You are on page 1of 3

Anyo ng Tula? Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat na bahagi na nauna na namin nailimbag sa nakaraang artikulo.

Ito ay ang Malayang taludturan, Tradisyonal, May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.Upang maintindihan ng mabuti, ay iisa-isahin kong ipaliwanag ang bawat anyo ng tula. Ang Malayang taludturan - Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Gnunit dapat manatili ang karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na ipinakilala niya Sa kanyang tulang Ako ang Daigdig. Ang Tradisyonal na Tula - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan. Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang dito.Ang anyo ng tula na May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma. Ngunit di lang diyan nagtatapos ang lahat.May tatlong natitira at kakaibang anyo pa ang tula na kinakailangan ninyong malaman.Ito ay ang DIONA, TANAGA at DALIT. Sa makatuwid pito lahat ang anyo ng tula.Ang tatlong natitira ay espesyal dahil sa kung anong kadahilan na inyong malalaman sa ilang saglit lamang.Ang tatlong ito ay nabibilang sa katutubong uri ng mga tula.Isang katibayan na di pa sinisilang si Francisco Balagtas o kung sino mang sikat at bihasa sa larangan ng ganitong panitikan ay mayaman na tayong mga Pilipino sa pagkamalikhain lalo na sa pagbuo ng mga tula. Mga Katutubong Anyo ng Tula

DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan. TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan. DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

DIONA Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan. (Students were asked to write a diona about any Zambales product.) Mangga ng Zambalea, Tikman mot may halina Ang tamis ng pagsinta. -Debbie Villanueva Balat na kulay-dilaw, Kulay-berde pag hilaw, Panlasay mapupukaw! -Mary Cathlyn Orgen Ang mangga dito sa min: Marami, nakabitin At masarap kainin! -Julie Anne Villanueva Ang mangga ng Zambales, Walang makatitiis Dahil napakatamis. -Kim Aquino

TANAGA

Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan. (Students were asked to write a tanaga about love for country.) Sa gubat na madawag, Talay mababanaag. Iyon ang tanging hangad ,Buhay may igagawad. -Bannie Pearl Mas Sa Muli Nating Pagkikita Noong malayo ako, Nasa kabilang dako, Itong pusot isip ko, Bayan, para lang sa yo. -Rachel Muyano DALIT Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan. (No theme for dalit-writing exercise.) Tindi ni Amang Nag-aral siyang pilit Nang karangalay makamit. Buong buhay syang nagtiis. Makapagtapos ang nais. Ang pera niyay tinipid, Sa guro ay di sumipsip. Markang mataas, nakamit: Tagumpay nga ang kapalit. -Zoren Mercurio MALAYANG TALUDTURAN (Students were asked to write a poem using random words.) Bata pa lamang siya nang landas niyay lumihis. Pumunta siya sa kung saan ang pook ay liblib Ngunit ang sayay napalitan ng ligalig. Napagtanto niyang siyay gipit na gipit. Damit niya lamang ang kanyang kipkip, Maging ang bulsa niyay sadyang said. Doon niya nalamang sa paglalayas palay pera ang salik. -Bannie Pearl Mas Pighati Bakit sa biyaya, tila akoy salat? Mga problemay tila apoy na naglalagablab. Puro kabiguan ay siyang namalas. Buhay ko ngayoy saan sasadsad? Para itong nalugmok sa mataas na pagkalaglag. Sanay matikman ang matamis na halakhak Kahit pusoy tila nilaplap. -Mary Grace Menor

Kawawang Magsasaka

May isang magsasakang sinamsam ang lupa niyang sakahan. Sa kalooban niya, daig pa ang nasupalpal. Kayat sa kanyang pagkaasar, di na napigil ang kanyang galaw. Wala siyang nagawa kundi gumapang at naisip na lang: magpatiwakal sa tulay. -MC Kenneth Abella

You might also like