilang lagom mula pa sa elementarya. Dapat na matapos ang lahat ng leksiyon sa wika sa elementarya at palusugin (reenforce) na lámang sa high school. Marahil. Maaari ding gamitin ang historikal na paraan sa pagpapakilala ng panitikan. Ngunit kailangang nakabatay ito sa isang mahusay at matalinong pagkaunawa sa kasaysayang pampanitikan ng Filipinas. ang malikhaing mga paggamit ng wika (mga tayutay at retorika) ng mga awtor upang makatulong sa kanilang sariling mga pangangailangang pangwika. Kapag ipinakilala ang isang uri ng panitikan. lalo’t totoong gagamitin ang MLA. gumamit agad ng mga halimbawa mula sa mga katutubong wika at Filipino upang maidiin ang pambansang pananaw. Ingatan din ang pagpapairal ng mga tuntunin na hindi na totoo (mula sa Balarila) at mga ehemplo ng aberasyong pangwika na nagpapagulo sa isip ng kabataan. isanib din ang pandaigdig upang ipakita ang kapantay na katayuan ng pambansang panitikan sa panitikan ng malalaking wika ng mundo. Lumilitaw pa ring hiwalay. ang mga naganap na pagbabagong pampanitikan. Nangangahulugan ito ng binagong teksbuk sa gramatika. Kailangang mapag-isa ang alpabeto at paggamit ng mga titik at tunog ng Filipino at ng ibang mga wikang katutubo upang bumilis ang anumang transisyon mula isang katutubong wika tungo sa wikang Filipino. Hindi ito nakabubuti sa oryentasyong makabansa ng mga mag-aaral bukod sa nagpapahirap sa pagtuturo ng panitikan. sakâ ipabása nang buo sa senior high. Magsimula sa core knowledge hinggil sa panitikan. maliban kung may ibang makabuluhang dahilan. Ano ba ang halaga ng panitikan? Ano ang pangkalahatang uri ng panitikan? Mga halimbawa ng mga uri mula sa panitikang-bayan (sa unang baitang) hanggang makabagong panitikan (sa high school). Itigil na ang mababaw at may kolonyal na oryentasyong pagtuturo alinsunod sa mga teoryang pampanitikan mulang Kanluran. Ang higit na mahalaga ay makilala ng mga mag-aaral ang mga pangunahing katangian ng isang anyo ng panitikan (katutubo man o banyaga). at higit sa lahat. Huwag gagamit ng mga gawa lámang ng awtor ng teksbuk at editor. ang rehiyonal kaysa Filipino. humihirap ang pag-aaral ng Filipino. ipakilala ang ilang bahagi sa junior high. Gamitin lámang ang mahusay na halimbawa ng anumang uri ng panitikan. Dahil dito. pagkatapos. unang dapat tanggalin ang pagtrato dito na parang subject sa Lingguwistika. Maaari ding idugtong at iugnay ang Balagtas (pati Ibong Adarna) sa mga epikong-bayan. Alisin ang mga leksiyon hinggil sa kung ano-anong kaalaman sa wika na hindi naman talaga kailangan. bukod sa mas mababà. 3 . Mahalagang estratehiya rin sa pagtuturo ng wika ang pag-uugnay nitó sa ibang katutubong wika. Pumili ng mga mahusay na akdang isasalin mula sa ibang katutubo at banyagang wika. Mahalagang ituro lámang ang totoong kailangan upang maging mahusay gumamit ng wika.HINGGIL SA PAG-AARAL ng wika. ang mga pandaigdigang kumbensiyon. HINGGIL SA PAG-AARAL ng panitikan. Kung maaari. Masamâ ang kasalukuyang plano na may isang taon sa panitikang pambansa at may bukod na taon sa panitikang rehiyonal. Dapat ding iplanong mabuti ang pagtuturo ng Rizal at Balagtas.

4 . atbp). Taon 1 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nagagamit ang wastong mga pormulasyon ng batayang impormasyon. Nasasagot ang batayang impormasyon (pangalan. ang. Naipapaliwanag at naipakikita ang wastong gamit ng sepilyo. atbp. Nakabibilang ng 0-50. May hilig sa pakikinig at pagbása ng mga kuwentong pambatà. suklay. magulang. mga araw sa isang linggo. Naisusulat nang maayos ang sariling pangalan. Palabas na papet. tuwalya. Nagagamit at naikikilos nang maayos ang mga daliri. Napapangalanan ang mga bahagi ng katawan. Produksiyon Dula-dulaan batay sa isang paboritong kuwento. kaarawan. mga karaniwang lugar at bagay sa paligid. buwan. mga kasáma sa bahay.BANGHAY NG MITHIING K-12 Kindergarten Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nagagamit ang pagsasalaysay at paglalarawan. paa. iba’t ibang tao at trabaho. Nagagamit ang wastong mga pormulasyon sa pagbati at pakikipagkilála. kasáma ang mga katagang gaya ng si. at ibang bahagi ng katawan. Natutukoy ang mga uri ng damdamin. atbpang kailangan sa pangangalaga ng sarili. adres. Nagagamit ang mga panimulang kasanayang bago-sumulat (prewriting) at bago-bumása (prereading). Nakasusunod sa isang-hakbang na panuto. mga hugis at kulay. kamay. Ginupit na may retrato para bumuo ng isang kuwento. Nakikilála ang mga tunog at titik ng alpabeto. ni. malalaki man o maliliit ang anyo. Kasanayan: Panitikan May wastong paghawak at paggamit ng aklat. iba’t ibang hayop at halaman at mga karaniwang bahagi ng mga ito. gripo. at. Nakikilála ang araw at gabi. Nakikilála at naipakikilála ang tauhan sa isang kuwento. edad. Nakasasagot sa mga tanong na literal. sabon. Nakababása ng katinig at patinig sa mga salitâ’t pangungusap. at lagay ng panahon.

mga buwan. nang-uuyam. Nakasusunod sa dalawang-hakbang na panuto. gaya ng tuldok. at tandang padamdam. Palabas ng papet batay sa isang kuwento. at salitâ. at iba pang panitikang-bayan. pabula. Nakagagamit ng mga bantas. Napagsusunod-sunod ang mga araw ng isang linggo. at nagpapahayag ng matinding damdamin. Nakasusulat ng tambalan at ibang uri ng pangungusap. pantig. Nakasasagot mga tanong na literal at imperensiyal. nag-uutos. Nabibigkas ang isinulat na pangungusap. Nakagagamit ng ibang bantas. Paglikha ng sariling kuwento Pagbigkas ng isang talumpati o piyesang pandeklamasyon. tandang pananong. Nasusundan ang takbo ng mga pangyayari sa kuwento. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pagbigkas. Nakabibilang nang 0-100. nakikipagtalo. nagtatanong. Nakikilála ang katangian ng tauhan bilang bida o kontrabida o katulong sa istorya. nagagalit. Naipapahayag kung ano ang mahalaga sa kuwentong binása. awiting-bayan. Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng salitâ batay sa himig (nalulungkot. nagdiriwang. Kasanayan: Panitikan Nakikilála at nagagamit ang mga payak na anyong pampanitikan. gaya ng kuwit. at mga taon. Natutukoy ang mga tao sa kaniyang komunidad (barangay at paaralan). tuldok-kuwit. at tutuldok. Natutukoy ang himig ng awit ayon sa damdamin. 5 . Produksiyon Pagbása ng tula na nagpapahalaga sa pamilya. Nakapagbubuod ng kuwentong binása. Napag-iiba ang pangungusap na naglalahad. kuwentong-bayan. Nakabubuo ng payak na pangungusap. Nakababása ng angkop-sa-antas (level appropriate) na mga salitâ. Nakababása ng ilang kuwentong pambatà.). Paggawa ng family tree na may pangalan ng mga miyembro ng pamilya. gaya sa tugma’t sukat ng tula. Taon 2 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Natutukoy ang mahalagang bahagi ng isang aklat. lalo na ang alamat. Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng isang salitâ batay sa bigkas. atbp. Nakababása ng pictographs. Nakikilála ang pag-uulit ng mga tunog.Naisusulat ang mga pangalan ng kapamilya at ibang kasáma sa bahay at nailalarawan ang kanilang mga katangian at tungkulin.

pagtutulad. imperensiyal. atbp. Nakapagtatalâ ng pangunahing impormasyon mula sa napakinggang talata. manwal. Nakababása ng komiks. Natutukoy ang talatang naglalarawan at nagsasalaysay. panipi. pagmamalabis. Kasanayan: Panitikan Nakapagbibigay ng mga detalye ng isang kuwento( sino. Nakagagamit ng ibang bantas. Natutukoy ang ilang pangunahing palatandaang panrehiyon (pananamit. pagwawangis. kailan. Natutukoy ang paksa ng kuwento o tula. kudlit. Nakapagbubuod ng binásang salaysay. Natutukoy ang paksang pangungusap ng isang talata. Natutukoy ang iba’t ibang anyo at gamit ng mga salitâng pangnilalaman (content words). Nakasasagot sa tatlong-antas na tanong: literal. o napakinggang talumpati. polyeto. 6 . Nakasusulat nang dikit-dikit. saan. index. Nakikilála at nagagamit ang matalinghagang pahayag (paghahambing. kaugalian. pagkain. Nakagagamit ng biswal na banghay ng isang kuwento. Napagsusunod-sunod ang mga kaisipan at pangyayari. ano. at ellipsis.) Nakalilikha ng sariling listahan ng mga inaasahang tanong (anticipation questions) bago bumása. atbp. Kasanayan: Panitikan Nakababása ng tekstong pangkaalaman (balita. at aplikado. Nakabubuo ng isang payak ngunit mabisàng balita. Isang pahinang newsletter. Palabas na papet. gaya ng panaklong.Nakapagbibigay at nakasusunod sa tatlo hanggang apat-na-hakbang na panuto. atbpang aspektong pangkultura). atbp.) Nakagagamit ng diksiyonaryo. pagwawangki. bakit). resipe. Napag-uugnay ang sanhi at ang bunga. at glosari. Taon 3 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nakabubuo ng talatang may lima hanggang pitong pangungusap. programa sa radyo. tula. Produksiyon Saliksik sa itinuturing niyang mahusay na Filipino (gawin sa simula at gawin muli sa wakas ng taon para masubok ang naging pagbabago sa halagahan at kaalaman). Nakasasagot ng tanong mula sa napakinggang balita sa radyo o pahayag ng pinunò sa barangay. balita. personipikasyon.

Produksiyon Isang maikling ulat tungkol sa isang bagong proyekto (sa paaralan o barangay). Produksiyon Maikling pagsusuri ng isang survey sa paaralan o komunidad. Kasanayan: Panitikan Nakauunawa ng isang mahabâ-habâng kuwento. Pagsulat ng talaarawan. Nakapagbibigay ng hinuha batay sa nakikitang trend sa tsart. Nakapagpapahayag ng pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon o kuro sa iba’t ibang mukha ng katotohanan. Paghahanda ng isang portfolyo ng mga pinakanaibigang babasahín. Nakagagawa ng dalawang-antas na banghay.Nakasusulat ng tulang may tugma at sukat. Naiuugnay ang paksa ng panitikan sa kasalukuyang mga pangyayari. at mapa. Natutukoy ang mga anyo at gamit ng mga salitâng pang-ugnayan (function words). Nakasasagot ng iba’t ibang pormularyo. graph. gitna. Taon 4 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nakasusulat nang dikit-dikit. pinakinggan. at ibang representasyon ng kantitabong pagsusuri. graph. Taon 5 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nakasusulat ng isang sanaysay na may tatlong bahagi (simula. Nababanghay ang isang paglalahad. Nakababása ng tsart. 7 ` . Nakagagamit ng idyomatikong pahayag. Nakabubuo ng isang tatlong-antas na banghay. o pinanood. Nakapagbibigay ng sariling muni sa binása. wakas) na tumutukoy sa isang kanais-nais na kaugaliang Filipino. Nasusundan ang takbo ng isang argumento at katwiran. Koleksiyon ng mga bagong bugtong at salawikain. Nakauunawa ng isang tekstong pangkaalaman. Nakasusulat ng isang tekstong pangkaalaman. Nakasusulat ng talatang naglalahad at nangangatwiran.

talasanggunian. alamat. Nakapagsasaliksik sa aklatan o gamit ang computer. Nakagagamit ng mga batayang paraan sa saliksik at pagkalap. Nakabubuo ng wastong talababa. Nakikilála at nagagamit ang dagdag pang tayutay at matalinghagang pahayag. Nakikilála ang mga anyo at paraan ng salaysay (kuwentong-bayan. Nakapaglalagom ng isang tekstong pangkaalaman. Taon 6 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Mahusay na nakababása ng sinulat na sanaysay sa harap ng klase. Nakapagtatayà ng kahusayan at kahulugan ng napakinggan o nabásang tekstong pangkaalaman. o pelikula). Nagagamit ang mga paraan sa saliksik at pagkalap ng datos. pagsusuri. Ribyu ng sine. Nakapagsusulat ng orihinal na balita. Nakabubuo ng nabanggit na mga representasyon ng kantitabong impormasyon. Nakagagawa ng patalastas o kayâ’y islogan hinggil sa napapanahong isyu. paglalahad. pantulong. at paglalahad ng datos. epiko. mapa. parabula.). Nakagagamit ng mga wastong pananda ng iniuulat na anyo ng paglalahad. Nakikilála ang mga kumbensiyon sa pagtula. 8 . nobela. Nakikilála ang mga katangian ng mahusay na diyalogo sa dula (panteatro man. graph. Kasanayan: Panitikan Natutukoy ang mga makabuluhang sangkap ng binása o napakinggang kuwento. makabagong maikling kuwento. Produksiyon Book report/case study. pabula.Nakagagamit ng iba’t ibang anyo ng pambungad. Nakagagamit ng tuwirang sipi mula sa orihinal na impormasyon para sa sariling paglalahad. programa sa radyo/TV. Nakagagawa ng induksiyon at deduksiyon. at pangwakas o panlagom na pangungusap. at ibang representasyon ng kantitabong impormasyon. Nakapaglalatag ng organisadong pangangatwiran o panghikayat. atbp. atbpang kahingian ng saliksik. Nakikinig upang magsuri sa sinulat ng kaklase. brodkast. Nakapagbibigay ng puna o mungkahi sa sinulat ng kaklase Mabilis na nakahihinuha ng sanhi at ng bunga. Naapagpapaikli o nakapagpapahabà ng pangungusap matapos masuri ang halaga ng nilalamán o kailangang impormasyon. Mabilis na nakababása at nakasusuri ng mga tsart. index. at pangangatwiran.

Nakasusulat ng maikling kuwento. gaya ng epikong-bayan. Higit na nakikilála ang silbi ng tagpuan sa isang akda. Nakagagawa ng mahabàng paglalahad. at paraprase ng mahabàng akda. Paghahanda ng portfolyo ng mga sariling likhang kuwento at tula. senakulo. Nakikilála ang mahusay na kakintalan. Nagpapahalaga sa mga anyo ng panitikan alinsunod sa isang payak ngunit malinaw na kasaysayang pampanitikan ng Filipinas. Paligsahan sa pag-awit ng mga awiting-bayan mula iba-ibang rehiyon. awit at korido. Nakagagawa ng higit na komplikadong saliksik. Taon 7 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nakikilála at nagagamit ang iba’t ibang makabagong limbag at brodkast midya. Taon 8 9 . Nakapagpapahalaga ng tradisyonal at makabagong tula. Nakagagawa ng lagom. Nakasusulat ng tulang may tugma’t sukat o malayang taludturan. Produksiyon Debate/balagtasan. Nakapagpapahalaga ng tula sa Filipino o ng salin mula sa ibang mga wikang katutubo at banyaga. Komiks (ikatlo’t ikapat na markahan). Nakapaghahambing ng dalawang saliksik o ulat hinggil sa isang paksa.Kasanayan: Panitikan Nagagamit ang kaalaman sa mga sangkap ng kuwento sa pagbása ng mga makabagong kuwento (sa Filipino man. makatunayan. Koleksiyon ng kuwento o tula. at kasukdulan. komedya. atbp. kaisahan. kagila-gilalas. Kasanayan: Panitikan Nakikilála at napapahalagahan ang mahahabàng tulang pasalaysay. sa salin mula sa ibang rehiyon at ibang bansa). Produksiyon Poster (una’t ikalawang markahan). Nakikilála ang mga tauhang malabayani. kataslagom (précis). Maikling talambuhay ng sarili o ng pamilya.

Nakasusulat ng mga liham pangnegosyo. Nakagagawa ng isang detalyadong plano sa saliksik. paraprase.Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nakasusulat ng ulat at sulating pormal hinggil sa mga paksa at isyung nakapaloob sa isang nobela. at tuwirang sipi. magasin. Nakapaghahambing ng tatlo o higit pang saliksik hinggil sa isang paksa. Natutukoy ang mga seksiyon ng isang peryodiko (broadsheet. tabloyd. at journal). Nakasusulat ng mahabàng tulang pasalaysay na may tugma’t sukat (30-50 saknong). Nakasusuri ng de-kahon at progresibong katwiran. Natutukoy ang iba’t ibang uri’t gamit ng wika sa lipunan. Taon 9 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nakikilalá at nagagamit ang wikang teknikal. Kasanayan: Panitikan May hilig at kahandaang bumása ng nobela (kasáma ang Noli at Fili) at ibang mahabàng akda. pinakinggan. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng tekstuwal na pagpapahalaga sa akda. Infomercial (ikatlo’t ikapat na markahan). Nakabubuo ng saliksik na gumagamit ng estadistika. Higit na bihasang nakagagamit ng epektibo’t mapanghikayat na pananalitâ. Nakatatalakay ng isang napapanahong paksa o kontrobersiyal na isyu gamit ang iba’t ibang midya. lalo na yaong maaaring itanghal. Produksiyon Sabayang pagbigkas/paglikha’t pagtatanghal ng awit/dulawit (una’t ikalawang markahan). May higit na kahandaang iugnay ang binásang akda sa lipunan at tunay na pangyayari. Naihahambing ang isang nobela at ang ibang bersiyong pangmidya nito. Malaya at epektibong nagagamit ang kataslagom. Paghahanda ng isang portfolyo ng mga sinuring nobela at ibang mahabàng akda. Nakabubuo ng nagsasarili’t makabuluhang kuro hinggil sa binása. Kasanayan: Panitikan 10 . Nakagagamit ng mga panandang panrebisyon o pang-editing sa pagsuri ng saliksik. o pinanood.

agham. Dulang panradyo (ikatlo’t ikapat na markahan). Nakabubuo ng ulat batay sa napakinggang lektura sa isang disiplina. kaalaman sa idyomatikong pahayag. Nakagagawa ng kritikal na pagsusuri sa mga bagong pangyayari sa panitikang pambansa. Produksiyon Pagbuo ng isang diyaryo (una’t ikalawang markahan). dulang naging pelikula o soap opera. Naiuugnay ang panitikang pambansa sa pagiging mamamayan. tulang naging awit. Napag-uugnay-ugnay ang mga katangian ng iba’t ibang uri ng panitikan. gaya sa tula-dula. Taon 10 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Ginagamit ang Filipino sa iba’t ibang uri ng pahayag. Naiuugnay ang akda sa mga kaalaman sa agham panlipunan. Gumagawa ng dagdag at kusang pagbabasá ng aklat pampanitikan. 11 . Dokumentaryo/Maikling pelikula (ikatlo’t ikapat na markahan). Nakapag-oorganisa ng isang kontroladong panayam. Paghahanda ng isang portfolyo ng mga sinuring akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang paksa. at teknolohiya. Napaghahambing ang isang akda at ibang bersiyong pangmidya nito. Pinayayaman ang bokabularyo. Sinusundan ang mga pagbabago sa wika ng lipunan. pangkatang diskusyon. Nakapagtatalumpati o nakatatalakay nang pabigkas sa tuwid na Filipino sa loob ng 10 minuto.Nagagamit ang dagdag na kaalaman sa mga kontekstuwal na paraan ng pagpapahalaga sa akda.). o pagsasadula. Kasanayan: Panitikan Natatalakay ang kabuluhan ng isang akda sa kasaysayan ng panitikang pambansa. Taon 11 Kasanayan: Wika/Komunikasyon Nakasasagot nang malinaw at nakalalahok sa pormal na panayam. matematika. Naiuugnay ang panitikang pambansa sa panitikang pandaigdig. at matalinghagang pangungusap. atbp. Produksiyon Dula (una’t ikalawang markahan).

Produksiyon 12 . Nakasusulat ng panukalang pangnegosyo. Taon 12 Kasanayan: Wika/Komunikasyon May sapat na kadalubhasaan sa paggamit ng wika ng iba’t ibang diskursong pampanitikan (ang wika bilang produkto ng ideolohiya’t kamalayan). Pag-oorganisa ng eksibit ng isang panukalang negosyo. dressmaking.Nakasusulat ng sariling resume. Mahusay na nagagamit ang wikang teknikal sa iba’t ibang okupasyon. atbp. Produksiyon Panel interview. Kritikal na nagsusuri ng panitikan (maaaring linangin dito ang wastong pagpapahalaga sa kulturang popular). Ulat ng OJT. Cooking demo atbpng gawaing pandisiplina sa Filipino. weaving. Kasanayan: Panitikan Patuloy na bumabása ng mahahabá’t makabuluhang panitikan ng bansa at ng mundo. Nakagagawa ng ulat hinggil sa pang-araw-araw na gawain. Nakauunawa at nakasusunod sa mga gampaning sosyal ng isang nagtatrabaho sa isang opisina o kompanya. Kasanayan: Panitikan Nakasusuri ng mga babasahín sa pinilìng larang o okupasyon (mula sa culinary art. Nakapagtataguyod ng isang pagtitipong pampubliko hinggil sa isang paksa sa isang napilìng disiplina. atbp. seksuwal.) sa kasalukuyan. Nakapagsasalin ng akdang pampanitikan at teknikal. Nakagagawa ng malinaw na paghahambing ng mga akda mula sa iba’t ibang rehiyon at iba’t ibang panahong pampanitikan. Nakatatalakay ng mga importanteng isyu’t kontrobersiya (politikal. May dagdag na pag-aaral sa mga akda ni Rizal. ekonomiko. electronics. Nakauunawa at nakasusunod sa mga instruksiyon at kahingian sa gawain. Paggawa ng mga etiketa ng produkto. Nakasusulat ng liham aplikasyon at ibang liham pangnegosyo. edukasyonal. moral. kagamitan.). at proseso.

at bukod pa sa mga gawaing nangangailangan ng paglabas sa silid-aralan. gaya ng pagbisita sa museo. Edison Fermin. Maaaring magbigay ng ibang proyekto ang guro. Pahabol: (1) Ang mga batayang kasanayan ipinasok sa mga panimulang taon ng pag-aaral ay patuloy na nililinang at pinayayaman hanggang sa pinakamataas na antas ng pag-aaral.Pagsasalin/ portfolyo ng mga pagsasalin. Mahabàng ulat saliksik ukol sa isang paksang pandisiplina. Halimbawa. Almario. Mahabàng ulat salik ukol sa isang set ng magkakaugnay na akdang pampanitikan. sa komunidad. (3) Kailangan din ang isang hiwalay na forum o seminar upang talakayin ang higit na mabisàng pagtulay ng pagtuturo mula sa mga katutubong wika tungo sa Filipino. 13 . at ibang pook. (2) Kailangan ang isang hiwalay na forum o seminar upang talakayin ang estratehiya kung paanong isanib sa Filipino ang nilalamán at mithiin ng ibang sabjek sa bawat taon. Ngunit iminumungkahing luminang ng gawaing pangkatan ang mga ito. maliban sa proyektong lumilinang sa pansariling kasanayan (halimbawa. alinsunod sa kakayahan (lalo na pampananalapi) ng kaniyang klase. Ang tayutay na ipinasok sa Taon 3 ay maaaring magsimula sa mga paraan ng paghahambing at patuloy na payayamanin taon-taon alinsunod sa binabásang akda hanggang sa mga masalimuot na parikala’t balintuna. at Bernie Santos. sa saliksik) ng bawat mag-aaral. Ang kritikal na pag-iisip ay maaaring ipasok sa pamamagitan ng pagtuturo kung paano bumuo ng mahusay na tanong hanggang sa kakayahang sumuri ng anumang babasahín o ulat. ang paglalarawan na ipinakilála sa Kindergarten ay patuloy na pag-aaralan at lilinangin sa bawat taon. Ani Rosa David. sa munisipyo. sa palengke. Pangangasiwa ng seminar o kumperensiya. Inihanda ng Summit ng mga Guro sa Filipino sa pangunguna nina Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Schedar Jocson. (4) Ang mga mungkahing produksiyon ay mga mungkahi lámang.