You are on page 1of 4

Mark Christopher Roi P. Montemayor Bb. April J.

Perez Kom 1 22 Marso 2012 Walang Nabubuhay Para sa Sarili Lamang (Isang liham ng pagpupugay)

Para sa mga kinauukulan, Sa kasalukuyan, hindi lingid sa ating mga kaalaman ang samut saring problema na nagpapahirap at humihila sa ating mga tao na bumaba sa pedestal. Nariyan ang ibat ibang mukha ng kriminalidad na hindi pa rin matapos-tapos at hindi na rin bago sa ating mga pandinig. Masakit mang isipin ay mas lalo pa nitong pinabababa ang moralidad nating mga tao sapagkat taliwas ito sa kagandahang asal. Hindi lang dahil sa hindi ito makatao ngunit dahil kahit na anong gawin natin ay mali at mali pa rin ito sa paningin ng Poong Maykapal. Bagamat ang ilan sa atin ay may sari-sariling dahilan kung bakit nila ito ginagawa at upang pagtakpan na rin ang kanilang mga kasalanan, sa kaparusahan pa rin ito hahantong at nisinuman ay walang makakatakas dito.

Alam naman nating lahat na utik-utik ng humihirap ang ekonomiya ng bansa. Marahil ay isa na doon ang kawalan ng trabaho na ang puno ay kamangmangan. Ayon sa isa sa mga librong aming binasa sa Filipino ay matuturing na isa ang kamangmangan sa tatlong mukha ng kasalanan. Bagamat hindi ko na masyadong maala-ala ang natitirang dalawa ay sinentro ko ang aking isip sa bagay na ito. Hindi ko lubos maisip ng mga oras na iyon na ang kamangmangan ay isang napakabigat na kasalanan at ang isang simpleng kasalanan ay sapat na upang ihulog tayo sa bangin ng kaparusahan. Dumating ang oras na ako ay naliwanagan hanggang sa aking napagtagni-tagni ang mga bagay na sa aking hinagap ay di ko naisip. Aking napagtanto ang mga puno ng mga krimeng nangyayari sa ating kapaligiran. Isang halimbawa ang pagnanakaw. Sa kadahilanang wala tayong maipangtustos sa ating mga pang-araw-araw na pamumuhay dulot na rin ng kawalan ng trabaho ay napipilitan tayong magnakaw. Ibig sabihin ay nakagawa tayo ng

kasalanan. Hindi lang pagnanakaw ang halimbawa kundi ang pagpatay at pagbebenta ng sariling laman para lang makawala sa kadena ng kahirapan na nakasuot sa kanila.

Saan ba nag-uugat ang kamangmangan? Sa dami ng pinag-uugatan ng bagay na ito ay di ko na iisa-isahin pa. Ngunit isa na rito ang kahirapan. Akoy naniniwalang hindi kahirapan ang dahilan ng ating kamangmangan sapagkat di mangyayari ito kung mayaman tayo sa kasipagan. Hindi sa kasipagan na gumawa ng krimen kundi sa kasipagan na humingi ng tulong sa Kanya dahil Siya at wala ng iba pang makatutulong sa atin. Kaya naman ako ay nanalig na hindi kahirapan ang dahilan ng kamangmangan kundi katamaran. Katamaran na naguudyok sa atin na pumasok sa isang mapanganib na daan tungo sa kapahamakan. Ang edukasyon ang tunay na solusyon sa ating mga problema at siyang wawaksi sa kamangmangan. Ito ang magpapabago sa ating mga buhay tungo sa isang makulay at buhay na kasiya-siya.

Ako man ay nagmula sa isang simple at payak na tahanan ngunit dahil sa aking sipag at tiyaga maging ng aking mga magulang na laging nandiyan upang ako ay tulungan ay nakapasok ako sa unibersidad na ito na hindi maitatatwa ang taas ng kalidad ng edukasyon na hinahangad ng mga kabataang kagaya ko. Kaya naman nais kong pasalamatan ang aking mga magulang na sina Rolando F. Montemayor at Cathrine P. Montemayor. Ama, Ina, saksi po ako sa lahat ng inyong pagpapakapagal para lang mabigyan kaming magkakapatid ng isang bukas na paniguradong maganda. Napakasuwerte ko po na ako ay isinilang at tumayo sa mundong ito na kayo ang aking mga magulang. Sa aking mga kapatid, kay Michael at Cedij, maraming salamat. Isa kayo sa mga inspirasyon na aking matagal na inipon para makamit ang tagumpay na aking tinatamasa ngayon. Nais ko ding pasalamatan ang aking Lola na sa akin ay laging nangangaral. Sa tuwing magkikita kasi kami ay puro pangaral ang kanyang sinasabi sa akin. Kaya naman maraming salamat La sa pagiging maaalalahanin po ninyo sa aming mga apo ninyo. Ang mga pangaral po ninyo ay ilan lamang sa mga sandigan na nagpapanatili sa aking matibay.

Maraming-maraming salamat din po sa Buenavista National High School na siyang nagbigay sa amin ng de kalidad at di matatawarang bagay pagdating sa larangan ng pagtuturo. Isang simple lang po akong bata dati na makikita sa lansangan ngunit ngayon ay may tinatanaw ng pag-asa sa buhay. Ang paaralang nagmulat sa aming mga isipan na magpunyagi sa aming

pag-aaral at tahanan ng kagalingan. Hindi ako nagsisisi na pinili kong mag-aral sa paaralang ito. Nagsilbing pasaporte ko ang paaralang ito para magtagumpay. Gayundin sa mga guro kong nagakay sa amin sa tamang landas at nagbigay kaalaman sa aming lahat ng buong lakas at buong talino. Ipinagmamalaki ko po kayo. Kayo po ang mga alagad ng Edukasyon na kamiy hindi iniwan at hindi nagsawang kami ay turuan. Ngunit ang mahalaga po ay ang mapasalamatan ko kayo at inyo pong masaksihan at mapakinggan sa labi ko ang mga salitang salamat. Ipinadama nila hindi lang sa akin kundi sa mga kapwa ko magsisipagtapos ang isa sa mga katangian ng mga magulang, ang pagiging maaalalahanin. Saksi ako sa kanilang mga nagawa para sa kapakanan naming lahat sa Buenavista National High School. Larawan ng isang mahusay at mga dedikadong guro ang ilan lamang sa mga paglalarawang aking masasabi para sa kanila.

Pwede ba namang makalimutan, ko ang aking mga pinakamamahal na mga kaibigan sa hapong ito. Siyempre hindi. Sa mga kapwa ko mag-aaral lalong-lalo na sa aking mga kamag-aral sa IV-Newton kundi rin dahil sa inyo ay di natin sama-samang maaabot ang tugatog kung saan tayo ay nakatayo ngayon. Salamat sa pagkakaibigang aking nasumpungan sainyo. Bagamat minsan itong sinubok ng pagkakataon ay di ito natibag. Isang masarap at matamis na ala-ala ang babaunin nating lahat patungo sa ating mga pupuntahan mula sa ating mga kantiyawan, kasiyahan, tawanan at damayan sa panahon ng problema at kalungkutan. Minsan pa tayong pumikit at muling balikan ang mga ala-alang nagpatingkad at pumuno sa ating mga buhay sa loob ng mga bakuran ng paaralan natin, ang Buenavista National High School na ngayoy ating lilisanin upang humakbang sa mas mataas na baitang ng edukasyon at ito ay ang pagkokolehiyo. Nawa ay di mawaglit sa pusot isipan ng bawat isa sa atin na minsan ay nagkabuklod-buklod upang buuhin ang isang pagkakaibigang kay ganda sa loob ng mga bakuran ng ating paaralan. Salamat! Alam kong hindi ito ang huli kundi pagtatapos lamang ng isa sa mga kabanata ng ating mga buhay at pagsisimula ng isa na naman.

Higit sa lahat ay ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal na siyang patuloy na gumagabay sa atin sa mundong ito at siyang naggawad ng tagumpay na aking tinatamasa at ng mga kapwa ko sa mga oras na ito. Gayundin, sa biyaya lalong-lalo na sa aming ispiritwal na aspeto. Maraming-maraming salamat po!

Yan ang mga bunga na idinulot sa atin ng edukasyon. Tunay nga na binago nito ang ating mga buhay. Buhat sa pagiging simple nito at payak ay nagliwanag ito na kasimputi ng ating mga kasuotan ng hapong tayo ay magtapos sa sekondarya na tinahi ng karayom ng karunungan at sinulid ng katuparan. Muli po, Mabuhay ang Batch 2010!

Lubos na gumagalang,

Mark Christopher Roi P. Montemayor

You might also like