You are on page 1of 4

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN EKSISTENSYALISMO Ang teoryang ito ay nagmula sa Kanluran (West) at lubos na lumaganap ang teoryang ito

noong ika-19 hanggang ika-20 siglo kung saan maraming manunulat ang naimpluwensiyahan. Ito ay pinangunahan at pinatatag nina Jean Paul Satre, Albert Camus, at Andre Gide. Ito ay sumusuri sa katauhan ng tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, gawi at paninindigan. Samakatwid binibigyang-diin dito ang personalidad ng tauhan at may layuning ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.Ang tao lamang ang sentral at tanging nilikha na makapagbibigay ng kahulugan sa kanyang sariling buhay at kairalan; na wala nang ibang nilikha ang makapagiisip at makapagdedesisyon sa lahat ng kanyang ginagawa maliban sa kanya. Ayon kay Jean Paul Satre, isang Pilosopong Pranses, Ang pagpili ay siyang pinakasentro ng pananatili ng tao (human existence), kahit na ang pagtanggi na pumili ay maituturing na pagpapasya. Ang kalayaang pumili na laging may kaakibat na pananagutan at responsibilidad. Yamang ang bawat isa ay malayang pumili ng kanyang landas na tatahakin, kinakailangan lamang na maging handa ang bawat isa sa resulta o maaaring bunga ng kanilang gagawing pagpapasya. HUMANISMO Ang teoryang Humanismo ay lumaganap sa panahon ng Muling Pagsilang o Panahon ng Rennaisance sa Europa. Ang humanismo bilang teorya sa panitikan ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa tao sa paniniwalang ang tao ay sentro ng daigdig, ang sukatan at panginoon ng kanyang kapalaran. Ito ay pagsusuring akda batay sa isipan, saloobin, damdamin o emosyong namamayani sa tauhan, nagpapakita ng mga kasipan at mga paniniwala.. Ito ay isang uri ng teoryang sumusuri sa isang akda batay sa damdaming namamayani sa tauhan at ang ipinapakitang paniniwala sa kagalingan ng tauhan. Nakasentro ang pagsusuring ito sa tao at sa kanyang pakikipaglaban sa karapatan. Binibigyang tuon rito ang kalakasan at mabuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, atbp. Ipinapakita rito kung paano ang tao nag-iisip, nalilito, nangangatwiran at naghahanap ng kasagutan sa maraming tanong na gumugulo sa kanyang isipan. IMAHISMO Ang imahismo ay isang teoryang pampanulaan na naging kilalang-kilala sa Great Britain at Hilagang America sa pagitan ng taong 1909 at 1918. Nangunguna sa teoryang ito sina Ezzra Pound, H.D., John Gould Fletcher, Amy Lowell, Carl Sandburg at William Carlos Williams. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na kailangang alisin sa isang tula ang labis na pananalita at sa halip ay magfokus na lamang sa lubos at ganap na kawastuan ng presentasyon ng isang kongkreto at tiyak na imahe. Ang pananaw na imahismo ay binibigyan diin ang imahe, ang imahe ay nagsasabi ng kahulugan ng tula. Ang mga makata ay malayang nakakapili ng anumang paksain na ibig talakayin at gumagamit ng angkop na salita. Ang layunin ng panitikan ay gumagamit ng mga imahen na higit a maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. REALISMO Ang realismo ay sukdulan ng katotohanan, higit na bininigyang pansin o pinahahalagahan nito ang katotohanan kaysa kagandahan. Nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan. Higit na pinahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay kaysa sa paksa. Layunin nito na ipakita ang mga karanasan at masaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatwid ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat.nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. 1

NATURALISMO Ang naturalismo bilang teorya sa panitikan ay nagbibigay-tuon sa pag-aaral ng kalikasan ng tao bilang isang bagay na mapag-aaralan nang obhetbo at hindi hinahaluan ng damdamin at pangangaral. Sa ganitong paraan, tinitingnan ng tao bilang isang nilikhang kumikilos at nag-iisip ayon sa batas ng kanyang kalikasan. Samakatwid, ang tao ay ganito at ganoon dahil sa iyon ang kanyang kalikasan bilang tao. Lumaganap ang teoryang ito sa mga panulat nina Emile Zola, Claude Bernard , Hippolyte Taine, Herbert Spencer, at Joseph Le Conte. Ang pananaw na naturalismo ay nakafokus sa paglalarawan ng tauhang pinakikilos at naiimpluwensiyahan ng kanilang lipunan. Ipinakikita kung paanong ang mga ito ay nakokontrol ng umiiral na kalagayang panlipunan. Malimit itong maging kasingkahulugan ng realismo. tinutukoy ang epekto ng kapaligirang marumi, masukal at kasuklam-suklam. Iniisa-isa rin sa mga bahagi ng akda ay nagpapakita ng pagiging emosyonal ng tauhan. KLASISMO Ang klasismo ay isang kalakarang pampanitikan na ang batayang pundasyon ay ang uri ng kulturang hinubog ng mga Griyego at Romano. Sinasabing klasiko ang anumang anyo ng sining kung nagpapakita ito ng mga pormal na katangian ng kapinuhan (refinement) . Bukod diyan ang klasismo ay tunay na nagpapahalaga sa tradisyon na klasiko. Sinasabing ang tradisyong ito ay laging iniuugnay sa nabuong klasikal na tradisyon nng Gresya at Roma na muling binuhay sa panahon ng Renaissance. Ang klasismo ay ang pananaw na mas pinahahalagahan ang kaisipan kaysa damdamin. Iniiwasan ang anumang bagay na nauukol sa masama at kamunduhan sapagkat ang mahalaga ay ang pagiging marangal sa kilos at pananalita.. Ito ay tumatalakay sa mataas na uri ng tao, ang mataas na uri ay yaong mayayaman at nakapag-aral. ROMANTISISMO Ang romantisismo ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ika-18 dantaon. Kasalungat ng romantisimo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisimo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espirituwalidad at hindi mga bagay na material, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaang magmahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pagaalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin sa isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Ang namamayani rito ay isang emosyon o likas na kalayaan MARKISMO Ang batayang prinsipyo ng Marxistang pananaw o pagbasa ay hinugot mula sa mga kaisipan nina Marx, Engels, at Mao Tse-Tung. Naniniwala ang tatlo na ang sining at isa na rito ang panitikan ay hindi maaaring suriin o pag-aralan na tiwalag sa lipunan at kasaysayan na siyang pinagbubuhatan ng konsteksto nito. Ang markismong pananaw ay nagpapakita ng paglalaban ng malakas at mahina na kung saan nagtatagumpay ang mahina. Ang isa ay mahina kaya naaapi at babalikwas sa dinaranas na pang-aapi at ang nang-aapi ay nagagapi. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan ng akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

FORMALISMO Ang formalistikong pananaw ay pagsusuri ng akda batay sa elemento, istruktura at pagkakabuo nito magong ang pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng akda at ang kabisaan nito ay batay sa pagsusuri. Ang layunin nito ay iparating sa mambabasa walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusurit pang-unawa. Ayon naman kay Soledad Reyes, Sa paggamit ng formalistikong pananaw ay pinagtutuunan ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kuwento upang itanghal ang pagiging masining at malikhain ng komposisyong ito. Samakatwid, mahalaga ang bawat elemento ng maikling kuwento sa pagsusuri ng alinmang akda upang matuklasan ang nakakubling kahulugan at kabuluhan nito. DEKONSTRUKSIYON Ang dekonstruksiyon bilang teorya ng pagbasa ay hango sa Post-istruktalismong pananaw na naging malaganap sa Estados Unidos dahil sa panunulat nina Paul de Man, Harold Bloom, Barbara Johnson, Geoffrey Hartman, at J. Hillis Miller. Lahat ng manunulat na ito ay naimpluwensiyahan ng mga panulat ng mga kilalang French Postructuralist na sina Rolando Barthes, Jacques Lacan, at Jacques Derrida. Naniniwala ang dekonstruksiyon na ang ano mang teksto ay walang iisa at nakapangyayaring kahulugan na siyang nagbibigay, ayon sa mga pormalista (formalist writers), ng kasisahan dito. Walang kaiahan ang ano mang teksto lahat ay nagtataglay ng mga kontradiksyong ito dahil sa ideolohiya. ARKETIPAYL Ang arketipayl ay isang teoryang pampanitikan na nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay ang mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Pinakainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isat isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinakikilala ng may-akda sa mga mambabasa. SOSYOLOHIKAL Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsilbing gabay sa mga mambabasa sapagpukasa sa mga katulad na suliranin. Sinusuri ang panitikan ayon sa milieu ng panahong ginagamitan nito. Naniniwala ang kritiko na ang panitikan ay hindi hiwalay sa lipunan. May malaking pananagutan ang panitikan sa lipunan ng alinmang bansa. Ang panitikan ay hindi lamang pagpapahayag ng damdamin ng tao nang nauukol sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid kundi isang makapangyarihang lakas na may bahaging ginagampanan sa pakikipag-ugnayang panlipunan. SAYKOLOHIKAL Ang sikolohikal na pagbasa o pagsusuri ay makikita sa maraming anyo at paraan. Isa na rito ang pagbibigay- diin sa masalimuot na ugnayan ng maraming elemento o sangkap ng isang akda o teksto. Ayon kay Dr. Soledad Reyes, sa pagbasang ito, halimbawa, tinitingnan ng kritiko ang mga tauhang doon ay gumagalaw, ang kani-kanilang motibasyon, ang trauma ng nakaraan, ang kanilang relasyon sa isat isa. Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Binibigyang-diin ng teoryang ito ang mga gawi o behavior ng partikular na tauhan, sinusuri rin nito ang mga pangyayari o kalagayang iniikutan o kinikilusan ng tauhan at hinahanap ang kaugnayan nito sa kanyang pasya, gawi, galaw at paniniwala. SIKOLOHIKAL Mahalaga ang emosyon sa pagkilala ng katauhan dahil ang panloob na damdamin ay isang mahalagang salik upang pasimulan ang isang gawain. Ibat ibang damdamin ang nadarama ng isang tao: galit, takot, 3

pangamba, pagkabigo o pagsisi na nararapat lamang na angkupan ng positibong pandama: pagmamahal, paghanga, at pagbibigay atensyon. Ayon sa mga sikologo, ang emosyon ay maaaring maging maikli at naisasalin o maaari ring maging maamo o marahas. Ang paglinang sa kalagayang pang-emosyonal ng isang indibidwal sa pananaw na sikolohokal ay malaking tulong sa buhay ng mga manunulat sapgkat ito ang isa sa nagiging sukatan nila sa pagsasabuhay ng manunulat sapagkat ito ang isa sa naging sukatan nila sa pagsasabuhay ng kanilang mga likhang tauhan. Dahil sa paglalantad ng ibat ibang emosyon ay dagling nakikilala ng mga mambabasa ang kanilang mga katagian at kapintasan. Ang mga sikologo ay naniniwalang ang pangunahing salik sa paghubog ng isang bata ay ang kanyang kapaligirang nakaapekto sa kanyang paglaki. MORALISTIKO Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao, ang pamantayan ng tama o mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi ang moralidad ay napagkasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Pinatutunayan ng maraming kritiko na ang bawat pananaw o teoryang ginagamit sa pagsusuri sa alinmang akda ay may kakambal na pilosopiya sa buhay. Itoy matatagpuan sa pagpapahayag na ginagamitan ng kasipang moral. Sapagkat ang isang akda ay katatagpuan ng kasiningan at pagkamalikhain, naniniwala ang ilang kritiko na hindi sapat na patunayan kung bakit at kung paano naging masining ang isang akda. Higit na kailangang ipakita ang mga pamantayang moral na lantarang ipinakikita sa akda. FEMINISMO Ayon kay Soledad Reyes (1992), isang kilalang kritiko sa Pilipinas sa larangan ng literature, ang Feminismo o kilusang Feminista ay isang pakikibakang nag-ugat sa malalim na paniniwala na sa kamay ng mga kalalakihan, hindi makatarungan ang representasyong ibinibigay sa mga kababaihan. Hinango ang ganitong representasyon sa paniniwala ng lipunan na ang babae ay hindi makahihigit sa lalaki sapagkat ang taglay lamang niya ay ang katawan. Binanggit pa ni Reyes na radikal ang pagkakaiba ng lalaki sa babae, ayon sa malaon nang tinaggap na paniniwala at kinagisnang tradisyon. Hindi lamang ito nag-ugat sa pagkakaiba ng kanilang anyong pisikal kundo maging sa kanilang katangian. HISTORIKAL Ang layunin ng panitikang ito na ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan na bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

You might also like