Professional Documents
Culture Documents
PAALAM SA PAGKABATA
Maikling Kwentong Cebuano Ni Santiago Pepito Salin ni Nazareno D. Bas
I
Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang araw: ang ginaw, katahimikan, dilim iyon ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko. Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang mga pigil na paghikbi. Umiiyak na naman si nanay. Ang sunud-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napapabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umaalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa, di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin koy tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang akoy bumangon. May bago na naming umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig sya sa sampayan ng lambat ni tatay. At madals ang kanyang pagbubuntong-hininga. Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang itoy ginagamit ni tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong itoy itinapon ni nanay mga dalawang taon na ang nakararaan. Galit na galit si tatay sa ginawa ni nanay. Pinagbuhatan ni tatay ng kamay si nanay. Pagkatapos, ipinabalik kay nana yang lambat sa sampayan. Hanggang ngayon bay hindi ka pa rin nakakalimot, Tomas? Alam ng Dios na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galling sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang isyay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?
Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi ng aking guro sa ikaapat na baiting ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni nana yang langit? Ano pa ang hinihintay mo, Celso? Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-mayay tumakbo na ako ng matulin. Nasa dalampasigan ang mamimili ng isdang dala ng mga bangkang galling sa laot. Masasaya silang nagkukwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan. Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gitara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At muli na naming naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman, umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko. Naririyan na naman siya. Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kalian matutupad ang kanyang pangarap, Dios lamang ang nakakaalam.
II
Tuluyang umiyak si nanay. Umungol lamang si tatay. Nanlilisik ang mga matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa kin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon. Mula noon ay hindi na ginalaw ni nana yang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking paningin. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni nana yang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman koi to. May karapatan akong makaalam. Nilapitan ko si nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha. Lakad na Celso, malapit nang dumating ang tatay mo.
Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang nagging bahagi nan g aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay pawid sa lilim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalalking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni tatay. Nagbabanta ng parusa. Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga Bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa pinanggagalingan ng awit na ngayoy gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha sa kanyang mga mata. Tumitig sya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan.. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawala sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako. Ngumiti sya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwang ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli nya akong niyapos. Dalawin mo akong palagi, ha? Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ilong, ang labi- lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding n gaming bahay. Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga Bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang tatay. Malayo pa ako ng Makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang Bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig nya sa akin. Galit. Kinabahan ako.
III
IV
Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang Gawain. Matapos makapananghali siyay matutulog. Pagkagising, maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi, balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni tatay na bahagi na rin ng aking buhay. Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko si nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik t nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naaalala ko ang pangyayari noong itinapon ni nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naaalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naaalala ko iyong tao. Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ng katarungan ang aking kalagayan. Nagpunta ako sa kusina. Hinanap ko ang itak ni nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit koi to at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat. Huwag, Celso!, saway ni nanay na nanginginig ang boses. Huwag!. Naiiba sa aking paningin ang pagsigaw ni nanay. Pati si tatay na natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko napansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang itoy magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan. Celso! Nag-aapoy ang mga mata ni tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat. Nahihilo, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin parang may nakita akong anino si tatay na sumusurot kay nanay. Ngunit, Tomas, nagmamakaawa si nanay. Wala siyang kasalanan, maawa ka sa kanya. Pumanhik ka Isidra!, singhal ni tatay. Pumanhik ka na habang akoy nakapagpipigil pa.
BABANG LUKSA
Tula / Pampango Salin ni Olivia P. Dantes Mula sa Pabanua ni Diosdao Macapagal Isang taon na ngayon ng iyong pagpanaw Marahil tinubos ka ni Bathala Tila kahapon lang nang ikawy lumisan; Upang sa isipay hindi ka tumanda; Subalit sa akin ang tanging naiwan, At ang larawan mo sa puso kot diwa Mga alaalang di-malilimutan. At manatiling maganda at bata. Kung akoy nasa pook na limit dalawin Sa paraang ito, kung nagkaedad na Naaalala ko ang ating paggiliw; Ang puting buhok koy di mo makikita; Tuway dumadalaw sa aking paningin At ang larawan kong tandang-tanda mo pa, Kung nagunita kong tayoy magkapiling. Yaong kabataan taglay sa twina. Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay At dahil nga rito, ang pagmamahalan Na kung saan unang tayoy nag-ibigan; Ay hanggang matapos ang kabataan; Sa bakurat bahay, sa lahat ng lugar, Itong alaala ay lalaging buhay, Itong kaluluway hinahanap ikaw. Lalaging sariwa sa kawalang hanggan. Sa matandang bahay napuno ng saya Kaya, aking mahal, sa iyong pagpanaw Sa araw na iyoy pinagsaluhan ta; Tayoy nagtagumpay sa dupok ng buhay; Ang biyayang saglit, kung nagbabalik pa Ang ating pagsintang masidhit marangal Ang ipagpapalit koy aking hininga. Hindi mamamatay, walang katapusan.
V
Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at akoy gumapang. Ngunit sinabunutan ako ni tatay at inginudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi. Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihinay umusad ako ng umusad.
PAG-ISLAM
PANAMBITAN
(Tula / Bicol) Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng Panambitan Ni Myrna Prado Bakit kaya ditto sa mundong ibabaw Kung may mga taong sadyang nadarapa Marami sa taoy sa salapi silaw? Sa halip tulungan, tinutulak pa nga; Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Buong lakas silang dinudusta-dusta Wala kang pag-asang makyat sa lipunan. Upang itong hapdiy lalong managana. Mga mahihirap lalong nasasadlak Nasaan Diyos ko, ang sinasabi mo Mga mayayaman lalong umuunlad Taoy pantay-pantay sa balat ng mundo? May kapangyarihan, hindi sumusulyap Kaming mga api ngayoy naririto Mga utang-na-loob mula sa mahirap Dinggin mo, Poon ko, panambitang ito.
Ibig na ibig kong makakilala ng babaeng moderno, iyong babaeng Malaya, nakapagmamalalakit makaaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masiglat maagap na hinaharap ang buhay., puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligayahan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong ang pusot isip koy hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling
SI KESA AT SI MORITO
Salin ni Lualhati Bautista Mula sa Rashomon atbp. Pang kwento Ni Ryunusuke Akutagawa S. UNANG BAHAGI: Monologo ni Morito Sa pagkakatingin sa buwan habang nag-iisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mga lagas na dahon sa makalabas ng bakod ng kanyang bahay: Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng buwan. Pero ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig na sumisindak sa akin. Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ang magwawasak sa aking kasalukuyang sarili at gagawin akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipin na lang kapag ang mga kamay na itoy namula sa dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang magiging tingin ko sa aking sarili kapag nagkaganoon! Ang puso koy di mababagbag sa sakit kung papatay ako ng isang kaaway na kinasusuklaman ko, pero ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking hindi ko kinasusuklaman. Matagl ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lang nalaman ang kanyang pangalan., Wataru Saemonno-jo, mulat sapul pay kilala ko na ang kanyang magandang mukha. Nang matuklasan kong asawa siya ni Kesa, totoong sandali rin akong nag-apoy sa panibugho. Pero ngayon, ang panibugho koy napawi na, hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking puso at isipan. Kaya para sa king karibal sa pag-ibig, wala akong pagkamuhi o masamang hangarin. Manapa, na mabuti ang isipin ko para sa kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa, kung paano niya pinagsikapan at pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nakadama ako ng simpatya sa kanya. Naunawaan ko, na ang buong hangarin niya na mapangasawa ito, pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang simple at nakababagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti ang gumuguhit sa aking mga labi sa kabila ng damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pag-uyam ; naaantig ako sa pagkamasuyo ng isang lalaki na ginagawa ang lahat makuha lamang ang isang babae. Posible rin ang kanyang masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay nakapagdudulot sa akin ng kasiyahan. Pero mahal ko ba talaga si Kesa? An gaming pagiibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang baiting, ang nakaraan at kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon ang aking palagay. Pero ngayong tumitingin ako Sa aking puso, nakikita ko na marami akong motibo. Ano ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramahan ko ng hangaring makalaman. Kahit noong mga panahong akoy wala pang bahid-dungis. Kung mapahihintulutan ang eksaheradong pahayag , ang pag-ibig ko sa kanya ay higit pa sa sentimental na bersyon Ng motibong nagtulak kay Adan sa piling ni Eva. Malinaw ito sag a pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay natupad. Bagamat nananatili siya sa isip ko sa sumunod na tatlong taon pagkaraang maputol an gaming ugnayan, hindi ko tiyakang masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod ng pakikipag-ugnayan ko sa kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong hindi ko siya nakilala ng lubos. Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan,
ANG AMA
Salin ni M.R. Avena Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo ang nagpapamaga ng ilang araw sa labi.Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsay inuuwi ng ama malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay .Ang totoo,para sa sarili lang nya ang iniuuwing pagkain ng ama,lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa.Kundi sa pakikialam ng ina na magbigyan ng kaniya-kanyang parte ang lahat-kahit itoy sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit. Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki,dose anyos,at isang babae,onse; matatapang ang mga ito kahit na payat,at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina upang tiyakin may parte rin ang maliliit.May dalawang lalaki,kambal,na nuwebe anyos,isang maliit na babae, otso anyos,at isang dos anyos na paslit pa,katulad ng iba,ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado at masya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin.Kahit na ang ina nilay masayang nakiupo sa kanila at kumain ng kaunti. Pero hindi na maulit ang masayang okasyong iyon,at ngayoy hindi na nag-uuwi ng pagkain ang ama;ang katunayay ipinapalagay ng mag batangmapalad sila kung gising pa sila kung hindi ito umuuwing lasing at nang gugulpi ng kanilang ina.Sa kabila niyoy umaasa pa rin sila,at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ang ama,naninipat ang mga matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tale sa mga daliri nito.Kung umuuwi itong pagsigaw-sigaw at padabugdabog,tiyak na walang pagkain,at ang mga batay magsisiksikan,takot na anomang ingay na gawa nila ay makainis sa ama atumaakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.Madalas
10
PLOP ! CLICK!
Ni Dobu Kacchiri Mga Tuhan: Koto, Kikuichi,Isang Nagdaraan
11
12
Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan,parang bahaghari.Mabilis na pupunta sa kanluran ang lumulubog na araw. Dahil tapos nang maglaba,mabagal na tumayo si LIan-Chiao sa tabi ng balon.Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya,gusting mawala ang mga bituing nakahihilo. Si Siao-lan,ang anak niyang babae na tatlong taong gulang,ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. Inay, tapos na po ba kayong maglaba?Ako na ang magsasampay.Si Ah Yue iyon na mas matanda kay Sian-Liao nang mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina. ,mabilis siyang tumakbo para kunin ang mga labada at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ng kubong walang dingding. Hindi sianagot ni Lian-Chiao si Ah Yue.Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at nakapikit-nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit,mga bientesingko anyos at nakasuot ng kupas na asul na samfu.Medyo nakangiwi ang kanyang mga labi.May pangit at nangingitim na bukol sa kanyang noo. Halatanmg napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Mdaling mapansing nadadalantao siya at malapit nang manganak. Nang dumilat si Lian-Chiao,nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang isinasampay ang mga damit sa alambre.Dahil mataas ang alambre,kailangang tumingkayad siya tumingala.Habang minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasampay ng mga damit sa alambre,biglang nahabag si Lian-Chiao.Mahina niyang sinabi,Ah Yue,mag-ingat ka.Baka ka mahulog! Opo! sagot ni Ah Yue.BIgla iyong pumihit, nangangmbang tumingin at nagtanong. Inay,luto nab a ang hapunan?Kung hindi,kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni Itay.! Nakapukaw kay Lian-Chiao ang huling sinabi niyon.Bigla siyang kinabahan.Kahit mayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian,lulutuin pa ang mga gulay.Kapag walangnakain pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari.Hindi sinasadyay nahipo niya ang namamagang bahagi ng noo. Tumahip
13
14
15
PANUNURING PAMPELIKULA (SuringPelikula) SURING-PELIKULA (movie review) ay isang sining at hindi pamimintas ang layunin. Tinatalakay ditto ang kalakasan at kahinaan ng isang pelikula. Binibigyang-puna rin ang mga bahaging bumubuo sa isang pelikula at ang ilang aspetong teknikal gaya ng sumusunod: 1. Iskrip (script) Ito ang pinakateksto o paglalahad ng pelikula kasama ang aksyon at mga galaw. 2. Direksyon (direction / director) ang director ay ang taong may malaking pananagutan sa pagsasabuhay ng iskrip ng pelikula. Naksalalay sa kanyang mga kamay ang ikagaganda ng pelikula. Kung baga sa barko, siya ang kapitan. 3. Sinematograpiya (larawang-anyo ng pelikula) ito ay ang matapat na paglalarawan ng senaryo, buhay at tao sa pelikula. 4. Disenyong set (set design) ito ang ginagamit na tagpuan sa pelikula. 5. Bisa ng Tunog (sound effects) Ito ang bahaging naglalapat ng musika sa pelikula. Ibinabagay ang musika sa tema at eksena sa pelikula. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSUSURI ng PELIKULA Narito ang mga hakbang o step na dapat isagawa sa pagsulat ng Suring-Pelikula o Movie Review. 1. Panoorin ng buo at may pang-unawa ang pelikula. 2. Kung masyado nitong nakuha ang damdamin. Ulitin at bigyang pansin ang mga aspeto ng pelikula. 3. Itala ang mga mahahalagang datos na iyong nakuha na magagamit sa pagsusuri. (Hal. Casts, props, designs, dialogues etc.) 4. Konsultahin ang sarili. Maghanda ng mga kinakailangang gamit sa pagsulat. 5. ANG PAGSULAT Ang pagsulat ng suring pelikula ay maaaring hatiin sa mga TALATA o chapter ayon sa iyong paraan ng pagpapahayag. Kung ito ay sa bias ng pagtatalata, ito ay dapat maglaman ng mga sumusunod: a. UNANG TALATA ibuod ang napanood ayon sa iyong nakita, narinig o nasaksihan. b. IKALAWANG TALATA suriin ang mga salik na bumuo sa pelikula. Ang artista, disenyo, props, musika, atbp. c. IKATLONG TALATA suriin ang paraan ng direksyon. Ang director at pagsasabuhay ng iskrip at kabuuang impresyon ng pagkakabuo ng pelikula. d. HULING TALATA Isulat ditto ang iyong pangkalahatang puna, mungkahi, sariling pananaw at rekomendasyon (hal. Dapat ba o hindi na panoorin ang pelikula).
16