You are on page 1of 344

Sad Fe w No tes o n Cr eative W r iting December 18, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L.

Ordonez One striking fact about Philippine Literature (English or Filipino) is that our creative writers have been, and still are, suffering a very unpopular verdict from the reading public. This kind of notoriety is quite appalling, considering the professed literacy of our society. The situation strikes us sharply. For between a choice, say, of Emile Lorings What Then Is Love? or some novels in comics form of Carlo Caparas and Nick Joaquins The Woman With Two Navels or Ninotchka Roscas Twice Blessed (1993 American Book Award) or her novel State of War that clearly depicts the lives of ordinary people under the Marcos dictatorship, the choice is decidedly ready-made: Joaquin and Rosca suffer the tyranny of unpopularity not because they are unacceptable writers but, simply, their elegant style does not excite the taste buds of ordinary readers. This is also true as regards literary pieces written in Filipino vis-a-vis romance and fantasy novels and short-stories proliferating in leading commercial magazines or publications. This situation which exists between the creative writers and their reading public is indeed disheartening and, by and large, may be considered as the fundamental problem of creative writing today. The problem of the Filipino creative writers is how to communicate their crops without sacrificing the literary quality. Their evaluation of human life,especially of the downtrodden and the oppressed, their indictment of the greediness and exploitative nature of the ruling class, their appreciation of rural scene and of country life or, simply, the down-to-earth manners and attitudes of Filipino society are still inept to touch the sensibilities of the readers. This finds its incipient in the seeming neglect of creative writing to focus its attention to the inviting scenes of country life and the continuous struggle of the Filipino masses for a just and prosperous society. Creative writings attempt to discover the image of country life is still weak, if at all. The feeble attempt to rediscover the lost image has failed to provide the link between the creative writers and the reading masses. This circumstance has brought several literary setbacks, dragging the writers prose into the dungeon of commercialism. Some short-story and novel writers have tainted the noble mission of creative writing into a commercialized plot. The atmosphere of creativity afouls with the smell of cold cash and, as such, an illusion of creativity is unavoidably created in commercial magazines of note. But, unfortunately, an honest appraisal of short-stories and novels clashing in commercial streets reveals unmistakably that they are pieces of writing which creativity is not. There is not even a color of meritorious literary. Most often than not, these novels and short-stories appearing in commercial magazines do not even deserve a cent of passing comment.

Commercial fictions, we are told, are written basically on one formula, and they rest simply on that. They dont even move in three dimensions and do not possess what we call the living soul of the story. They are plot stories but without any color of creativity nor craftmanship. The style is very much toned down as if afraid that the readers will not grasp what the writer wants to impart. The writer, in himself, of such pieces I am sure does not find satisfaction in his work. The author must first feel the inner satisfaction of his art before he can transform it into a readable prose. It is the policy, however, of commercial magazines to satisfy first the lust for entertainment of the reading public by virtually denying the literary merits of the story. And as long as the readers are contented, for business sake, the story must go on! But this scheme must stop. The writer must not primarily write for moneys sake. He must write because he wants to write. The taste of the reader is only secondary, if at all. For unless he is ready to sacrifice the readers predisposition to value judge the writers work on the scale of popularity not on literary merits the creative writer loses his social purpose, his creative writing.

Tro ub ado ur o f Ho p e December 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem) the vapor-laden clouds glide in the horizon of discontent as billion of stars wink at the pale, waning moon the somber night gnaws my tormented soul as my mind swims in the labyrinths of hope forevermore i will sip the sparkling dewdrops in every blade of swaying grass

as the whispering morning wind licks my heaving, revolting breast. yes, strength of spirit i need in my loins i must rekindle the fire of undying faith the flames must be blazing in every day and night to be a troubadour of hope to weave lyrics of joy to hum with the whirling wind melodies of awakening songs for the oppressed-downtrodden faceless-nameless class in my exploited, barren land yes, resolute i must be to continue weaving fiery, liberating lines. my mind now sways back and forth in the rugged terrain of ideologues but crystal-clear purpose shall keep me going swimming, struggling against the rampaging river of injustices and despair and my untrammeled, selfish ego will i drench and cleanse in the torrents of blood of the devoured victims of the ruling class yes, lets all be troubadours of hope in this forsaken, wretched land!

Di Ako Naiinip November 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Tula) di ako naiinip hanggang sumisikdo ang puso hanggang kumikiwal ang dugo pumanaw man ang mga dekada ng pakikipagkawit-bisig sa masa di tatakas matingkad na alaala ng namaalam na mukha ng mga kasama ng nagsipag-alay ng buhay at pagsinta sa lugaming la tierra pobreza di ako naiinip hanggang kumukulo ang sentido hanggang pumipiglas ang kamao bawat araw ay dinidilig ng pag-asa sa lagunlong ng mga protesta laban sa naghaharing inhustisya nagsasayaw sa telon ng mga mata eksena ng marahas na pelikula luwalhatiy hinahabi ng musika di ako naiinip hanggang humihihip ang habagat at amihan hanggang nagkukulay-ginto ang palayan naniniwala akong magbabanyuhay din ang lahat maglumot man mga batong-buhay sa mga ilog magbitak man mga burol at kapatagan kumutan man ng dusat dilim ang kabundukan hagupitin man ng daluyong ang kaparangan natuyong mga dahon ay magluluntian di ako naiinip hanggang sumasagitsit kidlat sa kalawakan hanggang dumadagundong alon sa dalampasigan oo, mga kasamat kaibigan huwag mainip ipagpatuloy ang pagtahak sa mabatong daan huwag mainip

di lalaging malamlam ang buwan di mananatiling walang bituin sa magdamag na karimlan huwag mainip mahahalikan din mithiing maningning hanggang umaalingawngaw himno ng mga tungayaw hanggang di maibilanggo sa yungib ng bungo singasing ng mga punglo di ako naiinip huwag kayong mainip nagkikindatan mga alitaptap sa mahalimuyak na daan ng layat katubusang nais nating makamtam papailanlang din sa hangin kalansing ng nilagot na mga tanikala ng pagkaalipin!

Ihahasa Na mi n Ang I tak October 28, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Tula) ihahasa namin ang itak kapag hangin hatid ay sagimsim kapag malamlam ang mga bituin at sikat ng araw ay laging kulimlim ihahasa namin ang itak kapag naluluoy ang mga bulaklak kapag mga layak ayaw maglagablab kapag mga hamog ay ayaw kumislap kapag di makita isang alitaptap.

oo, ihahasa namin ang itak kapag kaming maralita magsasakat manggagawa mapalad pang mga daga kaming maghapon sa paggawa laging hungkag ang sikmura ihahasa namin ang itak lalot bunsong mahal nilalagnat kinakabag sa magdamag walang masipsip na gatas sa suso ng inang naluoy sa hirap. ihahasa namin ang itak kapag bigas sa kaldero nilamon ng asendero kapag pawis nitong braso nilaklak ng mga amo ihahasa namin ang itak kapag kapey maputla nat lasang amag habang iyo namang nginangasab grasyang kami ang naghirap ikaw naman laging bundat. ihahasa namin ang itak kapag sobrang buwis iyong pinipiga sa sambayanang nagkakandakuba masandat lamang kayong pinagpala at may madambong ang uring ulikba habang kami namay titinga-tingala sa kung sinong birheng puspos daw ng awa nabingi na yata sa dasal-hinaing ng uring alipin ng dusat dalita. ihahasa namin ang itak kapag hustisya moy sing-ilap ng ulap daig pa ang pagong kung itoy umusad sa uring mayaman ay walang kamandag

ngunit mapanikil sa uring mahirap sa pusong matapat ang kaparay sibat banal na adhika ay dinadapurak hadlang sa pangarap sa layat ligaya naming nagsisikap. ihahasa namin ang itak oo, ihahasa namin ang itak kapag la tierra pobrezang pinakamamahal ipinagagahasa sa mga dayuhan malusog na susoy ibinubuyangyang puklong soberanyay itinitiwangwang manatili lamang sa kapangyarihan kayong nasa poder ng pagkagahaman ihahasa namin ang itak hanggang mapairal ang hustisya sosyal sintay mapalaya sa gabing madilim bartolinay ganap wawasakin ng dahas ng hangin ng ngitngit ng alon ulan ng bituin! . Ala y sa Magiti ng na Mand i r ig ma October 10, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) la tierra pobreza namaalam, lumisan kamakailan supling mong inialay ang buhay sa ngalan ng mataos na pagmamahal walang hanggan siyang maglalakbay sa kalawakan ng mga buntala ngunit maningning na mga tala iniwan niya sa palad ng dusa ng kanyang mga kapatid at kasama

kawangis ng ulilang estrelya sa luntian niyang sombrerong ilang dekadang minahal ng masa muhon iyon at sagisag ng prinsipyo sa walang humpay na pakikibaka matubos ka lamang la tierra pobreza sa kamay ng uring mapagsamantala lumisan man siya di naman mamamatay kanyang mga alaala sa magkakarugtong na mga ugat sa nagkakaisang mga utak sa bawat dibdib ng paghihimagsik ng nakikibakang masa di maaampat ang daloy ng nag-aalimpuyong dugo sa sumisikdong mga puso hanggang hari-harian ang iilan sa lupain ng dalitat dusa. oo, la tierra pobreza magiting mo siyang mandirigma ng pagsinta at pag-asa kagaya siya ng mga bonifacio marti, castro at che guevara magluluningning, hahalimuyak mabulaklak niyang mga alaala sa bawat pagngiti ng umiinit na umaga sa bawat pagtitig ng buwang marikit sa gubat ng dilim at lagim sa bawat hagupit ng dahas ng hangin sa moog ng sagimsim oo, la tierra pobreza

huwag kang manimdim lumisan man siya sa iyong piling sisikat pa rin ang mga bituin yayakapin ng init ng araw iba mo pang mga supling magbabanyuhay din ang iyong panimdim mga dugo nilay ididilig ng giting sa hardin ng sagrado mong adhikain mamumukadkad din mga gumamela ng laya mot ligaya! sa lumisan mong magiting na mandirigma sinisinta naming la tierra pobreza kaming mandirigma ng papel at pluma iniaalay namiy himagsik ng tinta at letra kamiy supling mo rin na nakikiisa laban sa anumang uri ng pambubusabos-pagsasamantala! Na tutulo g Pa Rin Ang Neg ro ng Na za reno September 14, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) ilang kahang sigarilyo, lolo hugo sa maghapoy kailangang ibenta mo para maibili ng pansit-gisado sa restawran ni be ho sa kanto ng elizondo naghihintay mong bunsong apo sa nakaluhod na barungbarong sa gilid ng mabahong estero? ostiya na lamang kaya ang iuwi mo sagana sa altar ni padre san pedro sabawan ang kanin ng agua bendita baka maglasang kalderetang tupa sa bibig ng namayat lumuluhang sinta natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin.

gaygayin mo man, lolo hugo mulang bibig ng r. hidalgo hanggang dibdib ng bilibid viejo wala kang matatalisod ni piso walang pandesal mula sa langit walang lugaw sa pondang maanghit sa paa moy biglang hahaplit sigarilyo ng mga sugapang gaya ko magpapakislap sa mata mo, lolo hugo natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin. ilang dekada na ba, lolo hugo nagtitinda ka ng tingi-tinging sigarilyo? nagtagpo na tayo sa plaza miranda sa maalab, madugong mga protesta sa panahon ng malagim na diktadura mabulas ka noong gaya ko sumasabit pa sa mga estribo sa mga sasakyay nakikipagpatintero ngayoy kapwa lolo na tayo natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin. ilang dupikal na ba ng batingaw, lolo hugo sa pandinig moy umalingawngaw? ilang himnot salmo na ba ang nagpasayaw sa utak mong humihiyaw? sigarilyo, sigarilyo kayo diyan! bawal mang hithitin sa maraming lugar pero usok ng tambutso ng mga sasakyan di lason sa hungkag na tiyan sa kauri nating laging nagkakalkal ng grasyang mula raw sa poong maykapal paano pakakainin apong naghihintay? natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin.

anong malay natin, lolo hugo baka sa wakas magising din sa pagkakahimlay nazarenong negro sa yakap at halik ng milyong deboto baka biglang bumangon din sa dasal at misa ni padre san pedro espaday hawakan putulin ang ulo ng mga ganid sa mga palasyo busbusin ang tiyan ng mga impakto upang grasya natiy di nila masolo malay natin, lolo hugo kapag nagising negrong nazareno itataas natin ang kalis ng dugo bendisyon ng tabak at koro ng bomba iparirinig natin sa mga asyenda sa mga empresa at mga pabrika sa naglumot na kuta ng inhustisya prusisyon ng masay agad huhugos palalayain ang uring busabos! oo, lolo hugo kapag nagising negrong nazareno di ka na magtitinda ng sigarilyo litson adobot asado iuuwi mo sa pinakasisintang bunsong apo pero, sa ngayon, lolo hugo natutulog pa rin ang naegrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin. Ayo ko Na! September 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez {Tula) ayoko nang marinig ritmo ng melodiya ng mga salita sa pariralat mahabang talata

ayoko nang marinig kalantog ng yero pinukpok hinubog ng mga latero inihulmang bubong sa lumang sasakyang pupugak-pugak na sa mabatong daan. ayoko na, ayoko nang marinig kadensa ng martsa ng mga lirika sa tinahing piring ng mga taludtod sa mga saknong na uugud-ugod pusong binalsamo ay di na titibok sa himas at hagod ng pantig na bansot utak mawawakwak sa mensaheng bubot bamban ng tainga ay baka madurog sa nakabibinging daing at himutok ng pusong lumangoy sa dagat ng lungkot walang inaawit kundi tagulaylay at nakababaliw na paghihiwalay walang tinutula kundi panagimpan ilusyon ng diwang alipin ng buwan. sa mukha ng papel nais kong makitay dahak ng kataga at madugong bisig sa mga talata metaporang buhay sa mga adhika ng masang kahalik maputik na lupa lirikang maapoy sa utak ng madla tayutay ng bala sesura ng bomba sa bawat saknong ng pakikibaka. nais kong marinig sa himnong tinipa sa dibdib ng masa sagitsit ng punglo sa gabing malalim tagupak ng lintik sa pisngi ng dilim atungal ng kulog sa burol na baog

bombang pinasabog sa pusod ng lungsod lagunlong ng hiyaw ng diwang marangal laging kaulayaw ng bayang minahal! oo, ayokong makita de kuwadrong larawan ng mga pagsinta o paghahalikang di ko rin madama akoy nabulag na sa mga milagrong iyong ipininta sa telon ng mata nakahandusay sa silid ng isip mga imaheng dulot ay himagsik mga aliping katalik ng lagim sa bartolina ng mga bituin. kailan mababago itong lahat-lahat? brasong butot balat pisnging nangulubot likod na nahukot katawang natuyot bitukang nalagot habang nagpipista mga panginoon sa mesang sagana sa laman at dugo ng mga utusang tiyay kumukulo silang mga diyos sa palasyong ginto ngusoy nanghahaba sa sarap ng alak at litsong nginasab dilag na nginabngab kailan lilimusan katiting na habag masang sambayanang siyang pinagmulan ng yamang kinamkam?

kailan tatapunan ng kaning nagtutong o natirang mumo batang pumintog ang tiyan sa hanging naglunoy sa kanyang katawan? ayoko na ayoko nang maulinig elehiyang malungkot odang nagdarasal epikong matamlay bingaw na kataga pilay na talata bulol na taludtod saknong na kulubot at mga katagang hindi dumudura walang pagbabanta sa sakim na mukha ng diyos ng sama sa ngayoy nais ko nais kong tunghayan sa lukot na papel letrang nag-aapoy sa lupang naluoy tutupok sa moog ng uring bagulbol nais koy talatang matalim lalaslas sa dibdib ng dusat sagimsim. ayoko na oo, ayoko na sa mga katagang di dumaramba di gumigising sa diwa ng masa sanay may dagundong ng along malakas may alimpuyo ng bagyong marahas

upang galyos ng pambubusabos hustisyang baluktot ganap na madurog bayaang manlisik ang init ng araw bayaang humiyaw ang sanlaksang titik ulan mang naipon sa pisngi ng langit gawing palasong ang taglay ay ngitngit o mga punlo kayang bubutas-lalagos sa pusong maitim ng mga balakyot bibiyak sa bungo ng mga nagtraydor sa ngayon at bukas ng bansang binitay ng diyus-diyosat mga panginoon lagablab ng titik singasing ng lintik siyang papatay naman sa mga limatik!

Di Ka yo Desap ar ecido s September 1, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di kayo desaparecidos di kayo nawawala kayong nilamon ng lupa kayong mga kataway nilapa kayong kalamnay ipinataba sa damong ligaw at makahiya di kayo nawawala kayong isinimento sa dram hinigop ng pusod ng karagatan o binulok sa tagong bilangguan kayong ulong putol malabolang sinikaran pinagulong sa dibdib ng kagubatan kayong nadiskaril ang kalansay

buto ng kamay ngayoy tangay-tangay ng asong galang nagkalkal sa masukal na talahiban. di kayo desaparecidos di kayo nawawala nagbagong-anyo lamang sinalaulang katawang-lupa sa makulimlim mang umaga o humihilab na katanghalian sa namamaalam mang araw o gabi ng buwang malamlam naroroon kayo sa nag-usbong na hamog sa damuhan sa kumakaway na mga butil ng palay sa himno ng ibon sa kaparangan sa hagupit ng hangin sa lumalangitngit na punong kawayan sa tumakas na alipato ng naglagablab na apoy sa karimlan. di kayo desaparecidos di kayo nawawala naroroon kayo sa uha ng lumayang sanggol sa nagdugong puwerta ng ina sa gumiting pawis sa noot mukha ng inaliping manggagawa sa halas sa bintit alipunga sa paa ng dinustang magsasaka sa himutok ng mga dukha sa bilangguan ng dalita sa singasing ng hininga ng bawat nakikibaka para sa dangal at laya luwalhatit ligaya ng bayang pinakasisinta!

di kayo desaparecidos di kayo nawawala tubig lamang kayong nilaklak ng uhaw na bibig ng init magiging itim kayong ulap ng langit saka palasong ibibinit ulang kayong hahaginit sa lupang tinigang ng dilim-sagimsim binhi kayo ng pangarap mulit muling sisibol din halaman kayong nanilaw kinapon ng dahas at lagim magluluntian din sa gabing madilim oo, di kayo nawawala di kayo desaparecidos sapagkat ugat ninyoy karugtong ng aming mga ugat sapagkat dugo ninyoy dumadaloy kumikiwal din sa himaymay ng aming pusot laman sapagkat diwa ninyoy nakikipaglakbay sa mithiin naming ayaw humingalay. oo, di kayo desaparecidos di kayo nawawala nagbanyuhay lamang ang katawang-lupa paulit-ulit nga kayong mabubuhay sa nag-aapoy naming pusot isip sa siil ng madamdamin ninyong halik sa yakap ng inyong diwang katalik di masasayang mga dasal-tagulaylay ng lumuhang mga mahal sa buhay kaaway man kayong itinuring ng mga kampon ng dilim sa utak namin kayoy magluluningning tatanglawan-iilawan landas naming lalakbayin

upang tanikala ng pang-aalipin marahas lagutin baklasin! Maria Magd ala: Di Mama mata y na T alahib ng Al aala August 28, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) dinadalaw ka ngayon, maria ng mga aninong walang mukha ng mga nilikhang walang letra mga bibig at mata sa silid ng heringgilya ng medisina at gasa itinaboy ka ng hangin mulang brumm sa belgium hanggang sa lagunlong ng humihiyaw na mga tambol sa lansangan ng rio de janeiro upang muling busbusin ng matalas na kutsilyo sinapupunang pinahirapan ng banta ng kamatayan bitukay muling puputulan obaryoy inalis na noon pa man upang hiningay di ulilahin ng pagaspas ng amihan sa la tierra pobrezang ginutay ang pusong iwanan at ngayon sa sumisikdong kamalayan mulit muling binabalikan lupaing lunduyan niyong pagmamahal at kahit sa pangarap man lamang madugtungan ang pakikilaban at matanglawan ng bilyong bituin banal na layat adhika

ng masang alipin ng dusat dalita sa lipunang walang patumangga sa pagsalaula sa buhay ng dukha. nang sabihin mo, maria hanggang nobiyembre na lamang ang lagaslas ng hininga at walang katiyakan kung kinabukasay ngingiti pa o masisilayan pa mabining pagmumumog ng mga damong nakayukayok sa umusbong na mga hamog o masuyong darantayan pa ng naglalagos na sikat ng araw sa ulilang bintanang salamin mukhang nangulimlim at mga matang lumalim sa pagsisid sa dagat ng mga alaala sa pagsalunga sa mga burol at sabana at pagmamartsa sa lansangan ng mendiola sa piling ng masang pinakasisinta o, maria magdala akong itinuring mong ama ngayoy pinapalakol ang dibdib nilalaslas ng labaha ang isip nakabilanggo yaring tinig di madakma sa mailap na hangin hinahabol na bawat salitat talata maipadama man lamang sa katawan mong lupa tagulaylay ng pagsinta sa magiting na kasama! oo, maria magdala naiparating mo na sa akin sagradong mga mithiin at habilin inilululan sa mga pakpak ng langay-langayan

isinisigaw ng ragasa ng alon sa dalampasigan pinaiilanlang ng sipol ng hangin sa kagubatan pakiusap moy huwag na huwag kang kalilimutan ng mga nakadaop-palad at kaibigan maglakbay ka man sa kawalang-hanggan paano ka malilimutan ng mga kinalingat dinamayan silang iyong ipinakipaglaban dinudusta nilang kapakanan silang katalik ng puso mong nagmamahal silang mga kayakap sa gabi ng paglalamay? o, maria magdala isa ka sa talahib ng aming mga alaala sunugin man nang sunugin at patayin muling uusbong sa lupain ng inhustisya mulit muling iindak at mamumulaklak saanman dumaramba pagsasamantala sa lugaming buhay ng masa oo, tulad mo, maria magdala ang walang kamatayang talahib ng aming mga alaala! I sang K utsar itan g Lu ha August 21, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di ko maiiwasang alayan ka ng isang kutsaritang luha nang yakapin ka ng amarilyot mahamog na damo koro lamang ng mga kuliglig musikang naghatid sa himlayang dibdib ng katawang-lupang

nagtigis ng dugo sa pakikibaka upang maisulong adhika ng masa. oo, isang kutsaritang luha sa iyoy pabaon ng pusong simbigat ng mundo muling magbabalik sa higaang papag mga alaala ng pakikitalad habang sinisilip kapirasong langit sa butas na pisngi ng bubong na pawid at ipinipinta sa telon ng isip hubad na kariktan ng isang lipunang walang tanikala ng dusat dalita hiningay mabango tulad ng pinipig sariwang binayo sa mulawing lusong ng layang sagrado. oo, isang kutsaritang luha lamang sa iyong paglisan aking tanging alay ngunit naroroon himagsik ng diwang laging naglalamay at sulak ng dugong laging kumikiwal upang pagngalitin dahas ng habagat at wasaking ganap kuta ng bagabag bulok na imperyo ng mga katalad sa lupaing kanilang niwakwak isang kutsaritang luhay magiging perlas ding marilag ng pangarap nating pantay na sosyedad! Magtatani m Ako n g P ula, P ulang mga Ro sas August 8, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula malayang bersiyon ng aking orihinal na Will Sow Red, Red Roses) magtatanim ako ng pula, pulang mga rosas sa sumisikdong dibdib

ng kahabag-habag kong bayan rosas na kasing pula ng papalubog, nangungulilang araw rosas na kasing pula ng dugong pumapatak sa kayumangging kamay ng sakada nalaslas ng machete niya sa pagpuputol ng mga tubo sa asyenda di lamang para may makain siya kundi madantayan ng sinag ng pag-asa madilim, humuhumpak na pisngi ng naghihintay, nagdarasal na asawa sa nakaluhod na kubong naiilawan lamang ng gasera yakap-yakap maulap na gulugod ng naghilerang gulod hinihimas, kaulayaw ng pangamba. magtatanim ako ng pula pulang mga rosas rosas na kasing pula ng masidhing galit sa mata ng pawisang manggagawa sa maghapon, mapang-aliping paggawa para may maibili ng isang balot na tinapay ng isang kalderong mais-dilaw ng isang latang pinulbos inasukalang gatas para sa nakalupasay namayat na anak. oo, magtatanim ako ng pula, pulang mga rosas sa nagdurusat umiiyak ulila kong halamanan ng mga pangarap

naninilaw dila ng mga damo sa tigang na lupa ng kabiguan pero gagawin kong luntian oo, luntian sa paghahabulan ng mga patak ng nagbabantang ulan o sa pag-agos ng mga luha ng uring alipit dayukdok sa ulap may pilit hinahablot paraisong laging nilulunok ng uring gahamat balakyot. at kapag namukadkad na pula, pula kong mga rosas sa tag-araw ng malagablab kong mga awitin buong ingat kong pipigtalin ang bawat bulaklak buong suyong isa-isang hahalikan sa tanglaw ng araw ng umagang walang lambong sa mga kaibigan o kaaway man isasabog kong malugod kaluwalhatian ng aking mga rosas pula, pula, pula! W ill So w Red , Red Ro ses July 31, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem) i will sow red, red roses in the heaving breast of my forsaken land red as the setting, lonely sun red as the dripping blood of a sacadas browny hand

slashed by his machete cutting cane for someone to earn not only his meal but to rekindle a glimmer of hope on the grimly, sullen face of a waiting, praying wife in a dimly-lighted kneeling hut embracing the dampness of ghastly, cloudy rolling hills will sow red, red roses red as hatred in the workers eyes working in enslaving, endless hours to buy a loaf of bread a pot of yellow corn a can of powdered, sugared milk for his sad, emaciated son. i will plant red, red roses in weeping, tormented ground of the forlorn garden of my dreams yellowish are the blades of grass in the parched earth of despair will paint it green, yes green by the drizzle of the coming rain or by the tears of grieving, mournful eyes of the downtrodden, oppressed class forever searching elusive paradise devoured by devilish, greedy souls and when my red, red roses bloom in my summer of triumphant songs tenderly, so tenderly, i will pluck and fervently kiss each flower beneath the morning sun to friends or even foes i will gladly share the ecstatic glory

of my roses red, red, red! Fo r No rwa y July 29, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem) now flows the river of blood in the land of peace and love gory memories of things past of crusading christian knights flaming swords of volkmar and gottschalk beheading the innocent multitude oh, rampaging fire of peter the hermit roasting rhine valley to regensburg charismatic priests shouting deus vult decapitating muslim brothers in dewy, slimy european soil catapulting their heads on wooden pegs in nicea, antioch and tyre now, oh, slumbering norway of my dreams dismal is your night dismal also in my bleeding heart! Mea Culp a July 18, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) mukha akong tinapa isinawsaw sa bawang at suka sa magarbong piging ng marangal at elitista mukha ring itinayong estatuwa di sanay magbarong-tagalog lalo na ang mag-amerikana na may kamisadentrong de kurbata di rin sanay na walang sumbrero

para na ring hinubaran ako ng katsang karsonsilyo at itanghal sa publiko tarugong iniingatan ko. mukha akong katawatawa sa bilog na mesa sa tabi ng mga punyeta di alam unang dadamputin sa naghilerang tenidor kutsara kutsilyo kutsarita alin ba ang baso ko sa kanan ba o kaliwa ko? paano ba sasalukin hihigupin sopa de gallina? paano ngunguyain ensalada de jamon y lengua? paano maarteng hihiwain karneng may palitada ng salsa? o tutusukin ng aling tenidor naglalanding mga prutas sa platitong porselana? hijo de puta ka ng tokwat hinebra! o, diyos ni abraham santa mariang birheng kapita-pitagan anak lamang ako ng hitot tilapya sa kangkungan suki sa carinderia sa tutuban sanay humigop ng libreng sabaw ng butu-butong ilang ulit inapuyan sa mausok na kalderong bilangguan sanay lumamutak itong mga kamay sa dalawang mala-susong tumpok ng kanin sa platong paraiso ng ligaya sanay maglandi dilat ngalangala sa ulot mata ng pinangat man o paksiw na isdang sumisid

sa laway ng bungangang nalahiran ng ngitit ligaya. bakit ba ako itinaboy ng hangin na dumalo sa ganitong piging? bakit ako kapiling ng mga crema de leche ng diumanoy masalapit magigiting tapagtaguyod ng lipunang balimbing habang maalipunga sa bukirin paa ng mga kapatid kong magsasaka at makalyo sa pabrika palad ng obrero kong mga ama? o napilitan akong maging sibilisado naging ipokritot ayaw ibando pagka-barumbadot di pakikipagkapwa-tao sa diumanoy mararangal na ginoo saglit di maiwasang makipiling sa kanilang parang mga santat santito langhapin nakalilibog na pabango ng malalanding dilag sa inuuod nilang alta sosyedad titigan katawang patuwad-tuwad at mapagnasang himasin ng mga mata kutis nilang mala-porselana dantayan ng minamalaryang palad mga daliri nilang kandila ang kapara palamasin kaya ng kamatis at itlog na pula o isawsaw kaya itubog sa luhat dugo ng lupa maging marangal na rin kaya ako kung silay mga kapiling ko o egoy nasabik malasing sa parangal na ibinitin-bitin? susuubin daw ng insensot kamanyang naitambak kong mga titik sa basurahan

ng mga papel ng kamalayan dumalirot daw sa almoranas ng lipunan at puwertang inaagasan ng dugo ng dusat karalitaan gayong silang mga diyus-diyosan silang iilang hari-harian ang nagpakaganid sa laman gumahasat nagpasasa sa sinapupunan ng pinakasisinta kong bayan nagbulid sa trahedyat kaalipinan sa kauri kong masang sambayanan! bakit ngayon mga titik koy papupurihan? ako bay inuutot binobola lamang dilay unti-unting pinuputol nang di maghayag ng katotohanan daliriy minamartilyot binabalda nang di makasulat ng mapulbura sumisingasing na mga linya laban sa mga senturyon at kardinal ng pambubusabos at pagsasamantala o humabi kaya ng mga nota ng bombat granada upang sa wakas umawit- magsayaw giliw kong la tierra pobreza sa melodiya ng layat ligaya? o, diyos ni abraham santa mariang birheng kapita-pitagan prinsipyo koy di ibinibenta sa mesa ng panlilinlang at inhustisya! kahit kalimitang tiyan koy kinakabag bulsay inulila ng kalansing ng barya lalamunan may titiguk-tigok sa halimuyak ng mamahaling cognac di itatakwil ng dibdib at isip sagradong pangarap-mithiin ng mga kayakap ko

sa maputik-masukal na lupain ng hilahil at sagimsim. ngayoy alam ko na at inaamin ko nagkamali ako mea culpa, mea culpa mea maxima culpa! patawarin anak mong nagkasala mapait palat mapakla kahit marangyat sagana de putaheng pagkain nila mabuti pa sa ponda ni karyo sa lugmok at makulimlim kong baryo kahit parang hayok akong aso lalantakan ko adobong butu-buto saka aawitin himno ng dangal ng mga kauring di patatalo di paloloko sa kaway at hibo sa ningning ng balatkayo ng mga impaktot berdugo suubin man kami ng usok ng mga insenso at malugod na mga pangako aakyatin pa rin namin pilit aabutin tuktok ng palo-sebo buong giting kukunin sa dulo korona ng hustisyat demokrasya layat ligaya dignidad ng bayan at masa! Siga w ni Claud e McKa y* June 26, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Tula) hatid ng hangin ang sigaw ni claude mckay parang taginting ng putok ng mga baril sa kagubatan ng dilim at sagimsim parang sibat, tumutusok, naglalagos sa pader ng kamalayan bumibiyak sa bungo ng karuwagan! tayo may mamatay, hiyaw ni claude mckay huwag parang mga baboy lamang tinutugis, ikinukulong sa sabsaban sa paligid, hayok na tinatahulan ng mga asong nakabantay hinahamak, marawal na kalagayan tayo may mamatay mamatay tayong may dangal! mamatay tayong may dangal upang mahalagang dugo natin sa pagpatak, di masayang kahit ating mga kalaban mapipilitang tayoy parangalan kahit mga bangkay tayong nakatimbuwang! o, mga kasamat kapatid sa ilang dekadang pakikilaban para sa sagradong mithiin ng masang sambayanan sa la tierra pobrezang dibdib natit tiyan kahit marami silat talo tayo sa bilang ipakita nating tayoy matatapang sa laksa-laksa nilang suntok isang pamatay-dagok lamang ang ating kailangan ano na ang naghihintay na libingan?

sumisigaw si claude mckay kahit tayoy wala nang maurungan harapin nating buong giting mga berdugot mang-aalipin naghihingalo man at hiningay tinatangay ng amihan piliting kumilos pa rin at magiting na ipamukha sa kalaban ang paglaban! Naging katulong na patnugot si Claude McKay , isang Jamaican, ng The Liberator at ng The Masses at nagsulat din ng mga tula at nobela. Napabantog siya nang basahin ni Sir Winston Churchill noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa parlamento ng Bretanya ang kanyang sonetong If We Must Die. Intifad a! Makib a ka! April 15, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nang mag-alimpuyo sa kampo ng jabalia hanggang gaza nang maglagablab sa west bank hanggang east jerusalem unang intifada ng magigiting na palestino sa pananakop ng mga hudyo sa kanilang sagradong teritoryo isang ina ang tumimbuwang sa sumisikdong kalsada sinibasib ng punglo dibdib na malusog at tiyang mapintog kipkip na sanggol biglang nabitiwan parang bolang gumulong sa gilid ng lansangan mayamayay gumapang

pausad-usad palapit sa inang duguang nginasab ng kamatayan susoy pilit hinawakan ngusoy idinuldol sa namutlang utong may gatas pa kayang masisipsip ang labi ng sanggol sa katawan ng inang inulila ng pagaspas ng hininga? sa la tierra pobreza gatas ng nestley bumabaha dekadekadang kinatas kinultat pinulbos mula sa agos ng dugot pawis ng inaliping manggagawa ngunit ngayoy mga sanggol pa nila ang timawa di makalasap ng nestle dila nilat ngalangala walang gatas na rin naluoy na suso ng ina dahil sa paglamutak ng dalitat dusa habang dalisay na gatas panghugas lamang ng puwit at puwerta ng mayayaman at elitista sa imperyo ng mga kapitalista. intifada! makibaka! tulad ng marcha intifada sa bahrain sa kolonyal na pananakop ng bretanya intifada! makibaka! gaya ng zemla intifada sa espanyol na sahara laban sa kolonyalista

intifada! makibaka! gaya ng sidi bouzidi intifada sa tunisia intifada! makibaka! sa imperyo ng nestle sa la tierra pobreza palaso man ng mga tula ang sandata dagundong ng tinig man ang siyang bomba kadensat taguktok man ng laksa-laksang paa ang putok ng mga kanyon sa lansangan ng protesta! intifada! makibaka! hanggang milyong manggagawa at uring busabos sa pabrikat empresa ganap na matubos at lubos madurog moog ng mga diyus-diyosan ng pambubusabos intifada! makibaka! hanggang magluningning liwanag ng bilyong bituin sa lupaing sakbibi ng dilim ng dusat sagimsim duyan ng madugo naming mga alaala kadluan ng aming pagsinta ikaw, ikaw nagdurusang la tierra pobreza! Sa Ku mu kulo n g Lan gis March 25, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

sa kumukulong langis masarap marahil ilaga katawan ng kapitalistang sa sobrang tuboy sugapa pandagdag din mantikang mapipiga mula sa kalamnang tumaba nang tumaba pandagdag din iyon sa grasang ibebenta sa krudot gasolinang ngumangasab, pumipiga sa bitukang walang laman ng masa habang nagpapalo-sebong maabot ang pag-asa. sa kumukulong langis masarap marahil ilublob amerika, bretanya italya at pransiya mga bansang imperyalista ibuhos iyon sa mga bunganga nila nang masunog mga dila nila nang di na magbandila ng itim na propaganda demokrasya, demokrasya demokrasya, demokrasya hatid palay disgrasya! pakuluin ang mga balon ng langis sa iraq man o afghanistan sa bahrain man, iran at saudi arabia pati na sa libya lunurin silang lahat mapanlinlang at uring mapagsamantala

at kami, kaming biktima ng kasuwapangan nila kami, kaming masang isinadlak sa dusa magpipistat magdiriwang nang buong sigla sa mesa ng layat ligaya! Sige Na! February 8, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) mabuti pang mamatay nang may karangalan kaysa mabuhay sa kahihiyan jose p. rizal nakangisi bunganga ng baril sa mga namugad sa dibdib budhing inuod ng tusong lunggati sige na, sige na tubong bakal ay isubo itutok kaya sa sentido o itapat sa pusong baligho labing nakangiti ang gatilyo sa daliring nandambong ng ginto ng bansang hilahod sa dusa dekadekadang binaog kinapon ng kampon ni mamon at nagrigodong mga panginoon sige na, sige na halikang buong diin bakal na tilin ng baril bayaang marinig ng mga alipin halakhak ng punglo pasabugin ang utak at bungo biyakin ang dibdib at puso ikulapol nang ganap ang dugo sa mukhang kumapal sa suntok at sampal ng pilak at ginto baka sakaling dangal na naglaho

muling maibalik ng patak ng dugo sa damong nanilaw nauhaw sa ulan o isabog kaya ng sikat ng araw kahit isang saglit patawad ng libong bulaklak decenario ng mga alitaptap. sige na, sige na siilin ng halik ang labi ng baril himasin landiin kalbitin nakausling tilin bayaang wakasan ng dangal ng lagim kahihiyang namugad sa dilim sige na, sige na huwag nang maglimi pa pagkitil sa buhay magbibigay-dangal sa budhing niluoy ng sakim na hangad orkidyas at rosas aming iaalay sa dibdib ng hukay sa madilim na daigdig ng kabaong na naghihintay. sa mala-niyebe mong bangkay matagal nang nalibing sa hukay ng hirap at dusa namatay naming pag-asa muling bubuhayin ng lagablab ng pakikibaka mithiing banal ng mga kadugot kauri muling tatanglawan ng bilyong bituin at buwang maningning muling madarama ng pusong sugatan halik at haplos ng hanging amihan buong giting at dangal ipagpapatuloy mga paglalamay

nang sa wakas bansay magbanyuhay sige na sige na isubo malamig na tubo ng baril buong giliw gatilyoy kalbitin! Sa Estas yo n N g P aglalak b ay January 23, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) naghihilamos ng hamog makulimlim na umaga nginangasab ng abuhing pusa nahuling daga sa basura nakatanghod asong gala sa mangkok ng lugaw sa ponda sa sulok ng mata ko naglalambadang dalawang anino nakausling mga tiyan nagkikiskisang mga katawan umaalong mga dibdib lumalangoy na mga bisig sa dagat ng karimlan anino koy nakahiga sa upuan isip koy naglalakbay sa kawalan pitada ng tren hinihintay bubulaga na ang araw sa silangang hinarangan ng gusaling nakabara sa pananaw. wooo! wooo! wooooo! rikitik rikitikrikitik woooo! mga kataway nagkabuhay mga bagahey nagbanggaan mga paay nag-unahan sa bungangang naghihintay dugo koy kumiwal sa namanhid na mga ugat

saan ako maglalakbay? patutunguhay di alam pira-piraso na mga larawang isinabog ng sumisikdong amihan ngunit naglalagablab pa rin apoy ng pagsinta sa la tierra pobreza habang tinutupok natuyong mga layak at damo saanmang burol at sabana at dinidilaan ng apoy imperyo ng dusat pagsasamantala at ako, akong manlalakbay ng makulimlim na mga dekada ay naiwang nakatungangat nakanganga sa estasyong inulila ng dumagundong na tren sakay ang mga kaluluwang maglalakbay saanman hahantong ang pag-asa at ako, akong manlalakbay sa kawalan ay mulit muling hihimig ng awitin ng pakikibaka sa estasyon ng pagsinta! Ip inap uto l Ko Ang P uno ng Kab al yer o January 10, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) ipinaputol ko ang punong kabalyero isang taong singkad mga pulang bulaklak di naglagablab di dinapuan ni isa mang alitaptap

nanumbat lamang sa langit nagsalabat na mga sanga banayad na humalik lamang sa lupa mga dahong nangalanta. ipinaputol ko ang punong kabalyero parang katawan ni h. romero* tuhod ay pinalakol at minaso nilagari sa may baywang hanggang tuluyang tumimbuwang butuhang mga bisig kumalas sa hugpungan naagnas na laman ikinumot sa damuhan para damoy magluntian magbanyuhay yaring buhay! ipinaputol ko na punong kabalyero sa masukal na likod-bahay kailan puputulin puno ng dusat hilahil? kailan lalagariin katawan ng pang-aalipin? kailan tutupukin sa lagablab ng apoy nagsalabat na sanga ng pagsasamantala upang maitanghal saya at ligaya at layang singkislap ng bilyong bituin singbango ng hinog na palay sa bukid na ginintuan singbulas, singputi ng mga talahib

sa burol at kapatagan? ___________________________________________________ * h. romero o henry romero aktibistang peryodista na nawalat sukat noong naghahari sa bansa ang batas-militar at di na natagpuan, tulad ng maraming desaparecidos, ni isang buto ng kanyang bangkay. Di Hinap lo s Ng P asko Ang P uso December 29, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di hinaplos ng pasko ang puso kahit nagsayaw mga bituin sa punong akasya pumikit-dumilat man mga alitaptap sa puno ng mangga kahit yumakap lamig ng disyembre sa balat at buto at dumaluhong man sa hibla ng utak at nag-usling ugat melodiyat lirikang panghimas sa dusat bagabag ng mga nilikhang laging hinahabol pag-asang mailap singtaas ng ulap. di hinaplos ng pasko ang puso lagit laging malakas ang sikdo rumaragasa ang agos ng dugo tuwing itititig mata ng pagsuyo

sa mga larawang ayaw humiwalay sa kamalayang nakikipaglamay sa tadyak at dagok ng lugaming buhay ng mga kauri kadugong dalisay. di hinaplos ng pasko ang puso lalot naglingkisan sa telon ng mata mga larawang laging nakapinta sa araw at gabi ng pakikibaka mga mukhang iniwan ng habag nakalahad na kinalyong palad mga matang malalim malamlam laging lumalangoy sa dagat ng dilim mga batang mapintog ang tiyan kahit asin-lugaw o hangin ang laman. di hinaplos ng pasko ang puso lalot nakaluhod buhay na kalansay sa basurahang hiningay masansang at nagrorosaryo hukot na aninong

mukha ni pangalan ay di na malaman sa malawak na tubuhan at bukid na walang hanggan ng mga asenderong walang kabusugan. di hinaplos ng pasko ang puso lalot gumagapang sa estero sa eskinita ng kalunsuran katawang dugot laman ay kinatas ng makina sa bilangguang pabrika ng mga diyos ng dusa di hahaplusin ng pasko ang puso hanggang di nalalagot tanikala ng pang-aalipin at pagsasamantala! . Magsasa ya w Kita December 3, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) magsasayaw kita sa lagablab ng apoy ng sigang sinindihan ng mga aninong kalansay na ngayon magsasanib ang ating mga gunita di mapipigtal ng mga panahon mga bulaklak ng lunggating

sa dibdib bumukad mga talulot iyon ng sanlaksang gumamela mga pulang petalya sa pader ng alaala lebadura sa panata ng madugong pakikibaka. magsasayaw kita sa lagablab ng apoy tulad ng mga zulu ng timog aprika tulad ng mga incas ni manco capac sa imperyo ng tahuantinsuyo tulad ng mayan ng chiapas yucatan at tabasco ng sibilisasyong mesoamerikano palasong maglalagos sa ating puso titig ng mga matang inaapawan ng luha ng dalamhati ng lahi maglalandas sa ating mga ugat ngitngit ng butuhang mga bisig himagsik ng impis na mga dibdib. magsasayaw kita sa lagablab ng apoy at kikiwal sa ating mga dugo nagbabagang lunggati ihahatid iyon ng sumisikdong amihan sa burol man o dalampasigan imumulat ang mga alipin sa gabi ng paglalamay ng pumikit-dumilat na mga bituin habang naglalakbay

sa kalawakan balumbon ng ulap ng nilumot na mga pangarap. oo, magsasayaw kita sa lagablab ng apoy hanggang isabog ng mga alipato maningning na pag-asa hanggang isakay ng mga dahon matimyas na pagsinta hanggang hinahabol ng sumisingasing na hininga layang ibinartolina ng mga panginoon ng dusa di mamamatay ang apoy di mapipigilan ng daluhong ng mga punglo mula sa kuta ng inhustisya at pagsasamantala ang lagablab ng apoy habang nagsasayaw kita! T iyo Sa m November 19, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Tula tugon sa panawagan ni Pia Montalban para sa taludturan ng LRP) naglumot na ang mga dekada, tiyo sam pero hayok ka pa rin sa laman ipinapatay sa congo si patrice lumumba ibinilanggo si nelson mandela para masipsip mo suso ng aprika! kinubabawan mo ang puklo ng cuba kaya nag-alipato mahabang tabako supa-supa ni fidel castro bumalikwas ang mga cienfuegos maging si che guevara taga-argentina

pinaglagablab apoy ng paglaya mulang sta. clara hanggang sa havana tinadyakan kang parang asong-gala pero ngayoy operation mongoose di makataong embargo sa cubay iginapos nagmumulto tuloy sa amerika latina simon bolivar, jose marti, at kauri nila. sinlinaw ng kristal, tiyo sam, sa aking gunita walang habas mong panggagahasa sa angking alindog ng maraming bansa nananambitan tuloy sa kanyang libingan kaluluwa ni ho chi minh ng vietnam iyong nilaklak dugo ng korea dibdib ngayoy hati sa dalawa isang saddam hussein iyong ibinagsak bagong babylonia ganap nilamutak. ano pa, tiyo sam, ang pinakahahangad? singit ng seychelles, yemen at chad utong ng albania, laos at grenada puklo ng thailand, timor at angola bibig ng malaysia saka indonesia gustong dalirutin at piga-pigain sa udyok ng libog ng imperyalista! o, tiyo sam, kailan magwawakas iyong pagkahayok sa laman ng iba makahindot ka lang sa tuwi-tuwina? kinalantari mot nilaspag noon pa pinakasisinta kong la tierra pobreza hinubarang ganap layay kinadena. guardia de honor nitong aking bansa ginawang lahat de susing manyika kinasabuwat mo sa mga pakana upang susot puklo nitong aking sinta

iyong magahasang walang patumangga mga kapatid koy kalansay ng dusa kinabukasan koy burak ang kapara pero, tiyo sam, iyong isaisip mayroon ding hindi umiidlip mga bonifacioy hahawak ng tabak panggagahasa sadyang wawakasan taling tanikala sa leeg ng madla lalaguting lahat puputul-putulin at itatanghal ang layang maningning! Kap amil ya P ala Kami November 18, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa imperyo ng elitistat pinagpala mga nilikhang may gintong kutsara sa puwit, puwertat bunganga may kutis porselanang alaga sa palitada ng gatas at krema may panty at brang libo ang halaga may barong na jusi o pinya o tuxedong nanlilisik ang ganda silang may mansiyong nakasisilaw liwanag ng mga aranya at waring hayok na dambuhala nag-aabang ng sinumang masisila sa malawak na asyendang dinilig ng pawis at dugo ng mga sakada kami palay kapamilya. oo, mahabaging diyos ni abraham oo, santa mariang birheng kabanal-banalan kami palay di ninyo pinababayaan kapamilya pala kami ng pinagpala ninyong mga nilalang

kaming binabaliw araw-araw sa mga telenobelang hitik sa sigawan o inaagusan ng luha ng kapighatian kaming idinuruyan sa pantasyat kababalaghan o pinaglalaruan ang pagkataot karangalan mistulang payaso sa larong kahunghangan habang dinudusta ang karalitaan dahil sa balumbon ng perang panlaman sa tiyan. oo, kapamilya kami ng mga diyus-diyosan kaming kalimitang pinalilibog ng nanggigitatang paglalambingan at masabaw na pag-iibigan kaming inaakit ng mapuputing hita sa sayawang walang patumangga o binubulag ng susong nagluwa ng mga artistang parang nagwawala kapamilya pala kami kaya inaaliw araw-araw para di mamulat sa katotohanan sa dahilan ng aming kabusabusan kaming pinipiringan ng balatkayong kawanggawa gayong pondoy di naman nagmula sa mismong bulsa nilang pinagpala oo, kamiy lagit laging aaliwin upang di makita totoong bituin nang di tabak ang himas-himasin di gatilyo ang kalbitin at wakasan ang pang-aalipin! kapamilya pala kami kaming butot laman ang puhunan dugot pawis ang pinagmumulan ng sagad-langit nilang kayamanan kaming ginagawa lahat ng paraan pasanin man ang kamera hanggang kabundukan

kaming ipinapain ang buhay saanman may trahedyat sagupaan kaming naghahanda ng tanghalan ng kung anu-anong kailangan para maiduyan sa ilusyon ang bayan kaming parang mga langgam nag-iimpok ng pagkaing pagpipistahan nilang likas ang kasuwapangan! kapamilya nga ba kami ngayong kumakatok sa kanilang puso ng dagdag na kanin o mumo? bakit itinataboy ngayon sa lansangan ibig ipalanghap mga basurahan ayaw ipasamyo kanilang pierre cardin? kapamilya nga ba kami gayong ayaw palagukin ng kanilang alak mula sa hinog na ubas ng aming katawang niligis sa hirap? o, mahabaging diyos ni abraham santa mariang birheng kabanal-banalan kapamilya nga ba kami kinakalingat di pinababayaan ng pinagpala ninyong mga nilalang? o kapamilya lamang kami hanggang pinakikinabangan sa pagdambong nila ng kayamanan para maglublob sa karangyaan? huwag, huwag mga kapatid kong alipin at basahan huwag, huwag humingi ng dagdag na grasyat kaluwagan huwag makibahagi sa umaapaw nilang yaman kahit galing iyon sa dugo ninyot laman itatakwil kayo sa pamilya itatapon sa kangkungan itatambak sa pusalian

ng dusat karalitaan lumuhod na lamang at magdasal at patuloy na maglamay sa gatilyo ng katubusan! P utik: Kilab o t o Ro b in Ho o d? November 5, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Lathalain inilathala sa magasing ASIA-PHILIPPINES LEADER, Nob. 5, 1971. Dahil marami pa rin ang nagtatanong ng ilang datos tungkol sa maalamat na si Leonardo Manecio, alyas Nardong Putik, na napatay noong Okt. 10, 1971, minabuti naming ilathala sa Pluma at Papel ang artikulong ito.) ANG BAHAY na iyon sa bukana ng isang bukiring mga dalawandaang metro ang layo sa aspaltado ngunit bakubako nang kalye ng baryo Sabang, Dasmarinas, Kabite, ay hindi mo iisiping kay Leonardo Manecio, alyas Nardong Putik, kilalang Kilabot ng Kabite ng kanyang mga kalaban at lokal na Robin Hood naman ng mga magsasaka, ng mga taga-baryo, ng karaniwang mga Kabitenyong diumanoy kanyang natulungan. Hindi tanaw ang bahay na iyon mula sa kalye; papasok ka pa sa isang maalikabok, lubak-lubak na kalyehong parang malapad na pilapil na nakabalatay sa bukid bago mo iyon makitat marating. Isa iyong bungalow na bagung-bago pa, mapusyaw na mapusyaw ang pagkaberde, may maliit na terrace na kinaskas na adobeng inihalo sa semento ang pinakapader. Kung iyon ay sa Kamaynilaan napatayo, iisipin mong manedyer ng isang kompanya ang may-ari, at may malaking suweldo kada buwan. Wala iyong bakod sa paligid at waring ganap na napaaangkin sa kalawakan ng bukid. Maliban sa nagkakahugis na balangkas ng isang bagong bungalow sa kanang tagiliran niyon na, ayon sa mga taga-Sabang, ay sa manugang ni Nardong Putik sa panganay niyang anak na si Estrellita, at maliban din sa isang bahay na pawid na ikinukubli ng mga punong saging, sariling-sarili ng bungalow ni Manecio ang kapaligiran ng kabukirang iyon. Bago pa nga ang bahay na iyon, mga ilang buwan pa lamang naitayo. Ang mga materyales na ginamit doon, mula sa kaliit-liitang pako hanggang grabat semento, yerot tablat pintura, ay pawang abuloy diumano ng kung sinu-sinong tao. Maging ang mga inihanda nang binyagan iyon ay regalo rin mula sa ibat ibang mga baryot bayan sa Kabite baka, manok, baboy, prutas, alak at kung anu-ano pa. Maging sa inyong baryo sa Imus, isang araw bago ginanap ang handaang iyon, hindi mo maiwasang maalaala, hindi nag-atubili ang iyong mga kababaryo kabilang na ang iyong mga magulang sa pagpapadala ng kanilang makakayanang ihandog. Hindi marahil inakala ni Nardong Putik na matapos maitayo ang kanyang bungalow, ilang buwan lamang ay ganap na niya iyong iiwan sa kanyang pamilya sa asawang si Aling Fely, sa mga anak na sina Estrellita, Angelita at Leonardo,Jr. na binatilyo na, 15 anyos, at estudyante sa high school sa Dasmarinas.

Waring ipinatayo ang bahay na iyon para maging maayos ang pagbuburulan ng kanyang bangkay. **Matapos siyang subaybayan, tambangan at mapatay ng magkasanib na puwersa ng NBI, PC at pulis-Imus sa pagitan ng Panamitan at Tabon, Kawit noong alas 7:40, umaga, Oktubre 10, habang nag-iisang sakay ng isang pulang kotseng Impala galing sa Nobeleta, matapos kunin ng kanyang pamilya sa kamay ng mga awtoridad ang kanyang bangkay na tadtad ng bala, doon na nga siya ibinurol, pinaglamayan ng daan-daang taong mula sa Imus, Kawit, Bakoor, Nobeleta, Hen. Trias, bukod pa sa mga taga-Dasmarinas; may ilang nanggaling pa sa Pasay, Maynila at Kalookan. NANG MAGPUNTA kami sa bahay na iyon noong katanghalian ng Oktubre 17, ilang oras bago siya ilibing, naghilera na sa maalikabok at lubak-lubak na kalyehong iyon ang mga sasakyan, ibat ibang dyip at kotse mula kung saan-saan. Sa tagiliran ng bahay na hinabungan ng lona at ilang pirasong yero, may tatlong mahahabang mesang pinagdugtung-dugtong at napaliligiran ng mga silyat banko. Doon nagkakatipon ang maraming tao, magkakilala man o hindi, nagkukuwentuhan, sinasariwa ang makulay, madugo at maalamat na buhay ni Nardong Putik, ang kanilang Robin Hood, ngunit Public Enemy No. 1 naman ng Kabite, sabi ng mga awtoridad. Mausok ang paligid, nakahihilam, sapagkat sa hindi pa natatapos na bungalow ng manugang, ilang talyasing ulam, ilang kawang kanin, ang patuloy na ginagatungan. Mga kilalang mukha ang nabungaran mo malapit sa bukanang mesa, mga kababata, mga dating kaklase sa elementarya, mga kababaryo at pininsan, na nangapatingin sa iyo nang ikaw ay makita, iniisip marahil kung bakit ikaw na naligaw sa kagubatan ng lungsod ay bigla na lamang sumulpot doong parang kabuti. Saglit lamang ang batian, ang tanguan, ang malungkot na ngitian, at agad kang nagtuloy sa salas ng bungalow. sa kinabuburulan ng bangkay. Labas-masok sa salas ang nagsisiksikang mga tao, mga kasibulan at uugud-ugod, bawat isay sumisilip sa tila narang barnisadong kabaong, naghahangad marahil na mapakintal sa kanilang gunita ang mukhang iyong labis na kinatakutan ng mga magnanakaw ng kalabaw, ng ilang pulitiko at kaaway, pero minahal ng maraming magsasaka at ng api-apihang mga Kabitenyong di agad makahingi ng hustisya sa mga diyus-diyosan sa gobyerno. Sa tabi ng kabaong, nagsisiksikan din ang mga korona ng bulaklak kaya ang ibay sa terrace na itinambak. Alaala ng pamilya Crisostomo ng Kawit, ng pamilya Brosas ng Hen. Trias, ng samahan ng mga tsuper sa Nobeleta, sa Binakayan, sa Dasmarinas, alaala ng mga kakilalat kaibigan, ng kung sinu-sinong diumanoy kanyang natulungan. Kapansin-pansin, walang kilalang mga pulitiko ng Kabite ang nag-alay ng isa mang bulaklak. Sa ibabaw ng kabaong, dalawang may kulay na retrato ang nakapatong; sa isa, kasama ni Kumander (iyon ang nakagawiang itawag kay Putik ng mga Kabitenyo) ang ilang babaing namumukhaan mo ang iba at, sa isa naman, nakaakbay siya sa isang kabataang lalaking kilalang-kilala mo dahil dati mong kalaru-laro sa basketbol sa inyong

baryo. Sa dalawang retratong iyon, naka-T shirt si Kumander, nakalaylay nang bahagya sa kaliwang panig ng noo ang ilang hiblang buhok, nakangiti at parang hindi naiisip ang kamatayan. Sa tabi ng pinto, sa bungad ng salas, nakaupo sa isang sopa si Aling Fely, luksang-luksa pero hindi na lumuluha, may tangang kuwaderno na pinaglilistahan ng mga nagsipag-abuloy piso, dalawang piso, lima, sampu at puno na ng mga pangalan ang mga walong pohas ng kuwadernong iyon. Sa tabi ng barnisadong partisyong malipaho na nagkukubli sa tatlong silid-tulugan ng bungalow, nakatayo, namumugto ang mata ng isang dalagang nakaluksa din at laging nakatingin sa kabaong, at naisip mong iyon marahil si Angelita. Matagal kang namalagi sa tabi ng kabaong; matagal mong tinitigan ang mukhang iyong pinapangit ng tama ng bala sa may noo, sa may pagitan halos ng mga mata, na may malakit mahabang tahi na parang alupihang nakabalatay mula sa balingusan pababa sa kaliwang pisngi hanggang sa malapit sa bibig. Hindi iyon ang mukha ng Kumander na manakanaka mong nasusulyapan, sakay ng isang pulang kotse kasama ang ilang badigard o sakay kaya ng isang motorsiklo kapag dumadalaw sa inyong liblib na baryo sa Imus. Hindi nakabarong-Tagalog ang bangkay, kundi naka-asul na mangitim-ngitim na amerikana na bumagay sa kanyang matipunong katawan. INILAKAD ang libing nang mga bandang alas dos. Parang agos na sumunod sa kabaong ang hugos ng mga taong galing sa ibat ibang baryo mula sa ibat ibang bayan ng Kabite. Ang kahabaan ng Sabang papunta sa sementeryo ng Dasmarinas ay napuno ng mga sasakyan, ng mga naglalakad, matatanda, mga bata, mga magsasaka, mga tsuper, mga kababaihan. Sa mismong sementeryo, daan-daang mga tao na ang naroroon, doon na nagsipaghintay. Luma ang libing ni Hen. Aguinaldo sa dami ng tao, sabi ng isang peryodistang nakikiusyoso. Noong araw na iyon, nagmukhang Todos los Santos ang sementeryo ng Dasmarinas. Dahil sa kakapalan ng tao, kinailangang sunungin na ng ilang kalalakihan ang kabaong ni Kumander upang mailapit sa nitso. Hindi iyon maidaan nang bitbit-bitbit lamang sa hanay at kulumpon ng mga nagsisipag-abang, ng mga naghahangad na masulyapan sa huling sandali ang mukha ng kanilang Robin Hood. Hindi lamang ang pamilya Manecio ang nanangis nang ipasok sa nitso ang kabaong. Isang matandang babae, sa isang sulok ng sementeryo, ang humahagulhol, hindi makalimutan kung paano, isang araw, nang may sakit ang isa niyang anak at di niya maipagamot dahil sa karalitaan, binigyan siya ni Nardong Putik ng P100. Isa ring babae na mga 32 anyos mula sa isang baryo sa Imus ang umiiyak, naalaala na noong sinundang taon, hindi na sana nakapagpatuloy sa pag-aaral sa high school ang panganay niyang anak na lalaki dahil walang pangmatrikula pero sinagot ni Kumander ang matrikula niyon. May mga lalaki ring lumuha, karaniwang mga magsasakang ninakaw ang mga kalabaw na pang-araro ngunit, sa tulong ni Kumander, naibalik ang mga iyon sa kanila o kayay binigyan sila ng pambili ng bagong mga kalabaw.

Ang ibay nanakawan ng dyip na pamasada na nalakad din ni Nardong Putik na maibalik sa kanila nang wala ni isang perang gastos. Ang ibay tumanggap ng mumunting tulong, pambili ng bigas, ng gamot, ng pawid, mula sa kanilang Robin Hood. Nang buhay pa yan, malimit niyang sabihin, salaysay ng isang taga-Malagasang, Imus, kung kailangan nyo ng pera, lumapit kayo sa kin, hwag kayong magnanakaw. Sa kanyang pagkamatay, sabi naman ng isang magsasaka, iilan ang natuwa, marami ang lumuha. Lalakas na naman ang loob ng mga magnanakaw, usap-usapan ng iba. Sa lugar namin, buhat nang muli yang makatakas, kuwento ng isang matandang uugud-ugod na, natigil yang nakawan, yang harangan. Yong kilalang mga magnanakaw, isa-isang nangapatay. Habang patuloy ang gayong usap-usapan ng mga nakiramay at nakipaglibing, sa isang panig ng sementeryo, dalawang kasibulang babaing kapwa nakaluksat buntis ang isay galing pa sa Nobeleta ang nagtatalo sa magiging pangalan ng kani-kanilang isisilang halimbawang kapwa lalaki ang susulpot na sanggol. Kapwa nila gustong ang ipangalay Leonardo Manecio, Jr. Pero may Leonardo Manecio, Jr. na, sabi ng isang nakarinig. Ang mabuti, yong isa ay Leonardo Manecio II; yong isa naman ay Leonardo Manecio III. ANG MAKULAY, madugo, at maalamat na pagtahak ni Leonardo Manecio sa landas ng baril at kamatayan ay nagsimula diumano noong 1948 nang, isang gabi, ilang armadong kalalakihan ang sumalakay sa kanilang bahay sa Sabang, ninakaw ang kanilang kalabaw, at iniwang patay ang kanyang ama na kilala na noon sa bansag na Putik sapagkat kayumangging kaligatan, sabi nga ng mga taga-Sabang. Dalawamput apat na taong gulang pa lamang noon si Nardo, tahimik at mapagkumbaba, pulis sa Dasmarinas. Sa libing ng ama, ayon sa kanyang mga kababaryo, isinumpa ni Nardo na maghihiganti siya. Ayon sa mga nakaaalam, hindi lamang diumano kalabaw ang dahilan ng pagpatay sa matandang Putik, kundi pulitika, sapagkat kilalang lider sa Sabang ng isang malaking pulitiko sa Kabite ang kanyang ama. Naging kaugalian na sa Kabite na kahit kilala ang mga pumatay, hindi na nagdemanda ang pamilya Manecio sapagkat wala namang tetestigo; isa pa, kung may kapit sa malalaking pulitiko ang mga kriminal, nalalakad lamang ang lahat, naaareglo. Kinamuhian diumano ni Nardo ang klase ng hustisya sa kanyang probinsiya; nagbitiw si Nardo sa pagka-pulis, inilagay sa sariling mga kamay ang batas, at siningil ang mga pumatay sa kanyang ama. Bilang ganti ng mga kinauukulan, isa namang kapatid ni Nardo ang pinatay din.

Nagsimula nang magtago noon si Nardo at tumindi nang tumindi diumano ang galit niya sa mga magnanakaw ng kalabaw. Sa pagtatago, nakarating siya hanggang Hen. Trias, napasama sa matitigas na mga bataan ng isang malaking pulitiko. Dahil doon, sa mga unang taon pa lamang ng dekada 50, nasangkot siya sa madugong pulitika sa Kabite. Noong malamig na gabi nang Setyembre 2, 1952, isang malagim na masaker na napabantog sa bansa ang naganap sa Maragondon. Ang alkalde ng naturang bayan, isang dating alkalde, at apat na pulis ang natagpuang patay sa isang sabana kilalang masusugid na tagapagtaguyod diumano noon ni dating Gob. Dominador Camerino ang mga biktima. Ilang kilalang mga pangalan sa Kabite ang ipinagsakdal sa krimeng iyon, kabilang ang senador noon ng bansa na si Justiniano S. Montano. Biglang lumaki ang pangalan ni Nardo, naging napakatunog: Nardong Putik, Kilabot ng Kabite! Ikinulong siya sa Muntinlupa pero, noong 1955, inilipat siya sa kuwartelheneral ng PC (Phil.Constabulary) sa Imus habang inihahanda ang ibat iba pang mga sakdal laban sa kanya, kabilang na ang ilang di lutas na patayan sa probinsiya. Kahit naguguwardiyahan siya nang husto sa kulungan sa Imus noong madaling-araw nang Hulyo 15, 1955, himalang nakatakas si Nardong Putik. Lalo pang lumaki ang kanyang pangalan at kumalat ang bali-balitang mayroon siyang anting-anting. Buhat noon, naranasan ng Kabite ang sunud-sunod na patayan. Sa mga baryong kanyang pinagtataguan, mulang Sabang hanggang Malagasang, mulang Alapan hanggang Sambal, Bakaw at Sta. Isabel, natigil ang mga nakawan ng kalabaw, ang mga harangan at holdapan; isa-isang nangapatay ang mga kriminal. Natuto diumanong dumulog kay Nardong Putik ang karaniwang mga mamamayang hindi mapangalagaan at makahingi ng hustisya sa gobyerno. Iyon marahil ang simula kung bakit siya tinaguriang Robin Hood din. Pagkatapos, noong Nobiyembre 12, 1957, araw ng eleksiyon, nasukol ng mga PC sa isang bahay sa baryo Malagasang, Imus, ang tropa ni Putik na binubuo na noon ng mga pusakal na wanted na mula pa ang iba sa mga kanugnog-probinsiya. Sa sagupaang iyon, napatay ang mismong kumander probinsiyal noon ng PC, si Ten. Kor. Laureano Marana at, gayundin, ang isang tenyente, dalawang sarhento, isang kabo, at dalawang sibilyang informer. Isa pang kapitan, isang tenyente, isang sarhento, at isang kabo ang sugatan naman. Sa panig nina Putik, ang napatay lamang ay si Teodoro Kamantigue, ang itinuturing na kanang-kamay niya noon. Lalong naging mataginting ang pangalang Nardong Putik. Isang puspusang kampanya na malaki pa diumano sa kampanya-militar laban sa bandidong si Kamlon sa Mindanaw ang inilunsad ng PC sa Kabite. May kasamang turuang mga aso, ginalugad ng kompa-kompanyang mga PC ang halos lahat ng baryo sa probinsiya ngunit di nila makita ni anino ni Putik. Wala ni isa mang mamamayan sa mga baryong iyon ang nagturo kung nasaan si Putik. Itinatago marahil ng mga babae sa loob ng kanilang saya, naiinis na sabi pa diumano ng isang opisyal ng PC noon.

At, isang araw, nang galugarin ng PC ang baryo Sta. Isabel sa Kawit, isang matandang babae ang nanungaw sa bintana ng kanyang dampa at sinabi sa ilang sundalong nagdaraan: Pabayaan nyo naman syang makatulog. Di naman sya talagang masamang tao. Pumapatay sya, pero ang pinapatay nya ay yong masasama. Gayunman, dahil marahil sa P20,000 gantimpalang nakapataw noon sa kanyang ulo, noong umaga nang Mayo 26, 1958, nakubkob siya ng mga PC sa dating Barzaga Rice Mill sa may Binakayan, Kawit. Nag-iisa siyang nakipagbarilan nang husto sa mga sundalo sa loob ng 45 minuto. Natadtad ng tama ng automatic carbine ang naturang bigasan, lalo na ang maliit na opisina sa loob na pinagtaguan niya. Nang maubusan siya ng bala, inihagis niya sa lupa ang kalibre 45 baril at isang granada, lumabas na medyo nakataas ang mga kamay tanda ng pagsuko. Pawang daplis lamang ang kanyang mga tama, isa sa kaliwang braso, isa sa may kanang kilay, at isa sa may tiyan. Parang mga paltos lamang iyon, ayon sa mga nakakita, kaya lalong tumibay ang paniniwalang may anting-anting siya, may agimat. Muli siyang ikinulong sa Muntinlupa, hinatulang mabilanggo ng 182 taon dahil sa pagkakapatay kay Ten. Kor. Marana at ilang opisyal nito noong 1957. Pagdudusahan niya ng 40 taon ang naturang sentensiya batay sa probisyon ng Binagong Kodigo Penal at Disyembre 15, 2004 pa siya makalalaya. Nagpakita si Putik ng magandang kondukto sa mga opisyal ng Pambansang Bilangguan kaya ginawa siyang bastonero ng lahat ng preso doon. Kinagulatan siyat iginalang maging ng mga kagaya nina Magat at Ben Ulo. Binigyan siya ng mga kaluwagan, isinama sa mga bilanggong minimum security ang klasipikasyon. Pero, bigla, noong Oktubre 2, 1969, muli siyang nakatakas, kasama pa ang pinsang si Medardo Encabo. May mga naghinalang kusa siyang pinatakas sapagkat malapit na noon ang eleksiyon. Gagamitin diumano si Putik para hindi makakilos sa Kabite ang mga Montano. Katunayan, ipinaratang ni Gob. Delfin Montano noon na pinatakas si Putik para patayin ang kanyang ama si Kong. Justiniano S. Montano. Sa loob ng ilang buwan, kahit hindi umaalis si Putik sa teritoryong Kabite, sarisaring balita ang kumalat. May nagsabing nasa Bulakan siya, sa Bataan kaya, o sumapi siya sa Bagong Hukbong Bayan ni Kumander Dante. Muli, nabuo ang pangkat ni Putik, lumaki; naging kaibigan pa nila ang ilang alkalde, at mga pulis, ng ilang bayan sa Kabite. Naging kasangga pa nila ang ilang opisyal ng PC na nagpasalamat pa diumano dahil nasa labas na naman si Putik at muling nasusugpo ang mga nakawan at holdapan sa probinsiya. Kaya, kahit araw na araw, nakagagala noon sa ilang baryo at bayan doon ang kanilang pangkat, sakay ng mga kotse at pribadong mga dyip. Pero, noong Pebrero 10, 1971, nagsimulang mag-ingat ang tropa ni Putik. Nang salakayin ng ilang ahente ng NBI ang isang taniman ng marijuana sa baryo Malagasang, Imus, dalawang tauhan ng NBI sina Rogelio Domingo at Antonio Dayao ang dinukot at pinatay. Ibinintang iyon ng NBI sa grupo ni Putik sapagkat protektado diumano ng mga iyon ang taniman ng marijuana.

Mga ilang buwang waring nagpalamig-lamig ang NBI ng pagtugaygay sa pangkat ni Putik. Muling maluwag na nakapaglibot sa ilang lugar sa Kabite si Kumander, gayundin ang kanyang pangkat. Pero nagsimulang mapaugnay naman ang kanyang pangalan, sapagkat panahon ng eleksiyon, sa ilang mga kandidato. Suportado diumano ni Putik, ayon sa mga bali-balita, si Lino Bocalan sa pagka-gobernador dahil sa galit niya sa mga Montano. Sa ilang bayan, si ganoon at si gayong kandidato sa pagka-alkalde ang diumanoy sinusuportahan niya rin. Natural, may ilang pulitikong lihim na nagalit sa kanya. Pagkatapos, isang araw noong Setyembre 1971, sa baryo Carsadang Bago, Imus, isang kilalang bata ni Putik si Emilio Boboy Tibayan ang nasabat ng mga pulis-Imus. Isang barilan ang naganap at napatay si Boboy. Tumanggap diumano ng sulat mula sa pangkat ni Putik si Alkalde Jose Jamir ng Imus, gayundin ang isang pulisImus na si Rodolfo Bae. Tumanggap din, ayon sa balita, ng isa ring sulat mula kina Putik and delegado noon sa Con-Con na si Juanito Remulla, kilalang tagapagtaguyod noon ni Jamir. Nagbanta diumano ang grupo ni Kumander na igaganti nila ang pagkakapatay kay Boboy Tibayan. Ang pangyayaring iyon, sabi ng mga nakaaalam, ang naging ugat ng malagim na wakas ni Nardong Putik. Umaga, Oktubre 10, 1971, habang nag-iisang sakay ng kanyang pulang kotseng Impala mulang Nobeleta papunta sa baryo Alapan, Imus, sa pagitan ng Panamitan at Tabon sa Kawit, **tinambangan ng magkasanib na grupo ng PC, NBI at pulis-Imus si Leonardo Manecio, alyas Nardong Putik, Kilabot ng Kabite para sa kanyang mga kaaway at Robin Hood naman sa ordinaryong mga Kabitenyong natulungan niya, napagkalooban ng hustisya at kalinga na hindi basta maibigay ng gobyerno sa mga kakaning-itik at walang impluwensiya. Isang araw matapos mapatay si Putik, isang magsasaka sa inyong baryo sa Alapan, Imus, ang ninakawan na agad ng kalabaw; isa naman ang ipinagbili agad ang kanyang kalabaw sa takot na nakawin din. Sa kanyang pagkamatay, iilan ang natuwa, marami ang lumuha, sabi nga ng isang nakipaglibing sa kanya. ** Bagaman mahirap patunayan, lumitaw ang balita nang malaon na hindi talagang tinambangan si Putik. Dahil sa teoriyang di siya tinatablan sa katawan, at sa ulo lamang, isang malapit na kaibigan ni Putik ang kinasabuwat ng isang makapangyarihang pulitiko kapalit ang kung anu-anong konsesyon para patayin si Putik. Nilasing nito diumano nang husto si Putik sa loob ng Josephine Resort sa Kawit, saka pinagpapalo sa ulo, isinakay sa kotse nitong Impala saka pinaulanan ng bala ng mga awtoridad. Di naglipat-buwan, pinatay din ang inupahan diumanong pumatay kay Putik. To d o s Lo s Santo s: Ano B a I to? October 26, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal unang nalathala sa PILIPINO FREE PRESS, Nob. 4, 1970, at bahagyang binago ngayon)

MAY kanya-kanya ding klase ang mga patay: may mayaman at may mahirap, o may burges at may proletaryo. Kung mahirap ka, kailangang dalhin mo hanggang hukay ang iyong karalitaan. Kung mayaman ka nakuha mo man ang iyong kayamanan sa panlolokot pagsasamantala pagpapasasaan mo iyon hanggang sa loob ng iyong nitso o mausoleo. Sino ang may sabing pantay-pantay ang tao sa kamatayan? Kung karaniwan kang magsasaka o obrero, malamang na ang kabaong mo ay palotsina. Puntod na puntod lamang ang iyong libingan, sa sulok marahil ng isang sementeryong para sa mga anakpawis. Ang pananda sa iyong puntod kung mayroon man ay isang lapidang lata, ipinangangalandakan ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan at kamatayan. Higit sa lahat, ipinamumukha ng iyong libingan na isa kang napakakaraniwang tao, nabuhay at namatay sa kabusabusan. Maliliit na kandila, ilang bulaklak ng amarilyot palong-manok at krus na kahoy ito ang mga nagpapagunita ng iyong karalitaan at pagkabusabos tuwing Todos los Santos! Pero kung mayaman ka, siyempre pang de klase ang kabaong mo; nangungusap sa ganda, sabi nga ng mga tagabaryo, iyong kabaong na pangmarangal na tao at mahihiyang dapuan ng langaw o amuyin ng mga langgam. Siyempre pa rin, piling-piling lugar ang libingan mo, nagkakahalaga na ng daan-daang libong piso ang mismong lupa lamang, marmol ang iyong mausoleong nakalagak sa loob ng kongkretong gusaling marangyang bahay na para sa hukbo ng mga kumain-dili, at tinatanuran pa ito ng maluha-luhang sementadong anghel sa gabit araw. Ipinagyayabang ng iyong libingan na hindi ka basta tao nabuhay ka at namatay na batbat ng impluwensiya, kapangyarihan at pribilehiyo. Hindi bale na kung binusabos mo ang iyong mga manggagawat magsasaka, nangamkam ng mga lupain, o nandambong sa pondo ng bayan kaya ka nagkamal ng kayamanan. Tuwing Todos los Santos, kahit matagal ka nang pinagpasasaan ng mga uod o ginawang abo sa krematoryo, kailangang maglublob ka pa rin sa iyong kayamanan: naglalakihang kandila, nagliliwanag na bombilya, mamahaling orkidyas at kung anu-ano pang tanda ng karangyaan ang ipinagyayabang ng iyong libingan. Hindi nga masamang alalahanin ang mga patay tuwing Todos los Santos pero, sa kabilang banda, karaniwan lamang na payabangan, pasiklaban ng yaman at pag-insulto sa karalitaan ang naturang araw. Sa sosyedad na ito ng pagsasamantalat inhustisya ng iilang hari-harian o diyus-diyosan sa balintunang lipunan, higit na nangangailangan ng kalinga at pagmamahal ang mga buhay ang patuloy na inaaliping masang sambayanan, ang hukbo ng mga binusabos na para na ring mga patay. Todos los Santos na ang bawat araw sa kanila sapagkat, araw-araw, ipinagkakait sa kanila ng uring mapagsamantala ang karapatang mabuhay bilang tunay na mga tao sa ilalim ng pantay na katarungan at lantay na hustisya sosyal. Todos los Santos: ano ba ito? Ika w Ang T alahib Ng Mga Alaala October 14, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Tula) namumulaklak na ang mga talahib puting-puting nakakumot sa burol at sabana kumakaway sa sanlaksang mga alaala oktubre ring gaya ngayon nang abuhin ang kalawakan at malamig ang haplos ng hangin tumimbuwang ka sa kagubatan sa pagliliwaliw ng mga punglo sa iyong ulo, puso at tiyan nakadilat kat nakatingin sa kalangitan habang inaapuhap ang hininga sa pagaspas ng mga dahon sa pakpak ng mga ibon sa tagulaylay ng rumaragasang agos sa ilog ng kaparangan sa balumbon ng nangingitim na ulap inaaninag wari anino ng kalayaan para sa bayang pinakamamahal pumanaw kang wala ni apdo ng pagsisisi sa mamad na mga labi sa niyakap na pakikibaka laban sa naghaharing inhustisya dahil noon pa man sa pagbabanyuhay ng pusot isipan nakapagkit na sa iyong kabuuan kakambal na ng iyong pangarap at layon ligaya at laya ng masang alipin ng dalitat dusa. namumulaklak na ang mga talahib nang ikay ilibing ng mga kasama walang dinalit na mga ave maria ni inusal na mga ama namin sapat nang papurihan iyong kagitingan parangalan mga karanasan sa paglalahad ng mga katotohanan

at pagsamba sa altar ng katarungan sapat nang walang hanggang kilalanin idambana sa pusot isipan buhay na inialay sa gabi ng mga paglalamay. oo, ikaw ang talahib ng mga alaala sunugin man nang sunugin sisibol at sisibol pa rin mulit muling iindak ang puting bulaklak di luhang mangalalaglag sa masukal na damuhang dinilig ng iyong dugo mananariwa ang lahat maging naluoy na mga pangarap mulit muli kang mamumulaklak sa pusot isipan ng bawat sawimpalad ikaw, ikaw na talahib ng aming mga alaala! Ulo Mo y G usto Ko ng P alakuli n, Dib d ib Ay Lap lap in October 11, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) ulo moy gusto kong palakulin parang niyog ang bungoy biyakin utak ay himay-himayin gusto ko ring dibdib moy laplapin dukutin ang puso at saka suriin dinalaw ka ba ng awat sagimsim nang maralitay lamunin ng dilim? o uring asendero/kapitalista laging iniisip talaksan ng pera? tao bay mayroon pang halaga sukdang busabusin sa iyong pabrika alipining lubos sa iyong asyenda?

ulo moy gusto kong palakulin dibdib moy gusto kong laplapin naisip mo ba mga inalipin silang sandakot na kanin at asin ang laman ng tiyan habang ikaw naman ay nabubulunan bundat nay ayaw pang tigilan saganat marangyang hapunan gayong dugo nilat laman kinatas at iyong pinagpipistahan o likas sa iyo itong kasuwapangan kaya lugaw nilay gusto pang lamunin suso ng bagong panganak gatas nais pang sipsipin? kung bungo moy mabiyak sumabog ang utak nakaukit ba sa himaymay niyon mga sawimpalad? naisip ba ang walang tahanan habang palasyo moy laging kumikinang? saan ba nanggaling iyong kayamanan kundi sa inaliping masang sambayanan? kung dibdib moy malaplap at pusoy mahantad nadama mo ba katiting na habag sa mga nilikhang yakap ng bagabag? pinitik ba ng awa ang puso habang manggagawat magsasaka mo sabaw ng sinaing ang ipinasususo sa nagpapalahaw bunsong balat-buto? matapos bungo ay mabiyak dibdib ay malaplap at walang makita sa puso at utak kahit anino ng habag sa mga nilikhang inaliping ganap

katawan moy dapat nang tadtarin buto moy dapat nang pulbusin dugo moy dapat nang sairin upang magbanyuhay ang uring alipin! Naririnig Ko Ang I yo n g P anamb ita n September 25, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) naririnig ko ang iyong panambitan la tierra pobreza lupain ng dalitat dusa lupaing tinigmak ng dugo ng mandirigma ng masa na dinusta ng inhustisya na inalipin ng pagsasamantala inihahatid ng naglalakbay na amihan sa saliw ng huni ng langay-langayan ang iyong tagulaylay tumatarak, lumalaslas sa kamalayan kong laging naglalamay naririnig ko ang iyong panambitan kung mga gabing nagdarasal malungkot na buwan kung mga umagang luhang pumapatak mga butil ng hamog sa damuhan kung mga katanghaliang humihiyaw aspaltadong lansangan ng kalunsuran kung mga dapithapong dumaramba mga alon sa ulilang dalampasigan. oo, naririnig ko ang iyong panaghoy la tierra pobreza sa dagundong ng kulog sa kalawakan sa sagitsit ng kidlat sa karimlan sa lagaslas ng tubig sa kabundukan oo, naririnig ko ang iyong hinagpis la tierra pobreza

sa bulong ng mga babaing asaway nalibing sa kung saang talahiban naririnig ko sa taginting ng mga dalangin sa nobenat decenario ng mga sisa si crispin ay di na makita ibinaon kung saan ng kampon ng kadiliman o binulok sa mga tagong bilangguan o naagnas sa pusod ng karagatan wala ni anino ng kalansay. oo, naririnig ko ang iyong panambitan la tierra pobreza sa tagaktak ng pawis ng manggagawat magsasaka sa lagunlong ng sikmurang walang laman sa kalantog ng mga lata sa basurahan sa pagtutol ng tinuklap na mga yero sa langitngit ng tinungkab na mga tabla sa lagabog ng ginibang barungbarong sa gilid ng namamahong estero mulang tripa de gallina hanggang canal de la reina naririnig ko ang hinaing mo la tierra pobreza sa binuldoser na mga bahay sa mga lote diumano ng gobyerno na lalong dapat mapunta sa masa di sa mga ayala at mga kauri nila na walang sinasamba kundi kuwarta patayin man sa hilahil at dusa gawin mang naglipanang asot pusa milyun-milyong maralita! oo, umuukilkil sa pandinig ko ang panambitan mo la tierra pobreza saanmang sulok ng planeta ipinadpad ng daluyong ng dalita

mga anak mong nagdurusa ikinalat silang parang layak sa banyagang mga bansa dahil kalansay na ang pag-asa at ginutay na ang ligaya sa lupain mong binaog ng uring mapagsamantala oo, la tierra pobreza di lahat ay natutulog sa dilim ng gabi at naririnig nila iyong panambitan at panawagan nagliliyab ang mga mata ng mga anak mong magigiting bartolina moy wawasakin! LIM ANG AR AW AT GAB I ( sa kamata ya n ni Len in) September 8, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Malayang salin ng inyong lingkod sa tula ng makatang Rusong si Vera Ibner na ipinadala ni Ka Dan Borjal bilang alay-parangal kina Ka Alexander Martin Remollino at Ka Medardo Roda na kapwa namayapa kamakailan lamang) Bago siya tuluyang ibinilanggo sa kanyang mausoleo at ulilahin ng sikat ng araw limang araw at gabing singkad siyang nakaburol sa Bulwagan ng mga Columna. Humugos ang mga tao, pumila parang treng walang katapusan hawak ang nakababa namamahingang mga bandila upang muling masilayan ang naninilaw niyang mukha at medalyang pula sa ibabaw ng dibdib. At sa kalupaan nananalasat sumisikdo

ang nagyeyelong kapaligiran waring tuluyan niyang tinangay ang isang bahagi ng init ng aming mga katawan. Limang gabing walang natulog sa Moscow dahil sa pagtulog siya lumisan buong kabanalang nagbabantay ang maputlang buwan. Niligis Na Ap d o La man g An g As ukal August 31, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) kinatarata na ang mga sakada sa pagsuyod ng mga mata sa katawan ng asyenda pinaglumot na ng mga dekada mga daing nilat protesta di na makita mukha ni anino ng tumakas na pag-asa sumanib ba iyon sa balumbon ng mga ulap habang dapithapoy namamaalam? yumakap ba iyon sa katawan ng karimlang humahalik sa pisngi ng maputlang buwan habang gabiy nagdarasal nakaluhod sa paglalamay? kalansay na lamang ang pag-asa nailibing na sa damuhan ng tubuhang di maabot ng mga mata nasipsip na noon pa man ng hayok na mga tubo pawis at dugo ng sakada

ngayoy parang gatas iyon hinihigop ng asendero mula sa susong malusog ng bagong panganak naglalanding dalagang-ina o, kay tamis niyon sa dila niya singlinamnam ng pulot-gata sa mga birheng kinalantari niya habang binubudburan ng asukal ang puklong matambok ang susong maumbok singtamis ng pulut-pukyutang dumaloy sa galit na utong sa uhaw na singit at gutom na tiyan! singpait naman ng apdong niligis sa dilat ngalangala ng sakada asukal na iniluwa ng asukarera di nito mapatamis kapeng walang gatas sa mahalumigmig na umaga di nito mapawi pakla ng bubot na bayabas at alat ng asing iniuulam sa malamig, nanigas nang kanin o kinayod na tutong na humalik sa puwit ng kalderong inulila ng sayat ligaya singpait din kaya ng apdong niligis asukal na inihalot tinunaw sa tubig na maligamgam at ipinasususo sa bunsong mapintog ang tiyan kahit hangin lang ang laman? singpait ng apdong niligis sa dila ng sakada mga asukal pang iluluwa

ng asukarera mapait na rin pati pawis niya singlansa rin ng hilaw na apdo dugong itinigis ng mga panahon sa bawat hagkis ng machete sa masukal na damuhan sa bawat taga sa pinutol at kinatas na katawan ng laksa-laksang tubo tatamis pa ba ang asukal kung ni isang dipang lupay di kanya at alipin lamang siya sa malawak na asyenda? niligis na apdo lamang ito sa dila niyat ngalangala! Fernand ina August 9, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nilalanggam namutla mo nang mukha fernandina habang nakatimbuwang sa masukal na kakahuyan katawang tinadtad ng punglo di nahugasan ng tikatik na ulan fernandina dugong bumulwak sa dibdib sa hita at tiyan humahalik na ang namuong hamog sa gilid ng mga matang nakakilala sa pait at dusa ng buhay ng masa. wala ni isa mang bituin ang gabing nagdaan fernandina

nagtago pati mukha ng buwan umiwas sa mga putok ng baril ngunit di ka umurong fernandina di natinag sa pagtatanggol di binitiwan ang gatilyo ng kalayaan pinatakas ang nakubkob na mga kasama alang-alang sa bansang pinakasisinta tagulaylay ng hangin ng giniginaw na umaga sa iyo ngayoy naghaharana fernandina. mananatili kang monumento sa alaala banayad mang humalik sa lupa mga tuyong dahon ng gunita fernandina mulit muling sisibol sa pusod ng bundok o dibdib ng lungsod binhi ng pag-ibig sa layang pinakamimithi habang dinidilig ng dugo ng mga kagaya mo fernandina lupaing binaog ng inhustisyat pambubusabos. fernandina mulit muli kang mabubuhay sa magkakarugtong na mga ugat ng mga biktimat inalipin ng uring mapagsamantala! magniningning din ang mga bituin sa pusikit na karimlan manunumbat ang buwan at aawitin ng marahas na hangin kadensa ng martsa

ng milyung-milyong mga paa sa bantayog ng laya mabuhay ka, fernandina! Ave, Ave, P ater P atr um! July 30, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula sinulat noong dumalaw sa bansa, Nob. 27, 1970, si Papa Pablo VI o Giovanni Battista Montini. Inilathala ito noong Dis. 7, 1970 sa PILIPINO FREE PRESS. Kasama na ito sa mga piyesa sa plumaatpapel pero nahihirapan daw ang ilang mananaliksik na makita agad sa archives kaya minabuti naming ilagay ito ngayon sa bandang unahan.) giovanni battista montini servus servorum dei nang iluwa ka ng alitalia mga magnanakaw naghaleluya viva! viva! viva il papa! hosanna in excelsis benedictus qui venit in nomine domini diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! patawarin ang anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa nang sa kantoy magdaan ang santo papa ako poy nasa kubeta nagbebenditat nagdaraos ng sariling misa ave, ave, pater patrum inodoroy nagkumunyon nangumpisal pa sa poon. ave, ave, birheng maria ipinalangin ang anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa ni hindi ko man lamang nakita ang tiara ng santo papa nang magpunta siya sa luneta at magmisa ako poy umiinom ng hinebra sa restawran ni san da wong sa ermita

diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! ako poy huwag bulagin ng mga kalmen at estampita habang ang kandilay bangkay na naaagnas sa bawat kandelabra kahit ako poy di lumuhod sa santo papa nakita ko naman ang kanyang anghel de la guardia sa bote ng la tondena michaelem archangelum nakaamba kumikislap na espada sa plato ng espagheting piccolinong may bendita ng ketsap papa. ave, ave, pater patrum! ako poy nagugutom sitsiritsit alibangbang salagintot salagubang bawat oras, bawat araw kampanay kumakalembang sit laus plena, sit sonora sit jucunda, sit decora mag-antanda at magdasal ave, ave, ave maria! ang pariy nagbibilang ng pilak sa sakristiya diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! ipinalangin kaluluwa ng anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa krusipiho at rosaryoy ipinanguya ko sa basura. santo papa, santo papa! puto sekot puto maya inuuod ang kumbentot mga mongha bawat santoy nakanganga sa isusubong ostia ave, ave, pater patrum

kalyehon koy inaagiw barungbarong at esteroy nakatanghod sa kopitat kandelabra araro koy nakapangaw sa tumana armalite ay umaawit sa candaba ave, ave, ave maria! quod in carnem transit panis et vinum in sanguinem quod non capis quod non vides animosa firmat fides diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! kagabi, santo papa ang utak koy talahib na naglagablab at nagsayaw ang mga alitaptap! So na No o n At Nga yo n S a Rep ub likan g Ma mo n July 27, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) S A N A! Nang Magp aala m Ka July 19, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nang magpaalam ka walang luhang pumatak sa mahamog na damuhan o isang butil man lamang na sumanib sa tikatik na ulan walang hikbing sumalit sa langitngit ng punong kawayan walang mapait na ngiting sumilay sa labing nakakilala ng mga halik ng dalamhati isinasayaw ng hanging marahas

buhok mong hanggang baywang di nagdaop ang ating mga palad di naglapat ang ating mga katawan sa mahigpit na yakap ng pamamaalam ngunit nasa mga titig sa isat isa muhon ng pakikiisa sa matagal nang adhikain ng masa ilang tapik lamang sa balikat ang ipinabaon ko sa iyo kalakip niyon ang laksang mensahe sa iyong paglalakbay patungo sa malayang bundok na naghihintay. nang magpaalam ka di isinaysay ang laman ng puso di ipinaliwanag ang kapasiyahan nakapinid ang labi ng mahalumigmig at lumuluhang madaling-araw ngunit nag-aapoy ang mga mata mo para maunawaan ko hagupit ng lintik sa isip daluyong ng dugo sa ugat na di sa katawan mo lamang nagwawakas kundi sa himaymay ng laman ng bawat sawimpalad ng mga itinanikala sa asyenda at malawak na kabukiran ng mga inalipin ng makina saanmang pabrika at empresa o ginutay ng inhustisya ng pambubusabos at pagsasamantala ng di makataong lipunan ng di makatarungang burukrasya oo, di kailangang pabaunan ng agam-agam o dalangin ng kaligtasan ang dakila mong paglalakbay tungo sa mabulaklak na katubusan.

nang magpaalam ka sinasaluduhan ko ang iyong paglisan di ko na inaasahang maririnig pa lagunlong ng tinig mo sa mga lansangan ng protesta di ko na makikita kumpas ng mga kamay mo habang idinidiin ang mga punto mo sa paglilinaw sa nilumot nang mga suliranin ng lipunan na humihiyaw ng kalutasan oo, di ka na makakasalo sa kantina ng isang platong kanin at kapirasong ulam oo, amanda de los reyes di ko na inaasahang magbabalik ka pa sa kuta ng pambubusabos hanggang makulimlim ang panahon at di pa sumisilay mapulang sikat ng araw sa silangan tulad nang ikaw ay magpaalam! B akit Gan ya n? June 25, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) minsan lang akong daraan sa mundong estupido pero karapatan ko ayaw irespeto sinisikil, kinakatay, pinapatay bakit ganyan? di naman ako kriminal di naman ako magnanakaw di naman ako nandarambong ng pondo ng bayan

lupa nang may lupay di kinamkam at lalong di nanggahasa ng sinuman ako pa nga ang laging ginagahasa ng lipunang di makatarungan bakit ganyan? bakit ganyan? sobra-sobra ang ipinagbabawal sabi ng mga banal sa simbahan bawal magmura kahit galit na bawal magsalita nang malaswa bakit nagkaroon pa ng gayong mga salita? para saan at paano iyon mailalabas sa bunganga? lintik na yan! ano ba yan! bawal malibugan sa iba maliban sa asawa sila namang mga santot santa puwedeng-puwedeng magnasa magpasasat magpakasawa oras-oras, mayat maya sa machot tigasing binatilyo o sa seksit dalagitang mabango. anak ng galunggong at kabayo lintik na yan! hayop na yan! karapatan lang nila ang sagradot mahalaga! bakit ganyan? bakit ganyan? ako lang ang laging makasalanan ako ang impakto ako ang demonyo impiyerno ang bagsak ko por dios por santo anong klaseng mundo ito? bawal magsabi nang totoo laban sa mga dorobo sa gobyerno puputulin ang dila mo

bawal mithiin ang pagbabago sa layuning lipunay di magago at di dumami ang agrabiyado pero birheng inang mahabagin bubulukin ka pa sa kalaboso! bakit ganyan? bakit ganyan? dahil ba silang nagbabawal ang iilang hari-harian ang pinagpalang diyus-diyosan at kaming maralitay tungaw layak lamang ng lipunan? lintik na yan! hayop na yan! bakit ganyan? bakit ganyan? pati katiting kong kaligayahan lagit laging pinakikialaman pobre lamang ako di kaya ang maluhong bisyo di mayamang tulad ninyo puwedeng bumabad sa casino magpakaligaya kaya sa paraiso sa puklong matambok sa susong maumbok ng kinakalantaring kalaguyo ligaya koy simple lamang ang manigarilyo lamang para mapayapa ang damdamin at ligalig na isipan sa hilahil na pasan-pasan makasulat din ng kung anu-ano kapag nababaliw ako pero por dios por santo bawal manigarilyo diyan bawal manigarilyo kahit saan bawal sa gusaling iyan bawal sa pampublikong sasakyan

bawal makaamoy ng usok malulusog, mararangal na nilalang. lintik na yan! hayop na yan! karapatan daw nila iyon pero paano naman ang karapatan ko ang mga kagaya kong naninigarilyo? bakit ganyan? bakit ganyan? bakit nagkaroon pa ng pabrika ng sigarilyo bakit di pa sunugin ang mga ito tupukin pati ang lumikha nito? para di parang ketongin ang mga gaya kong naninigarilyo itinataboy kung saan-saan pinagbabawalan sa maraming lugar parang mundo lang nila ito parang di sila mamamatay kahit di manigarilyo kahit di makaamoy ng usok nito parang kami lang naninigarilyo ang maglalaho agad sa mundo. pero itatanong din ninyo: bakit ganyan? bakit ganyan? tinodas agad ng diabetes ng alta presyon o atake de corazon ng kanser sa atay o lalamunan ng kanser sa bagat bituka sa bayag o suso o obaryo siyang kailanmay di nanigarilyo o nakasinghot ng usok nito siyang di nanigarilyo ni minsan ay binaril naman, tinambangan o biglang nasagasaan sa daan nagkalasug-lasog ang katawan nauna pang namatay

sa impaktong gaya ko apatnapung taon nang naninigarilyo. bakit ganyan? bakit ganyan? siyang sigarilyo ang pamatid-gutom ang iniiwasan ng lipunan pati ni kamatayan siyang sigarilyoy iniwasan pero nagpakabundat sa katakawan at nagsamantalang lubusan para yumaman nang yumaman pundilyo nilay hinahalikan masaklap nga lamang maaga silang kinakain ng libingan at isinusuka ng kasaysayan. bakit ganyan? bakit ganyan? lintik na yan! ano ba yan? hayop na yan! ang mundo bay estupido o ako ang naloloko? basta irespeto na lamang ninyo ang karapatan ko huwag lamang ang inyo anak kayo ng galunggong at kabayo! masarap iyap ak a ng hub ad na p aa June 22, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa magkakrus na mga kalye ng via pescara at via firenze mansiyon, tulad sa forbes at alabang-ayala mga bahay na naghilera parang dambuhalang kabaong walang laman

pagngiti ng giniginaw na umaga naglakbay ang mga bangkay hinigop ng mga buntala idadahak, iluluwa pagpikit ng matamlay na dapithapon manlilisik malalaking bombilya magpuprusisyong pabalik nagliwaliw na mga bangkay muling hihimlay sa kabaong na naghihintay! sa teritoryong iyon ng el diablo di ko masalat ang buhay nagkalat na parang layak buhay na tuwinang namamatay kahit mulit muling nabubuhay di makahalina sa ilong halimuyak ng pierre cardin o hugo boss at issey miyake gusto pa ring masinghot anghit sa kilikili ng manggagawat magsasaka sa lupang dinilig ng dugot luha ng dantaong magiting na pakikibaka di yakapin ang pandama masangsang na karanasan ng masa manapay robot at plastik sa lansangan bumubulaga sa matang nilalanguyan ng sanlaksang mapapait na alaala! magneto ngayon ang hangin ng ipuipo buong lakas na binabatak paang naglagalag pabalik sa nilisang la tierra pobreza paang pinaglintos ng kuwerong sapatos sa pagtahak sa nagsalabat na kalsada mga lansangang walang simulat wakas di gaya ng estupidong buhay

na tiyak na mamamatay paang niluom ng hinulmang goma sa paglusong-ahon sa lupaing matatambok sa mga burol na mauumbok. masarap iyapak ngayon ang hubad na paa pagbalik sa la tierra pobreza sa malagkit na tiningkal ng naararong sangkal sa nagpuputik na pilapil sa kabukirang dinilig ng humagulhol na ulan masarap isudsod sa mahamog na damuhan o sa sukal ng tubuhan masarap pa ring iyapak ang hubad na paa paglaruin sa langis at grasa isinuka, ibinuga ng mga makina sa mga pabrika masarap iyapak ang hubad na paa sa humihingang lansangan sa init ng katanghalian sa martsa ng mga protesta laban sa inhustisyat dusa masarap iyapak ang hubad na paa sa gubat at bundok sa nayon at lungsod sa lupaing luhay bumabalong sa lupaing dinidilig ng dugo itinitigis ng ugat ng mga mandirigma ng layat ligaya para sa dinustang buhay ng masa

oo, lagit laging naroroon ang himagsik ng puso sa dibdib ng buhay oo, madarama ng hubad na paa nakaukit na testamentot muhon sa saganang minahan ng mga brilyanteng katotohanan! . Sa P antalan Ng Hava na, I sang Gab i Ng P anagi nip June 10, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) isang gabi, napanaginipan ko sinisiil ng halik ng mga ulap naghihingalong buwan sa pantalan ng havana lahat magdamag na umiindak sa kadensa ng guiro ng maracas at marimba sa salon rojo at la cecilia sa gato tuerto at la farandula nagliliyab ang mga katawan sa salsa, mambo at rumba himig ng son mula sa aprika sumisigid sa ilong halimuyak ng tabako ng vultabajo o pinar del rio thompson man o don pepin garcia arturo fuente man o vegas de fonseca hayok na sinisinghot hininga ng bawang, oreganot cumia sa paglalandi ng dila sa mga utong ng moros at pagsipsip sa katas ng ropa vieja nagliliwaliw, nababaliw ang utak ko sa espiritu ng rhum at cola

gustong humimlay na sa el vedado sa saratoga man o melia cohiba. napanaginipan ko rin, opo namatay, inilibing din ang buwan paghikab ng nagmamadaling umaga sa pantalan ng havana mga barkoy pumitada at bumulwak rumaragasang tubig ng alaala sa kasaysayang naligo sa dugo sa panahong umagas iyon sa obaryo ng tinawag na isla juana mula nang mayabang na dumaong sa pasigan ng baracoa krus ni columbus na kolonyalista naghari-harian sumulpot na criollos lubos nambusabos sa ngalan ng ginto at diyos inaliping ganap lantay na ciboney at taino pati nakakadenang mga aprikano kinubabawan ang lupang matambok nilamutak ang pisnging maburok pinanggigilan dibdib na malusog hanggang masaid ang libog ng pusod. opo, napanaginipan ko isang dekadang paghihimagsik ng lahi ng mga carlos de cepedes kolonyalistang moog di agad nadurog apat na dantaong naghasik ng lungkot saglit, napilitang magkuta sa new york makabayang nagrebelde sosyalistang jose marti placenta ng layang ipinaglihi sa sto. domingoy sabik na nagbalik manipesto ng montecristi ay isinatitik

pinaglagablab ang naipong ngitngit umangil ang punglo, machetey tumalim ngunit siya naman ang sinawing-palad dugoy idinilig, buhay inialay sa sagupaang walang puknat sa dos rios lupay nagkulay-pulang parang gumamela sa daluyong ng rebolusyong sumiklab na. opo, napanaginipan ko rin, opo nang asul ang liwanag ng buwan sa pantalan ng havana biglang sumabog ang barkong u.s.s. maine nagliyab, naglagablab mahigit dalawandaang tripulanteng tulog kataway natupok hiningay nalagot pakana diumano ng kolonyalista sulsol ng dambuhalang kapitalista para giyeray ideklara laban sa espanya tratado ng paris ang naging resulta cuba, guam at tierra pobreza ginawang kolonya cubay pinalaya noong 1902 naging manyika naman ang mga machado grau at socarras naging diktador fulgencio batista nandambong, hinuthot ang cuba sinalaula ang hustisya ipinampunas sa tumbong at paa soberanyang banal agad ibinenta milyong mamamayay sinagad sa dusa. opo, napanaginipan ko rin, opo pagdaong ng granma habang umiindak tubo sa asyenda sakay ang walumput dalawa nang tambangan ng militar labindalawa ang natira

nagkuta ang mga fidel castro camilo cienfuegos at che guevarra sa pico turquino sa malawak na sierra maestra pinaglagablab ang matanzas hanggang sta. clara ang camaguey hanggang oriente ang las villas hanggang las tunas hanggang mapasok ang havana tutop ang puwit na tumakas mga batistat kampon ni satanas! huling napanaginipan ko, opo nagliwanag ang pantalan ng havana nang itayo lipunang sosyalista ari-ariang pribadoy binura sa mapa inatado naglalawakang asyenda isinakamay ng mga magsasaka dayuhang empresat pabrika negosyong hawak ng imperyalista isinabansat sosyalismo ang gumiya nagwalat nagdabog ang imperyalista look ng mga baboy, gustong masakop na ngunit di umurong, estado ng masa sa napabantog la batalla de giron di natinag si fidel hanggang ngayon di lumuhod sa santo ng imperyalismo kahit di makataong embargo sa diplomasyat komersiyo tinawag na operation mongoose ang sa cubay iginapos. kailan naman daraong sa pantalan ng la tierra pobreza armada ng granma? kailan dudurugin flotilla ni dewey roosevelt at obama? tugtog ng silindrot himig ng gitara

ng layat ligaya sa panaginip ko, sanay maghosana! Sa J up i ter, Mga Daga y Na wa wala June 8, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa jupiter, aywan ko, aywan ko kung kinulaba ang mga mata ko piniringan kaya ng susong nagluwa o binulag ng hitang bukaka? wala akong makita ni isa mang daga. nasaan ang mga daga? walang sumusungaw sa bintana walang gumagapang sa kusina walang tumatawid sa kalsada walang nakasubsob sa basura. nasaan ang mga daga? sa kanal man at imburnal walang kumikiwal-kiwal walang ulong nagdarasal walang paang nagkakalkal. nilason kaya sila ng mga kemikal tulad ng mandirigmang taliban sa kuweba ng afghanistan? o kinanyon ng mga tangke tulad ng gerilyerong iraqi sa modernong babyloniang sinakop ng mga yankee? nasaan ang mga daga? binomba kaya silat nilitson ng napalm gaya ng bayanit magiting na vietcong sa ginahasang susot puklo ng saigon? wala, wala akong makitang daga sa jupiter ngayon. o kasama silang naglakbay ni lot

sa rumagasang balighong dantaon matapos gunawin gomorrah at sodom? nagliwaliw kaya sila sa ibang planeta matapos isakay sa barko ni noah nginasab, nilamon ng mga buntala? sa jupiter, mga dagay nawawala nasa venus kaya, pluto at saturno o nasa lambak ng mars at merkuryo? pero bakit hahanapin pa? hintayin na lamang ang muling pagyapak paang naglagalag hintayin na lamang pagsiil ng halik paghigpit ng yakap sa musa ng dusat bagabag sa tierra pobrezang luhay naglalatak di na pipiringan ng susong nagluwa di na bubulagin ng hitang bukaka tiyak makikita, dagang naglipana sa nilisan kong patria adorada nagkukumahog, nagkakarera sa bangketa ng carriedot avenida palikwad-likwad sa kantot eskinita nagkakalkal sa nagkalat na basura naglulungga sa ilalim ng mga tulay namamaybay sa mabahong bituka ng tripa de gallinat canal de la reina o naglulublob sa langis at grasa dinidilaan granahet makina o pasukut-sukot sa lahat ng pook ng damuhang nilulumot sa gubat ng inhustisya sa maisan, sa tubuhan, sa palayan sa asyendang sementeryo ng pag-asa! sa mga mansiyon at palasyo ng diyus-diyosang pusat aso lahat silay nagbabantay

naghihintay, naglalaway dagang madadakma dugoy sisipsipin dagang mahuhuli lamay kakarnihin gugutay-gutayin ngangasab-ngasabin! Sa B erand a Ng Mga Ala ala June 5, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) naglalakbay ang maghapon at magdamag sa beranda ng mga alaala lumalangoy sa dagat ng kamalayan mga kuwadrong nanlilisik ang larawan eksena ng pelikulang nagdaraan sa telon ng balintataw binibiyak ang bungo ng kaisipan bakit ganyan? bakit ganyan? nagnaknak na laraway gumigimbal sa mukha kong natulalay sumasampal sa dibdib kong sumisikdoy tumatambol sa dugo kong kumukuloy sumisipol? sa beranda ng mga alaala lagit laging naroroon larawang singlungkot ng hubad na bangkay lansetang matalas sa aking kalamnan lilok sa utak ko ng tusong eskultor obra sa mata ko ng gahamang pintor mga lasog na katawan dugong nilalanggam sumabog na utak brasong butot balat basurang nagkalat matang lumalim na

pisnging humumpak na binting hinalas na paang maalipunga palad na naglintos pudpod na sapatos batang nakahiga sa mga bangketa batang nakayapak sa mga kalsada bunsong walang gatas inang umiiyak amang nagdarasal dampang nakaluhod sa mga bakuran bahay sa esterong gumagapang batis ng pawis sa noot katawan butong lumagutok sa kasukasuan abuhing tanawin sa katanghalian itim na pintura sa mukha ng buwan mga larawan kang ayaw humiwalay sa kamalayan kong laging naglalamay! bakit ganyan? bakit ganyan? sa giniginaw mang umaga o gabi ng mga ave maria sa beranda ng mga alaala lagit laging nakabalandra ang mga larawang ayaw nang makita huwag, huwag na akong dalawin pa huwag, huwag nang itanghal sa mata mga retratong inulila ng ligaya mag-aalimpuyo ang dugo sa ugat magliliyab himaymay ng utak di gitara ang nais kalbitin ng daliring pinitpit ng dusa di kundiman ang nais awitin tinig na namaos sa laksang protesta! sa beranda ng mga alaala ibang larawan na, sanay maipinta ng mga pintor ng bagong hustisya

sanay malilok na, moog ng ligaya sa dibdib ng lungsod sa burol at bundok sa tigang na bukid at lupang nabaog sa beranda ng mga alaala delubyo ang hinihintay daluyong ng dugo sa mga palasyo hagupit ng kidlat sa mga impakto lagablab ng apoy sa mga demonyo saka lamang, saka lamang matutupok, maglalaho sa beranda ng mga alaala ang mga larawang ayaw nang makita! Nasaan An g Mga Gu ma mela? June 2, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nasaan ang mga gumamela? sa pader ng mga alaala gumagapang ngayoy cadena de amor masukal na bonggabilya nasaan ang mapupulang petalya kakulay ng dahak kung umaga ng inaliping manggagawat magsasaka? kakulay ng dugong bumulwak sa dibdib buong lugod na idinilig ng mandirigma ng pag-ibig sa lupain ng pagsinta at pag-asa na binaog ng dusat inhustisya! nasaan na ang mga gumamela? nasaan na? di na tuloy madampian ng palad bulaklak na namumukadkad di na madapuan ng isa mang alitaptap

di na maitapal sa nagdurugong sugat di na masilayan ng langay-langayan o ng maya-kapra sa puno ng mangga tumakas na sa gunita mga aninong walang mukha mga puntod na walang pananda hinahanap kita sa gumagapang na kalsada sa pagtula ng bawat hamog sa paghikab ng umaga hinahanap kita sa hininga ng dapithapon sa paghagok ng karimlan sa maisan at palayan sa pag-indak ng talahib sa burol at kapatagan. nasaan ang mga gumamela? di ko kailangang mamalas korona ng matinik na rosas o kuwintas ng mga orkidyas sa hardin ng burgesyang inaamag masangsang ang hininga ng sampagita nakapapaso ang lilim ng punong akasya kung naririnig ay laging plegarya! nasaan ang mga gumamela? bulaklak ng utak na naglalagablab mapulang petalya ng laksang pangarap sulong umaalab sa dugong humilab nasaan na? saan kita makikita? sa singasing ba ng hanging marahas o alipato ng sigang nagliyab? sa halik ba ng mga alon sa isipan o daluhong ng ipuipo sa katawan? sa titig ba ng araw sa katanghalian o kindat ng alitaptap sa karimlan? sa paghihilamos ng dugo ng silangan

sanay makita ko na sa lambak ng kaluluwa sa gilid ng pader ng mga alaala ang pamumukadkad ng mga bulaklak ng gumamela! P inagp ala An g Aso Sa J up iter May 29, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa jupiter, pinagpala ang mga aso kahit ang ibay mukhang estupido ang ilan ay masarap na estopado sa mundong planeta ng mga tao. mahal na mahal nila ang mga aso pinaliliguan, sinasabon, pinababango hinihimas, niyayakap, hinahalikan magdamag na kasiping sa higaan. sariwang gatas ang ipinaiinom makatas na karne ang ipinalalamon ipinapasyal tuwing umaga sa maaliwalas na parket bangketa. pag-ihiy sinusubaybayan pagdumiy binabantayan pinupulot ibinuga ng puwit isisilid sa supot na plastik kung maaariy magiliw na sahurin utot, laway, tumutulong sipon. sa jupiter, pinagpala ang mga aso parang sinusuyong kalaguyo pipisil-pisilin makinis na mukha lalo na ang dibdib at hita hihimasin ang singit pati puwit para manatiling masunurin at mabait. ganoon din ba nila kamahal mga tao ng aking planeta

lalo na ang dayukdok na masa sa pinakasisintang la tierra pobreza? sa lupain kong inulila ng ligaya anong lungkot, anong pait di lamang aso ang pinapatay, kinakatay pati taoy inaatado, inaadobo sa marangyang kusina ng mga dorobo lalot kalaban ng inhustisya lalot nagmimithing mabago na ang lipunang mapagsamantala! sa jupiter, binasbasan ang mga aso ng mapagpalang grasyat milagro di gaya ng masang nalunod sa dusa sa sinisintang la tierra pobreza mga robot sa asyenda mga robot sa pabrika mga anak nagbubungkal ng basura mapalad na kung galunggong ilang subong kanin at bagoong ang lantakan ng pamilya sa maghapon. ano, mga nilikhang jupiteriano kami bang taoy mahal din ninyo tulad ng inyong mga aso? o baligtad ang utak ninyo ang silangan ay kanluran ang umagay gabi naman ang pusoy nasa bumbunan ang taoy robot lamang? ako poy simpleng tao lamang at simple din ang aking buhay hangad koy hustisya sosyal lamang para sa masang sambayanan! o, taong nandayuhan sa jupiter huwag kang hangal, huwag kaming pagsabihan mga pinuno ninyong kasapakat

ng mayaman at gahaman ay amin ding mahal na mahal silay amin ding mga aso sumisinta sa dikta namit gusto ipagkanulo man kayo at ipako sa kalbaryo! Mag wa wakas Di n An g N agha har ing -Uri May 27, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) demonyo! impakto! sa tierra pobreza, madudurog din, magwawakas din ang imperyo at pagiging diyos ng naghaharing-uri sa sementeryong kabukiran at asyenda sa kabaong na pabrika at empresa sa morgeng simbahan at kapilya demonyo! impakto! santa maria, madre de dios sa bawat pihit ng granahe sa bawat baon ng turnilyo sa bawat pakong minartilyo sa bawat nilagaring tabla at inihulmang bisagra sa bawat ibinuhos na semento sa bawat gusaling dinisenyo demonyo! impakto! naririnig ko ang langitngit ng mga ngipin ang singasing ng hininga at atungal ng binalumbong bituka naliligis tuloy ang utak ko sa oda ng dalitat dusa. diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa

sa bawat kagat ng araro sa bukid na tinamnan sa bawat hagkis ng machete sa masukal na damuhan at malawak na tubuhan sa bawat lupaing binungkal demonyo! impakto! por dios por santo nakikita ko ang bumubukal na pawis sa noo at pagdausdos sa sentido ang paggapang sa dibdib at tiyan ang paglalandas sa gulugod at paglulundo sa kuyukot o, diyos ni abraham agua benditang ihihilamos sa singit at bayag ng indio nabubutas tuloy ang puso ko sa ulos at taga ng pang-aabuso! demonyo! impakto! magwawakas din ang naghaharing-uri kuta ng pang-aalipiy mapupulbos din sa di malipad-uwak na asyenda maninikluhod din ang mga don at donya hahagulhol din ang mga panginoon sa mga pabrika at empresa mamumulaklak din ang mga talahib sa dalisdis at talampas ng kabundukan sa tumanat sabana ng kapatagan sunugin man nang sunugin at abuhin parang phoenix na mabubuhay at mulit muling magbabanyuhay at sa lawiswis ng sumisikdong habagat mulit muling iindak ang puting bulaklak di mananatiling bulag ang mga alipin pagpitada ng rumaragasang umaga

sa tierra pobreza demonyo! impakto! bibingihin ang mga diyus-diyosan ng lagunlong ng matinis na trumpeta at kalansing ng naputol na kadena! T ap o s Na Ang P istat Ka r nab al May 18, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) natapos na ilang araw na pista sa tierra pobreza pinagpahinga na sa simbahan mga santo at santa nalustay na multi-bilyong piso ng mga juan at juana kailan uli ang susunod na pista? giniba na tanghalan ng kahangalan ng ilusyon at kasinungalingan nagsara na beto-beto sa peryahan itinupi na telong asul ng karnabal hangal na mga payasoy wala na mala-tipaklong na sirkeroy umalis na anino ng salamangkeroy di na makita nasaan na ba sila? naglakbay ba sa ibang planeta? nagwakas na ang karnabal sa tierra pobreza tsubibo ng panghihiloy binaklas na usok na lamang apoy ng buladas naluoy na bulaklak ng palabas gabundok ngayon ang basura tinanggal na banderitas sa kalsada polyetot kartolina sa plasa

retratong dikit-dikit sa kuryente paskel na binakbak sa pader at poste kartelon at tarpulinang hinablot ng masa ginawang piring sa mata ng dinding ginawang trapal sa bintanang nakanganga naging palda ng barungbarong at dampa o naging salawal at panty kung katsa ng gusgusing mga hijo y hija de puta sa nakadipat nagsalabat na eskinita. namalikmata bata-batalyong masa sa nagdaang pista sa tierra pobreza muling isinakay sa hangin ang pangarap pinalipad sa balumbon ng alapaap pilit na inahalik sa maputlang buwan at baka marinig na ng diyos ni abraham kukumutan na kaya sila ng kaluwalhatian? ilang ulit na silang naglitanya tuwing pista sa tierra pobreza ilang ulit na silang lumunok ng ostiya nagrosaryot nagnobena ilang ulit na silang sumawsaw sa agua bendita ilang ulit na silang naghosana para makalaya sa hirap at dusa. talagang ganyan sa tierra pobreza tuwing pista lamang sinusuyot inaaliw ang masa huwag nang asahan ang laksang ligaya pagkatapos ng multi-bilyong pisong pista balik-pasada sa gubat ng mga kalsada kampon ng mga johnny pantera balik-banat buto manggagawa sa pabrika balik-araro sa bukid na di kanya hukbo ng mga magsasaka balik-hawan ng damo, balik-tabas ng tubo sa malawak na asyenda ang laksang sakada balik-sagwan sa dibdib ng dagat mangingisdang dilim at lamig ang yakap

isang kilong bigas, isang latang sardinas listahan ng isang kilometrong utang iaalay sa pamilyang naghihintay. nasaan na ang mga payasot sirkerot salamangkero matapos ang pistat karnabal sa tierra pobreza? nagdaraos naman sila ng sariling pista sa mansiyon ng sayat ligaya nagpapakalunod sa pawis at dugo ng masa nginangasab ang tiyan at dibdib ng bayan sa mesa ng pribilehiyot kapangyarihan kailan naman kaya, o diyos ni abraham, aataduhin ang kanilang mga katawan ng mga biktima ng kanilang panlilinlang? kailan magdaraos ng sariling pista sa tierra pobreza mga alipin ng pagsasamantala? Kab ayo n g Asend er o April 28, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) tatlumput walong milyong piso presyo ng kabayo ng babaing anak ng asendero nuwebe pesos at singkuwenta sentimos pawis na idinilig ng sakadat magsasaka sa tubuhan at kabyawan ng asyenda nuwebe pesos at singkuwenta sentimos dugo ng brasong naging katas ng talatalaksang tubo sa asukarera sabi nga ni antonio jacinto ng angola: sa malawak na lupaing iyon ay bihirang umulan pawis ng aming noo ang nagdidilig sa tubuhan

sa malawak na lupaing iyon matataas na ang mga tubo dugo ng aming katawan ang katas ng mga tubong iyan. nuwebe pesos at singkuwenta sentimos lamang iyon kada araw at milagrong maragdagan pa sa kabila ng nag-aalab na protesta. marinig pa kaya ng kanilang patron sa altar ng dusa ang laksang nobena? maulinigan pa kaya ng diyos ni abraham inusal nilang mga decenario para sa namayapang kapwa sakada na halos hangin lamang at dusa ang nagkarambola sa bituka? milyong ulit na rin silang nagrosaryo pero di narinig maging ng kabayo kyrie eleyson, kristi eleyson kristo pakinggan mo po kami diyos ama sa langit diyos anak na tumubos sa sanglibutan diyos espiritu santo santa maria santang birhen puno ng mga birhenes ina ng grasya ng diyos tone-toneladang asukal nalilikha namin para sa asendero gabutil lamang ng hamog ang asukal ng namumutla naming tabo ng kape sa giniginaw at nananangis na umaga sinong diyos ang tatawagin pa maisabaw man lamang sa kanin at malasahan ng gilagid at dila pulot na espesyal na may gatas pa yata para sa kabayo ng babaing pinagpala?

tatlumput walong milyong piso halaga ng kabayo ng babaing anak ng asendero kabayong tinuruang magilas na lumakad magmartsang parang heneral ng hukbo sintulin ng kotseng porsche at ferrari ng asendero kung tumakbo habang uugud-ugod sa tubuhan at kabyawan ang sakadang si pedro kabayong tinuruang lundagin hilera ng mataas na barandilya sa larong pangmilyonaryot elitista equestrian ng mga nakapasak sa nakatatakam na puwit at mapang-akit na bungangang pinakikipot gintong tenidor, kutsarat kopita sa takipsilim pag-uwi ng sakada halos gumagapang na kung umakyat sa nakadipat mababali nang mga baytang ng binubukbok na hagdang kawayan nakaluhod, nagdarasal ang dampang kugon sumisigaw utak ng sakadang si pedro paano pa nga ba siya mangangabayo sa bagong ligo sa posong bukid ng kasuyo? tatlumput walong milyong piso presyo ng kabayo ng babaing anak ng asendero kabayong kapag medyo matigas ang ulo umaalmat tinatamad sumunod sa amo agad na magiliw na hihimasin susuyuit hahalikan pati nguso kapag bahagyang bumahin-bahin natutulirot nagkukumahog ang beterinaryo kung anu-anong bitaminat gamot isasaksak agad at isusupalpal sa kabayo.

nuwebe pesos at singkuwenta sentimos presyo ng sakadat magsasaka sa asyenda kapag umalmat nagprotesta dudukutin, bubugbugin, lalatiguhin kung minsay pauulanan pa ng bala nang malagutan na ng hininga di maibili ng kahit ataul na palotsina mabuhay man sa kadadasal ng mga kasama o sa paghihilamos ng agua bendita di naman makatikim ng kahit decolgen at aspirina kyrie eleyson, kristi eleyson kristo pakinggan mo po kami diyos ama sa langit diyos anak na tumubos sa sanglibutan diyos espiritu santo santa maria santang birhen puno ng mga birhenes ina ng grasya ng diyos tubusin mo na po kami sa dusa iligtas mo po kami sa mga disgrasya nang di alayan ng decenario ng mga kasama o, diyos ni abraham hahawakan na namin ang espada ni san miguel upang di tubuhan lamang ang tabasin at putulin kailan bubutasin ng punglo ang ulo ng tatlumput walong milyong pisong kabayo ng babaing anak ng asendero para ang espesyal na pulot naman nito isaksak sa lalamunan ng bunso at magliwaliw sa wakas sa bituka ng dayukdok naming pamilya? Rahi ma J amal, 1 9 April 10, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

kalansay na nakatingala sa langit ang punong kabalyero wala ang naglalagablab na mga bulaklak berde pa iyon noong enero pero ngayoy tinakasan ng mga dahon hinipan at itinaboy sa naninilaw na damuhan ng nilalagnat na marso at abril di na makikita ni rahima jamal ang muling paghihilamos ng dugo ng punong kabalyero di na maririnig ang musika ng dasal sa bawat takipsilim sa lupang binaog ng pambubusabos di na malalasap ang lamukot ng durian ang tamis-asim ng pinyat dalandan. tatlong buwan nang nasa morge sa ospital ng saif obaidullah sa ras al-khaimah ang bangkay ni rahima jamal labing-siyam na taong gulang nang lagutan ng buhay matapos alilain ni mohammad sala sultan labis na napinsala ang ulo namuo ang dugo sa nabasag na bungo di malaman kung binambo ng amo o ilang ulit na iniuntog sa semento dahil tumangging maging kabayo. tatlong buwan nang nasa morge sa ospital ng saif obaidullah sa ras al-khaimah ang bangkay ni rahima jamal di maiuwi sa mindanaw maiyakap man lamang sa kalansay ng punong kabalyero mabenditahan man lamang ng sampagitat ilang-ilang

maalayan man lamang ng galyetas at biskotso bago ihatid sa huling hantungan sa gubat ng amarillot cadena de amor ng makahiya, kugon at damong-ligaw. nakahimlay pa rin sa morge si rahima mahimbing namang natutulog ang buratserong konsul na pilipino katalik sa pangarap ang birhen ng antipolo sa palasyo naman ng mga indio ngiting-aso si gloria arroyo nilalaro sa isip pagkapit-tuko sa puwesto sino ba si rahima jamal? alila lamang mula sa mindanaw di naman anak ng dugong bughaw o apo man lamang ng mararangal sa gobyerno bakit pasasakitin ang bumbunan di man maiuwi ang kanyang bangkay? bumulwak sana ang habag sa puso ng emir ni sheik saqr bin mohammad al-qassimi baka siya na lamang ang pag-asa upang makauwi sa wakas si rahima sa tierra pobreza. ilan na ba ang rahima jamal na ikinalat na parang layak ng buhawi ng dalitat inhustisya nandayuhan saanmang sulok ng planeta makatakas lamang sa bartolina ng mga pangarap sa tierra pobreza? nagdurugo tuloy ang utak ko tuwing lumalangoy sa mga ugat nito ang lahat ng rahima jamal sa mundo nag-aalimpuyo tuloy ang sirit ng dugo tulad nang agasang walang humpay at mamatay si elham mahdi shuee ang dose anyos na dalagitang yemeni

na sapilitang ipinakasal kahit bubot pa ang katawan at puri tatlong araw lamang, tatlong araw lamang makaraan ang marahas na pulot-gata sumabog ang kanyang bahay-bata inulila ng hininga sa ospital ng hajja mapalad si elham mahdi shuee kaysa banyagang mga rahima jamal di na kailangang iuwi pa sa yemen ang parang yelo niyang bangkay kailan naman iuuwi ang embalsamadong mga rahima sa tierra pobreza? (Binasa ni Yuri Cipriano, bise-presidente ng Migrante-United Arab Emirates, noong Abril 16, 2010 sa kanilang pangkalahatang asamblea sa Samaya Hotel, Deira, Dubai, at inilathala sa espesyal na edisyon ng Dakilang Migrante, opisyal nilang peryodiko doon.) Hij o y Hij a d e P uta March 30, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) hijo y hija de puta, caramba! di pa tapos ang panahon ng mga padre salvi, damaso at camorra sa harap ng europeong mga santo at santa humahagulhol ang mga pia alba, juli at maria clara pahintulutang uminom ng pildoras ang mga hija tulad ng mga madre noong dekada sisenta sa giyera-patani sa dating belgian congo upang gahasain man ng mga sundalo di lumobo ang tiyan magkumot man ng abito pero por dios por santo, que barbaridad, caramba! di ka madre at hinulma lamang sa obaryo ni petrang kabayo, anak ng indio ano ang birtud mo para hadlangang buntisin ka ng banal na espiritu?

hija de puta! magagalit ang kabanal-banalang santo papa isusumpa ka ni monsignor sgreccia parang kababaihang kosovar noong dekada nubenta sa kasagsagan ng digmaan laban sa serbia hijo y hija de puta, caramba! huwag pigilan ang pagliliwaliw ng semilya bayaang maglambada sa bahay-bata ng ina hanggang umuhat wisikan ng agua bendita hijo de puta, huwag kang magkokondom hija de puta, huwag kang mag-IUD at pildoras ipahid na lamang sa sutana ang likidong pumiglas at tumagas sa puerta at maglitanya ng sanlaksang rosaryo baka maging tiyanak pa sa kampanaryo at magtawag iyon ng milyong deboto. hijo y hija de puta, caramba! ayokong marinig ngayon sa inyo kundiman ng tagulaylay ng pagsuyo at lirika ng luha ng dalamhatit pagkabigo di ko kayang kulungin sa mga palad alon ng karalitaan sa bukid at kanayunan o ang ipuipo ng dusa sa bayan at kalunsuran huwag isampal sa akin ang maputlang buwan o bulagin ako ng bilyong bituin hijo y hija de puta, caramba! kumutan na lamang ng amihan ang buo kong katawan habang naglalamay sa karimlan. hijo y hija de puta, caramba! ayokong marinig ang koro ng ave maria sa pulpito at sakristiya iparinig na lamang sa akin ang kadensa ng martsa ng laksa-laksang mga paa sa sementadong lansangan ng mendiola iparinig sa akin ang singasing ng pulbura

sagitsit ng mga punglo at himno ng mga bomba kaluluwa koy matagal nang nakabartolina nagdurugo sa latigo ng inhustisyat pagsasamantala alipin pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga padre salvi, damaso at camorra unggoy pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga taft at harrison at obama busabos pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga diyus-diyosan sa hacienda ng mga panginoon sa pabrika at empresa nakabilanggo pa rin tayo, hijo y hija de puta sa bawat kuta ng uring mapagsamantala! hijo y hija de puta sa pamumulaklak ng mga talahib sa kaparangan at nagsalikop na sabana halina, halika hijo y hija de puta caramba! kasama ng malayang mga langay-langayan kawit-bisig, magkayakap-diwa nating tatahakin sa mahamog mang umaga o pusikit na karimlan sa alimpuyo ng dugo at lagablab ng apoy sa saliw ng musika ng kulog at kidlat lansangan ng ating katubusan at ligaya! Hij o y Hij a d e P uta March 30, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) hijo y hija de puta, caramba! di pa tapos ang panahon ng mga padre salvi, damaso at camorra sa harap ng europeong mga santo at santa humahagulhol ang mga pia alba, juli at maria clara pahintulutang uminom ng pildoras ang mga hija tulad ng mga madre noong dekada sisenta sa giyera-patani sa dating belgian congo

upang gahasain man ng mga sundalo di lumobo ang tiyan magkumot man ng abito pero por dios por santo, que barbaridad, caramba! di ka madre at hinulma lamang sa obaryo ni petrang kabayo, anak ng indio ano ang birtud mo para hadlangang buntisin ka ng banal na espiritu? hija de puta! magagalit ang kabanal-banalang santo papa isusumpa ka ni monsignor sgreccia parang kababaihang kosovar noong dekada nubenta sa kasagsagan ng digmaan laban sa serbia hijo y hija de puta, caramba! huwag pigilan ang pagliliwaliw ng semilya bayaang maglambada sa bahay-bata ng ina hanggang umuhat wisikan ng agua bendita hijo de puta, huwag kang magkokondom hija de puta, huwag kang mag-IUD at pildoras ipahid na lamang sa sutana ang likidong pumiglas at tumagas sa puerta at maglitanya ng sanlaksang rosaryo baka maging tiyanak pa sa kampanaryo at magtawag iyon ng milyong deboto. hijo y hija de puta, caramba! ayokong marinig ngayon sa inyo kundiman ng tagulaylay ng pagsuyo at lirika ng luha ng dalamhatit pagkabigo di ko kayang kulungin sa mga palad alon ng karalitaan sa bukid at kanayunan o ang ipuipo ng dusa sa bayan at kalunsuran huwag isampal sa akin ang maputlang buwan o bulagin ako ng bilyong bituin hijo y hija de puta, caramba! kumutan na lamang ng amihan ang buo kong katawan habang naglalamay sa karimlan.

hijo y hija de puta, caramba! ayokong marinig ang koro ng ave maria sa pulpito at sakristiya iparinig na lamang sa akin ang kadensa ng martsa ng laksa-laksang mga paa sa sementadong lansangan ng mendiola iparinig sa akin ang singasing ng pulbura sagitsit ng mga punglo at himno ng mga bomba kaluluwa koy matagal nang nakabartolina nagdurugo sa latigo ng inhustisyat pagsasamantala alipin pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga padre salvi, damaso at camorra unggoy pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga taft at harrison at obama busabos pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga diyus-diyosan sa hacienda ng mga panginoon sa pabrika at empresa nakabilanggo pa rin tayo, hijo y hija de puta sa bawat kuta ng uring mapagsamantala! hijo y hija de puta sa pamumulaklak ng mga talahib sa kaparangan at nagsalikop na sabana halina, halika hijo y hija de puta caramba! kasama ng malayang mga langay-langayan kawit-bisig, magkayakap-diwa nating tatahakin sa mahamog mang umaga o pusikit na karimlan sa alimpuyo ng dugo at lagablab ng apoy sa saliw ng musika ng kulog at kidlat lansangan ng ating katubusan at ligaya! Nasaan Si Svet lana T ar asko va? March 23, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

Wala na ang Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria wala na ang halimuyak ng mainit na tsaang vanilla wala na ang mesita kung saan isinusulat ang mga linya ng pangungulila at pakikibaka wala na ang siniserang himlayan ng naupos kong mga sigarilyo wala na ang malaking kuwadro ng ipinintang eksena ng Rebolusyong Bolshevik sa Rusya wala na ang kalantog ng kopita ng vodka nasaan na kaya si Svetlana Taraskova? nasaan na kaya ang malalim niyang mga mata na nilalanguyan ng matulaing mga alaala ng parang bulak na dagat ng niyebe sa mga lansangan ng Moscow kung saan pinagulong na parang piso pinutol na ulo ng kanyang Lolo ng berdugong sundalo ng mga Romanov sa paglalagablab ng apoy ng paglaya sa maunos at kumikidlat na panahon ng mga Tsar Nicholas at Tsarina Alexandra? Wala na ang Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria pero naroroon pa rin tindahan ng mga traje de boda isa kaya sa mga iyon ang isinuot na ni Svetlana Taraskova? o nagbalik siya sa Rusya dahil ayaw palamon sa bituka ng Amerika? di gaya ng maraming Juan at Juana na kulturang Amerikano na at waring di na maalaala

kabundukan ng Cordillera kabukiran ng Bulakan at Nueva Ecija karagatan ng Batanes at Sulu at lalong banyaga sa alaala mga Andres Bonifacio mga Lorena Barros o Tanya Domingo o iba pang buhay ay inialay para sariling bansay magbanyuhay at maghari demokrasyang tunay at lantay na hustisya sosyal. Wala na ang Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria nasaan na si Svetlana Taraskova? Sa maraming umagang sinasamyo ko halimuyak ng tsaang vanilla ilang ulit kong narinig sa kanya maalab na pagmamahal at pangungulila sa bansang himlayan ng sanlaksang alaala pinalangoy niya rin sa aking tsaa sa loob ng maraming mahalumigmig na umaga sina Vladimir Ilyich Ulyanov o Lenin at ibang nakaukit na bayani ng Rebolusyong Bolshevik ng Rusya isinaysay ang mga buhay at obra ng dakilang mga manunulat ng lupang sinilangan mga Tolstoi at Gorky at Dostoevsky mga Chekov at Pasternak at Turgenev di gaya ng mga Juan at Juana doon na walang kilala kundi sina Cristeta at mga sikat na artista sa pelikula gayundin ang mga nabuntis na o tinorotot ng asawa. Nasaan na si Svetlana Taraskova? kapiling kaya siya ng mga Pancho Villa at Emiliano Zapata

o katalik nina Simon Bolivar at Che Guevara? o kasamang naglalakbay nina Goyo del Pilar at Jacinto o nakikipagpiging kina Ho Chi Minh at Mao? Wala na ang Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria pero naroroon pa rin tindahan ng mga traje de boda dumadaluhong sa gunita si La Gloria at malinaw kong nakita sa balintataw naghihimagsik mukha ni Svetlana Taraskova nasaan na nga ba siya? Sa B ayan Ni J ua n February 12, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa bayan ni juan mortal na kasalanan ang maging makabayan baka pulutin ka sa kangkungan o saanmang basurahan lasug-lasog ang katawan utak at mukhay pinagpipistahan ng mga langaw at langgam baka di ka na rin makita kailanman kapag isinilid sa dram sementuhan at ipalamon sa pusod ng karagatan. sa bayan ni juan pakatandaan huwag kang magsasabi ng katotohanan basta paniwalaang umuunlad ang kabuhayan kahit lugaw at asin ang nagliliwaliw sa bituka ng maraming mamamayan dumarami man nagkakalkal ng basura para magkalaman ang tiyan milyun-milyon man damit ay basahan

bata-batalyon man palaboy sa lansangan mga parket damuhan man ang himlayan o nagtitiis paalipin sa banyagang bayan basta isiping mahalimuyak ang buhay sa bawat pagsikat ng araw sa bayan ni juan ugaliing itaas ang mga kamay maghosana sa kaitaasan maghaleluya sa mga diyus-diyosan laging may glorya daw sa bayan ni juan. sa bayan ni juan huwag mong isasaysay sa sambayanan hokus pokus at kahiwagaan ng kung anu-anong pandarambong sa pondo ng bayan huwag palalabasin sa lalamunan inhustisyat kasuwapangan ng iilang hari-harian sa lipunan baka dila moy hiwain mga ngipiy lagariin pati mata ay dukitin iturnilyo mga labit pasabugin. . sa bayan ni juan huwag na huwag makipagkaisa sa mapagpalayang adhikain ng manggagawat magsasaka huwag makipagtaling-pusod sa masa sa uring alipin at ibinartolina ng balintunang sistema huwag kang sasama sa kanilang sagad-langit na protesta laban sa uring mapagsamantala babansagan kang subersibot terorista banta sa seguridad ng republika. sa bayan ni juan malupit mga senturyon ng unano

kaya huwag matigas ang ulo kapag dinampot kat pinalad na ikalaboso at hindi naging desaparecido bababuyin ka ng mga utak-kurtado paaaminin kang rebelde laban sa estado ingungudngod ang mukha mo sa mataeng inodoro hubot hubad kang pahihigain sa bloke ng yelo pipilitin kang uminom nang uminom ng tubig na naninilaw sa mikrobyo hanggang pumintog nang pumintog ang tiyan mo saka biglang tatadyakan ng demonyo di ka titigilan kapag di umaamin sa nilubid na mga kasalanan bayag moy kukuryentihin isasaksak sa titi mo bagong sinding palito ng posporo o bibigtihin ng kuwerdas ng gitara lupaypay na ulo nito o diyos ni abraham malilibog ang senturyon ng unano kung babae kang isinalampak sa kalaboso lalaruin ang susot kiki mo saka kakabayuhin ka nang husto matapos laspagin ang puri mo at hingal-aso ang berdugo iiwan pang nakapasak sa ari mo anumang boteng nakatuwaan nito. talagang ganyan sa bayan ni juan dinuduhagit sinisikil ang mga makabayan ipinagkakait ang demokratikong proseso mapapalad lamang ang basalyos ng unano at kauri nilang salabusab at tuso mga payasot sirkero

mga batikang salamangkero nilalaklak nila ang dugo ng bayan nilalamon ang laman ng mamamayan sa paulit-ulit na pagtatanghal sa karnabal ng kasinungalingan isasakay sa ruweda ng panlilinlang hinihilong masang sambayanan iduruyan sa ilusyon ng huwad na kaunlaran at doble-karang katarungan talagang ganyan sa bayan ni juan ang taksil sa pambansang kapakanan at interes ng kumain-diling mamamayan silang mga tulisan sa kalunsuran silang nagpipista sa mesa ng kawalang-hiyaan may lakas ng loob pang mangalandakan na silay lantay na makabayan. sa bayan ni juan talagang ganyan mortal na kasalanan ng masang sambayanan ang maging makabayan at maghayag ng sagradong katotohanan pero di habang panahong laging ganyan sa bayan ni juan naglalagablab na ang liwanag sa silangan bumabangon na sa dilim ng nagdaang gabi ang mga alipin upang sa wakas mga sariliy palayain! Mula Ka y T an ya January 25, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) salamat sa mga oda sa halimuyak ng bungkos ng mga salita salamat sa pumpon ng mga bulaklak ng pangungulila at pakikiisa ng mga fudge tajar at kislap alitaptap

ng mga kapusod sa hilahil at dusa ng masa ng mga kadugo sa pakikibaka. salamat mga kasama huwag ikalungkot ang aking paglisan hindi ako nawawala madarama ninyo ang labi ko sa halik ng hangin sa inyong mukha maririnig ninyo ang tinig ko sa dagundong ng mga protesta sa mga lansangan at eskinita laban sa inuuod na sistema. hindi ako nawawala mga kasama huwag itangis ang pagkakalayo sa batis ng mapagpalayang mga layunin mukha koy masasalamin sa bawat pintig ng puso ng mga inalila sa bukid man sa kanayunan o pabrika sa kalunsuran pag-ibig koy madarama sa kalyo sa palad ng manggagawa akoy masasalat sa anghit sa kilikili ng magsasaka akoy malalanghap. lagit lagi akong naririyan sa dibdib ng mga kapanalig sa pakikibaka kasama akong umiindak ng mga talahib na namumulaklak kasama ako ng mga hamog sa damuhan kasama ako ng bawat uhay ng palay kasama ako ng langay-langayan kasama ako sa paglalamay ng nagkakaisang hanay kahit alitaptap ang tanging ilaw sa pusikit na karimlan. magkasama pa rin tayo mga kasama alalahaning di nasasayang ang anumang buhay

sa masang sambayanay inialay huwag bayaang tupukin ng kidlat ang ating pagmamahal sa bayang dibdib natit tiyan angkinin man ng lupa ang ating laman dugo tayong di titigil sa pananalaytay sa bawat ugat ng paghihimagsik sa inhustisyat kabusabusan diwa tayong patuloy na maglalakbay para mapairal ang hustisya sosyal diwa tayong patuloy na kakampay upang bansay magbanyuhay. salamat sa mga oda mga kasama salamat sa mahalimuyak na pag-alaala salamat sa kamanyang ng pagpapahalaga magkalayo man ang ating mga katawan magkakaugnay pa rin ang ating mga ugat magkadugot nagkakaisang-diwa sa paglalagablab ng apoy ng paglaya! Ayo ko Nang Ma kita An g Mga P utang na ! December 26, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez sanay di na magsalubong ang aming landas sa bangketa man ng raon at avenida lalo na sa lansangan ng protesta at liwasan ng progresibong mga ideya sanay di na muling magkasalo sa mesa ng ideolohiya at pag-usapan pa ang pambansang katubusan o dignidad ng masang sambayanan ayoko nang makita ang mga putangna! ayoko na silang makita silang matapang na mandirigma sa panahon ng diktadura silang nangalandakan ng pagkalinga sa masa silang pambansang pagbabago ang ninasa

silang nooy nakibaka pero ngayong makaamoy ng limpak-limpak na kuwarta lahat-lahat ay ibinasura naging tagapagtaguyod pa ng inhustisyat pagsasamantala sa balintunat inuuod na sistema arogante na kung magsiporma kalay mundoy kanila na gayong lalamunin din sila ng lupa o sa krematoryoy gawing abo na. ayoko nang makita ang mga putangna ano pa ang karapatan nila kundi bolahin na lamang ang masa? magkunwaring may paninindigan pa umastang prinsipyoy di lumuluhod sa pera? ang mga putangna ngayoy mandurugas pa tindero ng kasinungalingan sa palengke ng lipunan para makapanlinlang sa busabos na masang sambayanan bentador pa ng pambansang kapakanan sa pasilyo ng kapangyarihan magkamal lamang ng grasyat yaman kahit mabuhay sa kahihiyan. ayoko nang makita ang mga putangna baka tumalim ang dila biyakin mga dibdib nilat tiyan tadtarin ang atay at puso paluwain ang bituka dukitin ang mga mata putulin ang mga kamay at paa ataduhin ang mga bangkay ipataba sa palay

o isabog sa lupang binaog ng mga alagad ng pambubusabos. ayoko na silang makita, ayoko na maglalagablab lamang ang utak susulak ang dugo sa mga ugat babaligtad ang sikmura sa alingasaw ng katawan nila di ko sila matatagalang pagmasdan o kahit sulyapan man lamang mga huwad na makabayan mga kampon ng kasakiman mga manlilinlang kuwarta lamang pala ang katapat ng kanilang yabang at paninindigan. ayoko nang makita ang mga putangna lalamunin din sila ng lupa o sa krematoryoy maging abo na magbabanyuhay pa rin ang pag-asa ng masa sa patuloy na pakikibaka hanggang lipunay mabago na mapairal tunay na hustisyat demokrasya mapupulbos din ang uring mapagsamantala ang mga putangna! Sugap a sa Kap ang yar iha n December 4, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) LALONG LUMIIT sa mata ng opinyon publiko ang pagkatao ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo nang maghain siya ng kandidatura sa pagka-kongresista ng Ikalawang Distrito ng Pampanga. Gaya ng maraming hunyangong pulitikong nakaugalian nang sangkalanin ang paglilingkod sa bayan kahit, sa katotohanan, ang pagkasugapa lamang sa kapangyarihan, impluwensiyat sangkatutak na mga pribilehiyo ang pinanggigigilang yakapin nang husto, idinahilan ni La Gloria na matapat pa rin niyang layuning ipagpatuloy ang serbisyo publiko, lalo na para sa kanyang mga kabalen sa naturang distrito, ngayong magwawakas na ang pamamayagpag niya sa poder bilang Presidente ng tinatawag niyang Matatag na Republika.

Bagaman binibigyang-diin ng mga tambolero ng Malakanyang na taos sa puso ni La Gloria na paglingkuran pa diumano ang sambayanan kahit siyam na taon na siyang naging Pangulo ng Republikang Mamon, bukod pa bilang Bise-Presidente noon lalo lamang dumami ang nagdududang ang pagkandidato niya bilang kongresista ay bahagi ng isang makasariling planong mangunyapit habang-buhay, sa anumang paraan, sa nakababaliw na kapangyarihang pampulitika. Kahit hindi na nga siya puwedeng kumandidato ngayon bilang Presidente, legal naman at lehitimo niyang karapatang tumakbo sa higit na mababang puwesto senador man o kongresista, gobernador man o alkalde o konsehal o maging kapitana de barangay. Pero, sa punto ng mga kritiko, hindi na dapat gawin ni La Gloria ang gayon kung mayroon pa siyang natitirang delikadesa o pagpapahalaga sa sariling dangal at sa dignidad ng pagiging pangulo at, isa pa, kung talagang sagad-buto ang pagnanasa niyang makapanatili sa ruweda ng nakasusulukasok na pulitika, marapat lamang na magbitiw na siya ngayon sa tungkulin at, sa ngalan din ng delikadesa, binigyang-diin ng kanyang mga kritiko, hinihingi ng pagkakataong umalis na sa Malakanyang si La Gloria ngayong kumandidato na siyang kongresista, gayundin ang iba pang opisyal ng gobyerno na kumakandidato, upang hindi nila magamit ang anumang pondo, impluwensiya, pribilehiyo at kapangyarihan ng kani-kanilang puwesto laban sa sinuman, lalo na nga laban sa mga katunggali sa pulitika. Natural, at dapat lamang asahan, wala na yatang pulitiko sa ilalim ng Republikang Mamon ang hindi naghahangad na manatili sa kapangyarihan habang panahon kaya nga, sa kabilang banda, yumabong at lumaganap ang mga dinastiyang pampulitika. Higit na masama, sino pa nga ba sa naghambalang na mga pulitiko ang may delikadesa? Sabi nga, ang delikadesa at palabra de honor ay basahan lamang nila sa pasilyo ng kapangyarihan o pamunas pa ng puwit araw-araw. Sino pa nga ba sa kanila ang marunong pang magpahalaga sa sariling dangal o dignidad o pagkatao? Malinaw na magkakabalahibo sila at sementado ang mga pagmumukha kaya, sa kabilang banda, hindi kailanman maaari silang itulad sa mga opisyal ng bansang Japan na nagbibitiw agad sa puwesto kahit miyembro lamang ng kanilang pamilya ang nasangkot sa anumang eskandalo, at lalo na nga kung sila pa mismo ang pinaratangan ng katiwalian. Kung minsan, dahil sa labis na kahihiyan sa publiko, nagagawa pa nilang magpakamatay, hindi nag-uutos na patayin ang sinumang mga kalaban at mahihigpit na kritiko. Sapagkat kalimitang kabaligtaran ang kahulugan ng mga salitang nagmumula sa bibig ng mga pulitiko, halimbaway asahang kakandidato pa kapag binibigyang-diing di na kakandidato, puspusang paglilingkuran ang pansariling interes kapag sinabing matapat na paglilingkuran ang bayan, sasalaulain ang batas at demokratikong mga proseso kapag ipinangalandakang pangangalagaan at ipagtatanggol ang katarungan, ipapapatay ang mga magsasaka kapag sinabing ipatutupad ang reporma sa lupa o magpapakalunod kaya sa korupsiyon kapag ipinangakong susugpuin ito, at iba pa, at iba pa, lumilitaw tuloy ngayon na ang imposible ay maaari nang mangahulugang napakaposible. Sa pagkandidato ngayon ni La Gloria bilang kongresista ng Ikalawang Distrito ng dakilang nasyon ng mga kabalen, mahirap tuloy paniwalaan agad ang ipinangangalandakan ng mga salamangkero at tambolero ng Malakanyang. Ayon sa kanila, produkto lamang ng mapaglarong imahinasyon at walang malinaw na mga batayan ang

nilalarong pambansang mga senaryo ng mga palasuri at sumusubaybay sa mala-telenobelang pulitika sa lupain ng mga Indio. Una, sabi nila, isang malaking kahangalan ang iparatang na hindi magkaka-eleksiyon sa Mayo 10, 2010 at, katunayan, dugtong nila, handang-handa na ang tanghalan ng halalan kaya nga nagkukumahog ang Comelec sa mga dapat gawin para sa isang de-makinang (automated) eleksiyon na gagarantiya diumano sa mapayapa, maayos, at malinis na prosesong magluluklok sa poder sa mga susunod na opisyal ng bansa, higit sa lahat ay kung sino nga ang hahalili kay La Gloria sa Malakanyang. Imposible, kung gayon, idinakdak nila, na mangunyapit sa pagkapresidente ang Reyna ng Malakanyang sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar, gaya nang ginawa noon ng yumaong diktador na si Ferdinand E. Marcos. Pero, sa kabilang banda, may imposible pa nga ba sa Pilipinas? Limang buwan pa bago mag-Mayo 2010, at marami pang posibleng mangyari, halimbaway ang paglaganap ng mga karahasang pampulitika sa ibat ibang panig ng bansa. Nariyan na nga ang kasumpa-sumpang masaker sa Maguindanao na ikinasawi ng 57 katao peryodista ang 31 sa mga ito bukod pa sa paisa-isang mga pagpatay kaugnay ng nakasusukang pulitika sa ibat ibang panig ng kapuluan. Sapagkat Mafioso at utak-pulbura ang maraming pulitiko, at inutil ang AFP at PNP na walisin ang nagkalat na pribadong hukbo ng makapangyarihang mga pulitiko bagaman ipinakikita ngayon ni La Gloria ang ngipin ng batas sa kaso ng kaalyado niyang mga Ampatuan (o pakitang-tao lamang ito?), inaasahang lalaganap pa ang gayong mga karahasan habang papalapit ang eleksiyon dahil pera pa rin at baril at mga mamamatay-tao ang hindi maikakailang hukom ng bawat halalan sa bansang ito. Sa malaot madali, hindi naman kaya sumunod ang biglang mga pambobomba sa maraming lugar? (May pambobomba na ngang nangyari sa Jolo nito lamang Dis. 5). Kung magkagayon, napakadali nang pangatuwiranang kailangan nang ipailalim sa Batas Militar ang Matatag na Republika ni La Gloria (idineklara na nga ito, Dis. 5 rin, kahit sa Maguindanao lamang) at, natural, kapag pinairal na sa buong bansa ang naturang batas, hindi na basta mapapaknit ang kanyang puwit sa inodoro ng kapangyarihan, maliban na lamang kung magkudeta ang mulat na sektor ng militar o matagumpay na magrebolusyon ang sambayanan. Tanggapin nang suntok sa buwan na ipailalim ang bansa sa Batas Militar, imposible bang mamaniobra ni La Gloria at ng kanyang masusugid na basalyos ang resulta ng eleksiyon pabor sa kanila? Preparasyon ba para sa isang parlamentaryo-pederal-unikameral na sistema ng gobyerno ang pagkandidato ni La Gloria sa pagka-kongresista tanggapin na ring magkaka-eleksiyon sa susunod na taon kaya hindi rin imposibleng maging Punong Ministro naman siya sa ilalim ng bagong sistema? Sabi ng mga salamangkero ng naghaharing rehimen, hindi papayag ang susunod na Presidente ng bansa na magkagayon dahil gumastos ito nang husto at nagpakahirap sa pangangampanya maging Presidente lamang at gagawin nito ang lahat, binigyang-diin ng mga tambolero ng Malakanyang, na hadlangang maging parlamentaryo ang sistema ng pamahalaan upang hindi mauwi sa bula ang pagigi nitong Presidente. Pero wala na ngang imposible sa ilalim ng Republikang Mamon. Matagal nang nabibili ang mga prinsipyot paninindigan, maging karangalan, sa pamamagitan ng limpak-limpak na kuwarta at masaganang mga konsesyon. Imposible ba, kung gayon, na maging Espiker muna ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si La Gloria saka

puspusang isulong na mag-Cha-Cha (charter change) o pagbabago sa 1987 Konstitusyon tungo sa gobyernong parlamentaryo, hindi na presidensiyal? Sa kawan ng bastardong mga pulitiko, sino pa nga ba ang hindi nabibili sa tamang halaga? At isaalang-alang din na nanggigigil si Uncle Sam na baguhin nga ang Saligang-Batas upang lalo nitong maisulong ang masiba nitong imperyalistang mga patakaran kung maibabasura na ang mga limitasyong pang-ekonomiyang nagtatakda ng dayuhang pamumuhunan dito para, sa kabilang banda, makapagmay-ari na sila ng mga lupain at gusali dito, 100% makontrol ang mga korporasyon at negosyo, at mapasok pat makalantari maging ang pambayang mga utilidades na dapat na nasa kamay lamang ng mga Pilipino alang-alang sa pambansang seguridad at makabayang ekonomiya. Hindi kaya ito ang ibinulong ni Sekratarya Hillary Clinton ng Estado ng Amerika nang makipag-ututang -dila siya kamakailan kay La Gloria? O ang pagbabago sa Konstitusyon ang pangunahing dahilan din kung bakit sinusuportahan ng mga opisyal na Amerikanong dumalaw kamakailan sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at ng gobyerno tungo sa katuparan ng BJE (Bangsamoro Juridical Entity) na, di nga kasi, malabong mangyari kung hindi pederalparlamentaryo ang sistema ng gobyerno? Marami pang masalimuot na mga katanungan ang dapat sagutin at linawin ng naghaharing rehimen kaugnay ng posibleng mga senaryong kinakaharap ng bansa lalot kaugnay ng pagkandidato ngayon ni La Gloria sa pagkakongresista, bukod sa sinasabing masidhi nitong hangaring mangunyapit sa inodoro sa kubeta ng kapangyarihan. Isang bagay ngayon ang hindi na mapag-aalinlanganan: tiyak, magka-eleksiyon man o hindi, puspusan at tuluy-tuloy na igigilgil ng mga basalyos ni La Gloria at ng mga tuta ni Uncle Sam ang pagbabago sa Konstitusyon at paiindakin sa Cha-Cha ang payasot sirkerong mga pulitiko anuman ang mangyari o anumang konsesyon ang isupalpal sa kanilang mga bunganga o gaano mang pera ang ipalamon sa mala-imbudo nilang bulsa maikamada lamang o maikasa ang mga baraha tungo sa katuparan ng masidhit nakababaliw na makasariling mga ambisyon. Sa ngalan nga ng pagkasugapa sa kapangyarihan, wala na ngayong moral o imoral, legal o ilegal, etikal o garapal. Ano pa nga ba ang delikadesat kredibilidad, palabra de honor o dignidad, at prinsipyo o paninindigan basta nakataya ang masidhing pagnanasang makapanatili sa kapangyarihan mapinsala man ang pambansang kapakanan? Punyeta lamang ang katumbas ng mga iyon, at lalong hindi ikatitigatig ng konsensiya ng mga kinauukulan kung walang patumangga man nilang itambak lamang at bulukin ang sagradong mga bagay sa poso negro ng nakasusukat nakapaghihimagsik na pambansang pulitikang patuloy na kontroladot sinasalaula ng uring mapagsamantalat diyus-diyosan tungo sa higit pang kapinsalaan ng bansa na, natural at dapat asahan, lalo namang magbubulid sa masang sambayanan sa kaalipinan at higit na miserableng pamumuhay. Malakan ya n g: Nag hub ad Na November 17, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

TULUYAN nang naghubad ng paldat panty ang Malakanyang at ipinakita na ang lahat-lahat nang italaga ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ang dati niyang tagapayo sa pambansang seguridad, si Norberto Gonzales, Jr., bilang bagong kalihim ng Tanggulang Bansa o DND, kapalit ni Amboy Gibo Teodoro, Jr. na naghahangad namang maging Presidente ng Republikang Mamon. Natural, tinuligsa agad ng makabayang mga sektor ng lipunan na nagmamahal sa kalayaan at nagpapahalaga sa demokratikong mga proseso at mga karapatang sibil ng sambayanan ang pagkakahirang kay Gonzales sa naturang puwesto. Ayon nga kay Lito Ustarez, pangalawang pangulong tagapagpatupad ng KMU (Kilusang Mayo Uno), muling binuhay si Adolf Hitler ni La Gloria, at inaasahang titindit lalaganap ang extra-hudisyal na mga pagpatay, dadami ang mga desaparecido at, gayundin, maghahari ang militarisasyon sa bansa, lalo na sa Mindanaw. Kilala pa nga si Gonzales bilang reinkarnasyon diumano ni McCarthy, isang pulitikong Amerikano noon na mahilig magpakalat ng mapanirang mga propaganda sa mga itinuturing niyang kaaway ng Estado, lalo na laban sa mga kritiko ng rehimen at sumasalungat sa mapandambong na kapitalismo at nagsulong din, kaugnay nito, ng maruruming taktika at imbestigasyon sa mga pinaghihinalaan niya lamang na mga Komunista. Sinasabi ding itinalaga si Gonzales sa naturang puwesto upang tiyakin ang panalo ng masusugid na basalyos ni La Gloria sa darating na sarsuwela ng hunyangong mga pulitiko kung hindi nga tatangkain ng administrasyon na idiskaril ito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga karahasan sa bansa upang mapangatuwiranan namang ideklara ang Batas Militar, lalo na ngat mukhang tagilid nang maigilgil pa ang pagbabago sa umiiral na Konstitusyon. Matatandaan, noon, iminungkahi na ni Gonzales na magbuo ng isang gobyernong transisyonal na patatakbuhin ng isang konsehong pamumunuan ng Punong Mahistrado ng Korte Suprema para mag-Cha-Cha (charter change) bago mag-Mayo 10, 2010. Ngayon naman, gusto niya ang isang pamahalaang rebolusyonaryo tulad nang ginawa ni dating Pres. Cory Aquino (SLN) para mabalangkas agad ang isang bagong Konstitusyon nang hindi na kailangan ang suporta o pagsang-ayon ng makulit na Senado o ng buong Kongreso ng mga payasot sirkero. Maliwanag, layunin nitong mapanatili pa sa poder ang naghaharing rehimen upang mailigtas naman sa naghihintay na santambak na kaso, mga krimen laban sa bansat sambayanan, ang Reyna ng Malakanyang kung mawala na nga ito sa kapangyarihan. O bahagi ito ng pakana ng Estados Unidos ng Amerika na kilala nang likas na pakialamero sa kasarinlan o soberanya ng mga bansang gusto nitong panghimasukan, pagsamantalahan at pagharian para makapagluklok sa poder ng mga papet na gobyerno at maisulong naman ang mapandambong na imperyalista nitong mga patakaran pampulitika man, pangkultura man at, higit sa lahat, pang-ekonomiya (balik-suriin na lamang ang mga ginawa nitong kaguluhan sa Korea at Vietnam, sa Iraq at Afghanistan, at sa ibang mga bansa sa Amerika Latina at Aprika). Nang biglang tumuntong sa lupain ng mga Indio kamakailan si Sekretarya ng Estado Hillary Clinton ng Amerika, naghubad na rin ng palda ang Amerika at ibinuyangyang na rin ang labis na pagnanasang mapanatili ang kontrobersiyal na VFA (Visiting Forces Agreement) at mabago ang umiiral na Konstitusyon para maibasura ng

walang gulugod na pambansang liderato ang mga limitasyong pang-ekonomiyang nakapaloob sa 1987 Konstitusyon na, maliwanag, humahadlang pa kahit paano sa lubos na kalayaan ng dayuhang mga kapitalista, lalo na ng mga Amerikano, na kalantariin, gahasain, at laspagin nila ang pambansang pulitikat kabuhayan. Hindi kaya isa ito sa ibinulong at idinikta ni Hillary kay La Gloria kapalit ng mga ipinangalandakang ayuda sa mga napinsala ng mga bagyong Ondoy at Pepeng, bukod sa iba pang ipinangakong anumang tulong sa naghaharing rehimen para matiyak na isa na namang papet ni Uncle Sam ang susunod na hahalili kay La Gloria kung hindi na ito patuloy na magpakasugapang mangunyapit sa inodoro ng kapangyarihan? Natural, kung maipalulunok agad sa titiguk-tigok na lalamunan ng sambayanan ang minimithing Cha-Cha, niliwanag na noon pa man ng masusugid na basalyos ni La Gloria na pahihintulutan na ang dayuhang mga kapitalista, una na ang mga Amerikano, na makapagmay-ari na rito ng mga gusalit lupain, 100% kontrol sa mga korporasyon at negosyo at, higit na masama, maaari pa nilang pasukin maging ang pambayang mga utilidades sa kapinsalaan ng pambansang seguridad tulad ng tubig at kuryente, transportasyon at telekomunikasyon, mga ospital at paaralan, at kahit mass media (peryodiko, radyot telebisyon). Sa maikling salita, lubusan na nilang mamaniobrat mapagsasamantalahan ang pambansang kapamuhayan, lalo na ang likas na mga kayamanan nito. Kung ganito rin lamang, bakit hindi pa ibenta ang Republikang Mamon at ipasakop nang lubusan at gawing isa pang bagong Estado ng mga Amerikano, tulad ng Guam, Hawaii at Alaska? O disimulado na ngang nangyayari ito? Kailan ba tumulong ang Amerika sa diumanoy mga kaibigan nito nang walang hinihinging kapalit? Maaalaala, nang panghimasukan nito at agawin ang tagumpay ng Rebolusyong 1896 ng Pilipinas at ibalik noong Hulyo 4, 1946 ang kinulimbat nitong kasarinlan ng bansa, pinatutunayan ng kasaysayan na ikinamada muna ni Uncle Sam ang kung anu-anong tratado na maliwanag na pabor lamang sa mapandambong at mapaghari-harian nitong imperyalistang mga patakaran na, hindi mapapasubalian, nagpalaganap ng inhustisyat karalitaan hanggang ngayon sa ating bansa. Maisulong nga lamang ang gayong mga interes, sa pakikipagsabuwatan na rin ng naghaharing rehimen, sinasakyan ng mga diyus-diyosan sa Washington ang isyung ipinaglalaban ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) ang pagkakaroon ng isang nagsasariling Bangsamoro. Maaalaala, noon pang 2008, kahit gustong ilihim, dumalaw si Embahador Kristie Kenny sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, at nakipag-usap sa mga opisyal ng MILF bilang pagpapahayag ng suporta sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng nagrerebeldeng grupo. Kamakailan naman, at halatang pang-uuto, bigla ring sumulpot doon ang ilang opisyal ng Embahada ng Amerika dito sina Leslie Basset (charge daffairs), Michael Pignatello (poilitical officer), Anthony Senci (embassy defense minister), at Elzaida Washington (US-AID country director). Natural, ipinangalandakan nila sa mga opisyal ng MILF, kina Ebrahim Murad at Ghazali Jaafar, ang lubos nilang pagsuporta at paghahandog ng anumang ayuda sa naunsiyaming usapang pangkapayapaan tungo sa katuparan ng BJE (Bangsamoro Juridical Entity) na mapanlinlang na inilawit-lawit noon ng mga negosyador ng gobyerno gayong alam na alam naman nila, dahil hindi naman sila hangal at bobo, na hindi maaaring pirmahan at pagtibayin ang mga dokumentong kaugnay niyon nang hindi muna

babaguhin ang 1987 Konstitusyon tungo sa isang parlamentaryo-pederal-unikameral na sistema ng gobyerno, hindi na presidensiyal tulad ngayon. Maliwanag din tuloy, sa biglang pagsulpot doon ng naturang mga opisyal na Amerikano, na ginagamit nila ang isyu ng usapang pangkapayapaan para maisulong din ang Cha-Cha at maitatag ang isang pederal o nagsasariling Bangsamoro. Isa rin itong taktika ng Amerika na putulin ang ugnayan ng MILF at ng CPP-NPA sa Mindanaw at. kung magagawa nila ito, saka naman ibubuhos ang anumang puwersa laban sa may apat na dekada nang rebolusyonaryong pakiklbaka ng CPP-NPA laban sa imperyalismong Amerikano, burukrata kapitalismo at piyudalismo tungo sa pagkakaroon ng minimithi nilang pambansang katubusan at pagbabago. Hindi pa nga natutupad ang mga layunin ng Amerika, sinasabing naglalaway na itong makapagtayo ng estratehikong base militar sa Mindanaw at magahasa ding lubusan ang masaganang likas na yaman ng naturang teritoryo. Sa nabanggit na mga eksena, ano naman nga kung gayon ang papel na gagampanan ng bagong sekretaryo ng DND? Gaya ng pelikulang The Executioner at The Terminator, si Gonzales ba ang puspusang magmamaniobra at magpapatupad ng mga pakana ng kutsabahang Amerika-La Gloria? Kung ganito nga, lalot naghubad na ng paldat panty ang Malakanyang, kaiingat kayo, sabi ng propagandistang bayaning si Marcelo H. del Pilar noong panahon ng kolonyalismong Kastila. # Sino An g Mga Dap at P arusaha n? October 19, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) NAKALULUNOS ang serye ng mga larawang bumulaga sa telebisyon sa kasagsagan ng mga pagbaha sa Kamaynilaan at iba pang panig ng kapuluan bunga ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Para iyong mga eksena ng malagim na pelikulang nagsasalimbayan sa balintataw at mahirap basta-basta mabura sa gunita mga bangkay na natabunan ng gumuhong mga bato at maputik na lupa o nilunod kaya ng rumaragasang mga pagbaha, mga bahay na nawasak, mga pananim na ganap na napinsala, mga mukha ng gutom at dalamhati sa bubong ng mga bahay, mga musmos na nag-iiyakan, mga sumagasa sa baha malimusan lamang ng anumang tulong, mga lupasay na katawan ng mga taong nagsisiksikang parang mga sardinas sa mga sentrong-likasan, at mga nakaligtas nga ngunit wala namang mga ari-arian at kabuhayang maaaring balikan. Nakakaantig din naman ng damdamin, at dapat mataos na pasalamatan at saluduhan, ang pagdagsa ng kung anuanong tulong sa mga napinsala pera, pagkain, damit, gamot, at iba pa mula sa ibat ibang sektor ng sambayanan, lalo na mula sa mismong masa o ordinaryong mga mamamayang laging handang dumamay sa mga kapwa nila maralita o kapus-palad. Kapuri-puri din ang pagkilos ng mga kapwa Pilipino sa ibat ibang bansa na nagpaabot ng anumang makakayanan upang makatighaw man lamang, kahit bahagya, sa pagdurusa ng mga biktima ng malagim na pagbaha.

Nakasusuka naman, at nakasusulak ng dugo, sa kabilang banda, ang mga buladas at pagpapabida sa harap ng gumigiling na kamera ng telebisyon ng mga opisyal ng pamahalaan, sa pangunguna ni La Gloria, habang ibinabandila ang mga pagpupulong at talakayan at ang ipinagdadakdakang mga nagawa na at mga hakbang na dapat gawin agad upang malunasan diumano, at mahadlangan sa hinaharap, ang grabeng mga kapinsalaan at problemang idinulot ng naturang trahedya. May mga pasiklab na imbestigasyon pa nga sa Kongreso upang linawin kung sino ang nagpabaya o nagkasala at dapat managot, sa aba naming palagay, sa sambayanan: paupuin kaya sa silyaelektrika o lunurin sa baha o habangbuhay na bulukin sa bilangguan upang makatighaw man lamang sa pagdurusang umaalipin pa rin hanggang ngayon sa mga naging biktima. Sa kabila ng magandang imaheng pilit na ipinipinta ng mga awtoridad sa mata ng opinyon publiko, halatang-halata namang naghuhugas-kamay sila sa mga nangyari, nagsasa-makabagong mga Pilato gayong, kung tutuusin, matagal na nilang ipinapako sa krus ang masang sambayanan dahil sa kanilang mga kapabayaan, katiwalian at kainutilan. Sabi nga, magkumahog man sila ngayon sa paglalapat ng mga solusyon, huling-huli na ang lahat at patay na ang kabayo bago pa dumating ang kakaining pulot at damo. Noon pa mang nagdaang mga rehimen, at pati nga ngayon, naipon at nagkapatung-patong na ang mga kasalanan ng kinauukulang mga opisyal ng gobyerno. Hindi man lamang pinag-aralang mabuti ang magiging epekto sa kalapit na mga komunidad, maraming tusong mga negosyante ang agarang pinagkalooban ng mga konsesyon sa pagtrotroso at, higit na masama, ibinasura lamang at hindi mahigpit na ipinatupad ang batas laban sa ilegal na pagtotroso na, kalimitan,kasabuwat pa o protektado pa ng bastardot gahaman at makapangyarihang mga pulitiko ang grupo o kompanya ng mga ilegal na nagtotroso. Bilang pangangayupapa sa dayuhang mga korporasyon, at wala ring masusing pag-aaral, pinahintulutan din ang walang habas na pagmimina sa maraming kabundukan ng Republikang Mamon kaya lalong lumalala ang pagkawasak ng kalikasan. Idagdag pa nga, dahil sa nakaugaliang lagay o suhol at walang malinaw na pagpaplano o tinatawag na zoning, sinertipikahan ng tiwaling mga opisyal na industriyal ang talagang lupaing agrikultural kaya nagsulputang parang mga kabute sa mga dating palayan at maisan, lalo na sa Gitnang Luson at Timog Katagalugan, ang naghambalang na mga pabrikat subdibisyon. Higit na masama, hinawan at pinatag upang gawin ding subdibisyon maging ang makahoy na dalisdis ng mga bundok at dating mga burol, na mabisang pumipigil noon sa mga pagbaha. Nariyan din ang kumipot at bumabaw na mga ilog, kanal at estero na daluyan ng tubig tungo sa karagatan. Bagaman, sa kabilang banda, may inilalaang malaking pondo para sa paglilinis at pagpapalalim sa naturang mga daluyan ng tubig, pinabayaan lamang ito ng mga henyo sa DPWH (Dept. of Public Works & Highways) o kung kumilos man sila ay pakitang-gilas lamang, kaya patuloy pang naging tapunan ito ng mga basura o sinasarahan o binabarahan kaya ng nagsulputan pang mga bahay. Wala na nga yata sa bokabularyo ng mga ganid na lingkod ng bayan ang praseng pambayan o pampublikong kapakanan at ang paborito nila ngayong mga salita ay: Magkakapera ba ako diyan? Magkano ang akin diyan? Sino nga ang dapat sisihin, at parusahan, sa mga trahedyang dulot ng grabet malaganap na mga pagbaha? Paano na ang mga bahay na nawasak at inanod? Paano na ang nawasak na mga tulay at kalye at iba pang imprastrukturang

galing sa buwis ng nagdaralitang sambayanan? Paano na ang mga pananim na hindi na pakikinabangan? Higit sa lahat, paano na ang ibinuwis na mga buhay maging ng mga musmos pa lamang? Paano na ang mumunting pangarap ng mga pamilyang naging biktima? Kasalanan ba ito ng malakas at matagal na pag-ulan lamang? Kasalanan ba ito ng Diyos ni Abraham o malinaw ding kasalanan ng mga diyus-diyosan sa lipunan at pamahalaan? At, kaugnay ng mga nabanggit, sa kabila ng mahigpit na pangangailangang lawitan agad ng tulong ang napinsalang mga pamilya, huwag na ang pagsasaayos sa nawasak na mga tulay, kalye, at ibang imprastruktura, bakit waring napakabagal ang pagpapalabas ng gobyerno sa P10 bilyon pondo sa kalamidad, bukod pa sa nalikom na abuloy mula sa ibat ibang mga bansa at organisasyon? O dudugasin lamang ito ng mga palsipikadong makabayan para sa kanilang kampanya sa darating na sarsuwela ng mga hunyangong pulitiko sa Mayo 10, 2010? Kung ang pagbabatayan tuloy ay ang pahayag kamakailan ng Peasants-USA, isang organisasyong nagtataguyod sa pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga campesino (peasant) sa buong mundo, may kriminal na pananagutan ang rehimeng Macapagal-Arroyo, ang NAPOCOR (National Power Corporation), at ang iba pang opisyal ng gobyerno sa labis na kapinsalaang idinulot ng nagdaang trahedya. Noon pang 1998 nang sinisimulan pa lamang ang konstruksiyon, sabi ng Peasants-USA, tinutulan na ng mga tagaCordillera, lalo na ng mga taga-Benguet, gayundin ng mga taga-Pangasinan at iba pang probinsiya sa Gitnang Luson, ang pagtatayo ng San Roque Dam dahil nakita na nila ang kapahamakan at kapinsalaang idudulot nito sa nabanggit na mga komunidad. Sa nagdaang trahedya, sa Cordillera na lamang at Pangasinan, 250 ang namatay at nagkaroon ng mga 40 insidente ng pagguho ng lupa, bukod pa nga sa mga ibinuwis na buhay at ari-arian sa binahang mga lugar sa Kamaynilaan, mulang Antipolo at Marikina hanggang Pasig hanggang sa mga bayan-bayan na malapit sa umapaw na Laguna de Bay. Pinakamalaki diumanong prinsa sa buong Asya ang San Roque Dam bago itinayo ang Upper Yangtze River Dam sa China. Pinondohan ang pagtatayo nito ng $1.2-bilyon ng JBIC (Japan Bank for International Cooperation) at bahagi ng kontrobersiyal na PPA (Power Purchase Agreements) na hindi maikakailang labis na nagpataas sa singil ngayon sa kuryente. May taas itong 220 metro, may sakop na habang 1.13 kilometro, at may kabuuang sakop na 12.8 kilometro kuwadrado. Kapag nagpakawala ito ng tubig (may kapasidad itong 850 milyong metro kubiko ng maiimbak na tubig na makalilikha naman ng 345 megawatts na kuryente), raragasa ang tubig nito sa Ilog Agno sa Cordillera at daraan sa tinitirhan ng mga tribong Ibalois at Kan-kanaey doon bago dumaloy sa mga ilog sa Gitnang Luson. Sa itaas ng San Roque Dam ang naunang itinayo noong dekada 50 na Ambuklao Dam at ang Binga Dam na itinayo naman noong dekada 60. Pag-aari ang 75% ng San Roque Dam ng Marubeni Corporation at 25% ng Kansai Electric Power Co. Ltd. na nagbebenta naman ng kuryente sa Napocor. Nang manalasa ang mga bagyong Ondoy at Pepeng, ipinaratang ng Peasants-USA na kailangan nang magpakawala ng tubig ang mga awtoridad ng Napocor dahil umabot na ng 280

metro na siyang ultimong kapasidad ang taas ng tubig sa dam o prinsa (Okt. 4-5) pero nag-atubili ang kinauukulang mga awtoridad na pakawalan iyon nang unti-unti. Sa labis na panghihinayang sa mawawalang kuryenteng maiimbak, hinintay pa iyong tumaas ng 288 metro saka libu-libong metro kubiko ng tubig ang biglang pinakawalan bawat segundo, kaya hindi nga katakatakang biglang grabeng bumaha sa maraming lugar na tutuluyan ng rumaragasang tubig. Alam na nga natin ang naging malagim na resulta niyon sa maraming komunidad ng bansa, lalo na nga sa Cordillera, Pangasinan at Kamaynilaan. Bakit hindi unti-unting nagpakawala na ng tubig ang San Roque Dam noong Oktubre 4 nang 280 metro na ang taas ng naimbak na tubig niyon at hinintay pang maging 288?, mariing tanong nga ng Peasants-USA. Maliwanag, ayon sa kanila, inuna pa ang kapakanan ng negosyo bago ang kapakanan at kaligtasan ng maaapektuhang mga mamamayan at komunidad. Umiral. kung gayon, ang kasuwapangan at kawalang-puso ng mga kapitalista, gayundin ang kapabayaan at kainutilan ng kinauukulang mga opisyal ng pamahalaan kaya naganap ang nakalulunos na trahedya. Sino, kung gayon, ang dapat managot at parusahan sa bagay na ito? Ang Diyos ba ni Abraham o ang mga diyusdiyosan sa pamahalaan at lipunan? Ayon nga sa paratang ng Peasants-USA, malaki ang kriminal na pananagutan ng rehimeng Macapagal-Arroyo, ng NAPOCOR, at ng iba pang opisyal ng burukrasya sa mahirap makalimutang nagdaang trahedya. Paano kaya kung sila naman, kabilang ang kanilang mga pamilya, ang malunod sa baha? # Fid el Castro : Reb o lus yo nar yo September 22, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) SA pamamagitan ng isang nakatagong estasyon ng radyo sa kabundukan ng Sierra Maestra, madamdamin at maalab na nagtatalumpati ang rebolusyonaryong si Fidel Castro. Hinihimok niya ang mga mamamayan ng Cuba na puspusang kumilos at tuluyan nang maghimagsik para wakasan ang kasumpa-sumpang diktatoryal na rehimen ni Fulgencio Batista. Bilang protesta at isang paraan ng paglaban sa malupit, marahas, mapanikil at mapandambong na rehimeng iyong kasabuwat ng lokal na malalaking kapitalistat asendero at ng dayuhang interes, inuudyukan niya ang mga Cubano na sunugin ang lahat ng tubuhan doon at, habang binibigyang-diin niya iyon, binulungan siya ni Ernesto Che Guevara, isang doktor mula sa Argentina na umanib sa isinulong na rebolusyon ni Fidel: Sabihin mo ang unang sunugin ay ang tubuhan ninyo. Hindi nag-atubili si Fidel at madiin at mataginting na sinabi: Ang una ninyong sunugin ay ang tubuhan namin! At parang apoy na kumalat sa tuyong talahiban ang suportang inani ni Fidel mula sa masang sambayanang Cubano. Hindi matatawaran noon ang matapat na layunin at dedikasyon ni Fidel Castro na palayain ang masang sambayanang Cubano hindi lamang sa diktatoryal na rehimen ni Batista, kundi maging sa iba pang mga puwersang

umaalipin o bumubusabos sa kanila, una na sa mapandambong na interes ng imperyalismong Amerikano at, gayundin, sa pagsasamantala at inhustisya ng iilang diyus-diyosan sa lipunan mga makasariling pulitiko, mga tusong asendero/komprador at ganid na malalaking kapitalista/negosyante na pawang kasabuwat ng naghaharing rehimen at maitatag, sa wakas, sa buong Cuba ang isang mapayapa, maunlad at sosyalistang lipunan para sa kapakanan ng higit na nakararaming ordinaryong mga mamamayan. Sabi nga ni Fidel: Naniniwala akong naririto ang bansa hindi para sa esklusibong kapakinabangan at pribilehiyo ng iilan, kundi itoy para sa lahat. Sa panahong iyon gaya rin sa Pilipinas ngayon nakita ni Fidel ang maliwanag na pambansang kalagayan ng Cuba: Sawang-sawa na ang mga campesino (peasant) sa mga talumpati at pangakong reporma sa lupa. Alam nilang walang maaasahang anuman mula sa mga pulitiko. Alam ng isang milyon at limandaang libong mga Cubanong walang trabaho bunga ng kainutilan, kasuwapangan at kakulangan ng bisyon ng lahat ng masamang gobyernong dinaanan natin, na walang dapat asahan mula sa mga pulitiko. Alam din ng libu-libong pasyenteng walang kama ni gamot sa mga ospital na talagang walang maaasahan mula sa mga pulitikong sinusuyo ang kanilang boto kapalit ng mumunting pabor mga pulitikong nabubuhay ang mga negosyo sa tangkilik ng mga maralitang nililimusan ng mga ito ng kaunting halaga kapag halalan. Alam din ng daan-daan libong mga pamilyang nakatira sa mga dampa, sa anumang masisilungan, sa mga bakanteng lote, o nagbabayad ng napakataas na renta sa inuupahang tirahan na wala silang maaasahang anuman mula sa mga pulitiko; alam din ito ng mga manggagawang pantawid-gutom lamang ang suweldo, na ang mga anak ay walang damit ni sapatos na pamasok sa eskuwela; alam din ito ng mga mamamayang nagbabayad ng kuryente na may napakataas na presyo kaysa halaga nito sa alinmang bansa sa mundo, o matagal nang nagpapakabit ng telepono pero wala pa rin hanggang ngayon at, sa huli, alam ito ng mga nagdusa o patuloy na nagdurusa dahil sa kanilang matagal nang miserableng kalagayan. Alam ng mga mamamayan na daan-daan milyong piso ang inilalabas sa bansa ng dayuhang mga korporasyon, gayundin ang daan-daang milyong dinambong ng mga mandurugas, saka ang limpak-limpak na halagang nakulimbat ng mga kinauukulan dahil sa katiwalian ng libu-libong parasitong wala namang nagawang mabuting serbisyo o naiambag na anuman para sa komunidad. xxxx Kung hindi sa mga nabanggit, maaaring ang Cuba ay maging isa sa pinakamaunlad at pinakamayamang bansa sa Amerika, walang mandarayuhan sa ibang bansa, walang disempleyo, walang halos mamatay sa gutom, walang maysakit na walang mahigaang kama, walang hindi marunong bumasat sumulat, at walang mga pulubi. Binigyang-diin pa ni Fidel: Matagal na tayong nakikibaka laban sa gang ng mga pulitikong malinaw na walang malasakit o interes na magkaroon ng radikal na pagbabago sa bansa at, sa halip, ibinubulid pa nila ito nang husto sa kamatayan sa pamamagitan ng balintunang mga patakaran gayong labis-labis na mga biyaya ang kaakibat ng mga puwesto sa lehislatura, at ang matataas na poder na pampulitika, kakambal ang limpak-limpak na grasya, ay ginagawang panghabang-buhay o maaari kayang ipamana pa. Nakikibaka tayo laban sa mga intriga at maniobra ng mga taong nagsisipagsalita sa ngalan ng sambayanan pero wala namang suporta sa mga mamamayan; nakikibaka

tayo laban sa bulaang mga propetang nangangalandakan laban sa rebolusyon sa ngalan ng kapayapaan gayong, sa kabilang banda, kinakalimutan nilang sa mga tahanan ay namumugad ang gutom at pangamba, at wala namang kapayapaan sa nagdaang apat na taon. Idinagdag pa ni Fidel na nilalason lamang ng mga pulitiko ang kaisipan ng mga mamamayan, lalo na nga sa panahon ng halalan, sa pamamagitan ng kanilang madamdaming mga buladas at pangako pero, sa kabila ng nagdaang mga taon, hindi naman nalunasan at naputol ang ugat ng panlipunang mga problema. Sa halip, ang ibinunga pay nakapanghihilakbot na pagdurusa ng mga campesino at karalitaan ng mga lungsod industriyal. Ibinunga ng hokus pokus ng mga pulitiko ang libu-libong pamilyang wala ni kapirasong lupa at milyun-milyong mga walang trabaho samantala, sa kabilang banda, naglulublob sa kayamanan at karangyaan, mga propiyedad at palasyo, ang mga pulitiko. Mga salaping dinambong, pinuhunan sa negosyo sa Cuba, sa Estados Unidos, at sa buong mundo habang dayukdok ang masang sambayanan, dugtong pa nga ni Fidel. Ano nga ba ang ipinagkaiba pa ng Cuba noon sa Pilipinas ngayon? Napatalsik nga sa poder ang diktador na si Fulgencio Batista sa pamamagitan ng rebolusyong pinamunuan nina Fidel Castro, Che Guevara, Camilo Cienfuegos, at iba pang magigiting na rebolusyonaryo sa Cuba at, pagkatapos, pinairal doon ang sistemang sosyalista na nagtaguyod sa radikal na mga pagbabagong panlipunan, mulang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa, paglilinis sa gobyerno sa dating talamak na katiwalian, at pagpapairal ng pantay na katarungan para sa lahat, hanggang sa pangangalaga sa mga karapatang sibil ng sambayanan. Sa kabila ng embargong pinairal ng Estados Unidos laban sa Cuba, lalo na sa larangang pang-ekonomiya, hindi sumuko hanggang ngayon ang naturang bansa sa imperyalistang mga patakaran ni Uncle Sam at hindi napakasangkapan si Fidel o nagpakatuta sa mga kagustuhan nito. Kahit sinasabing ang Cuba ang tanging bansa sa kanlurang bahagi ng mundo na hindi yumakap sa isinusulong na demokrasyang tatak-Amerika, at sa buong panahon ng rebolusyon sa Cuba mulang 1959 magpahanggang ngayon, hindi nasaksihan sa naturang bansa ang walang patumanggang paglabag sa mga karapatang pantao, ayon kay William Blum sa kanyang aklat na Rogue State. at inamin ito ng administrasyon ni dating Presidente Bill Clinton ng Estados Unidos. Sa buong Amerika Latina, nasaksihan ang kabi-kabila at garapalang paglabag sa naturang mga karapatan sistematiko, mga labis na pagpapahirap o tortyur, libu-libong mamamayang nangawala na lamang o desaparecidos;at gobyerno pa ang nagtataguyod sa tinatawag na mga death squads at pagdampot sa mga itinuturing na kritikot kalaban ng pamahalaan; nariyan din ang pagmasaker sa mga campesino, estudyante at iba pang grupo. Pinakamasidhi pang nagsagawa nang gayon ang mga militar at kaugnay na mga tropang mamamatay-tao sa El Salvador, Guatemala, Brazil, Argentina, Chile, Colombia, Peru, Mexico, Uruguay, Haiti at Honduras pero hindi sa Cuba, sabi pa ni Blum. Hindi naiparatang sa gobyerno ni Castro maging ng mga pinakamahigpit na kaaway ng Cuba ang gayong mga paglabag sa karapatang pantao. Sa larangan ng edukasyon at kalusugan ng mga mamamayan na isinulong ng UN (United Nations), isa ang Cuba sa may pinakamagandang rekord sa buong Amerika Latina hinggil sa pangangalaga sa mga karapatang pantao, ayon pa nga kay dating Presidente Clinton ng Estados Unidos.

Sa Pilipinas naman, sa pamamagitan ng malawakang protesta ng disgustadong mga mamamayan na naglundo sa tinatawag na EDSA 1 (hindi rebolusyon sa aba naming palagay), naibagsak nga noong Pebrero 1986 ang diktatoryal na rehimeng Marcos na pinagharian ng kabi-kabilang katiwalian at pandarambong sa pondo ng bayan, bukod sa walang patumanggang mga paglabag ng mismong Estado sa mga karapatang sibil ng mga mamamayan, at garapalang pagsalaula pa nito sa demokratikong mga proseso gaya ng mga nangyari sa Cuba sa ilalim ng rehimen ng diktador na si Fulgencio Batista. Napatalsik nga sa poder ang diktadurang Marcos pero, masakit at nakalulungkot, wala namang naipasok at napairal na radikal na mga pagbabagong panlipunan ang humaliling demokratiko diumanong mga rehimen mula kay Tita Cory hanggang ngayon kay La Gloria. Sumidhi pa nga ang dati nang mga grabeng sakit na panlipunan talamak na katiwalian sa burukrasya, paghimod ng pambansang liderato sa kuyukot ng dayuhang mga interes, paghahari ng mga dinastiyang pampulitika, paglabag sa Konstitusyon at pagsalaula at paninikil sa lehitimong mga karapatan ng mga mamamayan lalo na laban sa mga kritiko at kalaban sa pulitika ng umiiral na rehimen at, gayundin, laban sa mga puwersang makabayan at progresibo na patuloy na humihingi ng pambansang papagbabago na, di nga kasi, marami na ang kinasuhan, dinukot, labis na pinahirapan, ibinilanggo, nangawala na lamang at sukat at, higit na kasuklam-suklam, basta na lamang pinatay ang iba. (Tingnan na lamang ang datos ng grupong KARAPATAN kaugnay nito.) Nanatiling palsipikado pa nga ang reporma sa lupa, dayukdok ang masang sambayanan, kumain-dili ang pamilya ng mga manggagawat magsasakat mangingisda at iba pang ordinaryong mga mamamayan na pawang biktima ng mapambusabos na sistemang kapitalista at ng iilang mga diyus-diyosan sa lipunan. Dahil sa kawalan ng oportunidad sa sariling bansa bunga na rin ng balintuna at makadayuhang mga patakaran ng gobyerno, lumulubha nang lumulubha ang migrasyon ng mga manggagawang Plipino saanmang sulok ng mundo sila itaboy ng marahas na hangin ng disempleyot karalitaan at napakamiserable nilang buhay. Sa kabilang banda naman, nagtatampisaw sa pondo ng bayan, sa pawis at dugo ng mga mamamayan, at naglulublob sa grasyat pribilehiyo at karangyaaan ang makasariling mga pulitikong nasa kapangyarihan ibenta man nila at ipagkanulo ang pambansang kapakanan. Kung tutuusin, karamihan sa kanila ang promotor pa ng inhustisya laban sa patuloy na binubusabos na masang sambayanan. Ang Pilipinas nga ngayon ang Cuba noon ni Fidel. Sa gayong mga pulitiko, ano pa nga ba ang dapat asahan ng masang sambayanan? Sino sa mga pulitiko-asendero ang tandisang mangungunang boluntaryong ipailalim sa reporma sa lupa ang malawak niyang asyenda? Si Noynoy Aquino ba at Mar Roxas at mga kauri nila? Sino sa mga pulitiko-kapitalista-negosyante ang kusang-loob na itataas ang miserableng suweldo ng kanyang mga manggagawa upang mahango ang mga ito sa kaalipinan? Si Manny Villar ba at mga kagaya niya? Sino sa mga pulitiko ang mangangalaga at isusulong ang tunay na kalayaan at soberanya ng Pilipinas laban sa imperyalistang mga bansa tulad ng Amerika? Si Gilbert Teodoro ba na, batay sa kanyang mga pahayag, ay nangangayupapa na sa kagustuhan ni Uncle Sam, o ng iba pang mga pulitikong noon pa man, hanggang ngayon, ay tagapangalaga na ng interes ng Estados Unidos, pampulitika man o pang-ekonomiya,

dito sa Republikang Mamon? Sino sa mga lider-pulitiko ang ganap na susugpo sa katiwalian sa burukrasya? Si Erap Estrada ba? Sino pa ba sa gang ng mga pulitiko ang hindi tiwali at walang bahid-dungis ng korupsiyon habang nasa poder? Si La Gloria ba at ang kanyang masusugid na basalyos? O, Diyos ni Abraham, may aasahan pa nga ba mula sa kawan ng mga pulitiko ngayon ang masang sambayanan para sa tunay na pambansang kapakanan? Sa mga lider-pulitiko sa Pilipinas, may isa bang Fidel Castro, ang rebolusyonaryo, na matapos iluklok sa poder ay pinagsikapan namang baguhin ang napakasamang kalagayan noon ng Cuba at ng sambayanang Cubano sa pamamagitan ng pagpapairal ng radikal na mga pagbabagong panlipunan tungo sa pambansang katubusan mula sa kamay ng uring mapagsamantalat mapang-alipin at mapaghari-harian? Sino sa naghambalang na mga pulitiko ang tunay na magtataguyod sa pambansang kapakanan hindi ng kanilang mala-imbudong bulsa at pansariling mga interes o totoo nga kaya, gaya nang ipinaratang ni Padre Jose Burgos sa panahon pa man ng kolonyalismong Kastila, na ipinanganganak na parang lumot ang mga pulitikong ito sa kahihiyan at kapinsalaan ng bayan? # (Mula ang ilang datos sa Fidel Castro: Rebel-Liberator or Dictator? ni Jules Dubois, March 1959) Sa Nap akaingat Na Mak ata August 21, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula handog ni John Carey sa mga makatang ayaw makisangkot sa lipunan at takot magpalaganap ng katotohanan laban sa inhustisya at pagsasamantala ng iilang diyus-diyosan) maaari mong isulat ang iyong mga tula sa kurtinang venetian saglit na ipakita-itago sa mundo. balang araw makikita ka mula sa lansangan ng mga lalaking may mga baril at mantekilya, magkukumahog silang aakyat sa hagdan tungo sa iyong silid, bibigtihin ka ng kordon ng iyong kaingatan. pagkatapos, pupurihin ka bilang isang malagim na henyo hahangaan ng iyong mambabasa ang iyong mga tula

habang nakabitin ang iyong bangkay sa likod ng kurtinang venetian. Nailib ing Na Si T ita Co ry August 7, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala dating presidente ng republika dating asendera ng hacienda luisita asawa ni ninoy na may monumento sa ayala dahil lumaban sa diktadura hanggang patayin ng mga pasista. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala ina diumano ng demokrasya tagapagtanggol ng hustisya ina rin ng artistang si cristeta at amiga ng mga madyungera sa mansiyon ng sayat ligaya. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala sa ospital noon pa man umalingawngaw mga dasal pumailanlang mga misa tinutukan ng kamera mayayaman at elitista sa mga simbahan at kapilya dumagundong kabi-kabilang nobena ng mga banal at santo santita diyos naming mahabagin, buhay ng aming titay pahabain. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala

matapos bumaha ng mga bulaklak sa katedral ng maynila matapos ulanin ng papuri, ng paghangat pagdakila ng kung sinu-sinong nalawitan niya ng grasya sa mabulaklak niyang paglalakbay sa lupa mga alaalay madamdamin ngang sinariwa at nangalaglag mga talulot ng luha sumabog sa maamot mabangong mukha ng mga babaing kutis porselana at may tapalodong sutla rin yata mulang puklo hanggang balakang mulang dibdib hanggang baywang may mga daliring hubog-kandila na mahihiyang isawsaw sa suka o ilamas sa maputik na lupa o diyos na mahabagin kaluluwa ng aming titay kalingain. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala di nga nahiyang sumilip sa kanyang bangkay sa mamahaling kabaong sa katedral maging doble-karang mga nilalang na pawang mukhang banal habang gumigiling ang kamera sa mukha nilat katawan tumitig din at nakiramay maging mga sagad-buto ang kawalang-hiyaan laban sa pambansang kapakanan nakamaskarang nakidalamhati sa pamilyang namatayan o diyos na maawain kaluluwa ng tita namiy pagpalain. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala sa kahabaan ng lansangan hanggang sa huling hantungan inihatid siya ng tanaw

ng nagtiis sa ulanan at arawan na masang sambayanan silang nooy dumagsa sa edsa para suportahan ang mga bida silang iniwan ang mga labada silang tumakas sa pabrika silang hindi pumasada silang mangingisdat magsasaka silang estudyantet intelektuwal na nakialam sa lipunat pulitika silang alipin ng burukrasya na pawang nagsakripisyo sa edsa wakasan lamang ang diktadura. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala hanggang ngayoy sinusuob siya ng insenso at kamanyang ng papuri at paghangat pagdakila siyang mahinhin at relihiyosa na laging lumulunok noon ng ostiya siyang matulungin at mapagkumbaba siyang mapagpatawad at mapagkalinga siyang batbat ng kabanalan bawat salita sabi tuloy ng mga hunyango pambansang bayani siya sabi ng mga ipokritot ipokrita karapatdapat na santa siya pero sabi ng makatang sumulat ng Gera paano ang mga magsasakang minasaker sa mendiola? paano ang mga napatay sa hacienda luisita? paano rin ang mga magsasaka sa hacienda san antonio sa isabela? paano ang mga isneg sa dumalneg? paano ang mga taga-lupao sa nueva ecija? paano ang mga katutubo sa marag at paco valley? paano rin ang ora pro nobis ni lino brocka?

paano, higit sa lahat, ang bilyun-bilyong dolyar na pambansang utang na maaari sanang di na bayaran nang itatag niya rebolusyonaryong pamahalaan? o diyos na mahabagin, kaluluwa ng aming titay patawarin. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala mula noon hanggang ngayon sa kabila ng ibinandilang diwa ng edsa nakatungangat dayukdok ang masa nilulunod sa ilusyon ng pag-asa ng iilang hari-harian sa ekonomiyat pulitika tuloy ang laban tuloy ang laban sigaw maging ng mapagkunwaring mga elitista at tagapagtaguyod ng burges na demokrasya tuloy ang laban hanggang makalaya ang masa sa kabusabusan at inhustisya tuloy ang laban hanggang mapatid ang tanikala ng pang-aalipin at pagsasamantala tuloy ang laban hanggang mapairal ang lantay na hustisya sosyal tuloy ang laban hanggang maghari ang lipunang makatao makabayan, maunlad, progresibo at tunay na demokratiko. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala o diyos na mahabagin, kami naman ang iyong pagpalain. sa bawat madulang eksena kaming masay laging mga ekstra walang mukha ni pangalan mga anino sa karimlan at basura ng mga bida pagkatapos ng pelikula sila ang laging pinagpapala kaming masa ang laging kaawaawa o diyos ni abraham, talaga bang

mapapalad ang maralita at kukumutan sila ng grasyat kaluwalhatian sa paraiso mo sa kalangitan? at di bale nang magpasasa sa lupa ang mayayaman mong nilikha kahit pawis at dugo at laman ng masang sambayanan ang kanilang pinagpipistahan sa mesa ng grasya at kapangyarihan? nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala tuloy pa rin ang laban tuloy kahit kaming masang sambayanan araw-araw nang dinarahas at inililibing sa inhustisyat kaalipinan sa gutom at karalitaan sa dusat kapighatian habang magarbong nagsasayaw mga diyus-diyosan sa lipunan at masigabong kumakalembang kampana ng bawat simbahan! nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala. Kuta Ng Ip o kr is ya July 30, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez Kolum Hulyo 30, 2009) NANG mamatay kamakailan na walang-wala pa rin ang isang magsasaka sa aming baryo, at halos kumain-dili ang kanyang pamilyat wala ni isang dangkal na lupa, hindi namin naiwasang maalaala ang isang Ted Turner na kinilala sa Estados Unidos ng Amerika na may pinakamalawak na lupain doon mga 800,000 ektarya o 1.7 milyong acre na nasa limang ibat ibang estado. Humagupit din sa aming isip ang 6,000 ektaryang Hacienda Luisita sa Tarlak nina Tita Cory Cojuangco-Aquino, gayundin ang libu-libong ektaryang lupain ni Danding Cojuangco sa Pontevedra, Negros, na kapwa hindi nasakop ng reporma sa lupa dahil ginawang korporasyon. Naisip din namin ang libu-libo ring ektaryang lupain ng Simbahan sa ibat ibang lugar ng bansa. Sa panahon pa nga ng kolonyalismong Kastila, lalo na nang pagtibayin ang Batas Maura na nagtadhanang kailangang iparehistro ang

lahat ng lupain upang mapagkalooban ng titulo torrens o katibayan ng pagmamay-ari, nakamkam ng korporasyon ng mga prayle ang maraming malalawak na lupain. Dahil nasusulat sa wikang Kastila ang naturang batas at hindi naunawaan ng maraming mamamayan, hindi naiparehistro ng mga kinauukulan ang kanilang mga lupain at, sa halip, ang mga prayle ang nagparehistro niyon. Sa maraming panahon, napalawak pa nang napalawak ng Simbahan ang kanyang mga lupain sa bansa dahil na rin sa mayayamang Indio na labis na naniwala sa aral ng Simbahan na madali pa sa isang kamelyo na makapasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman sa pinto ng langit at mapapalad ang mga maralita at mapapasakanila ang kaharian ng langit kaya inihandog sa mga prayle ng naturang mga Indio ang ibat iba nilang lupain. Higit na masama, hindi naibalik sa mga Pilipino ang pagmamay-ari niyon matapos maibagsak ang kolonyalismong Kastila. Sa pamamagitan ng Tratado ng Paris sa pagitan ng pakialamerong Amerikano at ng mga opisyal na Kastila, binayaran ng Amerika ng $20-M ang Espanya upang ang mga Amerikano naman ang sumakop sa bansa pero, sa kabilang banda, kailangang irespeto ng pamahalaang Amerikano ang karapatan sa mga ari-arian ng mga Kastila dito; ibig sabihin, hindi maaaring galawin o kumpiskahin o pakialaman ng mga Amerikano ang mga propiyedad ng mga Kastila dito lupain man o negosyo, mga bahay man o gusali o anupaman kaya patuloy na nanatili sa kamay ng Simbahan at ilang tao ang pagmamay-ari sa malalawak na lupain, mga bangko at imprenta, mga kolehiyo at unibersidad, at iba pa, sa maraming dako ng kapuluan. Bukod sa Simbahan, batay sa datos ng Estadistikang Pang-agrikultura, 21% ng lupaing agrikultural sa bansa ang pag-aari lamang ng 500 tao habang, sa kabilang banda, ayon kay Danilo Ramos, sekretaryo-heneral ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2 milyong magsasaka ang nagtitiis bungkalin at pagkunan ng ikabubuhay ang hindi pa kanilang tig-kalahating ektaryang bukid bawat pamilya. Katunayan, sa Cebu, 155 tao lamang ang may-ari ng lahat ng maisan at niyugan; sa Timog Katagalugan, 835 tao ang may-ari ng 70% ng lupaing agrikultural 16 na pamilya lamang, halimbawa, ang may-ari ng 26,000 ektaryang tubuhan sa Batangas. Sa Negros Oriental, 10 pamilya naman ang may hawak ng halos lahat ng lupain doon at, sa Mindanaw, kontrolado naman ng dayuhang mga korporasyon ang mahigit na 207,000 ektaryang taniman ng palmerat pinya. Batay sa mga nabanggit, hindi na nga katakatakang milyun-milyong magsasaka at iba pang ordinaryong mga mamamayan ang wala ni isang dangkal na lupa, o kahit paglilibingan, at tanging libag lamang sa singit at kilikili, sa leeg at paa, at sa iba pang bahagi ng katawan ang maituturing nilang sariling lupa ngunit, ayon sa isang tula, kapag hinugasan sa poso ay babalik din sa lupa ng asendero. Sapagkat inutil pa nga ang pamahalaan, at lumilitaw na kasabuwat pa ng interes ng mga propiyetaryot asendero, kaya hindi ganap na maipatupad ang reporma sa lupa, at nagagawa pang salaulain ng mga kinauukulan ang CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) at ginagawang korporasyon ang kanilang mga asyenda upang malusutan ang batas at hindi iyon masakop ng repormang pang-agraryo, kaninong santot santa pa nga ba dudulog ang nagdaralitang mga magsasaka? Sa pamahalaan ba at kay La Gloria na matagal nang patawing-tawing at waring

pakitang-tao lamang ang pagpapatupad sa naturang batas? O sa Simbahan na waring paimbabaw naman o pagkukunwari lamang ang ipinangangaral na kawanggawa at pagkalinga sa mga maralitang hindi pinagpala ng sinasamba nilang Diyos sa kaitaasan? Kung usad-pagong ang pamahalaan sa bagay na ito, doble-kara naman ang Simbahan. Maaalaala, pinagmalasakitan at tinulungan ng mga alagad ng Simbahan ang 55 magsasakang Higaonon na naglakad mulang Sumilao, Bukidnon hanggang Malakanyang upang hinging ibalik sa kanila ng San Miguel Corporation ang 144 na ektaryang lupaing agrikultural na naipagkaloob na sa kanila ng DAR (Dept. of Agrarian Reform). Ngunit, sa kabilang banda, sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema noong Disyembre 21, 2007 pabor sa mga magsasaka, ayaw namang ipasakop ng Simbahan sa reporma sa lupa ang 268.5 ektaryang lupain nitong pansakahan sa Nueva Caceres, Camarines Sur. Ano na nga ba ang nangyari sa kasong ito? O malinaw na pumapayag lamang ang Simbahan na ipamahagi sa mga magsasaka, sa ilalim ng reporma sa lupa, ang mga lupaing hindi pag-aari ng Simbahan? Ang sa Diyos ay sa Diyos at ang kay Cesar ay kay Cesar. O, Diyos ni Abraham! Ano pa nga ba ang maaasahan ng pobreng mga magsasaka mula sa Simbahan kaugnay ng bagay na ito? Sabagay, sa panahon pa ng kolonyalismong Kastila, kilala na ang Simbahan bilang matibay na kuta ng ipokrisya at huwad na kabanalan. Gaya rin ito ng pamahalaang lubos na nangangakong matapat na paglilingkuran ang sambayanan ngunit siya pang nandarambong sa mga mamamayan. Opo, Virginia, opo, huwag ka nang umasa sa dalawang institusyong nagpapayabong pa ng ipokrisya! # SON A: Nakas us uka Na July 19, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum Hulyo 19, 2009) NAKASUSUKA na, sa ilalim noon ng ibat ibang rehimen, at lalo na sa panahon ngayon ng pamamayagpag sa kapangyarihan ni La Gloria, na makinig pa ng mga SONA (State of the Nation Address). Natatandaan namin, mga ilang taon na ang nakalilipas, higit naming pinagkaabalahang panoorin ang laban sa bilyar ni Efren Bata Reyes kaysa pakinggan sa telebisyon ang SONA noon ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Sa palagay namin, higit na makatotohanan ang bilyar dahil kitang-kita kung paano tinitira ang bola para papasukin sa kinauukulang buslo; kitang-kita rin kung paano kinokontrol ang bola y mano para sa eksaktong preparasyon tungo sa tamang direksiyon upang matumbok nang maayos ang susunod na bolang ihuhulog at, sa bawat tumbok, perpekto ang kinakailangang kalkulasyon upang matagumpay na maibuslo ang tinitirang bola o maitago kaya sa kalaban at hindi direktang matumbok ang bolang dapat tirahin at ihulog. Higit sa lahat, malinaw sa isip ng manlalaro ang detalyadong plano sa bawat tira hindi padaskul-daskol o bara-barang gaya ng maraming malabo, magulo at mapandambong na mga plataporma at proyekto ng gobyerno upang mahusay na makamit ng kinauukulang manlalaro ang layuning magtagumpay.

Sa kabilang banda, karaniwan nang hitik lamang sa hungkag na retorika at mga buladas at pinaganda o inimbentong estadistika ang SONA. Natural, walang pangunahing layunin ang mga salamangkero at tambolero ng Malakanyang kundi kung paano pagagandahin ang pangit na reyalidad o tunay na pambansang kalagayan upang patuloy na iduyan sa ilusyon at isakay sa ruweda ng panlilinlang ang dayukdok at busabos na masang sambayanan at, sa pamamagitan ng madamdaming mga pangakong karaniwang suntok sa buwan, pipiliting lunurin naman ang mga ito sa balon ng walanghanggang pag-asa habang nilalatigo ng inhustisya at nakadipang nakangudngod sa hindi matakasan at malupit na karalitaan. Di nga kasi, palilitawing papaunlad ang ekonomiya, nababawasan ang talamak na katiwalian sa burukrasya, napapangalagaan at hindi nasasalaula ang demokratikong mga proseso at sagradong mga karapatang pantao, napaghahari ang kapayapaan at kaayusan sa maraming dako sa pamamagitan ng kunwa-kunwariang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa MILF at NDF-CCP-NPA mapabango lamang ang administrasyon at, higit sa lahat, nalulunasan na diumano ng rehimen ang grabe nang mga sakit ng bansa. Natural din, palilitawing bida o bayani at nagsasakripisyo nang husto ang kahabaghabag na Presidente ng bansa para matapat na mapaglingkuran ang sambayanan kaya kinakailangang magkaisa na ang lahat, magtulungan, para sa ikauunlad pa ng bansang ito, hindi ng bulsa lamang ng uring naghahari-harian na patuloy na naglulublob sa kayamanan at kapangyarihan sipsipin man nang husto ang pawis at dugo ng sambayanan at ibenta man at ipagahasa sa salabusab na dayuhang mga interes ang pambansang soberanyat kapakanan. Sa kabila ng kung anu-anong mga buladas na maririnig sa bawat SONA, maipinta lamang sa mata ng publiko na magandat mahalimuyak ang pambansang kalagayan, lumilitaw lamang na lalo pang ibinubulid ng bawat rehimen sa kumunoy ng karalitaan at kawalang-pag-asa ang Republika at lalong nagiging kahabag-habag ang buhay ng nakararaming ordinaryong mga mamamayan. Kung P2 lamang ang katumbas ng $1 noong panahon ni dating Presidente Elpidio Quirino, bakit sa sumunod na mga rehimen na pawang nangalandakang umuunlad ang pambansang ekonomiya, bumagsak nang bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar at mahigit na itong P48 ngayon? Kung pangalawa na ang Pilipinas noon sa Japan sa larangang pangkabuhayan, bakit lumagabog ang bansa at nakalalamang na lamang ito nang bahagya sa Bangladesh at Pakistan? Naunahan na nga ito ng Tsina, Korea, India, Malaysia, Thailand, Indonesia at Brunei Darusalam sa maraming larangan. Ilang ulit na nga bang ipinagyabang ni La Gloria, sa pamamagitan ng mga SONA, na ihahatid niya at iluluklok ang kanyang tinaguriang Matatag na Republika sa piling ng mauunlad at industriyalisadong mga bansa (First World)? Ilang ulit na rin ba niyang ipinangalandakan na talagang sumusulong ang bansa tungo sa minimithing kaunlaran at, di nga kasi, unti-unting nakaaahon diumano sa dagat ng karalitaan ang masang sambayanan sa pamamagitan ng kanyang supergaling na mga programat proyekto sa ibat ibang rehiyon? Reyalidad nga ba ito o ilusyon? Lubhang balintuna o kabaligtaran nga ang mga iyon kung susuriin ang naghuhumindig ngayong mga katotohanang puwedeng isampal sa magkabilang pisngi ng mga salamangkerot tambolero ng rehimen. Una, nangangahulugan na

bang umuunlad at tumatatag ang ekonomiya dahil lamang sa halos $15-B taun-taon na ipinapasok sa bansa ng kahabag-habag na migranteng mga manggagawa (OFW) na patuloy na biktima ng inhustisyat kalupitan, ng pangaabusot pagsasamantala sa banyagang lupang kinaroroonan nila ngayon? Kung hindi nga sa naturang halaga, at patuloy na pangungutang ng rehimen, baka hindi na nga maayudahan ang lumalaking depisito o kakulangan sa pambansang badyet sa bawat taon. Kung totoo ang ipinangangalandakan ng kasalukuyang rehimen hindi nambobola lamang upang pahupain ang tumitinding disgusto ng malawak na sektor ng sambayanan sa dispalinghadong liderato ni La Gloria na pinatutunayan ng lumalaganap na mga protesta, gayundin ng -31% grado niya sa pinakahuling sarbey bakit sa masusing pag-aaral sa pambansang kalagayan, lumilitaw na 80% ng mga mamamayan ang nagtitiis mabuhay sa halagang $2 sa isang araw? Bakit mulang 15% hanggang 20% ng sambayanan ang siya lamang nagpapasasa at nagpapakabundat sa 50% ng pambansang kita? Bakit, sa kabila ng paglaki ng 20% taun-taon ng tinutubo ng pangunahing 1,000 korporasyon sa bansa, kumain-dili pa rin ang milyun-milyong manggagawa at hindi maibigay ang hinihingi nilang umento sa sahod na P125 bawat araw? Bakit lumulubha ang disempleyo? Bakit sa kabila ng napakalaking halagang ginugugol ng gobyerno sa kung anu-anong walang kapararakang biyahe sa ibang bansa ng pambansang liderato, mumo lamang mula sa isang platong kanin ang umento sa suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan at hindi maibigay ang matagal na nilang hinihinging buwanang karagdagang P3,000? Bakit nadaragdagan taun-taon ang bilang ng mga manggagawang nandarayuhan sa ibang bansa kung magandat maraming oportunidad sa sariling bayan upang maluwag at desenteng makapamuhay? Bakit patuloy at patuloy ang migrasyon ng mga Pilipino at nakakalat na silang parang mga layak sa ibat ibang panig ng mundo? Higit na masama, kahit kulang at kulang ang badyet ng bansa taun-taon at kinakailangang patuloy na mangutang (mga $60-B na ang kabuuang utang ng bansa), 30% pa ng pambansang badyet ang napatunayang nauuwi lamang sa talamak at garapal na katiwalian sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno, ibinubulsa ng mga mandurugas at mandarambong sa pamamagitan ng mga hokus pokus sa kung anu-anong proyekto at kontrata bukod pa sa maalingasaw na pork barrel (P70-M bawat kongresista at P200-M bawat senador taun-taon na, sa pamamagitan din ng mga maniobra at pakikipagsabuwatan ng kinauukulang mga kontratista, nagagawang ataduhin upang mapunta sa mala-imbudong bulsa ng mararangal na lingkod ng bayan); nariyan din ang tinatawag na intelligence fund na hindi maabot ng isip ng karaniwang mamamayan kung paano niwawaldas ng mga kinauukulan; nariyan din ang kung anu-ano pa, at iba pa, at iba pa na pawang mapagkakakuwartahan sa kapinsalaan ng bansa at masang sambayanan. Sa pambansang badyet na lamang noong nakaraang taon na P1.2267-T (P1.415-T naman ngayong 2009), maliwanag na hindi nito natugunan ang maraming pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan lupat pabahay, edukasyon, pagkain at kalusugan, trabaho at seguridad, bukod sa iba pa. Saan iyon napunta? P624.1-B ang itinakdang pambayad-utang agad P295.8-B sa interes lamang at P328.3-B sa prinsipal. Hindi pa nga nasiyahan

ang diumanoy mararangal na mambabatas sa regular nilang pork barrel noon na P12.2-B, parang mga bampirang uhaw sa dugo na isinalaksak nila sa badyet ng DPWH (Dept. of Public Works & Highways) batay sa paratang ni dating Sen. Franklin Drilon ang karagdagang P13.5-B bilang pork barrel din! (Ginawa rin ito noong 2005 sa kasaysayan ng Kongreso ng Estados Unidos na isinalaksak din ng mga Republikano sa badyet ng kanilang DPWH ang karagdagang pork barrel na $24-B na mahigpit na tinuligsa ng mamamayang Amerikano sa pamamagitan ng Citizens Against Government Waste.) At dahil hindi pa napuputulan ng kamay ang mga mandurugas, at 30% ng pambansang badyet ang nahokus pokus, ano pa nga ba kundi kakarampot na lamang nito ang naiukol sa lubhang kinakailangang maayos na serbisyo publiko? O, Diyos ni Abraham, nabawasan na nga ba ang mga katiwalian sa ibat ibang ahensiya ng burukrasya, lalo na sa Kongreso at Malakanyang? Habang naglulublob sa grasyat pribilehiyo ang pambansang liderato, patuloy at patuloy pa rin nilang ipinampupunas ng tumbong ang demokratikong mga proseso at sagradong mga karapatang sibil ng sambayanan. Ilan na bang peryodista at komentarista o miyembro ng mass media at ilan na bang kritiko ng rehimen, gayundin ang mga lider at kasapi ng makabayan at progresibong mga organisasyong naghahangad ng pambansang pagbabago, ang walang habas na dinukot, ibinilanggo, nawala, o pinatay pa? (Tingnan na lamang ang datos ng grupong KARAPATAN kaugnay nito.) May nalutas na ba sa mga kasong ito? May naparusahan na bang mga kriminal? Marami pang halimbawang maaaring banggitin upang mapatunayang nagdudumilat ang reyalidad laban sa ipinangangalandakan sa mga SONA na bumubutit gumaganda kaysa rati ang pambansang kalagayan. Sa halip nga na pagsikapang balangkasin ng pambansang liderato ang lantay na makabayang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan hindi sa pamamagitan lamang ng hungkag na retorikat mga buladas upang ganap na maisulong ang bansat sambayanan tungo sa matagal nang minimithing kaunlaran, ano nga ba ang inaatupag pang pag-ukulan ng panahon ni La Gloria at ng kanyang masusugid na basalyos? Maliwanag pa sa sikat ng araw sa disyerto na pansariling interes at ambisyon ang labis nilang pinagsisikapang mapangalagaan kaya, sa kabila ng tumitindit lumalawak na mga protesta, puspusan pa rin nilang isinusulong ang Cha-Cha o pagbabago sa umiiral na Konstitusyon para gawing parlamentaryo/pederal/may isang kapulungan ang sistema ng gobyerno. Kung matagumpay ngang maisasalaksak ito sa lalamunan ng tumututol na malawak na sektor ng sambayanan, tiyak na patuloy na makapamayagpag, sa malapit na hinaharap, sa kubeta ng kapangyarihan si La Gloria bilang Punong Ministro naman. Sa halip nga na kumawala ang pambansang liderato sa dikta ng mapandambong at mapambusabos na dayuhang mga interes na pangunahing bumabansot at lumulumpo sa pambansang ekonomiya, lalo na ng mapagsamantalang mga patakaran ng imperyalismong Amerikano, buong giliw pa nga nitong ibubukaka ang bansa upang kontroling ganap at gahasain ng mga banyaga ang ating ekonomiya. Sa babaguhing Konstitusyon, nilinaw nang aalisin ang mga probisyong naglilimita sa karapatang pang-ekonomiya ng dayuhang mga kapitalista at pahihintulutan na silang magmay-ari ng mga lupain dito, laspagin ang likas na mga yaman ng bansa, 100% kontrolin ang mga korporasyon at negosyo kabilang ang pambayang mga utilidades tulad ng transportasyon at telekomunikasyon, tubig at kuryente, ospital at mga paaralan, at maging mga peryodiko, radyot telebisyon na dapat lamang na nasa kamay at kontrolado ng mga Pilipino alang-alang, unang-una, sa

napakahalagang pambansang seguridad. Ano ba ito? Bakit hindi pa muling gawing kolonya ng Estados Unidos ng Amerika ang Pilipinas at italaga si La Gloria masunod lamang ang makasariling ambisyon na Punong Ministro ng Republikang Mamon? Opo, Virginia, opo kung mapilit ka pa ring makinig ng mga SONA, uminom ka muna ng tabletas na gamot sa hilo upang hindi mo isiping ikaw ay nasa ibang planeta! Kap ayap aan Sa Mad alin g - Ar a w July 9, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Maikling Kuwento sinulat noong 1961 at ayaw ilathala ng mga komersiyal na magasin dahil brutal daw at hindi makatao ngunit malimit nang nangyayari ngayon.) KANGINA, nang nakaupo pa si Andong sa harap ng simbahan ng Quiapo at nakalahad ang kanyang mga kamay sa naglisaw na mga taong waring nangalilito at hindi malaman ang patutunguhan, hindi niya naisip, kahit saglit, na lubhang nakahahabag ang kanyang kalagayan. Hindi dumalaw sa kanyang pang-unawa na sisimulan niya ang kinabukasan at marahil ang maraming-marami pang kinabukasang darating sa pagpapalimos sa pook ding iyon mulang umaga hanggang hapon. Ngunit ngayong sibsib na at nagsisimula nang pumikit-dumilat ang neon lights sa mga gusali, at ang mga taong datiratiy huminto-lumakad sa mga bangketa, pumasok-lumabas sa mga restawran, sa mga tindahan, sa mga sinehan, ay nagmamadali nang umaagos patungo sa abangan ng mga sasakyan, saka iglap na lumatay sa diwa ni Andong ang katotohanang iyon; at bigla ang nadama niyang pagnanasa na ang gabi ay manatiling gabi magpakailanman at, kung maaari, ang kinabukasan ay huwag nang isilang. Iniahon ni Andong sa kanang bulsa ng kanyang halos gula-gulanit nang pantalong maong ang mga baryang matagal din bago naipon doon; at wala siyang nadamang kasiyahan nang bilangin niya iyon, di tulad noon, di gaya kahapon, na kapag sumapit na ang gayong oras, ang kalansing ng mga baryang iyon ay nagdudulot sa kanya ng lakas at ng pananabik na makita agad ang magpipitong taong gulang na si Totong sa barungbarong na nakikipagsiksikan sa kapwa mga barungbarong na nangakalibing sa makalabas ng lungsod sa gilid ng kalawangin at malamig at mahabang-mahabang daangbakal na iyon. Hindi niya malaman ngayon kung ano ang gagawin sa kanyang napagpalimusan. Dati-rati, inilalaan niya ang apat na piso sa kanilang hapunan at almusalan ni Totong kung hindi siya makahingi ng tira-tirahang pagkain ng mga nagpapakabundat sa mga restawran. Ibinibili niya ng pansit ang dalawang piso sa maliit na restawran ng Intsik na malapit sa palengke ng Quiapo at pandesal naman ang piso sa panaderyang nasa gilid ng tulay. Naitatago pa niya ang natitirang piso kung nahahabag ang konduktor ng bus na sinasasakyan niya na siyay singilin pa. At ang labis sa kanyang napagpalimusan ay isasama niya sa mataas-taas na ring salansan ng mga barya sa loob ng munting baul na nasa pinakasulok ng kanyang barungbarong. Kung malaki-laki na ang halaga ng laman ng baul na iyon, nagtutungo

siya sa Central Market at bumibili ng pinakamurang damit na itinitinda doon para kay Totong, para kay Aling Petra na kalapit-barungbarong niya na tagapag-alaga ni Totong kung siyay wala. Tinungo niya ang kaliwang sulok ng simbahan; at umupo roon, at isinandal ang butuhan na niyang katawan sa makapal, marusing at malamig na pader nito. Naisip niya, laging madilim ang gabi sa daangbakal; halos anag-ag na lamang ang sinag ng pag-asa. Tinatanglawan lamang iyon ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong. Parang nais niyang sa bakuran na ng simbahan magpahatinggabi, panoorin ang unti-unting paglugmok ng gabi ang pagkikindatan ng mga neon lights sa mukha ng mga gusali, ang pagnipis ng magulong prusisyon ng mga sasakyan sa kahabaan ng Quezon Boulevard, at ang pagdalang ng mga nilikhang lamunin-iluwa ng mga bunganga ng underpass. Mabuti pang doon na siya hamigin ng gabi, doon na siya bayaang matulog at makalimot at, kung maaari nga lamang, ang iluluwal na umaga ay huwag na niyang makita magpakailanman. Lumalamig ang gabi, at sa kalangitan ang maiitim na ulap ay naghahabulan. Alam niyang maaaring biglang umulan, at alam din niyang masama siyang maulanan at malamigan. Mula noong sumuka siya ng dugo nang pasan-pasan niya sa palengke ng Paco ang isang malaking tablang kahon na puno ng patatas, malimit na siyang dalahitin ng ubo na naging dahilan ng pagkumpis ng datiy bilugan at malaman niyang dibdib, ng paghumpak ng kanyang pisngi, at pagiging butot balat ng kanyang mga braso, at siyay hindi na nakapagkargador. At marahil, dahil napaggugutom na si Tasya at hirap na hirap na sa paglalabada, at malimit pa silang mag-away, nilayasan siya nito isang gabi, iniwan ang noon ay mag-aanim na taong gulang lamang na si Totong. At magdadalawang buwan na, nabalitaan niya, mula sa isang kakilala, na ang kinakasama ngayon ni Tasya ay isang tsuper ng bus na nagyayaot dito sa Maynila at Laguna. MATAGAL na namalagi si Andong sa sulok na iyon ng simbahan, hanggang sa mapansin niyang ang sementadong bakuran nito ay inulila na ng mga paang kangina ay langkay-langkay na nagsalasalabat at nangagmamadali. Sinalatsalat niya ang mga baryang nasa bulsa ng kanyang pantalon. Malamig na malamig ang mga baryang iyon. Kasinglamig ng malapit nang pumanaw na gabi, kasinglamig ng pangungulila niya kay Tasya, at kasinglamig din ng pagdaralitang matagal nang nakayakap sa kanya. At naramdaman niyang nagiginaw ang kanyang kaluluwa, naghahanap ng timbulan, ng saglit na kaligayahan, at saglit na kapayapaan. Humihiwa sa kanyang kamalayan ang katotohanan na mga ilang oras pa at madaling-araw na at, hindi niya maunawaan, tumitindi ang kanyang pagnanasang huwag nang makita ang umaga, at ang mga baryang nasa kanyang bulsa ay huwag nang sikatan ng araw na nasa bulsa pa rin niya. Ibig niya ngayong galugarin ang lungsod, lumakad nang lumakad, at mapadpad siya kahit saan. Ibig niyang matagpuan ang kapayapaan, kahit sa dilim ng naghihingalong gabi, kahit sa tabi ng umaalingasaw na mga basurahan, kahit sa madidilim at makikipot at mababahong mga eskinita, o kahit sa nagbabanta nang mga patak ng ulan. Madilim na madilim na sa kalangitan, at walang maaninaw si Andong ni isa mang bituin. Lumabas siya sa bakuran ng simbahan. Parang wala sa sariling tinumbok niya ang kalye Evangelista. Saglit siyang huminto sa panulukan, at

inaninaw niya ang mga mukha ng dalawang batang lalaking magkasiping sa loob ng munting kariton. At naalaala niya si Totong. Kangina pa naghihintay si Totong natutulog na marahil si Totong. Ginaygay niya ang bangketa, at sa suluk-sulok, hindi iilang pagal na katawan ng mga bata at matanda ang inilugmok ng gabi sa pira-pirasong karton at pinagtagni-tagning diyaryo. Lalong humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan. At, naisip niya, hindi na marahil magtatagal, igugupo siya ng kanyang karamdaman. Bakit kinakailangan pa niyang mangarap nang mangarap? Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad. Paano si Totong kung wala na siya? At nang lumiko siya sa isang panulukan, isang binatilyo ang sumulpot sa dilim, lumapit sa kanya, at may inianas. At bigla ang pagbabangon ng damdaming sumuno sa kumpis nang dibdib ni Andong. Bakit wala si Tasya? At hindi niya maunawaan kung bakit sa kalagayan niyang iyon, nakuha pang sumuno ang damdaming iyon. Marahil, sapagkat siyay may puso, may utak, may laman at buto at dugo. Huminto siya at inaninaw niya sa manipis na karimlan ang mukha ng binatilyo. Sinalat-salat niya ang mga baryang nasa kanyang bulsa at nang maisip niyang pinagpalimusan niya iyon, iglap na lumusob sa kanya ang di mawaring paghihimagsik. Magkano? Ngumisi ang binatilyo at itinaas ang kanang palad na nakatikom ang hinlalaki at nakaunat ang apat na daliri. Iniahong lahat ni Andong sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga baryang naroroon, dalawang ulit niyang dinaklot at iniabot sa binatilyo. Nagkislap-kislap ang mga baryang iyon nang bilangin ng binatilyo sa tama ng liwanag ng bombilya ng posteng malapit sa panulukan. Sobra ho ito, sabi ng binatilyo. Iyo na. Paos ang tinig ni Andong. Magkasunod na nilamon ng madilim at makipot na eskinita na nasa pagitan ng dalawang lumang aksesorya ang yayat na kabuuan ni Andong at ng binatilyo. Tinalunton nila ang nagpuputik na eskinitang iyon hanggang sa sumapit sila sa kalagitnaan. Huminto ang binatilyo, at huminto rin si Andong. Sa manipis na karimlan, nabanaagan niya ang ilang babaing magkakatabing nakaupo sa bungad ng isang pinto ng aksesorya. Pumako ang tingin ng mga iyon sa kanya at naghagikhikan. Bakit wala si Tasya? Ibig niyang makita, himasin ang mukha ni Tasya. Ibig niyang madama ang init ng katawan ni Tasya.

Itinuro niya ang babaing nasa gilid ng pinto. Tumayo ang babaing iyon. Payat iyon, mataas, manipis ang labi, singkit, pango. Sumunod siya nang pumasok ang babae sa aksesorya at, sa ulunan ng radyo-ponograpong hindi tumutugtog, nakapako sa dinding ang karatulang tisa na may pulang mga titik na GOD BLESS OUR HOME. At dinalahit ng ubo si Andong nang lumabas siya sa silid na iyong marusing at marumi at may kakaibang alingasaw at nakakalatan ng lukut-lukot na tissue paper ang mahina nang suwelong tabla. At sumanib sa sunud-sunod na pagubo ni Andong ang matinis na halakhak ng mga babaing nasa bungad ng pinto ng aksesorya. MALAMIG at madilim at malungkot ang daangbakal at, sa langit, ang bunton ng makakapal at maiitim na ulap ay bibitin-bitin na lamang sa kalawakan. Ang madaling-araw ay nailuwal na ng gabing nagdaan, ngunit madilim na madilim pa at waring hindi na daratal pa ang umaga. Kumislot si Totong nang pumasok si Andong sa barungbarong. Ibig pa niyang lumakad nang lumakad hanggang sumisigid sa kanyang kaluluwa ang lamig ng pagdaralitang hindi niya matakasan, at isasama niya si Totong upang hanapin nila ang kapayapaan, kahit sa malalaki at masinsing patak ng ulan na ngayon ay naglagi-lagitik sa kalawanging bubong ng mga barungbarong. Totong, paos ang tinig ni Andong. Dumilat si Totong, kinusut-kusot ang mga mata, tumingin sa malamlam at waring namamaalam na ningas ng gasera. Totong, lumuhod si Andong sa tabi ng anak at hinimas ang payat na kabuuan ni Totong. Bumangon si Totong. Me uwi kang pansit, Tay? Iginala ni Totong ang tingin sa kabuuan ng nagiginaw na barungbarong, lumungkot ang mukha nito nang mapansing walang nakapatong na supot sa mesitang yari sa pinagputul-putol na tabla. Nangilid ang luha ni Andong. Bat ala kang uwing pansit ngayon, Tay? Kahapon, saka noon pa, lagi kang me uwi. Bat ala kang uwi ngayon, ha, Tay? Bibili tayo. Senga, ha, Tay? Namilog ang mga mata ni Totong. Tumango si Andong. Kelan? Nangulimlim ang mukha ni Totong. Ngayon. Napalundag si Totong.

Saka pandesal, ha, Tay! Saka yong tulad nang uwi mo noong sang gabi, yon bang masarap, yong me lamang keso! Hinawakan ni Andong ang kamay ni Totong. Inakay niya ito palabas ng barungbarong. Sa labas, ang ulan ay patuloy sa malakas na pagbuhos. Ang mga barungbarong ay nagiginaw, nagsisiksikan, at waring hindi kayang bigyang-init ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera. Sa diwa ni Andong, nagtutumining ang isang kapasiyahan. Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad. Umuulan, Tay. Maliligo tayo sa ulan, Tay? Tuwang-tuwa si Totong. Dinalahit ng ubo si Andong paglabas nila ng barungbarong, sunud-sunod, mahahaba. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong. Nagsayaw-sayaw sa kanyang katawan ang malamig na malamig na patak ng ulan. Waring nananangis ang mga bubungang yero ng mga barungbarong, tumututol sa sunud-sunod, nagmamadaling mga patak ng hindi masawatang ulan. Uubu-ubo, pahapay-hapay na inakay ni Andong si Totong. Sumampa sila sa daangbakal. Lumuksu-lukso pa si Totong, nalalaru-laro ang masinsing mga patak ng ulan,. Tinalunton nila ang riles na iyong hindi alam ni Andong ang puno at dulo. Malayo pa, Tay? San me tindang pansit, ha? mayamayay tanong ni Totong. Mamalapit na, Totong. Pamuling dinalahit ng ubo si Andong, at lalong humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan. Nagpatuloy sila sa paglakad. Lalong lumalakas ang ulan. Lalong tumitindi ang pagnanasa ni Andong na huwag nang makita ang umaga, at ang maraming-marami pang umagang darating. Darating na ang kapaypaan darating na iyon. Malayo pa ba, ha, Tay? pamuling tanong ni Totong. Gutom na ko, Tay. Pansit, ha, saka yong me palamang keso. Hindi sumagot si Andong. Naramdaman niya na waring hinahalukay ang kanyang dibdib, nagsisikip. Nangangati ang kanyang lalamunan. Muli siyang inubo, tuyot, sunud-sunod, mahahaba, at waring hindi na niya kayang magpatuloy sa paglakad. Napaupo siya sa riles, hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Totong at, kahit nanlalabo ang kanyang paningin, nababanaagan niya ang malungkot nang mukha ni Totong; nagtatanong ang mga mata nito, kukurap-kurap. Yumayanig na ang riles, naramdaman ni Andong, at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong. Tumingin siya sa pinagmumulan ng dagundong ngunit madilim pa, kahit mag-uumaga na. Ang kalawakan ay lalong pinadidilim ng masinsin at malalaking patak ng ulan na waring galak na galak sa pagbuhos.

Sa malayo, ang dagundong ng tren ay papalapit, papalakas. Yumupyop na si Totong sa tabi ni Andong. Tay, uwi na tayo! Yoko na sa ulan. Yoko na ng pansit, parang maiiyak si Totong. Rikitikrikitikrikitikwooo wooo! Papalapit iyon, papalakas, papabilis. Dumapa si Andong sa riles ng tren. Patuloy siyang dinadalahit ng ubo. Naramdaman niyang nagwawala si Totong sa kanyang pagkakahawak. Rikitikrikitikrikitikrikitikwoooowoooo! Tay! Nilamon lamang ng malakas na malakas nang dagundong ng tren ang sigaw ni Totong. Nagdudumilat sa harapan ang dalawang ilaw ng rumaragasang tren. Salo np as P ar a S a Kanser June 23, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum Hunyo 13, 2009) SA KABILA ng lumalawak at tumitinding mga protesta ng ibat ibang sektor ng sambayanan bukod pa sa mga miyembro ng Senado na malinaw ang pansariling mga interes laban sa iginigilgil na Con-Ass (Hole) o asamblea constituyente para baguhin ang umiiral na 1987 Konstitusyon ng bansa (tulad nang ginawa ng lehislatura ng Pransiya noong 1789-1791), at kahit napakakontrobersiyal na gawin ito kung Kamara lamang ang magsasagawa at lalabagin nito ang mga probisyon ng Konstitusyon ayon sa mga dalubhasa sa Saligang-Batas, lumilitaw na igigiit at igigiit pa rin ng masusugid na basalyos ni La Gloria sa Kongreso ang bagay na ito kahit pagbabambuhin pa ang kanilang mga ulo o kasuklaman man sila nang husto ng mulat na sambayanang Pilipino. Natural, maliwanag ang posisyong ipinangangalandakan ng masusugid na tagahimod ng kuyukot ng Malakanyang: hindi isasaksak sa babaguhing Konstitusyon ang pagpapalawig sa termino ng panunungkulan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo o ng sinuman pero, sa kabilang banda, gagawin namang parlamentaryo/pederal/may isang kapulungan ang sistema ng gobyerno, hindi na presidensiyal tulad nang umiiral ngayon. Samakatuwid, at malinaw na ang mga senyales, hindi imposibleng kumandidato si La Gloria bilang kongresista sa kanyang distrito sa Pampanga at, sapagkat, mayorya ng mga basalyos niya ang inaasahang miyembro ng mabubuong Parlamento at sila ang maghahalal ng Punong Ministro at seremonyal na Presidente ng Republikang Mamon, imposible pa bang maging Punong Ministro naman si La Gloria lalot masidhi ang ambisyon niyang makapangunyapit na parang tuko sa nakababaliw na kapangyarihan, impluwensiyat pribilehiyo hanggang siyay humihinga?

Napakatuso nga ngayon ang taktika ng mga diyus-diyosan ng balintunang lipunan. Una, isulong nang husto ang Cha-Cha o pagbabago sa Konstitusyon sa pamamagitan ng nilalarong asamblea constituyente o kahit kombensiyon konstitusyonal (tulad nang ginawa sa Philadelphia, USA noong 1787 o noong 1970 sa Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos). Masidhi nga ang pagisisikap na gawing parlamentaryo ang sistema ng gobyerno para maging Punong Ministro si La Gloria. Ikalawa, kung mabigong maisakatuparan ito bago mag-eleksiyon sa darating na Mayo 2010, kakandidato naman siyang kongresista ng Pampanga bilang paghahanda sa malililikhang parlamento dahil, sa anumang paraan, itutuloy at itutuloy pa rin ng mga basalyos niya ang pagsusulong sa Cha-Cha lalo nat may basbas pa ito ng Amerika. {Gusto naman ng Amerika, sa dikta ng imperyalista nitong mga patakaran, na alisin sa babaguhing Konstitusyon ang mga limitasyon sa pagmamay-ari ng mga lupain at negosyo o mga korporasyon dito upang lubusan nang magahasa ang ekonomiya ng Republikang Mamon.) Ikatlo, at nakababahala, sukdulan nilang igigilgil sa Kongreso na mag-Cha-Cha na ngayon na, tiyak, magbubunsod at magpapasiklab ng higit pang mga protesta ng ibat ibang sektor ng sambayanan na maaaring mauwi sa mga kaguluhan at karahasan sa buong bansa na pabor pa rin kay La Gloria sapagkat may katuwiran naman siyang ideklara ang Batas Militar (tulad nang ginawa noon ng yumaong diktador na si Marcos) at, samakatuwid, garantisadong mapapalawig ang pananatili niya sa poder maliban na lamang kung magkudeta ang militar o matagumpay na magrebolusyon ang sambayanan. Gayunpaman, batay sa takbo ng mga pangyayari ngayon, mukhang nakatuon na ang mata ng mga diyus-diyosan sa eleksiyong pampanguluhan sa Mayo 2010 at, kung hindi magkakagulo o SADYAING palaganapin ng mga salamangkero ang karahasan sa bansa upang maideklara ang Batas Militar, tiyak na ngang idaraos ang sarsuwela o malakarnabal na pagtatanghal ng bastardong mga pulitiko mga ilang buwan na lamang mula ngayon. Katunayan, nagkakarambola na ang mga nag-aambisyong maging kahalili ni La Gloria sa poder at, sa pamamagitan ng tuso o disimuladong mga pamamaraan, tulad ng mga bayad na anunsiyo sa telebisyon sarili mang pera o pondo ng bayan ang ginastos ibinabandila na nila ang kanilang mga pagmumukha at adhikaing mapaglingkuran ang bayan kahit hindi pa sila opisyal na kandidato at labag sa reglamento ng inutil na Comelec na mangampanya na sila ngayon pa lamang. Pero, magka-eleksiyon man taun-taon, o malimit mang baguhin ang Konstitusyon ng bansa sa bawat panahon, malulunasan ba ang grabe nang mga sakit na panlipunan mulang doble-karang hustisya hanggang palsipikadong demokrasya kung ang uri pa ring naghahari-harian at mapagsamantala ang mamamahala at uugit sa bansa, lalot mahigpit nilang kontrolado o monopolyo nila ang pambansang pulitikat ekonomiya? Sabi nga, natural lamang na puspusan nilang pangalagaan ang pansarili nilang mapandambong na mga interes sa kapinsalaan ng bayan at masang sambayanan. Sa pagpapalit ng mga rehimen sa pamamagitan ng mga eleksiyon simula pa sa panahon ni dating Presidente Elpidio Quirino hanggang sa ngayon, o pagbabago man sa Konstitusyon tulad noong 1970, o sa pamamagitan ng Edsa 1 at Edsa 2, paulit-ulit na napatunayang salonpas lamang para sa kanser ang lahat ng ito. Malinaw na kinakasangkapan lamang ng uring naghahari-harian, ng mga elitistat kinatawan ng oligarkiya at dayuhang mga interes ang suporta ng masang sambayanan at, pagkatapos na maluklok sa poder ang mga diyus-diyosan, agad nilang inilalampaso sa

kubeta ng kapangyarihan ang pambansang kapakanan, lalo na nga ang nilulumot nang adhikan ng masang sambayanan na makalaya sa kabusabusan. Wala ngang naganap, noon hanggang ngayon, na radikal na mga pagbabagong panlipunan. Lumulubha pa nga nang lumulubha ang disempleyo at karalitaan habang sumisidhi nang sumisidhi ang talamak at garapal na katiwalian ng mga nasa poder sa salapi ng bayan. Nananatiling dayukdok at busabos o inaalipin ng gahamang mga kapitalista ang uring manggagawa habang walang sawa silang nagtatampisaw at nagpapakabundat sa pawis at dugo ng mga ito. Nakatanikala pa rin sa lupa ng mga asenderot propiyetaryo at kumain-dili ang mga magsasaka at ni hindi man lamang mabanaagan ang tunay na repormang agraryo habang masaganang nagpipiging at nagkakamot lamang ng bayag ang mga kinauukulan sa loob ng kani-kanilang alpombradong mansiyon at palasyo. Higit pang masama, paulit-ulit na itinitihaya at ibinubukaka ang Pilipinas ng nagririgodong pambansang liderato upang ipagahasa at ipalaspag ang ekonomiyat pambansang kapakanan sa mapandambong na dayuhang mga interes, lalo na sa masibang imperyalistang mga patakaran ng Amerika. Sa kabila ng mga kilusan para sa isang mapayapa, malinis at kapanipaniwalang eleksiyon, ano pa nga ba ang maaasahan ng bayan at masang sambayanan sa mga halalang tulad nito na lagit laging kinakatawan at pinaghaharian ng dati at dati ring mga diyus-diyosan sa umiiral na lipunan gayong lumilitaw na pasimuno pa ang mga ito ng inhustisya, bentador ng pambansang kapakanan, at masugid na mga kaaway ng lantay na katarungang panlipunan? Ano pa nga ba ang maaasahan din ng bayan at masang sambayanan sakaling baguhin man ang Konstitusyon kung ang magpapasok ng mga pagbabago ay ang naturan ding uri na dumadaloy na sa dugo at nakatanim na sa mga puson at puklo ang mapagsamantalang pribadong mga interes para sa kapakanan lamang ng kanilang uri? Sabi nga, hindi makalilikha ng banal na kasulatan ang grupo ng mga impakto! Opo, Virginia, opo: magka-eleksiyon man araw-araw, baguhin man ang Konstitusyon oras-oras, hindi magkakaroon ng radikal na pambansang mga pagbabago lalo na sa buhay ng masang sambayanan hanggang hindi nababago ang napakasamang balangkas ng lipunang kontrolado lamang ng iilang naghahari-harian ang ekonomiyat pulitika ng bansa. Hanggang hindi lantay na makabayan, makatao, makamasa, maka-Pilipino at progresibo ang hahawak sa renda ng pambansang kapangyarihan o hindi tangan ng masang sambayanan ang pampulitikang kapangyarihan, mananatiling salonpas lamang para sa kanser ang naturang mga proseso at mananatiling paghaharian ng kampon ng kadiliman ang pinakamamahal nating bayan. # P akana Ng CI A May 17, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez TIYAK, ngayon pa lamang, nakatutok na ang mata ni Uncle Sam sa mga ambisyosong maging Presidente ng bansa kung matutuloy nga ang eleksiyong pampanguluhan sa Mayo 2010. Kung hindi nga maisalaksak sa lalamunan ng sambayanan ang Cha-Cha o pagbabago sa umiiral na Konstitusyon dahil sa tumitinding mga protesta at tuluyang mabigo ngayon ang layuning gawing parlamentaryo/pederal/may isang kapulungan hindi na presidensiyal ang

porma ng gobyerno upang maging Punong Ministro o Presidente na naman si La Gloria, wala nang dahilan pang kapunin o patayin ang nakatakdang eleksiyon, maliban na lamang kung sadyaing lumaganap ang mga karahasan at kaguluhan sa bansa upang mapangatuwiranang kailangang ideklara ang Batas Militar gaya nang ginawa noon ng yumaong diktador na si Ferdinand E. Marcos. Natural, at lagi naman itong ginagawa, sinusuri na ng Amerika kung sino ang mamanuking susunod na Presidente ng Republikang Mamon upang maging tagapagtaguyod ng imperyalista nitong mga patakaran sa Pilipinas. Si BisePresidente Noli de Castro ba? Isa ba kina Sen. Manuel Villar, Panfilo Lacson, Dick Gordon, Mar Roxas, Loren Legarda at Chiz Escudero?.Si Sekretaryo Gilbert Teodoro ba ng DND (Dept. of National Defense)? Si Gobernador Ed Among Panlilio ba ng Pampanga? O si Alkalde Jojo Binay ng Makati? Si Tagapangulong Bayani Fernando ba ng MMDA (Metro Manila Development Authority)? O si Bro. Eddie Villanueva ba ng JIL (Jesus is Lord) o si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai? O sinumang impaktong handang maging masugid na tagahimod ng kuyukot ni Uncle Sam? Hindi na tuloy katakataka, hanggang ngayon, kung bakit wala ni isa sa mga nabanggit ang bumabatikos sa mapambusabos at mapanggahasang imperyalistang mga patakaran ng Amerika sa Pilipinas pangkultura man, pang-ekonomiya man o pampulitika. Nang magharap sa programa ni Tina Monzon Palma sa telebisyon kamakailan sina Roxas, Gordon, Escudero, Panlilio at Teodoro, naging mababaw ang kanilang mga pahayag. Hindi nila sinaling man lamang ang isyu tungkol sa ganap na kasarinlan o soberanya ng bansa na ipinampupunas lamang ng puwit ng Amerika, gayundin ang isyu sa tunay na reporma sa lupa, at wala silang pinagtuunang lamutakin kundi ang pagsugpo sa katiwalian lalo na sa burukrasya. Sapagkat walang sinuman sa kanila ang bobo, tiyak na alam nilang pangunahing dahilan ng paglaganap ng karalitaan sa bansa ang mga galamay ng imperyalismong Amerikano at, dahil sa mapambusabos nitong mga patakaran, imposible tuloy na maisulong ang pambansang kapakanan at kaunlarang minimithi ng dayukdok na sambayanan. Pero, sa kabilang banda, dahil alam nilang kailangan nila ang bendisyon at suporta ni Uncle Sam upang maisakatuparan ang nakababaliw nilang ambisyong pampulitika, natural nga lamang na huwag nilang salingin man lamang ang gayong usapin o sadyain nilang embalsamuhin ang sariling utak, kandaduhan ang bibig, o putulin ang dila para ibenta ang sarili sa mga diyus-diyosan sa Washington. Sa proseso ng pagsusulong at pagpapairal sa imperyalistang mga patakaran ng Amerika sa alinmang bansa, hindi mapapasubaliang malaki ang papel na ginampanan at patuloy na ginagampanan ng mga ahente ng CIA (Central Intelligence Agency) nito. Malinaw na ibinunyag ang lahat-lahat sa mga aklat na Whos Who In The CIA ni Jules Mader at Rogue State ni William Blum. Noon pa man, mga 3,000 katao na mga sibilyan, militar, pulitiko at maging peryodista ang sinusuwelduhan ng CIA bilang mga ahente. Nakakalat sila sa mundo upang maniktik, mangalap ng mga impormasyon, magwasak ng unyon ng mga manggagawa at ng mga organisasyong makabayan, magbagsak ng mga rehimeng anti-Amerikano, manabotahe ng

ekonomiya, at magluklok sa poder ng mga lider na kayang pilipitin ang leeg upang maging papet ni Uncle Sam. Higit sa lahat, kung kinakailangan, maaari pa silang magpakana ng mga pagpatay, mapangalagaan lamang ang mapandambong na interes ng Amerika. Dekada 60 pa, mga 100 na ang ahente ng CIA sa India, 34 sa Afghanistan, 15 sa Ceylon, 86 sa China, 72 sa Indonesia, 44 sa Burma, 80 sa Hongkong, 140 sa Japan, 26 sa Cambodia, 40 sa Laos, 11 sa Malaysia, 16 sa Nepal, 90 sa Timog Korea, 100 sa Thailand, 150 sa Vietnam, 85 sa Pilipinas, bukod pa sa mga 100 ahente sa iba pang mga bansa. Natural, sa paglipas ng mga panahon, lubos na naragdagan ang naturang bilang sa masidhing ambisyon ng Amerika na makontrol at mapagharian ang buong mundo. Sa Pilipinas ngayon, tinatayang mahigit sa 200 ang naglisaw na mga aso ng CIA, lalo nat inihahanda na ang tanghalan ng malakarnabal na eleksiyon sa 2010 at, sa anumang paraan, dapat na manyikang de susi o papet ni Uncle Sam ang susunod na maupo sa inodoro ng kapangyarihan sa Malakanyang. Maraming pangyayari nga sa ibang mga bansa ang pinaniniwalaang minaniobra ng mahiwaga at makapangyarihang kamay ng CIA. Nariyan, halimbawa, ang pagpatay kay Patrice Lumumba, unang Punong Ministro ng Congo, noong 1961. Nariyan ang pagpapabagsak sa maka-Komunistang rehimen diumano ni Sukarno ng Indonesia noong 1962 at pagluluklok sa poder kay Suharto na nagpakatuta sa Amerika. Nariyan ang pagpapatalsik sa makabayang rehimen ni Mohammed Mossadegh ng Iran noong 1953 hanggang sa mailagay sa kapangyarihan ang papet na si Shah Reza Pahlavi. Nariyan ang pagpatay kay Ngo Dinh Diem ng Vietnam (tinulungan muna ng CIA na maging presidente saka nilikida nang ayaw nang sumunod sa kagustuhan ng Amerika noong 1963). Malinaw din ang pagmamaniobra ng CIA sa kudeta sa Guatemala noong 1954 at pagpapatalsik sa kapangyarihan kay Francois Papa Doc Duvalier ng Haiti noong dekada 60. Bukod sa mga nabanggit, hindi iilang ulit na ring pinagtangkaang patayin ng CIA sina Fidel Castro ng Cuba at Moammar Qaddafi ng Libya. Sa mga naging lider na lamang ng Pilipinas, pinag-iisipan pa rin hanggang ngayon ng mga palasuri sa pandaigdig na pulitika na bahagi ng teroristang mga pakana ng CIA ang biglang pagkamatay ni Sen. Claro M Recto noong dekada 50 sa Roma. Kilalang makabayan si Recto at mahigpit na kritiko ng imperyalistang mga patakaran ng Amerika sa Pilipinas matapos ang kolonyalismong Kastila. Sa isang piging sa Roma, bigla na lamang diumanong inatake sa puso si Recto gayong sinasabing wala siyang sakit sa puso. Tumibay ang paniniwalang nilason siya ng CIA. Makabuluhan din, marahil, na banggitin ang nangyari kay dating Presidente Ramon Magsaysay. Batay sa aklat na The Invisible Government nina David Wise at Thomas Ross, lumilitaw na inalagaan at pinasikat ng CIA hanggang maging Presidente ng bansa ang mekanikong si Magsaysay sa ilalim ng pagmamaniobra ni Col. Edward Landsdale, hepe noon ng CIA sa Asya-Pasipiko. Iniluklok muna siyang kalihim ng Tanggulang Bansa at ginamit nang husto laban sa rebelyon ng mga Huk. Pero, nang Presidente na siya, at nagsisimulang sumuway sa kagustuhan ni Uncle Sam, bigla ngang bumagsak sa Mt. Manunggal ang sinasakyan niyang eroplanong pampangulo gayong lagi iyong sinusurit tinitiyak na ligtas bago paliparin at, makatuwirang isipin, pinakamahusay na piloto rin ang inaatasang magpalipad niyon.

Mahalaga ring sariwain kung paano niwawasak ng CIA ang gulugod ng unyonismong anti-Amerikano sa bansa. Noong 1968 na lamang, walang patumanggang pinatay si Resureccion Nazareno, presidente ng Clark Field Labor Union matapos ang isang malaking kilos-protesta laban sa mga opisyal ng base militar ng Amerika sa Clark Field, Pampanga. Pagkatapos, nang nasa kainitan ang welga ng mga empleyado sa Clark, bigla ring pinatay sa isang restawran si Konsehal Jose M. Roman, Jr. ng Angeles ng naturang probinsiya makaraang pamunuan ang dalawang matagumpay na demonstrasyon laban sa mga opisyal ng Clark at interes ng Amerika sa bansa. Bukod sa mga nabanggit, malaki rin ang papel na ginampanan ng CIA, hindi ng Birhen ng Edsa, sa mapayapang pagpapatalsik sa diktadurang Marcos. Masugid na papet din ng Amerika si Marcos pero nang labis na umabuso sa kapangyarihan at tumindi nat lumawak ang galit ng sambayanan, natakot ang Amerika na magkarebolusyon sa bansa at maluklok sa kapangyarihan ang mga makabayan, progresibo at sinasabing maka-kaliwa na, tiyak, ikawawasak ng lahat ng mapandambong na interes ng Amerika sa bansa. Ipinasiya nga ng mga diyus-diyosan sa Washington na maniobrahing patalsikin na si Marcos, palitan ng bagong papet na katanggap-tanggap sa mga mamamayan, kaya tinawagang You better pack-up. No bloodshed! nang nasa kasagsagan na ang Edsa 1. Helikopter nga ng Amerika ang sumundo sa Unang Pamilya at kanilang pangunahing mga basalyos sa Malakanyang at dinala sila sa Haway. Ayon nga kay Blum, karaniwan na lamang ang tuwiran o di- tuwirang pakikialam ng Amerika sa pamamagitan ng CIA sa mga bansang gusto nitong kontrolin at gahasain gaya na nga lamang ng paghokus pokus sa mga eleksiyon. Kung kinakailangan pa, naglulunsad din ito ng lantarang agresyon tulad sa Iraq at Afghanistan madamay man ang inosenteng mga sibilyan sa pamamagitan ng paggamit ng mapamuksang mga sandatang kemikal at bayolohikal. Ibinunyag pa ni Blum na ang CIA ang nagmaniobrang ipakulong ng 28 taon si Nelson Mandela ng Aprika, gayundin ng dalawang tangkang pagpatay noon kay dating Presidente Jose Figueras ng Chile. Maisulong nga lamang ang gahaman at mapang-aliping interes ng Amerika sa alinmang bansa, ginagawa ng CIA ang lahat magpakalat ng mapanlinlang at baluktot na mga propaganda, mangidnap at pumatay, magpalaganap ng droga, magpahirap at manggipit ng itinuturing na mga kaaway, manabotahe sa makabayang pamahalaan, magsalamangka sa mga halalan, at magpakana ng kung anu-ano pang maruruming taktika para sa interes ni Uncle Sam. Katunayan, bukod sa Iraq at Afghanistan ngayon, tuluy-tuloy ang masugid na pagkilos ng CIA sa Libya at Iran, sa Syria at Hilagang Korea at iba pang mga bansang hindi nito basta mapilipit ang leeg para mangayupapa sa altar ng imperyalismong Amerikano. Sapagkat lumalakas ngayon sa Pilipinas ang mga puwersang makabayan at progresibo, at tumitindi ang mga protesta kontra sa imperyalistang mga patakaran ng Amerika dito, makatuwiran nga lamang asahang mag-iibayo rin ang pagkilos, pagmamaniobra, mga pakana at pakikialam ng mga ahente ng CIA sa bansa. Asahan nang sasalamangkahin nito ang eleksiyon sa 2010 kung hindi matagumpay na mailulunsad ang Cha-Cha sa Kongreso ng mga sirkerot payaso matiyak lamang na tuta ni Uncle Sam ang susunod na Presidente ng Republikang Mamon.

Opo, Virginia, opo, ngayon pa lamang ay paniwalaan mo na ito! Huwag mo nang sangguniin ang iyong horoscope araw-araw. # Rep ub likan g Ma mo n April 29, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) HINDI na dapat ikagulat pa kung bakit napawalang-sala sa CA (Court of Appeals) ang marinong Amerikanong si Daniel Smith at walang kaabug-abog na nakauwi na sa Estados Unidos ng Amerika. Sa RTC (Regional Trial Court) ng Makati, puspusang nilitis si Smith ni Hukom Benjamin Pozon sa kasong panggagahasa sa isang Suzette Nicole Nicolas na nangyari noong malibog na gabi ng 2005. Napatunayan siyang nagkasala at nasentensiyahang mabilanggo ng mga 40 taon. Habang nakaapela sa CA ang kanyang kaso, mga dalawang taon nga siyang ikinulong noon sa Embahada ng Amerika dito na, maliwanag, hindi sakop ng mga batas at hurisdiksiyon ng Pilipinas. Matapos magdesisyon ang Korte Suprema na dapat nang ilipat ng kulungan si Smith sa sakop ng teritoryo ng bansa halimbaway sa Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa hindi naman iyon naipatupad kahit isang minuto dahil kailangan pa diumanong linawin ang ilang teknikalidad sa mga probisyon ng nakasusukang VFA (Visiting Forces Agreement) na sumalaula na naman sa soberanya o kasarinlan ng bansa. Sadyang binimbin ang pagpapatupad ng naturang kautusan, ibinitin at pinatawing-tawing sa hangin kaya, sa wakas, namaniobra o nasalamangka ng makapangyarihang mga kamay ang lahat-lahat at nagmukhang tanga ang Republikang Mamon. Maaalaala, kahit parang dumaraan sa butas ng karayom ang sinumang aplikante para mapagkalooban ng visa sa Embahada ng Amerika dito, biglang-bigla na lamang pumutok ang balitang nasa Amerika na si Nicole, kasama ang Nanay, upang doon na magsimula ng panibagong buhay matapos ang madamdamin niyang pagsasalaysay noon kung paano nilaspag ni Smith ang kanyang puri. Pagkatapos, bigla rin ang ipinalabas niyang bagong pahayag na hindi na niya tiyak kung ginahasa nga siya o hindi ni Smith dahil lasing na lasing siya noong gabing iyon. Maliwanag, ang nabaligtad na pahayag ni Nicole ang isa sa mga matibay na batayan ng tatlong babaing mahistrado ng CA bukod sa iba pa marahil na mahiwagang mga kadahilanan, kasama diumano ang konsensiya kaya, sa wakas, mabilis pa sa alas kuwatrong napawalang-sala si Smith at parang ipu-ipong nakauwi agad sa Amerika. Dumaan, diumano, sa tamang proseso ang lahat, ayon kay Embahador Kristie Anne Kenny, at gayundin ang opinyon ng ilang opisyal ng pamahalaan natin, lalo na si Sekretaryo Raul Gonzalez ng Katarungan kaya, sabi nila, walang dapat hinalaing iregularidad o hokus pokus sa mga bagay na ito. Tell it to the marines, sabi nga sa wika ng mga Yankee. Sa paniniwala ng mga mulat at progresibo, diniktahan ng mga diyus-diyosan sa Washington ang diyosa ng Malakanyang para aregluhin ang lahat pabor kay Smith.

Batay sa kasaysayan ng Republikang Mamon, matagal nang nangangayupapa at tagahimod ng pundilyo ng imperyalistang mga patakaran ng Amerika ang walang gulugod na pambansang liderato ng Pilipinas. Mula pa sa panahon ng mga Quezon, Roxas at Osmena, hanggang sa mga rehimen ng mga Marcos, Aquino, Ramos, Erap at La Gloria, maliwanag na papet lamang o manyikang de susi ni Uncle Sam ang mga naging presidente ng Republika (basahin ang aklat na In Our Image ni Stanley Karnow) kaya kalimitang ibinebenta ang pambansang kapakanan at labis na nasasalaula ang tunay na kasarinlan o soberanya maisulong lamang ng mga kinauukulan ang makasarilit nakasusugapang mga interes na pampulitika. Kailan nga ba naipatupad ang mga batas ng Pilipinas laban sa mga nagkakasalang sundalong Amerikano sa sakop ng teritoryo nito? Nang namamayagpag sa bansa ang mga base militar ng Amerika dito sa Sangley Point sa Kabite, sa Clark Field sa Pampanga, sa Subic Bay sa Olongapo itinambak lamang sa kangkungan ang maraming kasong kinasangkutan ng mga marinong Amerikanong kagaya ni Daniel Smith. Walang kaluskos na nakalayas agad ng Pilipinas ang mga kinauukulan at lumitaw na lamang, nang malaon, na nagkakamot na ng bayag sa Estados Unidos ng Amerika. Sariwa pa sa alaala, noong mga huling taon ng dekada 60, isang mala-pistolerong marinong Amerikanong tumutugon naman sa pangalang Kenneth Smith ang hindi napitik man lamang sa ilong ng batas ng Pilipinas at agad na pinawalang-sala ng mga awtoridad na Amerikano kaugnay ng pagkakapatay sa isang pobreng Pilipinong limpiya bota na nagnanakaw diumano ng bisikleta. Ang biktima, si Rogelio Gonzales, ay basta na lamang binaril at napatay ni Smith sa tarangkahan ng Sangley Point. Bisikleta lamang ng Amerika ang katumbas ng kanyang buhay nang basta na lamang ibinasura ang naturang kaso. Noon ding mga panahong iyon, isang Pilipinong trabahador, si Glicerio Amor na nakatalikod at nakatalungko at umiinom sa isang sapa na sakop ng base militar ng mga Yankee sa Subic Bay, Olongapo, ang basta din lamang binaril at napatay ng marinong si Michael Moomey. Ikinatuwiran ni Moomey na napagkamalan niyang baboyramo si Amor kaya niya binaril agad. Hindi man lamang napitpit ng batas ng Pilipinas ang kanyang mga daliri at nakauwi din agad siya ng Amerika. Noong 1970 naman, ibat ibang makahayop na kalupitan ang dinanas ng ilang manggagawang Pilipino sa Clark Field, Pampanga sa kamay ng binansagang Holmans Gestapo Unit si Col. Averill Holman ang siyang kumander ng naturang base militar na nahaharap noon sa kasong desakato sa Hukumang Unang Dulugan ng Lungsod ng Angeles kaugnay ng kaso namang tangkang pangingidnap at panggagahasa ng apat niyang sundalong sina Ronald McDaniel, Cecil Moore, Bernard Williams at Hiawatha R. Lane. Ibinaon na rin lamang sa limot ang nasabing mga kaso. Sa isyu ng THE WHIG (Agosto-Setyembre, 1970), isang peryodikong Amerikanong lumilitaw na tutol noon sa masamang pamamalakad ng Amerika hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang mga bansa, ibinunyag ang sumusunod na mga pangyayari sa Clark Field:

Isang alas kuwatro ng hapon, nilapitan ng anim na sundalo ng Holmans Gestapo Unit ang anim ding sibilyang empleyado ng base militar na nakatayo sa tarangkahan ng terminal ng Clark at hiningan ng mga ID. Walang kaabugabog na pinaghihipuan ang dalawang babae sa mga iyon, kinaladkad sa malapit na gusali ang apat na lalaki at basta na lamang pinaggugulpi. Marami pang obrerong Pilipino ang walang kadahidahilang binugbog ng mga sundalo ni Holman. Ayon pa rin sa THE WHIG, muli, isang hapon, isang Pilipinong nangungumpay ng damo sa labas ng bakod ng Clark ang nilapitan ng dalawang marinong Amerikano, at basta na lamang sinipa. Sumigaw ang biktima, humingi ng saklolo, pero tinakpan ang kanyang bibig, saka muling pinagsisipa. Pagkatapos, inihagis ito sa loob ng bakod, isinakay sa dyip, tinadyakan ang bibig na ikinalagas ng tatlong ngipin. Sa tanggapan ng seguridad ng Clark, 18 pang marino ang halihaliling bumugbog sa kanya at itinapon siya, nang malaon, sa labas ng bakod ng Clark. Isang Pilipinong nakatira sa tapat ng base, batay pa rin sa ibinunyag ng THE WHIG, ang tinalian at ipinakaladkad sa kabayo ng isa pang miyembro ng Holmans Gestapo Unit. Isang Pilipino namang patungo sa tore ng radyo ng Clark ang hinabol at nang malapit nang abutan ng sundalong Amerikano, basta na lamang ito binaril at napatay. Nang makabalik sa Amerika ang naturang marino, ipinagyabang pa nito diumano na 15 Pilipino ang kanyang napatay sa loob ng panahong nakadestino siya sa Pilipinas. Hindi kaya paulit-ulit na mangyari, o nangyayari na, ang nabanggit na mga halimbawa ng pag-abusot kalupitan ng mga sundalong Amerikano sa ilalim naman ngayon ng dapat nang ibasurang VFA? O mananatili lamang mga gulugod-dikya ang pambansang liderato at hahayaan na lamang manatiling ang bansay isang Republikang Mamon sa mata ni Uncle Sam na puwedeng basta na lamang salaulain ang mga batas at lamutakin ang soberanya o kasarinlan nito? Sabi nga, huwag mong asahan Virginia, na maisusulong ang pambansang kapakanan pangkultura man, pangekonomiya man o pampulitika hanggang nakatali sa asintos ng imperyalistang mga patakaran ng Estados Unidos ng Amerika ang nagpapanggap na makabayang mga lider ng Republikang Mamon. Opo, Virginia, opomaniwala ka na lamang sa mga milagro at horoscope upang maparatangan namang may hangal kang kaisipan. # Sakit n g Ulo ni Ob a ma April 17, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) DAHIL sa kahihiyang inaani ngayon ng Amerika sa hindi makatuwirang pananakop nito sa Iraq, bukod pa sa patuloy nitong pakikialam sa Afghanistan, hindi tuloy namumutiktik sa mayabang na retorika tungkol sa pakikidigma ang mga talumpati ni Presidente Barrack Obama ng Estados Unidos ng Amerika di gaya noon ni dating Presidente George W. Bush na hitik sa mga pagbabantang kaya nitong salakayin at pagharian ang mga bansang sumasalungat sa imperyalista nitong mga patakaran.

Sa kabila ng modernong mga armas at superyor na tropang militar nito, libu-libong sundalong Amerikano na ang nagbuwis at patuloy na nagbubuwis ng buhay dahil sa ganting-salakay ng makabayang mga Iraqi sa pamamagitan ng mabisang taktikang-gerilya. Higit sa lahat, tandisan nang hinihingi ng milyun-milyong mga mamamayan ng Iraq ang agarang paglayas doon ng tropang Amerikano sapagkat sila mismo kaysa sinumang lahi ang may lehitimo at sagradong karapatang pamahalaan ang kanilang bansa at, gayundin, hawanin ang landas tungo sa kanilang hinaharap. Maliwanag na dagdag problema ito ngayon kay Obama, lalo na ngat lumalawak at tumitindi na rin ang protesta ng mismong mga mamamayang Amerikano sa patuloy pang pananatili, at panghihimasok, ng tropang Amerikano sa Iraq at Afghanistan. Sapagkat lumalaki ang kakulangan sa badyet ng Estados Unidos, lumalaganap ang disempleyo at tanggalan sa trabaho, dahil sa lumagabog nitong ekonomiya bunga ng labis na kasuwapangan ng kapitalismo, makatuwiran lamang na magdalawang-isip si Obama bago magbunsod ng anumang giyera nito saanmang panig ng mundo. Bilyun-bilyong dolyar na nga ang ginasta at patuloy pang ginagasta ng Amerika sa Iraq para lamang mapanatili ang mga tropa nito doon kaya, lumilitaw ngayon, na iiwasan nitong maglunsad pa ng panibagong agresyon sa alinmang bansang gusto nitong makontrol, pagsamantalahan at pagharian. Niluwagan na nga ni Obama ang mapanikil o mapanggipit na polisiya ng Amerika sa Cuba at hindi na basta-basta pinagbabantaan ang Hilagang Korea. Ipinahiwatig pa nga niya sa ilan niyang pahayag na, sa malapit na hinaharap, baka tuluyan nang lisanin ng tropang Amerikano ang Iraq, gayundin marahil ang Afghanistan. Sakit pa ng ulo ni Obama ang hindi mapapasubaliang katotohanan na nagiging inspirasyon pa ng makabayang mga mamamayan ng ibang mga bansang pinanghihimasukan at kinokontrol ng Amerika ang magiting at rebolusyonaryong pakikibaka ng mulat na mga Iraqi laban sa hindi makatuwiran, malupit at marahas na pananakop ng puwersang Amerikano sa kanilang bansa. Dahil dito, hindi malayong lumaganap ang paglaban sa imperyalismong Amerikano sa iba pang panig ng mundo at, natural, maglalagablab nang husto ang apoy ng paglayang tutupok sa mapambusabos na mga patakaran nito. Higit sa lahat, idagdag pa nga sa mga problemang ito ni Obama na sa mismong kuta ng mapambusabos na kapitalismo, sumisiglat sumusulong ang mga nagtataguyod ngayon sa sosyalismo. Katunayan, sa Abril 25, sa Los Angeles City College, nakatakdang idaos ang isang seminar-talakayan na may temang Sosyalismo: Panahon na Ngayon Wakasan ang Digmaan at Militarismo. Nakalinyang tumalakay sa naturang isyu ang mga kinatawan ng ibat ibang sektor tulad nina Richard Becker, Muna Coobtee, Juan Jose Gutierrez, Michael Prysner, Jacqueline Villagomez, Arturo Garcia, Lucille Esguerra, Pete Lindsay, Preston Wood, Marylou Cabral at Stevie Merino. Batay sa mga nabanggit, maaaring itinatanong ngayon sa sarili ni Obama: hanggang kailan mapananatili at mapaghahari ang mapandambong na kapitalismo at imperyalistang mga patakaran ng Amerika sa mundo? # Dinasti yan g P amp uliti ka: Lu mo t

March 25, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) KUNG MAYROON mang batas na tandisang nagbabawal sa dinastiyang pampulitika (mayroon na nga ba?), waring imposible nang mahadlangan ang talamak nitong pag-iral sa ibat ibang bahagi ng bansa. Hindi na kailangan ang malinaw na mata upang makita ang pami-pamilyang namamayagpag sa poder. Nakasusukang tradisyon na yata noon at ngayon na magrigodon sa kapangyarihan ang ilang maimpluwensiyat mayamang pamilya. Monopolyo na nga ng mga pamilyang ito, mula pa sa panahon ng kanilang mga lolo hanggang sa mga apo ngayon, ang nakasusugapang pulitika sa kani-kanilang lugar at maging sa buong bansa. Nariyan sila, parang mga buwayang nakaabang sa anumang halal na puwestong puwedeng sakmalin ng mga miyembro ng pamilya asawa man o anak o apo o maging mga bayaw at hipag at kulang na lamang na magpatibay sila ng batas na maaari nang ipamana sa kanilang kadugo ang kanilang poder sa gobyerno: presidente man o senador, kongresista man o gobernador, alkalde man o konsehal o maging kapitan de barangay. Kung maaari nga lamang, baka ikandidato pa nila ang kanilang mga pusa at aso at iba pang alagang mga hayop. Sa kampo man ng Administrasyon o ng Oposisyon at sapagkat pamunas lamang nila ng puwit ang prinsipyot karangalan madali sa kanilang magsatipaklong o magsahunyango sa pagpapalipat-lipat ng bakod-pampulitika (sa Liberal man o Nasyonalista, sa Kampi man o Laban, sa Partido ng Masang Pilipino o anuman) masunod lamang ang makasariling ambisyong makapanatili sa kapangyarihang balon yata ng kayamanan, impluwensiyat pribilehiyo. Walang mahalaga kundi muling maibandila ang apelyido ng pamilya sa tanghalan ng sarsuwelang pulitika kahit magtaling-pusod at mag-amuyan ng kilikili ang dating magkalaban o sukdulang magsaksakan sa sikmurat magputulan ng bituka ang dating magkaibigan. Sa pambansang tanghalan, nariyan ang mga Roxas at Osmena at Magsaysay o Marcos, Aquino, Recto, Estrada at Enrile at, higit sa lahat, nakabalandrat namamayagpag ngayon ang mga Macapagal-Arroyo. Nadagdag pa ang mga Angara,Villar, Biazon, Pimentel, Cayetano at bagong kapipisang itlog tulad ng mga Zubiri at Escudero. Sino ang hindi makakakilala sa Kamaynilaan sa mga Asistio, Atienza at Binay? Sino ang hindi pamilyar sa kani-kanilang lugar sa mga Remulla, Revilla at Maliksi ng Kabite, sa mga Joson ng Nueva Ecija, sa mga Villafuerte, Lagman, Imperial at Escudero ng Bikol, sa mga Lapid at Macapagal ng Pampanga, o sa iba pang pawang nabibilang sa Kamag-anak Inkorporada? Marami na ngang patunay na ang mga dinastiyang pampulitika sapagkat pare-parehong ayaw magpatalo ang pinagmumulan ng mga dayaan o hokus pokus at mga karahasan o patayan sa bawat eleksiyon sa bansa. Nakatatawa tuloy na parang hindi pa naranasan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang katotohanang dugot terorismo, pera at dayaan ang namamayaning batas ng mga halalan sa bansa, lokal man o nasyonal. Kung naging bahagi nga siya nito,o promotor pa, ano kung gayon ang kanyang karapatan, maging ng kanyang mga basalyos, na paulit-ulit na manawagan para sa isang maayos, mapayapa, malinis at kapanipaniwalang eleksiyon kung matutuloy nga ito sa

Mayo 2010, at hindi maigigilgil o mamamaniobra ng kasalukuyang rehimen ang pagbabago sa Konstitusyon upang maging parlamentaryo-pederal-may isang kapulungan ang sistema ng gobyerno bago matapos ang termino ng Reyna ng Malakanyang? Kailan nga ba naging kapanipaniwala, malinis at mapayapa ang eleksiyon sa bansa? Tiyak, bago o mismong sa 2010, madaragdagan ang mga biktima ng karahasan kaugnay ng halalan. Ngayon pa lamang, malinaw na ang pagbabalyahan at pagbabatikusan ng putik ng mga posibleng magbanggaan, lalo na sa pagka-presidente na, di nga kasi, ay mauuwi sa tusot maruming mga pakanang baka magbunga ng terorismot mga patayan. Kailan nga ba walang dayaan sa eleksiyon? Maging ang muling pagkakahalal nga ni La Gloria noong 2004 ay nakulapulan ng eskandalong ibinunga ng napabantog na Hello, Garci kaya lumagabog ang kanyang kredibilidad. Tumibay ang paniniwala ng maraming mamamayan na talagang may garapalang dayaang naganap noon sa pamamagitan diumano ng pagmamaniobra ng isang Garcellano at ilang nasangkot na opisyal ng militar na waring ginantimpalaan pa ngang itaas ng ranggo o pagkalooban ng sensitibong mga puwesto sa gobyerno matapos ang lahat-lahat. At, sa kabilang banda, sino pa nga ba ang naniniwala sa kredibilidad din ng Komisyon sa Halalan o Comelec palitan man ang mga komisyoner nito araw-araw? Gawin mang de makina (automated) ang darating na eleksiyon, masusugpo nga ba, kundi man tuluyang mawala, ang dayaan lalot mapera, maimpluwensiyat makapangyarihan ang mga kandidatong marami ang nabibilang sa mga dinastiyang pampulitika? Alam na alam ng mga nanalo sa bawat eleksiyon, noon pa man bagaman hindi nila aaminin na nabibili at nasasalamangka sa tamang presyo sa Comelec ang resulta ng mga halalan. Hindi na nga tuloy katakataka kung bakit namumutiktik sa kabi-kabilang protestang-elektoral ang mga eleksiyong ito. Sa pagkontrol na ito ng iilang pamilya hindi lamang sa pambansang pulitika, kundi maging sa ekonomiya, hindi maikakailang maruming papel ang ginagampanan ng mga dinastiyang pampulitika kaya patuloy na nasisikil ang tunay na tinig ng sambayanan sa bawat halalan at, higit na masama, walang habas pa ngang nasasalaula ang sagradong demokratikong mga proseso. Kahinahinala tuloy kung bakit kahit malinaw na itinadhana ng Konstitusyon (Artikulo VI, Seksiyon 5) na dapat hindi lumampas ng 250 ang bilang ng mga kongresista, nagkukumahog ngayon ang Kongreso na lumikha ng bagong mga distrito-kongresiyonal at paabutin ng 300 ang kinauukulang mga kinatawan o representante. Ito bay para palawakin pa ang kanilang mga dinastiyang pampulitikang mandarambong sa pera ng bayan sa pamamagitan ng pork barrel (P70-M bawat kongresista at P200-M bawat senador taun-taon)? Tiyak, kung magigi pang 300 ang mga kongresista, lalo pang madaragdagan at titindi ang katiwalian sa burukrasya sa pamamagitan ng kung anuanong pagsalamangka sa buwis ng sambayanan.

Totoo na nga marahil, kaugnay nito, ang sinabi ni Padre Jose Burgos (isa sa tatlong paring martir na ipinabitay ng mga Kastila noong 1872) sa kanyang obrang LA LOBA NEGRA (1869) na sa bansang ito, ipinanganganak na parang lumot ang mga pulitiko (pami-pamilya na nga) sa kahihiyan at kapinsalaan ng bayan. Opo, Virginia, huwag asahang magkakaroon ng tunay at makabuluhang panlipunang mga pagbabago para sa kapakanan ng bansat masang sambayanan magka-eleksiyon man oras-oras, lalot parang lumot na nakakapit at sumisibol pa sa katawan ng bayan ang mga dinastiyang pampulitika. # B akit May Kar aha san? March 15, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) NAAALAALA namin, nang dumalaw sa Pilipinas sa panahon ng rehimeng Marcos ang ekonomistang taga-Sweden na si Gunnar Myrdal at makitat masuri niya ang umiiral noong mga sakit na panlipunan ng bansa, nasabi niya: Isang paliligo na lamang ng dugo ang maaaring makalinis sa mga sakit na panlipunan ng bansang ito. Sa pahayag na iyon ni Myrdal, maliwanag na isang marahas na pagbabagong panlipunan ang tinutukoy niya. Hitik nga ng karahasan ang maraming bansa sa mundo bago nakamit ang minimithing mga pagbabago sa kanilang katayuang pangkabuhayan, pampulitika, pangkultura o panlipunan. Natural, sa pagsulong ng sibilisasyon at kamulatan, hindi naiiwasang mauwi sa karahasan ang mga tunggalian na nagdulot naman ng mga repormat pagunlad sa gustong baguhing masamat balintunang sistema ng umiiral noong mga lipunan. Halimbawa na lamang, umunlad ang Rusya matapos maibagsak ng Rebolusyong Bolshevik ang mapang-aliping Tsaristang rehimen ng mga Romanov. Nakamit ng Amerika ang sinasabing demokrasya at progreso matapos ang mga karahasan ng kanilang giyera sibil. Narating ng Pransiya ang katayuan nito ngayon sa daigdig makaraang pabagsakin ang Bastille dahil sa Rebolusyong Pranses. Nakamit ng Tsina ang maunlad na katayuan nito ngayon matapos wakasan ang mga dinastiya dahil naman sa rebolusyong pinamunuan ni Mao Tse-Tung. Nariyan din ang kasaysayan ng Vietnam na batbat ng karahasan bago nakalaya sa dayuhang pang-aalipin sa pamamagitan ng liderato noon ni Ho Chi Minh. Isama na rin ang Cuba na naligo ng dugo sa pamamagitan ng rebolusyong pinamunuan ni Fidel Castro bago napatalsik ang malupit at mapanikil na rehimen ng diktador na si Fulgencio Batista. Hindi mapapasubalian, iniluwal naman ang Republika ng Pilipinas dahil din sa mga karahasan ng Rebolusyong 1896 na pinamunuan ni Andres Bonifacio at, nang malaon, ni Hen. Emilio Aguinaldo at ng iba pang magigiting na Pilipino, laban sa kolonyalismong Kastila. Sa kasamaang- palad nga lamang o bunga ng gahamang interes, inagaw naman ng mga Amerikano ang tagumpay ng naturang rebolusyon na nagbunga rin ng matinding mga karahasan sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Matapos ibalik ng mga Amerikano ang palsipikado pa ring kalayaan at kasarinlan ng bansa noong Hulyo 4, 1946, kapalit ang di makatarungan at mapagsamantalang mga tratado at pagiging papet ng pambansang liderato, bakit

nagrebelde at naging marahas ang mga Huk sa kasagsagan ng dekada 50 na maituturing na nawakasan lamang sa rehimen ni Magsaysay? Bakit pagkatapos ng mga Huk, tuluy-tuloy naman, hanggang ngayon, ang may apat na dekada nang rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA? Bakit matapos noon ang madugong rebelyon ng MNLF (Moro National Liberation Front) sa Mindanaw sa ilalim ng liderato ni Nur Misuari, tuloy pa rin hanggang ngayon ang rebelyon ng humaliling MILF (Moro Islamic Liberation Front) kaya nagaganap ang marahas na pakikipagsagupa nito sa mga puwersa ng gobyerno? Maaaring banggitin, sa kabilang banda, na naibagsak ang halos 14 na taong paghahari sa bansa ng malupit, mapanikil at mapandambong na diktadurang Marcos sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos ng ibat ibang sektor ng lipunan na naglundo sa tinatawag ngayong EDSA 1 hindi angkop na tawaging rebolusyon sa aba naming palagay pero hindi naman nito nabago ang tiwaling balangkas ng lipunan at lalong hindi nga nito nagamot ang umiiral na, noon pa man, na malubha nang mga sakit na panlipunan mulang matinding mga inhustisya at katiwalian, mulang malaganap na disempleyo at karalitaan, mulang pag-abuso sa kapangyarihan ng mga nasa poder at paglabag at pagsalaula sa sagradong mga karapatang sibil ng sambayanan, mulang dinastiyang pampulitika at pagkontrol ng iilang piling grupo sa ekonomiya ng bansa, hanggang sa palsipikadong demokrasyat kasarinlan at pangangayupapa at pagpapakasangkapan ng pambansang liderato sa mapandambong na dayuhang mga interes. Bakit nga ba tuloy pa rin ang mga karahasan, halimbaway sa pagitan ng mga puwersa ng CPP-NPA o ng MILF at ng gobyerno sa kabilang banda? Nauuwi pa rin nga sa mga karahasan, kalimitan, sa pagitan ng mga demonstrador at pulisya o militar ang sa simulay mapayapang demonstrasyon o protesta ng mga kabataan at estudyante laban sa umiiral na nakasusulukasok na pambansang kalagayan? Malinaw na nailahad ni Camilo Torres, isang paring taga-Colombia na umanib sa mga gerilya sa kanilang bansa, ang kasagutan kung bakit may mga karahasan sa ibat ibang panig ng mundo. Kung susuriin ang kanyang mga pahayag, masasabing angkop na angkop sa Pilipinas ang kanyang mga obserbasyon at binigyang-diing mga punto na makabubuting pag-aralan ngayon ng pambansang liderato. Ayon sa kanya, magpapatuloy ang mga karahasan hanggang lumalaganap ang karalitaan at inhustisya, hanggang nagmamalabis sa kapangyarihan, naglulublob sa mga pribilehiyo at walang pakundangang kinokontrol ng naghaharing-uri ang pambansang ekonomiya at pulitika sa kapinsalaan ng masang sambayanan. Magpapatuloy ang mga karahasan hanggang inutil ang Estado na maipagkaloob sa mga mamamayan ang pangunahing mga pangangailangan, gaya ng pagkain, pabahay, mga ospital at paaralan. Magpapatuloy ang mga karahasan hanggang nagbibingi-bingihan at usad-pagong ang katarungan at, kung kumilos man, ay nagiging padalus-dalos at kalimitang pumapabor sa mga maimpluwensiyat makapangyarihan. Hindi masasawata ang mga karahasan hanggang itinatanikala sa lupa ang mga magsasaka mabundat lamang ang mga propiyetaryot asendero at, sa kabilang banda, natutulog ang gobyerno at ayaw ipatupad ang tunay na reporma sa lupa.

Hindi mapipigil ang mga karahasan hanggang ginagatasan ng Estado ang sambayanan sa pamamagitan ng pagpapataw ng di makatuwiran at sobrang mga buwis para mapalamon ang mga mayayaman at may madambong ang mga opisyal ng pamahalaan. Iiral at iiral ang mga karahasan, binigyang-diin pa ni Camilo Torres, hanggang napakasasangkapan ang Estado sa dayuhang mga interes at patuloy na ibinibenta ang pambansang kasarinlan at kapakanan at kinabukasan ng susunod na mga henerasyon. Katakataka pa ba, kung gayon, kung bakit patuloy at patuloy ang mga karahasan sa bansa? Malinaw na ngang sinagot ni Camilo Torres ang lahat-lahat. Ko ngreso ng Sar s u wela t Mo r o -Mo ro March 5, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) SA NAGDAANG regular na mga sesyon ng diumanoy marangal na Kongreso ngayon at sa nagdaan mang mga rehimen karaniwan nang napapanood ng sambayanan sa bulwagan nito ang sarsuwelat moro-moro ng mga payasot sirkero ng bulok at nakasusulukasok na status quo at, bagaman dito binabalangkas ang mga batas na makagagamot diumano sa grabeng mga sakit ng bansa kagaya na lamang ng paglaganap ng disempleyo at karalitaan at pagbagsak ng pambansang ekonomiya, sa bulwagan din nito malimit itanghal sa Kamara man o sa Senado ang mga palabas at buladas at karnabal ng walang kawawaang mga debate o balitaktakan, pataasan ng ihi, patalsikan ng laway, insultuhan, at pagpapel na bida sa mga imbestigasyong walang malinaw na wakas at labis lamang pinagaaksayahan ng salapi ng bayan. Nang mabasa namin tuloy ang isang editoryal ng LA SOLIDARIDAD, may petsang Hulyo 15, 1889 na inilalathala noon ng mga propagandistang Pilipino sa Barcelona, Espanya sa panahon ng kolonyalismong Kastila sa Pilipinas (unang naging patnugot nito si Graciano Lopez Jaena at, pagkatapos, si Marcelo H, del Pilar naman), waring wala halos ipinagkaiba ang Kongreso noon sa Kongreso ngayon. Hindi tuloy naming maiwasang isalin ngayon sa sariling wika ang naturang editoryal upang makita ng sambayanan ang maliwanag na mga pagkakatulad: Hindi mapag-aalinlanganan, malubha at mapanganib ang kahulugan ng mga kaguluhan at paulit-ulit na pag-aaway sa Kongreso. Katulad ng paghihingalo ng isang sambayanang malapit nang mamatay ang maiinit na mga diskursong iyon, mga palatandaan iyon ng mga kuko ng kamatayan. Ipinamamalas sa mga mamamayan ng alingasngas at eskandalo na ang kanilang mga kinatawan at ang mga namumuno sa kanila na hindi naman nagsisikap para malutas ang pangunahing mga problema ng bansa at mapaunlad ang kalagayang pangkabuhayan ay walang inaatupag kundi maglunoy sa kanilang pagpipintasan at walang kawawaang pagdedebate, pag-iinsultuhan at pagiiringan na labis na ikinawawala ng dangal ng buong Kongreso.

Saksi sa nakalulungkot na kalagayang ito ang nagdaang mga pangyayari sa Kongreso. Mula sa lahat ng mahahabang diskursong pampulitika ng mga lider, ng mga miyembro ng partido mayorya, ng mga rebelde sa partido, at ng mga konserbatibo, walang narating na anuman, maliban sa pagbubunyag ng mga katiwalian ng isa o ibang partido, ng isa o ibang grupo. Putik, labis na putik ang hinalo mula sa kailaliman ng puwit ng partido, at nananatiling nakalutang ang putik na ito para salaminin ng mga mamamayan; alam ng mga mamamayan na walang maaasahan sa isang partidong ang mga adhikain at balak ay magkamit ng kapangyarihan sa pamamagitan ng anumang paraan para mabigyang-kasiyahan ang mga ambisyong personal. Pagkatapos nito, pagkatapos ng labis na ingay at bahagyang kabuluhan, pinag-uusapan na magkakasundo ang mga koalisyonista at mga rebelde sa partido. Ito ang pangunahing layunin: lumikha sa mga mamamayan ng isang malaking isyung pampulitika sa pamamagitan ng mga palabas, ipangalandakan ang mga prinsipyo, ang mga dakilang adhikain, habang ipinagtatanggol sa pamamagitan ng mabulaklak na mga salita ang mga patakarang pangkabuhayang makabubuti diumano sa mga mamamayan at, pagtagal-tagal, ituring o gawing isang malaking biro lamang ang buong bagay na ito. Bukod sa napagtibay ng Kongreso ang mahigit na isang trilyong pisong pambansang badyet na, malamang kaysa hindi, ay mauwi lamang ang 30% sa malaimbudong bulsa ng mga mandarambong sa pamahalaan sa pamamagitan ng kung anu-anong katiwalian, anu-ano nga bang mga batas ang naisulong nito para sa tunay na pambansang kapakanan? Sa pagsisimula ng Semana Santa, ititigil nga ang regular na sesyon ng Kongreso para mangilin at magpakabanal ang mararangal na mga miyembro nito. Buong ligayang magpapahinga maging ang tamad na mga mambabatas na bihirang dumalo sa sesyon, magbabakasyon kaya ang iba sa piling ng lihim nilang mga kulasisi, o magliliwaliw at magpapasarap nang husto sa ibang bansa habang nakatunganga at titiguk-tigok ang lalamunan ng matagal nang inuulol na masang sambayanang patuloy at patuloy na umaasang makatitikim din sila ng glorya sa ilalim ng liderato ni La Gloria at, sa wakas, milagro ng mga milagro, baka mahango na rin sila sa karalitaan at kabusabusan. Ano bang talaga ang nagawa ng Kongreso? Umusok ang buong Kongreso, noon pa man, sa kung anu-anong imbestigasyon jueteng payola, Hello, Garci, transaksiyong ZTE na ibinulgar ni Jun Lozada, fertilizer fund scam, euro generals, walang patumanggang pagpatay ng mga awtoridad sa pinaghihinalaang mga holdaper, karnaper at drug pushers, pagkakasangkot diumano ni Unang Ginoo Mike Arroyo sa lutuan ng kontrata sa mga proyektong pinondohan ng World Bank at, nitong dakong huli, ang maanomalyang pagbagsak ng Legacy na libu-libong kliyente ang lumilitaw na naonse. Ano pa ba ang susunod?

Nariyan pa rin, di nga kasi, ang mabilis na pagbasura agad ng masusugid na basalyos ng Malakanyang sa mga kasong impeachment na iniharap ng mga kinauukulan laban kay La Gloria, huwag nang banggitin pa ang nilulutot iginigilgil na Cha-Cha (pagbabago sa Konstitusyon) na minamaniobra ng mga kapit-tuko sa poder at tagahimod ng kuyukot ng dayuhang mga interes. Sa nabanggit na litanya ng mga imbestigasyon ng Kongreso, may nalinawan ba ang bayan? Lumabas ba ang katotohanan? O pinalabo lamang ang lahat-lahat? Bagaman paulit-ulit na binibigyang-diin na para makatulong sa pagbalangkas ng mga batas hindi pasiklab lamang sa mga mamamayan ang naturang mga imbestigasyon, may naisulong na bang mga batas kaugnay nito upang masugpo o hindi na paulit-ulit na mangyari ang nakasusuka nang pandurugas at pandarambong sa salapi ng bayan, gayundin ang hindi masawatang paglabag sa lehitimot sagradong demokratikong mga karapatang sibil ng sambayanan? Ano ba talaga ang nagawa ng Kongreso, Kuya Juan at Ate Kulasa? Hindi tuloy namin maiwasang hinalaing marami sa mararangal na mambabatas ang nagbuburat lamang (naglalasing lamang ang kahulugan sa Kabikulan) o talagang dalubhasa silang magtanghal ng mga sarsuwelat moro-moro? Nasalaula: Di wa n g Ed sa 1 February 9, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) MARAMI ang nag-akala noong 1986 na ang buwan ng Pebrero ang simula ng pambansang pagbabago tungo sa isang lipunang makataot makabayan, mapayapat maunlad, malayat progresibo at demokratiko. Nasa paligid na diumano ang mailap na anino ng lantay na hustisya sosyal. Matapos ang halos 14 na taon ng paghahari sa bansa ng malupit, marahas, mapanikil, at mapandambong na Batas Militar, ipinagpasalamat nga ng mga madasalin at naghihilamos ng agua bendita sa sinasabing milagrosong Birhen ng Edsa ang pagbagsak, sa wakas, ng diktatoryal na rehimeng Marcos. Hindi nga masamang gunitain, tuwing sasapit ang Pebrero 22-25, ang malabayaning pagkilos ng sambayanan noon na naglundo sa kilala ngayong Edsa 1. Nasilayan nga sa papawirin ang bahagyang liwanag matapos ang paghahari ng dilim sa isang yugto ng kasaysayan ng bansa. Maaalaala, waring lumakad tuloy sa alapaap ang marami, naghosana sa kaitaasan at masigabong nagbunyi nang malamang lumayas na ng Malakanyang ang diktador kasama ang pamilya at pangunahing matatapat na basalyos. Natural, sa naturang mga petsa, hindi maiiwasang sariwain ng mga bida kahit sa kanilang pag-iisa ang mga papel na ginampanan nila sa Edsa 1 na waring isang madulang pelikula na walang kawawaang wakas. Nariyan ang mga Cory, Ramos, Enrile at Honasan, ang mga Lopez at Ayala, ang mga basalyos ng yumaong si Jaime Kardinal Sin, at maging si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na naluklok sa kubeta ng kapangyarihan sa pamamagitan

naman ng Edsa 2 na, hindi mapapasubalian, ay ibinunsod ng impluwensiya ng karanasan sa Edsa 1. Pinatunayan noon sa buong mundo na maaaring patalsikin sa poder ang sinumang abusadong lider ng bansa kung nagkakaisa sa pagkilos ang malawak na sektor ng sambayanan. Ano nga ba ang dapat ipagpasalamat ng sambayanan sa Edsa 1? Piknik ba lamang ito o tunay na rebolusyon? Nabago ba ang nakasusulukasok na pambansang kalagayan? Matapos ang magiting na pagharang sa mga tangke at sundalo ng Estado habang madamdaming inaawit ang Bayan Ko, matapos ang pagsuong sa anumang panganib at manindigang handang ibuwis ang buhay kung magkaroon man ng madugong sagupaan, napatalsik nga sa poder ang diktador at naibalik sa bansa ang dati ring palsipikadong kalayaan at kasarinlan at kunwa-kunwariang demokrasya. Ano nga ba ang diwa ng Edsa 1 na dapat gunitain at ipagbunyi taun-taon? Matapos nga ang lahat-lahat, mula sa rehimen ni Cory hanggang sa administrasyon ngayon ni La Gloria, lumitaw na ang Edsa 1 ay isang yugto lamang ng waring walang katapusang sarsuwelang patuloy na ginagampanan ng mga naghahari-harian sa lipunan tulad ng bastardot salabusab na mga pulitiko, ng tusot salanggapang na mga kapitalistat asendero, ng mala-asong mga tagahimod ng kuyukot ng dayuhang mga interes, at ng iba pang pawang lumalaklak sa pawis at dugo ng masang sambayanan. Nakalulungkot, di nga kasi, sa aklat ng kasaysayan ng Edsa 1, nanatiling ekstra lamang ang libu-libong ordinaryong mga mamamayang buong giting na sumuporta sa mga bida. Nanatili nga silang mga anino lamang, walang mukha ni pangalan, hindi napasama sa aklat ng mga tula ng mga intelektuwal na walang pakialam sa pulitika ng aking bansa, sabi nga ng makatang si Otto Rene Castillo. Higit pa ngang masama, at nakasusulak ng damdamin, kinalimutan o ibinasura ng uring mapagsamantalang nagrigodon sa kubeta ng kapangyarihan ang lehitimong mga karapatan at kapakanan ng mismong karaniwang mga mamamayang sinikil at sinalaula sa panahon ng diktadura; ipinampunas nga ng paa at puwit ng mga diyus-diyosan ang dignidad ng bayan at ng masang sambayanan. Maaaring nagising ng Edsa 1 ang matagal na nakatulog na damdaming makabayan at naisulong ang kamulatan at pagiging militante ng maraming mamamayan laban sa anumang uri ng inhustisya at pag-abuso sa kapangyarihan ng mapanikil at mapandambong na rehimen. Naibagsak nga ang diktadura ngunit, magpahanggang ngayon, sa kabila ng apat na rehimeng humalili sa diktatoryal na rehimeng Marcos, paulit-ulit pa ring itinatanong: Naisulong ba ang tunay na pambansang kapakanan? Maliwanag na nagkaisa lamang ang mga bida sa Edsa 1 na ibagsak sa poder si Marcos para sila naman ang umugit o mamahala sa bansa ngunit, kung susuriin, wala naman sila noong malinaw na mga programa o patakarang pampulitika, panlipunan at pang-ekonomiyang ganap na magsusulong sa kapakanan ng bansa at ng masang sambayanan upang makalaya, sa wakas, sa tanikala ng kabusabusan o karalitaan at makaamoy man lamang kahit bahagya ng lantay na hustisya sosyal.

Kung maituturing ngang rebolusyon ang Edsa 1 hindi waring isang madulang pelikula lamang mahalaga tuloy ang sinabi ng rebolusyonaryong si Fidel Castro ng Cuba: Ang mahalaga sa isang rebolusyon ay hindi ang mismong PAGKAKAISA LAMANG, kundi ANG MGA BATAYAN NG PAGKAKAISA. At sa Edsa 1, maliwanag nga na nagkaisa lamang ang lumitaw na mga bida na wakasan ang diktadura, at sila naman ang namayagpag sa kapangyarihan kaakibat ang mga grasyat nakalalasing na mga pribilehiyo habang, sa kabilang banda, nanatiling titiguk-tigok ang lalamunan ng dayukdok na masang sambayanan. Naiwan sa kangkungan ang kapakanan ng nakararaming karaniwang mamamayan mula noon hanggang ngayon. Ang pinabagsak na masamang rehimen ay napalitan lamang ng masama rin, o higit pang masamang mga rehimen. Kung tutuusin, at malalim na susuriin, baka hindi agad napatalsik ang diktador at kailanganin pa ang talagang madugong rebolusyon kung hindi minaniobra ng mga diyus-diyosan sa Washington hindi ng Birhen ng Edsa ang umiiral na kalagayan noon. Nakita ng Amerika na hindi na epektibo si Marcos bilang tuta nito para pangalagaan pa ang kapakanan ni Uncle Sam sa Pilipinas sapagkat galit na galit na hindi lamang ang masang sambayanan, kundi maging ang mga elitistat mayayamang sinagasaan ni Marcos ang makasariling mga interes. Hinog na hinog na noon ang rebolusyonaryong mga kondisyon sa bansa para sa isang tunay na himagsikan. Ikinatakot ng Amerika na kung magkaroon ng giyera sibil at manalo ang malakas nang puwersa noon ng mga makabayan at progresibo at kung ang mga ito na ang hahawak sa renda ng pambansang kapangyarihan, tiyak na mawawasak ang lahat ng mapandambong na interes ng Amerika dito. Samakatuwid, kailangan nang ibasura si Marcos at palitan ng isang personaheng katanggap-tanggap sa mga mamamayan si Tita Cory nga na madasalin at mahinhin ngunit, sa kabilang banda, kayang-kayang diktahan, pilipitin ang leeg, o paikuting parang trumpo upang maging masunurin sa imperyalistang mga kagustuhan ni Uncle Sam. Kaya, sa kasagsagan ng Edsa 1, tinawagan nga ng Amerika si Marcos, binalaang hindi dapat dumanak ng dugo at makabubuting iwan na ang puwesto; sinundo nga ng helikopter ni Uncle Sam sa Malakanyang si Marcos at ang buo niyang pamilya, kasama ang ilang piling basalyos, at dinala sa Hawaii, hindi sa Paoay. Mula nga noon, hanggang ngayon, kahit nagkaroon pa ng Edsa 2 at nabigong Edsa 3, naibalik nga lamang sa bansa ang sinasabing palsipikadong kalayaan at demokrasya na, batay sa marami nang pangyayari, lagit lagi lamang pumapabor sa uring hari-harian at mapagsamantala sa kapinsalaan ng bansat masang sambayanan. Mula sa rehimen ni Tita Cory hanggang ngayon kay La Gloria, paulit-ulit na nasalaula ang diwa ng Edsa 1. Unang-una, hindi naman nabago ang tiwaling balangkas ng lipunang kontroladot pinaglalaruan lamang ng iilang piling grupo ng mga tao ang pambansang pulitikat ekonomiya, ang hustisyat demokratikong mga proseso, lalo na nga ang buhay ng dayukdok na masang sambayanan mga manggagawat magsasaka, mga ordinaryong empleyado sa gobyerno, at iba pang nabibilang sa uring apit busabos. Mahirap mapasubalian, malinaw na namamayani pa rin, at tumindi pa nga, ang mga dinastiyang pampulitika. Lalong sumidhi ang pagkasugapa sa kapangyarihan ng mga nasa poder, gayundin ang kanilang pagkasalabusab sa pondo ng bayan. Naging higit pang garapal ang

pangangayupapa ng pambansang liderato sa dayuhang mga interes na lalong ikinalulugmok ng pambansang ekonomiya tungo sa higit pang gutom at karalitaan ng ordinaryong mga mamamayan. Higit pang masama, kahit pinatalsik sa poder ang diktador, nakabalik naman sa inodoro ng kapangyarihan at namamayagpag ngayon sa pribilehiyot impluwensiya ang ilang piling basalyos ni Marcos na lumilitaw na kinukupkop pat kaalyado ng kasalukuyang mga namumuno sa bansa. Sabagay, hindi na nga ito dapat ipagtaka, sapagkat magkakabalahibo naman sila, iisa ang kulay, silang bumubuo ng uring naghahari-harian at mapagsamantala. Natural, nananatiling kahabaghabag na ekstra ang masang sambayanan sa masalimuot na sarsuwela ng mga bidang mandurugas. Habang namumuwalan sa grasyat pribilehiyo ang bibig ng mga diyus-diyosan sa lipunan sa pamamagitan ng kung anu-anong hokus-pokus at garapal na katiwalian, habang nagririgodon lamang sa poder ang uring mapagsamantala, talagang dayukdok hanggang ngayon, apit busabos ang nakararaming ordinaryong mga mamamayan. Ano nga ba ang dapat na gunitain at ipagpasalamat sa Edsa 1? Ang mapalitan ang dating mapanikil at salabusab na rehimen ng bagot mapanikil at salabusab ding mga rehimen? Habang patuloy na sinasalaula ng mga nasa poder, ng mga diyus-diyosan at hari-harian sa lipunan ang diwa ng Edsa 1, patuloy at patuloy din lamang nilang iduruyan at lulunurin ang masang sambayanan sa ilusyon ng buladas na pambansang kaunlaran, at ipinangangalandakang demokrasyat hustisya sosyal, gayundin ng sinasabing kalayaan at kasarinlan. Kailan nga kaya ito magwawakas para sa tunay na pambansang katubusan? # T agalikha ng P agb ab ago January 31, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) MATAPOS ang malakarnabal na eleksiyon noong 2004 na pinamayanihan pa rin ng terorismo, bilihan ng boto, maniobra sa listahan ng mga botante at mga paglabag sa sinasabing mga batas ng Comelec maisulong lamang ang ambisyong pampulitika ng mga kinatawan ng uring mapagsamantala, luminaw nang luminaw ang paniniwala naming talagang inutil ang eleksiyon upang magkaroon ng pambansang pagbabago. Ginagamit lamang ang eleksiyon upang patuloy na makapagrigodon sa poder ang mga hari-harian sa lipunan at patuloy na mapagsamantalahan ang bayan. Hindi tuloy naming maiwasang maaalaala ang mga nilalaman ng nobelang The Revolutionists ng yumaong si Dr. Nemesio E. Prudente, dating Presidente ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at nakilala bilang makatao, makabayan at progresibong edukador na naging biktima ng Batas Militar sa ilalim ng diktadurang Marcos at ng dalawang tangkang pagpatay sa ilalim naman ng rehimen ni Cory Aquino.

Sinuman ang maluklok sa inodoro ng kapangyarihan sa Malakanyang at kung sinu-sino man ang mamayagpag sa bulwagan ng Kongreso na karaniwang tanghalan lamang ng mga buladas, pataasan ng ihi, at balitaktakang walang kawawaang labis na pinag-aaksayahan ng pera ng bayan, makabubuting isaalang-alang ng mga ito ang mga puntong binigyang-diin sa The Revolutionists kung nalahiran man lamang, kahit bahagya, ang kanilang mga kaisipan ng adhikaing baguhin ang napakasama at nakasusuka nang pambansang kalagayan. Ang mahirap nga lamang, sapagkat nakaugalian na nilang pangalagaan ang makasarilit mapandambong na mga interes bukod sa pagiging tagahimod pa ng kuyukot ng dayuhang kapakanan mukhang imposibleng isulong nila ang mga programang nilinaw sa naturang nobela tungo sa pambansang pagbabago. Hindi maikakaila, matagal nang kinakalawang at palsipikado ang umiiral na demokrasya sa bansa at malinaw na pumapabor lamang sa mga naghahari-harian sa lipunan kaya, unang-una, ayon sa The Revolutionists, panahon nang pairalin ang demokrasyang hindi elitista kundi panlahat o pambansa, sapagkat ito ang pangunahing batayan ng tunay na demokratikong gobyerno. Kailangan din ang isang pambansang Kongresong may sapat na representasyon ang masa, ang panggitnang-uri, at mga kabataan, upang balangkasin ang isang bagong Konstitusyon ng Pilipinas na magbabasura sa opresibo o mapanikil na mga batas na iginigiit ng mga elitista. Maliwanag ding doble-kara ang kasalukuyang hustisya iba para sa mayaman at makapangyarihan at iba rin para sa maliliit at kakaning-itik. Dapat, kung tutuusin, na higit na kinakalinga ng hustisya ang mahihina at kapos-palad, ayon sa naturang nobela, at itinataguyod at ipinagtatanggol sa lahat ng oras ang demokratikong mga karapatang sibil at pantao ng sambayanan. Bilang testamento ng lantay na hustisya sosyal, kinakailangang magkaroon ng masaklaw na programa sa pabahay, kalusugan, trabaho, edukasyon, at iba pa, upang walang mamamayang niyayapak-yapakan lamang ng mga promotor ng inhustisyat pagsasamantala. Binigyang-diin ng The Revolutionists na dapat na patuloy na pangalagaan ang pambansang soberanya at dignidad kaya kinakailangang manuntunan sa malayang patakarang panlabas, di gaya ngayon, na laging nasa ilalim ito ng dikta ng imperyalistang mga polisiya ng Amerika. Higit sa lahat, pinakamahalaga nga ang pambansang interes kaya nararapat na ring ibasura ang di makatarungang mga tratado sa pagitan ng Estados Unidos at ng Pilipinas bagaman, sa kabilang banda, kinakailangang ding makipagkaibigan sa ibang mga bansa anuman ang ideolohiya at kredo pero batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa isat isa. Ayon pa rin sa naturang akda, kung gusto rin lamang maisulong ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya, lubhang kinakailangang paunlarin ang agrikultura at mga kanayunan. Maisasakatuparan ito kung magkakaroon ng tunay na repormang pansakahan na magpapalaya sa mga magsasaka at obrerong-bukid na matagal nang inaalipin o binubusabos sa ilalim ng mala-piyudal na sistema at, kasabay nito, kinakailangan din ang modernisasyon ng agrikultura, pangisdaan at panggugubatan. Kailangang itaguyod din at paunlarin ang mga kooperatiba. Dapat ding kilalanin at patuloy na igalang ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang kinagisnang mga lupaing minana pa sa kanilang mga ninuno.

Iminungkahi din ng The Revolutionists ang isang sistema ng ekonomiyang hindi kontrolado ng iilang kapitalista (monopoly capitalism) na mayayaman lamang ang nakikinabang. Isang pragmatiko at progresibong ekonomiya ang dapat diumanong pairalin sa panig man ng dayuhang kapitalista o ng mismong gobyerno. Sa pagsusulong ng pamahalaan sa ikauunlad ng ekonomiya, dapat na laging pangalagaan ang kapakanan ng bansa at masang sambayanan, at tiyakin ang ganap na trabaho o empleyo at makatarungang suweldo ng mga manggagawa upang maitaas ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Samakatuwid, hindi dapat manaig ang kasuwapangan ng mga kapitalista sa sobra-sobrang tubo na labis na ipinaghihirap ng bansa at ng ordinaryong mga mamamayan. Natural, malaki ang papel dito ng siyensiya at teknolohiya at, gayundin, ang wastong pangangalaga sa kalikasan at mga likas na yaman. Ang pagkakaroon ng de kalidad na edukasyon praktikal at teoritikal ang ipinunto pa rin ng nobela ni Dr. Prudente. Mulang kinder hanggang unibersidad, dapat na maipagkaloob ito ng gobyerno sa lahat ng Pilipino para sa kanilang kaunlarang pangkaisipan, pangkatawan, pangmoral at espirituwal. Ito ang tinatawag na edukasyong makatao, makabayan, progresibo at siyentipiko kaya kinakailangang rebisahin at baguhin, unang-una, ang mga aklat sa kasaysayang sinulat ng mga elitista at imperyalista at patuloy ding linangin at paunlarin ang literatura, sining, sports at magkakaibang kultura. Nararapat, ayon sa The Revolutionists, na lubhang bigyang-diin ang siyensiya at teknolohiya at pananaliksik. Sa gawaing ito ng pagsusulong sa de kalidad na edukasyon, katuwang dapat ang pampribadong mga paaralan pero, gayunman, ginigiyahan ito at pumapailalim sa mga regulasyon ng pamahalaan. Makabubuti tuloy ngayon na limiin ng pambansang liderato ang pitong puntong programang inilahad ng The Revolutionists kung talagang matapat ang adhikaing mabago ang nakasusulukasok na status quo at masagip ang bansa, kahit paano, sa kinalulublubang krisis na panlipunan, pampulitikat pangkabuhayan. Pero, sa takbo ng mga pangyayari at sa uri ng mga pulitikong namamayagpag sa kapangyarihan, lumilitaw maliban sa mangilan-ngilan na parang ginto sa tambak ng nabubulok na mga dayami na bentador pa nga sila ng pambansang kapakanan sapagkat kinakatawan nila, unang-una, ang makasariling interes ng uring mapagsamantala. Sa kasalukuyang panahon, maituturing na imposible, o suntok sa buwan, na isaalang-alang man lamang ng mga ito ang makabuluhang mga punto ng nabanggit na akda. Sabagay, sa kabilang banda, ang masang sambayanan naman talaga ang lumilikha ng pambansang pagbabago. P AGK AB US AB OS January 22, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) DAHIL sa talamak o litanya ng kawalanghiyaan at katiwalian sa halos lahat ng tanggapan ng gobyerno na kalimitang ang pambansang liderato pa ang pangunahing nasasangkot dumating na ang sandali sa aming buhay na higit pa naming iginagalang ang mga puta kaysa maraming opisyal ng burukrasya. Sa mga madasalin at nagbabanal-banalan at kinakalyo na ang mga daliri sa karorosaryo maging sa loob ng kani-kanilang marmol at

alpombrado at pinabangong kubeta, isang napakasamang babae ang puta, isang latak ng lipunan na nakasisira sa diumanoy kabanalan at kalinisan o moralidad ng umiiral na lipunang kontrolado lamang ng iilang ganid at salanggapang. Sa aming abang palagay, higit na marangal at moral ang puta kaysa naglisaw na mga payasot sirkero sa gobyerno, sa Kongreso man o sa Malakanyang na itinuturing na santuwaryo ng diumanoy mararangal na tao na wala na yatang ginawa, noon pa man at hanggang ngayon, kundi isangkalan ang pambansang kapakanan para lamang patuloy na mapagsamantalahan ang dayukdok o busabos nang sambayanan. Mismong katawan lamang ng puta ang kanyang ibinibenta dahil sa karalitaan, dahil biktima siya ng masamat tiwaling sistema ng lipunang ipinagkakait sa maraming maralita ang karapatang mabuhay nang marangal bilang tunay na mga tao at, kung saan, lumilitaw na para lamang sa iilang mandurugas at mandarambong sa burukrasyat lipunan ang sinasabing sangkatutak na grasyat pribilehiyo mula sa diumanoy mahabaging Diyos sa langit. Sa kabilang banda, habang namamaluktot sa malamig na bangketa at mga damuhan ng parke ang mga walang bahay, habang nagkakalkal sa mga basurahan ang mga patay-gutom, habang nakabalandra ang anino ng karalitaan sa humpak na pisngi ng mga pulubi at sa pudpod na takong at suwelas ng sapatos ng mga naghahanap ng trabaho, habang binabaril pa ang mga magsasakang humihingi ng tunay na reporma sa lupa o pinuputulan ng dila ang mga tinig na humihingi ng pambansang pagbabago, habang nagtitiis sa mga barungbarong at makikipot at maruruming entresuwelo ang mga trabahador na hindi pinasusuweldo nang husto at kinakailangan pang magbuwis ng buhay sa mga demonstrasyon at welga para marinig ng mga kinauukulan ang inaamag na nilang mga karaingan, nagbibingibingihan naman ang mararangal na tao lalo na sa Kongreso at kinakailangan pa yatang pagbabambuhin sa ulo upang maisip ang tunay na kapakanan ng bayan. Naghuhumindig tuloy ang katotohanang ang itinuturing na mararangal na tao sa gobyerno ang sila pang bentador ng pambansang kapakanan at ng kinabukasan ng susunod pang mga henerasyon sa pamamagitan ng kanilang pamamanginoon sa dayuhang mga interes kaya hindi man lamang nila mailabas ang kanilang dila upang tutulan ang mapaminsalang mga kahingian at patakaran ng IMF-World Bank at ng iba pang mga instrumento ng imperyalismong Amerikano. Katunayan, inamin na kamakailan ni Espiker Prospero Nograles ng Kamara sa isang panayam sa isang estasyon ng radyo na talagang aalisin nila sa iginigilgil na pagbabago sa Konstitusyon (Cha-Cha) ang mga probisyong pang-ekonomiya na naglilimita sa kapangyarihan ng dayuhang mga kapitalista upang dumagsa o ibuhos diumano sa bansa ang puhunan ng mga iyon. Pahihintulutan na silang bumili at magmay-ari ng mga lupain at gusali dito, 100% kontrol sa mga korporasyon at negosyo at, higit na masama, babayaang pasukin din maging ang pambayang mga utilidades (tubig at kuryente, telekomunikasyon at mass media, transportasyon, ospital at mga paaralan) na nararapat na nasa kamay lamang ng mga Pilipino alang-alang, unang-una, sa pambansang seguridad. Sa kabilang banda, dinagsa at patuloy na dinadagsa ng dayuhang kapital ang China at Vietnam nang hindi na kailangang iakma sa interes ng mga negosyanteng iyon ang mga probisyon ng Konstitusyon ng naturang mga bansa tulad, unang-una, ng pribilehiyong makapagmay-ari ng mga lupain at gusali doon.

Sino nga kaya ang higit na marangal? Sino nga kaya ang higit na imoral? Ang putang nagbebenta ng sarili niya lamang katawan o ang pambansang lideratong patuloy na ipinagbibili ang buong bayan at ang mismong kapakanan ng sambayanan? Bunga marahil ng mahigit na 300 taon na pagkakakulong ng pambansang kamalayan sa loob ng kumbento ng kolonyalismong Kastila at halos 50 taon namang pagkakabartolina natin sa wika, edukasyon at kulturang Amerikano at nakapagkit na sa marami ang kaisipang kolonyal, hindi na dapat ipagtaka tuloy kung bakit tayong mga Pilipino ang lumilitaw na pinakasanay at pinakamatapat mamanginoon at magpabusabos sa sinumang dayuhan sa mismong sarili nating bayan. Higit pa nga kung tayo ang nandarayuhan sa Gitnang Silangan at Europa at Amerika o maging sa mga kanugnog-bansa natin sa Asya. Puti man o dilaw, sakang man o piki, amoy-bawang man o may anghit, o kahit dating mga bagamundo lamang sa sarili nilang bayan ang mga dayuhang ito, pinapanginoon natin sila pagdating sa ating bansa at kulang na lamang na magpatirapa tayo sa kanilang harapan, lumuhod pagkatapos, at himurin ang kanilang kuyukot. Dahil sa kakulangan ng mailap na oportunidad sa sariling bayan bunga ng napakatiwaling balangkas ng lipunan, at lumilitaw nga na ang Pilipinas ay hindi isang bansa para sa nakararaming maralitang mga mamamayan kundi para lamang sa iilang pinagpalang grupo ng maimpluwensiya, mapribilehiyo at makapangyarihang mga tao tulad ng mandarambong na negosyanteng mga pulitiko, ng hindi mabusug-busog na mga asenderot kapitalista, ng mga santo-santito ng kung anu-anong relihiyon, at ng mga basalyos at tau-tauhan ng dayuhang mga interes hindi na gaanong nakasisiklab ng damdamin at nakamamanhid ng utak kung bakit nagpapabusabos ang maraming Pilipino kapag silay nandarayuhan sa ibang mga bansa. Kung tagahugas man sila ng puwit ng mga pasyente sa mga ospital sa Amerika, Canada o Bretanya, kung para man silang mga kalabaw na pantrabaho sa mga minahan sa Aprika o sa minahan ng langis sa disyerto ng Gitnang Silangan, kung labis man silang pinagmamalupitan ng kanilang mga amo bilang mga katulong sa bahay sa Dubai, Hongkong, Singapore, Japan o iba pang bansa, hindi sila masisisi sapagkat, sa sarili nilang bayan, matagal nang inilibing ang kanilang pag-asang mapaunlad, kahit bahagya, ang kanilang katayuan sa buhay at patuloy pa ngang ipinagkakait sa kanila ang karapatang mabuhay na parang tao sa ilalim ng tunay na hustisya sosyal at pagkakapantay-pantay. Higit, sa kabilang banda, na nakasusulak ng dugo ang makitang sa sariling bayan ang mga Pilipinoy alipin pa rin ng mga dayuhan. Sa halos lahat ng larangan ng ekonomiya, sa dambuhalang mga pabrikat korporasyon hanggang sa maliliit na restawran, basar, tableryat tindahan ng piyesa ng mga sasakyan, dayuhan ang mga amo Intsik, Hapon, Aleman, Bombay, Pranses, Amerikano (sangkatutak din ngayon ang mga Koreano) at mga Pilipino ang katulong o inaalila. Hindi tuloy naming maiwasang mangarap na sanay magkaroon kami ng tsuper na Amerikano, kusinerong Intsik o Pranses, labanderang Espanyola, masahistang Haponesa at hardinerong Arabo, para matikman naman ng isang Pilipino na amo siya ng mga dayuhan sa mismong sarili niyang bayan. Lubhang napakalalim na nga ang pagkakabaon at napakahigpit na ang pagkakapit ng ugat ng kaisipang alipin sa pambansang kamalayan kaya, nang magsarbey ilang taon na ang nakararaan sa Unibersidad ng Pilipinas na

ipinalalagay na makabayan at progresibo ang mga estudyante at itanong kung anong lahi ang gusto nila kung ipanganganak silang muli, iilan lamang ang sumagot na gusto pa rin nilang maging Pilipino at ang karamihay gustong maging Amerikano, Canadian, Australyano, Ingles, Pranses, at iba pang kilalang lahi. Malinaw kaya itong palatandaan na labis na nating ikinahihiya ang pagiging Pilipino sapagkat, sa pananaw ng daigdig, tayoy lahi na ng mga busabos? Hindi pa marahil huli ang lahat at higit na hinihingi ng panahon na gisingin at pag-ibayuhin ang mga puwersang makabayan. Habang pinapatay ng mga puwersang dayuhan ang ating pambansang pagkalahi, pambansang karangalan o dignidad, sa pamamagitan ng pakikipagsabuwatan at lubos na pamamanginoon ng ating walang gulugod at masahol pa sa puta na pambansang liderato sa kanilang mga among dayuhan sukdulan mang ibenta ang pambansang kapakanan, nararapat lamang na higit nating dinggin ang panawagan noon ng yumaong makabayang Sen. Claro M. Recto. Sinabi niya na tungkulin ng mga makabayan noong panahon ni Rizal na labanan ang ganito sapagkat alam nila na hindi isang bansa ang isang sambayanang walang tatak ng pagkalahi at isang makabayang tungkuling hinihingi ng pangangailangan ang pangalagaan natin ang ating pagkalahi. Binigyang-diin pa ni Recto: Ngayon, nahaharap tayo sa ganito ring mga suliranin at dapat natin itong harapin sa pamamagitan din ng pamamaraan ng makabayan nating mga kababayan noon. Dapat nating muling buhayin ang ating makasaysayang nagdaan, hindi ang liblib na panahon ng ating mga ninunong Malay kundi ang rebolusyonaryo nitong panahon taglay ang nag-aalab at matapat nitong propaganda at ang maluningning nitong paghantong sa larangan ng labanan. Dapat nating maabot ang mga ideya at pangyayari ng mga panahong iyon, sapagkat ang mga iyon ang nagsilbing inspirasyon at nagpatibay sa isang buong lahi para hanapin at matagpuan ang paglaya mula sa tanikalang dayuhan. # INUUOD NA B I SI G SA TI YAN NG B UW AY A January 9, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Maikling Kuwento sinulat noong dekada 60 ngunit malaganap na nangyayari ngayon) 1. LUPA MAAGANG TUMAKAS ang ulan sa mga ulap at ang nakangangang mga bitak ng bukiring iyon na nasa makalabas lamang ng lungsod at malapit sa daangbakal ay unti-unting nagsitikom. Tumingala sa langit ang nanginginaing mga kalabaw at ang mga kuhol na nagbaon sa buong panahon ng tag-araw sa gilid ng nangagdipang mga pilapil ay nagsimulang umahon at gumapang patungo sa mga pinitak. Nagkagulo ang mga ibon, nagliparan patungong kanluran, sapagkat sa bukiring iyon, wala ni isa mang punongkahoy. Nag-utlawan ang mga damo sa dibdib ng lupa at sa loob lamang ng ilang araw, ang dating naninilaw na bukirin ay naging luntian.

Sa mga dampa na halos nakikipagtanawan lamang sa nagsisiksikang mga barungbarong na nasa magkabilang gilid ng daangbakal, ang nalalabing mangilan-ngilang magsasakay nagsipaglinis na agad ng mga yugo at araro at suyod, lumubid ng mga pamitik, at ng mumunting mga pangarap. Inihanda na rin ng mga babae ang mga basket na sisidlan ng pagkain, nagsipamintana sila, nangalumbaba, at pinagmasdan nila ang masinsing mga patak ng ulan at ang luntian nang kabukiran. Natuwa at naghubad ang mga bata, naghabulan at naligo sa ulan, nagpagulung-gulong at nagtampisaw sa may tubig nang mga pinitak. Naginaw ang mga dampa, umiyak ang mga bubong na pawid, at nabasa ang mga sahig na kawayan. Umulan, umulan nang umulan, hanggang ang kabukirang iyon ay nagmistulang isang munting karagatang hindi umaalon. Inayos na ng mga magsasaka ang kanilang mga salaan at punlaan, inihanda ang mga binhi, pinasan ang mga araro, isiningkaw ang mga kalabaw at sinimulan na nilang sugatan ang malambot at hindi na tumututol na dibdib ng lupa hanggang isang araw, bigla na lamang sumulpot sa kabukirang iyon ang katiwala ng may-ari ng mayamang lupang iyon. Hwag na kayong mag-araro pa, sabi nito. Hwag na kayong magtanim ngayon. Bat po, Kabesa? Nakapagpunla na kami. Wala tayong magagawa. Pinalalayas na kayo rito ng me-ari. Bat po, Kabesa? Bat po? Namahal na raw ang lupa dito at gusto na niyang ipagbili. Pero, Kabesa, nakapagpunla na kami. Naararo na namin ang ilang sangkal. Saka matagal na naming sinasaka to. Anong magagawa natin? Di naman inyo ang lupang ito, di rin naman akin. Maawa kayo sa amin, Kabesa. Ipakiusap nyong huwag muna kaming paalisin dito. Ala po kaming malilipatan agad. Saka ang aanihin namin sa taong to ang sya po lang naming inaasahan. Mawa po kayo sa amin, Kabesa. Naaawa nga ako sa inyo, pero talagang wala akong magagawa. Me katrato na raw siyang bibili nito. Maliit daw naman ang inaani ng bukid na ito. Pero hwag po muna ngayon, Kabesa. Sabihin po nyo sa me-ari na pagkatapos na ng anihang ito. Pakiusapan po ninyo siya, Kabesa. Parang awa nyo na po sa amin! Talagang wala na tayoing magagawa. Sa Agosto na sila magbabayaran dahil gusto noong nakabili na makapagtayo na agad dito ng pabrika. Yong parteng silangan ay gagawin namang subdibisyon. Di na po kami kakain sa taong ito, Kabesa. Parang awa nyo na po. Gawin po ninyo ang inyong magagawa. Tulungan nyo po kami, Kabesa!

NANG gabing iyon, matagal na pinagmasdan ng mga magsasaka ang madilim na kalawakan ng bukid. Matagal silang namalagi sa bintana ng kanilang mga dampa, halos hindi sila kumukurap, nakatikom ang kanilang mga labi at, sa palababahan, malimit humigpit ang pagkakakapit ng lipakin nilang mga palad. Iniwasang lapitan ni kausapin ng mga babae ang kani-kanilang asawa, nakaupo lamang sila sa pinakamadilim na sulok ng kanilang dampa, nakatungo, at manakanakang sumusulyap sa nag-indak-indak at waring namamaalam nang ningas ng mga gasera. Tahimik maging ang mga bata, nakatunganga sa kanilang amat ina, at maagang nagsitulog nang mapansing ang katahimikan ay nakakumot sa kapaligiran. Ngunit kinabukasan, maagaqng nagsibangon ang mga lalaki, inihasa ang kanilang mga itak, isinaksak sa takyaran, muling pinasan ang kanilang mga araro, muling isiningkaw ang mga kalabaw, at muling sinugatan ang dibdib ng lupa. Lumabas din sa bukid ang mga babae, tinalunton ang madulas na mga pilapil, hinatiran ng pagkain ang mga lalaki, at tahimik na nagsibalik sa kani-kanilang dampa. Malabong latay na lamang ang liwanag sa kanluran nang umuwi ang mga lalaki, akay-akay ang kanilang mga kalabaw. Hindi iilang ulit na nagbalik ang Kabesa sa kabukirang iyon, hindi iilang ulit na sinabi sa mga magsasaka na ipagbibili na ng may-ari ang lupang iyon, at paulit-ulit, paulit-uilit din namang nagmakaawa ang mga magsasaka, hanggang sa sumawa na sila sa pagmamakaawa at, sa bawat araw, lalo na nang maitanim na nila ang mga palay at magsimula na iyong tumaas nang tumaas at lumunti nang lumunti, tumalim nang tumalim ang datiy maaamo nilang mga mata at tumigas nang tumigas ang datiy malalambot nilang mukha. Subukan nilang ngayon tayo palayasin! Di nila tayo mapalalayas dito hanggang di tayo nakakagapas, sabi minsan ni Lino, isa sa ilang kasibulang magsasaka sa bukiring iyon. Alam kong me karapatan tayo sa lupang ito, sa mga palay na iyan, dahil matagal na tayo rito, dahil matagal na nating sinasaka ito. Pero di ko nga lang alam kung ano ang karapatan nating iyon. Kapag nagkamaling magpunta rito ang anak ng putang me-ari ng lupang to o ang sinumang demonyong nakabili nito, sabi naman ng isang matandang mga animnapung taong gulang na, di ako mangingiming ibaon siya sa pinitak. Araw-araw kong inihahasa ang aking itak! Ang dugo naman niya ang ipatataba ko sa palay! Subukan lang nilang palayasin tayo rito. Subukan lang nila! Pagpuputulan ko sila ng bayag! Bastat huwag tayong umalis ke matapos man ang anihang ito! 2. MAKINA GININTUAN na ang bukirin at amoy hinog na palay na ang hangin. Kumakaway na ang mga hutok na uhay nito para anihin, at ang mga mayang umalis noong panahon ng tag-ulan at naglakbay kung saan ay langkay-langkay na nagbalik sa kabukirang iyon at umali-aligid sa papawirin. Matagal nang nagsipagbaon sa gilid ng mga pilapil ang

mga kuhol, at ang mga palaka ay hindi na nagsayaw at hindi na umawit. Higit ngayong pinagmasdan ng mga magsasaka ang kabukiran at inihanda na nila ang kanilang mga lingkaw at karit. Nasa hinog na mga butil ng palay ang mumunting mga pangarap, ngunit naroroon din ang aali-aligid na mga pangamba, hanggang isang umaga, nang malapit na nilang anihin ang mga palay, biglang-bigla, parang umaatungal na mga dambuhalang balang na sumalakay sa bukid na iyon ang ilang buldoser, kasama ang ilang armadong sundalo ng gobyerno. Kinagat nang kinagat ng matalim na ngipin ng mga buldoser ang mga puno ng palay, nilamon nang nilamon ang mga uhay, at sa harap ng kanilang mga dampa, ang mga magsasakay parang itinayong mga bangkay, mahigpit lamang nilang hawak ang nagkikislapang mga itak, nakatiim ang kanilang mga bagang, ang mga matay nakapako sa kawalan habang sa tabi nila, ang mga babae ay nagpapanangisan samantalang ang mga bata ay nakatingin lamang sa dambuhalang mga makinang iyon na patuloy sa pag-usad at pag-atungal. Tinungkab nang tinungkab ng mga buldoser ang nangakadipang mga pilapil, kinayod nang kinayod ang bitak-bitak na dibdib ng lupa, hanggang sa maglaho ang mga damo at sariwa pang mga puno ng palay na dating sumususo sa dibdib na iyon, hanggang sa pumikit ang mga bitak at umalimbukay ang alikabok at nagmistulang isang maliit na disyerto ang dating ginintuang kabukiran. Lumisan ang mga buldoser pagkaraan ng ilang araw, at lumisan na rin ang mga magsasaka; ang ibay sumiksik sa nagsisiksikan nang mga barungbarong sa magkabilang gilid ng daangbakal, at ang iba namay tumakas patungong lalawigan at napadpad kung saan. Tanging naiwan sa dating bukiring iyon ang nagbalatay at salasalabat na bakas ng mga gulong ng buldoser, hanggang isang katanghalian, sumunod na dumating doon ang rumaragasang mga trak na may kargang eskombro at graba at buhangin, at natakpan ang mga bakas ng buldoser, at nakumutan ng bato ang buong disyertong bukid na iyon. At isang umaga, bigla na lamang iyong sinalakay ng maraming trabahador na buhat kung saan, at nagtayo ang mga ito ng bodega doon. Sumunod na dumating ang tala-talaksang tabla at yero at bakal at semento, at nagsimula ang kalantugan at pukpukan, at halos sa araw at gabi, umaangil ang makinang lumalamon ng grabat buhangit semento na isnusuka nito pagkatapos sa uhaw na mga timbat baldeng isinasahod ng mga trabahador sa malaking bunganga nito. At makaraan lamang ang ilang buwan, nagkahugis ang isang malapad at mababa ngunit mahabang gusali na parang isang nakadapang dambuhalang nag-aabang ng anumang masisila. Mula sa bintana ng nagsisiksikang mga barungbarong kapag parang dugo nang kumukupas ang mapupulang latay ng liwanag sa kanluran at nagsisimula nang umindak-indak ang malamlam at malungkot na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong, malimit mangalumbaba ang mga babae, matagal na tititig sa gusaling iyon na parang malaking kabaong na batbat ng ilaw kung gabi, saka nila manakanakang sinusulyapan ang mga lalaki. Malimit ding manaog, pagkahapunan, ang mga lalaki, umpuk-umpok na magsisiupo sa gilid ng daangbakal, tititig sa gusaling iyon at sa kadiliman ng daangbakal na tinatanglawan lamang ng naggalaw-galaw, tumaas-bumaba, pumikit-dumilat na baga ng kanilang mga sigarilyo, halos paanas silang mag-uusap.

Pabrika daw ng tela yan at Kano ang me-ari. Senga? Oo, Pare Malapit na raw buksan. Totoo? Oo! Tiyak na maraming trabahador ang tatanggapin. Matanggap sana tayo kahit kargador, kahit dyanitor, bastat trabaho. Sana nga. Putrang na, sawa na ako sa pagbubungkal ng basurahan. Nag-aamoy basura na ako! Ipapasok ko naman sa eskuwela ang panganay ko para di lumaking gago. Saka, Pare, mataas daw magpasweldo ang mga Kano. Senga? Oo. Yon ngang isang pinsan ng asawa ko, nasa Amerika daw ngayon. Doon nagtatrabaho. Me kotset bahay na raw agad. Saka mabait daw ang mga Kano. E kelan kaya magtatanggapan? Ewan. Bastat malapit na raw. Di kelangan pala, magprisinta na tayo agad para di tayo maunahan ng iba? Aba, oo! Kaya nga, kelangan na huwag muna nating ipamalita ito sa iba. Sa inyo ko lang sinabi ito dahil gusto kong sama-sama tayong magtrabaho doon. Pag natanggap ako, makabibili rin seguro ako ng bagong sapatos. Butas-butas na ang swelas ng anak ng putang sapatos ko! 3. UOD ISA si Lino Fajardo sa ilang magsasakang hindi tumakas sa kapaligirang iyon at mula sa kanilang barungbarong ng asawang si Marta at ng kanilang dalawang anak na lalaki, ilang hapon na ring malimit niyang tititigan ang kabuuan ng gusaling iyon. Waring nagkabuhay ang mumunting mga pangarap na matagal na matagal na nilang inilibing sa bukid at sa kalawanging riles ng daangbakal. Talos ni Lino, gaya rin ng iba pang mga taga-daangbakal, na madilim ang gabi sa daangbakal, di gaya sa pusod ng lungsod; madilim na madilim nga, naisip noon ni Lino, sapagkat anagag na lamang ang sinag ng pag-asa. Talos din nilang lagi ngang may umaga, ngunit lagi ring may gabi at, sa kanila, ang gabi at ang umaga ay iisa, sapagkat iisa ang uri ng biyayang hatid sa kanila ng bawat pagsikat at paglubog ng araw ang gulanit na karalitaang sa kanila ay nakabalabal. At alam din nila, kalimitan, higit nilang ibig ang gabi

kaysa araw, sapagkat mabait at mapagmahal ang gabi, di gaya ng araw, dahil pinahihintulutan silang matulog at makalimot. At nang buksan ang pinto ng pabrikang iyon para tumanggap ng mga trabahador, isa si Lino sa hukbo ng mga tagabarungbarong na sumalakay doon. Nang magsimula siyang magpasan ng mga balumbon ng tela, waring namalas niya sa kabuuan ng pabrika ang katuparan ng kanilang mumunting pangarap ni Marta para sa dalawa nilang anak na lalaki. Sa wakas, nasabi niya sa sarili, makalalayio din sila ni Marta sa marusing at pangit na mukha ng daangbakal, matatakasan din nila ang nakabibinging dagundong ng tren at ang madilim na gabi sa kapaligirang iyon. Ngunit lumaki nang lumaki ang pabrikang iyon, yumaman nang yumaman ang may-ari, tumaba at lumaki ang tiyan ng tagapamahalang si Mr. White at, sa bawat taon naman, numipis nang numipis ang kanyang dibdib at unti-unting tumakas ang laman ng kanyang mga bisig. Putang nang White yan, sabi minsan ng isa nila kapwa trtabahador isang dapithapong magkakasabay silang lumalabas sa dambuhalang pabrikang iyon. Wala yatang kaluluwa! Matagal na tayo rito, di man lang tayo inuumentuhan. Alam niya namang pambili lang ng pandesal ang suweldo natin. Malaki naman ang kinikita ng pabrika. Tagahimod kasi ng pundilyo ng me-ari ang putang nang White na yon! At ala ring konsensiya ang me-ari. At ubod pa ng swapang. Pero pinakikinabangan naman nila tayo. Dahil sa tin kaya sila nabubundat, kaya sila yumayaman. Talagang ganon. Silang me-ari. Ala tayong magagawa. Putang na! Bat ala? Magtayo tayo ng unyon! Di pinatalsik agad tayo ng mga anak ng puta? Aba! E kung patayin na lang natin si White? Senga. Ipalamon natin sa makina! Mahirap yan, mga Pare. Tayo rin ang mawawalan ng trabaho at impiyerno ang buhay sa kalaboso. Galing na ko sa putang nang impiyernong yon! Pero paloloko na lang ba tayo sa kanila? Ala tayong magagawa kundi magtiis. Magtiis? Oo. Magtiis.

Lintik! Magtiis? Habang panahon tayong lolokohin ng mga dermonyong yon! Pwe! At pag namatay tayo, baka di pa tayo makabili ng kahit palotsinang kabaong sa sweldo natin. Pero sa ngayon, talagang ala tayong magagawa kundi magtiis. Magtiis pa rin? Pwe! DITO, hindi pwede ang tamad! Konting bilis! Konting bilis! Bigla, parang matalim na itak na tumaga sa utak ni Lino ang kabuuan ng maitim at pandak at mataba nilang kapatas na kung tawagin nilang mga trabahador ay Mr. Cruz. Marahas na sumugat sa kanyang pandama ang alingawngaw ng tinig na iyon, waring saglit na ngumatngat sa kanyang laman at tumupok sa kanyang kaluluwa. Kahit nakatalikod siya sa bunganga ng bodegang pinagmulan ng tinig na iyon, natitiyak niya, nakita na naman siyang nagpapahinga ni Mr. Cruz sa pagbuhat ng mga balumbon ng telang jikakarga sa naghihintay na trak ng pabrika. Si Mr. Cruz ang mga tainga at mata ni Mr. White at ayaw na ayaw nitong makitang wala silang ginagawa kahit isang saglit. Marahil, kung maaari, huwag na silang hihinga sa paggawa, sapagkat sa loob ng limang taong ipinaglingkod niya sa pabrikang iyon, sa nakikita niya, parang mga kalabaw na pang-araro ang tingin sa kanilang mga trabahador nina Mr. White at Mr. Cruz, at hindi miminsang nasabi niya sa sarili na mabuti pa marahil kaysa kanila ang mga kalabaw, sapagkat nakapagpapahinga, gayundin ang mga makinang panghabi ng tela, sapagkat hindi panayan ang pag-andar, pinagpapahinga rin at nilinis at nilalangisan. Putang na, dali ka, Fajardo! Masyado kang mabagal! Masyado kang tamad! Nasa likod na ni Lino ang tinig na iyon at, sa iglap na sandaling iyon, waring natadtad ng mga sugat ang buo niyang katawan, at nadama niyang nangapos ang kanyang paghinga at humigpit ang kanyang pagkakayapos sa balumbon ng telang akma niyang papasanin. Alam niyang nangangaloig ang kanyang tuhod matagal-tagal na rin niyang napapansin na numinipis ang kanyang dibdib at parang may lumalamon sa laman ng kanyang mga bisig at waring hindi na nga nya kayang magbuhat pa ng gayong kabibigat na mga bagay, ngunit laging nakatambad sa kanyang harapan ang hapis na larawan ng kanyang asawang si Marta at ng dalawa nilang anak na lalaki na magpipitong taong gulang na ang panganay. Naramdaman niya ang paglalaban ng kanyang mga tuhod at ng bigat ng balumbon ng telang kanyang pasan nang tunguhin niya ang naghihintay na trak ng pabrika sa bunganga ng bodega at, kahit hindi siya lumilingon, alam niyang kasunod niya si Mr. Cruz , naglulumiyad ang malaking tiyan sa pahilahod na paglakad at nakapako sa kanya ang medyo singkit na mga mata. Waring may init na humalukay sa kanyang dibdib at hindi niya napigilan ang abut-abot na paghingal matapos niyang maibaba sa maruming suwelo ng trak ang pasan niyang balumbon ng tela. Saglit na nag-apuhap ng hangin ang kanyang bibig at ilong at bahagyang nabawasan ang init na humahalukay sa kanyang dibdib. Alam niya, pagharap niya sa bunganga ng bodega, makikita niya ang pangit na kabuuan ni Mr. Cruz, at parang hindi niya

magawang takasan ngayon ang nakatatakot na alalahaning gumigiyagis sa kanyang katatagan; ang kapeng walang gatas at matigas na pandesal kung umaga, ang lugaw na inuulaman ng tuyo o asin kung gabi, ang malamlam at malungkot na mga mata ni Marta na waring humihingi ng awa sa nag-indak-indak na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong na nangakalibing sa magkabilang gilid ng kalawangin at mahabang-mahabang daangbakal na iyon. Pinilit niyang lupigin ang mga alalahaning iyon at, bigla, humarap siya ngunit napauntol siya sa paghakbang nang lumagom sa kanyang paningin ang naglulumiyad na tiyan ni Mr. Cruz, ang medyo singkit nitong mga matang may ibig ipahiwatig at ang pagkakangkisi nitong nagpalabas sa malalaki at naninilaw na mga ngipin. At sa saglit na iyon hinamig ng kabuuan nito ang nakataatakot na mga alalahaning iyon. Parang mahina ka na, Fajardo. Payat na payat ka na. Parang di mo na kayang magtrabaho. Malakas pa ho ako, Mister Cruz. Malakas pa ho ako! Alam niyang hindi iyon ang ibig niyang sabihin, ngunit iyon ang iglap na lumabas sa kanyang bibig. Pero bakit masyado ka nang mabagal? Isang balumbon ng tela, parang di mo na kayang buhatin. Kaya ko pa ho, Mister Cruz. Malakas pa ho ako. Kaya ko pang magtrabaho. Saka saka Ngunit nabilanggo lamang sa kanyang lalamunan ang iba pang mga salita nang nakangising tumalikod si Mr. Cruz at wala siyang nagawa kundi sundan ng tingin ang pahilahod nitong paglakad patungo sa plantang habihan ng tela at, ngayon, lalong naging marahas ang pagdaluhong ng mga pangamba. Sa kanyang utak, naggigitgitan ang maraming salitang hindi magkapuwang sa kanyang lalamunan. Parang ibig niyang pasukin ang opisinang air-conditioned ni Mr. White at kahit sa papilipit na Ingles na nalalaman niya, buong tapang na sabihin sa harap nito: Go to hell! You dog! You salumbebet! MULING nadama ni Lino ang pangangalog ng kanyang mga tuhod nang magbalik siya sa bodega ng tela at sumisigid at humahalukay na naman sa loob ng kanyang dibdib ang hindi mawaring init na iyon na nagpapasikip sa kanyang paghinga. Warfing may matitigas na daliring unti-unting sumakal sa kanya, at nagsimulang maglandas mula sa kanyang noo at sentido ang malalamig na mga butil ng pawis, at lalo niyang nadama na higit na kailangang apuhapin ng bibig niya at ilong ang amoy-telang hangin sa loob ng bodegang iyon. Kailangan nilang apurahin ngayon ng tatlong trabahador na kasama niya sa bodegang iyon ang pagbabalumbon at pagkakamada upang kung dumating ang trak na natitiyak niyang darating sapagkat sinabi ni Mr. Cruz na maraming pumedido sa araw na iyon handa na ang mga iyon para ikarga nila sa trak. Napansin niyang pinagmamasdan siya ng kanyang mga kasamahan nang damputin niya ang kahoy na pag-iikiran ng tela, at nabakas niya sa mata ng mga iyon ang isang uri ng pangamba. Namumutla ka, Lino. Saka humihingal ka. Magpahinga ka muna. Kami na ang bahala dito. Di pa naman seguro darating ang trak.

Senga. Baka kung mapaanio ka pa. Aba, mahirap na ang magkasakit. Baka tanggalin ka pa ni Mr. Cruz. Bigla, parang may nabuhay na lakas na nagbigay-init sa kanyang dugo; pinilit niyang lumapit sa kamadahan ng tela, ngunit hindi pa siya nakatatatlong hakbang, iginupo siya ng nangangalog niyang mga tuhod at napalugmok siya sa sementadong lapag ng bodega. Naramdaman niyang parang idinuruyan siya sa hangin, waring nilalagom ang kanyang kamalayan ng manipis na karimlang lumukob sa kanyang mga mata. Ilang saglit din siyang nag-apuhap sa kawalan, sumisid sa isang kalalimang hindi niya maarok. At nang dumilat siya, nakasandal siya sa isang panig ng kamada ng mga tela at pinapaypayan siya ng kanyang mga kasamahan. Sabi na sa iyong magpahinga ka na muna. Putlang-putla ka, e! Tinig iyon ni Kardo, alam niya, kahit hindi pa niya gaanong mabanaagan ang mukha nito. Hiigit na malinaw na nakikita niya ngayon ang hapis na mukha ni Marta at ng kanilang dalawang anak na lalaki, at ang nakatatakot na larawan ng mga alalahaning gumigiyagis sa kanyang katatagan. Kung kaya mo na ang katawan mo, umuwi ka na muna. Bukas ka na bumalik. Kami na ang bahalang magpaliwanag kay Mister Cruz. Hwag, hwag nyong sasabihin sa kanya ito. Walang anuman ito. Nahilo lang ako. Hindi siya nahilo lamang; alam niyang may kung anong makapangyarihang lakas na sumasaklot sa kanyang dibdib tuwing siyay mahahapo, at naisip niyang kapag dumating ang trak, hindi na niya kayang tagalan pa sa araw na iyon ang paghahakot sa mga balumbon ng tela. At kung makita siya ni Mr. Cruz? Maririnig na naman niya ang tinig na iyon: Dito, hindi pwede ang tamad! Konting bilis! Konting bilis! Ginagap niya ang impis na niyang dibdib, hinimas-himas niya iyon na parang ibig niyang maibalik ang tumakas na laman doon, at naidalangin niyang huwag sana munang dumating ang trak, huwag sana munang pumasoik sa bodegang iyon si Mr. Cruz, Minasdan niya ang kanyang mga bisig na parang itinatanong kung kaya pang pumigil at magbaba ng balumbon ng tela sa trak, at pilit na umiwas ang kanyang utak sa pagyakap sa katotohanang ipinaghuhumindig ng impis na niyang dibdib at ng nangangalog niyang mga tuhod. Hindi niya malaman kung gaano katagal siyang namalagi sa pagkakasandal sa kamada ng tela hanggang sa madama niyang parang ganap nang tumakas ang matitigas na daliring sumakal sa kanyang kangina; waring tumakas na rin ang humihiwang init sa kanyang dibdib, ngunit sa kanyang utak, nakabilanggo pa rin ang kapeng walang gatas at matigas na pandesal kung umaga, ang lugaw, ang malamlam at malungkot na mga mata ni Marta, ang madilim na gabi sa pangit na mukha ng daangbakal. Humagupit sa kanyang pandinig ang atungal ng dumarating na trak, lumakas ang atungal na iyon, sumiksik sa kanyang kamalayan, hanggang ligisin niyon at dikdikin ang kanyang utak, hanggang muling marahas na dumaluhong ang mga pangamba. Bigla, napatayo siya; tiningnan niya ang kanyang mga kasamahan na patuloy sa pag-aayos ng mga balumbon ng telang dadagan sa tumututol nilang mga balikat.

Karga bola! Karga bola! Nakatayo na sa bunganga ng bodega ang tsuper ng trak na iyon, at natambad sa kanya ang nakaabang na puwit ng trak sa di kalayuan sa bungangang iyon. Maghintay ka! Hwag kang apurado! Si Kardo ang sumigaw at nakita niyang nasa balikat na nito ang isang balumbon ng tela. Saglit itong tumigil sa tabi niya. Dyan ka na lang muna hanggat ala ang demonyong si Mister Cruz. Tiyak, naisip niya, darating si Mr. Cruz, sapagkat ugali na niyon na gumala-gala sa buong pabrika na parang hayiop na nag-aabang ng sinumang masisila. Lagi nang mahaba ang dila niyon, lagi nang nanlilisik ang medyo singkit na mga mata kapag nakakikita ng mga trabahador na walang ginagawa. Ilan na sa kanila ang isinumbong nito kay Mr. White na agad na itinaboy at pinalayas sa pabrikang iyon. Karga bola! Karga bola! Naisip niya, siya marahil ang sinisigawan ng tsuper na iyon. Baka akalain niyon na nagtatamad-tamaran lamang siya at isumbong siya kay Mr. Cruz. Nilapitan niya ang isang balumbon ng tela sa kamada; saglit niyang minasdan iyon at hindi nya naiwasan ang mangamba. Pilit niya iyong pinasan at muli niyang nadama ang pangangalog ng kanyang mga tuhod at waring pagsuko ng kanyang mga balikat. Dinalangan niya ang kanyang paghakbang; parang ibubuwal siya ng bigat ng kanyang pasan at biglang humiwa na naman sa loob ng kanyang dibdib ang hindi mawaring init na iyon jna nagpapasikip sa kanyang paghinga at bahagyang nagpapalabo sa kanyang paningin. Unti-unti, parang may matitigas na daliring sumasakal na naman sa kanya, at hinabol niya ang kanyang paghinga. Tumindi ang pangangalog ng kanyang mga tuhod at, nang malapit na siya sa puwitan ng trak, bigla siyang nasungaba. Ngumudngod ang kanyang bibig sa lupa at nabitiwan niya ang balumbon ng telang kanyang pasan. Sa kanyang dibdib, nag-aalimpuyo ang init na iyon at napakagat siya sa maputik-putik na lupa. Naramdaman niyang may gumagapang na kung ano sa naputikan niyang labi. Dinilaan niya iyon at nang kanyang ibuga, nakita niya ang isang malaking uod na pakiwal-kiwal na gumagapang palayo sa kanya. Nang iangat niya ang kanyang tingin, tumambad sa kanya ang naglulumiyad na tiyan ni Mr. Cruz. Pinilit niyang tumayo, ngunit muli siyang nasungaba. Talagang mahina ka na, Fajardo. Talagang di mo na kayang magtrabaho. Malinaw na malinaw sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ni Mr. Cruz at parang matalim na itak iyong sumugat sa buo niyang katawan at kaluluwa. Nabanaagan niyang papalayoi ang mga paa ni Mr. Cruz at gumagapang, gumagapang na pilit niyang sinundan ang mga paang iyon. Hintay, Mister Cruz! Malakas pa ho ako! Malakas pa ho ako! Sabihin nyo kay Mr. White, malakas pa ho ako! Iyon ang pilit na isinisigaw ng kanyang utak, at pilit siyang nagpatuloy sa paggapang.

LIT ERAT URA NG URI NG AN AKP AW IS December 12, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (LATHALAIN)

(Iniantolohiya sa NATIONALIST LITERATURE at KILATES ng Unibersidad ng Pilipinas) AYON kay Nadine Gordimer, isang puting babaing manunulat sa Timog Aprika, ang sining ay nasa panig ng mga binubusabos. Matapos niyang mabasa ang nobelang The Jungle ni Upton Sinclair, isang nobelang naglalarawan ng marawal at nakapanlulumong kalagayan ng mga manggagawa sa industriya ng karne at mga pagkaing de lata sa Chicago noong 1906, isinulat naman ni Gordimer ang kahabaghabag at nakapaghihimagsik na katayuan ng mga obrerong Negro sa mga minahan sa Aprika, gayundin ang sarisaring inhustisya ng pamahalaan sa itim na populasyon ng naturang bansa dahil sa apartheid kaya ipinagbawal ng mga awtoridad ang kanyang nobelang Burgers Daughter noong 1979. Hindi puwedeng sabihin kong akoy isang manunulat lamang, pahayag niya, at mga paksang tungkol lamang sa manunulat ang tatalakayin ko. Isa rin akong tao at kung basta na lamang inaagawan ng karapatan ang isang tao, basta na lamang ikinukulong, binibimbin sa kulungan nang walang kaukulang paglilitis at hindi pinalalaya ni ipinagsasakdal, dapat na mahigpit na tutulan ng sinuman ang bagay na ito. Mula noon at magpahanggang ngayon, naging mapaghimagsik na tinig si Gordimer ng uring apit anakpawis ng kanyang bansa. Noong mga 1920 naman sa Amerika, isang Hudyong lumakit nabuhay saghetto ng New York, si Itzok Isaac Granich, na nakilala nang malaon bilang si Mike Gold, ang nagbunsod ng tinatawag na literaturang proletaryo sa naturang bansa. Sa kanyang sanaysay na Towards Proletarian Art na nalathala

sa Liberator noong Pebrero 1921, narinig ang unang makabuluhang sigaw tungo sa paglikha ng isang malinaw at militanteng kulturang proletaryo sa isang bansang kinikilalang kuta ng mapambusabos na sistemang kapitalista. Sapagkat lumaki siya sa ghetto ng New York sa piling ng mga kapwa maralita, sapagkat nabuhay siya bilang isang manggagawa sa mga lagarian ng troso, sa mga minahan, sa mga pabrika ng asero, sa mga kampo, sa mga bukirin at kabundukan ng Amerika, sapagkat naging biktima siya ng malupit na kapitalismo at, sa ilalim ng sistemang ito, narinig niya ang panalangin ng mga batang nagugutom at mga daing ng karalitaan, at nakita niya ang pagdurusa ng mga naghahanap ng trabaho, gayundin ang paghihirap ng mga biktima ng naturang sistema sa mga ospital, sa mga kulungan at pabrika, naghuhumiyaw ang kanyang mga akda para sa karapatan at kapakanan at dignidad ng uring apit anakpawis, gaya ng kanyang inilarawan sa kanyang nobelang Jews Without Money at sa kanyang mga kuwentong A Damned Agitator at Love On A Garbage Dump kung kaya inihanay siya ng ilang kritiko sa mga manunulat na tinawag na budhi ng kanilang bayan gaya nina Theodore Dreiser ng Amerika, Maxim Gorky ng Rusya. at Romain Rolland ng Pransiya. Pinangarap ni Gold ang pagdating ng isang panahong ang mga magsasakay sumusulat ng mga soneto, ang mga manggagaway nagtatanghal ng mga dula sa mga pabrika, nagpipinta, umaawit at

isinasalin sa musika ang kanilang busabos na kalagayan at mapapait na karanasan, gayundin ang kanilang mga adhikaing makataot mapagpalaya. Bagaman namamayani pa rin sa ating bansa, lalo na sa komersiyal na mga babasahin sa sariling wika, gayundin sa mga pelikula at programa sa telebisyon, ang literatura ng kababalaghan at kahangalan na nagbabandila ng kagulatgulat na pakikipagsapalaran ng mga may agimat, ng mga kalabaw at kabayong nagsasalitat lumilipad, ng mga bibing nangingitlog ng ginto, ng mga biyenang engkantada at mga nobyong mamaw, habang nagtatampisaw sa nagahasa nang tema ng mautog na paglalambingan at pag-iibigan, upang patuloy na aliwin at lunurin sa balon ng mga pangarap ang busabos na sambayanan sa ilalim ng isang sistemang mapang-alipin at mapanikil para makalimutan ng mga ito ang kanilang gutom at mga dahilan ng kanilang pagkabusabos nang, sa gayon, di sila mamulat at maghimagsik, hindi rin naman maitatatwa na noon pang kalagitnaan ng dekada 50, makabuluhang nailunsad ng dalawang manunulat na nabibilang sa matandang henerasyon ang literatura ng uring anakpawis. Sa mga nobelang Maganda Pa Ang Daigdig (1955) at Daluyong (1962), nailarawan ni Lazaro Francisco bilang tagapagsalita ng mga magbubukid sa Gitnang Luzon, ang reyalidad ng isang sistemang piyudal ang pagkakatanikala sa lupa ng uring magsasaka at ang patuloy na pambubusabos ng mga propiyetaryo sa mga ito. Bilang tagapagsalita naman ng mga anakpawis, hinalukay ni Amado V. Hernandez sa kanyang mga nobelang Mga Ibong Mandaragit (1959) at Luha ng Buwaya (1960) at kalipunan ng mga tulang Isang Dipang Langit at Bayang Malaya ang katotohanang naghahantad sa piyudal at neokolonyal na kalagayan ng bansa sa ilalim ng pagmamaniobra ng mga imperyalistang Amerikano at ng lokal na burukratang mga kapitalista, gayundin ang patuloy na paninikil o opresyon ng naghaharing-uri laban sa uring anakpawis. Malinaw na gusto ni Hernandez na itaas ang dignidad at palayain ang uring manggagawa tulad ng ipinahihiwatig ng kanyang tulang Bayani: Sa wakas, dapat na ngayoy mabandila ang karapatan kong laong iniluha ang aking katwiran ay bigyan ng laya ako may anak din ng isang Bathala at bayaning higit sa lalong dakila Taong walang saysay ang di Manggagawa! Sa larangan ng maikling kuwento na nabibilang sa naturang henerasyon, ipinakita ni Brigido C. Batungbakal sa kanyang kuwentong Aklasan, kagaya ng inilarawan ni John Steinbeck na patuloy na pagtutunggali ng obrero at kapitalista sa kanyang mga nobelang In Dubious Battle at Cannery Row, ang di makatarungang mga patakaran sa paggawa sa isang pabrika ng tabako kaya nagwelga ang mga manggagawa at, kung saan, ginamit pang instrumento ng kapitalista ang peryodismo sa pambubusabos sa mga trabahador. Sa kuwentong Gutom ni Clodualdo del Mundo, inilarawan niya ang inutil na katarungang panlipunan at ang palsipikadong batas tungkol sa minimong pasahod. Pagpasok ng dekada 60 hanggang mga huling taon ng dekada 70, pinasiglat pinayabong ng sumunod na henerasyon ng mga manunulat ang literatura ng uring anakpawis. Sa kanilang mga nobela, dula, tula,

kuwento at mga sanaysay, ibinandila nila ang kabusabusan ng uring maralita, hindi upang panatilihin, kundi upang imulat ang mga ito sa mga dahilan ng kanilang kaapihat pagkaalipin sa isang balangkas ng lipunang pinaghaharian ng iilan lamang na mapribilehiyo, maimpluwensiyat makapangyarihan, isang lipunang ang hustisyay doble-kara at ilusyon lamang ang demokrasya. Sa mga nobelang Dilim sa Umaga at Mga Kaluluwa sa Kumunoy ni Efren R. Abueg, Dugo sa BukangLiwayway ni Rogelio R. Sikat, Sa Mga Kuko ng Liwanag atSa Kagubatan ng Lungsod ni Edgardo M. Reyes, Mga Halik sa Alabok ni Dominador B. Mirasol, at Apoy sa Madaling-Araw nina Mirasol at R. L. Ordonez, inilarawan at pinaghimagsikan ang patuloy na kaapihat kabusabusan ng masa na ang maliliit at kakaningitik ay palagi nang biktima ng inhustisyat kasibaan ng naghaharing-uri. Sa mga kuwento naman nina Domingo Landicho, Epifanio San Juan, Jr., Wilfredo Virtusio, Edgar Maranan, Jose Rey Munsayac, Ave Perez Jacob, at iba pang kuwentista ng naturang dalawang dekada, gayundin sa antolohiyang Mga Agos Sa Disyerto, binusbos ang ninanana at inuuod na mukha ng lipunang Pilipino, dinalirot ang mga sanhi ng patuloy na pagdaralita ng sambayanan, lalo na ng uring anakpawis, at parang bombang pinasabog sa mukha ng establisimiyento ang natipong ngitngit at paghihimagsik ng masang sambayanang patuloy na pinagsasamantalahan ng bastardong mga pulitiko, ng suwitik na mga propiyetaryot asendero, at ng salanggapang na mga kapitalista. Halimbawa, Sa Mga Aso sa Lagarian ni Mirasol, inilarawan niya ang kalunuslunos na kalagayan ng mga trabahador sa lagarian ng troso sa ilalim ng isang tusong negosyanteng Intsik; sa kanyang kuwentong Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak, inihantad niya ang doble-karang hustisya sa bansang ito na ang laging inilalampaso at ipinagngungudnguran sa karalitaan ay ang uring anakpawis. Sa Senka ni Virtusio, ipinakita rin ang panggigipit at pang-aapi ng naghaharing-uri sa maliliit, ang pagbabanggaan ng mayaman at mahirap, ng mahina at maimpluwensiya. Sa Kalampag ng mga Inuuod na Bituka ni Ely de Guzman, tinalakay ang dumating na sandali ng pagkamulat sa buhay ng isang iskirol at kung paanong ang takot na magutom ang humahadlang sa isang hindi mulat na manggagawa upang hindi umanib sa unyon habang umaasam sa tuyong buto na ibinibitin ng kompanya, sa tuyong buto na tinatanghurang parang aso, sa tuyong buto na dapat lamang na mapasaatin. Hindi lamang ang paghahantad sa mga inhustisya ng naghaharing-uri laban sa uring anakpawis ang gustong isampal sa mukha ng nagbabanalbanalang lipunan ng naturang mga akda kundi ipinakita pa rin, kagaya ng kuwentong Sa Pagitan ng Dilim at Liwanag ni Munsayac ang untiunting pagkamulat ng masa sa kanilang kaapihan at ang napipintong pagbabangon ng mga ito tungo sa madugong rebolusyon. Ang pagtalakay sa mga problemang panlipunan at sa mga puwersang mapang-alipin ay malinaw na naipinta sa kuwentong Anay ni E. San Juan, Jr.; hindi ang mga anay na sumisira sa mga kahoy at gusali ang kanyang nais ilarawan, kundi ang mga puwersa at uring mapangwasak sa nakatayong buhay ng tao, ayon kay Landicho, lalo na sa lipunang Pilipino. Maging sa larangan ng tula sa loob ng naturang dalawang dekada, hindi iilang makata gaya nina Jose F. Lacaba, Lamberto Antonio, Rogelio Mangahas, E. San Juan, Jr., Gelacio Guillermo, Elynia Mabanglo, Bayani S. Abadilla, Domingo Landicho, Jess Santiago, Lilia Quindoza, at iba pa ang tumalikod sa tema o

mga paksang inuuod sa poso negro ng panitikan, gaya ng pag-awit sa simoy ng hangin, sa buwan at mga bituin, o pag-aalay kaya ng desperadong pagmamahal sa nakapanggigigil na mga dilag o mga musa ng pangarap. Sa halip, ang mga tula nilay tuwirang nakisangkot sa mga problemang pangkabuhayan, pampulitikat panlipunan, at inawit nila ang alipunga at halas sa binti ng mga magsasaka, ang anghit at kalyo at ugat ng braso ng mga obrero, ang armalite sa Tarlak at Pampanga at mga kabundukan, ang laksang sapatos ng paghihimagsik, ang reyalidad ng mala-piyudal at neokolonyal na lipunan. Dinakila nila ang uring anakpawis, inawitan, at inalayan ng hosana at kamanyang, kagaya ng Ang Pasyon ng Isang Manggagawa ni San Juan, Jr. na iniukol niya sa alaala ni Crisanto Evangelista kung saan isinaad ng isang bahagi ng tula: Nagngingitngit, nagpupumiglas Ang dugo sa ugat ng damdaming hinasa sa pagdurusat gutom Pinaglumot na ang marmol na bantayog ng mga bayaning huwad Sa Hacienda Luisita, Canlubang at iba pang kuta Ng mapagsamantalang klase. Crisanto Evangelista Silakbo ng Indiyo! Birtud moy kakulangan at katuparan Ng mundong ito. Sa bisig mo Sasabog ang tagumpay ng masa. Hindi lamang nagmumulat sa uring anakpawis ang kanilang tula kundi minsay nanghihikayat pa kagaya ng isinasaad ng isang bahagi ng tulangKasama ni Bayani S. Abadilla: kapag ang pithaya ng Internasyonal ay tumitibo sa dibdib at sa kuko ng pasismo buhay ay handang pumuti hihintayin kita sa krus na daan ng kaliwa at kanan halina sumanib sa lawa ng sulo sa kanayunan sa talahib-sabana ng isang dugong hanay ating itayo daigdig ng proletaryo. Ang iba, dahil sa pagkapoot, ay nagbabanta kagaya ng sinasabi ng ilang linya ng tulang Sigaw ng Anakpawis sa Naghaharing-Uri ni Domingo Landicho: Pagdatal ng paghuhukom, dadagsa sa iyong kristal na kaharian ang nakabukang kamao ng masa; ang nakangangang bungangang tuyot;

ang hungkag na tiyan ng sanggol; ang lagablab ng mga mata; ang ipuipo ng binaog na pangarap. lahatlahat tatayo. ang aklat mo ay bubuksan; hustisya ng tinig-lahi ang titibag ng iyong hukay! Sa katipunan ng mga tulang Maliwalu at Iba Pang Tula ni San Juan, Duguang Plakard at Iba Pang Tula ni Mangahas, at Hagkis ng Talahib ni Antonio, malinaw na makikita ang kamalayang sosyal na nagtatangkang itaas ang dignidad ng uring anakpawis, gayundin ang maaaring malawakang pagbabalikwas ng mga ito dahil sa kaapihan. Maging sa dula, ang pakikisangkot at pagmumulat sa uring manggagawa ay isinatinig ni Ave Perez Jacob sa kanyang dulangGising at Magbangon na ipinakikita na panahon na upang ipaglaban ng maliliit ang kanilang mga karapatan at kapakanan para makalaya sila sa pagkaalipin at pagkabusabos. Sa nabanggit na dalawang dekada, napansin noon ng kritikong si Dr. Bienvenido Lumbera na sapagkat halos lahat ng bagong manunulat sa Pilipino ay kasangkot sa kilusang makabayan, ang pinapaksa ng kanilang mga akda ay mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng gobyerno, kawalan ng katarungan para sa limot na mga mamamayan, at pang-aalipin ng mga negosyanteng dayuhan at ng kanilang kasabwat na burgesya. At sapagkat mabigat na pataw ang mga ito sa pusot isip ng mga manunulat, nagpuputok sa pagkapoot ang kanilang mga akda. Sa maikling salita, sapagkat isinatinig nila ang daing ng kumakalam na mga sikmura, ang hagulhol ng mga biktima ng inhustisya, ang sigaw ng mga humihingi ng katarungan, at ang mismong lehitimong karaingan ng masa, malinaw na ang kanilang mga akday tagapagtaguyod ng mga karapatan at kapakanan ng uring anakpawis. Pagpasok ng dekada 80, nakilala ang ilang kabataang manunulat na ang sigla ng panulat ay puno rin ng mithiing maimulat at mabigyan ng dangal ang uring anakpawis. Kabilang sa mga ito ang mga kuwentistang sina Reynaldo Duque, Ernie Yang, Chit Balmaceda Gutierrez, Tomas Agulto, Cyrus Borja, Reuel Aguila, at Jun Cruz Reyes; ang mga makatang sina Fidel Rillo, Rowena Festin, Romulo Sandoval, Mike Bigornia, Danton Remoto, Aida Maranan, Aida F. Santos, P.T. Martin, Pepito Frias, Renato Agulto at Fermin Salvador; mga mandudulang sina Jose Cruz Papa, Richie Buenaventura at Chris Millado. Sa kanilang mga akda, masasalamin din ang kanilang simpatiya sa aping uri ang karaniwang mga mamamayan at hukbo ng mga kumain-dili. Halimbawa, sa kuwentong Walang Lubay na Istasyon ng Pag-asa at Paghahanapni Tomas Agulto, naipakita ang aping kalagayan ng mga manggagawa sa palaisdaan. Sa Sugat sa Dagat ni Cyrus Borja, naihantad ang di makatarungang nangyayari sa buhay ng mga mangingisda ng mga busero at mangangabog na, dahil sa karalitaan, ay napipilitang sumama sa mga barotos sa pangingisda sa pamamagitan ng dinamita sa malawak na karagatan. Sa kuwentong Kulas ni Chit Balmaceda Gutierrez, ipinakita kung paanong itinulak ng mga puwersa ng lipunan upang gumawa nang masama ang isang karaniwang taong kagaya ni Kulas na kulang

sa ulam, kulang sa damit, kulang sa kaalaman, kulang sa pera, walang yaman, walang lupa, walang-wala. Sa Hindi Mapigil sa Pagdami ang mga Uod Hanggat Mayroong Pagkaagnas ni Ernie Yang, ipinamukha sa mambabasa ang marawal at nakapanlulumong buhay ng mga iskuwater o mga walang lupa sa sariling bayan, sa tabi ng nakasusulukasok na estero at tambakan ng basura, sa mga lugar na parang bangungot ang mukha ng kahirapan xxx ng mga taong nangangamoy, nabubuhay at natutulog sa basurahan xxx na makaligtas lang sa gutom ng isang araw ang pangunahing ambisyon sa buhay. Ipinahiwatig ng akdang ito na magpapatuloy ang paghihimagsik hanggang hindi maayos ang sistemang umiiral sa lipunan xxx hanggang ang demokrasyay nakabatay hindi sa higit na nakararaming mamamayan na napagsasaantalahan ng iilang nasa kapangyarihan. Isinisigaw din nito na sa ganitong sistema ng lipunan ang karapatan ay para lamang doon sa may kakayahang bumili nito at ang mga may pera ay nababalutan ng mga karapatan at kapangyarihan pero dahil tao rin naman ang uring anakpawis, kailangan din ng mga ito ang mga karapatang iyon. Sa mga tula naman ng nabanggit na mga makata, nakakintal ang mataos na pagpapahalaga sa uring anakpawis, kagaya ng ipinahihiwatig ng Elihiya Kay Olalia ni Fermin Salvador, o ng Tagulaylay Kay Liza Balando ni Edgar Maranan, o ng Luksang Parangal sa Isang Magbubukid ni Rowena Festin. Sa ilan pang mga tula, ibat ibang nakalulunos na buhay ng uring anakpawis ang inawit tulad ng Ikaw, Isang Manggagawa na tungkol sa manggagawa sa tubuhan ni Kris Montanez, Bangungot ng Lunsod na tungkol sa mga pulubi ni Aida Maranan,Basyador ni Ariel Borlongan, Pagpipinta sa Baradero ni Hernan Melencio, Ang Magbubukid, Muli ni Danton Remoto, Barungbarong sa Sampaloc ni Mat Vicencio, at Buhay Saudi ni Renato Agulto. Marami pang halimbawang maaaring banggitin ngunit ang mensahe ng mga tulang iyon ay malinaw na naikapsula marahil ng dalawang tulang naisulat noong dekada 70 ang Kung Saan Naglalagablab ang Apoy ng Paglaya ni Romulo Sandoval at Alay Kay Kumander Tangkad ni Bienvenido Lumbera. Sa Kung Saan Naglalagablab isinigaw ni Sandoval: kasama ng mga kapwa api mga magsasakat manggagawa at ng iba pang mga kapanalig silay lakas na babalikwas Uusigin nila kayong sa kanilay nandaraya: kayong nasa inyuinyong tierra inmaculada habang silay nasa gitna ng nagbuntong mga bundok-basura, kayong naglulunoy sa inyuinyong swimming pool habang silay binabaha sa mga eskinitat lansangan, kayong nagpaparaos sa inyuinyong kubetang alpombrado habang silay nasa piling ng nagbalatay na estero, kayong walang ginawa

kundi ang sa masay magsamantala Kanila ang pawis, inyo ang biyaya; kanila ang pagod, inyo ang ginhawa. At samasama, silay apoy silay apoy ng paglaya na sa inyo ay tutupok! Sa isang bahagi naman ng tula ni Lumbera, nakita niya ang maaaring babala sa hinaharap: Sa tisikong dibdib, sa impis na tiyan ng mga busabos, pigil na kamao ang kuyom na poot; dugong naging tinig babahid sa langit, sasabog na kulog, at palalayain ang uring dayukdok. Nang itatag ang Amado V. Hernandez Resource Center at ilunsad nito noong 1986 ang taunang Gawad Ka Amado, isang timpalak pampanitikang naggagawad ng parangal sa mga obra ng uring anakpawis tula, kuwento at sanaysay nasabi ng manunulat na si Ave Perez Jacob: xxx matitiyak na ngayon lamang sa ating panahong ito mayroong namumuong tunay at matapat na pagtatangkang makapagparami at makapagpalaganap ng mga obrang ang oryentasyon at tunguhin ay talagang proletaryo. At sa nagaganap na ito, partikular sa larangan ng panitikan, kapansinpansin na ang mga obray likha ng mga manunulat at makatang mula na rin sa uring anakpawis, o kayay gawa ng mga taong ganap at lubos ang pakikiisa sa kilusang paggawa sila na pawang malikhaing tagapagtaguyod ng ideolohiyang proletaryo. Ang pinangarap ni Mike Gold noong dekada 20 sa Amerika ay nagsisimulang magkahugis nga ngayon sa ating bansa. Sapagkat ang mismong buhay at mga karanasan ng uring anakpawis ay mayamang minahan ng mga brilyanteng katotohanan, ang nalilikha nilang panitikan bagaman kulang pa sa kinis o estetika ng sining ay hindi matatawarang isang mapagpalayang testamento ng mga hinaing at mithiin at pagkamulat ng uring anakpawis. Ang patuloy na paglahok na ito ng uring anakpawis sa paglikha ng panitikan ng kanyang uri ay matulaing nailarawan ng makatang si Fidel Rillo. Sinabi niya: Bawat karanasan ay naiimpok na hibla sa dibdib ng manggagawa. xxx At tuwing lumilikha ang kanyang bisig, kasabay nitong pumipihit ang mga gulong at bolitas ng kanyang kamalayan at ang kanyang isip ay nalilikhang aserong palihan. Untiunti, ang lahat na naiimpok na karanasan may gaspang ng bakal, may kinang ng salamin, may salimuot ng kahoy, may timpi ng sinulid, may silakbo ng krudo ay bumubukal na kasaysayan. Kasabay ng paglabra sa molabey isang titik ng pagkabatid. Kasabay ng paghahabi ng hiblay isang salita ng pagkamulat. Isang pindot ng buton at isang prase ng mithi. Isang ikot ng gulong at isang pangungusap ng pagtutol. Isang haliging maitindig at isang talata ng paniniwala. Hibla bawat hibla. Bato bawat bato. At sa kaganapan ng silya, tela, makina, gusali at salapi, isang maskuladong akda na nagbabandila ng kanyang di mapupuwing na panata at kapangyarihan sa paglikha.

Bunga nito, sumulat ng sanaysay ang manggagawa ng San Miguel Corporation sa Polo Brewery si Rafael Rivera at sinuri niya ang nakaraang kasaysayan ng bansa at sinabing ang masa ang tagalikha ng kasaysayan. Ang mga organisador ng BAYAN sa Pasay ang mag-asawang Cesar at Olivia Cervantes ay sumulat ng sanaysay, kuwento at tula. Sa kuwentong Mga Huling Yugto sa Buhay ng Burges na Manggagawa ni Olivia, malinaw na naihayag ang lehitimong karaingan ng uring manggagawa laban sa mga kapitalista sa pamamagitan ng mga linyang ito: Ang hinihingi natin ay kapiraso lang sa tonetoneladang tinapay na nalikha natin, barya lang sa milyunmilyong pisong tinubo ng kapitalista upang tayoy may makain Isinatinig din nito ang nararapat gawin ng uring anakpawis: Dapat pa tayong magpalakas. Pag malakas na tayo, pag mulat na ang karamihan sa atin at di na kayang takutin, bilhin o bolahin, tayo na ang mananaig sa pulitika Sumulat naman ng mga tula si Cesar Francisco, trabahador sa Manila Paper Mills, Inc., isinisigaw ang paglaya ng uring anakpawis sa kanyang mga tulang Tambuli ng Kalayaan, Manggagawa, at Ang Nais Kong Gantimpala, at tinuligsa rin niya ang panloloko ng mga pulitiko sa sambayanan sa kanya namang tulang Ang Tanghalan ng Halalan. Tumula rin si Tito Miralles, sekretaryo ng isang unyon, isinigaw rin ang pagnanasa ng uring anakpawis na malagot ang tanikala ng kanilang pagkaalipin sa kanyang mga tulangAnakpawis, Sipag, Tiyaga at Tapang at Demokrasya. Gayundin, isinigaw naman ni Pepito Frias sa kanyang mga tulang Sundot, Kulit Kay Pedro at Malaki na ang Sanggol ang pangangailangang patatagin at patalasin ang isip ng uring manggagawa hindi lamang para sa welgang pangkabuhayan, kundi maging sa welgang pampulitika. Isinulat naman ng isang magsasaka ni Virgilio Buenaflor tagasuri ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK) at pangulo ng Sandigan at Tinig ng Sityo Maligaya (SANTISIMA) ang isang kuwentong mismo niyang karanasan sa maramihang pagpatay ng mga puwersa ng gobyerno sa walang labang mga magsasakang nagsipagmartsa noon sa Mendiola. Inihandog niya ang kuwentong iyon sa alaala ng isa niyang kasama, si Abet Laquindanum , manggagawa sa Filsyn, na isa sa naging mga biktima ng naturang malagim at kasuklamsuklam na insidente. Ikinuwento rin ng isa pang nabibilang sa uring anakpawis ni Abelardo Cruz sa kanyang kathang Ningas ng Apoy kung paanong pinapatay ng puwersa ng estado ang isang nagmamalasakit sa mga karapatan at kapakanan ng maliliit. Isang nobela naman na pang-uring anakpawis na pinagkalooban ng Gawad CCP ang Sibol sa mga Guho ni Jacob ang masusing dumalirot at tumalakay sa mga dahilan ng patuloy na kaapihan at pagkabusabos ng masa, kung saan ang uring anakpawis ay itinulad sa mga sibol na umuusbong, yumayabong at namumunga sa naguguho o nabubulok na lipunan hanggang ang uring ito ay mamulat, magising, magorganisa at, sila, bilang uring anakpawis, ang siya lamang makapagpapalaya sa kanilang sarili. Anupat hanggang umiiral ang inhustisya at pagsasamantala ng naghaharing-uri laban sa nakararaming dayukdok na masa, hanggang nagpapakabundat sa pawis at dugo ng mga manggagawa ang salanggapang na mga kapitalista, hanggang itinatanikala at ipinangungudnguran sa lupa ng mga tusong propiyetaryo at asendero ang kinabukasan ng mga magsasaka, hanggang ipinahihintulot at nagpapakasangkapan pa ang estado sa pagkubabaw ng mapang-alipin at mapandambong na dayuhang mga interes, at hanggang ang

dignidad ng uring anakpawis ay ginagawa lamang pamunas ng puwit at paa sa palasyo ng iilang makapangyarihan, maimpluwensiyat mapribilehiyo, hindi mahahadlangan ng mga multo at puwersa ng reaksiyon ang paglaganap at pagsulong ng literatura ng uring anakpawis tungo sa kanilang pambansang katubusan.#& Saan P ap unta Ang M ga P uto k? November 27, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Dula na sinulat noong rehimen ni dating Presidente Cory Aquino pero makatotohanan pa rin ngayon. Pinalitan lamang ng Gloria ang Cory) MGA TAUHAN ADOR; AIDA; pambansa ALING ESTER; ina nina Ador at Aida, 45 taong gulang, trabahador sa pabrika ng kape, biyuda na buhat nang mapatay sa welga ang asawang dating tsuper sa isang kompanya ng taksi LINO; aktibistang estudyante, 23 taong gulang, kaibigan ni Ador GRACE; nobya ni Ador, aktibistang estudyante rin, 21 taong gulang LT. ABADILLA: isang imbestigador-militar ng AFP SUNDALO 1, 2 at 3: mga tauhan ni Lt. Abadilla ILAN PANG MGA SUNDALO AT MAMAMAYAN TAGPO 1 (Mangyayari ang dula sa kasalukuyang panahon na laganap ang karalitaan, inhustisya, kabulukan at katiwalian sa pamahalaan, pag-abuso sa kapangyarihan, pagpapakasangkapan ng pambansang liderato sa dayuhang mga interes, lalo na sa mga Amerikano, habang patuloy na umiinit at umiigting ang kilusan ng mulat na mga mamamayan sa hanay ng mga estudyante, manggagawat magsasaka, at patuloy din naman ang tumitinding pagsupil ng mga puwersa ng estado sa anumang tunay na makabayan at mapagpalayang pagkilos ng sambayanan kaya dumarami ang basta na lamang hinuhuli, ikinukulong, pinahihirapan o nagiging biktima ng makahayop na pagpatay. Sa pagsisimula ng dula, makikitang sarado pa ang itim na telon ng tanghalan bagaman, sa likod ng telon, mababanaagan ang bahagyang liwanag. Maririnig ang sigawan: PALAYASIN ANG MGA KANO! IMFWORLD BANK, BERDUGO NG SAMBAYANAN! GLORIA, PASISTA, PAHIRAP SA MASA! GLORIA, TUTA! IBAGSAK IBAGSAK! Sa mikropono, maririnig ang isang nangingibabaw na tinig: Mga pasista, putang na nyo! Pabayaan nyo kaming maayos na magpahayag ng tunay na damdamin ng bayan. Ang ipinaglalaban namin ay kapakanan nyo rin bilang mga Pilipino. Ginagamit kayo ng estado hindi lider-estudyante, 22 taong gulang, aktibo sa mga kilusang pambayan kapatid ni Ador, 19 na taong gulang, karaniwang estudyante, walang pakialam sa mga isyung

upang pangalagaan ang mga mamamayan at ipagtanggol ang Konstitusyon.

Ginagamit kayo upang

mapangalagaan nyo ang interes ng mga tunay na kaaway ng bayan: silang iilang nagpapasasa sa kayamanan ng bansa! Silang mga pulitikong nagpapayaman sa tungkulin! Silang nagpapakabundat sa kapangyarihan! Silang iilang nagmamay-ari ng malalawak na lupain kaya iskuwater sa sariling bayan ang maraming maralitang Pilipino! Silang mga suwapang na negosyante! Silang mga mandurugas! Silang iilan ang tunay na mga kaaway ng bayan silang nangangamkam ng ating kinabukasan! Pabayaan nyo kami huwag nyong guluhin ang aming hanay. Hanggang alas singko pa ang aming permiso. Marunong ba kayong tumingin sa relo? Bigla, maririnig ang isang pagsabog. Maririnig ang sigawan at tilian. Susundan iyon ng sunud-sunod na putok ng baril. Lalong lalakas ang tilian at daing ng mga nasaktan, ang ilang hagulhol at iyakan at pagmumura. MGA PUTANG NA NYO KAMI LANG ANG KAYA NYO! MAY ARAW DIN KAYO MGA PUTANG NA NYO! MAY ARAW DIN KAYO MGA PUTANG NA NYO! Biglang tatahimik ang tanghalan. Mayamayay maririnig ang awiting BAYAN KO. Unti-unting bubukas ang telon. Makikita ang isang simpleng sala ng isang karaniwang bahay: may lumang sopang yari sa yantok, may isang mesitang aralan kung saan nakaupo sa harap si Aida, tahimik na nagbabasa ng mga aralin. May isang munting radyong nakapatong sa mesita katabi ng ilang libro, ngunit hindi ito tumutugtog. Mula sa pinto, papunta sa likod ng tanghalan, humahangos na papasok sa sala si Ador, naka-T shirt na puti, may bahid ng natuyong dugo, nakatatak ang pulang mga letra: KUNG HINDI TAYO KIKILOS, SINO ANG KIKILOS? KUNG HINDI NGAYON, KAILAN PA? May plaster ang kaliwang kilay ni Ador. ) AIDA: (magugulat) Anong nangyari sa yo, Kuya? Napaaway ka ba? ADOR; Binatuta kami ng mga pasista, parang mga asong pinagbabaril. Aywan ko kung ilan ang tinamaan sa amin kung ilan ang nasa morge. Ang mga hayop na yon talagang mga hayop! Wala bang naghahanap sa akin? Si Lino, si Grace di ba nagpunta rito? AIDA: (bibitiwan ang binabasang libro) Wala naman wala. Seguro nagdemo na naman kayo, ano? Yan ang nakukuha mo sa kadedemo. Mabutit nabatuta ka lang sa kilay. E kung nabaril kat namatay? Baka pati Nanay, namatay na rin sa atake sa puso. Tigilan mo na nga yan, Kuya. ADOR: (halatang inis) Yan ang hirap sa yo. Kagaya ka ng marami nating kababayan walang iniintindi kundi ang kanilang sarili! Walang pakialam kung ano ang nangyayari sa bayan. Magkaletse-letse man ang bayan, di bale sa kanila, basta kumakain sila nang tatlong beses maghapon kahit tuyot lugaw. AIDA: (mapipikon) Oy, Kuya magsisigaw man ako sa kalye kagaya nyo kahit araw-araw, anong magagawa ko? Sino ako para baguhin ang sinasabi nyong masamang sistema ng lipunan? ADOR: (parang nanlalambot na uupo sa sopang yantok, iiling-iling) Talagang wala na nga yatang pag-asa ang bansang to dahil maraming Pilipino na ang isip ay kagaya ng isip mo isip-lugaw, isip-abo! AIDA: (pasigaw) Oo kayo lang ang matalino! Pero, ano? Panahon pa yata ni Matusalem, demo na kayo nang demo. May nangyari ba? Panay ang sigaw nyo ng ibagsak! Ibagsak! Ibagsak yung sinasabi nyong imperyalismo, piyudalismo at burukrata kapitalismo at kung anu-ano pang ismo. Naintindihan ba kayo?

Pinakinggan ba kayo? Ang hirap nga kayo ang bumabagsak. Panay ang bagsak nyo sa kalye kapag binatuta kayo. Kundi sa ospital at sementeryo, sa kulungan ang bagsak nyo. Yung iba sa inyo, kalimitang bagsak pa sa klase. Ikaw na lang, Kuya ilang taon ka na sa kolehiyo? Dapat tapos ka na noong isang taon pa. Aba, baka maunahan pa kita! ADOR; (tatayo) Di bale nang di ako makatapos kung magiging utak-alipin lang ako. Kayo kayong paeskoeskolar, anong natutuhan nyo? Kaisipang alipin! Kaisipang kolonyal! Kaya mula pa ng panahon ng Kastila hanggang ngayon, alipin tayo ng mga dayuhan sa sarili nating bayan. AIDA; Tigilan mo na nga ako, Kuya. Kahit ano pa ang sabihin mo, wala naman talaga tayong magagawa. Basta ngayon, kailangang may natapos kang kurso. Tingnan mo na lang ang Nanay si Tatay. Parehong walang natapos kaya ano? Si Nanay, hanggang ngayon, walang asenso, trabahador pa rin sa pabrika ng kape. Si Tatay, anong nangyari? Tsuper ng taksi at dahil kagaya mong mahilig makialam sa isyu-isyu.. ayun, napatay sa welga! ADOR; Hwag mo ngang masisi-sisi ang Tatay, Aida! Kung sa inyo lang na paesko-eskolar, mas mabuti pa ang Tatay. Kahit tsuper lang sya ng taksi, mas mulat sya sa inyo. Noong nabubuhay pa sya, noong nagtatayo pa sya ng unyon sa kompanya nila, sa kanya ko unang natutuhan ang kaapihan ng manggagawa sa kamay ng mga kapitalista. Mas naiintindihan pa nga nya noon kaysa sa akin ang mga problema ng bansa. Sayang at namatay agad sya ipinapatay ng mga hayop! (kukuyom ang mga kamao ni Ador, parang gustong isuntok) AIDA; Ayun nga, ipinapatay. Banggain ba naman si Mr. Alvarez. Alam naman nilang bayaw yon ni Congressman Santos. May kapatid pang militar. Major ba yon o Colonel? Sabi nga, tayong mahihirap at api, tayong mga walang koneksyon ay nananalo lamang laban sa makapangyarihan sa mga pelikula ni Fernando Poe? ADOR: (mapapasuntok sa mesita, babagsak ang ilang libro) Ang mga putang na nyon! Parurusahan din sila ng bayan! Dapat sa kanilay ihilera sa pader lahat sila! Lahat ng kagaya nila! Kapag namulat na ang sambayanan, ang mga kagaya nyo, Aida, kapag ganap nang nagkaisa, mananalo rin ang maliliit. AIDA; (tatawa) Nangarap ka na naman, Kuya. Ilusyon yan, Kuya suntok sa buwan. ADOR; Ilusyon sa mga ayaw magising. Suntok sa buwan sa mga ayaw sumuntok. Pero bakit nangyari sa panahon ng Tsaristang Rusya? Nangyari rin sa Tsina. sa Cuba. Mangyayari rin yan dito. Kaunting panahon na lang. AIDA; Kuya, ang mabuti pa, maligo ka na, magpahinga ka na. May test kami bukas at mag-aaral pa ako. (dadamputin ang libro, bubuksan) Kung sisipagin ka naman, tutal nakasaing na ako, maghain ka muna. Baka dumating na ang Nanay. Hwag mong pababayaang walang takip yung mga pritong isda baka maunahan pa tayo ng pusa. ADOR; Mabuti pa nga. Mahirap talagang kausap ang mga tanga ang mga embalsamado ang utak. (Bubulung-bulong na lalakad si Ador papunta sa pinto, lalabas na iiling-iling. Ipagpapatuloy ni Aida ang pagbabasa. Ilang saglit lamang, papasok si Aling Ester, halatang pagod, may pasalubong na isang balot ng

pansit. Ilalapag ang supot ng pansit sa mesita. Simple lamang ang damit nito, nakapaldang maong at karaniwang blusa at may bitbit sa kaliwang kamay na plastic bag. Ilalapag din sa mesita ang bag.) ALING ESTER: O, Aida kumain ka na ba? Ang Kuya Ador mo, nariyan na ba? AIDA: (bibitiwan ang aklat, tatayo at magmamano sa ina) Mano po, Inay. ALING ESTER; Ang Kuya Ador mo kako nariyan na ba? AIDA; Opo, kararating din lang. Baka naliligo pa. ALING ESTER; Salamat naman. Alalang-alala ako dahil kangina, natrapik kami nang husto sa may Liwasang Bonifacio. May demo raw doon at nagkagulo at ilan daw ang napatay. May mga hinuli pa raw. Ay, salamat naman at narito na si Dominador. Tiyak ko, kasama ang Kuya mo doon. Alam mo naman yan. AIDA; Seguro, Inay, makabubuting pagsabihan nyo ang Kuya Ador. Tigilan na ang pagsama-sama sa demo at baka kung mapano pa yan. Kung nag-aaral na lang syang mabuti, mas magaling pa. Dapat nga tapos na sya ngayon at nagtatrabaho na para makatulong naman sa inyo. ALING ESTER; Wala na tayong magagawa sa Kuya Ador mo, Aida. Kuhang-kuha yan sa ugali ng Tatay nyo. (lulungkot ang mukha nang maalaala ang namatay nang asawa) Ang Tatay nyo noon, kahit anong mangyari, paninindigan at ipaglalaban ang paniniwala. AIDA; Kaya naman, ayun ipinapatay. Kung buhay sana sya ngayon, di na sana kayo nahihirapang malimit na mag-obertaym. Kung bakit nakisali-sali pa sya sa unyon-unyon na yon. ALING ESTER; Hwag mong sisihin ang Tatay mo, Aida. Dapat mo pa nga siyang ipagmalaki, ikarangal. Para sa akin, bayani siya, marangal siya. Kung di siya nagtayo ng unyon sa kompanyang iyon ng taksi, malamang na hanggang ngayoy inaabuso pa rin ni Mr. Alvarez ang mga tsuper niya. Gumanda na raw ang palakad ngayon doon, yon bang kooperatiba na. Nagkaroon na ng sariling taksi ang mga tsuper. Tama ang Tatay mo, ang Kuya Ador mo, yung sinasabi nilang tayong maliliit ay dapat mag-organisa, magsama-sama, magkaisa, para di yapak-yapakan ng iilang mayayamat makapangyarihan. AIDA; O, pinakinabangan ba naman ni Itay? Anong nakuha natin? Noong mamatay si Itay, oo, sikat nga siya sa mga manggagawa. Sabi nyoy bayani. Nakipaglibing sa kanya ang mga kilalang lider, gaya ni Beltran at iba pa. Nabigyan tayo ng kaunting abuloy. Iniyakan si Itay. Pero, pagkalibing ano? ALING ESTER; Buhay pa rin ang Tatay nyo, Aida. Buhay pa rin. Para ko siyang nakikitang lagi sa aming pabrika. May nagtatayo rin ng unyon sa amin dahil pinagsasamantalahan din kami ng may-ari. Mataas na ang lahat ng presyo, ayaw pa ring taasan ang sweldo namin kahit malaki ang tinutubo ng pabrika. Pati obertaym namin, kulang ang bayad. Sabi nga noong lider namin, kailangang mag-unyon kami, kailangang lumaban kami. Talagang para siyang Tatay mo, Aida. Talagang buhay ang Tatay mo, Aida, buhay na buhay! AIDA; Ay, naku, Inay baka nagugutom na kayo? Baka ma-in love na naman kayo dahil parang Tatay ko yong lider nyo. Aba, mabibiyuda na naman kayo. (hahawakan ni Aida ang supot ng pansit na uwi ni Aling Ester, bubuksan, sisilipin) Aba pansit! Kumain na muna kayo ni Kuya Ador saka kayo parehong mangarap.

ALING ESTER; (uupo sa sopa, parang saglit na mag-iisip, malungkot) Buhay pa siya buhay pa siya. (halos pabulong) AIDA: (mapapansin ang ina) Ay, naku sabi ko, kumain na muna kayo ni Kuya Ador. Tamang-tama at mainit-init pa tong pansit na uwi nyo. May prito pang isda doon. ALING ESTER; (mapapatayo) Aba ang Kuya Ador mo nga pala? Dominador! Dominador! (Papasok si Ador. Bagong t-shirt na puti na ang suot, naka-short, nakasandalyas de goma, at halatang bagong ligo. Lalapit agad ito sa ina, magmamano. May plaster pa rin ang kaliwang kilay nito. Mapapatitig si Aling Ester sa kilay ni Ador.) ALING ESTER; (hihipuin ang kaliwang kilay ni Ador, iilag si Ador) Tanggalin mo ang plaster, Dominador. Malinis ang sugat at mapahiran kahit gamot na pula. (babalingan si Aida) May gamot na pula pa ba tayo, ha, Aida? Kunin mo yung ginagamit mo kapag nagmamanikyur ka. AIDA; (lalakad papunta sa pinto ngunit biglang titigil) Wala na nga pala, Inay. Ubos na nga pala noon pang sang araw. Kung gusto nyo, bibili muna ako saka tayo kumain. ADOR; Hwag na hwag na. Walang anuman to, Inay. Kapiraso lang naman ang putok. Ang grabe ngay yung katabi ko kangina talagang putok ang ulo. Binatuta talaga nang binatuta at kahit nakahiga na sa lupa, tinadyakan pa ng mga pasista. AIDA; Walang kwenta yan sa Kuya Ador, Inay. Pangkaraniwan na lang po yan sa kanya. Sanay na yang mabukulan o mabali ang tadyang. Di ba noong sang araw, umuwi yan na akala koy di sya dahil magang-maga ang mukha. Di titigil yan. ADOR; (paangil) Ako mukhat katawan ang nabubukulan dahil may ipinaglalaban para sa kapakanan ng sambayanan. Pero ikaw, at mga kagaya nyong walang iniintindi kundi ang kanilang sarili, ano? Nagkakabukol ang utak nyo, nagkakapigsa dahil sa katangahan dahil sa inaamag na mga paniniwala! AIDA; (dadampot ng libro at akmang ibabato kay Ador) Ang hayop na to sobra ka nang mang-insulto! Kala mo kung sino! ALING ESTER: (aawatin ang dalawa) Hoy,,, hoy tama na yan! Mabuti pay magpahinga na kayo. Kumain na tayo. (Iirapan ni Aida si Ador, akmang sasampalin. Iilag si Ador, pandidilatan si Aida. Papagitna sa dalawa si Aling Ester at hihilahin ang mga ito papunta sa pinto. Ngunit sunud-sunod na malalakas na katok sa pinto ang maririnig. Bubuksan ni Ador ang pinto at humahangos na papasok sina Lino at Grace, halatang takot na takot) LINO at GRACE: (halos magkapanabay) Magandang gabi po, Aling Ester. ALING ESTER: Magandang gabi naman sa inyo. Maupo kayo. Naghapunan na ba kayo? LINO at GRACE: (magkakatinginan, saka titingin kay Ador na nakatayo sa tabi ng mesitang aralan ni Aida. Mauupo si Aida sa silyang naroroon) Opo opo. Hwag na kayong mag-abala. ALING ESTER: (ngingiti) Ow, mukhang gutom na gutom kayo. Malimit kang ikuwento sa akin ni Ador, Grace. (mapapatgungo si Aida, tatawa si Ador)Pasasaan bat di miyembro ka na rin ng magulo naming

pamilya. O, siya dyan na muna kayo at aayusin ko ang pagkain nang makapaghapunan tayo bago kayo magkuwentuhan. (Lalabas si Aling Ester, ngunit maiiwan ang pansit na nakapatong sa mesitang aralan. Magkakatinginan sina Ador, Lino, Grace at Aida. Biglang tatayo si Lino, lalapit kay Ador ngunit pasulyap-sulyap kay Aida) AIDA: O, sige mag-usap na kayo. Baka ayaw nyong marinig ko dahil di naman ako myembro ng magigiting. Dyan na kayo at tutulungan ko na lang si Inay sa kusina. (lalabas si Aida, tatayo si Grace at lalapit kina Lino at Ador) LINO: Alam mo na ba ang nangyari ang mga balita? ADOR: Alin? GRACE: Natatakot ako, Ador. LINO: Oo, Ador, parang may mga susunod pa. ADOR: Ano ba kayong dalawa? Para kayong mga asong di mapaihi. Linawin nyo nga ang mga sinasabi nyo! LINO: Alam mo, noong nagkagulo kangina at magkahiwa-hiwalay tayo, tumakbo kami ni Grace papunta sa National Press Club. Yung iba, nagtakbuhan papuntang Quiapo. Sa baba ng Press Club, may

nagkukuwentuhang tila mga reporter. May mga sugatang dinala raw sa ospital. Karamihan daw ay sa PGH. Marami rin daw ang nadampot at isinakay sa trak ng militar. ADOR: O, e ano ang dapat nyong ikatakot? Ligtas nga tayo. GRACE: (parang maiiyak) Masama ang nangyari sa HQ natin, Ador. Katatawag lang namin ni Lino doon si Mely ang sumagot sa telepono, umiiyak. Dinampot daw sina Ave at Edwin, pinagbintangang mga Sparrow. Isinigaw daw noong dalawang nahuli kangina sa demo. Dadalhin din daw sana si Mely, pero sabi nya, nagmakaawa sya at napapaniwala nya ang mga militar na siyay isa lang maid. Nakahinga nga ako nang maluwag nang malaman kong di ka kasama. LINO: Tumawag nga kami doon para malaman kung doon ka nagtuloy. Pagkatapos nga, pilit nang pilit tong si Grace na puntahan ka namin dito. ADOR: O, e bakit nga kayo matatakot? Di naman tayo Sparrow. Di rin naman Sparrow sina Edwin at Ave. LINO: E kung ganoon ngang isinigaw? ADOR: Sino naman yung dalawang kumag na sumigaw? Baka mga kasama din natin na pinitik lang ang bayag ay kung anu-ano na ang ikinanta. LINO: E kung pahirapan din sina Edwin at Ave? Si Ave, alam ko, matibay yon. Pero si Edwin, duda ako. Mababaw ang luha noon. Baka biglang mag-La Paloma. ADOR: Masyado kayong alarmista. Di pa nga natin alam kung totoo yang mga bali-balita. Kung dinampot man sina Ave at Edwin ay baka naman tatanungin lang sila tungkol sa nangyari kangina, di dahil silay pinagbibintangang mga Sparrow. LINO: Pero, Ador, alam mo naman ang mga militar. Pag may napatay sa kanila, sasabihing Sparrow ang pumatay. Pag may nahuli sila, sasabihing Sparrow ang nahuli nila. Di ba noong minsan, nang maghabulan

din sa demo sa Mendiola, yung malas na ice cream vendor na nakitakbo rin dahil sa takot ang nadampot. Ano di ba hanggang ngayoy nakakulong pa? Dahil pinahirapan seguro nang husto, kahit di totooy napilitang umaming siyay Sparrow. GRACE: Ador, talagang mabutiy umalis ka muna. Sa grupo natin, ikaw ang kilalang-kilala. Magtago ka muna hanggang di pa malinaw ang lahat tungkol kina Ave at Edwin. Kung gusto mo, sasamahan kita sa Batangas doon sa lugar ng Tiya ko. Di ka basta matutunton doon. ADOR: Ano ba kayo? Kung magtatago akot di naman ako hinahanap di nagmukha lang akong gago! Ang hirap sa inyo, natatakot kayo sa sarili nyong anino. LINO: Mabuti na rin ang nag-iingat, Ador. Alam mo naman ang hustisya ngayon. ADOR: Hustisya? Meron pa bang hustisya? GRACE: Yon nga, e. Di bale kung anak ka ni Congressman. LINO: O anak-mayaman ka. Malamang na nasa dyaryo ang retrato mo at di ka gagalawin. Pero tayong maliliit, tayong mahihirap, Ador, di tayo tao sa kanila kaya dapat na mag-ingat na lang muna tayo. ADOR: Putang na nila! Tayo lang ang kaya nilang hulihin. Bat di yung mga nagbebenta ng ating kinabukasan? Pero, teka, wala ba tayong mga kasama doon sa mga napatay, doon sa mga dinala sa ospital? LINO: Ewan ewan. Sanay wala. Alam ko, nang magtakbuhan tayo, nang magputukan, malayo ang tropa natin sa sentro ng gulo. Pero, ikaw, bat nadale ka sa kilay? ADOR: Di ba humiwalay ako sa inyo dahil ako sana ang susunod na speaker bago nagputukan? Nandoon ako sa tabi ng monumento ni Bonifacio. Kami ang napuruhan ng mga putang na! (Mapapatingfin si Grace sa mesang aralan kung saan nakalagay ang munting radyo sa tabi ng supot ng pansit at mga libro. Mapapansin ni Grace ang radyo at biglang lalapitan, hahawakan.) GRACE: May radyo pala. Bat di tayo makinig ng balita? Ano ba to de-baterya o de-koryente? ADOR: De-baterya yan. Ilagay mo sa DZRH 666 sa dial. (Bubuksan ni Grace ang radyo, pipihitin ang dial. Sa simulay maririnig ang sari-saring awit at tugtog hanggang sa marinig ang tila boses ni Joe Taruc.) LINO: Dyan nga dyan! Laksan mo, Grace. (Bigla silang matatahimik, matamang pakikinggan ang radyo) Deo Deo. Masama ang signal mo. Umiba ka ng location. Babalikan kita mamaya. Mga kababayan, iyon po si Deo Macalma na maghahatid sa atin ng mga sariwang balita tungkol sa mga kaganapan sa madugong demonstrasyon kangina sa may Liwasang Bonifacio. Ayon po kay Lt. Abadilla nang makapanayam ng reporter nating si Jennifer Postigo, kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang dalawang nahuli nilang naghagis diumano ng molotov bomb sa hanay ng mga pulis at sundalo kung kaya nagkagulo. Ayon sa kanya, mga Sparrow ang dalawang iyon, sina Conrado Torres, alyas Ka Pepe, at Juanito Perez, alyas Ka Lando, ng Alex Boncayao Brigade. May mga kasamahan pa diumano ang dalawa na kasalukuyan ngayong tinutugaygayan ng militar at maaaring mahuli anumang sandali. Deo Deo ayos ka na ba? Come in, Deo! Come in! Hello, Pareng Joe! Hello!

Ok na ang signal mo, Deo. Go ahead, Deo! Go ahead! Ito po si Deo Macalma na naghahatid sa inyo ng mga sariwang kaganapan sa nangyaring demonstrasyon kangina. Narito po ako ngayon sa emergency room ng PGH kung saan naroroon ang mga sinamang-palad na masugatan. Sila poy sina Evelyn Mondragon, estudyante ng FEU, Rico Moran, estudyante ng UP, Cirilo Montanez, estudyante ng PUP, Mauro Mendoza, isang manggagawa, Pedro Ramos, manggagawa rin, at Teresita Bello, isang batang sidewalk vendor. Ang iba pay di pa natin makuha ang mga pangalan, wala pang mga malay at nasa malubhang kalagayan. Deo Deo! Yung mga napatay? Di mo ba nakuha ang mga pangalan? Wala ba dyan sa morge ng PGH? Wala, Pareng Joe. Wala dito. Aalamin ko sa ibang ospital o sa mga funeral parlor. Pansamantala, hanggang dito na lang muna ako, Pareng Joe. Back to you, Pareng Joe. Mga kababayan, iyon po si Deo Macalma. Habang hinihintay natin ang mga sariwang balita mula sa labas, pakinggan muna natin ang awiting HELP ME MAKE IT THROUGH THE NIGHT na inihahandog namin sa mga kababayan nating manggagawa sa Middle East. ADOR: (biglang papatayin ang radyo) Putang na! Mga myembro natin sa LFS sina Conrado at Juanito. Paano magiging Sparrow ang mga yon? LINO: Tiyak, tinortyur ang mga yon! GRACE: Baka isinigaw ka rin, Ador? Magtago ka na muna! Magtago ka! LINO: Senga, Ador. Kung ayaw mo sa Batangas, sasamahan kita sa Kabite, doon sa Alfonso. Marami akong kakilala doon na pwede nating matuluyan. ADOR: Putang na! Bakit nga ako magtatago? Ano ba ang kasalanan ko? Nagdedemo lang tayo para ipahayag ang mga karaingan ng bayan, ng masa! Wala na bang karapatan ang mga mamamayan, ang mga kagaya natin, na magsalita nang totoo? Nasa Konstitusyon ang karapatan nating yan! LINO: Papel lang ang Konstitusyon, Ador, sa panahong ito. May Konstitusyon pa bang kinikilala ang mga pasista? Ikaw na nga ang nagsabi na meron pa bang hustisya ngayon. Malimit mo ring sabihin noon na mas masahol pa sa puta ang mga nagpapatakbo ng ating gobyerno mas marangal pa ang mga puta dahil katawan lang nila ang kanilang ibinibenta dahil sa pangangailangan, dahil sa karalitaan pero sila, ano ang ibinibenta? Ang buong bansa! Ang kinabukasan ng susunod pang henerasyon! ADOR: (parang nag-iisip, tutungo at sasapuhin ang ulo) Ang mga hayop! Ang mga hayop! Pero di ako magtatago. Bakit ako magtatago? GRACE: (parang maiiyak na lalapit kay Ador at halos yakapin ito) Ewan ko, ewan ko, Ador. Talagang kinakabahan ako. Paano kung hulihin ka? Sino, sino ang tatakbuhan namin para tulungan ka? Ang mass media? Kanila rin ang mass media. Mabuti kung bigyan ka man lang ng kahit kapirasong espasyo sa dyaryo at ibalitang hinuli ka. Baka palitawin ka pang NPA at lalo kang idiin. ADOR: Hulihin na nila kung huhulihin! Putang na matatakot na lang ba tayo nang matatakot? Tatakbo nang tatakbo?

{Bigla, magkakagulo sa likod ng tanghalan. May magsisigawan: Raid! Raid! May mga sundalo! May mga pulis! May huhulihin yata! Takbo! Takbo! Mahirap na! Hintakot na papasok sa sala sina Aida at Aling Ester. May hawak pang sandok si Aling Ester, may hawak namang baso si Aida, may lamang tubig.) ALING ESTER: Dominador! Dominador! Mga sundalo raw yung nasa labas.(parang natataranta at hindi malaman kung ilalapag o hindi ang tangang sandok; aagapayanan ito ni Aida, pilit paiinumin mula sa tangang baso) AIDA: Tubig, Inay. Uminom po muna kayo at baka kung mapano pa kayo.(iduduldol ang baso sa bibig ni Aling Ester na iinom ng ilang lagok) ALING ESTER: (bubuntung-hininga) Dominador, baka nga kayo ang hinahanap? Alis muna kayo alis na! Doon kayo dumaan sa may kusina. Dali! Dali! AIDA: Sige na, Kuya. Sige na! Ako na ang bahala kay Inay. (Itutulak palabas nina Aling Ester, Aida, Lino at Grace si Ador, ngunit magpipilit itong maupo sa sopa.) ADOR: Bakit nga ako aalis? Ano ba ang kasalanan ko? (muli, ipagtutulakan nina Lino, Aida, Grace at Aling Ester si Ador) ALING ESTER: (halos patili na) Umalis ka na sabi, Dominador! Umalis ka na! AIDA: Umalis ka na, Kuya! Umalis ka na! Papatayin mo sa nerbiyos ang Inay! (Muling hihilahin nina Grace at Lino si Ador, ngunit magpipilit pa rin itong maupo. Biglang may tatadyak sa pinto. Mabilis na papasok ang tatlong sundalong nakauniporme ng fatigue, nakatutok agad ang mga baril kina Ador.) SUNDALO 1: Ito ang bahay ni Dominador Robles, ano? ALING ESTER: Ito nga po. Ito nga po pero bakit po? SUNDALO 2: (babalingan sina Lino at Ador) Sino sa inyo si Dominador Robles? ADOR: (biglang tatayo) Ako bakit? Anong kailangan nyo? (Bigla itong susunggaban ng Sundalo 3, pipiliting posasan. Magwawala si Ador, sisikmuraan ito ng Sundalo 2 habang nakatutok naman ang baril ng Sundalo 1. Yayakap si Grace kay Ador ngunit tatabigin ito ng Sundalo 2 at mapapasadsad sa sopa si Grace. Yayakap naman si Aling Ester kay Ador at pilit itong hihilahin ng Sundalo 1. Mapoposasan si Ador.) ALING ESTER: (umiiyak na) Bakit nyo hinuhuli ang anak ko? Bakit? Di naman yan kriminal! Di naman yan magnanakaw. SUNDALO 1: Sabi ko nat ang lugar na to ang taguan ng mga Sparrow.(mapapatingin ito sa mesang aralan na kinaroroonan pa ng supot ng pansit, munting radyo at ilang libro; babalingan ang Sundalo 2) Tingnan mo yang mga libro. Baka subversive documents ang mga yan! AIDA: (susunggaban ang mga libro) Mga libro ko to sa eskwela! (pilit na aagawin ng Sundalo 2 ang mga libro kay Aida hanggang mabitiwan ni Aida) SUNDALO 1: Bulatlatin mo baka may nakaipit na mga dokumento. (mabilis na iwawagwag ang libro, ngunit walang makikitang anumang dokumento ang Sundalo 2 at marahas na bibitiwan ang aklat)

SUNDALO 3: (habang nakatutok ang baril sa ulo ni Ador) Yung supot sa mesa ano yon? Baka molotov bomb tingnan nyo! ADOR: Pansit yan lamunin nyo! SUNDALO 1: (sasampalin si Ador) Matapang ka, ha? Talagang matapang kayong mga Sparrow. Marami na nga kayong napapatay sa amin kahit araw na araw! ALING ESTER: (paiyak) Hwag nyong saktan ang anak ko di yan Sparrow!(muli nitong akmang yayakapin si Ador ngunit itutulak ito ng Sundalo 3 at maaalalayan naman ni Lino para hindi mabuwal) ADOR: Mga putang na nyo! Pati ba naman babaiy di nyo iginagalang! SUNDALO 1: (itutulak si Ador) Sige ibaba na yan at isakay sa dyip! ALING ESTER: Saan nyo dadalhin ang anak ko? Maawa kayo sa kanya maawa kayo! Dominador! Dominador! (Hihilahing palabas ng dalawang sundalo si Ador. Magpapalahaw ng iyak si Aling Ester. Umiiyak na rin sina Aida at Grace. Parang natitigilang nakahawak sa braso ni Aling Ester si Lino. Bago tuluyang umalis ang Sundalo 1, tatabigin nito ang supot ng pansit sa mesitang aralan. Babagsak iyon sa sahig, tatadyakan at sisipain ng Sundalo 1, at sasabog ang pansit. Nag-iiyakang pagtitiyagaang likumin iyon nina Aling Ester, Aida at Grace habang nakatingin si Lino. Maririnig ang umaatungal na tunog ng tambutso ng dyip sa likod ng tanghalan. Magdidilim ang tanghalan at isasara ang telon.) TAGPO 2 (Sa muling pagbubukas ng telon, makikita ang isang kuwartong naiilawan ng isang maliwanag na bombilyang nakalawit. May isang malapad na mesa doon, may dalawang karaniwang silya sa harap ng mesa, may bote ng alak at basong nakapatong sa mesa, may isa ring makinilya. Makikita si Ador na nakaupo sa isang silya, nakaposas pa rin, nakayapak na at iyon pa ring dating short at t-shirt ang suot. Mahahalatang may bahid na ng dugo ang t-shirt, gayundin ang labi ni Ador. Makikita rin ang tatlong sundalo kangina. Biglang papasok si Lt. Abadilla, nakauniporme rin ng fatigue. Sasaluduhan siya ng tatlong sundalo.) MGA SUNDALO: Mission accomplished, Sir! LT. ABADILLA: Good good. At ease. (mauupo si Lt. Abadilla sa silyang nasa likod ng mesa paharap sa manonood; magsisindi ito ng sigarilyo, sasalinan ng alak ang baso at lalagok, pagmamasdan ang mukha ni Ador) SUNDALO 1: Matapang, Sir. Ayaw umamin. LT. ABADILLA: (hihithit ng sigarilyo, ibubuga ang usok sa mukha ni Ador) A, yan pala ang sinasabing si Ka Ador. Alisan nyo ng posas. Mukha namang di Sparrow. (lalapit ang Sundalo 3 kay Ador, aalisin ang posas nito) SUNDALO 3: Panay ang mura nyan sa amin kangina, Sir. Kundi ako nakapagpigil kangina, Sir, tinodas ko na sana yan at itinapon sa Pasig River. LT. ABADILLA: (muling iinom ng alak) O, uminom ka muna baka nauuhaw ka? (ilalapit ang baso kay Ador; titingnan lamang ni Ador ang baso) SUNDALO 2: Suplado, Sir. Chivas na ang ipinaiinom mo, Sir, ayaw pa.

LT. ABADILLA: Ka Ador, sinu-sino pa ang mga kasama nyo dito sa Metro Manila? Saan-saan ang hideout nyo? ADOR: Di ako Sparrow at talagang wala akong alam sa mga pinagsasabi nyo. Pipiliin nyo naman ang huhulihin nyo! SUNDALO 1: (dadagukan si Ador sa likod at muntik na itong mahulog sa pagkakaupo sa silya) Bastos, Sir. Hoy, igalang mo ang Sir namin! ADOR: Ang Nanay ko, ang kapatid kong babae iginalang ba ninyo kangina? SUNDALO 2: (tututukan ng baril sa ulo si Ador) Pilosopo pa, Sir. Ipasyal na kaya namin, Sir? LT. ABADILLA: (muling magsasalin ng alak sa baso, lalagok) Ka Ador, sagutin mo na lang ang mga tanong ko di ka sasaktan ng mga yan. Kung ayaw mong sabihin ang iba mo pang kasama, yon na lang lider nyo dito ng Alex Boncayao Brigade. ADOR: Talagang wala akong alam! Ang hirap sa inyo, kaming maliliit, kaming mga walang kasalanan ang kaya nyo lang hulihin. Bakit di yung mga malalaking kriminal sa gobyerno ang hulihin nyo? Nasa Kongreso ang iba, sa BIR, sa Customs, sa Immigration. Mayroon din sa Malakanyang! LT. ABADILLA: (tatayo, lalapitan si Ador, hahawakan sa balikat) Di bale. Kung ayaw mong kumanta, papipirmahin na lang kita ng tula. Madali lang yon pipirmahan mo lang. Tawagin ang typist. (Lalabas ang Sundalo 1 at makaraan ang ilang saglit, muli itong papasok kasama na ang isa pang sundalong nakasibilyan. Hihilahin ng nakasibilyan ang silya, iaayos ang makinilya sa mesa.) SIBILYAN: Umpisahan ko na, Sir. Pangalan lang at address, Sir. (magsusubo ito ng papel sa makinilya) LT. ABADILLA: Dominador Robles yan. Ano ang address mo, Ka Ador?(mukhang galit na titingnan lamang ni Ador si Lt. Abadilla) SUNDALO 2: Tinatanong ka ni Sir hoy, sumagot ka! (akma nitong dadagukan si Ador) ADOR: (pagalit) 124 Interior 1, Anonas St., Sta. Mesa. (Mabilis na magmamakinilya ang sundalong nakasibilyan, bubunutin ang papel sa makinilya at iaabot kay Lt. Abadilla. Dudukot ng ballpen sa kanyang bulsa si Lt. Abadilla, pahapyaw na babasahin ang nakamakinilya sa papel) SIBILYAN: Ayos ba, Sir? LT. ABADILLA: Good good. O, Ka Ador, pirmahan mo na. ADOR: Bakit ko pipirmahan yan? Alam kong puro kasinungalingan yan! LT. ABADILLA: Mukhang tama kayo talagang matigas nga yata. Lalabas lang akot magpapalamig ng ulo. Alam nyo namang masama akong magalit. Kayo na ang bahala dyan. Medya-medya lang. Pero pagbalik ko, kailangang pirmado na yan. (lalabas si Lt. Abadilla at agad na lalapitan ng tatlong sundalo si Ador) SUNDALO 1: (iduduldol ang papel at ballpen kay Ador) O, pirmahan mo na! Masama ang matigas ang ulo baka sumabog yan. ADOR: (tatabigin ang kamay ng sundalo, mabibitiwan nito ang ballpen) Kayo ang pumirma!

(Biglang itatayo ng dalawang sundalo si Ador. Sisikmuraan ito ng Sundalo 1. Mapapaigik si Ador at akmang lalaban, ngunit pigil-pigil siya ng dalawa pang sundalo. Dalawang beses pa siyang sisikmuraan ng Sundalo 1.) SUNDALO 1: Ang hayop na to pahihirapan pa yata tayo! (biglang isasalya ng dalawang sundalo sa silya si Ador, mabubuwal ito at sisipain siya ng Sundalo 1} SUNDALO 2: Pirmahan mo na sabi, e para di na kami mahirapan! (Dadamputin nito ang ballpen sa lapag, kukunin ang papel at iduduldol sa mukha ni Ador. Muling tatabigin ni Ador ang kamay ng sundalo. Bigla siyang tatadyakan sa tagiliran ng Sundalo 1.) SUNDALO 3: Sige sige, iupo nyo sa silya at mapitpit na ang bayag. (Itatayo ng Sundalo 1 at 2 si Ador. Pilit na pauupuin sa silya, sasalat-salatin ang bayag nito.) SUNDALO 1: Aba malaki! Sayang naman at baka di na makaanak. SUNDALO 2: Kung hubaran na lang natin. Tingnan natin. Baka supot pa, e, mabinyagan na rin. Kundi naman, saksakan natin ng may sinding palito ng posporo ang butas, ADOR: Mga putang na nyo! Mga hayop kayo! (Bigla siyang sasampalin nang sunud-sunod ng Sundalo 2. Halos malungayngay ang ulo ni Ador, ngunit nanlilisik siya, kuyom ang mga kamay, parang gustong isuntok) SUNDALO 3: Ang putang nang to! Gusto pa yatang lumaban. Ipasyal nga natin! (papasok si Lt. Abadilla, may dalang isang basong puno ng manilaw-nilaw na likido) LT. ABADILLA: O, ano pinirmahan na ba? SUNDALO 1: Sir, talagang ayaw. LT. ABADILLA: Aba mapipilitan yata akong magalit. Pirmahan mo na, Ka Ador(matalim na tititigan lamang ni Ador si Lt. Abadilla) Sparrow talaga. Matigas, e. Ibuka nyo ang bibig. (Pipigilan ng Sundalo 2 at 3 si Ador. Lalapit si Lt. Abadilla, ibubuhos ang laman ng baso sa bibig ni Ador. Mapapaduwal si Ador na parang masusuka. Magtatawanan ang mga sundalo) SUNDALO 2: O, ano? Di nakatikim ka ng juice ni Sir. SUNDALO 3: Sir, dalhin na kaya natin sa kubeta, mahilamusan at mapatikim naman ng special hamburger sandwich. Baka nagugutom na kasi yan, Sir! LT. ABADILLA: Hwag na pipirma yan. (kukunin ni Lt. Abadilla ang papel at ballpen, iaabot kay Ador; pahablot na aabutin iyon ni Ador, biglang pagpupunit-punitin) ADOR: (pasigaw) Mga putang na nyo! Mga putang na nyo! May araw din kayo! May araw din kayo! Mga demonyong pasista! (Pagtutulungan siyang bugbugin ng mga sundalo. Mahahandusay si Ador sa lapag. May sisipa sa kanya, may tatadyak.) LT. ABADILLA: Tama na! Ipasyal na yan! Ipasyal nyo na! (Itatayo ng mga sundalo si Ador, hihilahin papunta sa pinto. Kahit nanghihina, biglang aagawin ni Ador ang nakasukbit na baril ng isang sundalo.

Biglang isasara ang telon at maririnig ang sunud-sunod na putok. Bigla ring tutugtugin ang PAMBANSANG AWIT ng Pilipinas. Magtatayuan ang mga manonood.)# Li #T alu mp ati November 7, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez TUNGKULIN NG MANUNULAT (Pambungad na pananalita sa Kongreso Nasyonal ng Pambansang Linangan at Ugnayan ng mga Manunulat) TUNGKULIN muna ng manunulat sa kanyang lipunan ang dapat talakayin at linawin. Taglay ang mataos na paniniwalang ang sining ay hindi dapat na para sa sining lamang kundi dapat na makatulong sa paghubog at pagbubuo ng isang lipunang makatao, malaya at progresibo, minabuti namin na ang naturang paksa ang maging kauna-unahang testamento ng aming pakikiisa at pakikisangkot sa anumang adhikaing makabayan at mapagpalaya ng sambayanan. Sinasabing ang manunulat ay mambabatas ng daigdig at direktor ng konsensiya ng bayan kung kaya hindi lamang siya dapat na maging matapat na tagapaglarawan ng buhay, kundi dapat din siyang maging pinakamahigpit na kritiko nito. Ang talikdan niya ang tungkuling ito at, sa halip, maging tagabenta lamang siya o tindero ng mga kasinungalingan at kahangalan sa palengke ng lipunan ay isang napakalaking kasalanan hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa buong sambayanan. Higit sa lahat, kinakailangan ng manunulat na maging matapat sa kanyang sarili, at sa kanyang sinulat, upang mapangatwiranan niyang may karapatan siyang ipabasa sa sambayanan ang kanyang obra tula man iyon, kuwento o nobela, dula man o sanaysay o artikulo at maging balita. Sa nagdaang dalawang dekada ng pasistat diktatoryal na rehimeng Marcos, hindi iilang manunulat lalo na sa larangan ng peryodismo ang waring inurungan ng bayag bagaman, sa isang banda, maikakatwirang sinensor ang kanilang sinulat o walang publisistang maglathala ng mga iyon. Mapatatawad ang manunulat kung totoo ang kadahilanang ito, ngunit kung sinadya niyang sumakay sa ruweda ng panlilinlang at ang totoo lamang sa kanyang sinulat ay ang kanyang pangalan na minsay hindi pa rin totoo makabubuti pa marahil na itinapon niya sa basurahan ang kanyang makinilya at baka napakinabangan pa ng mga magbobotet magbabakal at ang mapagbibilhan ay maibili man lamang ng tinapat galunggong at ilang kilong bigas. Maaaring ituring pa siyang bayani kung pinutol niya ang kanyang mga daliri kaysa maging kasangkapan iyon ng panloloko sa sambayanan ng masusugid na tagapagtaguyod ng bulok at mapambusabos na status quo at ng mga basalyos ng inhustisyat pagsasamantala, ng paninikil at kalupitan, ng pang-aalipin at pagmamalabis sa kapangyarihan. Kung naduwag man siya, makabubuti pa marahil na hindi na siya sumulat at maaaring mapagkamalan lamang siyang tamad o kinakalawang ang utak.

Maging sa kasalukuyan, hindi maitatatwang marami pa ring mga obrang iniluwa ng mga vendo machine at naghambalang sa mga bangketa na diumanoy para sa sining ang puwedeng ihalo sa darak at ipakain sa mga baboy. Naglulunoy pa rin ang mga ito sa kabalbalan at kababalaghan sa swimming pool ng mga Captain Barbel at Darna, ng mga salamangkero at drakula at aswang, o nagpapakalunod kaya sa masabaw at malibog na pag-iibigan habang, sa kabilang banda, nagdudumilat ang malapulmonyang mga sakit ng bayan na hindi na basta-basta magagamot sa pamamagitan ng karaniwang mga tabletas tulad ng decolgen at aspirina. Sa ganitong mga paksang nilalangaw at inuuod sa poso negro ng panitikan, wala kaming masalat ni gahiblang dahilan upang sabihin na ang kinauukulang mga manunulat ay naging matapat na tinig ng budhi ng bayan. Kung tunay ngang tagapaglarawan at tagapagsalita ng kani-kanilang panahon ang mga manunulat gaya halimbawa nina Marcelo del Pilar at Lopez Jaena at Jose Rizal noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, o ng mga Amado V. Hernandez at Lazaro Francisco ng kanila namang panahon ano, kung gayon, ang dapat namang isatinig ng kasalukuyang henerasyon ng mga manunulat? Matagal nang inilalampaso ang bayan sa sariling kalbaryo. Habang mga gulugod-dikya at may kaisipang alipin ang mga namumuno sa gobyerno at parang mga pulgas na ayaw humiwalay sa kolyar ng imperyalismong Amerikano, hindi malayong lumawak ang impiyerno ng mga busabos mulang Tondo at Sapang Palay hanggang sa bawat sulok ng kanayunan habang, sa kabilang banda, sa palasyo ng iilang makapangyarihan, maimpluwensiyat mapribilehiyo, ginagawang pamunas lamang ng puwit at paa ang dignidad ng sambayanan samantalang sa dambuhalang mga pabrikat korporasyon, nilalamon ang ugat at laman ng braso ng mga trabahador, nilalaklak ang dugot binubusabos nang husto at pinasusuweldo nang hindi pa sapat na pambili ng kahit palotsinang kabaong kapag silay namatay; at, sa mga kanayunan naman, ang mga magsasakay parang mga kalabaw lamang na itinatanikala sa lupa, at tulyapis at ilang subong kanin lamang ang gantimpala. Sa kalunsuran, habang parang mga baboy na inuulaol ng mga diyus-diyosan ang kayamanan ng bayan at binubutas ng mga punglo ang mga utak at dibdib ng pagtutol, at pinuputalan ng dila ang laksang tinig ng paghihimagsik, makokonsensiya pa kayang awitin ng kasalukuyang henerasyon ng mga manunulat ang mga buwan at bituin, o magagawa pa kaya niyang makipagsarsuwela sa mga puwersang umaalipin at bumubusabos sa masang sambayanan? Sa kabila ng mga problemang pangkabuhayan at panlipunan mulang doble-karang hustisya hanggang palsipikadot kinakalawang na demokrasya magagawa pa kayang aliwin ng mga manunulat ang sambayanan sa pamamagitan ng pagsasakay sa mga ito sa mga saranggola ng pantasiyat kahangalan upang dalhin sa daigdig ng mga multo at agimat at lunurin pagkatapos sa balon ng mga pangarap?: Sa yugtong ito ng maagiw na kasaysayan ng bansa, ang kasalukuyang henerasyon ng mga manunulat ang unang-unang dapat makahulagpos sa sapot ng pambubusabos sapagkat nasa kanyang pluma at papel ang masot pandayang huhubog hindi lamang sa panitikan at kultura, kundi maging sa ideolohiyang pangkabuhayan at pampulitika. Ang tinig niyay tinig ng sambayanan. Ang dignidad niyay dignidad ng bayan. Sa Mga Manunulat

ikaw, ikaw na kasiping ng pluma ay saan nga ba pupunta? manungaw ka sa bintana ng kaluluwa at butasin ng mga mata ang pader ng pagkaaba. bawat mansiyon at palasyoy silipin ang mga kuwarto at matutong mag-atado ng bitukat mga apdo. ikaw, ikaw na utak manunulat ay dapat mamulat sa mga larawang sa kuwadroy nagsugat isang subong kanin at ulam na hangin ang tinititigan ng matang malungkot sa mesang lansangan ng humpak na pisngit butuhang dalirit pudpod na sapatos palad na naglintos sa pambubusabos. pag iyong nakatas ang pait at dusa ng patak ng ulan sa bubong na pawid, sahig na kawayan, sa langis at grasang sa matay humilam, sa ugat ng brasong kinain ang laman, sa dugong tumigis sa mga lansangan, sa bundok at parang saka malalaman ang siklab at alab ng isang paglayang iyong pupuntahan! Kahab ag- hab ag na Mi gr anten g Man gga ga wa October 22, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) NAKALULUNGKOT at nakasusulak ng dugo ang mga kaapihan at pambubusabos na matagal nang dinaranas ng migranteng manggagawang Pilipino sa Malaysia man o sa Taiwan o sa Japan, sa Singapore man o sa Gitnang Silangan, sa Europa man o sa Amerika o sa Aprika. Ilan na nga ba sa kanila ang biktima ng makahayop na kalupitan ng kanilang mga amo: walang patumanggang binugbog, pinaso ng plantsa, inginudngod sa kubeta, ginutom at ginahasa? Ilan na ba sa kanila ang nakabilanggo ngayon dahil napilitang

ipagtanggol ang sariling karapatan sukdulan ngang makapatay? Ilan na ba sa kanila ang pinutulan ng ulo, binitay o nakatakda nang bitayin? Ilan na ba sa kanila ang umuwing baliw o iniuwing bangkay na lamang? Tingnan na lamang ang detalyadong mga datos ng grupong MIGRANTE kaugnay nito. Nagsimula ito matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano. Naging kolonya tayo ng Amerika at ipinatupad ng gobyerno ang mga patakaran ng malayang kalakalan kaya naging tambakan ang bansa ng sobrang mga produkto ng Estados Unidos at, higit pang masama, dahil sa masidhing pangangailangan ng Amerika sa hilaw na mga materyales, hinuthot nito ang likas na yaman ng bansa na nagpalaganap ng karalitaan hanggang sa kanayunan at tuluyang nagbunsod sa migrasyon ng manggagawang Pilipino. Sa kasaysayan ng pandarayuhan ng manggagawang Pilipino na kilala ngayon bilang OCWs (overseas contract workers) maaaring ang kauna-unahang napatalang migrasyon ng mga ito ay ang pagdating sa Hawaii noong Disyembre 20, 1906 ng grupo ng 15 kalalakihang Ilokano upang magtrabahong parang mga sakada sa plantasyong Olaa. Pagsapit ng 1934, umabot ng 120,000 ang nagkakandakubang manggagawang Pilipinong nagkalat sa mga taniman ng tubo at pinya at iba pang produktong agrikultural sa Hawaii. Karamihan sa kanilay mga magsasakang hindi nakapag-aral mula sa Pangasinan, Cebu at Ilokos kung kaya madaling nalinlang sa mga kontratang kanilang tinanggap, pinasuweldo nang agrabiyado, at napilitang lunukin ang hindi makatarungang mga kondisyon sa paggawa. Pinagtrabaho sila ng 10 oras sa isang araw, 26 na araw sa isang buwan, sinigaw-sigawan at ininsulto ng mga tagapamahalang Haoles mga Amerikanong Caucasian at kapag nagkamali o saglit na nagpahinga, sinasaktan pa minsan ng mga katiwalang Kastila at Portuges. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula ng huling taon ng dekada 40 hanggang dekada 60, libu-libong manggagawang Pilipino ang dumagsa sa mga konstruksiyong militar ng Amerika sa Pasipiko, lalo na sa mga isla ng Guam, Okinawa at Wake, ngunit inagrabiyado rin sa suweldo kung ihahambing sa sahod ng mga manggagawang Amerikano sa parehong trabaho. Dahil bagsak nga ang ekonomiya ng bansa bunga ng kainutilan, katiwalian at makadayuhang patakarang pangkabuhayan ng walang gulugod na pambansang liderato, at lubhang mailap ang oportunidad para sa karaniwang manggagawang Pilipino, nandayuhan na rin sila sa Thailand at Malaysia sa mga huling taon ng 1960. Kahit hindi tiyak ang kasasapitan, nakarating ang iba sa Alemanya, Italya at Pransiya, at iba pang mga bansa sa Europa. Napadpad ang iba sa California at Chicago sa Amerika, sa Ontario at Winnepeg sa Canada, dahil sa pagbabakasakaling matagpuan ang hinahanap na ginto upang maiahon sa gutom at karalitaan ang iniwang nalulungkot at nangungulilang mga pamilya. Nang pairalin pa ang Batas Militar ng diktadurang Marcos noong 1972, lalong humilahod ang pambansang ekonomiya, lalong naghirap ang ordinaryong mga mamamayan, at lalong tumaas ang halaga ng dolyar kontra sa piso kaya lalong tumindi ang migrasyon ng mga manggagawang Pilipino babae man o lalaki at napadpad sila sa ibat ibang lupalop, sa Iraq man o sa Iran, sa Bahrain man o sa Kuwait o sa Dubai sa Gitnang Silangan, sa Angola man o sa Ethiopia at Nigeria sa Aprika, at maging sa Singapore, Hongkong, Taiwan, Japan at Korea sa Asya. Ang iba, kahit salat sa kaalaman at karanasan, ay napilitang sumuot at

maglingkod sa pandaigdig na industriya ng pagbabarko, naglayag saanmang sulok ng mundo taglay ang mumunting mga pangarap na malimit namang nilalamon lamang ng dambuhalang mga alon sa malawak na karagatan. Sa kasalukuyan nga, milyun-milyon na silang parang mga layak na nakakalat sa ibat ibang mga lupain at kayakap nila ang pangungulilat kalungkutan, biktima ng inhustisyat kaalipinan, ng karahasan at kamatayan, sa kanilang mahabat marawal at nakahahabag na kasaysayan. Tiniis nila ang nakapapasong init sa mga konstruksiyon at minahan ng langis sa disyerto ng Saudi Arabia; tiniis nila ang makadurogbutong lamig sa pabrika ng salmon at sardinas sa Alaska; tiniis nila lalo na ng mga kababaihan ang pagmamalupit ng kanilang amo ang suntok, sipat tadyak, bugbog at panggagahasa sa Singapore, Hongkong at mga bansang Arabo; tiniis nilang magsayaw nang hubot hubad, mabulid sa prostitusyon, laspagin at babuyin sa mga bahay-aliwan sa Japan; tiniis nila ang malarya at iba pang nakamamatay na sakit sa mga minahan sa Aprika ngunit, higit sa lahat, tiniis nila ang nakapanlulumong kalungkutan dahil sa matinding pangungulila sa iniwang mga mahal sa buhay. Bagaman nasusuhayan nga nila ang bumabagsak na pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng bilyunbilyong dolyar na ipinadadala nila taun-taon sa bansa, nakapaghihimagsik na hindi naman sila ganap na pinangangalagaan o tinutulungan ng sariling gobyerno hinggil sa mga problemang kaugnay ng kanilang mga trabaho sa ibat ibang banyagang lupaing kinaroroonan nila ngayon. Patuloy lamang silang binobola o inuutong mga bagong bayani ngunit wala namang kongkretot makabuluhang mga programa ang pambansang liderato upang silay maalalayan at sagipin sa kumunoy na kanilang kinasadlakan. Dahil sa kontra-manggagawa at makadayuhang mga patakarang pangkabuhayan ng umiiral o naghaharing rehimen, inaasahan pa ngang lalong titindi ang pandaruhayan ng manggagawang Pilipino kahit hitik na ang kasaysayan nito ng inhustisyat kalupitan at kaalipinan. Hanggang inutil ang gobyernong mabigyan ng sapat na oportunidad ang kanyang mga mamamayan desenteng trabaho, makatarungang sahod, kaukulang mga benepisyo sa paggawa tungo sa maluwag o komportableng buhay patuloy at patuloy na ipapadpad ng hangin ng karalitaan at kakalat na parang mga layak sa ibat ibang panig ng mundo ang manggagawang Pilipino. At. di nga kasi, patuloy at patuloy ding mararagdagan ang mahaba nang listahan ng mga inabusot ginahasa, ng mga pinatay at nagpakamatay, ng mga ikinulong, pinahirapan at binitay, ng mga umuwing baliw o bangkay na lamang, hanggang hindi maabot ng kurtadong utak ng estado ang tungkulin nitong lubos na pagmalasakitan, pangalagaan at ipagtanggol ang interes ng uring manggagawang Pilipino narito man o nasaan mang panig ng mundo. Marami nga sa kanila lalaki man o babae ang umalis ng bansa nang luhaan o humahagulhol hanggang sa loob ng eroplano at, kung hindi man bumalik na bangkay na lamang, umuuwi namang bigot halos masiraan ng bait, durog ang mga pangarap at pira-piraso ang kinabukasan dahil sa mapait at malagim na karanasan sa banyagang lupang pinuntahan sa paghahanap ng kahit kapirasong langit para sa mga mahal sa buhay. Kahabag-habag na uring manggagawa!

Kab iso teng Ed ukas yo n October 12, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) ISANG MALAKING kahangalan, kundi man ganap na katontonhan, ang iginigiit noon pa mang 2003 ng Kagawaran ng Edukasyon na wikang Ingles ang gawing pangunahing wikang panturo sa elementarya pa lamang bilang pag-alinsunod sa balintunang patakaran ng rehimen ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Naalaala tuloy namin ang isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga Suliranin ng Isang Guro). Sa nasabing kabanata, sa wikang Kastila tinuturuan ang mga bata gayong hindi pa naman sila nakakaintindi ng wikang iyon. Dahil hindi nila nauunawaan, minimemorya at hindi maipaliwanag ng mga bata ang kanilang aralin. Ganito rin nga ang karaniwang nangyayari ngayon sa mga estudyante sa hayskul, kolehiyo at unibersidad sa bansa na dahil sa Ingles nagsipag-aral, at salat sa kakayahan sa banyagang wikang ito, mabilis na nakakalimutan ang sinaulong mga leksiyon kaya nagsisipagtapos na kabisote. Kaugnay nito, isang sulat noong nabubuhay pa si Dr. Nemesio E. Prudente, nakilalang makabayan, makatao, progresibong intelektuwal at edukador, at naging Presidente ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ang tinanggap namin mula sa kanya. Ayon sa kanya, ang iginigiit na wikang Ingles agad ang gamiting wikang panturo sa elementarya pa lamang ay sapilitan at pulitikal, hindi nakabatay sa pananaliksik, sa siyensiya ng pagtuturo, at sa mga prinsipyong sikolohikal. Niliwanag at binigyang-diin ni Dr. Prudente ang pagtutol niya sa nabanggit na patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng rehimen ni La Gloria. Dahil wikang Ingles nga ang ginagamit na panturo sa elementarya pa lamang, napakaliit na porsiyento tuloy ng mga nagsipagtapos sa Grade VIang pumapasa sa pambansang pagsusulit para matanggap sa mataas na paaralan. Kinailangan tuloy ipanukala ng diumanoy henyong mga opisyal ng naturang kagawaran ang napakakontrobersiyal na bridge program na tandisan nang tinututulan hindi lamang ng mga estudyante kundi maging ng mga guro sa pampublikong mga paaralan. Unang-una, sa punto ni Dr. Prudente, repleksiyon ng mababang kalidad ng pamumuhay sa bansa ang sistema ng edukasyon, gayundin ng kolonyal na mentalidad, kainutilan at katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno at ng burukrasya. Natural, kapos ang badyet para sa edukasyon na niwawaldas pa ngat kinukurakot ng mga kinauukulan kaya kulang na kulang din sa mga paaralan, mga pasilidad, at may sapat na kakayahang mga guro. Bukod dito. binigyang-diin niya, isa sa pinakamalaking problema nga ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa elementarya. Pinipilit ng mga may kaisipang kolonyal na matuto ng pagbasa, matematika at siyensiya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Ingles, isang dayuhang wikang nagsisimula pa lamang nilang pag-aralan.

Batay sa mga pagsusuri sa Amerika at Canada, sabi niya, lima hanggang pitong taong ipinaiilalim sa mga programa sa pag-aaral ng wika ang mga estudyante bago maabot ang kahusayang pang-akademiko. Tinututulan tuloy ng progresibong mga edukador doon na ipailalim sa gayong programa sa loob lamang ng tatlong taon ang migrante o dayuhang mga estudyante bago pahintulutang isabak sa ibat ibang asignatura. Dahil tatlong taon nga lamang, at hindi pa ganap na humuhusay sa banyagang wikang Ingles, sarisari ang nagiging problema ng dayuhang mga estudyante pangwika man o pangkultura. Isang malaking kabobohan, samakatuwid, ng mga oplsyal ng edukasyon, binigyang-diin niya, na gamitin ang Ingles na wikang panturo agad sa mga mag-aaral sa elementarya na tinuturuan pa lamang ng Ingles bilang ikalawang wika o ikatlong wika sa mga rehiyong di-Tagalog. Sa naturang antas, dapat na wikang Filipino ang gamitin kaagapay ang katutubong diyalekto bagaman, ayon nga sa kanya, mulang Grade

I hanggang Grade VI, dapat ding ituro bilang isang asignatura (subject) ang Ingles tulad din ng wikang Filipino. Kaya, sa nabanggit na mga grado, sa Filipino dapat ituro ang siyensiya at matematika na maaaring salitan ng katutubong diyalekto sa mga rehiyong di-Tagalog. Sa hayskul na simulan, sabi niya, ang paggamit sa Ingles bilang wikang panturo (medium of instruction). Hindi ito nangangahulugang kakaligtaan na ang Ingles, ayon pa rin sa kanya, kaya nga dapat na isa itong asignatura sa lahat ng antas ng pag-aaral mulang elementarya hanggang kolehiyo. Inihalimbawa ni Dr. Prudente ang sistema edukasyonal ng Japan, China at Korea na sariling wika ang ginagamit na panturo sa lahat ng asignatura kabilang ang matematika at siyensiya at, bunga nito, tauntaon, laging nangunguna sa Silangan at Timogsilangang Asya sa mga pagsusulit ang kanilang mga estudyante at nangungulelat ang mga tinuruan agad sa Ingles gaya ng ating mga estudyante. Katunayan, binigyang-diin niya, sa nasabing mga bansa, lumikha pa sila ng mga calculator at computer na nasa sarili nilang wika bagaman ginagamit din sa kolehiyo ang nasa wikang Ingles. Hinahamon niya tuloy, noon pa man, ang mga opisyal ng gobyerno at mga edukador na may kolonyal na mentalidad na magbago ng mga patakaran at paninindigan at huwag igiit na Ingles ang gamiting wikang panturo agad sa elementarya, lalo na nga sa siyensiya at matematika. Ayon sa kanya, dapat na magtayo ang Kagawaran ng Edukasyon sa ilang piling lugar sa bansa ng tinatawag na pilot schools na wikang Filipino katulong ang katutubong mga diyalekto ang gagamiting panturo sa mga mag-aaral sa elementarya, lalo nat sa nabanggit na dalawang araling akademiko. Batay sa kanyang pagsusuri, tinitiyak niyang magiging mahusay ang resulta nito sa kabuuan. Habang nasa kani-kanilang sariling wika ang edukasyon ng halos lahat ng bansa sa mundo Kastila sa Amerika Latina, Pranses sa Pransiya, Ruso sa Rusya, Nippon-Go sa Japan, Fookien at Mandarin sa Tsina, Bahasa Indonesia sa Indonesia, Aleman sa Alemanya, at marami pang halimbawang mababanggit bukod tangi ngang nasa banyagang wikang Ingles ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Nagkaroon tuloy ng nakasusukang pakahulugan ang mga elitistat may kolonyal na kaisipan na hindi edukado at bobo ang sinumang hindi marunong o mahina sa Ingles at nasisiraan na ng ulo. ayon noon sa isang Max Soliven sa

isang kolum niya sa Manila Times (Pilipino In, English Out: Are We That Nutty?) kapag niyakap natin ang sariling wika at pinabayaan ang Ingles. Ano nga ba ang narating ng edukasyon sa bansang ito sa pamamagitan ng wikang Ingles? Lumilitaw ngang pababa nang pababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Nang suriin ang uri ng mga kolehiyo at unibersidad sa Asya, hindi pa napabilang sa unang 40 ang pangunahing mga pamantasan sa bansa tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Ateneo University, De La Salle at Unibersidad ng Santo Tomas. Higit na masama, maliwanag na bangkarote ang kasalukuyang edukasyon sapagkat kinopya nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano kaya, sa kabilang banda, hindi naman nito matugunan ang pambansang mga pangangailangan at problema para pasukin ang daan ng kaunlaran tungo sa kinakailangang industriyalisasyon. Kung susumahin, ayon kay Dr. Prudente, ang problemay nasa sistema at balangkas: elitista, kolonyal, maka-kapitalista, maka-pribadong mga paaralan. Binigyang-diin pa niya na sa dispalinghadong mga patakaran ng gobyerno, hindi na katakatakang talagang ayaw nilang paunlarin ang kalidad ng pamumuhay ng masang sambayanan kabilang na ang pagkakaloob ng de kalidad na edukasyon. Pinaglalaruan lamang nila ang mga maralita at iliterado, pinaaasa lamang kung eleksiyon at, pagkatapos, kalilimutan na. Ayon tuloy sa kanya, sa ilalim ng kasalukuyang sistema at pababa nang pababa pa nga ang kalidad ng edukasyon halos wala nang pag-asa ang masang makaahon sa kinalulublubang burak, nananatiling nagdaralita, habang namamayagpag sa kayamanan at glorya ang mayayaman. Dahil nga sa makadayuhang mga patakarang pang-edukasyon bukod sa iba pang larangan na idinidikdik ng gobyerno, lumilinaw tuloy ang idinidikta noon pa man ng IMF-World Bank at ng mga instrumento ng imperyalismong Amerikano na isapribado ang mga paaralang pampubliko, lalo na ang mga SUC (State Universities and Colleges) sa bansa ngayon upang mapasok ng salanggapang na mga kapitalistang nakabalatkayong edukador na matagal nang nagsisipaglaway sa negosyong edukasyon. Katunayan, napasok na ng kilalang malalaking negosyante ang larangang ito: kontrolado na ni Lucio Tan ang UE (University of the East), ni Emilio Sy ang CEU (Centro Escolar University), ni Alfonso Yuchengco ang MIT (Mapua Institute of Technology), at ni Henry Sy ang Asia-Pacific College. Bukod sa mga nabanggit, puspusan din ang pagsisikap ng ordeng relihiyoso lalo na mula sa kampo ng Simbahan sa pagtatayo at pagpapalawak ng kani-kanilang mga paaralang sagad hanggang langit ang matrikula sa lahat ng antas ng edukasyon. Mulang kindergarten hanggang kolehiyo, sabi nga, walang karapatang mag-aral doon ang anak ng isang Juanang Basa at Pedrong Tigas (ibig sabihin ang mga anakanak ng karaniwang mga manggagawa, magsasakat mangingisda o nabibilang sa hukbo ng mga walangwala). Dahil sa ganitong kalakaran, batay sa obserbasyon noon ni Dr. Prudente, hindi nga malayong magsara at isapribado sa malapit na hinaharap ang maraming paaralang pinatatakbo ng gobyerno sa kapinsalaan, higit sa lahat, ng maralitang mga mamamayang walang kakayahang pag-aralin sa mandurugas na pribadong mga paaralang pag-aari ng mga santo-santito at diyus-diyosan sa lipunan. Sapagkat balintunat makadayuhan

pa nga ang mga patakaran ng gobyerno hindi lamang sa larangan ng edukasyon, kundi maging sa iba pang larangan, lubhang napapanahong sama-samang kumilos, sabi ni Dr. Prudente, ang lahat ng makabayan, progresibo at demokratikong mga puwersang nagmamalasakit sa pampublikong edukasyon para sa kapakanan ng masang sambayanan. Sa punto niya, kinakailangang pagtuunan ng pansin at malalim na suriin ang kasalukuyan at hinaharap pang mga problema ng pambayang edukasyon. Maaaring gawing makabuluhang gabay ang nakaraang kasaysayan nito na hitik ng kapabayaan dahil na rin sa mga elitista at may diwang kolonyal na lantarang kumukontrol sa sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa. Sa kabuuan, at sa alinmang punto tingnan at suriin, lubhang napapanahon na ngang baligtarin naman ang sistema ang wikang Filipino naman ang gawing wikang panturo sa halos lahat ng asignatura tulad nang ginawa, at patuloy na ginagawa, ng mauunlad na mga bansang nagmamahal sa sarili nilang wika at kultura. Maliwanag, patuloy lamang ibinubulid ng umiiral na elitista at kolonyal na edukasyon ang bansa sa kumunoy ng kamangmangan at kaatrasaduhan. Panahon na ngang buwagin ito at igiit ang isang edukasyong makabayan, makatao, mapagpalaya at siyentipiko. # (Kolum)

Si Anto October 1, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Isinalin sa wikang Ingles at inilathala sa TENGGARA-MALAYSIA at iniantolohiya nang malaon sa Stories From Southeast Asia bilang isa sa pinakamahuhusay na kuwento sa loob ng 30 taon sa naturang rehiyon, ayon kay Muhammad Haji Salleh, editor ng nasabing antolohiya.)

SI ANTO NAKILALA ko si Anto sa isang panahon ng paglalagalag. Iyon ay isang panahong ang kaluluwa koy nilalagnat, nagdedeliryot nag-aapuhap ng mga bituin habang patuloy akong tinutugis ng karalitaang hindi ko matakasan. Naglalagablab na mga dambuhalang kalansay ang tingin ko noon sa mga gusali ng lungsod at nanlilisik ang mga neon lights; mga nitso ang mga bangketa, mga kabaong ang mga eskinita, naghuhumindig na kandila ang bawat poste, at prusisyon ng mga robot at plastik ang nasasalubong ko sa bawat panulukan at lansangan. Iyon ay isang panahong labis kong pinaghihimagsikan ang kawalanghiyaan ng buhay sa siyudad at ni hindi ko na makilala kung sino ang kaaway at kung sino ang kaibigan at, sa bawat gabi, sa aking pag-iisa sa inuupahan kong marumit makipot na kuwarto ng nakaluhod na entresuwelo sa gilid ng nangangalingasaw na estero, ang nakikita ko sa tagpitagping dingding ay isang matahimik na kapaligirang matagal ko nang pinangungulilahan, at patuloy akong kinakawayan ng mga punong niyog, binubulungan ng mga talahib, at inaawitan ng mga alon.

Bitbit ang aking makinilya at isang maletang damit, naisipan kong magtungo, isang mahalumigmig na madaling-araw, sa isang liblib na lugar sa Batangas na hindi abot ng atungal ng mga tambutso at ng alimura ng kuwarta at ng tinatawag na makabagong sibilisasyon. Nakipanuluyan ako sa isang kamag-anak ng pamilya, sa isang karaniwang bahay na pawid sa tabing dagat na niyugan ang paligid. At nadama ko, sa gayon palang matapat na kapaligiran, sa piling ng mga karaniwang taong walang pagpapanggap, mahalimuyak maging ang karalitaan. Doon ko nakilala si Anto, isang dapithapong umiinom kami ng tuba ng pinsan kong si Mando sa nakatiwangwang na bangka sa pasigan. Malagihay na ako nang mapansin ko ang isang matipunong binatilyong sunog ang balat sa araw na dumaong malapit sa amin. Parang walang anumang hinila niya ang kanyang bangka, iniahon sa tubig at sa loob ng pasan-pasan niyang lambat, nagkislut-kislot ang huli niyang mga isda na marami-rami rin sa tingin ko at baka umapaw sa isang timba kung isasalin. Alay marami ka yatang huli ngayon, Anto? bati ng pinsan kong si Mando. Alay katamtaman lamang, malumanay na sagot ni Anto sabay lapag ng lambat sa tabi namin. Kumuha ito ng ilang isda at inilagay sa loob ng inuupuan naming bangka. Pamulutan man lamang ninyo. Lumulundag-lundag pa ang mga isda. Uminom ka muna, bigan, alok ko at pinuno ko ng tuba ang tangan kong baso at akma ko iyong iaabot sa kanya. Tinitigan ako ni Anto at napansin ko ang malalaking matang iyon na waring laging nagtatanong, nanunuri, na parang ibinagay sa medyo sarat niyang ilong at maluwang na bibig na nanatiling nakalapat. Pinsan ko yan, Anto, sabi ni Mando. Si Manong Roger nagbabakasyon dito. Saka lamang binawi ni Anto ang pagkakatitig sa akin. Di ako bumabarik, Manong, halos pabulong nitong sabi. Sigarilyo, muli kong alok. Alay di rin ako naninigarilyo, Manong. Alay walang bisyo yan kundi mangisda at magtanim, pakli ni Mando. Napatawa ako. Ni hindi man lamang ngumiti si Anto. Dinampot nito ang lambat, pinasan, sinulyapan kami, at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko siya naiwasang sundan ng tanaw hanggang sa ikubli siya ng makapal na niyugan sa di kalayuan. Doon lang nakatira si Anto sa kabila ng niyugan, parang nahulaan ni Mando ang iniisip ko. Alay nagiisa na siya, Manong. Tumungga ako ng tuba at naglaro ang mga mata ko sa kalawakan ng dagat na mapayapang-mapayapa ngayon at parang isang dibdib na hindi humihinga. Nagulat pa ako nang kumislot sa loob ng bangka sa tabi ng paa ko ang isa sa mga isdang iniwan ni Anto. Ang mabuti pa, Manong, sabi ni Mando, ay iuuwi ko muna ang mga yan, maiihaw at nang mapulutan na natin.

Hindi ako umimik. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, kangina, sa saglit na sandaling iyon, nang titigan ako ni Anto, parang may nakita akong kung anong kahiwagaan sa likod ng malalaking mga matang iyon at sa pagkakalapat ng maluwang na bibig na waring may gustong sabihin at isigaw. Hindi ko namalayan ang pag-alis ni Mando at mapupulang latay na lamang ang sikat ng araw sa kalawakan nang magbalik ito. Nakabalot sa dahon ng saging ang inihaw na mga isda, mainit na mainit pa, mamangu-mango, at naisip kong sa probinsiya nga pala ay talagang sariwa ang mga isda, gayundin ang mga tao, di gaya sa siyudad na bilasa ang lahat pati na mga kaisipan at pangarap. Manamis-namis ang mga isda at sanay nakapagpasalamat man lamang ako kay Anto, naisaloob ko. Sabi moy nag-iisa na siya? parang wala sa sariling bigla kong naitanong kay Mando. Sinong siya, Manong? Napatigil sa paglagok ng tuba si Mando. Si Anto. Ay, oo, Manong. Ang mga magulang niya? Muling lumagok ng tuba si Mando. Ay, Manong, masaklap ang nangyari sa pamilya nila. Ay, putang ina, talagang masaklap, Manong. Anong masaklap? Nagsindi ako ng sigarilyo. Nakikita mo ga ang niyugang yon? at itinuro ni Mando ang karatig na niyugang dinaanan kangina ni Anto. Dati, Manong, kanila yon. Alay may kagandahan din ang bahay nila noon doon, at muling itinuro ni Mando ang niyugan na nakukumutan na ngayon ng manipis na karimlan. E, nasaan ngayon ang bahay? Dumahak si Mando. Alay di giniba na ng bagong may-ari. Alam mo ga, Manong, patuloy ni Mando, nagisnan ko nang sa ama ni Anto ang niyugang iyon. Ano gat isang araw, mga sampung taon na siguro noon si Anto, may dumating dito na taga-bayan, nakakotse pa, at pinaaalis doon sina Anto. Kanya raw ang lupang yon. Alay di nagalit si Ka Basilio, yong ama ni Anto. Kumuha ng gulok. Ay, putang ina, Manong kung hindi agad nakatakbo at nakasakay sa kotse yong taga-bayan, malamang na naundayan ng taga ni Ka Basilio. Pagkatapos? Sinaid ko ang tubang laman ng aking baso. Ay ano pa ga? patuloy ni Mando. Alay di nagdemandahan. Natalo si Ka Basilio dahil wala raw titulo. Mga ilang araw, muling dumating dito yong taga-bayan, may kasama pang mga pulis. Tinaningan sina Anto para umalis doon. Ay, Manong, nag-iiyak si Ka Benita, yong ina ni Anto, at sa sama ng loob ay biglang inatake sa puso namatay noon din. Alay pagkalibing naman ni Ka Benita, muling lumagok ng tuba si Mando, ay dumating isang araw yong mga tauhan ng taga-bayan, may kasama na namang mga pulis, at gigibain na yong bahay nina Anto. Alay di sa galit ni Ka Basilio ay binunot ang kanyang gulok. Ay, Manong, nanghabol ng taga. Bago siya nabaril ng mga pulis ay dalawa ang napatay niya. Yong isa, Manong, sanay nakita mo, parang nanghihinayang na patuloy ni Mando. Ay, Manong, laslas ito! sabay turo sa kanyang tiyan. Inurakan nang inurakan alay luwa ang bituka at yong isa naman, alay muntik

nang matanggal ang ulo. Di mapuknat-puknat ng mga pulis si Anto sa pagkakayakap sa bangkay ni Ka Basilio at hinimatay yong kapatid niyang dalaga, si Juliana. Ay, Manong, alay magandang dalaga yong si Juliana. Kursunada ko pa nga sana, napabuntong-hininga si Mando. Sinunud-sunod ko ang pag-inom. Parang wala nang lasa ang tuba. E, si Juliana? Ay, putang ina masaklap din ang nangyari, Manong, parang maiiyak si Mando. Ano gat nanilbihan siya sa bayan, sa bahay ng isang mayaman, yon gang magandang bahay malapit sa munisipyo. Alay isang araw natagpuan siyang nakabitin sa silid nagbigti raw. Ay, putang ina, Manong, aywan ko ga sabiy ginahasa raw ng anak na binata noong kanyang amo. Mabuti na lang si Anto, kinupkop ni Ka Masyong yon gang inuuwian niya ngayon. Ay, Manong, talagang naguguluhan ako sa nangyari sa pamilyang yan. Alay putang ina, yan gay kalooban ng Diyos, Manong? Matagal akong napatitig sa kawalan. Hindi na manamis-namis ang isdang iniwan ni Anto. Hindi ko na makain. Nang gabing iyon, nakapako sa aking balintataw ang malalaking mata ni Anto at kahit masakit ang aking ulo, kinuha ko ang aking makinilya at sa tulong ng aandap-andap na ningas ng gasera, nakasulat ako ng dalawang linya. Ikaw ang mga mata ng budhi ko Ikaw ang bibig ng mga layunin ko. MULA noon, lagi ko nang inaabang-abangan ang pagdaong ng bangka ni Anto sa dalampasigan at tuwing daratnan niya ang pag-iinuman namin ni Mando sa nakatiwangwang na bangkang iyon, parang naging ugali na niya na bigyan kami ng ilang isda, at naging ugali ko naman ang magpasalamat. Manaka-naka, binibiro ko siya, sinasabi kong sa kanila na ako uuwi upang maging lubos na ang kanyang kagandahang-loob sa akin. Minsay tinudyo ko pa siyang baka siya tumandang binata kung pangingisda at pagtatanim ang lagi niyang inaatupag sapagkat, ayon kay Mando, hindi man lamang daw nanliligaw si Anto, hindi pinapansin at lalong hindi kinakausap ang mga kadalagahan sa lugar na iyon. Sa kabila ng mga pagbibiro kong iyon, kahit minsay hindi napatawa, ni ngumiti man lamang si Anto. Isang hapon, nang magpunta sa bayan si Mando at maghatid ng mga gulay at niyog doon, uminom din ako, kahit nag-iisa, sa tabing dagat. Maagang dumaong si Anto sapagkat maalon ang dagat, waring may nagbabantang sigwa. Luminga-linga ito nang mapansing akoy nag-iisa ngunit hindi siya nag-atubiling lumapit sa akin upang bigyan ako ng ilang isda. Huwag na lang, Anto, tanggi ko. Walang mag-iihaw niyan ngayon. Nasa bayan si Mando. Hindi umimik si Anto. Ibinalik nito sa lambat ang mga isdang ibibigay sa akin. Kumislut-kislot ang mga isda pagsayad sa lambat, waring tuwang-tuwa at hindi ko sila mapupulutan. Walang paalam na umalis si Anto at inisip kong baka ipinaghinanakit niya ang hindi ko pagtanggap sa ibinibigay niya.

Dumidilim ang kalawakan at nag-iipun-ipon ang maiitim na ulap. Ang utak koy unti-unti nang pinamamanhid ng tuba nang gulantangin ako, sa likuran ko, ng malumanay at malamig na tinig na iyon na waring sumasanib sa ihip ng hangin at hindi kayang lupigin ng ragasa ng mga alon. O, Manong pamulutan mo. Nasa tabi ko na si Anto. Nakakahiya sa iyo, sabi ko. Ikaw pa ang nag-ihaw ng mga iyan. Tinitigan lamang ako ni Anto at naupo ito sa gilid ng bangka, sumulyap sa karagatan at tumingala sa kalawakan. Alay uulan, Manong. Malakas na ulan yan, Manong, parang wala sa sariling sabi niya. Kumurot ako ng isda. Tumatalab ang init sa mga daliri at dila ko. Masarap ka palang mag-ihaw, Anto. Tumingin siya sa akin na waring sinasalamin sa mga mata ko kung totoo sa loob ko ang sinabi ko, at napansin ko sa malalaking matang iyon ang bahagyang kasiyahan. Waring ngayon lamang siya nakarinig ng papuri, ng pagpapahalaga sa nagawa niya. Alay pagpasensiyahan mo na yan, Manong. Iilan kasi ang huli ko kangina, parang nahihiya ngunit masiglang sabi ni Anto. Aba suwerte ko pa nga ito, pakli ko. Alam mo ba, Anto, sa Maynila, laging galunggong ang kinakain ko, saka tuyo o bilasang bangos kung minsan. Ang pulutan namin doon ay sipol kung may kaunting pera ay inihaw na mabahong tuyong pusit na parang kuwero ng sapatos. Parang hindi makapaniwala si Anto sa kanyang narinig, lalo na sa isang gaya kong alam niyang galing sa balitang marangyang lungsod. Akma akong dudukot ng sigarilyo sa kaha ngunit wala na palang laman, at napansin niya iyon. Alay ako na ang bibili, Manong, at tumayo ito sa pagkakaupo sa gilid ng bangka. Hindi na bale, Anto. Pagdating ni Mando galing sa bayan, tiyak na may uwi iyong sigarilyo. Ay, gagabihin yon, Manong, kapag inabot ng ulan. Alay wala ka nang mahihithit, parang nag-aalaala niyang sabi. Nakakatiis nga akong di manigarilyo kahit ilang araw, paliwanag ko. Alam kong malayo ang tindahan, mga kalahating kilometro siguro mula kina Mando at, isa pa, wala akong pera sa bulsa. Hindi na nagpumilit si Anto. Muli itong tumingin sa kalawakan ng dagat na ngayoy marahas, dumadagundong sa pagdamba ang naglalakihang alon. Makapal na makapal na ang maiitim na ulap, nagbabantang bumagsak anumang oras. Katunayan, umaambun-ambon na, ngunit hindi ko pa

napangangalahati ang isang galong tubang iniwan sa akin kangina ni Mando bago ito nagpunta sa bayan pero iisa na ang inihaw na isda sa dahon ng saging. Alay ang mabuti pa, Manong, ay sa bahay ka na bumarik. Mababasa ka dito, mungkahi ni Anto. Gusto ko ngang maligo sa ulan. Masarap uminom, Anto, sa ulanan. Ikaw kasi, ayaw mong tumikim man lamang. Masarap uminom, Anto, lalo nat itinatanong mo sa sarili kung sino ka, kung ano ka, at kung para ano ka. Tinatangay na ako ng aking utak dahil marahil sa impluwensiya ng tuba.

Matagal akong tinitigan ni Anto, waring inaarok ang ibig kong sabihin. Bigla, bumuhos ang ulan, masisinsin at malalaki ang mga patak, parang mga palasong ibininit mula sa kalawakan. Akala koy iiwan ako ni Anto, ngunit hindi ito tuminag sa pagkakaupo, nakamata sa akin habang sinasalinan ko ng tuba ang baso. Lumagok ka nang kaunti para di ka ginawin, sabi ko sa kanya. Alay talagang hindi ako bumabarik, Manong. Halos alipin na ako ng bisa ng tuba at ni hindi ako giniginaw sa kabila ng patuloy at malakas na ulan. Namalayan ko na lamang, sa gitna ng ulanan, sa saliw ng dagundong ng mga alon, sa harap ng basang-basat nakahalukipkip na si Anto, ikinukuwento ko sa kanya ang maraming bagay ang kalupitan at kawalanghiyaan ng buhay sa lungsod, ang mga pagsasamantalang dinanas ko sa ibat ibang trabahong pinasukan ko, ang mga pangyayaring nagbunsod sa akin upang talikuran ko ang kursong binuno ko sa loob ng limang taon sa isang pamantasan at ganap kong harapin ang pagsusulat ng mga katha, artikulo, komentaryo at mga tula. Naisalaysay ko marahil sa kanya ang lahat, maging ang pagkakatanggal ko bilang kagawad ng patnugutan ng isang pambansang magasin dahil natutuhan kong ipaglaban ang karapatan ng mga kapwa ko trabahador, hanggang sa malimit na akoy napaggugutom. Alam mo, Anto, natatandaan kong nasabi ko noon sa kanya, di ka igagalang ng gutom, ng kahirapan sa siyudad, kundi ka marunong makibagay sa tugtog at kalakaran ng kaisipan at ng lipunan doon. Hindi ko alam kung gaano kami katagal noon ni Anto sa ulanan ngunit naalaala ko, matapos ang aking pagkukuwento, namumula ang malalaking mata ni Anto, kikisap-kisap. Kinabukasan noon, sinisipon ako at nilalagnat, at nabalitaan iyon ni Anto. Agad siyang dumating sa bahay nina Mando, may dalang isang boteng gatas ng kambing para sa akin. At, buhat noon, hindi lamang kakilala ko si Anto kaibigan ko na siya. Alay nagtataka ako sa iyo, Manong, sabi minsan ni Mando. Alay naging malapit na malapit sa iyo. Bihira ang kinakaibigan ni Anto dito. Ano gat parang mailap na manok-labuyo na napaamo mo. Ako man ay nagtataka rin, sabi ko. Ngunit ang higit kong ipinagtataka, sa kabila ng mga araw ng pakikisalamuha niya sa amin ni Mando, lalo nat kung akoy malagihay at nagkukuwento ng mga kabalbalan at katatawanan, ni hindi man lamang tumatawa si Anto, ni hindi man lamang ngumingisi o napapangiti. Laging mamata-mata lamang siya sa amin ni Mando,pinapanood ang aming pag-iinuman, matamang nakikinig sa aming usapan at kapag napansin niyang kailangan namin ang anumang bagay, halimbaway sigarilyo o inumin, agad siyang kikilos at parang tungkulin na niyang gampanan ang mga bagay na iyon. Kung hindi namin siya kausapin ay hindi siya kumikibo, maliban na lamang kung may iniaalok siya sa akin. At, ni minsan, hindi niya nabanggit ang mapait at malagim na nangyari sa kanilang pamilya na pinakaiwas-iwasan ko ring ungkatin sa kanya. HALOS ISANG buwan na ako kina Mando, sa mapayapang lugar na iyon na paraiso ng mga punong niyog at kahalikan ng mga alon. At naramdaman kong parang akoy bagong silang, nasalinan ng bagong lakas, ng bagong mumunting pangarap, ng bagong katatagang harapin ang anumang hamon ng buhay. Ang larawan ng iniwan kong lungsod ay malabo na, pira-piraso na lamang at tinangay na ng mga alon. At, isang araw, sa

nakatiwangwang na bangkang iyon sa pasigan, sa harap ng isang galong tuba, sa harap nina Mando at Anto, nasabi ko: Baka sa darating na Linggoy magpaalam na ako sa inyo. Nangulimlim ang mukha ni Anto. Alay di ka naman namin pinaaalis, Manong, sabi ni Mando. O baka nalulungkot ka dito at hinahanap-hanap mo na ga ang buhay sa siyudad? Hindi naman. Ang totoo nga, ayokong-ayoko nang manirahan sa Maynila. Uuwi na lang ako sa probinsiya ni Itay, sa bukid. Hindi na pinanood ni Anto ang pag-inom namin ni Mando. Malimit na nakatuon ang tingin nito sa kalawakan ng dagat, at parang walang sigla ito sa pag-iihaw ng pulutan. Mayamaya, nagpaalam si Anto, diumanoy may bibilhin sa tindahan. Matagal bago ito nagbalik, halos ubos na ang tubang iniinom namin ni Mando. May dalang isang kahang sigarilyo si Anto at iniabot sa akin. Itoy para sa iyo, Manong, mahinang-mahina ang kanyang tinig. Pagkaabot na pagkaabot ko ng bigay niyang sigarilyo, agad siyang tumalikod, lumakad patungo sa niyugang dinaraanan niya pauwi. Dalawang araw na hindi ko siya nakita at naisip kong hindi siya nangisda dahil masamang-masama ang panahon, pabugsu-bugso ang hangin at gising ang mga alon sa karagatan. Ngunit kinasabaduhan, isang araw bago ako umuwi sa kinamulatan kong probinsiya, sa Kabite, maaga pay biglang sumipot si Anto sa bahay ng pinsan kong si Mando. Bitbit ni Anto, sa kaliwang kamay, ang isang galong tuba at pasan-pasan niya ang isang bagong kapapatay na kambing na hindi pa nababalatan. Sa may tarangkahan pa lamang ay sumisigaw na siya, at malamig ang kanyang tinig, parang may kinikimkim na kahiwagaang mahirap arukin. Manong Roger! Manong Roger! Abay para ano yan? Wala namang handaan dito, bungad ko. Alay bago ka man lang umalis bukas ay makatikim ka naman ng isa sa mga alaga ko. Nagniningning ang kanyang malalaking mga mata. Ikakaldereta namin ni Manong Mando. Mahusay akong magluto ng kaldereta, Manong. Nagpabili pa ng isang galong tuba si Mando. Magkakasarapan ang inuman, sabi niya, at isa pa, ayon sa kanya, kailangang isagad namin ang barikan sapagkat aalis na nga ako bukas. Abalang-abala naman si Anto sa pagkatay sa kambing, si Mandoy sa paghahanda ng mga rekado. Sa harap ng dalawang galong tuba at umuusuk-usok at namamangong kaldereta, hindi ko malaman kung paano ko pasasalamatan ang isang taong halos ay paglingkuran ako sa hindi ko maisip na kadahilanan. Aywan ko kung sa mga araw na ikinalapit sa akin ni Anto ay nasalamin niya sa mga mata ko ang aking malalim na pagkaunawa sa trahedya ng kanilang pamilya. Makagaganti rin ako ng utang na loob sa iyo, Anto, balang araw, nasabi ko sa kanya.

Hindi siya umimik, sumulyap lamang sa akin, habang nginunguya niya ang isang pirasong kaldereta, ngunit napansin kong parang may malalim siyang iniisip, patingin-tingin siya sa dalampasigan at, kalimitan, ay matagal siyang napapatitig sa niyugang iyon na dating kanila sa di kalayuan. Marami na akong nainom at tumatalab na sa utak ko ang tuba, at naisip kong maglakad-lakad sa baybaydagat, suyurin ng tingin ang mapayapang kapaligirang iyon na mahal ko na ngunit iiwan ko bukas. Napansin kong sinundan ako ni Anto at nang malayu-layo na kami sa kinaroroonan ni Mando, umagapay siya sa akin. Manong, akoy may ipakikiusap sa iyo, parang nagmamakaawa ang tinig ni Anto. Napatigil ako. Sa akin ay di mo na kailangang makiusap, nakangiti kong sabi. Alay talaga ga, Manong? lalong lumaki ang malalaki nang mga mata ni Anto. Tumango ako. Ako gay puwede mong isama bukas? Iyon lang pala, abay oo! Ay hindi mo ako naiintindihan, Manong. Napatitig ako sa kanya. Tumungo siya. Ang ibig ko gang sabihin, Manong, parang nabubulunan si Anto, ay alay sa iyo na ako makikipanirahan. Napanganga ako. KINABUKASAN, hindi pa naglalagos ang sikat ng araw sa niyugan, nasa may hagdanan na ng bahay nina Mando si Anto at bitbit ang isang bayong ng mga lumang damit. Ang suot niyang polong puti, bagaman malinis, ay halos puputok sa kanyang katawan. Bitin ang kupasin niyang pantalong maong at naka-sapatos na de goma siya, ngunit walang medyas. Gayunman, maayos na maayos ang mahabang buhok ni Anto, sadyang sinuklay, hinatian sa gilid, at nalahiran ng pomada. Bago kami tuluyang naglakad papunta sa kabayanan, pinilit ko muna siyang dumaan sa dati niyang tinutuluyan, kina Ka Masyong, upang sabi ko ay makapagbigay-galang man lamang ako sa matanda. Alay utoy, sabi sa akin ni Ka Masyong, ikaw na sana ang bahala sa batang iyan. Alay hindi ko ga maintindihan kung ano ang nakain niyan at hindi ko mapigil sa pag-alis. Alay hindi ko naman iyan kinagagalitan. Kung hindi iyan mawili sa iyo, utoy, alay ipinakikiusap kong ihatid mo man lamang dito. Nangingilid ang luha ni Ka Masyong nang iwan namin. Napansin ko na matagal na tinitigan ni Anto ang makapal na niyugang iyon na dating kanila karatig ng niyugan ni Ka Masyong. Waring may saglit na balasik na dumalaw sa malalaking matang iyon na parang laging nagtatanong, nanunuri. BUHAT NOON ay hindi ko kakilala lamang si Anto, hindi lamang kaibigan, kundi kapatid ko na. Ang totoo, akoy talagang walang kapatid at, naisip ko, makatutulong din siya kay Itay sa paghahalaman, sa pagbubungkal ng kapirasong lupang iyon na minana pa namin kay Lolo.

Paggising na paggising ni Anto, isang oras makaraang tumilaok ang mga manok sa madaling-araw, nakaugalian na niyang linisin ang bakuran, walisin ang nangalaglag na mga tuyong dahon ng mangga, alisin ang anumang sukal. Pagkatapos, didiligin niya ang mga tanim na gulay ni Itay at, bago mag-almusalan, napakain na niya ang tatlo naming alagang baboy, gayundin ang mga manok. Akoy kalimitang sa bahay lamang nagbubumabad sa harap ng aking makinilya, habang kasama ni Itay sa bukid si Anto. Manakanaka, lumuluwas ako ng Maynila, nagbibigay ng mga katha o artikulo sa mga pasulatan at hindi iilang ulit na niyakag ko si Anto upang makarating man lamang ka ko siya sa lungsod. Alay dito na lamang ako, Manong. Walang makakatulong si Itay, lagi niyang idinadahilan sa buo, ngunit malamig na tinig na iyon. Sa tingin ko, parang nawiwili at nasisiyahan na rin si Anto sa paninirahan sa amin; maganda naman ang pakikitungo sa kanya ni Itay, para na ring anak. Ngunit sa kabila niyon, hindi ko pa siya nakikitang tumawa ni ngumiti man lamang. Ang maluwang na bibig na iyon ay waring ganap nang inulila ng kahit bahagyang pagngisi. Masipag na bata yang si Anto, minsang nasabi sa akin ni Itay. Pero di ba marunong tumawa yan? Napansin din ho pala ninyo, nasabi ko. Talaga bang ganyan yan? parang hindi makapaniwala si Itay. Matapos kaming makapag-ani noon sa bukid at maibenta ni Itay ang ilang kabang palay, gayundin ang tatlong baboy na halos si Anto na ang nagpalaki, bumili si Itay ng ilang damit para kay Anto saka dalawang daang sisiw upang diumano ay maging aliwan ni Anto sapagkat ni hindi man lamang nakikibarkada si Anto, ni ayaw manood ng sine sa kabayanan kung Linggo, at lalong hindi nga umiinom. Kung gabi, saglit itong makikinig ng radyo, mga awitan at tugtugan, at pagkatapos ay matutulog na. Alagang-alaga ni Anto ang mga sisiw, halos ayaw na ayaw niyang gagapangan man lamang ng langgam ang kulungan o bahay ng mga iyon na mismong siya ang gumawa mula sa mga kawayang siya rin ang pumutol ngunit, isang umaga, halos kagigising ko lamang, narinig ko ang tinig ni Anto, hindi mahina, kundi malakas, hindi malamig, kundi galit. Alay putang ina! noon ko rin lamang siya narinig magmura. Alay papatayin ko ang mga dagang yon! Mga limang sisiw marahil ang patay sa kulungan, kinagat ng mga daga. At, kinagabihan, hindi natulog si Anto. Dala-dala ang isang lente at pamalo, nakita kong nagtuloy siya sa kulungan ng mga sisiw, naupo sa madilim na sulok habang mahigpit na tangan ang isang malaki-laki rin namang piraso ng kahoy. Nang magising ako kinaumagahan, ang bumungad sa akin ay si Anto, halos sagad hanggang tainga ang pagkakangisi, parang gustong tumawa, habang hawak sa buntot ang dalawang malalaking dagang muntik nang malasog ang katawan sa pagkakapalo. Alay, Manong, napatay ko ang mga putang ina! sabi ni Anto. Nakikita mo ga ang mga ito? at bahagya pa niyang iwinasiwas ang mga patay na daga. Napanganga ako.

Isang hapon naman, pagkagaling ni Anto sa bukid, pinabili ko siya ng hinebra sa tindahang malapit sa amin. Hindi ko maituluy-tuloy ang sinusulat ko noon, parang tubig na ayaw umagos ang aking utak, parang may mga bakal na dumadagan sa aking dibdib. Ilang saglit lamang, humahangos na dumating si Anto, dala ang isang boteng hinebra, nakangisi na naman at maligayang-maligaya ang malalaking mga mata. Nabalitaan mo na ga, Manong? agad niyang tanong sa akin. Ang alin? Alay, Manong, halos lumitaw ang buong gilagid niya sa pagkakangisi, ano pa ga? Alay namatay si Ka Berta iyon gang usurera sa lugar natin. Binangungot daw at nakangiwi daw. Ay, Manong, kagat-kagat pa raw ang dila. Lalong hindi ko naituloy ang aking sinusulat. Uminom na lamang ako. At nang sabay-sabay kaming kumain ng hapunan nina Itay, maganang-magana si Anto sa pagsubo, malalakit sunud-sunod. Matagal bago ako nakatulog nang gabing iyon. Naglalaro sa utak ko ang ngisi ni Anto. Ang pangyayaring iyon ay naulit isang araw na galing ako sa Maynila matapos magdala ng isang katha sa isang diumanoy sikat na magasin. Sapagkat pinalad akong makasingil, bayad sa artikulo kong nalathala, naisipan kong ibili ng sapatos de goma at dalawang medyas si Anto upang, naisip ko, kung sakaling maisipan niyang mamasyal sa kabayanan, may maisuot naman siyang maayus-ayos dahil butas-butas na ang dati niyang sapatos at parang mahihirapan magkahusto sa malalaki niyang mga paa. Agad akong sinalubong noon ni Anto, nakabungisngis siya, waring tumatawa pati mga mata. Pasalubong ko sa iyo, Anto. Ngunit ni hindi man lamang niya pinansin ang iniaabot ko sa kanya. Ay, Manong Roger, parang gustong bumunghalit ng tawa si Anto. Ay, Manong tiyak na hindi mo pa alam. Alay nasunog kangina ang bahay ni Ka Ignacio tupok na tupok. Ano gat ni damit ay walang nailigtas. Alay hanggang ngayon daw ay iyak nang iyak si Ka Ignacio para daw maloloko! Ang tinutukoy ni Anto ay isa sa mayayamang propiyetaryo na may-ari ng mga dalawampung ektaryang bukid sa lugar namin na, ayon sa kanyang mga magsasaka, ay napakatuso sa partihan at iniuuwi pati tulyapis at kung maningil ng pautang, hahakutin ang ani ng kanyang mga magsasaka kahit walang matira sa mga iyon makabayad lamang agad sa kanya. Ni hindi binuksan man lamang ni Anto ang kahon ng sapatos. Ni hindi man lamang niya itinanong kung ano iyon. ANG KAMALASAN ay ipinagkaloob na yata sa amin, kakambal na namin, at ang karalitaan ay talagang mahirap matakasan, parang isang aninong laging aali-aligid saka biglang sasalakay, walang pinipiling oras ni pagkakataon, at walang iginagalang na damdamin o kaisipan. Biglang-bigla, isang dapithapon, akay-akay na iniuwi ni Anto buhat sa bukid si Itay, namimilipit sa sakit ng tiyan, nanlalamig ang halos buong katawan. Sapagkat malayo ang kabayanan at ni wala namang doktor sa nayon namin, ipinasundo ko kay Anto si Ka Mentong allbularyo. Nagsangag kami ng bigas, ginawang parang kape, at ipinainom kay Itay. Nagpakuha pa si Ka Mento ng ilang dahong banaba, sinalab sa apoy, saka itinapal sa tiyan ni Itay. Ngunit nasira ang pagka-albularyo ni Ka Mento.

Maagang-maaga pa, kinabukasan, kinuha ko sa munting baul sa sulok ng silid ang kaunting halagang naimpok ni Itay. Umarkila ako ng karitela at pinagtulungan namin ni Anto na maisakay doon si Itay, dinala namin sa bayan sa isang diumanoy mahusay na doktor. Ngunit iminungkahi lamang sa amin ng doktor na dalhin agad sa ospital si Itay, diumanoy malala na ang ulser at kailangang operahin. Inihatid ng ambulansiya ng munisipyo sa ospital ng probinsiya si Itay. Napilitan naming isangla kay Ka Mamerto, isa ring propiyetaryo sa bayan namin ang kapirasong lupang iyon na minana pa ni Itay mula sa kanyang ama. Napilitan akong pumirma, sa kapahintulutan na rin ni Itay, sa isang kasulatang kung hindi namin matutubos ang lupa pagkaraan ng anihan, may karapatan si Ka Mamerto na ilitin iyon, embarguhin. Maayos na si Itay, nailabas na ng ospital, ngunit kailangan niyang magpahinga ng mga ilan pang buwan sa bahay kaya si Anto ang bumalikat ng lahat niyang gawain sa bukid. Nakita ko sa mukha ni Anto ang matibay na kapasiyahang gawin ang lahat niyang magagawa, mapangalagaan nang husto ang mga pananim, alisan ng mga insekto, bunutan ng mapaminsalang mga damo. Laging sibsib na ang araw kung siyay umuwi ng bahay. Mahalimuyak ang magandang ani, mabubulas ang mga palay, malulusog ang mga gulay, at matataba na ang mga manok ni Anto. Ang pag-asay naroroon lamang, bibitin-bitin, at naghihintay lamang ng tamang panahon para pitasin. Kung papalarin tayo, sabi minsan ni Itay isang gabi sa harap ng hapag-kainan, makababayad tayo kay Ka Mamerto. Napakalaki ang utang na loob natin kay Anto. Masiglang-masigla si Anto nang gabing iyon, hindi agad natulog, matagal na nakinig ng awitan at tugtugan sa munti naming radyo. Ngunit, mga isang buwan na lamang bago mag-anihan, ang kamalasan, parang sinasadya ng pagkakataon o kalooban diumano ng Diyos, ay waring dambuhalang buwayang nanibasib, sinakmal at nginatngat maging ang kaliit-liitang hibla ng aming pag-asa. Nanalasa ang isang malakas na bagyo, bumaha, at ganap na napinsala ang lahat ng mga pananim ni Itay at ang matatabang manok ni Anto ay dinapuan ng peste, isaisang naghingalo at nangamatay. Hindi bale, matibay pa rin ang loob ni Itay. Makikiusap ako kay Ka Mamerto na sa susunod na anihan na tayo magbabayad. Mauunawaan niya tayo. BUHAT NOON, naging tamilmil na sa pagkain si Anto, sumubo-dili. Kung umaga, hindi na niya pinagkakaabalahang walisin ang bakuran at malimit siyang natitigilan. Sa bukid, kung kasama niya si Itay upang linisin ang mga pininsala ng baha, malimit ding nauupo lamang siya sa pilapil, tititig sa kalawakan. Hindi na rin siya nakikinig ng radyo kung gabi, agad na hihiga at isusubsob ang mukha sa unan. Hindi napakiusapan ni Itay si Ka Mamerto. Alay paano ga tayo ngayon, Manong? Saan ga tayo lilipat? Hindi na malamig ang tinig ni Anto noong gabing iyon mga tatlong araw bago nakatakdang ilitin ni Ka Mamerto ang lupang iyong waring mahal na mahal na ni Anto. Si Itay ay nasa may bintana, nakapangalumbaba, parang may inaaninaw sa madilim na kalawakan sa labas.

Bahala na, parang wala sa loob kong sabi. Ang mabuti pay ibili mo ako ng hinebra. Alay pabarikin mo ako ngayon, Manong mga dalawang tagay lamang, mariin ang pagsasalita ni Anto at may balasik sa malalaki niyang mga mata. Nakadalawang boteng hinebra ako nang gabing iyon, at hindi ko matandaan kung uminom nga o hindi si Anto. Kinabukasan ay kumalat ang balitang pinatay si Ka Mamerto, ginilit ang leeg, nilaslas ang tiyan, at lumuwa, diumano, ang bituka. Buhat noon ay nawala na si Anto. May asawa na ako, at dalawang anak. At magpahanggang ngayon ay hinahanap ko siya. # Matino B a Ang T r i-Med ia? September 22, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez KALIMITAN, nakakaalibadbad at nakasusuka nang manood ng lokal na mga programa sa telebisyon. Nakasasawa na ang santambak na mga kahangalan at kabalbalan. Hindi na kailangang banggitin pa ang mga programang iyon; buksan na lamang ang lokal na mga estasyon at mapatutunayan ang tawag ni McLuhan na isang idiot box ang telebisyon. Nariyan ang mga drama ng iyakan at sigawan na inaagusan ng balun-balong luha ng kapighatian; nariyan ang mga telenobela ng malalapot na paglalambingan at nanggigitatang pag-iibigan kasama na ang dayuhang mga dramang pinamamayanihan ng de kahong mga paksang pobreng lalaki at mayamang babae o maralitang dalaga at mayamang binata; nariyan ang mga pantasiyat kababalaghan na namumutiktik sa mga drakula at aswang; nariyan din ang walang humpay na sayawan at awitan at kung anu-anong palarong ginagago ang mga kalahok na naglalaway sa premyong pera bunga ng malupit na karalitaan. Kung wala marahil ang mga programa sa balita (puwera ang mga estasyon ng gobyerno na batbat ng propagandat kasinungalingan), maaari nang pagdurug-durugin at itapon sa basurahan, gaya ng naghambalang na mga babasahing komersiyal, ang bawat telebisyon sa buong bansa. Malabong anino ang reyalidad sa nabanggit na mga palabas. Malinaw na lantarang inilalayo sa katotohanan ang sambayanan at isinasalaksak sa kanilang kaisipan ang ibat ibang ilusyon upang patuloy silang maaliw at makalimutan ang nagdudumilat na mga dahilan ng kanilang karalitaan, kaapihan at kabusabusan. Sa layuning hindi mamulat, magalit at maghimagsik ang sambayanan laban sa uring mapagsamantala, pilit na itatago ng ilang makapangyarihan, maimpluwensiyat mayamang mga diyus-diyosan sa tri-media (radyo, telebisyon at babasahin) ang naghuhumindig na mga katotohanang magpapalaya sa mga mamamayan sa kamulalaan at, di nga kasi, maaari ding magwasak sa nakasusulukasok na pambansang kalagayan. Sino nga ba ang kumukontrol sa tri-media? Ilang mayamang pamilya lamang, kasama na ang tusot negosyanteng mga pulitiko maliban marahil sa tagapaglathala ng PINOY WEEKLY ang batbat ng impluwensiyat kapangyarihan at nagmamay-ari ng pangunahing mga publikasyon at mga estasyon ng radyot telebisyon. Natural, upang mapangalagaan ang

mapandambong nilang mga interes lalo na ang imperyo ng kanilang nagkalat na mga negosyo pakikialaman at pakikialaman nilat didiktahan ang kanilang mga publikasyon at estasyon at, higit pang masama, walang habas nilang pilit na ang inililigaw ang damdaming-bayan gagot o opinyon ang publiko, binabaluktot nilat sambayanan. Ipahihintulot kaya ng isang asendero, kung gayon, na ilathala sa kanyang magasin o ibalita sa kanyang peryodiko kung paano siya nangamkam ng mga lupain o kung paano niya sinasalaula ang batas sa reporma sa lupa? Maglalathala kaya siya ng mga kuwento o nobela, drama o tula, tungkol sa kasuwapangan at kawalanghiyaan ng mga propiyetaryo o katusuhan ng mga asendero, at kung paano nila patuloy na pinagsasamantalahan, inaalipin at binubusabos ang kanilang mga magsasaka? Ipalalabas kaya ng ganid na kapitalista sa estasyon ng kanyang telebisyon kung paano niya kinakatas sa kanyang pabrikat korporasyon ang pawis at dugo ng kanyang mga trabahador upang magkamal lamang siya ng limpak-limpak na tubo? Papayagan kaya niyang ibandila sa mga programa sa kanyang estasyon na mag-organisa ang mga manggagawa, magsipagtayo ng unyon, ipaglaban ang kanilang lehitimong mga karapatan at magwelga kung nagbibingi-bingihan sa kanilang mga karaingan ang salanggapang na kapitalista? Ipahihintulot kaya ng bastardong pulitiko na ibalita sa estasyon ng radyong kontrolado niya kung paano siya nandaya sa eleksiyon, kung paano siya namili ng boto, kung magkano ang kinulimbat niya sa pondo ng bayan, kung magkano din ang tinanggap niya mula sa sindikato ng ilegal na sugal at droga, at kung sinu-sino din ang kanyang ipinapatay lalo na ang mga kalaban niya sa pulitika, bukod sa mahihigpit niyang kritiko? Sabagay, hindi na dapat ipagtaka, sa prinsipyo ng mga diyus-diyosan at basalyos ng masusugid na tagapagtanggol ng bulok na status quo, makatuwiran nga lamang na baluktutin nila ang lahat mapangalagaan lamang ang kanilang impluwensiya, pribilehiyot kapangyarihan. Batay sa kanilang pagmamaniobra at makasariling interpretasyon ng mga bagay-bagay, ang totooy puwedeng maging kasinungalingan o puwedeng maging kabulaanan ang lantay na katotohanan. Alin nga ba ang totoo pa sa mga babasahin at sa mga programa sa radyot telebisyon? Sinalakay pa nga ang tri-media ng isa pang matinding ilusyon ang naghambalang ngayon na ibat ibang sektang panrelihiyon. Sa telebisyon na lamang, may misa kung Linggo sa ibat ibang estasyon. Malaking oras ang nilalamon ng ibat ibang grupong relihiyoso na patuloy na nagsisiraan, nagpapaligsahan, nagpapagalingan at nang-aakit ng posibleng mga miyembro. May pakulo ang El Shaddai, may karnabal ang JIL (Jesus Is Lord), may sarsuwela ang INC (Iglesia ni Cristo), may pasiklab ang Dating Daan. Bukod pa ang mga nabanggit sa naghambalang na mga pastor at ministro na nagdudumakdak sa mga estasyon sa radyo man o telebisyon na para bang mga henyo sa Bibliya at tanging may karapatang mangalandakan kung ano ang tamang interpretasyon ng sinasabing banal na mga salita ng itinuturing nilang Diyos. Lumilitaw tuloy na sa sinasabi nilang kalangitan saanman iyon may kani-kanila na silang esklusibong subdibisyon para sa nananampalataya nilang mga kampon. katotohanan upang manatiling bulag

pinaglalaruan

Sa kasalukuyan tuloy, waring isang damong sumibol sa disyerto ang magkaroon sa tri-media ng mga babasahin at programa sa radyot telebisyon na matapat na tagapaglarawan ng reyalidad o tagapagbandila kaya ng mapagmulat at mapagpalayang katotohanan. Kung mayroon man, pasaglit-saglit lamang ang buhay nito at, kalimitan, agad na naghihingalo. Natural, wawasakin at dudurugin ng uring naghahari-harian sa lipunan at namumunini sa tiwaling establisimiyento ang anumang daluyan ng matino, makatotohanan, mapagmulat at mapagpalayang mga kaisipan. Wala na nga yatang puwang ang katinuan sa Republika ng mga Ilusyon. Ko lo n yal at Elitistan g Ed ukas yo n September 11, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) SAPAGKAT KINOPYA nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano ang ating edukasyon gayong hindi naman katugma ang ating ekonomiya ng industriyalisadong ekonomiya ng Estados Unidos, hindi nito matugunan hanggang ngayon ang mga pangangailangan ng bansa tungo sa kaunlaran at, sa halip, naging instrumento pa ito ng pang-aaliping pangkaisipan. Higit pang masama, mga korporasyong multi-nasyonal at dayuhang mga interes ang nakikinabang lamang sa talino at lakas-paggawa ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo na hindi naman tinutumbasan ng makatarungang suweldo. Natural, dahil mga Amerikano ang naggiit ng kasalukuyang edukasyong Pilipino, isinalaksak sa ating utak ang mga pagpapahalagang maka-Amerikano kaya dinadakila natin hindi lamang ang kanilang lahi, wika, kasaysayan at kultura kundi maging ang kanilang mga produkto. Ikinadena pa ang pambansang liderato, pinanatiling tagahimod ng kuyukot ni Uncle Sam kaya sunud-sunuran sa dikta ng mga diyus-diyosan sa Washington pampulitika man o pangkabuhayan o anumang mga patakarang pabor lamang sa makasariling interes ng Amerika. Samantalang umunlad, at patuloy na umuunlad, ang maraming bansa sa daigdig tulad ng Alemanya, Pransiya, Rusya, Tsina at Japan hindi sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles sa kanilang edukasyon kundi ng kani-kanilang wika, banyagang wikang Ingles pa rin ang nangingibabaw sa ating edukasyon. Umiiral tuloy, at isang malaking kahangalan, ang elitistang pananaw na hindi edukado at itinuturing nang bobo ang hindi mahusay sa lengguwahe ni Uncle Sam gayong ang sukatan ng katalinuhan ay wala sa wikang ginagamit kundi nasa laman ng isip. Sa larangang pangkultura, ayon nga sa mananalaysay na si Stanley Karnow, lumikha tayo ng mga Pilipinong Elvis Presley, Frank Sinatra, Tom Jones o Michael Jackson, at iba pa. Nagsulputan ang makabagong mga Donya Victorina ng Noli at Fili ni Rizal nagpatangos ng ilong, nagpaputi ng kutis, nagpa-blonde ng buhok, nagpalaki ng suso at pabalbal na nagpipilit mag-Ingles kahit mga Pilipino ang kausap. Kahit sa mga awitin at pelikula, malinaw na hinuhuwad natin ang kultura ng mga Yankee.

Sa halip na isulong ng walang gulugod na pambansang liderato ang siyensiya at teknolohiya tungo sa industriyalisasyon ng bansa, naiiwan tuloy ang Pilipinas sa larangang ito ng mga 50 taon kung ihahambing sa mauunlad na bansa sa Asya at mga 100 taon naman ng industriyalisadong mga bansa sa Kanluran. Nakakainsulto tuloy na saranggola pa lamang ang kaya nating gawin gayong nagmamanupaktura na ng kanilang mga eroplano ang Tsina, Japan o Korea. Rebentador lamang at dinamita ang nagagawa natin samantalang bomba atomika ang nalikha ng India. May ballistic missile ang Hilagang Korea, ngunit tayoy kuwitis pa rin magpahanggang ngayon na hindi pa sumasagitsit paitaas kung minsan. Kung may cosmonaut at astronaut ang Rusya at Amerika na nakapaglalakbay sa kalawakan o nakararating sa buwan, mayroon daw naman tayong mga aswang at manananggal. Samantalang gumagawa at nagbebenta ng mga sasakyan bus man o kotse ang Korea at Japan, tagapulot naman tayo ng basurang mga makina at piyesa ng sasakyan upang lagyan ng kaha at maging mga behikulong pamasada. Kahit sagana ang bansa sa mina ng bakal at asero, hindi pa tayo makagawa ng simpleng pako o karayom at bumibili pa ng lagari, pait, katam at martilyo mula sa ibang mga bansa, o ng iba pang mga produktong puwede namang tayo na ang lumikha. Ano nga ba ang naidulot sa bansa ng edukasyong Pilipinong kinopya nang pira-piraso sa edukasyong Amerikano? Malinaw na pinatindi lamang ng edukasyong ito ang kaisipang kolonyal at elitistang pananaw, pinanatiling atrasado ang bansa, at naging pabrika lamang ang pangmayamang mga kolehiyo at unibersidad ng henerasyon ng mga lider na mandurugas, makadayuhan at may kaisipang-alipin, walang pambansang damdamin o malasakit para sa pambansang kapakanan. Sabagay, gusto namang talaga ng mga bansang industriyalisado lalo na ng Estados Unidos na manatiling bitukang agrikultural lamang nila ang Pilipinas, huwag maging industriyalisado, upang palaging umasa sa importasyon at maging tambakan ng sobra nilang mga produkto, lason man o gamot o pagkain, punglo man o baril, eroplano man o tangke. Kung hinahangad din lamang na umunlad ang bansa at makita kahit anino ng industriyalisasyon, makabubuti marahil na ituwid muna ang ating kasaysayang kolonyal at ganap na wasakin ang balangkas o sistema ng umiiral na edukasyon at lipunan. Lubhang napapanahon na, sabi nga, na pagsumikapang isulong at pairalin ang isang edukasyong tunay na maka-Pilipino, makatao, makabayan at siyentipiko na makatutugon at angkop sa pambansang mga pangangailangan tungo sa tunay na kaunlaran, kalayaan at kasarinlan. (Kolum) W ikang Na kab ar to lina September 4, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum)

GAYA ng pambansang kaisipan na ibinartolina ng relihiyon sa doble-karang moralidad, impertinenteng kombensiyon at inaamag na tradisyon, matagal na ring nakabilanggo ang sariling wika (tawagin mang Tagalog, Pilipino o Filipino) sa selda ng ipokrisya at, sabi nga, nangingiming magmura kahit galit na galit na o hindi magamit ang eksaktong mga salita sa tinutukoy na mga bagay, lalo nat may kinalaman sa seks at mga itinuturing na kalaswaan ng nagbabanal-banalang lipunan. Patuloy pa nga itong binabansot ng rehiyonalismo, pinipigilan ang paglaganap at, higit na masama, ibinabasura ng mga edukado at elitistang patuloy na sumususo sa wikang Ingles at narerendahan pa ng kaisipang kolonyal. Bukod-tangi tuloy, at waring isang kabalintunaan, na may Buwan ng Wika sa bansang ito na para bang ang sariling wikay ginugunita lamang at ipinagbubunyi tuwing malapit na ang kapanganakan (Agosto 19) ni dating Presidente Manuel L. Quezon, kinikilalang Ama ng Pambansang Wika. Natural, nang itadhana niyang ibatay sa diyalektong Tagalog ang pagbubuo, pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa, tumutol at nanggalaiti ang mga kinatawan ng rehiyong di-Tagalog. Bakit hindi Sebuwano, Hiligaynon, Ilokano o Bikolano? Maliwanag, hindi nakita ng mga tumututol ang katotohanan at aral ng kasaysayan; sa halos lahat ng bansa, kung saan ang sentro ng gobyerno at komersiyo, ng edukasyon at sibilisasyon, ang wika sa sentrong iyon ang nagiging dominanteng lengguwahe ng sambayanan. Sapagkat ang Kamaynilaan na sakop ng Katagalugan ang sentro ng bansa mula pa sa panahon ng kolonyalismong Kastila, natural na manaig ang Tagalog kaysa ibang umiiral na mga diyalekto at maging batayan nga ng pambansang wika. Kahit naging lengguwahe pa ng Rebolusyong 1896 ang Tagalog o itinampok na noong una ni Francisco Baltazar o Balagtas sa makabuluhan niyang obrang pampanitikan na Florante at Laura, gaya rin ng dating diyalektong Italyano na naging pambansang wika ng Italya (Latin dati) matapos sulatin ni Dante sa Italyano ang Divine Comedy at gayundin ang diyalektong Ingles na naging pambansang wika ng Inglatera (Latin din dati) matapos namang sulatin ni Chaucer sa Ingles ang Canterbury Tales, ipinaparatang pa hanggang ngayon ng mga kalaban ng sariling wika na puro ang Tagalog at maiintindihan lamang diumano sa Katagalugan. Wala namang purong wika sa mundo, maliban marahil sa halos patay nang wikang Latin Katunayan, hanggang umuunlad ang sibilisasyon, naghihiraman ng mga salita ang mga wika ang Arabe at Turkiya, ang Ingles at Pranses, ang Pranses at Aleman, at iba pa. Katunayan, mga 5,000 salita sa Tagalog ang mula sa Kastila, mga 1,500 ang mula sa Intsik, Sanskrit, Arabe, Malay, at iba pa. Marami na ring salitang hiniram sa Ingles, ngunit isinunod lamang ang baybay o ispeling sa sarili nating ortograpiya tulad ng dyip, bus, taksi, kendi, ketsap, radyo, at marami pang ibang ginagamit nat naiintindihan hindi lamang sa Tagalog kundi maging sa Hiligaynon, Sebuwano, Ilokano, Waray, Panggalatok at Pampango. Higit na masama, sa kabila ng paglaganap at unti-unting pag-unlad ng pambansang wika mula sa dampat kubeta ng mga anakpawis hanggang sa palasyo at alpombradong banyo ng naghaharing-uri, ginugulo pa ng mismong makawika diumano ang umiiral at tinatanggap nang mga salita, binabago ang katawagan at sinasangkutsa ang baybay. Walang masama kung idagdag sa alpabeto ang mga letrang c, f, j, q, v at z, lalo nat gagamitin nga sa mga pangalan ng tao at lugar. Pero, sa kabilang banda, isang kaululan nang gawin

pang telefono ang nakagawian nang telepono, o television ang telebisyon, gayong hindi sanay ang dilang Pilipino sa pagbigkas ng mga letrang f at v. Tulad sa Malaysia at Thailand, isinusunod nila sa kanilang baybay o ispeling ang hiniram nilang mga salitang walang katapat sa kanilang wika. Lalo pang gumulo ang baybay at niwawasak ang silabiko o pantig-pantig na katangian ng sariling wika nang magpakahenyo ang mga opisyal ng Komisyon ng Wika. Kahit itinuro na sa elementarya sa mga bata ang Abakada at pantig-pantig na pagbasa (ba-be-bi-bo-bu, ka-ke-ki-ko-ku o ta-te-ti-to-tu), ginawa pang pwersa ang puwersa, ekonomya ang ekonomiya, eleksyon ang eleksiyon, lenggwahe ang lengguwahe, kwento ang kuwento, at marami pang ibang nagwasak sa tinatanggap nang alituntunin sa balarila tungkol sa paghahanay ng katinig (consonant) at patinig (vowel) kaya, sa mga babasahin, hindi maiwasang himurin ang mga itinuro ng makawikang mga henyo diumano sa pagpapalaganap ng pambansang wika. Sabagay, sa isang banda, ang sambayanan lamang ang makahahatol sa katumpakan o hindi ng mga bagay na ito at, natural, ang wikang malapit sa puso, at nauunawaan ng bayan, ang siyang wikang mananatili at gagamitin ng bayan. Bagaman maganda ang layunin, lalo kaming naguluhan at nagdudang nasa ibang planeta nang mag-imbento ng mga salitang pansiyensiya at panteknolohiya mga ilang dekada na ang nakararaan ang Lupon sa Agham sa pamamagitan ni Engr. Gonzalo del Rosario o Ka Along, dekano noon ng Inhinyeriya ng Araneta University. Isang dokumento ng MAN (Movement for the Advancement of Nationalism) ang isinalin niya mula sa Ingles at ginamit niya ang inimbentong mga salita. Sa pagsusuri ng MAN, ang batayang sakit ng Pilipinong ulnong (society) ay may uring pang-ulnong at pangkabuhayan, at likha ng pananakop ng Kastila noong panahong wala pang kalalang (industry) at nitong ika-20 dantaon ay likha ng imperyalismong Amerikano na naghatid sa Asya ng mapagsamantalang sarilakal (monopoly) na itinaguyod ng napakamaunlad na sakalalang (industrialization) Kung hindi isiningit ang mga salitang Ingles, sino nga ba ang makakaintindi niyon? Nasabi tuloy ng isang magsasakang taga-Nueva Ecija: Di bale nang sa Ingles, huwag lang ang Tagalog ni Ka Along! Tanggap na nga naman ang mga salitang lipunan, industriya, monopolyo, at industriyalisasyon bakit kailangan pang palitan ng ulnong, kalalang, sarilakal at sakalalang? Higit na makapalipit-dila at utak ang ilan pang inimbentong terminolohiya tulad ng mga sumusunod: sugadagitbing tambisa (photo-electric effect), kahanginaning diin (atmospheric pressure), timbuluging sukgisan (geometric interpretation), haykapnayanon (biochemist), mga salitang walang malinaw na salitangugat (root word) at pinagkabit-kabit mula sa mga pinagkunan. Halimbawa, ang haykapnayanon ay mula sa sangkap (element) ang kap, mula sa hanayan (system of arrangement) ang nayan, at dinugtungan ng hulaping (suffix) na on mula sa Bisaya. Nakakatorete pang ginawang hatidwad ang telegrama, hatinig ang telepono, salipawpaw ang eroplano, ulnokalnagin ang sosyo-kultural at ulnoagimatim ang sosyoekonomiko. Ayon nga kay Direktor Ponciano Pineda ng dating Surian ng Wikang Pambansa, makabubuti pang manghiram na lamang mula sa dayuhang mga wika at iangkop sa ponolohiya at ortograpiyang Pilipino ang

mga hiniram. Maaaring hiraming buung-buo ang tunog (sa sistema ng normalisasyon), halimbawa: mathematicianmatematiko o matematisyan; psychologistsikologo o saykolodyist; original scoreorihinal na eskor; decimal fractionpraksiyong desimal, at marami pang iba. Sapagkat nakabartolina pa nga ang pambansang wika sa moralidad ng nagbabanal-banalang lipunan, iniiwasang tawaging alas ang alas, lalo na sa larangang seksuwal samantala, sa kabilang banda, napakalaya ng ibang mga wika sa bagay na ito. Sa mga obrang pampanitikan na lamang, malayang nagagamit ang talking o laughing cunt sa Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn ni Henry Miller, o gayunding mga paglalarawan sa Lady Chatterleys Lover ni D. H. Lawrence at Lolita ni Vladimir Nabokov. Sa inimbentong mga salita ni Ka Along, tinawag pang sarigawa ang pagsasalsal, tunod ang titi, kaluban ang kiki, sariing talamitan ang hindutan, at kung anu-ano pang mga katawagang matagal nang naiintindihan maging ng mga bata pa lamang, ngunit sinadyang binago maiangkop lamang sa diumanoy maselang na pandinig ng mga moralistat nagpapanggap na mga banal gayong, kung tutuusin, hindi ang mga salitang iyon ang tunay na kahalayan at kalaswaan, kundi ang matindi at malaganap na karalitaan dahil sa inhustisya at walang habas na pagsasamantala ng uring naghahari-harian sa masang sambayanan o pandarambong ng imperyalistang mga bansa sa kabuhayang-bansa ng iba. Natural, sa katatapos na Buwan ng Wika, ibat ibang programa at pagtatanghal ang ibinandila sa maraming kolehiyo at unibersidad. Sinariwa ang kasaysayan ng pambansang wika, at masaklaw na tinalakay ng mga akademikong makawika ang patuloy na pag-unlad nito diumano sa kung anu-anong larangan tungo sa sinasabing pambansang kaunlaran, tunay na kalayaan at kasarinlan. Pero, kung nakabartolina ang wika, paano mapalalaya ang kaisipan lalo na nga ang bansa? Tunod ng ama mo, kaluban ng ina mo, punyeta! (Kolum) Haciend a Magd alena August 23, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) (Pasintabi sa mga linya ni Antonio Jacinto ng Angola, Timog Aprika) 1. sa malawak na lupaing iyon ay bihirang umulan pawis ng aming noo ang nagdidilig sa tubuhan. sa malawak na lupaing iyon matataas na ang mga tubo dugo ng aming katawan ang katas ng mga tubong iyon.

masdan mo: puputulin na ang mga tubo dudurugin at gigilingin hanggang maging kayumanggi sintingkad na kayumanggi ng mga sakada. 2. tanungin mo ang nagliliparang ibon ang nagluluksuhang agos at malakas na hangin sa kaparangan: sino ang gumigising bago magbukang-liwayway? sino ang nagbabanat ng buto hanggang halos sumuka ng dugo? sino ang mga kamay sa paggapas ang sapin-sapin ang kalyo at pilat? sino ang sunog ang balat ng brasot mukha sa tindi ng sikat ng araw? sino? 3. sino ang nag-aalaga sa mga tubo sa mga palayan at manggahan? sino? at ano lamang ang kabayaran: alipusta at paghamak panis na lugaw kapirasong galunggong damit na basahan singkuwenta pesos at gulping katakut-takot kapag umangal at nagdabog! 4. sino ang nagkakandakuba sa trabaho may maibili lamang ng kotse mansiyon at babae ang asendero at makapagliwaliw pa sa hongkong, amerika at europa? sino? sino ang nagpapayaman sa mga dayuhan ang nagpapalaki sa malabutete nilang tiyan?

sino ang tagaktak ang pawis habang nagkakamot lamang ng bayag ang puting dayuhan? 5. tanungin mo ang nagliliparang ibon ang nagluluksuhang agos at malakas na hangin sa kaparangan sino? at silay sasagot: putang-ina nyoooooooooo hacienda magdalena! nababanaagan na namin ang isang madugong bukang-liwayway! (Tula) J ihad At B angsa mo r o August 10, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) BATAY sa maniobra ng mga basalyos ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, maliwanag na ginagamit lamang na instrumento ng Reyna ng Malakanyang ang usapin ng Bangsamoro upang makapanatili siya sa poder matapos man ang kanyang termino ng panunungkulan sa 2010. Alam na alam nila na kung hindi pansamantalang ipinatigil ng Korte Suprema at natuloy agad ang pirmahan ng kasunduan sa Kuala Lumpur, Malaysia kamakailan sa pagitan ng mga kinatawan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at ng Republika ng Pilipinas na magpapalawig sa teritoryong bumubuo ngayon sa ARMM (Autonomous

Region in Muslim Mindanao) na magiging isang nagsasariling Bangsamoro, hindi naman agad maipatutupad ang mga nilalaman ng naturang kasunduan. Kailangan pang lumikha ng isang batas ang Kongreso, magdaos ng isang plebisito at susugan o baguhin ang Konstitusyon ng bansa upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng isang Bangsamoro na may sariling lehislatura, hukuman at pulisya, at karapatang makinabang sa likas na mga kayamanan sa katutubong lupain (ancestral land) ng mga Muslim doon. Katunayan, binigyang-diin ni Sekretaryo Hermogenes Esperon, Jr., tagapayong pangkapayapaan ni La Gloria, na hindi sakop ng kasalukuyang Konstitusyon ang pagkakaloob ng kapangyarihan sa BJE (Bangsamoro Juridical Entity) na mangulekta ng lokal na buwis, magkaroon ng administratibong hurisdiksiyon, at kontrolin ang mga minahan at iba pang likas na yaman sa sakop ng lupain nilang katutubo. Samakatuwid, ayon na rin sa kanya, kailangang susugan o baguhin ng Kongreso ang kasalukuyang Konstitusyon at ganito rin ang opinyon ni Rodolfo Garcia, punong negosyador ng gobyerno hinggil sa kapayapaan. Idinagdag pa nga ni Esperon na hindi kasarinlan ang ipagkakaloob ng gobyerno sa

Bangsamoro kundi gagawin lamang itong isang estado sa loob ng isang estado na tinatawag na pederalismo. Sapagkat, noon pa man, isinusulong na ng kasalukuyang rehimen ang Cha-Cha (Charter Change) o pagbabago sa Konstitusyon at gawing parlamentaryo/pederal/may isang kapulungan hindi na presidensiyal ang sistema ng gobyerno at, kung maaari, magawa ito bago matapos ang termino ni La Gloria, hindi tuloy maiwasang hinalain ngayon na talagang hindi ang paglutas sa problema ng mga Muslim sa Mindanaw ang layunin ng kasalukuyang rehimen kundi, sa kabilang banda, ang minimithing Cha-Cha sa udyok na rin ng makasarilit gahamang interes sa kapangyarihan. Kung parlamentaryo na nga ang sistema ng gobyerno, kuwalipikado pang muling maging presidente o punong ministro si La Gloria. Puwede ring palawigin ng bastardong mga pulitiko ang termino ng kanilang panunungkulan. Higit sa lahat, sa dikta ng imperyalismong Amerikano, aalisin sa bagong Konstitusyon ang mga limitasyon upang makapagmay-ari na ng mga lupain dito ang dayuhang mga kapitalista, 100% makontrol ang mga korporasyon at pasukin maging ang pambayang mga utilidades tubig at kuryente, telekomunikasyon at transportasyon, at maging mass media, mga ospital, mga kolehiyo at unibersidad na, kung tutuusin, talagang dapat na hawak o kontrolado lamang ng mga Pilipino alang-alang, unang-una, sa pambansang seguridad at makabayang ekonomiya. Dahil nilalaro lamang sa dulo ng mga daliri ng pambansang liderato ang usapin ng Bangsamoro, at tinitingnan pa ng maraming pulitiko sa apektadong mga lugar sa Mindanaw na tunggalian ito sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano halimbawa sa Hilagang Kotabato , Zamboanga at Iligan, lalot susuriin ang mga pahayag at hakbang ng lokal na mga opisyal doon maaari tuloy mauwi sa armadong mga karahasan o sagupaan ang bagay na ito. Maliwanag naman na tutol lamang sila sa pagkakaroon ng isang Bangsamoro dahil mababawasan ang kanilang pampulitikang teritoryo at limpak-limpak na pakinabang sa puwesto tulad din ng pagtutol ng dayuhang mga kapitalistang namumunini sa likas na mga kayamanan ng Mindanaw at, ipinagdaralita naman, sa kabilang banda, ng libu-libong pamilyang Muslim doon. Bakit nga ba nagrebelde, at patuloy na nagrerebelde, ang kapatid nating mga Muslim sa Mindanaw? Kung uugatin, hindi ito kuwestiyon lamang ng usapin sa teritoryo o kultura o paniniwalang panrelihiyon kundi, higit sa lahat, malubhang usapin ito ng labis na kapabayaan at kainutilan ng gobyerno ngayon at noon pa mang nagdaang mga rehimen na paunlarin ang Mindanaw kaya atrasado at alipin ng karalitaan at inhustisya ang maraming lugar doon. Hindi maikakaila, ilang grupo lamang ng maimpluwensiyat makapangyarihang mga tao, kasama na ang mapandambong na dayuhang mga kapitalista, ang lubos na nakikinabang sa likas na mga kayamanan ng lugar sa kapinsalaan, unang-una, ng libu-libong pamilyang Muslim. Masisisi ba, kung gayon, na mithiin ng mga Muslim na magkaroon sila ng isang nagsasariling Bangsamoro upang pangalagaan ang kanilang kapakanan at kinabukasan? Dahil sa ipinamamalas na armadong tunggalian ngayon ng mga puwersa ng gobyerno at ng MILF na ginagatungan pa nga ang apoy ng iresponsableng mga pahayag ng lokal na mga opisyal doon upang tingnan ang lahat bilang labanan ng mga Muslim at Kristiyano hindi tuloy malayong mauwi sa banal na pakikidigma o jihad ang pakikibaka ng kapatid nating mga Muslim tungo sa kanilang mithiing pamahalaan

ang kanilang sarili sa pamamaraang angkop sa kanilang mga pangangailangan at kultura at pangalagaan at pakinabangan, higit sa lahat, ang likas na yaman ng lupain nilang katutubo na pinagpapasasaan lamang ng mapandambong na interes ng iilang piling grupo ng mga tao. Sa maikling salita, hindi dapat laruin lamang at guluhin ng pambansang liderato ang usapin ng Bangsamoro o gawin lamang itong instrumento ng kanilang makasarilit gahamang interes sa kapangyarihan. Kapag nagkataon, higit na magiging masalimuot ang lahat at hindi kayang lutasin maging ng susunod na rehimen kung mauwi sa jihad ang lahat. Kung dahas pa rin ang itutugon ng pamahalaan sa lehitimong mithiin ng mga Muslim sa Mindanaw, panahon na marahil na maunawaan ng pambansang liderato ang napakahaba nang kasaysayan ng kanilang banal na pakikidigma o tinatawag na jihad. Sa simula pa ng kasaysayan ng Islam, kakambal na nito ang pakikidigma. Sinakop ng propetang si Mohammed ang Mecca sa pamamagitan ng dahas. Nakipaglaban siya sa siyam na pakikidigma at iniutos ang marami pang ibang mga pakikipaglaban. Nang idikta niya ang mga nilalaman ng Koran, malinaw na inilahad na makatuwiran ang armadong jihad bilang kasangkapan ng ebanghelismo, bagaman ipinahihintulot din ang di-marahas na jihad sa pamamagitan ng puso, dila at kamay. Pinagkaisa noon ng bagong pananampalatayang ito na tinatayang halos milyon na ngayon ang mga tagasunod ang marahas na mga tribong Bedou ng peninsulang Arabiano, at sila ang naging panagupang tropa sa mga pakikidigma para sa Islam. Matapos mamatay si Mohammed noong taong 632, naglunsad ng sunud-sunod at waring walang katapusang mga jihad ang mga kalipang humalili sa kanya, una laban sa mga tribong tumalikod sa Islam at pagkatapos ay laban sa mga kanugnog-bansa. Mabilis na nasakop ng hukbong Bedou ang Syria, Iraq, Palestina, Ehipto at Persia (Iran ngayon). Isinulong ang jihad hanggang Hilagang Aprika at Espanya at nasugpo ang paglaganap noong 732 sa napabantog na labanan sa Tours, Pransiya. Noong mga unang taon ng 1900, sa pamamagitan ng madugong mga jihad, nanalasa ang hukbong Wahhabi Bedou, minasaker ang mga kalaban ng Islam, hanggang maitayo nila ang makabago ngayong kaharian ng Saudi Arabia. Bago ito, sa ibang panig ng mundo, dumanak din ng dugo dahil sa mga jihad. Noong mga 1880, sa rehiyong Nile ng Sudan, ipinoroklama ni Muhammad Ahmad ang sarili bilang Mahdi o pinapatnubayan ng banal na espiritu at nagdeklara siya ng jihad laban sa mga hindi nananampalataya at dinurog ng kanyang puwersa ang 10,000 sundalo ng hukbo ng Ehipto, nilipol pagkatapos ang mga nagtanggol sa Khartoum, kabilang ang Ingles na heneral na tinawag na Chinese Gordon. Pagkamatay ni Ahmad, itinuloy ng pumalit sa kanya ang banal na pakikidigma hanggang talunin ng magkasanib na hukbong Ingles-Ehipto ang puwersa nito. Sa loob lamang ng isang araw, 20,000 Mahdista ang napatay ng isang pangkat ng naturang hukbo na nasa ilalim ni Sir Herbert Kitchener at ng isang batambatang opisyal na si Winston Churchill dahil sa kanilang mga baril na Maxim o machine gun ngayon. Batay sa nabanggit na kasaysayan ng mga jihad, dahas pa rin ba ang itutugon ng pamahalaan sa lumulubhang usapin ng Bangsamoro? Lubhang napapanahon na nga na matapat na harapin ng pambansang liderato hindi laruin at gawing tuntungan ng makasariling mga interes ang

pakikipagnegosasyon sa MILF upang malutas ang deka-dekada na ring rebelyon ng mga Muslim sa Mindanaw. Higit sa lahat, hindi dapat ipinta sa mata ng sambayanan ng ambisyosot bastardong mga pulitiko na tunggalian ito ng Muslim at Kristiyano upang hindi mauwi sa jihad ang lahat. Panahon nang aminin, at lunasan ng mga kinauukulan, na nag-ugat ang lahat-lahat sa kapabayaan at kainutilan ng pamahalaan na isulong ang kaunlaran ng Mindanaw noon pa man. Mananatiling nakabalandra ang mukha ng rebelyon doon hanggang biktima ng karalitaan at inhustisya ang kapatid nating mga Muslim sa naturang rehiyon. (Kolum)

B ulkan g So s yal Ang B an sa July 28, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) MGA ILANG dekada na ang nakararaan, maraming mga palaaral sa lipunan at pulitika ang naghambing sa bansa sa isang bulkang sosyal na maaari diumanong sumabog anumang oras kagaya ng Mt. Pinatubo kahit mga 600 taon na itong natulog. Mula pa sa nagdaang mga rehimen dahil sa napakasamang kalagayang panlipunan, lalo na sa panahon ng diktadurang Marcos, kung sinu-sino na ang humula na puputok na sa wakas ang naturang bulkang sosyal kapag hindi nabago ang grabeng kalagayang panlipunan, pampulitika man o pangkabuhayan. Katunayan, sa isang artikulo ng yumaong Teodoro M. Locsin, Sr. ng Philippines Free Press, nilinaw niyang inihambing na noon ni Claro M. Recto namayapa na rin at kinilalang makabayang senador noon ng Republika ang pambansang kalagayan sa umiral na mga pangyayari sa Cuba bago nagkarebolusyon doon na pinamunuan ni Fidel Castro at nagbagsak sa malupit at mapagsamantalang rehimen ni Fulgencio Batista. Sa isang artikulo rin sa Readers Digest ni Carl Rowan, dating direktor ng US Information Agency, binigyang-diin niya na kagaya nga ng Cuba ang Pilipinas bago napatalsik sa poder si Batista. Ano ang mga kalagayang umiiral noon sa Cuba na masasabing namamayani rin ngayon sa Pilipinas? Sabi nga ni Rowan: ang pagwawalang-bahala ng naghaharing-uri, ang pagkakaroon ng mga subersibo at gerilya sa kabundukan, ang patuloy na pag-ungol ng disgustadong mga estudyante at intelektuwal sa mga siyudad. Idinagdag pa niya na napakaliit ng minoryang mahigpit na pumipisil o kumokontrol sa kayamanan at pulitika ng bansa at nagigising na ang masa, ang sambayanan, sa katotohanang ito. Nakikita na ng mga mamamayan, ayon kay Rowan, ang kasalanan ng isang oligarkiyang gumagamit ng katiwalian, at umuupa ng mga mamamatay-tao, para makapanatili sa kanilang pribilehiyadong katayuan. Kung hindi diumano mababago ang masamang kalagayang ito, kung hindi diumano magigising ang naghaharing-uri sa mga pangangailangan ng masa, dagdag niya, maaaring magkaroon ng malaking gulo sa bansa.

Pero bakit hindi pa nga pumuputok ang bulkang sosyal? tanong noon pa man ni T. M. Locsin, Sr.

nabago na ng kasalukuyang rehimen ang napakasamang kalagayang panlipunan at kontento na ang sambayanan? Sinasabing lalo pa ngang naging malaganap ang karalitaan ngayon. Mga 85% ng sambayanan ang talagang pobre at lubhang miserable na ang pamumuhay. Hindi na maikakailang marami sa kanila ang kulang sa masustansiyang pagkain, nagtitiis sa kanin at asin o lugaw na hangin ang ulam. Marami sa kanila ang walang bahay, walang lupa, walang-wala, at nakikisiksik sa nagsisiksikan nang mga barungbarong sa mga suluk-sulok ng lungsod habang, sa kabilang banda, nagtatampisaw sa kayamanan ng bansa ang dayuhang mga negosyante, ang bastardong mga pulitiko, ang iilang grupo ng maimpluwensiyat mapribilehiyong Pilipino. Katunayan, batay sa pananaliksik ni John Doherty Amerikanong Heswita isang ikalimang (1/5) bahagi lamang ng populasyon ang nakikinabang sa 50% ng pambansang kita at 60 pamilya lamang, ayon naman sa manunulat-mananalaysay na si Stanley Karnow, ang kumokontrol sa kabuhayan ng bansa. Bunga ng naturang katotohanan, bukod pa sa mapaminsalang galamay dito ng imperyalismong Amerikano, hindi na dapat ikagulat kung manatiling busabos ang malaking bahagi ng sambayanan, ang 85% ng populasyon na halos kumain-dili. Hindi na rin katakatakang lalong lumaki ang agwat na naghihiwalay sa mayaman at sa mahirap at lalo pang maghirap ang milyun-milyong maralitang Pilipino. Sa kabila ng mayabang na ipinangangalandakan ng mga tambolero o propagandista ng kasalukuyang rehimen na magandat papaunlad ang buhay ng mga mamamayan at ang ekonomiya ng bansa, hindi na kailangan marahil ng sinuman ang may mataas na gradong salamin upang makita ang tumitinding mga kontradiksiyon sa ating lipunan. Mahirap nang mapasubalian ang katotohanang patuloy na lumalaganap ang kawalang-trabaho o disempleyo, patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo nang walang kaukulang pagtaas sa suweldo lalo na ng ordinaryong mga manggagawa. Patuloy na tumataas ang mga buwis, at nag-iimbento pa ng mga bago, patuloy na bumabagsak ang halaga ng piso kontra dolyar habang patuloy namang ibinabaon sa utang ang bansa kaya patuloy at patuloy ngang nagiging miserable ang kalagayan ng masang sambayanan. Malinaw nang nailarawan ng yumaong Senador Benigno Ninoy Aquino, Jr. sa isa niyang pagtatalumpati sa Amerika noon ang naturang marawal na pambansang kalagayan. Bagaman ang katayuan ng bansa sa ilalim ng diktadurang Marcos ang tinutukoy niya noon, kapansin-pansin na parang wala ngang ipinagbabago ang mga problemang pangkabuhayan at pampulitika o panlipunan ng bansa magpahanggang ngayon. Sinabi ni Ninoy Aquino: Ang Pilipinas ay isang lupain ng nakalilitong pagkakaiba. Narito ang isang lupaing iilan ang labis na mayaman habang lubos na nagdaralita ang masa. Narito ang isang lupaing ang kalayaan at mga biyaya nito ay totoo lamang para sa iilan at isang ilusyon lamang o pangarap para sa nakararami. Narito ang isang lupaing nananalig sa demokrasya ngunit pinatatakbo ng isang matibay na plutokrasya. Narito ang isang lupain ng pribilehiyo at ranggo isang republikang diumanoy para sa

pagkakapantay-pantay pero sinasalaula ng isang sistema ng pag-uuri-uri.

Idinagdag pa niya na ang pamahalaan nitoy halos bangkarote sa pananalapi at ang mga sangay nitoy pinaghaharian ng mga utang at katiwalian at, higit sa lahat, bagsak ang mga industriya. Sa kabila ng lahat, binigyang-diin ni Ninoy, wala namang pagpaplanoing pangkabuhayan, walang pagtatangkang paunlarin ang ekonomiya, kung kaya nanlulupaypay ang mga Pilipino nakakulong sa kawalang-pag-asa, walang layunin, walang disiplina, at walang pagtitiwala sa sarili. Sabi niya, itoy dahil na rin sa ating mga lider na nangangalandakan ng pagmamahal sa bayan ngunit, sa katotohanan ay higit ang pagmamahal sa kani-kanilang sarili. Pero bakit hindi pa nga pumuputok ang bulkang sosyal? tanong nga noon pa man ni Locsin. O hindi pa totoong miserable ang sambayanan? Maaaring kontento pa nga ang sambayanan at nakangingiti pa sa kanilang kabusabusan. Ikinakatuwiran ng mga palaaral sa pulitika na ang sambayanang Pilipino ay hindi naman kasing miserable ng sambayanang Ruso bago ibinagsak ng mga Bolshevik, sa pamumuno ni Vladimir Ilyich Ulyanov o Lenin, ang rehimeng Tsarista ng mga Romanov sa Rusya. Hindi rin sila diumano kasing miserable ng sambayanang Tsino bago naluklok sa poder ang rehimeng Komunista nina Mao Tsetung. At, ayon noon kay Locsin, lalong hindi sila napakamiserable kagaya diumano ng milyun-milyong taga-India na hindi naman naghimagsik laban sa kanilang sistema sosyal at sa gobyernong dahilan ng kanilang pagkamiserable. Kung hindi pa nga ganap na miserable at kahabaghabag ang sambayanang Pilipino, bakit nga ba magagalit at maghihimagsik? dagdag na tanong pa ni Locsin. Sa punto ng mga konserbatibo, totoong patuloy na yumayaman ang mayaman at talagang lalong naghihirap ang mahirap dahil kontrolado nga ng iilang pamilya ang ekonomiyat pulitika ng bansa habang, sa kabilang banda, patuloy pang hinuhuthot ng mga dayuhan pero, sa bawat panahon, anuman ang dumating na rehimen, nakasanayan na daw ng masang sambayanan ang kahirapan at kilalang-kilala na nila ang mukha ng karalitaan. Kung totoo mang binubusabos ng mga kapitalista sa dambuhalang mga pabrikat korporasyon ang mga manggagawa, o kung inaalipin man ng mga propiyetaryot asendero ang mga magsasaka, may trabaho pa naman daw sila kahit papaano at higit daw mahirap ang wala silang pinagkakakitaan lalo na ngayong laganap ang disempleyo. Kung hindi man daw sapat ang kanilang suweldo o kinikita sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo bigas man o mais, tubig man o kuryente, sabon man o mantika may kinikita pa rin daw sila kahit paano. Makabibili pa rin daw sila ng kapet ilang pandesal na pantighaw sa kumakalam na sikmura. Kahit malimit na hindi na sila kumakain nang tatlong beses sa maghapon, kahit kamotet mais, kahit lugaw at asin ang kanilang kinakain, ang mahalaga daw ay may kinakain pa rin sila at sanay naman silang kumain ng kahit ano, basta puwedeng kainin. Kung mataas man daw ang pasahe sa mga sasakyan, puwede daw naman silang maglakad na lamang dahil hindi pa naman sila pinuputulan ng mga paa. Kung sa dampa man daw sila nakatira, o sa mumurahin at masikip na entresuwelo, o sa mga barungbarong sa mga suluk-sulok ng lungsod, o natutulog na lamang sa mga bangketa, sa mga kariton at mga damuhan ng parke, ang mahalaga daw ay may natutulugan pa rin sila

at puwede bang lumikha ng bata. Kung nagdaramit daw sila ng animoy basahan, kung hindi man daw nila mapag-aral ang kanilang palabuy-laboy na mga anak, kung anuman ang lahat ng kahirapang ito, ang mahalaga daw ay nabubuhay pa rin sila kahit ipinagkakait sa kanila ng tiwaling lipunan ang karapatang mabuhay nang parang tao sa ilalim ng isang tunay na hustisya sosyal. Bakit nga ba magagalit pa? tanong ng mga konserbatibo. Matitiis pa naman daw, marahil, ang lahat-lahat. Ayon nga sa artikulo ni T. M. Locsin, Sr. noon, nariyan pa naman ang Simbahan kung saan puwedeng magdasal kahit minu-minuto, oras-oras o araw-araw. Baka nga mahabag din ang maawaing langit at kahit hindi kami naniniwala sa mga milagro, baka bigla ngang umulan ng bigas at talong na may kasama pang bagoong, ng damit at pera para sa sambayanang dayukdok. Isa pa, sabi ng mga relihiyosong nag-uunan ng Bibliya, mapapalad daw ang mga maralita. Mas matindi diumano ang paghihirap nila sa lupa, mas malaki daw naman ang kanilang gantimpala sa kalangitan. Hindi na bale daw na maghirap, magtiis at magsakripisyo sila nang husto sa lupa sapagkat, sa kabilang banda, puro kaligayahan naman daw ang naghihintay sa kanila sa sinasabing kabilang-buhay walang gutom, walang uhaw, at buhay na walanghanggan bastat manuntunang lubos sa mga aral ni Kristo. Puwede ngang tiisin ang lahat kung gayon. Nariyan din daw ang kalayaan sa pamamahayag at binubuhay nito diumano ang ilusyong may kalayaan. Sabi nga, huwag lamang libelo, pinahihintulutan daw ang sambayanang ipahayag ang anumang pagtuligsa sa masamat tiwaling administrasyon, batikusin man ng maaanghang na mga salita ang kinauukulang mga opisyal o isumpa man ang umiiral na sistema sa lipunan. Kahit kontrolado ng mga hari-harian sa lipunan ang mass media radyo, diyaryo at telebisyon iplnahihintulot naman daw ang mga pagtuligsa upang mabawasan sa pamamagitan nito ang galit ng sambayanan. Pero, kaiingat, kung banta na ito sa katatagan o kapangyarihan at kaayusan ng uring naghahari-harian, malamang na ipasara ang mga iyon tulad noong rehimeng Marcos. Maaaring ipakulong pa o ipapatay ang masusugid na kritiko ng nakasusulukasok na rehimen. Bakit nga ba maghihimagsik kung puwede namang malayang ipahayag ang matinding galit? muling tanong ng mga konserbatibo. Nariyan naman daw, isa pa, ang sinasabing demokrasya. Kahit hindi nga nababago ang tiwaling balangkas ng lipunan, ipinahihintulot daw naman nito na makapamili ang sambayanan ng mga manunungkulan sa gobyerno kahit pare-pareho naman, kung tutuusin, ang pagpipilian. Mapapalitan diumano ang isang masamat abusadong rehimen at maparurusahan ang mapagsamantalang mga opisyal. Sa pamamagitan daw ng eleksiyon, maipahahayag ng sambayanan ang kanilang galit at pagkasuklam sa bisa ng balota laban sa mga lider na nagpapakabundat sa kapangyarihan at nagbabasura lamang sa tunay na pambansang kapakanan. Sa bawat eleksiyon, nagkakaroon daw ang sambayanan ng pag-asang bubuti rin, sa wakas, ang busabos nilang buhay at magiging maganda nat maunlad ang pambansang kabuhayan. Bakit nga ba maghihimasik, muling tanong ng mga konserbatibo, kung puwede namang parusahan ng mga mamamayan sa bawat eleksiyon ang sinumang salanggapang na lider ng bansa? Pero, sa kabilang banda,

tanong naman ng mga radikal, may totoo bang malinis na eleksiyon sa bansa upang maibandila ang tunay ding damdaming-bayan? Puputok na nga ba ang bulkang sosyal? O talagang hindi pa napakamiserablet kahabaghabag ang masang sambayanan? (Kolum) P akana ng Amer ika? July 17, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez NANG pasabugin noong 1898 ang bapor pandigmang USS Maine sa pantalan ng Havana, Cuba na ibinintang sa mga Kastila, hindi iilang palaaral sa pulitikang pandaigdig ang naghinalang mismong Estados Unidos ang may pakana niyon upang makatuwirang ideklara ng Amerika sa sulsol ng malalaking kapitalista ang giyera laban sa Espanya, lalo na nang mabunyag ang sulat ni Frederick Remington, reporter ng diyaryong Journal ni Hearst, na ipinadala sa Cuba upang kumuha ng mga retrato. Ulo noon ng balita ng Journal sa New York: Sa Wakas Ang Ating Bandila Sa Havana, at parang nahuhulaan ang mangyayari, sinabi sa balita na handa na ang lahat para sa pangwakas na tagpo, at inaasahang mangyayari agad ito. Nang itelegrama ni Remington kay Hearst: Payapa ang lahat dito. Walang gulo. Hindi magkakagiyera agad na itinugon ni Hearst: Basta ibigay mo ang mga retrato at ako ang magbibigay ng giyera. Marami tuloy ang naghihinala magpahanggang ngayon na pakana rin ng Amerika ang malagim na nangyari noong Setyembre 11, 2001 nang banggain ng dalawang eroplanong pampasahero ang Twin Towers ng World Trade Center sa New York na ikinasawi ng mga 3,000 katao. Ibinintang kay Osama bin Laden ang lahat, binansagan itong numero unong terorista, at nagkaroon ng matibay na dahilan si Presidente George W. Bush na relihiyosong ibunsod ang sinasabi nitong giyera kontra sa pandaigdigang terorismo kaya walang patumanggang sinalakay at sinakop ang Iraq sa hinala lamang na may WMD (weapons of mass destruction) si Saddam Hussein at banta ito diumano sa seguridad ng Estados Unidos. At, batay sa mapandigmang utak ni Bush, hindi malayong gawin din nito sa Syria, Iran, Hilagang Korea at iba pang mga bansang kasalungat ng mapandambong na interes ng Amerika ang ginawa, at ginagawa pa nito, sa Iraq at Afghanistan. Dahil nasa negosyo ng industriya ng langis, unang-una, ang pamilya Bush at kilalang mga kaalyado nito, lalo na si Bise-Presidente Dick Cheney, lumilinaw ang katotohanang ginugulo ng Amerika ang Gitnang Silangan hindi upang iligtas ang mundo sa terorismo kundi upang mapagharian iyon at makontrol ang mayamang langis ng rehiyon. Sa kanyang aklat na Stupid White Men, hinihingi tuloy ni Michael Moore na ipaliwanag nang husto ni Bush ang mga sumusunod: Na, kung talagang utak ng Setyembre 11 si Osama bin Laden, paano nito masusubaybayan ang buong operasyon niyon gayong lumilitaw na sinasalinan ito ng dugo sa isang kuweba sa Afghanistan dahil sa sakit sa bato? Na, noong 1979, batay sa ulat ng BBC, nang gobernador pa lamang si Bush, ilang lider ng Taliban ang nagpunta sa Houston, Texas, nakipagpulong sa mga pinuno ng Unocal para sa planong paglalagay ng mga

tubo ng langis sa malaking bahagi ng Afghanistan. Isa sa nagsagawa ng masusing pag-aaral tungkol sa planong iyon ang Enron, ang pinakamalaking taga-suporta ng pondo sa kampanya ni Bush sa pagkagobernador noon at pagka-presidente nang malaon. Isa ang kompanyang Haliburton tagapangulo nito noon si Dick Cheney na bise-presidente ngayon ni Bush ang kontratista niyon. Bakit ipinahintulot ni Bush na makipagpulong sa Texas ang mga kinatawan ng isang diumanoy teroristang gobyerno? Ano ang nangyari sa transaksiyong iyon? Na, makaraan ang ilang linggo matapos ang Setyembre 11, 2001, ayon sa London Times, ipinahintulot ni Bush na lumipad sa himpapawid ng Amerika ang isang pribadong eroplanong mula sa Saudi Arabia upang sunduin at ilabas ng Estados Unidos ang halos dalawang dosenang miyembro at kasama ng pamilya bin Laden. Ni hindi iyon hinarang at inimbestigahan ng pulisya o ng FBI para malaman kung ano ang alam ng mga ito sa naganap na trahedya. Habang maraming eroplano sa Amerika ang ayaw pahintulutan para makalipad, at magulo pa ang lahat, nagawa pa ni Bush na tiyaking ligtas ang mga bin Laden. Bakit iyon ang inuna ni Bush? Bakit espesyal na trato ang ipinagkaloob sa mga Arabo at sa mga bin Laden? Na, mga 15 sa 19 na terorista ng Setyembre 11 ang mula sa Saudi Arabia, pero bakit ang ipinabomba ni Bush ay ang Afghanistan? O napakahirap bombahin ang isang bansang pinagkukunan ng 25% ng gasolina ng Amerika at kinaroroonan ng maraming kasosyo sa industriya ng langis ng kanyang amang si dating Pres. George Bush, Sr.? Tatlong libong buhay ba ang katumbas ng milyun-milyong galon ng gasolina? naitanong tuloy ni Moore. Na, nang matapos ang kampanya ni Bush na makontrol na ang Afghanistan, isang dating kasangguni ng isang kompanya ng langis ang itinalaga ng Amerika na pansamantalang lider doon. Isa ring kasangguni ng kompanyang Unocal ang itinalaga namang bagong embahador sa Afghanistan. Sa loob lamang ng ilang buwan, isang bagong kontrata ang pinagtibay upang ibaon sa Afghanistan ang kinakailangang mga tubo ng langis. Ngayong nakuha na ni Bush ang gusto niya, panahon na, ayon kay Moore, na pauwiin na ang tropang Amerikano mula sa naturang bansa. Ano naman kayang pakana ang gagawin ni Bush at ng Amerika sa Pilipinas ngayong lumilitaw na naglipana sa bansa ang maraming espiyang Amerikano? Ito ang dapat ding puspusang bantayan ng mga puwersang makabayan at progresibo. Kolum, Pebrero 2, 2005 P anghi hi ma so k n g mga Amer ika no July 7, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) SAMANTALANG nakatakdang idaos sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto ang susunod na talastasang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at ng gobyerno ng Pilipinas, kadudadudang isasagawa naman ng puwersang Amerikano-Pilipino sa katapusan ng Hulyo sa Carmen, Hilagang Kotabato ang pagsasanay militar na binansagang Balance Piston kontra terorismo. Ayon kay Admiral

Thomas Fargo, kumander ng US Pacific Command, isa lamang ito sa serye ng gagawing mga pagsasanay upang mapahusay ng mga sundalong Pilipino ang kanilang kakayahang labanan at puksain ang mga terorista. Dahil sa bagay na ito na malinaw na dikta ng mga diyus-diyosang Amerikano at pikit-mata namang nakaugaliang lunukin ng pambansang liderato, hinihinalang sa halip na malunasan ang inaamag nang mga problema sa Mindanaw at magkaroon ng tunay na kapayapaan doon, baka lalo pang sumiklab ang mga karahasan at tumindi ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng puwersa ng MILF. Kahit, sa kabilang banda, binigyang-diin ni Lt. Col. Daniel Lucero, tagapagsalita ng militar, na walang dapat ikabahala diumano ang mga mamamayan sa naturang rehiyon, marami na ang nagsasabing hindi malayong mabiktima ang inosente at kaawa-awang mga sibilyan na hindi miminsang napatunayang malimit mangyari sa mga operasyong militar sa ibat ibang panig ng kapuluan. May mga senyales ding baka gawing munting Iraq ng Estados Unidos ang Mindanaw. Kahit wala pang matibay na batayan, gaya rin nang pagbintangan nitong nag-iingat ng mga sandatang lubos na mapamuksa (weapons of mass destruction) ang rehimen ni Saddam Hussein, ibinibintang naman agad nitong nakikipagugnayan ang MILF sa internasyonal na mga organisasyong sinasabing mga terorista, lalo na sa Jemaah Islamiya na nakabase sa Indonesia at nasa ilallim diumano ng Al-Qaida ni Osama bin Laden. Nasabi tuloy ni Eid Kabalu, tagapagsalita ng MILF, na lumang tugtugin na ang ipinaparatang sa kanila. Kaugnay nito, ilang araw lamang ang nakararaan, napabalitang pinuntahan ng ilang opisyal ng USIP (United States Institute of Peace) ang pangunahing mga lider ng MILF. Isang pederal na institusyong hindi diumano partisano ang USIP, pero ang mismong Presidente ng Amerika ang nagtalaga sa lupon ng mga direktor nito kalakip ang kompirmasyon ng Senado. Kasama pa ng dalawang pinuno ng USIP si Joseph Saus, pampulitikang oplsyal ng Embahada ng Amerika dito, nang kausapin nila sina Mohagher Iqbal, tagapangulo ng lupong pangkapayapaan ng MILF, at ang mga abogado nitong sina Lanang Ali at Michael Mastura. Kahit pangunahing layunin diumano ng USIP ang mapayapang paglutas sa pandaigdig na mga tunggalian, hindi maiiwasang hinalaing instrumento ito ng imperyalistang mga patakaran ng Estados Unidos, gaya rin ng iba pa nitong nakamaskarang mga ahensiya tulad ng USAID at Peace Corps. Batay sa ulat, maliwanag na kinausap nina Dr. Astrid Tuminez ng USIP, kasama pa nga si Joseph Saus, ang mga lider ng MILF kaugnay ng bintang na nakikipag-ugnayan ang MILF sa Jemaah Islamiya at Al-Qaida na pawang tinatakang terorista. Dahil sa naturang paratang na tiyak na sasangkalanin ng Amerika para pakialaman o panghimasukan ang tunggalian sa Mindanaw at lalong salaulain ang soberanya ng bansa, hindi nga malayong igiit nito ang mapaghari-hariang mga patakarang lalong ikalulubha pa ng mga problema doon gayong, kung tutuusin, ayon na rin kay Eid Kabalu, bumabagal lamang ang negosasyon para sa kapayapaan dahil sa hindi pagtupad ng gobyerno ng Pilipinas sa mga napagkasunduan na, tulad unang-una ng pag-atras ng tropa ng pamahalaan sa Buliok Complex.

Sapagkat pumapapel na siga-sigang pulis ng mundo ang Amerika sa ngalan ng ipinangangalandakan nitong demokrasyang angkop sa kanyang makasariling mga interes, hinding-hindi na nga yata ito magbabago sa kanyang pagiging likas na pakialamero kahit sariwa pa sa alaala ang mga aral ng kasaysayan sa kahihiyang inani nito sa Vietnam at, gayundin, sa nilulunok nitong negatibong mga karanasan ngayon sa Iraq. Nang magsimulang makialam ang Amerika sa giyera-sibil sa Vietnam sa panahon ni dating Presidente John F. Kennedy at puspusang isinubo doon ang kanyang puwersa militar sa udyok ng malalapit na tagapayong sina Robert McNamara, Dean Rusk at McGeorge Bundy para mapangalagaan diumano ang demokrasya, untiunting nalubog sa kumunoy ng kahihiyan ang Estados Unidos hanggang sa manahin pa ng sumunod na mga administrasyon nina Lyndon Johnson, Richard Nixon at Gerald Ford ang isang giyerang lubos nitong pinanghimasukan. Sa kabila nga ng bilyun-bilyong dolyar na ginasta doon ng Amerika, sa kabila ng superyor nitong mga kagamitang pandigma at 500,000 sundalo, bukod sa tropa ng Timog Vietnam at iba pang mga kaalyado, hindi matanggap ng Amerika magpahanggang ngayon kung bakit noong Abril 20, 1975, bumagsak ang Saigon at nasakop ng mga Vietcong kaya tutop ang puwit na iniwan iyon ng mga Amerikano, tumakas pauwi kasama si Embahador Graham Martin at Frank Snepp ng CIA, gayundin ang inilikas na kaalyadong mga 50,000 Vietnamese. Malinaw na nakatanim sa kamalayang Amerikano ang hindi malunok na kahihiyan kung bakit ang isang bansang kinikilalang napakamakapangyarihan ay parang mabagsik na asong pinatakbo lamang ng isang pusa. Nasabi tuloy noon ni dating Presidente Gerald Ford: Isa iyon sa pinakamalungkot na araw sa aking buhay ang makitang ang Estados Unidos ay literal na sinipa at tinalo ng mga North Vietnamese. Isa iyong trahedya sa loob ng aking isipan> Sabagay, hindi naman Vietnam ang Mindanaw, at hindi rin Iraq pero kung talagang lubusang makikipaggiyera ang puwersa ng gobyerno laban sa MILF dahil sa dikta at panghihimasok ng Amerika, tatagal ba itong mantinihin o pondohan ang pakikidigma lalo nat digmaang-gerilya tulad ng ginawa ng mga Vietcong ang isasagawa ng MILF? Hindi maikakaila, bilyun-bilyong piso na ang nagagasta ng gobyerno mula pa nang sumiklab ang mga kaguluhan sa Mindanaw na lumilitaw na wala namang positibong resulta hanggang ngayon. Madurog man ang mga kampo ng MILF, hindi pa rin nangangahulugang tapos na ang tunggaliang ito, lalot pinapatnubayan ng mga kaisipan at prinsipyong Islamiko ang MILF at hindi malayong suportahan pa sila, armas man o pondo, ng mga bansang naninindigan para sa mga aral ng Islam. Sa halip tuloy na padikta at maging sunud-sunuran ang pambansang liderato sa makasariling interes ng likas na pakialamerong mga Amerikano, makabubuting masusing suriin lalo na ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang ugat ng nagkapatung-patong nang mga problema sa Mindanaw na bunga, unanguna, ng matagal at labis na kapabayaan ng mismong gobyerno sa kapakanan ng naturang rehiyon. Makabubuti rin, di nga kasi, na pag-aralan at isaalang-alang ng kasalukuyang rehimen ang likas na paniniwala, kaisipan at kaugalian o kultura ng mga kapatid nating Muslim doon tungo sa pangmatagalang solusyon upang maiwasan ang mararahas na hakbang na malinaw na isinusulong ng imperyalistang mga patakaran ng Estados Unidos.

Giyera nga ba o negosasyon? Kolum, Hulyo 21, 2004 Kasib aan ng Amer ika June 30, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez MALALAKI yata ang bituka ng mga tao sa Amerika kaya lamon kung silay kumain, santambak sa plato at sapat nang kainin ng tatlong tao sa nagdaralitang Pilipinas. Kalimitang mulang $8 hanggang $15 ang tanghalian o hapunan ng bawat isa sa isang buffet na nakadadalawa o tatlong balik sila at itinatapon lamang ang sobrang pagkain kapag bundat na bundat na. Gayon din ang kasibaan ng Amerika sa pagsasamantala nito sa ekonomiya ng maraming bansa sa loob ng ilang dekada. Matapos ang unang bugso ng agresyon nito at pagsalaula sa soberanya ng Iraq, naglalaway na agad ito sa Syria at iba pang mga bansa sa Gitnang Silangan tulad na lamang ng Iran at Jordan. Laging isinasangkalan ang pagdurog sa nakakukulili nang WMD (weapons of mass destruction) o mga sandatang lubusang mapamuksa, samantalang wala namang makitang malinaw na mga ebidensiya hanggang ngayon sa Iraq. Tinutugis din nito diumano ang sinasabing mga terorista kahit marami ang mga makabayan lamang at tumututol at lumalaban sa mapandambong na mga patakarang pangkabuhayan at pampulitika ng Amerika kaya, sa ating bansa, puspusan nitong isinusulong ang Balikatan sa Sulu man o Mindoro o iba pang lugar na agad namang sinasakmal at nilulunok ng papet na rehimen ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Gaya rin ng naunang mga papet na rehimeng minaniobra ng Amerika sa Pilipinas, malinaw na isa ring tautauhang gobyerno ang gusto nitong pairalin sa Iraq upang pasunurin sa makasarili nitong mga interes pampulitika man o pangkabuhayan at, sa wakas, makontrol nito ang bilyun-bilyong dolyar na industriya ng langis sa Iraq. Tiyak, hindi papayag ang makabayang mga Iraqi na kontrolin ng sinumang dayuhan ang kanilang bansa kaya, ngayon pa lamang, tumitindi na ang mga protesta upang palayasin ang mga Amerikano doon. Nang itatag ni Michel Aflaq noong 1968 ang Partido Sosyalistang Baath makaraang ibagsak ang monarkiya sa pamamagitan ni Gen. Abdul Karim Kasim, ang sekularista at makabayang ideolohiya ang naging pangunahing gabay ng Iraq. Naniniwala silang ang kanilang bansay isang bansang Arabong may walanghanggang misyon batay sa ideyang isang bansa lamang ang ibat ibang bansang Arabo sa kabila ng pagkakahati-hati ayon sa kasalukuyan nitong kasaysayan. Ninanasa rin nitong maibalik ang kadakilaan at luningning ng lumipas na mga imperyong Umayyad at Abbasid. Kung susuriin ang naunang kasaysayan ng Iraq, tigib iyon ng maraming pagsakop ngunit mulit muli ring pakikilaban upang mabawi sa kamay ng dayuhang puwersa. Halimbawa na lamang ang matagal na nitong pakikipag-iringan sa Persia ngayoy Iran dahil sa pagtatalo sa hangganan ng teritoryo. Noong 1508, sinakop ang Iraq ni Shah Ismail ng Persia, ngunit nabawi ni Sultan Salim I matapos ang labanan sa Jaldiran noong 1514. Muling sinakop ito ng Persia noong 1529 pero nabawi noong 1543 ng Ottomang Sultan

Sulaiman. Matapos ang tratado ng Amassia noong 1555 na tumagal lamang ng 20 taon muli itong pinagharian ng Persia at napalaya naman ni Sultan Mudrad IV noong 1638 matapos makuha ang Baghdad. Sa pamamagitan ng tratado ng Zuhab noong 1639, pansamantalang natigil ang labanan ng dalawang bansa ngunit sumiklab na naman noong 1890 hanggang ngayon. Pinalala pa ito ng CIA ng Amerika nang ibagsak sa Iran ang makabayang rehimen ni Dr. Mohammed Mossadegh at iluklok sa kapangyarihan ang tau-tauhan nitong si Shah Reza Pahlavi na pinatalsik nang malaon ng rebolusyong pinamunuan ni Ayatollah Ruhollah Khomeini. Batay sa mga nabanggit, tiyak na mahihirapan nga ang Amerikang tuluyang pagharian ang Iraq. Nagaganap na ngayon at magpapatuloy ang paggamit ng makabayang mga Iraqi ng taktikang gerilya laban sa mapanakop na puwersang Amerikano-Ingles. Hindi pa nga nito ganap na kontrolado ang Iraq, pinupuntirya na ring lamunin ang Syria at pinagbibintangan nang nag-iingat ng WMD at kumukupkop sa diumanoy mga terorista kaya lalong papangit ang imahen ng Amerika kapag isa-isang tinarget ang mga bansang Arabo, ayon kay Presidente Mubarak ng Ehipto. Lalong gugulo ang buong Gitnang Silangan, ayon naman kay Kofi Annan, sekretaryo-heneral (dati) ng UN (United Nations). Sa kabilang banda, mukhang talagang mahirap mahadlangan ang kasibaan ng Amerika maging ng UN (United Nations). Nang ilunsad ang UN sa Opera House sa San Francisco, California noong 1945 sa layuning maiwasan ang digmaan ng mga bansa, kontrolado naman ito ng Amerika magpahanggang ngayon dahil 25% ng trilyun-trilyong dolyar nitong pondo ang nanggagaling sa Estados Unidos. Ayon nga kay Prof. Ernest van den Haag ng Fordham University sa pakikipagdebate noong 1987 kay John P. Conrad, matagal nang inutil ang UN na mahadlangan ang anumang di-makatao, di-makatarungan at mapaminsalang agresyon ng Amerika sa alinmang bansang gusto nitong lamunin, kaya nananatililamang na instrumento ng imperyalistang mga patakaran ng Amerika ang UN. Sa takbo ng mga pangyayari, hindi malayong magkaisa laban sa Amerika hindi lamang ang mga bansang Arabo, kundi maging ang mga bansang nabibilang sa Third World, upang magsilbing pinakamalaking bikig sa lalamunan ng Estados Unidos na tuluyang susupil sa kasibaan nito. Kolum, Abril 23, 2003 Amerika Nga yo n Ang R o ma No o n June 23, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) HINDI NA bago ang panghihimasok ng Estados Unidos sa soberanya o kasarinlan ng mga bansang gusto nitong pagsamantalahan sa Asya man o Gitnang Silangan, sa Amerika Latina man o Aprika, o maging sa Europa. Sa Pilipinas na lamang, nagsimula ang garapal nitong pagsalaula sa kasarinlan ng bansa matapos ang kolonyalismong Kastila at, makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lalong sumidhi ang pakikialam nito o panggugulo sa ibat ibang bansa maisulong lamang ang mapaghari-harian at mapandambong nitong mga interes.

Dahil sa katotohanang ito, naihambing na ni Joseph Schumpeter (Imperialism and Social Classes) noon pa mang 1919 ang Estados Unidos sa dating makapangyarihang imperyong Romano. Ayon sa kanya, at malinaw ang pagkakahawig, laging sinasabing nanganganib diumano o sinasalakay ang interes ng Roma sa anumang sulok ng mundo. Kung hindi man ang kapakanan ng Roma ang nasasangkot, idinadahilang interes naman iyon ng mga kaalyado nito; at kung walang mga kaalyado ang Roma, mag-iimbento ng mga kaalyado. Kung malinaw na imposibleng maipakana ang gayong interes ano pa kundi ang idahilang ang pambansang karangalan ang nainsulto o nakataya. Binigyang-diin ni Schumpeter na pinalilitaw na laging legal ang hakbang ng Roma sa anuman nitong pananakop ng ibang mga teritoryo at hindi ito isang paladigmang bansang may militaristang oryentasyon. Nasabi naman ni Arnold Toynbee (America and the World Revolution and Other Lectures) noong 1961 na: Ang Amerika ay lider ngayon ng pandaigdig na kilusang anti-rebolusyonaryo bilang pagtatanggol sa makasarili nitong mga interes. Kagaya siya ngayon ng Roma noon. Laging sinuportahan ng Roma ang mayayaman laban sa mga maralita sa lahat ng dayuhang mga komunidad na napailalim sa impluwensiya nito; at, sapagkat lagi at sa lahat ng dako, nakararami ang maralita kaysa mayaman, isinulong ng patakaran ng Roma ang hindi pagkakapantay-pantay, ang inhustisya, at ang miserableng kalagayan ng higit na nakararaming mamamayan. Sa maraming pagkakataon, napatunayan na nga ang pagiging katulad ng Estados Unidos ng Amerika sa Roma noon. Tingnan na lamang ang ginagawa nito ngayon sa Iraq o balik-suriin ang mga ginawa nito sa Korea at Vietnam, sa Albania at Alemanya, sa Laos at Indonesia, sa Iran at Gitnang Silangan, o sa Costa Rica at Guatemala, o sa iba pang mga bansang malinaw na iniulat ni William Blum sa kanyang aklat na Rogue State. Dahil sa ganitong mga bagay, lubhang kahinahinala tuloy ngayon ang hakbang ng Amerika na palitawing binabawasan nito ang kanyang tropang militar sa ibat ibang bahagi ng mundo, una na sa Europa. Tinawag ang mga base militar nito doon na Lily Pads o Warm Bases na kahit maliit at kakaunti ang tropa, mabisa namang magagamit sa pananalakay sa sinasabing mga terorista o sa mga bansang kakontra ng Amerika dahil sa makabago nitong teknolohiyang pandigma. Sa kabilang banda, pananatilihin naman nito sa Japan ang 47,000 tropang Amerikano doon at pinagsisikapang gawing baseng lohistikal ang Pilipinas. Katunayan, batay sa mga ulat, sa Clark sa Pampanga, at sa Subic sa Olongapo, ibat ibang mga pasilidades na panglohistika ang isinasagawa nito. Sa Gen. Santos sa Mindanaw, nagtatayo diumano ang Amerika ng pantalan sa ilalim ng karagatan, bukod sa paliparan. Pinauunlad din nito ang rampa ng eroplano sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija upang mabisang malunsaran ng panghakot na eroplanong C-130. Kahinahinala rin, samakatuwid, ang tuluy-tuloy na mga pagsasanay-militar ng tropang Amerikano-Pilipino sa ibat ibang lugar ng bansa dahil sa ipinalunok na VFA (Visiting Forces Agreement) sa pambansang liderato noon pa mang rehimeng Estrada. Sabagay, matagal nang naging lunsaran ang Pilipinas ng mga puwersang panalakay ng Amerika, halimbaway sa pinakialaman nitong giyera sibil sa Korea o sa Vietnam nang malaon at, dahil sa disimuladong mga baseng panalakay, hindi malayong madamay na naman ang bansa sa isang giyerang hindi nito giyera, lalo nat pikit-matang nangangayupapa gaya ng rehimen ngayon ni La Gloria ang pambansang liderato sa anumang dikta ng Estados Unidos. Nadamay na nga tayo sa pakikipaggiyera ng Amerika sa Japan dahil sa mga base militar niya dito noon pero, batay sa takbo ng mga pangyayari, hindi natututo sa mga aral ng kasaysayan ang walang gulugod na mga lider ng bansa. At, kung tutuusin, maliwanag na nangyayari ngayon sa bansa ang sinabi noon ng dating Premier Paul Ramadier ng Pransiya: Sa bawat utang na nakukuha natin sa kanila (Amerika), unti-unti namang nawawala ang ating kasarinlan. Sa ginagawang pagbabawas ngayon ng tropang Amerikano sa ibang kontinente, lumilitaw namang nakabalatkayo nitong itinutuon sa Asya ang makapangyarihan nitong puwersa militar at mga kagamitang pandigma. Gaya ng Roma noon, isasangkalan ng Amerikang ibinabahagi nito sa kanyang mga kaalyado sa kapakanan ng mga ito diumano ang kanyang modernong panggiyerang teknolohiya kahit, sa katotohanan, isinusulong lamang nito at pinangangalagaan ang anumang mapagsamantalat mapandambong nitong interes, pampulitika man o pang-ekonomiya, pangmilitar man o pangkultura, upang patuloy itong makapaghari-harian sa mga bansang kakaning-itik lamang nito. Ang Amerika nga ngayon ang siyang Roma noon pero, batay sa kasaysayan, bumagsak din nang malaon ang makapangyarihang imperyong Romano. Kolum, Agosto 25, 2004 P asasalamat at P a ma maa la m June 19, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Editoryal) NANG isilang sa daigdig ng peryodismo ang Pinoy Weekly noong Agosto 7, 2002, sinikap nitong manuntunan sa landas ng katotohanan. Masagasaan man ang interes ng iilang naghahari-harian sa lipunan, hindi nangimi ang PW na ugatin, dalirutin at suriin ang importanteng mga isyung kaugnay ng pambansang kapakanan mulang pagpapakasangkapan ng walang gulugod na pambansang liderato sa mapandambong na dayuhang mga interes hanggang sa talamak na katiwalian sa burukrasya, mulang inhustisya ng uring mapagsamantala laban sa binubusabos na masang sambayanan hanggang sa pagkasugapa, at pag-abuso, sa kapangyarihan ng mga nasa poder. Nanindigan ang peryodikong ito sa diwang makabayan, makatao, mapagmulat, mapagpalaya at progresibo. Naging kakabit ito ng pusod, puso at isip ng uring maralitang patuloy na inginungudngod sa kahirapan at kaalipinan na, higit na masama, patuloy pang sinisikil at sinasalaula ng mga diyus-diyosan ang sagradot lehitimo nilang mga karapatang sibil lalo na kaugnay ng adhikain nilang magkaroon ng pambansang pagbabago sa ilalim ng nakasusukang pambansang kaayusang palsipikado ang kasarinlan at kalayaan, palsipikado ang demokrasyat katarungan, lalo na ang minimithing kaunlaran at hustisya sosyal. Naging kabalikat ang munting diyaryong ito ng mumunting mga pangarap at adhikain ng masang sambayanan mga magsasakat manggagawa o uring inilarawan ng isang makata na kulang sa pera, kulang sa damit, kulang sa kanin, walang lupa, walang bahay, walang-wala dahil lamang kontrolado ng iilang mapagsamantalang grupo ang pambansang pulitikat ekonomiya at tagahimod pa ng pundilyo ng mapambusabos na dayuhang mga interes, ngayon at noon pa man, ang pambansang lideratong laging nagpapanggap na mga makabayan ngunit, sa katotohanan, sila pa ang bentador ng pambansang kapakanan dahil lamang sa masidhi nilang makasariling ambisyon at interes, lalo na ang kasibaan sa kayamanan, pribilehiyo at kapangyarihan. Sa maikling salita, isinulong ng mga nilaman ng Pinoy Weekly sa halos anim na taon ang pambansang kapakanan at interes ng uring patuloy na pinagsasamantalahan at binubusabos ng iilang naghahari-harian sa lipunan. Tandisang isinatinig din nito ang matagal nang adhikain ng masang sambayanan na umiral, sa wakas, ang isang lipunang mapayapa at maunlad, makatao at demokratiko hindi ang uri ng lipunan ngayong nagpapakabundat sa pawis at dugo ng sambayanan ang tiwaling mga opisyal ng pamahalaan, ang mga suwitik na kapitalistat asendero, at ang iba pang nabibilang sa uring mapang-alipin at mapagsamantala. Gayunpaman, dahil sa matinding krisis pang-ekonomiyang umiiral ngayon sa bansa bunga na rin unanguna ng balintunat makadayuhang mga patakarang pangkabuhayan ng kasalukuyan at nagdaang mga rehimen, bukod pa sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis kaya tuluy-tuloy ang pagtaas din ng mga bilihin at serbisyo hindi maiwasang maging biktima rin ng naturang krisis ang diyaryong ito, gaya ng milyun-milyon ngayong mamamayang tuliro nat hindi na malaman kung paano pa mabubuhay sa bawat araw. Nakalulungkot man, kahit tuloy ang Pinoy Weekly Online, ipinababatid ng pamunuan ng peryodikong ito sa madlang mambabasa na matapos ang isyung ito, pansamantala munang ihihinto ang paglalathala nito. Anuman ang mangyari tuluyan mang mawala sa sirkulasyon o muling mabuhay ang Pinoy Weekly ipinaaabot nito ang walang hanggang pasasalamat at maalab na pagpupugay sa lahat ng mambabasang masugid na sumubaybay, tumangkilik, at nakiisa sa matapat, mapanuri at makabayan nitong mga simulain. Sa madlang mambabasa, muli, maraming salamat at paalam muna. Editoryal, June 19, 2008

#Tula KAY LUPIT ISIPIN ANG PAMAMAALAM alam kong matatapos ang lahat sa isang iglap lamang sa isang sandali ng pagkamulat madudurog na parang salamin ang ilusyon ng pagmamahal gayundin ang mapang-akit ng mga ngiti at titig at masuyong haplos sa bisig. alam kong mapapawi ang lahat kagaya ng mga bakas ng paa sa buhanginan o saglit na pagguhit ng kidlat sa kalawakan. kay lupit isipin ang pamamaalam dahil tiyak kong pagkatapos ng lahat dadalawin ako ng mga gunitang magpapakirot sa kaisipan at papaso sa kalamnan susundan akong lagi ng iyong anino sa mga lansangang niyapakan sa mga pook na naging kastilyo ng ating mga katawan paano nga ba mapag-aaralan ang paglimot kung sa bawat sandali ng pag-iisa parang tubig na bumubulwak ang mga alaala? ngunit maalaala mo pa kayo ako sa paglipas ng mga panahon lalo na kung mga dapithapong ang karimlan ay nagpapatindi sa pangungulila at ang kalungkutan ay singlamig

ng mga madaling-araw ng disyembre? maalaala mo pa kaya ako sa paglipas ng mga panahon sa iyong daigdig ng mga pangarap kahit malabo na ang mga larawan at banayad na nangalalaglag at humahalik sa lupa ang mga tuyong dahon ng gunita? maalaala mo pa kaya ang isang lumang balabal na kinailangan sa mga sandaling ang kaluluway nagiginaw sa pagmamahal? kung wala ka na at tuluyang ayaw na akong makita ano pa nga ba ang magagawa kundi yakapin ang pag-iisa at patuloy na asahang sa isang iglap na sandali ng buhay ay muli kang magdaraan kagaya ng musikang paulit-ulit na pinakikinggan kahit humihiwa sa puso at nagpapamanhid sa kaisipan kay lupit isipin ang pamamaalam! T ULAD MO June 18, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez Tulad mo minamahal ko ang pag-ibig, buhay, at halimuyak ng mga bagay, ang bughaw na tanawin ng mga araw ng Enero. At sumisilakbo ang aking dugo tumatawa ako sa pamamagitan ng mga matang

nakakilala sa mga usbong ng luha. Naniniwala akong maganda ang daigdig at ang tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat. At hindi nagwawakas ang aking mga ugat sa aking katawan lamang kundi sa nagkakaisang dugo ng mga nakikibaka para sa buhay, pagmamahal, mabubuting mga bagay, tanawin at tinapay, ang tula ng bawat isa. (salin kay Roque Dalton) Magka ka mo t La ma ng ng P uklo ? June 4, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez HINDI na kayang linlangin o patuloy pang isakay sa tsubibo ng ilusyon ng mga tambolerot salamangkero ng Malakanyang ang masang sambayanan para pilit na papaniwalaing umaasenso ang kanilang buhay dahil umuunlad diumano ang ekonomiya ng bansa, dumarami ang trabaho, nababawasan ang paglaganap ng gutom at karalitaan at nasusugpo, higit sa lahat, ang katiwalian sa pamahalaan. Araw-araw mang ipalabas sa estasyon ng gobyerno sa telebisyon ang estupidong propagandang Ramdam na Ramdam na ng ordinaryong mga mamamayan ang pag-unlad ng kanilang buhay sa ilalim ng naghaharing rehimen, hangal na lamang marahil ngayon o nangangarap nang dilat ang maniniwala sa katumpakan ng naturang buladas ng administrasyon. Bunga ng walang patumanggang paglobo ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa dahil diumano sa pagtaas din ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na pinatataas pa unang-una ng kasuwapangan sa tubo ng mala-kartel na mga korporasyong kumukontrol sa industriya ng langis sa Pilipinas, at idagdag pa ang buwis na ipinapataw ng gobyerno dito (12% VAT), lalong hindi na katakatakang umalagwa naman ang halaga ng kung anu-anong produkto mulang bigas at gatas, manok, baboy at karne, hanggang sabon at mantika, gamot, kondom at pasador. Nakaamba pa nga sa bansa ang muling dagdagpasahe, at maaaring umabot na ng P10 ang minimong singil. Idagdag pa nga ang napakataas pa ring singil sa kuryente dahil na rin sa VAT, bukod pa sa kung anu-anong nakahihilong singil na ipinapapasan ng Meralco sa mga parukyano nito (generation, transmission, system loss, distribution, subsidies, govt. taxes, universal charges, other charges), kaya kung P2,584.31 ang dapat lamang bayarang nakonsumong elektrisidad, aabot iyon ng P5,525.25 (higit sa doble) matapos idagdag ang naturang waring hinokus-pokus o sinalamangkang mga bayarin.

Sa kabilang banda, ano na ang limos na P20 bawat araw na dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Kamaynilaan (P10 P15 sa ibang rehiyon), o 10% dagdag-suweldo sa mga kawani ng gobyerno, upang makahabol ang mga ito sa umaalagwang presyo ng mga bilihin at serbisyo? Higit pa nga nilang gugustuhin tuloy na paalila sa ibang bansa upang mabigyan ng desenteng buhay ang pamilya sa sariling bayang lumilitaw na malupit ang reyalidad nang mabuhay bilang tunay na mga tao sa isang lipunang hindi mabanaagan man lamang ni anino ng lantay na hustisya sosyal. Ano naman, kung gayon, ang ginagawa ng pambansang liderato upang makahinga kahit bahagya ang sisinghap-singhap nang mga mamamayan sa gitna ng umiiral na matindi nang krisis pangkabuhayang sa kanilay sumasakal, bukod pa sa krisis pampulitika (dayaan sa eleksiyon, kredibilidad ni La Gloria, maanomalyang mga kontrata ng gobyerno, katiwalian sa burukrasya, at iba pa) na, tiyak, kung lulubha pa, ay magpapalala sa krisis pang-ekonomiyang ngumangatngat sa sinasabing Matatag na Republika? Sabi nga, matagal nang dapat pinagsikapang ibasura na ng pambansang liderato ang batas sa deregulasyon ng industriya ng langis at puspusang isulong naman ang pagsasabansa o nasyonalisasyon nito, gayundin ang iba pang mahalagang mga industriya, alang-alang sa pambansang kapakanan.Ang hirap nga, nakatali pa ang mga ito, lalo na si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, sa asintos ng globalisasyong idinidikta ng mapandambong na interes ng imperyalistang mga bansang tulad na lamang ng Amerika. Habang nagpapakabundat sa nakukulekta namang VAT at iba pang buwisang mga hari-harian sa burukrasya at kinauukulang mga mandurugas at mangungulimbat sa pondo ng bayan, titiguk-tigok naman ang lalamunan lalo na ngayon ng milyun-milyong masang sambayanan at hindi matiyak, araw-araw, kung buhay pa sila kinabukasan dahil sa gutom at labis nang karalitaan. Sa Mindanaw na lamang na itinuturing pang basket ng pagkain, napaulat kamakailan na marami na rin ang nagugutom dahil sa napakamahal nang presyo ng mga bilihin unang-una na ang bigas, isda, manok at pangunahing mga pangangailangan. Batay nga sa hinihingi ng makabayang mga sektor ng lipunan, dahil sa tumitinding krisis pang-ekonomiya sa bansa, marapat lamang na alisin muna ng gobyerno ang VAT, lalo na sa kuryente at mga produktong petrolyo o langis. Ayon sa pagsusuri ng Kontra KulimVAT, kung ibabasura ang nasabing buwis, mababawasan ng P5 P6 bawat litro ang presyo ng krudo at gasolina, ng P69 ang isang tangke ng LPG, at mga P0.72 bawat kwh (kilowatt-hour) ng kuryente. P18-B sa langis lamang ang inaasahang makukulekta ng gobyerno ngayon dahil sa VAT; noong 2006, nakalikom ito ng P76.9-B kasama ang ibang produktong sakop ng VAT; at mga P113-B noong 2007. Naiukol ba naman ng gobyerno ang naturang nakulektang buwis sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang serbisyong panlipunang lubhang kailangan ng mga mamamayan? O nakulimbat lamang ang malaking bahagi ng kinauukulang mga mandarambong sa burukrasya dahil, batay sa pagsusuri, mga 30% ng pambansang badyet ang nilalamon ng katiwalian taun-taon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan? Dahil sa napakataas nang presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo, at ginigiyagis na ng matinding krisis pangkabuhayan ang milyun-milyong ordinaryong mamamayan at sukdulang naghihimagsik na ang

mga sikmura, magagawa pa kaya ng pambansang liderato na magkamot na lamang ng puklo at unahing atupagin ang pagkagahaman sa poder at kayamanan ipagkanulo man ang pambansang kapakanan? O hihintayin pa nilang malunod sila sa daluyong ng mga protesta? Editoryal, June 04, 2008 Mga Amerika nista ng T aksil sa B a yan May 30, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez MATAPOS ideklara ni Hen. Emilio Aguinaldo ang sinasabing kasarinlan ng bansa noong Hunyo 12, 1898 sa balkonahe ng kanyang mansiyon sa Kawit, Kabite makaraang makalaya sa kolonyalismong Kastila at nang luminaw ang gahamang layunin ng Amerikang sakupin at pagsamantalahan ang Pilipinas, marami agad ang bumalimbing sa uring ilustradot elitista, ipinagkanulo ang kapakanan ng masa, pinagtaksilan ang pambansang soberanya at naging garapalang Amerikanista. Pinangalagaan ang oportunistang mga interes, humimod agad sa tumbong ng Amerika ang mga ilustradong nakapaligid at nang-uto kay Aguinaldo sa Kongreso ng Malolos, gaya nina Pedro Paterno, Benito Legarda, Pardo de Tavera, Jose Luzurriaga, Cayetano Arellano, Felipe Buencamino, Florentino Torres, Victorino Mapa, Macario Adriatico, at iba pang patuloy na itinuturing na mga makabayan at nakabalandra pa nga magpahanggang ngayon ang mga pangalan sa mga kalye, paaralan at pampublikong mga lugar. Sa kanilang mga pahayag sa Schurman Commission sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, sinalaula nilat ipinampunas ng paa at puwit ang dignidad ng mga Pilipino at walanghiyang ipinahayag ang labis na pamamanginoon agad sa dayuhang mananakop. Halimbawa, nang tanungin ng Schurman Commission si Arellano kung kaya na ng mga Pilipinong magsarili at pamahalaan ang bansa, tuwirang sinabi ng Kapampangang si Arellano: May bahagyang kakayahan ang ilan. Sa ilang lalawigan, halimbawa ang Pampanga, ang mga mamamayan ay may sapat na kaalamang magpalakad ng kanilang pamahalaan ngunit hanggang doon lamang; hindi sila maaaring magsarili. Bilang pagsisipsip agad sa mga Amerikano, sinabi naman ni Tavera: Pagkatatag ng Kapayapaan, lahat ng ating pagpupunyagi ay dapat iukol sa ating pagiging maka-Amerikano; kinakailangang palawakin at gawing panlahat ang kaalaman sa salitang Ingles upang maangkin natin ang kanilang ugali at kabihasnan sapagkat ito lamang ang ating ganap na katubusan. Higit na nakasusuka ang sinabi ni Buencamino: Akoy isang Amerikano at lahat ng salapi ng Pilipinas sampu ng hangin, liwanag ng araw ay aking ipinalalagay na Amerikano. Hindi nasiyahan sa mga pahayag lamang, lubusan silang nakipagsabuwatan sa Pamahalaang Amerikano, nagtatag ng mga partidong lubos na kikilala sa kapangyarihan ng mga Amerikano at, kung maaari, gawin

nang isa sa mga estado ng Estados Unidos ang Pilipinas. Ito ang Partido Federal, Partido Conservador at Asociacion de Paz na pinangunahan nina Pedro Paterno, Macario Adriatico, Gregorio Singian, Justo Lukban, Enrique Barredo, Leon Ma. Guerrero, Felipe Buencamino, Rafael Palma, Pascual Poblete, Nazario Constantino, Joaquin Lara at iba pang ilustradong nagsipagtaksil sa masa ngunit, sa kabilang banda, dinakila pa rin ng mga hindi mulat sa tunay na kasaysayan ng bansa bunga ng mga aklat pangkasaysayang sinulat ng mga historyador na nakukubabawan ng utak-kolonyal. Minana ng sumunod na pambansang liderato ang pagiging Amerikanista. Sa panahon lamang nina Quezon, Osmena at Roxas, nagkasunud-sunod ang mapaminsalang mga tratadong pabor lamang sa mga Amerikano, gaya ng Parity Rights, Bell Trade Act, Kasunduang Laurel-Langley, at iba pa. Maging sa sumunod na mga rehimen mulang kay Quirino hanggang kina Marcos, Aquino at Ramos, hitik ang kasaysayan ng bansa sa pagtatraydor ng mga lider-pulitiko sa tunay na pambansang kapakanan. Sa rehimen ni Erap, isinalaksak sa lalamunan ng sambayanan ang kontrobersiyal na VFA (Visiting Forces Agreement) na ginawang tuntungan ngayon ng mga pagsasanay-Balikatan dahil sa walang habas na suporta ni Presidente Gloria MacapagalArroyo sa bawat plataporma at teroristang pakana ni Presidente George W. Bush ng Amerika. Lubusan mang mapinsala ang kapakanan ng bayan at ibenta man ang kinabukasan ng susunod pang mga henerasyon, agad na ipinalulunok sa sambayanan ng pambansang lideratong nakaugaliang maging palagiang tagahimod ng tumbong ng Estados Unidos ang mapandambong at mapang-aliping globalisasyon, liberalisasyon, pribatisasyon, kontraktuwalisasyon, at iba pang maka-Amerikanong programang tuluyang lalamon sa pambansang ekonomiya at tuluyang maglulubog sa bansa sa malaganap na karalitaan. Hindi na tuloy katakataka, at lohikal na isipin, na iaangkop lamang sa interes ng Amerika ang isinusulong na muling pagbabago sa Konstitusyon ng bansa o Cha-Cha. Malamang kaysa hindi, tuluyan nang ibenta ng mga Amerikanista ang pambansang soberanya at ipagahasang lubusan ang kabuhayang-bansa at, gaya nang iginigiit na noong panahon pa ni Erap, pahihintulutan ang kapitalistang mga Amerikano na makapagmay-ari dito ng mga lupain, makapagpatakbo ng mga serbisyo publiko gaya ng tubig at kuryente, transportasyon at telekomunikasyon, at makapagmay-ari din ng media, mga kolehiyo at unibersidad. Sa maikling salita, buung-buong ipalalamon ng mga Amerikanista ang bansa sa mapambusabos na dayuhang interes. Pero, sa aba naming palagay, hindi natutulog ang kasaysayan at patuloy na isusumpa ng mulat, makabayan at progresibong mga mamamayan ang mga Amerikanistang taksil sa bayan.

B ahag An g B unto t Sa Sa b ah May 21, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal)

INIULAT ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong nagdaang Biyernes (Mayo 15) na 24 na mangingisdang Pilipino ang dinakip ng mga awtoridad sa Kudat, Sabah, dahil diumano sa ilegal na pangingisda sa sakop ng karagatan ng Malaysia. Abril 2008 pa nang silay hulihin doon sakay ng F/V Princess na pag-aari ng isang Janet Policarpio ngunit, hanggang ngayon, hindi pa malaman kung ano na ang nangyari sa kanila sa kamay ng mga Malaysian. Maaalaala, noong 2002, parang mga hayop na pinagmalupitan ang mga Pilipinong ikinulong sa Malaysia at pinababalik sa Pilipinas bilang ilegal na mga dayuhan. Sa kulungan doon, batay sa mga ulat, pinaghahagupit sila ng yantok ng mga pulis, binuhusan ng kumukulong tubig, pinagulong sa kubeta, ginutom, at ginahasa pa ang ilang kababaihan. Sa kabila ng kasuklam-suklam na pangyayaring iyon, nanggalaiti lamang ang pambansang liderato, umastang nagpoprotesta, pero hindi man lamang nagharap ng kaso laban sa Malaysia sa ICCJ (International Criminal Court of Justice) si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Sa Sabah naninirahan ang karamihan sa mga Pilipinong nandayuhan sa Malaysia. Sa kabila ng mga kalupitang dinaranas nila, higit pa nilang ninanais na manatili doon kaysa sa sariling bansang napakailap ang oportunidad na matugunan nila ang pangunahing mga pangangailangan ng pamilya dahil na rin sa kainutilan, kapabayaan, katiwalian at balintunang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan ng kasalukuyang rehimen, gayundin ng mga nauna pa. Kung tutuusin, sa kabilang banda, hindi sila nandayuhan doon dahil, batay sa malinaw na mga datos, sa Republika ng Pilipinas naman talaga ang teritoryo ng Sabah na tuluyang inangkin na ng Malaysia matapos itong lumaya sa mga Ingles. Lubhang napapanahon na tuloy na seryosong harapin ng gobyerno ang paghahabol sa Sabah ngunit waring bahag ang buntot ng pambansang liderato na gawin ito. Dekada 60 sa panunungkulan ng yumaong Presidente Diosdado Macapagal (ama ni La Gloria) nang isulong ng gobyerno ang paghahabol sa Sabah, at nagpulong nga sa Maynila noong Hulyo 3 Agosto 5, 1963 sina Pres. Macapagal, Pres. Sukarno ng Indonesia at Ministrong Panlabas Tunku Abdul Rahman ng Malaysia at, gayundin, sa Phnom Penh, Cambodia noong Pebrero 5-12, 1964 sina Macapagal at Rahman at napagkasunduang isampa sa World Court ang isyu ng Sabah. Nang maluklok sa poder si Presidente Ferdinand E. Marcos, ipinagpatuloy nito ang paghahabol sa Sabah kaya, noong Enero 12, 1968, ipinalabas ni Rahman ang isang dokumentong naglalahad na ipagpapatuloy ang talakayan ng dalawang bansa tungkol dito. Pero, bakit, sa sumunod na mga rehimen hanggang ngayon, ibinasura na at hindi man lamang nababanggit ng waring walang gulugod na pambansang liderato ang naturang isyu? Nabahag ba ang kanilang buntot dahil kakaning-itik na lamang ang tingin ngayon ng Malaysia sa Pilipinas? May sukat na 29,000 milya kuwadrado ang Sabah at 18 milya lamang ang layo sa Pilipinas gayong 1,000 milya naman mula sa Kuala Lumpur. Ito ang bumubuo ng isang-ikaapat (1/4) na bahagi ng Karagatang Sulu at nag-uugnay sa mga isla pakanan mula Palawan hanggang Kanlurang Bisaya, Mindanaw at Arkipelago ng Sulu. Dati itong pinamamahalaan ng Sultan ng Brunei, pero noong 1704, ipinagkaloob ng Sultan ng Brunei sa Sultan ng Sulu ang Hilagang Borneo o Sabah bilang pagtanaw ng utang na loob nang matulungan siya ng Sultan ng Sulu na masugpo ang rebelyon sa Brunei.

Noong 1878, pinarentahan ng Sultan ng Sulu kina Baron de Overbeck at Alfred Dent ang Sabah sa halagang $5,000 (Malaysian) na itinaas sa $5,300 nang malaon. Nang itatag ng Ingles na negosyanteng si Dent ang British North Borneo Co. at mapagkalooban ng Karta Royal noong 1881, nagprotesta ang pamahalaang Espanya at gobyernong Olandes sa Bretanya ngunit binigyang-diin ng Bretanya na MANANATILI SA SULTAN NG SULU ANG PAGMAMAY-ARI SA SABAH at tungkuling administratibo lamang ang gagampanan ng kompanya ni Dent. Nang inilipat naman noong 1946 ng British North Borneo Co. sa British Crown ang lahat nitong karapatan at obligasyon sa Sabah, at noong Hulyo 10, 1946 anim na araw matapos ibalik ng Amerika ang inagaw na kalayaan ng Pilipinas iginiit na ng British Crown ang ganap nitong mga karapatan sa soberanya ng Hilagang Borneo o Sabah. Higit pa ngang masama, matapos nitong pagkalooban ng kasarinlan ang Malaysia, ganap nang inangkin ng Malaysia hanggang ngayon ang Sabah. (Para sa detalyadong mga datos, basahin ang Balik-tanaw sa Sabah, PINOY WEEKLY, Set. 25 Okt. 1, 2002). Batay sa nabanggit na malinaw na mga datos, mag-aasal-aso na lamang bang bahag ang buntot ng gobyerno ng Pilipinas, lalo na si La Gloria, sa isyu ng pagmamay-ari sa Sabah? Paano itatakda, sa kabilang banda, ng pambansang liderato ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas at aangkinin pa ang Spratlys o grupo ng mga islang tinawag na Kalayaan kung hindi man lamang ito makapagpakita ng pangil sa lehitimong isyu ng Sabah? O matapang lamang ito laban sa mulat, makabayan at progresibong mga sektor ng lipunan, gayundin laban sa mga kritiko ng rehimen? Amerika nisas yo n Ni J ua n May 16, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) NAKATUTUWANG makakita ng mga Pilipino bagaman matagal nang mga mamamayan ng ibang mga bansa saanmang panig ng mundo na hindi pa rin nakalilimot sa ugat ng kanilang lahi, sabik na sabik na makakita at makipag-usap sa sariling wika sa sinumang kalahi at, higit sa lahat, nangungulilala sa bansang napilitang layasan dahil sa napakasamang kalagayang pangkabuhayan at panlipunan bunga ng tiwaling gobyernong lumilitaw na instrumento lamang ng pagsasamantala at inhustisya ng mga kapitalistat asendero, ng bastardong mga pulitiko, at ng ilang mga taong naglulublob sa impluwensiya, kapangyarihan at pribilehiyo. Nakasusuka naman, sa kabilang banda, ang ilang Pilipinong mamamayang Amerikano na ngayon na nagpipilit na maging mas Amerikano kaysa tunay na mga Amerikano. Kung totoo man o pagbibiro lamang ang lumabas sa Internet, may titulong Filipino Names = U.S. Citizens na pinagbatayan ng artikulo ng isang Matthew Sutherland sa London Observer, nagpalit ng pangalan ang naturang mga Pilipino nang maging mga mamamayan na ng Estados Unidos bago naganap ang Setyembre 11 pagkadurog ng Twin Towers sa New York. Malinaw na tandisan na nilang ikinahihiya ang pagiging Pilipino na kahit palitan pa ang kanilang

mga pangalan, hindi naman maikakaila ng kanilang mga mukha na silay Pilipino. Higit sa lahat, pinutol na nila ang anumang ugat na mag-uugnay sa dati nilang bansa wika man, kultura o kaugalian. Nagbibiro man o hindi si Sutherland, sinalaula ng naturang mga Pinoy-Amerikano hindi lamang ang kanilang buong lahi kundi maging ang buo nilang pagkatao sa sinadya nilang pagpapalit ng pangalan upang maitago ang talagang pinagmulan. Halimbawa, ayon kay Sutherland (at sinadyang gawing katawatawa), naging Frank Porter ang Francisco Portero, naging George Bush ang Gregorio Madawag, Tom Cruise ang Tomas Cruz, Tiger Woods ang Leon Mangubat, Remington Steel ang Remigio Batungbacal, Ben Hur ang Bienvenido Jurado, Johnnie Walker ang Juanito Lumacad, Roger Moore ang Rogelio Dagdagan, Victoria Secret ang Victoria Malihim. at marami pang mga pangalang lubusang ikahihiya ng isang tunay na Pilipino. Sabagay, maging sa sariling bansa, tuloy ang Amerikanisasyon ni Juan lalo na sa antas ng mayayaman at elitista, at hindi nga lamang sa pangalan kundi maging sa wika, kultura at kaugalian bunga ng napakatinding impluwensiya ng Amerika at pagiging labis na maka-Amerikano ng pambansang liderato. Kung sa panahon ng kolonyalismong Kastila, ikinulong ang mga Pilipino sa kumbento sa mahigit na 300 taon, 50 taon naman silang ikinulong sa Hollywood sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ayon na rin sa mananalaysay na si Stanley Karnow. Higit pang masama, nakakulong pa rin tayo magpahanggang ngayon sa ekonomiya man o pulitika, kalayaan man o kasarinlan ng bansa sa poder ng Amerika. Sa obserbasyon nga ni Sutherland, maging sa sarili nating bayan, itinatakwil na rin natin ang tatak-Pilipino at pinipilit ng bagong henerasyon na maging tunog-dayuhan ang kanilang mga pangalan, gaya ng Precious, Lovely, Honey, Apple, Orange at Pepsi, Sugar, Ginger at Milky. Pinahihirapan naman ng iba ang baybay o ispeling tulad ng Jeanette o Suzette, Jay-Anne o Marie-Anne, Cathleen o Jocelyn. Ang ibay katunog daw ng doorbell gaya ng Dingdong, Bingbong, Bingbing, Tingting o Bongbong. Para hindi magtunog Pinoy, nakahibangan din ang dinodobleng pangalan, halimbaway Jon-jon, Mai-mai, Jay-jay, Len-len, Let-let o Pekpek. Sa bagay na ito, hinangaan namin si Svetlana Taraskova habang ilang umagang umiinom kami ng tsang vanilla sa Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria. Serbidora siya roon, tagapunas ng mesa, tagatapon ng naupos na mga sigarilyo sa sinisera. Bagaman tulad siya ng maraming migranteng Pilipinong parang layak na ipinadpad ng hangin sa Amerika, ikinararangal pa rin niya ang pagiging Ruso kahit malagim ang sinapit ng kanyang mga ninuno sa panahon ng paghahari ng mga Romanov nina Tsar Nicholas at Tsarina Alexandra. Mga magsasakat manggagawa ang kanyang mga ninuno, biktima rin ng inhustisyat pagsasamantala ng uring naghahari, ngunit nakiisa sa mga kauri at nakilahok sa 1917 Rebolusyong Bolshevik doon. Ang ilan sa kanyang angkan ay pinugutan ng ulo ng mga sundalo ng Tsar, pinagulong na parang mga bola sa maniyebeng lansangan ng Moscow, tinadtad ng mga punglo ang iba, tulad din marahil ng ginagawa ng mga militar ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa Mindanaw at Mindoro o sa iba pang panig ng nagdaralitang bansa laban sa mulat at nagpoprotestang uring maralita at kakaning-itik. Dekada 80 nang itaboy ng hangin sa Amerika si Svetlana Taraskova sa pamamagitan ng isang tiyo na mamamayang Amerikano na. Kahit 22 taon na sa Estados Unidos, lumalangoy pa rin sa malalim niyang mga

mata ang pangungulila sa pag-ulan ng niyebe sa matulaing mga lugar sa Rusya. Hinding-hindi siya nalamon ng Amerikanisasyon at malalim pa ring nakabaon sa puso niyat kamalayan ang kinagisnang wika, ugali, tradisyon at kultura. Di gaya ni Svetlana Taraskova ang maraming Juan at Juana na ngayoy mga John at Jhoanna sa bituka ng Amerika. Mayo 14, 2003 Kasu wap an gan May 14, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) SA TUWING 10% ang itinataas ng presyo ng pagkain, batay sa pananaliksik kamakailan ng ADB (Asian Development Bank), mga 2.3 milyong Pilipino ang nadaragdag sa hukbo ng maralitang mga mamamayan sa Pilipinas. Sa bawat 10% pagtaas lamang sa presyo ng langis, 160,000 mamamayan na, ayon kay Hyun Son ekonomista ng ADB ang mapapabilang sa mga maralita. Hindi lamang sila magpipisil ng sikmura kundi, sa kabilang banda, hindi na rin nila kayang magpagamot at mapag-aral ang kanilang mga anak o matugunan man lamang, kahit papaano, ang pang-araw-araw na pangunahing mga pangangailangan. Ilang ulit na bang itinaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa? Inaasahang mulit muling tataas pa nga ito kung tama ang hula ng Goldman Sachs isang kompanya sa pagbabangko na bago matapos ang 2008, maaaring umabot ng $150 ang bawat bariles ng langis sa pandaigdigang pamilihan o baka maging $200 pa sa susunod na taon. Ilang beses na rin bang tumaas ang halaga ng bigas, gatas, sardinas, manok, isda at baboy, elektrisidad at iba pang pambayang utilidades? Natural, tataas ang lahat maliban sa mga unanot talagang bansot o pandak kapag tumaas nang tumaas ang halaga ng langis. Sa kabila ng naghuhumindig na mukha ng karalitaan sa bansa, ilang beses na bang nilimusan ng dagdagsahod ang karaniwang mga manggagawa? Itinaas nga ng gobyerno ng 10% ang suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan at sa Hulyo pa diumano ibibigay na, kung tutuusin, ay hindi na rin makahahabol sa mabilis na pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo at, kung susuriin, ang matataas na opisyal lamang ng burukrasya na may malalaking suweldo ang higit na makikinabang sa bagay na ito. Bakit hindi ibigay ang inamag nat matagal nang hinihingi ng mga kawani ng gobyerno na dagdag na P3,000 bawat buwan para sa lahat ng empleyado nito upang maiangat kahit bahagya ang antas ng pamumuhay ng ordinaryong mga kawani? Bakit hindi bawasan, o tuluyan nang alisin, ang maanomalyang pork barrel ng mga piranha sa pondo ng bayan, gayundin ang mga kickback o kupit o pandurugas sa mga pagawaingbayan, upang matugunan man lamang ito? Sa pribadong sektor, ilang Mayo Uno na ba ang nagdaan na paulit-ulit na isinisigaw ng uring manggagawa ang hinihinging karagdagang P125 bawat araw sa kanilang minimong sahod? Patawing-tawing pa nga hanggang ngayon ang RWB (regional wage board) para magdesisyon sa bagay na ito at, higit na masama,

lumilitaw pa itongkasapakat at pumapabor sa mga kapitalista. Sapagkat kasuwapangan sa tubo, hindi ang pagka-makatao, ang laging pangunahing batayan ng mga patakaran ng mga negosyantet kapitalista, hindi na nga katakataka kung laging idinadahilan nilang magsasara ang maraming kompanya, at lalong mawawalan diumano ng trabaho ang maraming mamamayan, kapag itinaas nila ang suweldo ng mga manggagawa. Bakit hindi suriin ng gobyerno ang limpak-limpak na tinutubo ng mga kompanyang ito taun-taon na, kalimitan, nandaraya pa sa pagbabayad ng tunay na buwis? Magkano ang tinubo, halimbawa na lamang, bukod sa nagkalat na iba pang mga kompanya ng negosyo, ng tatlong dambuhalang korporasyon ng langis sa bansa (Caltex, Shell at Petron) nito lamang 2006? Kasuwapangan nga sa pera ng bayan ng gobyernong pinaghaharian ng katiwalian, at kasuwapangan naman sa limpak-limpak na tubo ng pribadong mga kompanyat korporasyon ang malinaw na nagtatakda sa buhay at kinabukasan ng uring manggagawang patuloy nainilulublob sa karalitaan. Lalo tuloy nagiging totoo ang sinabi ng pilosopo-manunulat na Pranses na si Honore de Balzac na sa likod ng napakalalaking kayamanan, naroroon din ang napakalalaking krimen laban sa sambayanan. Kasuwapangan din ng mayayaman at mauunlad na mga bansang kapitalista tulad na lamang ng Amerika at Bretanya ang nagtutulak sa karalitaan sa mahihinat atrasadong mga bansa, lalo na sa Aprika at Asya. Sa pamamagitan nga ng mapandambong at mapambusabos na mga instrumentong pangkabuhayan ng imperyalistang mga bansa, halimbawa na lamang ang idinikta nilang globalisasyon at liberalisasyon sa agrikultura na asal-aliping isinusulong at niyayakap pa ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at ng masusugid niyang basalyos, hindi na balita sa hinaharap kung lalong mabansot ang pambansang ekonomiya at tuluyang lumubog sa kumunoy ng kahirapan at pagdaralita ang nakararaming mamamayang kumain-dili na lamang ngayon sa ilalim ng naghaharing rehimeng bentador ng pambansang kapakanan at kinabukasan. Sa kabila ng mga kasalanan sa lipunan at masang sambayanan ng uring mapagsamantala dahil sa kanilang kasuwapangan sa kayamanan man o kapangyarihan nagagawa pa ng pambansang liderato, lalo na ni La Gloria, na isisi sa media at mga kritiko ng rehimen, gayundin sa mulat, makabayan at progresibong mga sektor ng lipunan na itinuturing pang mga kaaway ng Estado, ang anumang pambansang

krisis, pampulitika man o pang-ekonomiya o maging pangkultura. Ano nga ba kung maghirap nang maghirap ang bayan? Ano nga ba kung dumami nang dumami ang inginungudngod sa karalitaan?Walang mahalaga sa uring mapagsamantala, di nga kasi, kundi ang patuloy silang mamuninit magpasasa sa anumang grasya ng kanilang kasuwapangan. Editoryal W alanghi ya! May 7, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Editoryal) NANG gunitain kamakailan ang Pandaigdig na Linggo ng Kalayaan sa Pamamahayag, ibinunyag ng CPJ (Committee to Protect Journalists) na ika-6 ang Pilipinas sa mga bansang biktima ng mga pagpatay ang mga mamamahayag komentarista man sa radyo o peryodista ngunit, sa kabilang banda, wala halos nahuhuli at naparurusahang kriminal. Una sa listahan ang Iraq, Sierra Leone, Somalia, Colombia at Sri Lanka bago ang Pilipinas, saka sumunod ang Afghanistan, Nepal, Rusya, Mexico, Bangladesh at Pakistan.Pinakatanyag sa mga pinatay ang mga peryodistang sina Anna Politkovskaya ng Rusya, Guillermo Bravo ng Colombia at Atwar Bahjat ng Iraq. Mula nang maibalik ang huwad na demokrasya sa bansa mataposmaibagsak ang diktadurang Marcos noong 1986, lumilitaw na 93 na ang walang awang pinaslang, bukod pa sa mga pampulitikang pagdukot at pagpatay na, batay sa ulat ng grupong Karapatan, 901 na ang pinatay at 180 na ang dinukot sa ilalim lamang ng rehimen ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Sa kabila ng naturang mga pangyayari, walang kongkreto at seryosong mga hakbang na ginagawa ang naghaharing rehimen upang lutasin ang nasabing mga kaso at, sa halip, waring nasisiyahan na itong tambulin ang sariling dibdib at patuloy na ipagyabang ang palakpak na inani diumano ng ulat ni Kalihim Tagapagpaganap Eduardo Ermita kamakailan sa UNHRC (United Nations Human Rights Committee). Sabi nga, hindi dahil pinalakpakan ang ulat ni Ermita ay nangangahulugan nang nalutas na ang mga kaso ng pampulitikang pagpatay, lalo na sa mga mamamahayag at mga miyembro ng makabayan at progresibong mga sektor ng lipunan. Lalong hindi iyon nangangahulugang seryosong sinisikap ng gobyernong lutasin at wakasan ang naturang mga karahasan. Iba ang propaganda o pambobola, sabi nga, kaysa naghuhumindig na reyalidad. Tulad lamang iyon ng sinabi ni Sen. Allan Peter Cayetano na walang direktang ebidensiya laban kay La Gloria at sa Unang Ginoo sa maalingasaw na $329-M nabugok na kontratang ZTENBN. Mabilis ngang ipinakahulugan ng mga tambolero ng Malakanyang na wala talagang ebidensiya ang praseng walang direktang ebidensiyakaya ipinangalandakan agad nila na walang kasalanan ang kanilang mga amo sa bagay na ito. Bagaman, ayon sa CPJ, may malayat masiglang pamamahayag (press) ang Pilipinas, patuloy at paulit-ulit na biktima ng mga karahasan ang mga mamamahayag na nag-uulat tungkol sa katiwalian, krimen at pulitika, lalo na sa mga probinsiya, at karaniwang kasangkot sa mga kasong ito ang mismong pulis at militar. Ano, kung gayon, ang kongkretong hakbang ng gobyerno?May nahuli na ba? May naparusahan na ba? Sino sa mga biktima ang napagkalooban na ng hustisya? Dapat ikahiya ng anumang gobyerno, sabi nga ni Joel Simon, tagapamahalang direktor ng CPJ, ang gayong mga kaso, lalo na ngat inutil ang mga awtoridad na lutasin at wakasan ito. Pero, sa kabilang banda, kung nagagawa ng Malakanyang na susian ang bibig ng matataas pang opisyal ng gobyerno tulad, halimbawa, ni Sekretaryo Romulo Neri ang mga mamamahayag pa kaya ang hindi nito piliting sikilin ang kalayaan at mga karapatan, sa anumang paraan, upang hindi ibunyag ang sagradong mga katotohanan?

Kaugnay ng patuloy at inaamag nang mga kaso ng pagpatay sa mga komentaristat peryodista bukod pa nga sa nararagdagang mga biktima ng pampulitikang pagdukot at pagpatay sa mga miyembro at lider ng makabayan at progresibong mga sektor ng lipunan makabuluhan tuloy na itanim sa isip ng pambansang liderato (kung matino pa ang kaisipan ng mga ito at hindi alipin ng pansariling interes lalo na ng pagkasugapa sa kapangyarihan at kayamanan), ang binigyang-diin ni Sekretaryoi-Heneral Ban Ki-moon ng UN: Ang anumang mga pagsalakay sa kalayaan sa pamamahayag ay mga pagsalakay sa pandaigdig na mga batas, mga pagsalakay laban sa sangkatauhan, laban sa mismong kalayaan, laban sa lahat ng prinsipyong kinakatawan ng UN. O talagang walanghiya na ang umiiral na rehimen? ALAY K AY P AD RE B URGOS April 30, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) SAPAGKAT lumilitaw na wala man lamang nakaalaala na kapanganakan noong Pebrero 9 ni Padre Jose A. Burgos, at walang parangal na idinaos para sa kanya ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno, minabuti naming ialay sa kanyang alaala ang kolum na ito ngayon. Isinilang noong 1837 sa Vigan, Ilokos Sur, isa siya sa tatlong paring martir sina Mariano Gomez at Jacinto Zamora ang dalawa pa na ipinabitay ng mga Kastila dahil sadyang pinagbintangang kasapakat ng nag-alsang mga trabahador sa baradero (Cavite Mutiny, Enero 20, 1872). Hindi siya ipinabitay dahil sa pangyayaring iyon kundi kinainggitan siya ng mga prayle sapagkat siya ang kura paroko ng Katedral ng Maynila. Pinag-initan siya dahil isinulong niya ang sekularisasyon at sinikap ngang ipabitay nang malaon sapagkat ibinunyag niya at mahigpit na tinuligsa ang pangunguwarta ng Simbahan Sa palagay namin, isa siyang pangunahing intelektuwal at eskolar ng kanyang panahon. Dahil sa kanyang mga akda, lalo na ang La Loba Negra, nalathala noong 1869, naimpluwensiyahan niya nang husto ang kaisipan ni Gat. Jose Rizal. Sa mga obra nga ni Rizal, may mga linya at bahaging hindi maikakailang hinango niya mula sa mga akda ni Burgos. Naging malaking inspirasyon nga ni Rizal si Burgos kaya inihandog niya ang El Filibusterismo sa alaala ng tatlong paring martir kaya marahil parehong magaalahas na hindi malaman kung saan nanggaling, nagbalik sa Pilipinas upang maghiganti sa mga prayle, sina Melgar (pangunahing tauhan sa La Loba) at Simoun (pangunahing tauhan sa Fili) at, bukod dito, malinaw din ang pagkakahawig ng wakas ng nabanggit na dalawang obra. Nakasulat si Burgos ng mga 44 na aklat na karamihay naghahantad at tumututol sa pandurugas ng Simbahan noon gaya, halimbawa, ng mga sumusunod: Es Verdad Los Milagros, Mare Magnum, Ritualets Idolatricos de la Santificacion, Filipinas, Estelas de Sangre, La Lucha de la Religion Contra La Ciencia, Los Conflictos de la Religion y El Estado, at marami pang iba. Pangunahing naisalba ang La

Loba Negra kaya may mga sipi pa ngayon, ngunit nakalulungkot na pahirapang makita sa mga aklatan ang marami niyang mga obra. Hinangaan namin si Burgos sapagkat siya marahil ang kaunaunahang Pilipinong nagtaguyod sa sosyalismo kontra sa mapang-aliping kapitalismo (nasa La Loba) na, ayon sa kanya, ay hawak lamang ng iilang malalaking negosyante. Makabuluhan din, lalo na sa kasalukuyang henerasyon, ang kanyang payo: mahalin nang higit sa lahat ang bayan at ihanda ang sarili sa higit pang madugong pakikibaka laban sa mapagpanggap na mga pulitikong ipinanganganak na parang lumot sa kapinsalaan at kahihiyan ng lipunan na ang tanging layunin sa buhay ay walang iba kundi ang kapakanang pansarili sa pawis at sakripisyo ng sambayanan. Batay sa mga pagsusuri ni Padre Burgos sinangguni pa niya ang sumusunod na mga aklat: Los Milagros y Sus Variados Origenes ni Joanes Marcellious (Lieja, 1568), Organum Milagrorum Orbis Catalicuom ni Silvious Doane (Paris, 1570), Los Milagros Sanctii ni Cuatro Fois Tulien (Baslo, 1610) at Orbis Milagrorum Act ni Sigismund Giancourt (Leipzig, 1703) sinabi niya, at ikinamulat namin: ang mga milagro ay isang maliwanag na panlilinlang sa mga taong kapos sa pagmumuni at may sirang kaisipan. Subalit kailangang gamitin ito ng Simbahang Katoliko para sa kanyang kayamanan, at para sa luho, kapritso at karangyaan ng mga paring may mga tiyang nagsisitaba dahil sa kasaganaan sa mga pagkain at masasarap na alak. Nang makilala ni Burgos sa Maynila si Padre Miguel de Machuca na nanunungkulan sa isang otel malapit sa kuweba ng Birhen ng Monserrat, Espanya, natandaan niya na sinabi ng nabanggit na paring Kastila: Walang napakabuting negosyo gaya ng mga milagro. Maluwag na nalilikom ang salaping ninanais na makamit nang hindi na kailangang pagurin ang isip at bibig sa pananalangin sa misa at mag-akyat-manaog pa sa mga kumbento. Ayon kay Burgos, batay sa aklat ni Padre Leon Taxil, nag-iimbento ng mga milagro ang Vatican: ang mga hiwaga ng Batikano ay isang kumpol na pananalaysay ng mga laboratoryo, mga lihim na silid at iba pang pook sa loob ng palasyo ng Papa, pati ng isang lupon ng mga paring nag-aaral sa sistema ng pagpapalitaw ng mga milagro xxxxx para mapayaman ang Batikano xxxxx nagsisigamit ng isang mahabang listahan ng mga aparatong lihim na isinisilid sa loob at labas ng katawan ng mga santo, at malalaking krus na ginagamit sa pagpapalitaw ng mga bagay na kahanga-hanga gaya ng dugong artipisyal, tinig o boses, pati ng luha, at ibat ibang artipisyal ding kilos ng katawan ng mga santo. Binigyang-diin pa ni Burgos na batay sa aklat ni Lifenberg Layden, Orbis Miraclii, 1566, na sa Batikano sa Roma, nagkaroon ng isang kawanihang napakaayos, punung-puno ng di mabilang na katangi-tanging mga aparato. Pinamamahalaan ito ng matatalinong pari na iniuukol ang buong buhay sa pag-aaral at paglikha ng mga milagro, pati ng pamamaraan kung paano mapalalago ang kayamanan ng Simbahan at ng relihiyong Katolika Apostolika Romana. Pinag-aaralan nila araw-gabi ang pinakamahusay na paraan upang makuha ang salapi ng bayan. Ang industriya o pangangalakal, ang kimika, ang parmasya, at ang talino ng tao ay para-parang nagtutulungan sa mga laboratoryo ng Batikano.

Sa mismong mga parokya noon sa Ilokos, natuklasan ni Burgos na labis na pinagkakakitaan ng Simbahan ang mga santo gaya nina San Vicente at San Isidro dahil milagroso diumano. Lumitaw na inuka ang loob ng ulo ni San Isidro, nilagyan ng asin at ilang patak na tubig saka sinakluban ng maayos na peluka na, di nga kasi, mamamawis ang mukha sa kalaunan dahil sa init ng panahon. Sa ganito ring proseso, binubutasan pa nang maliit ang gilid ng mga mata ng santo, hinahaluan ng artipisyal na dugo ang asin, kaya tiyak na luluha iyon ng dugo at sasabihing milagro. Lihim na binubuhat naman ng sakristan si San Vicente kung gabi, dinadala sa bukid at pinuputikan saka ibabalik sa altar upang makita ng mga nagsisimba kinaumagahan na nagmilagro nga ito. Sapat na marahil ang mga nabanggit upang gunitain at papurihan si Padre Jose Apolonio Burgos. Makatuwiran lamang na patuloy siyang parangalan ng sambayanang Pilipino bilang mapagmahal sa katotohanan at huwaran ng makabayan at progresibong kaisipan. Pebrero 11, 2007 Maghalel u ya Sa Kaitaas an April 23, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) KAHIT hindi ang pagdami ng populasyon ang pangunahing dahilan ng paglaganap ng karalitaan kundi, higit sa lahat, ang tiwaling balangkas ng lipunang kontrolado lamang ng iilan ang pambansang ekonomiyat pulitika, mahirap pa ring pasubaliang responsabilidad ng Simbahan na tumulong sa pamamagitan ng pulpito at mga patakaran nito sa pagkontrol sa mabilis na pagdami ng populasyon habang, sa kabilang banda, lumulubha ang krisis sa pagkain, lupat pabahay, kalusugan at edukasyon, at iba pang pangangailangan ng nakararaming miserableng mga mamamayan.

Batay sa datos ng NSO (National Statistics Office), umabot na ng 88.57 milyon ang populasyon ng Pilipinas noong Agosto 1. 2007, gayong 76.5 milyon lamang ito noong 2000. Ibig sabihin, naragdagan na agad ito ng 12.07 milyon sa loob lamang ng pitong taon at, ayon sa pagsusuri, mga 2.1% ang patuloy na madaragdag taun-taon kung hindi mahahadlangan ang mabilis na produksiyon ng sanggol sa bansa. Ano, kung gayon, ang magiging resulta nito? Tiyak, milyun-milyong mamamayan ang masasadlak sa higit pang karalitaan, kulang sa pera, kulang sa damit, kulang sa pagkain, walang lupa, walang bahay, walang-wala, sabi nga ng isang makata.

Samantalang ipinangalandakan ni Papa Benedict XVI sa kanyang pagdalaw sa Amerika kamakailan ang kapakanang panlipunan at kahalagahan ng mga karapatang pantao, lubhang balintuna naman na, magpahanggang ngayon, mahigpit na tinututulan ng Simbahan at itinuturing nitong imoral ang artipisyal na birth control o paggamit ng kondom, IUD (intra-uterine device), pildoras at iba pang panghadlang sa

pagbubuntis. Sagad nga hanggang langit ang pagtutol ng Simbahan sa aborsiyon o puwersahang paglalaglag sa nabubuong fetus sa obaryo ng ina pero aborsiyon na ba ang hadlangan lamang na magtagpo ang semilya ng lalaki at itlog ng babae? O baka ang onanismo o pagsasalsal ay aborsiyon na rin sa makitid na pananaw ng Simbahan? Waring doble-kara tuloy ang paninindigan ng Simbahan sa bagay na ito. Noong dekada 60 nang kainitan ng giyera sibil sa dating Belgian Congo, pinahintulutan ng Vatican na uminom ng pildoras ang mga madre doon upang hindi mabuntis kung sakaling magahasa ngunit, noong dekada 90, sa digmaan ng Serbia at Kosovar, tinuligsa naman ni Monsignor Elio Sgreccia tagapayo ng Papa noon ang pag-inom din ng pildoras ng kababaihang Kosovar upang hindi mabuntis dahil ginagahasa ng mga sundalong Serbian. Ano nga ba ang pagkakaiba ng mga madre sa kababaihang Kosovar? O banal na espiritu lamang ang puwedeng bumuntis sa mga madre, halimbaway gaya ng nangyari diumano sa ina ni Noah at sa ina naman ni Jesus nang malaon?

Natural, hindi makatarungang ilaglag mula sa obaryo ng ina ang nabubuong sanggol kung bunga ng mataos na pagmamahalan. Pero kung produkto ng panggagahasa, sabi nga ni Dr. Eva Sabachi ng Marie Stopes International tungkol sa mga babaing Kosovar, pinakamasamang magagawa ng Vatican na payagang isilang ng mga babaing iyon ang bunga ng panggagahasa, lalo nat ang gumahasa sa kanilay mismong pumatay sa kanilang mga asawa at kapatid.

Nabanggit nga lamang sa Bibliya ang aborsiyon sa Exodus 21:22-25 na napakalayo sa pakahulugan ngayon ng Simbahan at waring itinuturing na nitong aborsiyon na rin ang artipisyal na birth control kaya tinututulan at tinututulan nito ang paggamit ng kondom, IUD, pildoras at iba pang panghadlang sa pagbubuntis para mahadlangan ang mabilis na pagdami ng populasyon. Sa naturang teksto, parurusahan ang sinumang lalaking nanakit ng buntis na naging dahilan upang itoy makunan o malaglag ang ipinagbubuntis. Wala namang sinabing aborsiyon na ang paghadlang pa lamang sa pagbubuntis.

Makatuwiran

tuloy,

at

lubhang

napapanahon,

na

ibasura

na

ng

Simbahan

ang

napakamoralistat panatikong paniniwala nito tungkol sa aborsiyon at, sa halip, ipahintulot na nito sa kanyang mga deboto ang artipisyal na birth control upang mahadlangan ang mabilis na pagdami ng populasyon at paglaganap tuloy ng karalitaan. Maisusulong pa ng Simbahan, kung tutuusin, ang sinasabi ni Papa Benedict XVI na kapakanang panlipunan. Alin nga ba ang higit na imoral at kasalanang mortal: ang paggamit ng kondom, IUD, pildoras at mga katulad nito o ang pagpapahintulot na lumaganap ang karalitaan at gawing higit pang miserable ang pamumuhay ng nakararaming mamamayan?

Sabagay, sa kabilang banda, patuloy namang yumayaman ang Simbahan sa pawis at dugo ng milyunmilyon at mabilis na nararagdagan nitong mga deboto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Batay sa pinakahuling mga datos, mga $1 trilyon na ang yaman nito ngayon at, dahil sa kayamanan nito, nagawa pa nga nitong magbayad ng $2 bilyon mula lamang noong 1950 sa mga biktima ng pagmomolestiyang seksuwal ng mga 4,000 pari nito sa Amerika lamang.

O talagang mapapalad ang mga maralita at mapasasakanila ang kaharian ng langit kaya tinututulan ng Simbahan ang artipisyal na birth control at doble-kara, hanggang ngayon, ang paninindigan nito sa bagay na ito? Hindi bale na ngang dumami nang dumami sa mundo ang miserable ang buhay sa punto ng Simbahan bastat huwag kalilimutang maghaleluya sa kaitaasan.

DAS AL ANG S OLUSYO N, AN AK NG G ALUNG GO NG April 17, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) HINDI namin maunawaan hanggang ngayon kung bakit matapos maibagsak ang diktadurang Marcos dahil nagmilagro diumano ang Birhen sa Edsa batay sa paniniwala ng mga nagmumumog ng agua bendita, nag-aalmusal ng ostiya at nag-uunan ng Bibliya, lagit laging nananawagan ang pambansang liderato ng isang araw na pagdarasal sa tuwing tumitindi ang mga problema ng bansa. Maaalaala, sa panahon na lamang ni dating Presidente Joseph Estrada, idineklara pang pista opisyal ang Nobiyembre 13 bilang pambansang araw ng pagdarasal at pag-aayuno sa paniniwalang malulutas sa pamamagitan ng mga panalangin ang naghambalang at grabeng problema ng bayan, unang-una na ang papalubhat lumalaganap na karalitaan. Hindi tuloy naming maiwasang maalaala si Juli ng El Filibusterismo ni Rizal na nangailangan ng P500 upang matubos sa kamay ng mga tulisan ang amang si Kabesang Tales. Matapos maibenta ang ilang alahas, nakalikom lamang siya ng P250 inilagay sa altar ng kanilang bahay, nagdasal nang nagdasal hanggang sa makatulog, taimtim na ipinanalanging maging P500 iyon kinaumagahan, ngunit P250 pa rin nga nang siyay magising. Sabagay, sa mga bansang naduran ng Katolisismo, nakaugalian na ngang idulog sa kung sinu-sinong santa at santo ang anumang mga problema, personal man o pambansa. Dinaraan sa mga ritwal at seremonyas ang lahat na yata ng bagay kaya karaniwan na ang pagnonobena, pagpapamisa, pagpuprusisyon, pagpapabendisyon at pagdaraos ng pista para sa kinikilalang mga patron sa mga bayan-bayan sa buong kapuluan. Sa kabila ng debosyong ito sa kapangyarihan o bisa diumano ng mga dasal at ritwal ng Katolisismo, lumilitaw namang pinakamaralitang mga bansa ngayon sa mundo ang mga nahumaling sa bendisyon ng

Simbahan tulad na lamang ng Pilipinas sa Asya at ng maraming bansa sa Amerika Latina. Sa kabilang banda, naging maunlad at industriyalisado ang mga bansang hindi nangunyapit sa mga teoriyang panrelihiyon ng Simbahan at, sa halip, kumilalat nagpahalaga sa nagagawa ng siyensiya at teknolohiya. Kung tutuusin, higit na masama, ang mga paniniwalang panrelihiyon ang nagbunsod pa ng karumaldumal na mga pagpatay at pag-iiringan ng maraming tao noon pa mang naunang mga sibilisasyon. Katunayan, nang ilunsad ni Papa Urbano II ang Unang Krusada noong 1095 para agawin ang Lupang Banal sa kamay ng mga hindi Kristiyano, isinigaw nila sa buong Europa na kagustuhan ng Diyos iyon kaya libu-libong Hudyo at Muslim kabilang ang mga bata ang walang patumanggang pinatay, pinutulan ng ulo, at iniuwi sa kanilang kampo ang mga ulong iyon at itinuring na kalugud-lugod na tanawin para sa mga anak ng Diyos. Hanggang sa Ikaapat na Krusada, nagpatuloy ang kagimbal-gimbal na mga pagpatay sa mga kalaban ng paniniwala ng Simbahan. Nang mapasok ng mga Kristiyano ang Jerusalem, ayon sa mananalaysay na si Raymond ng Aguilers, lampas tuhod ng mga kabayo ang bumahang dugo sa templo ni Solomon. Isa iyong kahanga-hangang paghuhukom ng Diyos na umapaw sa lugar na iyon ang dugo ng mga hindi nananampalataya. Pinakamalagim din sa kasaysayan ng Kristiyanismo ang panahon ng sinasabing Banal na Inkisisyon laban sa itinuturing na mga erehe o kalaban ng pananampalatayang Katoliko. Noong 1252, ipinahintulot ni Papa Inocencio IV ang labis na pagpapahirap sa mga erehe. Ibat ibang pamamaraan ang isinagawa gaya ng pagipit ng mga daliri sa gato hanggang sa pumulandit ang dugo, ang pagdurog sa mga buto ng kasukasuan, ang pag-upo sa silyang puno ng nagbabagang mga pako, at iba pang paraang nakapangingilabot isipin. Sa panahon ng Inkisisyong Kastila noong mga huling taon ng 1400 sa ilalim nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella, nakilala ang prayleng Dominikong si Tomas de Torquemada bilang simbulo ng kalupitang panrelihiyon sapagkat libu-libong mga biktima ang labis na pinahirapan at mga 2,000 pa ang sinilaban nang buhay. Sa panahon naman ng Inkisisyong Romano na nagsimula noong 1542, hinangad ni Papa Pablo III na burahin ang lahat ng impluwensiya ng Protestantismo sa Italya at lalong naghari ang lagim doon nang pumalit pa sa kanya si Papa Pablo V. Libu-libong erehe ang pinatay kabilang ang pilosopong si Giordano Bruno na nagsulong at nagtaguyod ng teoriya ni Copernicus na bilog ang mundo at umiikot sa paligid ng araw ang mga planeta. Sinilaban siya nang buhay sa Roma noong 1600. Sabagay, hindi monopolyo ng Katolisismo ang gayong mga kalupitan at hindi nagwakas sa panahon ng Lumang Tipan ang paghahandog ng buhay para masiyahan diumano ang mga diyus-diyosan. Hindi tuloy maunawaan ng makabagong kaisipan, ayon sa eskolar-manunulat na si James A. Haught, kung bakit sa mga kulturang pinagharian ng relihiyon at mga pari, nagawa ng mga taong bigtihin ang kanilang mga anak, pugutan ng ulo, lunurin, silaban, balatan at patayin bilang alay sa pinaniniwalaan nilang mga diyos. Ginawa

rin ito, dahil sa paniniwalang panrelihiyon, sa mga lipunang Mayan, Incan at Aztec sa Amerika Latina, ng Ashanti sa Aprika, ng Bon sa Tibet, ng Khond sa Bengal, ng Hindu at kultong Thuggee sa India. Dahil sa mga paniniwalat paninindigang panrelihiyon, nagpapatayan pa rin ang mga Katoliko at Protestante sa Hilagang Ireland, ang mga Palestino at Israelitas, ang mga Kristiyano at Muslim sa maraming panig ng mundo. Sa ating bansa, hindi maikakailang patuloy ang pagsisiraan at pag-iiringan hindi lamang ng mga Katoliko at Iglesia ni Cristo, kundi maging ng iba pang mga sektang panrelihiyon. Batay sa mga nabanggit, lumilitaw tuloy na isang kahangalang iasa sa mga relihiyon ang kalutasan ng grabe nang pambansang mga problema at isang hakbang na paurong ng pambansang liderato ang laging pananawagang magdasal at magdasal pa para diumano sa ikauunlad at ikapapayapa ng bansa. Dasal ang solusyon, anak ng galunggong! Marso 17, 2004 Merry C hrist mas, Amer i ka April 17, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) hanapin mo ang pasko, amerika sa puso ng isang puting kabayong sinasakyan ni kristo ang pasko, amerika, ay wala sa naglalaway na bunganga ng isang lobo. amerika, amerika, huwag mo nang gahasain ang vietnam huwag mo nang sipsipin ang kanyang suso nagnanaknak pa ang kanyang mga sugat at di pa natutuyo ang mga bakas ng dugong likha ng iyong mga pangil sa kanyang tiyan amerika, amerika, sa bawat dapithapon naririnig ko ang kanyang panambitan tumatangis ang mga bulaklak ng vietnam sa pananawagan bumabangon si ho chi minh sa kanyang libingan. amerika, amerika, huwag mo nang kubabawan ang amerika latina nagdarasal ang guatemala at sa bolivia nagmumulto pa ang kaluluwa ni che guevarra huwag mo na ring tangkaing sipingan pa ang cuba

ang balbas ni fidel castro ay puno ng mga alipato habang supa-supa niya ang kanyang malaki at nagbabagang tabako. amerika, amerika, matagal mo nang hinihindot ang aprika maawa ka ang kanyang itim at kulot na kulot na bulbol ay huwag mong gawing peluka ng iyong mga aso alalahanin mo, amerika, sa kagubatan ng aprika naglalamay ang mga buhay na kalansay at dumaramba ang nagdurugong anino ng isang patrice lumumba. amerika, amerika, amerika, ang bayan koy matagal nang nagdurusa sa kanyang kandugan nagpapaligaya ka, amerika, putang na, amerika, huwag mong gawing unan ng iyong mga alila ang kanyang kayumangging hita kabahan ka, amerika, sa mga kabundukan at kabukiran naglalamay ang mga bonifacio, aguinaldo, sakay, del pilar at asedillo nagdaraos sila ng sariling kulto binabalaan kita, amerika, wakas moy malapit na ihanda mo ang iyong kabaong at ililibing ka namin sa impiyerno. amerika, amerika, wala ang pasko sa naglalaway na bunganga ng isang lobo hanapin mo ang pasko, amerika, sa puso ng puting kabayong sinasakyan ni kristo tumatangis sina racquel at magdalena habang nag-uunahan ang mga bolang apoy tungo sa iyong mauseleo. PILIPINO FREE PRESS, Dis. 16, 1970 P amb o b o la P a Rin April 16, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Editoryal) TATAK na yata ng liderato ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang kahusayan sa pambobola at paglulubid ng kasinungalingan upang palitawing katotohanan. Kamakailan lamang, sa ulat ni Kalihim Tagapagpaganap Eduardo Ermita sa UNHRC (United Nations Human Rights Council), pinalitaw niyang maayos na napangangalagaan, hindi patuloy na nasasalaula, ang mga karapatang pantao sa Pilipinas. Masigabo ngang pinalakpakan ng UNHRC si Ermita kaya tuloy para siyang isang Arhat o Buddhistang narating ang nirvana o lubos na kaluwalhatian. Sabi nga niya, naramdaman naming para kaming nasa Cloud 9 nang marinig ang mga palakpak matapos niyang basahin ang sinalamangkang ulat. Sabagay, may dalawang uri ng palakpak: isa ang lubos na papuri dahil humahanga at naniniwala at, ikalawa, maaari din namang pangangantiyaw at panunuya. Makatotohanan nga ba ang iniulat doon ni Ermita upang hangaan at ipagbunyi ng naturang konseho? Paano na, unang-una, at tiyak na nasuri ng UNHRC, ang mga nilalaman ng ulat noon ni Philip Alston, kinatawan ng UN na ipinadala dito upang imbestigahan ang mga paglabag at pagsalaula sa mga karapatan at kalayaang sibil ng mamamayan, lalo na kaugnay ng kampanya ng gobyerno laban sa rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA? Tiyak, kung pagbabatayan ang nandudumilat na reyalidad, nakasusulukasok ang larawan ng naghaharing rehimen kaugnay ng isyu sa mga karapatang pantao, lalo na ngat patuloy ang paninikil nito at pandarahas sa lehitimong mga kilos-protesta kaugnay ng paghingi ng masang sambayanan ng tunay na pambansang pagbabago tungo sa isang mapayapa, maunlad at demokratikong lipunang namamayani ang tunay na hustisya sosyal, hindi ang batas lamang ng uring mapagsamantalat naghahari-harian na walang labis na pinangangalagaan kundi ang pansariling mga interes at pagkadayukdok sa kapangyarihan. Kaugnay ng maulap na ulat ni Ermita sa UNHRC, sa ngalan ng sagradong katotohanan at pambansang kapakanan, maitatanong tuloy ang mga sumusunod: Ilan na ba ang nalutas sa napatalang 901 biktima ng pampulitikang mga pagpatay at 180 dinukot mula lamang nang maluklok sa poder noong 2001 si La Gloria, halimbawa na lamang ang kaso ng isang Jonas Burgos? Paano na ang kaso ni retiradong Hen. Jovito Palparan at iba pang pulis at militar na isinasangkot sa gayong mga kaso? Paano na ang 12 peryodistang pinatay noong 2006 at 5 iba pa noong nagdaang taon? Kamakailan lamang, isa na namang mamamahayag, si Benefredo Y. Acabal ng Pilipino Newsmen ng Cavite ang binaril at napatay sa Pasig. Sa naturang mga kaso, wala pa yatang mga pinaghihinalaang dinakip ang nahatulang nagkasala? O may nadakip nga bang kriminal at nakasuhan at naparusahan? Sa opinyon tuloy ng pandaigdig na mga organisasyon sa pamamahayag, lalo na ng FRWB (French Reporters Without Borders), pangalawa ang Pilipinas una ang Iraq sa pinakamapanganib na bansa sa mundo para sa mga mamamahayag. Sa takbo tuloy ng mga pangyayari, mulang jueteng payola at Jose Pidal hanggang Hello Garci at fertilizer scam, mulang maanomalyang mga transaksiyong Piatco at Venable LLP hanggang NorthRail at SouthRail, mulang ZTE-NBN hanggang Spratley, mulang 7.3% GDP (gross domestic product) noong nagdaang taon hanggang sa kung anu-ano pang nangangalingasaw na mga isyu, pambobola pa rin ngat

hinokus-pokus na mga datos ang ipinambubulag ng naghaharing rehimen sa opinyon publiko upang patuloy itong makapaglublob sa nakasusugapang kapangyarihan at nakababaliw na mga impluwensiyat pribilehiyo sa kapinsalaan, sa kabilang banda, ng nagdaralitang masang sambayanan. Maaari ngang eksperto ang mga propagandista ng rehimen sa pagkakamada ng mga kasinungalingan pero, dahil sa tumitinding krisis sa bigas (kinakapos na ang suplay at tumataas ang presyo at kailangang bumili sa ibang bansa ng mga 2.2 milyong metriko tonelada), at malinaw na itong nakikita sa humahabang mga pila ng maralitang mga mamamayan makabili lamang ng murang bigas mula sa NFA (National Food Authority), hindi lamang sa mga 80 parokya ng Simbahan at 400 palengke ng Kamaynilaan, kundi sa iba pang panig ng bansa, mukhang mahihirapan nang pasinungalingan ng mga tambolero ng Malakanyang ang naghuhumindig na katotohanan. Sabi nga, mahirap bolahin at utuin ang hungkag na mga sikmura at walang kinikilalang batas ang gutom. Makabubuti marahil para sa pambansang liderato na tigilan na ang paglulubid ng buhangin lalo na, unanguna, tungkol sa krisis sa bigas, bukod sa walang habas na pagsalaula sa mga karapatan at kalayaang sibil ng sambayanan at, sa halip, matapat at lubusang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan, hindi ang makasariling ambisyong pampulitika at bundat na bundat na nilang mga sikmura. Pinatalsik nga sa poder kamakailan lamang si Punong Ministro Jacques Edouard Alexis ng Haiti dahil sa naturang krisis na nagbunga ng mga kaguluhan at karahasan sa naturang bansa at, gayundin, lumaganap din ang rayot sa Bangladesh at Ehipto nang dumami nang dumami ang mga nagugutom dahil sa kakulangan ng pagkain. O pambobolat pambobola pa rin sa lahat ng antas ng pambansang kapamuhayan ang lagit laging patuloy na itutugon ng naghaharing rehimen sa nabanggit na sensitibong mga isyu? Pinatunayan na ng mga aral ng kasaysayan na hindi paulit-ulit na malilinlang ang namumulat na sambayanan. Sa Mga Intelekt u wal Na W alang P akiala m Sa P ulitika April 15, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula mula kay Otto Rene Castillo) Isang araw, ang mga intelektuwal na walang pakialam sa pulitika ng aking bansa ay uuriratin ng masa ng aming sambayanan. Tatanungin sila kung ano ang ginawa nila nang ang bansay dahan-dahang naghihingalo tulad ng mahalimuyak na apoy munti at nag-iisa. Walang sinumang magtatanong tungkol sa kanilang mga damit mahahabang siesta makapananghalian walang sinumang magnanais malaman

tungkol sa mga inutil nilang pakikihamok sa ideya ng kawalan walang sinumang magpapahalaga sa kanilang higit na mataas na pinag-aralang pinansiyal. Hindi sila tatanungin tungkol sa mitolohiyang Griyego o tungkol sa pagkamuhi sa sarili kapag sa ubod ng kanilang sariliy may nagsisimulang mamatay dahil sa karuwagan. Walang itatanong sa kanila tungkol sa walang saysay na mga pangangatwiran na iniluwal sa anino ng ganap na kasinungalingan. Sa araw na iyon darating ang karaniwang mga tao iyong di nagkaroon ng puwang sa mga aklat ng mga tula ng mga intelektuwal na walang pakialam sa pulitika, ngunit iyong araw-araw na nagsipaghatid ng kanilang tinapay at gatas, ng mga tortilla at itlog iyong nagsulsi ng kanilang mga damit iyong nagsipagmaneho ng kanilang mga kotse iyong nagtrabaho para sa kanila at itatanong nila: Ano ang ginawa ninyo nang magdusa ang mga maralita nang natupok sa sarili nila ang pagkamasuyo at buhay? Mga intelektuwal na walang pakialam sa pulitika ng aking mahalimuyak na bansa hindi kayo makasasagot lalamunin ng buwitre ng katahimikan ang inyong bituka ngangatngatin ng inyong sariling pagdurusa ang inyong kaluluwa at mapipipi kayo dahil sa kahihiyan. ISANG M AGD AM AG N G KAW ALANG H ANGG AN

April 13, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (tula) lorena barros sa bitak ng iyong utak, nakawakawak ang inuuod na bangkay ng paganismo habang sa iyong mga mata nagniningas ang kandila ng rebolusyon dumating ka sa isang yungib sa disyerto taglay ang ilaw ng madaling-araw habang ang nagiginaw na mga anino sa dilim ay naghahabulan tungo sa kamatayan. sa isang magdamag ng kawalanghanggan halikan mo, lorena, ang mga sikmurang nilalangaw dinggin mo ang sigaw ng batingaw habang nagbabanyuhay sa aking paanan ang ilang mumong kanin at inaamag na tinapay rebolusyon, lorena, rebolusyon ang parang itak na susugat sa mga manhid na utak. sa aking yungib sa disyerto, lorena, dumating akong nag-iisa at ulila akong lilisan sa pasigan ng kaluluwa sa isang magdamag ng kawalanghanggan. PILIPINO FREE PRESS, Nob. 19, 1969 IMORAL N A LI P UNAN April 13, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez KAGABI, parang ayaw na naming magsulat ni isang letra tungkol sa umiiral na nakasusulukasok na pambansang kalagayan habang, sa kabilang banda, taingang-kawali ang mga nasa poder at ayaw dinggin ang matagal nang idinaraing ng dayukdok na masang sambayanan. Bagaman mali, at isang karuwagan o pagtakas sa katotohanan, naisip naming matulog na lamang at huwag nang dalirutin ang nilulumot nang mga problemang panlipunan sapagkat, sa dispalinghado naming pananaw, hindi na iyon magagamot ng mga paglalahad, o matindi mang mga panunuligsa sa uring mapagsamantala at naghahari-harian sa bansa.

Pinilit naming pumikit, ngunit ayaw haplusin ng antok ang aming kamalayan, at umuukilkil pa rin sa kaisipan ang maraming bagay na nagpapasulak ng dugo at nagtutulak sa sariling makisangkot sa anumang paraan sa mga proseso tungo sa tunay na pambansang pagbabago. Naisip naming bulatlatin, kahit nabasa na noon, ang dalawang libro sa pilosopiya: ang Tao Te Ching ni Lao Tsu at ang From Socrates to Sartre ni T.Z. Lavine, ngunit waring lalong naligaw sa kagubatan ng mga ideya ang lumulutang at nalilito naming kaisipan. Upang maaliw at mapayapa ang damdamin, minabuti naming muling pahapyaw na basahin ang Gospel Fictions ni Randel Helms at napagtuunan namin ng pansin ang mga kontradiksiyon sa mga ulat ni San Mateo at ni San Lukas tungkol sa pagkakapanganak kay Jesus. Kay Mateo, naninirahan na sa Bethlehem sina Jose at Maria hanggang ipanganak si Jesus at naglakbay nang malaon patungong Nazareth. Kay Lukas naman, nasa Nazareth na sina Jose at Maria at nagpunta lamang sa Bethlehem nang malapit nang manganak si Maria. Matapos naming suriin ang ilang pahina, lalo na ang tungkol sa mga milagro, lalo kaming naguluhan at hindi matiyak kung alin ang paniniwalaan, tulad din ng ipinangangalandakang mga programa at plataporma ng estado tungo diumano sa pambansang kaunlaran at katubusan. Lalo kaming hindi inantok nang muli naming pasadahan ang X-Rated Bible ni Ben Edward Arkeley, isang masusing pag-aaral tungkol sa mga bahagi ng Bibliya na hitik sa mga tagpong seksuwal na itinuturing na kalaswaan at imoral ng nagbanal-banalang lipunan, gayong may higit na imoral na mga bagay, tulad ng patuloy na pambubusabos ng iilang tao sa malawak na sektor ng sambayanan at patuloy namang pandarambong ng mga makapangyarihan sa salapi ng bayan. Sa Genesis 19:26-38, matapos gunawin ang Sodom at Gomorrah, nanirahan sa isang kuweba si Lot kasama ang dalawa niyang anak na babae sa takot na magahasa ang mga iyon ng mga kalalakihan ng Zoar. Sa kagustuhang mapanatili ang kanilang lahi, napagkasunduan ng kanyang mga anak na lasingin siya at sipingan. Noong unang gabing malasing si Lot, ang panganay ang sumiping at nakipagtalik sa kanya. Sa ikalawang gabi, ang nakababata naman ang nakipagtalik kay Lot. Nabuntis ang magkapatid at ipinanganak ng panganay si Moab at ng nakababata si Ben-ammi. Makikita rin ang relasyong seksuwal ng magkadugo sa Samuel 13:1-19 nang gahasain ni Amnon, anak ni Haring David, ang kanyang kapatid sa ama na si Tamar. Bilang paghihigangti, pinatay ni Absalom kapatid ni Tamar sa amat ina si Amnon. Maging si Moises, dakilang lider diumano ng Israel, ay bunga rin ng relasyong seksuwal ng magkapamilya. Sa Exodus 6:20, sinipingan at binuntis ni Amram ang kanyang tiyang si Jochebed kapatid ng kanyang ama at naging mga anak nila sina Aaron at Moises. Higit kaming nanatiling gising nang mabasa namin kung paano nakiapid si Haring David at ipinapatay pa niya nang malaon sa pamamagitan ng isang napakatusong pakana ang asawa ng kanyang kalunya. Sa II Samuel 11:2-27, nakita niya mula sa bubong ng kanyang palasyo ang naliligong si Bathsheba. Labis niya itong pinagnasaan hanggang sa makasiping at nang mabuntis, pinauwi niya mula sa digmaan ang asawa

nitong si Uriah upang mapagtakpan ang kanyang ginawa. Sa halip na umuwi sa sariling bahay si Uriah upang makipagtalik kay Bathsheba, nanatili ito sa palasyo bilang isang matapat na mandirigma. Napilitan si Haring David na pabalikin sa digmaan si Uriah, ngunit inatasan niya ang kumander nito na italaga si Uriah sa unahan ng hukbo nang mapatay agad. Nang mapatay ito, tuluyan nang kinasama ni David si Bathsheba. Namatay ang una nilang anak, ngunit nabuhay ang pangalawa si Solomon na naging hari nang malaon at nagkaroon ng 700 asawa at 300 pang kabit. Nakatutuwa naman ang I Samuel 18:6-27 nang mandirigma pa si David sa panahon ni Haring Saul. Lihim na kinainggitan ni Saul si David sapagkat higit na napabantog kaysa kanya sa buong Israel kaya hinangad niyang mapatay si David sa digmaan. Nang makursunadahan ni David ang isang anak na dalaga ni Saul si Michal hininging dote ni Saul ang 100 balat ng titi ng mga Philistinong kalaban nila sa digmaan. Ngunit hindi napatay si David at nagawa pa nitong tuliin ang 200 kalaban, ibinigay kay Saul ang balat ng mga titi, kaya nakuha naman niya si Michal. Kung puno man ang Bibliya ng mga tagpong seksuwal batay sa pagsusuri ni Arkeley mulang pangangalunya at pakikipagtalik sa hayop o kadugo, mulang onanismo o pagsasalsal, mulang panggagahasa at prostitusyon, hanggang eksibisyonismo o pagpapakita ng ari sa publiko, maituturing namang higit na imoral ang paglaganap ng karalitaan dahil sa walang patumanggang pagsasamantala at inhustisya ng iilang diyus-diyosan sa umiiral na lipunan. Lalo kami tuloy hindi nakatulog nang muling umukilkil sa isipan ang walang gulugod na pambansang liderato at mga bentador ng soberanya at ng kapakanang-bayan at ng kinabukasan ng susunod na henerasyon. Muntik na kaming mabaliw nang mabasa namin ang magulong ulat at mala-sarsuwelang imbestigasyon ng Senado tungkol sa multi-milyong pisong deposito ng isang Jose Pidal. Inisip na lamang naming kamiy nasa ibang planeta upang makalimot at makatulog. # Kolum, Setyembre 10, 2003 HUW AD N A K AB AN ALAN April 9, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez HINDI na nakagugulat sa kasaysayan ng Simbahan at gaya na lamang ng paghihilamos at pagmumumog kung umaga ang masangkot ang mga alagad nito pari man o obispo, arsobispo man o kardinal o maging ang Papa sa Roma sa mga eskandalong seksuwal. Sa Amerika na lamang, batay sa mga ibinunyag ng Time at Newsweek, hindi iilang pari ang lumitaw na may mga kulasisi o kabit, may mga anak sa labas, nanggahasa o nagmolestiya ng lalaki man o babae. Umalingasaw din sa mga parokya sa ating bansa ang gayong mga eskandalo at, katunayan nga, apat na taon lamang ang nakararaan, inamin ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) na sa 6,000 mga pari sa Pilipinas, mga 4,000 sa kanila ang may karelasyon at may mga anak pa nga sa labas ang iba. Ilan sa

mga paring ito ang tumalikod na sa tungkulin, iniwan ang kani-kanilang parokya, at hayagang nagsipagasawa. Hindi na namin nasundan ang resulta, naging laman ng mga diyaryo noon ang kasong panggagahasa ni Fr. Macario Apuya ng Vigan, Ilokos Sur, at usap-usapan naman ngayon totoo man o hindi ang isinampang reklamo kay Papal Nuncio Antonio Franco, kinatawan ng Vatican dito, ng dating sekretarya ni Obispo Teodoro Bacani, Jr., tagapayo ni Bro. Mike Velarde ng tropang El Shaddai. Diumano, niyakap siya, pinanggigilan at pinaghahalikan ni Bacani. Gaya ng mga basalyos ng ibang mga sektang panrelihiyon, bakit hindi pa nga pahintulutan ng Papa sa Roma na magsipag-asawat makipagtalik ang kanyang mga alagad gayong tao rin naman sila at sinasabing napakahirap supilin ang mga pangangailangang seksuwal? Nagiging ipokrito tuloy ang mga ito, itinatago sa loob ng abito o sutana ang makamundong pagnanasa habang nangangaral kung ano ang moral o imoral. Sabagay, maging ang sinasabing Banal na Bibliya lalo na ang mga aklat ng Genesis, Leviticus, Ecclesiastes, Corinthians, Exodus, Psalms, at iba pa ay puno ng mga tagpong baka ituring na X-rated ng moralistat nagbabanal-banalang lipunan. Naroroon ang eksena ng maramihang pagtatalik, eksibisyonismo, pangangalunya o pakikiapid, pakikipagtalik sa hayop, onanismo o pagsasalsal, at tinatawag na sodomy. Batay naman sa pananaliksik ni James A. Haught, awtor ng Holy Horrors, matindi ang katiwalian, kasuwapangan at imoralidad ng Simbahan lalo na noong Edad Media. Kasangkot maging ang mga naging Papa sa kung anu-anong eskandalo. Ibinigay ni Papa Juan XII sa kanyang kabit ang ibang kayamanan ng Simbahan, kinapon ang isang karibal, binulag ang isa pa, at pinamunuan ang isang hukbo sa pakikidigma. Ibinenta naman ni Papa Benedict IX ang kanyang trono sa gustong humalili sa kanya sa halagang 1,500 libra ng ginto. Labis na pinahirapan at ipinapatay ni Papa Urban VI ang kanyang mga kardinal at ipinagyabang pa ni Papa Innocent VIII ang ilehitimo niyang mga anak na pinagpasasa sa kayamanan ng Simbahan. Pinatay ni Papa Boniface VII ang dalawang karibal sa trono at gayundin ang ginawa ni Sergius III sa dalawa niya ring kalaban. Nilaspag naman ni Papa Benedict V ang isang dalagita at itinakas ang kayamanan ng Vatican. Ipinapatay ni Papa Boniface VIII ang bawat mamamayan ng Palestrina at ipinasunog ang buong siyudad. Nang kinatawan pa lamang ng Papa si Clement VIII, ipinapatay naman nito ang 8,000 mamamayan ng Cesena, pati mga bata. Napatanyag naman sa kasaysayan ng pornograpiya bilang Ballet of the Chestnuts ang ginawa ni Papa Alexander VI. Matapos suhulan ang mga kardinal upang mahalal siya bilang Papa, nagdaos ito ng piging sa loob ng Vatican kasama ang dalawang bastardong anak, sina Cesare at Lucrezia Borgia. Sa March of Folly ni Barbara Tuchman, inilarawan niya ang sumusunod: Pinamunuan ng Papa ang piging na inihandog ni Cesare sa Vatican. Limampung mang-aaliw na babae ang nakipagsayaw sa panauhing mga lalaki matapos ang hapunan, sa simulay nakadamit at hubot hubad na nang malaon. Pagkatapos, isinabog sa lapag ang mga kastanyas kasama ng mga kandelabra na pagapang na dinadampot ng mga babae habang nanonood ang Papa, si Cesare at ang kapatid niyang babaing si Lucrezia.

Sumunod ang pakikipagtalik ng mga panauhin may gantimpalang mamahaling sutlang tuniko o balabal ang sinumang lalaking pinakamaraming ulit na nakipagtalik sa mga babae. Dahil sa mga nabanggit, tumindit nagkasunud-sunod ang mga protesta at paghingi ng reporma sa herarkiya ng Simbahan. Noong mga taon ng 1100, nagprotesta ang paring si Arnold ng Breccia; hinubaran siya ng abito, ipinatapon, naging excommunicado at nang hindi tumigil, ibinitin at sinilaban siya nang buhay. Sa Inglatera naman noong 1300, tinuligsa ni John Wycliffe, isang paring propesor, ang mga katiwalian ng Simbahan at itinakwil niya ang doktrinang dugo at katawan ni Kristo ang alak at ostiyang ginagamit sa misa. Lumaganap ang kanyang aral hanggang Czechoslavakia sa pamamagitan ng isang paring si John Hus na ipinakulong at ipinasunog ng mga awtoridad ng Simbahan. Maging sa Italya na kuta ng Vatican, pinangunahan naman ng paring si Girolamo Savoranola ang paghingi ng reporma hanggang ikulong siya, ibitin at sunugin nang buhay noong 1498. Pumutok ang matinding paghihimagsik laban sa Simbahan noong 1517 nang ipaskel ni Martin Luther sa pinto ng simbahan ng Wittenberg ang 95 pahina niyang tesis na masasabing ganap na nagluwal sa Repormasyon at nagpasiklab ng pagpapatayan ng mga Katolikot Protestante hindi lamang sa Europa kundi maging sa iba pang panig ng mundo. Sa kasalukuyan, hindi nga malayong maulit ang mga katiwalian, eskandalot imoralidad at kalupitan noon ng Simbahan kahit itago man sa loob ng mga abito, wisikan man ng agua bendita o tambakan ng ostiya upang hindi umalingasaw. Ito ang huwad na kabanalan. Hunyo 18, 2003 ALIN ANG I MOR AL? April 7, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) Hindi namin maunawaan hanggang ngayon, o ayaw ipaunawa sa amin ng mga anghel sa kalangitan at ng mga basalyos ni San Pedro sa lupa, ang pagtutol ng mga lider ng Simbahan sa paggamit ng artipisyal na mga pamamaraan, gaya ng kondom, IUD, ineksiyon at pildoras, upang masugpo ang mabilis na pagdami ng populasyon. Kamakailan lamang, ginamit pa itong pang-blackmail ng Simbahan sa mga pulitiko at nagbanta ang pangulo ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) si Arsobispo Orlando Quevedo noon na hindi iboboto sa darating na eleksiyon ang agresibong mga sumusuporta sa programa ng pamahalaan sa birth control. Bagaman hindi ang pagdami ng populasyon ang pangunang dahilan ng matinding karalitaan kundi ang napakasamang balangkas ng lipunan na iilan ang kumokontrol sa pulitika at ekonomiya ng bansa, nakababahala na rin na halos 90 milyon na ang populasyon ng bansa at ika-14 na ito sa pinakamataong mga nasyon sa buong mundo. Mabilis pa itong nadaragdagan ng 2.36% bawat taon habang, sa kabilang banda, tumitindi ang krisis pang-

ekonomiya at inutil ang pamahalaang matugunan ang pangunahing mga pangangailangan ng napakaraming mamamayan, lalo na nga ang sugpuin pa ang paglaganap ng karalitaan. Sa kabila nito, sagad hanggang langit ang pagtutol ng Simbahan sa artipisyal na birth contol at sinasang-ayunan nito ang natural na pamamaraan, gaya ng pag-iwas sa pagtatalik kung nasa panahon ng ovulation ang babae. Tanggapin nang imoral at kasalanang mortal, gaya ng paniniwala ng Simbahan, ang aborsiyon o paglalaglag ng fetus o nabubuong sanggol sa obaryo ng ina, aborsiyon na ba ang paggamit pa lamang ng kondom at IUD at ng katulad nito upang mahadlangan ang pagbubuntis? Lumilitaw ding doble-kara ang prinsipyo ng Simbahan sa bagay na ito. Noong dekada 60 nang kainitan ng giyera sibil sa dating Belgian Congo, pinahintulutan ng Vatican na uminom ng pildoras ang mga madre doon upang hindi mabuntis kung sakaling magahasa ngunit, noong dekada 90, sa digmaan ng Serbia at Kosovar, tinuligsa ni Monsignor Elio Segreccia malapit na tagapayo ng Papa ang pag-inom din ng kababaihang Kosovar ng mga pildoras upang hindi mabuntis dahil ginagahasa ng mga sundalong Serbian. Ano ang pagkakaiba ng madre sa hindi madre? O baka ang madrey puwede lamang buntisin ng banal na espiritu, gaya nang nangyari diumano sa ina ni Noah at sa ina rin ni Jesus? Kailan ba nagsimula ang sarado o panatikong paniniwala ng Simbahan laban sa birth control at aborsiyon? Sa Bibliya, nabanggit lamang ang aborsiyon sa Exodus 21, bersikulo 22-25. Sa naturang teksto, parurusahan ang sinumang lalaking nanakit ng sinumang buntis na naging dahilan upang itoy makunan o malaglag ang ipinagbubuntis. Sa maraming dantaon, pinaniwalaan maging ng Simbahan ang interpretasyong ito. Sa paglipas ng mga taon, nagsimulang mabago ang gayong paniniwala at pikit-matang tinanggap na tuwirang ipinagbabawal ng Bibliya ang aborsiyon nang magkaroon ng ibang pakahulugan ang isang teologong Carthaginian sa naturang teksto ng Exodus. Iginiit ni Quintus Septimius Florens Tertullianus (A.D. 160-230) na may kaluluwa na ang fetus makaraan ang 40 araw kung lalaki, at 80 araw naman kung babae. Pinalubha pa ang kamalian sa bagay na ito nang isalin sa Latin mula sa orihinal na Hebrew ang tekstong iyon ni Eusebius Hieronymus, itinuring na eskolar ng Bibliya. Nang ipahayag pa noong 1869 ni Papa Pio !X na isang kasalanang mortal ang aborsiyon at binigyang-diin pa niya ang katawatawang doktrinang hindi nagkakamali ang Papa, lalong tumibay ang paniniwala ng mga basalyos ng Simbahan laban sa aborsiyon, at itinuturing pa ngayon na aborsiyon na ang paggamit lamang ng kondom, IUD at pildoras upang mahadlangan ang mabilis na pagdami ng populasyon na mauuwi sa higit na malaganap na karalitaan. Natural, hindi dapat supilin at ilaglag ang fetus sa obaryo ng ina kung bunga ng mataos na pag-iibigan ngunit kung bunga, halimbawa, ng panggagahasa, masusunod pa rin ba ang diumanoy laging tamang Papa sa Roma? Hindi rin kaya makatuwirang hadlangan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng artipisyal na mga pamamaraan? Tungkol sa mga babaing Kosovar, sinabi nga noon ni Dr. Eva Sabachi ng Marie Stopes International, isang organisasyong nagtataguyod sa birth control at nagbibigay-payo sa mga nag-aborsiyon, na pinakamasamang magagawa ng Vatican sa naturang mga babae ang payagang isilang ng mga iyon ang bunga ng panggagahasa, lalo nat ang gumahasa sa kanilay mismong pumatay sa kanilang mga asawa at kapatid.

Sa aba naming palagay, higit na imoral ang karalitaan kaysa birth control at aborsiyon at kasalanang mortal ng mga basalyos ng Simbahan ang hadlangan ang bagay na ito. Sabagay, kahit lumaganap nang lumaganap pa ang karalitaan dahil sa pagdami ng populasyon, yayaman at yayaman naman ang Simbahan at, katunayan nga, mga isang trilyong dolyar na ang kabuuang yaman ngayon ng Vatican. Sabi nga, higit na dapat unahin ng Simbahan ang paglilinis nito sa sariling bakuran kaysa pagkondena sa birth control lalo na ngayong nabubulgar na nang husto ang patuloy na pagkakasangkot ng mga basalyos nito sa ibat ibang eskandalong seksuwal. Alin nga ba ang imoral: ang birth control at aborsiyon o ang pagsusulong ng karalitaan at pagpapayaman ng Simbahan sa pawis at dugo ng dayukdok na sambayanan? DUGO ANG I NI LULUH A NG MG A B ULAK LAK April 4, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez namumulaklak na ang cadena de amor sa lapidang lata ni ka pedrong magsasaka na pumanaw na ang plemay kasing pula ng gumamela sa bawat pagdahak kung umaga kulubot ang mukhat maalipunga ang paa. ilang gabi rin siyang pinaglamayan ng mga alitaptap sa punong akasya tinangisan ng uugud-ugod na kalabaw sa ugat ng punong mangga inalayan siya ng kapeng barako, ng galyetas at biskotso beninditahan ng sampagitat ilang-ilang at ng mga luha ng kandila ng kaalipinan. kupasing pantalong maong polong pinaglaruan ng panahon at mga alaala ng abuhing kahapon ang kasama niyang ibinaon sa piling ng itim na daigdig ng palotsinang kabaong. nakaluhod ngayon ang araro sa silong ng bahay-kubo nagdarasal sa pilapil ang talahib at amorseko sa tarundon at tumana ay nalugmok ang pag-asa

sa pagyao ni ka pedrong magsasaka agunyas sa karimlan ang awit ng mga maya hininga ng dapithapoy kasing sangsang ng pulbura mga buhay na kalansay sa bukiriy naglipana mga nota ng araro hinihimig ay plegarya. dugo ang iniluluha ng mga bulaklak sa bawat paghibik ng buong magdamag sa mga bukiring adhikay naglatak kalian itititik ng talim ng tabak sa dibdib ng lupa ang laying mailap? kalian aanihin ng lingkaw at karit ang laksang pangarap upang di dugo ang siyang iluha ng mga bulaklak? matagal nang naglalabat naglalampaso ang anak na dalaga ni ka pedro sa mansiyon ng propiyetaryo! SUNDAY INQUIRER, Mayo 14, 1989 P and esal Kay Magd alena April 3, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nakita ko isang makulimlim na umaga ang anak kong si magdalena nakaupo sa ugat ng punong mangga tangan-tangan ang matigas na pandesal na walang palaman ni asukal. bawat kagat ay kang ninanamnam habang nakatanghod

sa kanyang paanan ang ilang pulang langgam. at kamiy nagkatinginan siyay napangiti akoy napaluha at napatadyak sa matigas na lupa. (TRENDS, PUP, 1989) T sub ib o Ng P anlilinlan g April 2, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) PARANG HINIMAS saka binatukan ni Embahador Alistair MacDonald ng EU (European Union) ang administrasyon ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa Kapihan sa Sulo Hotel kamakailan nang purihin niya muna ang ipinagyayabang ni La Gloria na 7.3% pagsulong diumano noong 2007 ng kabuuang produkto ng bansa o GDP (gross domestic product) at, pagkatapos, tinuligsa naman niya ang paglaganap ng karalitaan dito batay sa ipinalabas na datos ng NSCB (National Statistical Coordinating Board). Kahindik-hindik kung totoo na sumulong ng 7.3% ang pambansang ekonomiya noong nagdaang taon. Ayon nga kay MacDonald, kinikilala namin na pinakamahusay itong makroekonomikong nagawa sa loob ng 50 taon. Gayunpaman, sa kabilang banda, waring gusto naman niyang isumbat sa pambansang liderato kung bakit maraming mamamayan ang nagdaralita at nabubuhay sa wala pang $1 sa bawat araw. Sa datos ng NSCB, tumaas pa ito mulang 30% at naging 33%. Binigyang-diin pa nga niya na lalong lumalaki ang agwat na naghihiwalay sa mayaman at sa maralita. Sa punto tuloy ni MacDonald, kailangang pagsikapan ng gobyernong maisakatuparan ang mga layunin ng Millenium Development na ating pinagtibay para tiyak na mapagkalooban ng nararapat na serbisyo sa kalusugan at edukasyon at maging kabahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ang pinakamahihirap na mga komunidad. Kailangan din, sabi niya, na lutasin ng pamahalaan ang mga pagdukot at pagpatay na pampulitika sa bansa na tumindi mula nang maluklok sa kapangyarihan noong 2001 si La Gloria. Umuunlad nga ba ang pambansang ekonomiya sa ilalim ng liderato ni La Gloria? Kung totoo ito, bakit lumalaganap pa ang karalitaan? Bakit tuluy-tuloy ang pandarayuhan magpaalipin man ng milyun-milyong manggagawang Pilipino kung gumaganda nga ang buhay sa Pilipinas? Bakit mga isang milyong Muslim sa Mindanaw ang umaasa sa donasyong pagkain ng ibang mga bansa (World Food Programme) upang makatawid-gutom sa araw-araw? Bakit, hanggang ngayon, milyun-milyong Pilipino ang walang bahay at lupa, walang trabaho, at hindi mapagkalooban ng kinakailangang edukasyon ang mga anak? Bakit, sa kabuuan, para sa masang sambayanan, miserable ang buhay sa

sariling bayan, lalo ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing mga bilihin unang-una na ang bigas? Ayon nga kay Felipe Medalla, dating direktor heneral ng NEDA (National Economic Development Authority) at propesor ngayon ng ekonomiya sa Unibersidad ng Pilipinas, waring isang kathang-isip na estadistika ang sinasabing 7.3% pagsulong ng GDP. Kung susuriin, binigyang-diin niya, mga 5.5% lamang ito. Sa punto nga ng Global Source na nakabase sa New York, taliwas sa takbo ng kasaysayan ang ipinagyayabang ng rehimen na 7.3% pag-unlad ng ekonomiya at, sa opinyon nito, 5.6% lamang ang mararating na GDP ng bansa sa 2008. Sa maikling salita, sa tingin ng Global Source, hindi tunay na larawan ng pambansang ekonomiya ang ipinipinta sa sambayanan ng naghaharing rehimen. Salungat din sa reyalidad ang 7.3% GDP, ayon naman kay Cielito Habito, dati ring direktor heneral ng NEDA. Maraming mga dahilan upang pagdudahan ang mga datos na ibinibigay ngayon sa atin, sabi niya. Kung totoong umuunlad ang ekonomiya, tanong niya, bakit 150,000 trabaho lamang ang nalikha ng gobyerno noong 2007? Sa nakaraang mga taon, binigyang-diin niya, pinakamababa ang naturang bilang na, di nga kasi, dapat na tumaas pa kung talagang mabilis ang pagsulong ng pambansang ekonomiya. Saan, kung gayon, napulot ni La Gloria ang ipinagyayabang na datos hanggang Hong Kong sa tatlong araw na 11th AIC (Asian Investment Conference, Marso 31-Abril 2 ngayon) na nakamit ng bansa ang 7.3% GDP noong nagdaang taon? O mahilig siyang magpunta sa Enchanted Kingdom sa Laguna at nakahiligan niyang sumakay sa tsubibo (ferris wheel) ng panlilinlang upang makapangunyapit lamang sa kapangyarihan? Hindi na tuloy katakataka na sa Grand Hyatt Hotel sa Hong Kong, sinalubong agad siya ng nagpoprotestang migranteng mga manggagawa na pawang nakaputing maskara at may nandudumilat na mga titik na: sinungaling, mandaraya, at mamamatay-tao; may mga plakard pa ang iba na malinaw na nakasulat ang Bigas, hindi pagwawaldas! at Patalsikin si Gloria. O talagang nasasarapan si La Gloria sa pagsakay sa tsubibo ng panlilinlang habang dayukdok naman at nagdaralita, sa kabilang banda, ang binibilog ang ulo o inuutong masang sambayanan? Sa Dagat Ng Ap o y Ng M ga B end ita April 1, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa dagat ng apoy ng mga bendita tayoy magmimisa habang iniluluwa ang may lasong ostiya sa mga simbahan at mga kapilya ating itataas ang kalis na bungo at bubusan ng sariwang dugo ang santong rebulto at mukha ni kristo.

sa dagat ng apoy ng mga bendita tayoy magmimisa pulpito natin ang puso ng masa bayaang magsermon tabak at pulbura papagkumpisalin lahat ng may sala piliting lumuhod ang pari at mongha pahaliking lahat sa paa ng indio himurin ang sugat ng mga anino. sa dagat ng apoy ng mga bendita titipunin natin namuong luha ng mga kandila bawat estampitat mga kandelabra sa altar ng dusa butil ng rosaryo sa mga sakristiya mailbag na kalmen sa dibdib ng masa at bibliya ng pera ang ipambabala sa nalikhang kanyon ng pakikibaka. sa dagat ng apoy ng mga bendita bayaang ang bungoy mabiyak habang nagmimisa isabog ang dugo at utak sa mga kalsada sa bukid at lungsod sa burol at bundok sa lupang binaog ng salot na krus ng ubaning santo at ng mga ganid sa mga kumbento. sa dagat ng apoy ng mga bendita tayoy magmimisa bendisyon ng tabak at koro ng bala himno ng pulburat mga dinamita wawasaking lahat mga bartolina ng layang kinulong ng puting demonyo at magbabanyuhay lahing Pilipino. sa dagat ng apoy ng mga bendita dadasalin natin marahas na nota ng pakikibaka di na tayo luluhod na muli

habang nagmimisa upang maglagablab ang mga bulaklak upang ang amihay humalakhak upang ang talahib ay umindak at sa basbas ng ngitngit ng lintik iwawagayway natin ang nagdurugong bandila sa bawat dampa ng mga inalila bawat luhay magiging punglo ng paglaya! Sunday Inquirer, Enero 25, 1995 Ave, Ave, P ater P atr um March 31, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) Nang dumalaw sa bansa si Papa Pablo VI, Nob. 27, 1970. Giovanni Battista Montini, Servus Servorum Dei nang iluwa ka ng Alitalia, mga Barabas naghaleluya. Viva!Viva Il Papa! Hosanna in excelsis, benedictus qui venit in nomine domini Diyos Ama, Diyos Anak, Diyosa Espiritu Santa. patawarin anak mong nagkasala. Mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa, nang sa kantoy magdaan ang Santo Papa ako poy nasa kubeta nagbebenditat nagdaraos ng sariling misa. Ave, Ave, Pater Patrum! inodoroy nagkumunyon, nangumpisal pa sa poon. Ave, Ave, Birheng Maria! ipanalangin ang anak mong nagkasala. Mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa, ni hindi ko man lamang nakita ang tiara ng Santo Papa nang magpunta siya sa Luneta at magmisa, ako poy umiinom ng hinebra sa restawran ni San Da Wong sa Ermita. Diyos Ama, Diyos Anak, Diyosa Espiritu Santa! ako poy huwag bulagin ng mga kalmen at estampita

habang ang kandilay bangkay na naagnas sa bawat kandelabra. Kahit ako poy di lumuhod sa Santo Papa nakita ko naman ang kanyang anghel de la guwardiya sa bote ng La Tondena Michaelem Archangelum, nakaamba kumikislap na espada sa plato ng espagheting Piccolinong may bendita ng ketsap Papa. Ave, Ave, Pater Patrum! ako poy nagugutom sitsiritsit alibangbang, salagintot salagubang bawat oras, bawat araw, kampanay kumakalembang Sit laus plena, sit sonora, sit jucunda, sit decora mag-antanda at magdasal. Ave, Ave, Ave Maria! ang pariy nagbibilang ng pilak sa sakristiya. Diyos Ama, Diyos Anak, Diyosa Espiritu Santa! ipanalangin kaluluwa ng anak mong nagkasala. Mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa! krusipiho at rosaryoy ipinanguya ko sa basura. Santo Papa! Santo Papa! puto sekot puto maya inuuod ang kumbentot mga mongha bawat santoy nakanganga sa isusubong ostiya. Ave, Ave, Pater Patrum kalyehon koy inaagiw barungbarong at esteroy nakatanghod sa kopita,t kandelabra araro koy nakapangaw sa tumana armalite ay umaawit sa Candaba. Ave, Ave, Ave Maria! Quod in carnem transit panis, et vinum in sanguinem, quod non capis, quod non vides, animosa firmat fides. Diyos Ama, Diyos Anak, Diyosa Espiritu Santa!

Kagabi, Santo Papa, ang utak koy talahib na naglagablab at nagsayaw ang mga alitaptap! PILIPINO FREE PRESS, Dis. 9, 1970ve Gasgas Na ng B ulad as March 26, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) GARAPAL at matinding panlilinlang sa sambayanan ng umiiral na rehimen at nakaugalian na ito ang pahayag kamakailan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa Mabalacat, Pampanga na hindi kukulangin sa bigas ang bansa sa kabila ng pagbagsak ng pandaigdig nitong suplay at pagtaas ng presyo. Gaya lamang ito ng paulit-ulit na pangangalandakan ni La Gloria na patuloy na sumusulong ang ekonomiya at nababawasan ang karalitaan sa kapuluan kaya, natural, sa ilalim ng kabisote niyang liderato at mailusyong diwa, tuluy-tuloy diumano ang pambansang kaunlaran at maihahatid niya sa piling ng mauunlad at industriyalisadong mga bansa sa malapit na hinaharap ang kanyang Matatag na Republika. Maliwanag naman, sa kabilang banda, batay sa estadistika, naging 27% mulang 24% buhat noong 2003 hanggang 2006 ang maralitang mga pamilya sa bansa at, kung sumulong man ang ekonomiya, ilang mandurugas lamang sa lipunan ang nakikinabang habang nananatiling may bulser (kanser sa bulsa) ang nakararaming masang sambayanan. Batay naman sa dalawang dokumentong nakuha ng KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) mula

sa NFA (National Food Authority) at Kagawaran ng Agrikultura, parang bagyong hindi maiiwasan ang krisis sa bigas na nakaamba sa bansa kaya, ngayon pa lamang, nananawagan na sa Malakanyang sina Sen. Mar Roxas at Loren Legarda na pag-aralan at paghandaan ito. Noon pa mang Pebrero 11, 2008, humingi na ng pahintulot mula sa Lupon ng NFA ang administrador nitong si Jessup P. Lopez upang bumili sa ibang bansa ng 500,000 metriko toneladang bigas at, noong Pebrero 27, sa pamamagitan ng isang memorandum, ipinaliwanag ni Sekretaryo Arthur Yap ng Agrikultura kay La Gloria ang hinaharap na kakulangan sa bigas ng mundo. Isang malaking kahangalang ipinayo pa nito tuloy kamakailan sa mga mamamayan na sa halip na isang tasang kanin ang kainin, gawin na lamang itong kalahati. Sikmura nga ng publiko ang nirerendahan gayong sa kabilang banda, walang habas naman ang pandarambong sa pera ng bayan sa napakatiwali nat umaalingasaw na burukrasya. Ano ngayon ang buladas at palabas ng Malakanyang na walang krisis sa bigas na nakaamba sa bansa? Una, itinigil na ng Vietnam ang eksportasyon ng bigas at isang milyong metriko tonelada na lamang, sabi ng mga opisyal nito, ang kaya nitong ibenta sa Pilipinas Tinatayang hanggang 4.5 milyong metriko tonelada ang aanihin lamang nito sa Abril, 50-M MT ang Indonesia at 6-M MT ang Thailand na, kung tutuusin, hindi kayang sumuporta sa kailangang bigas ng ibang mga bansa sa rehiyon. lamang na tiyak na pipinsala sa agrikultura. Idagdag pa nga ang prediksiyon ng PAG-ASA na, hanggang Hunyo, limang bagyo ang inaasahang mananalasa sa bansa bukod sa mga pagbaha sa Gitnang Luson na

Paano, kung gayon, matutugunan ang pangangailangang bigas ng bansa? Batay sa pagsusuri, 120 kilong bigas kung kumakain pa nang ayos at may ibibili pa ang kunsumo ng isang Pilipino sa loob ng isang taon. Hindi nga gasgas nang mga buladas ng naghaharing rehimen para lamang makapangunyapit sa kapangyarihan ang lunas sa krisis na itong kinakaharap ng bansa. Sikmura ng bayan lalo na ng masang sambayanan ang pangunahing nakataya dito. Sabi nga, tumaas man nang tumaas ang presyo ng langis at pamasahe, kaya pang maglakad ng ordinaryong mga mamamayan; tumaas man nang tumaas ang presyo ng elektrisidad, kaya pa nilang mag-ilaw ng gasera o magtiis sa dilim ng gabi pero, kapag sikmura na nila ang pinipilipit ng gutom, baka kainin na nila maging si La Gloria at iba pang pinagpalat naghahari-harian sa lipunan. Ayon nga kay Rep. Rafael Mariano ng Anakpawis at pangulo ng KMP, tapal-tapal lamang na parang bandaid ang ginagawang solusyon ng Malakanyang sa problemang ito. Hindi nga lubusang malulutas ang paulit-ulit na krisis sa bigas sa pamamagitan ng paulit-ulit ding importasyon nito. Nararapat lamang, ayon sa kanya, na pag-

aralang mabuti kung paano wastong magagamit ang mga lupain at, kung maaari, iukol ang malaking bahagi para pagtamnan ng palay. Isa pa, dapat na ring ibasura ang pagpapahintulot sa dayuhang mga korporasyon na gamitin ang malalawak na lupain sa bansa, lalo na ang hawak ng China, Japan at Amerika. Panahon na ring buwaging ganap ang mapagsamantalang kartel ng bigas sa Binondo at, higit sa lahat, ipatupad ang tunay na reporma sa lupa para mapaunlad hindi lamang ang produksiyon ng palay kundi ang mismong miserableng buhay ng mga magsasaka at ng kani-kanilang pamilyang matagal nang itinanikala ng mga asenderot propiyetaryo ang buhay at kinabukasan sa ilalim ng mapambusabos na sistema. Sa kabila ng malinaw na reyalidad, at sensitibong problema ng bansa sa bigas bukod sa nandudumilat, hanggang ngayon, na krisis pampulitikat pang-ekonomiya lubha ngang napakabalintunang nagkukubli pa rin ang mga makapangyarihan sa likod ng gasgas nang mga buladas o tandisang kasinungalingan sa halip na gumawa ng kongkretong mga hakbang upang puspusang makabayang harapin at lunasan ang pambansang mga problema. Ngayon pa nga lamang, ipinahihiwatig na ng mga senyales sa lipunan na lubhang maselan ang kinakaharap ng bansa na krisis sa bigas. Sabi nga, batay sa mga aral ng kasaysayan, walang kinikilalang batas ang hungkag na mga sikmura. Si Rizal At An g P amb an sang Kala yaan March 25, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Lathalain) MAGPAHANGGANG NGAYON, pinagtatalunan pa ng mga eskolar kung nararapat kilalanin o hindi si Rizal bilang ating pambansang bayani. Sa ibang mga bansa, ayon sa mananalaysay na si Renato Constantino, itinanghal na pambansang bayani ang mga naging lider ng kani-kanilang rebolusyon gaya, halimbawa, ni George Washington ng Amerika, ni Lenin ng Rusya, ni Ho Chi Minh ng Vietnam, ni Simon Bolivar ng Timog Amerika, at nina Sun Yat-sen at Mao Tse-tung ng Tsina. Ngunit, sa ating bansa, ayon pa rin sa kanya, ang ating pambansang bayani ay hindi naging puno ng rebolusyon. Sa katunayan, itinakwil niya ang

rebolusyon. Walang pasubali niyang tinutulan ang kilusan nina Bonifacio at ng mga Pilipinong nakibaka upang matamo ang pambansang kalayaan. Maaalaala, nang hulihin si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ipatapon sa Dapitan dahil sa pagkakatatag niya ng La Liga Filipina, at nang sadyain siya doon nang malaon ni Dr. Pio Valenzuela upang himuking maging pandangal na tagapangulo ng Katipunan, mahigpit na tinanggihan ni Rizal ang alok na iyon.Hindi ba sangayon si Rizal na kailangang makamit ang pambansang kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan? O naniniwala kaya siya na hindi pa handa noon ang sambayanan? Nang sumiklab noong Agosto 23, 1896 ang himagsikan ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio, maaalaala rin na nagboluntaryo si Rizal na maging doktor ng hukbong Kastilang nakikidigma noon sa Cuba. Ngunit nang papunta na siya doon, muling ipinadakip ng mga prayle at ng mga awtoridad na Kastila si Rizal. Batay sa manipestong ipinalabas niya noong Disyembre 15, 1896, tinuligsa niya ang himagsikan at ang Katipunan. Ipinahayag niya: Sa simula pa lamang nang mapansin ko ang binabalak, tinutulan ko ito, kinalaban ko ito, at ipinakita ko na ang kilusang ito ay tiyak na hindi magtatagumpay. At higit pa rito, nang ilunsad pa rin ang kilusang salungat sa aking payo, kusa kong inihandog hindi lamang ang aking mabuting pakikitungo kundi ang aking buhay at pati na rin ang aking pangalan upang itoy magamit sa anumang paraang makasusugpo sa paghihimagsik. Dahil sa akoy naniniwala na magdudulot lamang ito ng maraming kahirapan, ipinalagay ko na isang kapalaran ko kung sa kabila ng anumang pagpapakasakit ay mahadlangan ko naman itong mga walang kabuluhang kapahamakan. Sumulat din ako, at inuulit ko ito, na ang mga reporma ay dapat magmula sa itaas, at ang mga repormang magmumula sa ibaba ay nakakamit nang pabaluktot, di maaasahan, at walang katiyakan. Sa ganitong paniniwala, hindi ko maiiwasan ang sumpain at isinusumpa ko itong himagsikang ito na itinuturing kong baligho, malupit at binalak na lingid sa aking kaalaman, isang paninirang-puri sa ating mga Pilipino at inilalagay sa alinlangan ang lahat ng maaaring magtanggol sa ating layunin.Kinasusuklaman ko ang salaring pamamaraang ito at itinatatwa ko ang anumang pakikisali rito. Buong pusong kinahahabagan ko ang mga walang kabatiran na nalinlang upang sumanib sa kilusang ito. Bakit ganoon ang pahayag ni Rizal? Bakit hindi niya ikinatuwa na nagising na rin ang sambayanan, kagaya ng gusto niyang mangyari sa kanyang mga nobelang Noli at Fili, at naghimagsik na sa wakas upang putulin ang tanikala ng pagka-alipin sa ilalim ng kolonyalismong Kastila? O naniniwala kaya si Rizal, sa pamamagitan ng nabanggit na manipesto, na maililigtas niya ang kanyang sarili sa mga Kastila? Higit na maituturing natin siyang bayani kung inihandog niya ang kanyang sarili na maging doktor ng mga Katipunero kaysa maging manggagamot ng mga sundalong Kastilang nakikidigma noon sa Cuba. Ano nga kaya ang ideya ni Rizal tungkol sa pambansang kalayaan? Kung tinutulan niya ang pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon, ano kaya ang ipinalalagay niyang tamang pamamaraan upang

makamit noon ng Pilipinas ang kalayaan? Ang mga ideya kaya niya hinggil sa kalayaan ay angkop pa sa ating panahon? Kung hindi nga naging lider ng rebolusyon si Rizal, bakit siya itinanghal na pambansang bayani? BAGAMAN hindi mapapasubalian ang mga dakilang katangian ni Rizal, gayundin ang marubdob niyang pagmamahal sa kanyang bayan at ang pagiging martir dahil sa pagmamahal na ito, lumilitaw na ang mga Amerikano ang nagproklama sa kanya upang maging pambansang bayani ng Pilipinas. Batay sa kasaysayan, nang sakupin tayo ng mga Amerikano, iminungkahi noong 1901 ni Gobernador Heneral William Howard Taft sa Philippine Commission na kailangang humirang ng pambansang bayani ang ating bansa.Kinabibilangan ng tatlong ilustradong Pilipino ang naturang komisyon sina Pardo de Tavera, Benito Legarda, at Jose Luzurriaga. Sa librong Between Two Empires ni Theodore Friend, sinabi ni Taft: Kasama ang ilang pinunong Amerikano at ilang reaksiyonaryong Pilipino, pinili si Rizal bilang huwarang bayani higit sa ibang katimpalak. Hindi pinili ng naturang komisyon si Hen. Emilio Aguinaldo sapagkat lubha raw mapanlaban; masyado daw namang radikal si Andres Bonifacio; at lubha daw namang suwail si Apolinario Mabini. Matapos ngang mapili si Rizal, ipinalabas ng Philippine Commission ang Batas Blg. 137 na nagtatadhanang ang Morong ay panganlang lalawigan ng Rizal; sinundan ito ng Batas Blg. 243 na nagpahintulot na magkaroon ng pambansang abuluyan upang maipatayo ang monumento ni Rizal sa Luneta; at ang Batas Blg. 345 na nagtadhanang maging pista opisyal ang Disyembre 30, araw ng kamatayan ni Rizal. Sa aklat namang The Philippine Island ni W. Cameron Forbes, malinaw na isinulong nang husto ng mga Amerikano ang pagiging pambansang bayani ni Rizal. Sinabi ni Forbes: Tunay na karapatdapat na kilanlin si Rizal bilang pambansang bayani ng bayang Pilipino. Idinulot lahat ng pamahalaang Amerikano ang maaaring itulong sa pagpaparangal na ito. Ipinagdiriwang ang araw ng kanyang kamatayan, inilagay ang kanyang larawan sa selyong karaniwang ginagamit sa kapuluan, at sa salapi at itinuturo sa mga bata sa pambayang paaralan sa lahat ng dako ng kapuluan na igalang siya na pinakadakila sa lahat ng mga bayaning Pilipino. Idinagdag pa ni Forbes na si Rizal ay di kailanman nagtaguyod sa kasarinlan at hindi rin niya sinang-ayunan ang armadong pakikipaglaban sa pamahalaan. Iginiit niya ang pagbabago mula sa loob sa pamamagitan ng propaganda, pangmadlang edukasyon at pagpukaw sa budhi ng bayan. Malinaw, kung gayon, na gusto ng mga Amerikano na hindi marahas at kontra rebolusyon ang ating maging pambansang bayani, hindi kagaya nina Bonifacio at Mabini na ang mga ideyang rebolusyonaryo ay salungat sa patakarang kolonyal ng Amerika. Sapagkat binibigyang-diin ni Rizal sa kanyang mga akda ang kahalagahan ng edukasyon tungo sa ikapagkakaroon ng isang bansang malaya, ang ideyang ito ni Rizal ang ginamit ng mga mananakop na Amerikano sa kanilang mga layuning kolonyal. Batay sa naturang mga punto, maitatanong natin ngayon: Angkop pa kaya sa ating kasalukuyang panahon o lipunan ang mga ideya ni Rizal tungo sa kalayaan at kasarinlan? Kung susundan natin ang kanyang mga ideya, magiging ganap na malaya kaya at nagsasarili

ang ating bansa?At kung hindi na angkop ang kanyang mga ideya, ano ang nararapat namang gawin kaya ng sambayanang Pilipino? Ano nga ba ang ideya ni Rizal tungkol sa kalayaan? Ito bay nangangahulugang isang bansang may kasarinlan? SA PANAHON ng Kilusang Propaganda na kinatawan nina Rizal, Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar at ilan pang Pilipinong nasa Espanya noon, makikitang hindi ang paghiwalay ng Pilipinas sa kandungan ng Espanya ang kanilang hinihingi kundi mga reporma lamang sa pamamahala ng gobyernong Kastila sa Pilipinas. Hiniling nila na pagkalooban ng pantay na karapatan ang mga Pilipino kagaya ng mga karapatang pampulitika at pangkabuhayang tinatamasa noon ng mga Kastila sa Pilipinas. Hiniling nila na bigyang pagkakataong humawak ng mataas na puwesto sa gobyernong Kastila ang mga Pilipino, kagaya ng pagiging kinatawan sa Cortes o Kongreso ng Espanya. Higit sa lahat, kung maaari, maging probinsiya, hindi kolonya, ng Espanya ang Pilipinas. Nang hindi maibigay ang mga repormang nabanggit, marahil si Marcelo H. del Pilar lamang ang ganap na naniwala, batay sa isa niyang liham kay Andres Bonifacio, na talagang kailangan nang maghimagsik ang sambayanan upang putulin ang tanikala ng pagkaalipin ngunit, ayon kay Renato Constantino, isinumpa ni Rizal ang Rebolusyon sapagkat bilang isang ilustrado, likas niyang minaliit ang lakas at katalinuhan ng masa. Naniniwala siya na ang kalayaan ay hindi isang pambansang karapatan kundi isang bagay na ipinagkakaloob sa karapat-dapat tulad ng medalya para sa mahusay na ugali. Ang kalayaan diumanong hinihingi ni Rizal, ayon pa rin kay Constantino, ay yaong kalayaan lamang na kailangan ng piling uri upang umunlad ang kanilang kabuhayan at hindi inakala ni Rizal na ang pampulitikang kasarinlan ang siyang pangunahing kailangan bago natin makamit ang kalayaan. Sa kabanata 50 ng nobela niyang Noli Me Tangere, sa usapan nina Elias at Ibarra, maaaring ipinahiwatig ni Rizal ang pagtutol niya sa rebolusyon at pagbibigay-diin sa edukasyon para makamit ang kalayaan. Sinabi ni Ibarra: At kung ang madlang taong iyan ay makikita kong may sandata ay pipiling ako sa pamahalaan at silay aking kakalabanin, sapagkat di ko aariing bayan ang madlang taong iyan. Ibig ko ang kanilang kabutihan, kayat nagtayo ako ng paaralan; hinahanap ko ang kabutihan niya sa pamamagitan ng pagdunong, sa unti-unting pagkakasulong; kapag walang liwanag ay walang landas. Ngunit, ayon kay Elias, kung walang kalayaan ay walang liwanag. Ganap na nilinaw ni Rizal ang tunggaliang ito ng paniniwala nina Elias at Ibarra tungkol sa kalayaan sa sinulat niyang manipesto noong Disyembre 15, 1896. Batay sa aklat na Pride of the Malay Race ni Ramon Ozaeta, sinabi ni Rizal: Mga kababayan, nagbigay ako ng mga patunay higit kaninuman na pinakananasa ko ang kalayaan ng ating bansa, at ninanasa ko pa rin ito. Ngunit ipinalalagay kong pangunahing batayan ang edukasyon ng mga mamamayan upang sa pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap, magkakaroon sila ng sariling personalidad at magiging karapat-dapat silang maging malaya. Samakatuwid, gusto ni Rizal na magkaroon muna ng edukasyon ang mga mamamayan bago maging malaya at naniniwala siyang ang edukasyon at kalayaan ay dapat na laging magkaugnay kagaya ng kanyang sinabi sa sanaysay niyang Sobre la Indolencia de los Filipinos na kung walang edukasyon at kalayaan na siyang

lupa at araw ng isang tao, walang repormang posibleng maganap, walang hakbang na magbubunga ng ninanasang resulta. Sa usapan naman nina Padre Florentino at Simoun sa huling kabanata ng El Filibusterismo, inamin ni Simoun na nagkamali siyang udyukan ang bayang maghimagsik, gayundin sa kanyang mga pamamaraan upang ilunsad ang rebolusyon, gaya ng pagpapalaganap ng katiwalian, kasakiman, kasamaan, at pagbulok sa lipunan. Lumilitaw tuloy na, sa punto ni Rizal, ang tamang paraan upang makalaya ang bansa ay ang mga binigyang-diin ni Padre Florentino: Hindi ko sinasabi na ang ating kalayaan ay matatamo sa pamamagitan ng dulo ng espada sapagkat hindi makabuluhan ang papel na ginagampanan ng sandata sa pangkasalukuyang pangyayari, kundi dapat muna tayong maging karapat-dapat sa pamamagitan ng pagdakila sa katalinuhan ng tao, sa pamamagitan ng pagmamahal sa katarungan, katuwiran at kadakilaan sukdulang ibuwis ang ating buhay at kung marating na ng bayan ang tugatog na ito, ipagkakaloob ng Diyos ang sandata, mawawasak ang mga diyus-diyosan, madudurog ang paniniil, at sisikat ang kalayaan tulad ng unang bukang-liwayway. Naniniwala marahil noon si Rizal na hindi pa handa ang bayan sa pagyakap sa kalayaan at hindi pa iyon ang takdang panahon para maghimagsik ang sambayanan. Parang wala pang tiwala noon si Rizal na magagampanan ng sambayanan ang mga tungkulin para sa kalayaan kaya maging sa kanyang mga akda, nagtatalong lagi ang kanyang mga tauhan halimbaway sina Elias at Ibarra, sina Simoun at Basilio, o sina Simoun at Padre Florentino tungkol sa kung paano mapalalaya ang bansa. Gayunpaman, sa kabila nito, lumilitaw na pinag-isipan din ni Rizal ang paggamit ng lakas para makamit ang kalayaan. Makikita sa Noli at Fili na pabor sina Elias at Simoun sa paghihimagsik, gayundin sina Kapitang Pablo at Kabesang Tales, at iba pang mga pinag-uusig. Katunayan, batay sa aklat na The First Filipino ni Leon Ma. Guerrero, sa sulat ni Rizal na may petsang Hunyo 19, 1896 sa kaibigan niyang eskolar na Austrian na si Dr. Ferdinand Blumentritt, ipinahayag niya: Matitiyak ko sa iyo na hindi ko ninanais na makisangkot sa anumang binabalak na paghihimagsik na sa palagay koy hindi pa napapanahon at lubhang mapanganib. Ngunit kung itinutulak kami ng pamahalaan tungo doon, ang ibig kong sabihin ay kung wala nang nalalabing pag-asa kundi yakapin namin ang aming pagkawasak sa pamamagitan ng digmaan, kapag mamatamisin pa ng mga Pilipino ang mamatay kaysa pagtiisan pa ang kanilang mga kasawian at paghihirap, ako man kung gayon ay magpapanukalang gumamit ng marahas na pamamaraan. Ang Espanya ang dapat mamili: kapayapaan o pagkawasak, sapagkat hindi mapapasubaliang katotohanan, gaya nang alam ng lahat, na kamiy matiisin at mapagmahal sa kapayapaan Ngunit may wakas ang lahat sa buhay na ito; walang walanghanggan sa mundong ito, at kabilang na rito ang aming pagtitiis. Hindi ako naniniwala na ikaw bilang isang malayang mamamayan ng Europa ay magnanais na pagpayuhan ang mabuti mong kaibigan na pagtiisan na lamang ang lahat at kumilos na kagaya ng isang taong duwag, ng isang taong walang katapangan. Pero bakit nga nang sumiklab ang himagsikan ng Katipunan noong 1896, tinutulan at isinumpa ito ni Rizal batay nga sa manipesto niyang may petsang Disyembre 15, 1896?

Nilinaw pa nga ni Rizal sa kanyang liham na sinulat sa loob ng bilangguan, may petsang Disyembre 12, 1896, ang pagkakaiba ng kalayaan (freedom) at kasarinlan (independence) upang patunayan marahil sa mga awtoridad na Kastila na hindi ninais humiwalay at magsarili ng Pilipinas sa kandili ng Espanya sa pamamagitan ng rebolusyon. Ang nabanggit pa ngang liham ang ginamit ng kanyang tagapagtanggol at iniharap sa hukumang humatol sa kanya ng kamatayan. Ipinahayag ni Rizal: ipinapakahulugan ng marami na ang aking pariralang magkaroon ng kalayaan ay katumbas ng magkaroon ng kasarinlan. Itoy dalawang magkaibang bagay. Maaaring maging malaya ang isang bayan nang hindi nagsasarili, at maaari namang magkaroon ng kasarinlan nang hindi malaya.Lagi kong ninanais ang kalayaan ng Pilipinas at ipinahahayag ko ang aking damdamin. Ang ibang nagpapatunay na ang sinabi ko ay kasarinlan ay pinauna ang kariton sa kabayo o nagsisinungaling. Sa punto ng kalayaan at rebolusyon o tungkol sa pagsasalungatan ng kanyang mga tauhan sa dalawa niyang nobela ukol sa bagay na ito, mahalaga tuloy banggitin ang obserbasyon ni Miguel de Unamuno, isang eskolar na Kastila na nakasabay ni Rizal sa Unibersidad Central de Madrid, hinggil sa katauhan ni Rizal. Sinabi ni Unamuno: sa palagay ko, siya ay kapwa si Ibarra at si Elias, at ito ay higit na totoo kapag silay nagtatalo. Sapagkat mismong si Rizal ay diwa ng pagsasalungatan, isang kaluluwang natatakot sa rebolusyon pero, sa kaibuturan ng kanyang sarili, ninanasa niya iyon; isa siyang taong sa isang sandali ay nagtitiwala at hindi sa kanyang mga kababayan at kalahi; na naniniwalang may ganap na kakayahan ang kanyang mga kababayan kapag tinitingnan niya ang kanyang sarili bilang isa sa kanilang kadugo, ngunit naniniwala ring wala silang sapat na kakayahan kapag iba naman ang kanyang tinitingnan. Si Rizal ay isang taong lagi nang naninimbang sa pagitan ng pangamba at pag-asa, ng pananalig at kawalang-tiwala. Ang lahat ng kontradiksiyong ito ay nagkasanib-sanib sa kanyang mapangarapin at matulaing pag-ibig sa bayan, sa kanyang pinakamamahal na lupa ng araw at Perlas ng Silangan, sa kanyang nawalang Eden. Makabuluhan din marahil na banggitin dito ang pananaw ni Rizal tungkol sa isang malayang Pilipinas. Sa kanyang sanaysay na Ang Pilipinas sa Darating na 100 Taon na paputul-putol na nalathala sa La Solidaridad mulang Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1, 1890, malinaw na nakita ni Rizal na kung hindi magbabago ng pamamahala ang gobyernong Kastila sa Pilipinas, maghihimagsik ang mga Pilipino at balang araw ay ganap naidedeklara ng Pilipinas ang kanyang paglaya sa kamay ng Espanya. Nakita rin niya na hindi nanaisin ng Inglatera, Alemanya, Pransiya, at lalo na ng Holland, na sakupin tayo. Manapa, ang dakilang Amerikanong Republika ang maaaring mangarap sakupin tayo balang araw. At kapag malaya na tayo, ang ating kalayaan ay buong tapang nating ipagtatanggol kahit sa pamamagitan ng dugo at pagpapakasakit. Sinabi pa niyang malaya nating papasukin ang malawak na daan ng kaunlaran at muling mabubuhay ang pagsasaka o agrikultura, muling bubuksan at pauunlarin ang mga minahan, ang kalakalan, ang pangingisda at maritima. Ipinahayag niyang muli, magiging malaya tayong kagaya ng ibong nakawala sa hawla, kagaya ng bulaklak na bumubuka sa simoy ng hangin, at muling makakamit natin ang

mga dakilang katangian na unti-unting namamatay, at muli nating tatamasahin at yayakapin ang kapayapaan. Bagaman hindi nakita ni Rizal na ang pampulitikang kasarinlan ang higit munang kailangan bago makamit ang kalayaan, hindi naman maitatatwang sa pamamagitan ng kanyang mga akda, malaki ang kanyang naiambag sa tinatawag ni Constantino na pagsibol ng pambansang kamulatan.Maituturing nga siyang dakila sapagkat ang mga taong dakila ay yaong mga nakakaunawa ng kanilang panahon at ng tunay na pangangailangan ng madla. Utang sa kanya ng kasalukuyang salinlahi ang pag-unlad ng pambansang pananaw at kamulatan at pagyabong ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Bilang panlipunang kritiko at tagapagsiwalat ng pang-aapi, tinupad niya ang isang kahanga-hangang gawain, sabi ni Constantino. Ang kanyang mga sinulat ay naging bahagi ng ating tradisyon ng protesta na sa wakas ay humantong sa himagsikan bagaman, sa kabilang banda, maituturing na ang kanyang iniwan ay isang tagumpay (lamang) sa larangan ng kamulatan, isang tagumpay sa diwang panlahi, dahil hindi lubos sapagkat itinakwil ni Rizal ang tunay na kasarinlan. MAGPAHANGGANG NGAYON, mula nang agawin ng mga Amerikano ang tagumpay ng Rebolusyong 1896 dahil sa panlilinlang kay Heneral Aguinaldo nina Konsul Pratt at Wildman, at Komodor George Dewey batay sa mga ulat sa librong Little Brown Brother ni Leon Wolffe at In Our Image ni Stanley Karnow, lumilitaw na hindi pa rin ganap na nagsasarili ang ating bansa kahit sinasabing tayoy malaya. Malinaw na ang ating sistemang pangkabuhayan at pampulitika, o maging pangkultura at pang-edukasyon, ay nasa ilalim pa rin kapritsot bendisyon ng Amerika. Sapagkat hindi pa tayo malaya at nagsasarili noon matapos sakupin ng mga Amerikano, malinaw na sa larangan na lamang ng edukasyon, kinopya ito nang pira-piraso sa edukasyong Amerikano samantalang hindi naman angkop ang agrikultural na ekonomiya ng Pilipinas sa industriyalisadong ekonomiya ng Amerika. Sapilitang isinaksak sa utak ng mga Pilipino ang mga pagpapahalagang maka-Amerikano kaya naniwala tayo na ang anumang mula sa Amerika ay magaling kaysa anumang mga bagay sa Pilipinas.Itinuring nating bobo at hindi edukado ang sinumang hindi marunong ng wikang Ingles at nananatiling sa dayuhang wikang ito ang sistema ng ating edukasyon, gobyerno at komersiyo. Samantalang umunlad ang ibang mga bansa hindi sa pamamagitan ng wikang Ingles kundi sa pamamagitan ng paggamit sa sarili nilang wika sa anumang larangan ng kanilang kabuhayan, nagpipilit naman tayong pilipitin ang dilat utak araw-araw sa wikang Ingles.Nanatili tuloy na kolonyal ang kasaysayan ng Pilipinas, ayon kay Karnow, kaya maging sa kultura, lumikha tayo ng mga Pilipinong Frank Sinatra, Elvis Presley, Tom Jones, Michael Jackson, at marami pang iba. Mulang pelikula hanggang pagkain at damit, labis nating pinahahalagahan ang anumang imported, lalo nat mula sa USA. Sa larangan ng ekonomiya, nananatili pa rin tayong nakatanghod sa Amerika, namamalimos, nangungutang, kaya patuloy nila tayong nadidiktahan bago pautangin o tulungan at nagagawa nga ng IMF-World Bank na manduhan ang ating pamahalaan na sundin ang kanilang mga programang pangkabuhayan na nakapipinsala naman sa sambayanang Pilipino tulad, halimbawa, ng pagpapataw ng bagong mga

buwis, hindi pagtataas sa suweldo ng mga manggagawa, at walang kontrol na pagpasok dito ng dayuhang mga produkto. Malinaw na gusto ng Amerika na manatiling isang bansang agrikultural ang Pilipinas, huwag maging industriyalisado, upang patuloy na maging tambakan ng kanilang produkto at patuloy pang mapagsamantalahan ang mga likas nitong kayamanan at kabuhayang-bansa. Sapagkat nasa ilalim ng bendisyon ng Amerika ang kapalaran ng sinumang naging pambansang lider, mula kina Quezon, Roxas at Osmena hanggang kina Marcos, Cory at Ramos, hanggang kina Erap at Gloria, maliwanag na kailangan muna nilang paglingkuran ang interes ng Amerika bago ang kapakanan ng Pilipinas. Sa maikling salita, ang iniluwal nating mga lider ay tau-tauhan lamang ng Amerika, mga manyikang de susing tagahimod ng pundilyo ni Uncle Sam. Dahil sa mga nabanggit, ang umiral na lipunan at patuloy pang umiiral ay para lamang sa iilang piling grupo ng mga taong mapribilehiyo, maimpluwensiyat makapangyarihan. Ang Pilipinas, tulad ng pangarap ni Rizal, ay dapat na para sa lahat ng Pilipino, hindi para sa iilan lamang. Ayon nga kay Karnow, isang ikalimang (1/5) bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang tumatanggap ng kalahati (1/2) ng pambansang kita. At batay naman sa kuwenta ni Padre John Doherty, isang Amerikanong Hesuwita, 60 pamilya lamang ang kumukontrol sa ekonomiya ng bansa. Bunga ng katotohanang ito, hindi katakatakang lumaganap ang disempleyo at tumindi ang karalitaan sa bansa at lalong maging busabos ang malaking bahagi ng sambayanan. Ang mapait na kalagayang ito ay nailarawan na ng yumaong Sen. Benigno Aquino, Jr. nang magtalumpati siya sa Amerika sa panahon ng paghahari sa bansa ng diktadurang Marcos: Ang Pilipinas ay isang lupain ng nakalilitong pagkakaiba. Narito ang isang lupaing iilan ang labis na mayaman habang nananatiling lubos na nagdaralita ang masa. Narito ang lupaing ang kalayaan at ang biyaya nito ay totoo lamang para sa iilan at isang ilusyon o pangarap naman para sa nakararami.Narito ang isang lupaing sumasampalataya sa demokrasya ngunit pinatatakbo ng isang matibay na plutokrasya. Narito ang isang lupain ngpribilehiyo at ranggo isang Republika na diumanoy para sa pagkakapantay-pantay pero sinasalaula ng isang sistema ng pag-uuri-uri. Idinagdag pa niya at halos kapareho ngayon na halos bangkarote ang katayuan ng bansa sa pananalapi, laganap ang katiwalian sa pamahalaan, walang matinong pagpaplanong pangkabuhayan, walang pagtatangkang paunlarin ang ekonomiya, kaya nanlulupaypay ang mga Pilipino, nakakulong sa kawalangpag-asa walang layunin, walang disiplina, walang pagtitiwala sa sarili. Isinisi ni Ninoy ang lahat sa ating mga lider tulad ng pambansang liderato ngayon na nangangalandakan ng pagmamahal sa bayan ngunit, sa katotohanan, ay higit ang pagmamahal sa kani-kanilang sarili. Idinagdag pa niya na isa tayong bansa ng mga Asyano na hindi mukhang Asyano sa mata ng mga kapwa natin Asyano, at hindi naman mukhang Kanluranin sa mata ng mga taga-Kanluran. BATAY sa mga nabanggit, nasaan ang Pilipinas na pinangarap ni Rizal na malaya, maunlad at mapayapa? Marahil, hanggang ngayon, hindi pa natin nakikita ang tunay nating pagkalahi, ang ating

pagiging Pilipino sa damdamin, sa kaluluwa at kaisipan, at sa pambansang adhikain. Dapat na matagal na nating naunawaan ang tunay na kahulugan ng kalayaan at kasarinlan. Sa ganitong marawal na kalagayang pang-ekonomiya, panlipunan at pampulitika ng Pilipinas, masasabing higit na masaklaw at progresibo kaysa kay Rizal ang ipinakitang pananaw ni Padre Jose A. Burgos sa kanyang akdang La Loba Negra na nalathala noong 1869 nang walong taong gulang pa lamang si Rizal. Sinabi ni Burgos: Darating ang araw, isang araw na maaaring di ko na makita, na iiral sa bansa ang mga pinakabagong ideya, paiiralin marahil ng mga taong higit na liberal ang kaisipan; makakamit natin ang higit na katarungan at mga reporma. Maaaring masiyahan ang bansa sa ilang mga reporma.Mangingibang bansa ang iba, at sila ang uugit ng ating kinabukasan. Pero, sa kabilang banda, sapagkat nababahiran pa ng panatismo at relihiyon ang mga ito, pamumunuan nila ang tunay na sambayanang Pilipino, ang nagdaralitang masa, sa isang pamamaraang kasuklam-suklam at nakapanlulupaypay.Pagkatapos, darating ang isang higit na matinding pagbabangon ang paghihimagsik ng masa laban sa kapangyarihan at kayamanan at pagkatapos ay magigising ang pinakadakilang ideyang natutulog sa loob ng maraming dantaon, at papatagin ng SOSYALISMO ang lahat, pagpapantayin ang mga bagay sa lahat ng dakong pinaghaharian ng panatismo at relihiyon at makikita natin ang isang tunay na digmaan; ang sambayanan laban sa palsipikadong demokrasya; makikita natin ang mga mapagpanggap na pulitiko, mga mapagmahal sa salapi, na wawasakin ng masa ang kanilang mga sikmura, uubusin sila silang nagpapanggap na mga makabayan, silang mapanlinlang. Ipinayo pa ni Burgos sa susunod na henerasyon na mahalin nang higit sa lahat ang bayan at ihanda ang sarili sa higit pang madugong pakikibaka laban sa mapagpanggap na mga pulitikong ipinanganganak na parang lumot sa kapinsalaan at kahihiyan ng lipunan na ang tanging layunin sa buhay ay walang iba kundi ang kapakanang pansarili sa pawis at sakripisyo ng sambayanan. Binigyang-diin niya na ang susunod na henerasyon ay dapat lamang paalipin sa tungkulin para sa bayan at hindi dapat pakasangkapan sa mapaghari-hariang mga pulitiko ng mapang-aliping kapitalismo na hawak lamang ng iilang malalaking negosyante. Sa kabila nga ng mga kapintasan ni Rizal tungkol sa kanyang pananaw sa kalayaan at kasarinlan pangkabuhayan man o pampulitika at kahit higit na progresibo kaysa kanya ang pananaw ni Burgos, makabuluhan pa rin marahil na palaganapin pa rin at bigyang-halaga ang kanyang mga kaisipan sapagkat, ayon nga kay Constantino, marami sa kanyang panlipunang puna ay may bisa pa rin ng lipunang piyudal at kolonyal ng kanyang panahon . Hindi natin masasabi na lahat ng kanyang mga ideya ay dapat maging pamantayan ng lahat ng ating hangarin. Naging huwaran siya ng isang uri ng kabayanihang humantong sa pagkamartir. Maipagmamalaki natin siya bilang Pilipino at bantayog ng lahi sa kabila ng kanyang mga kakulangan. Ngunit hindi siya maaaring maging walang habas na tagapagpasiya sa ating pambansang layunin tulad ng tinatangkang gawin ng mga bulag na sumasamba sa kanya, dagdag pa ni Constantino.

Ang kagitingan ni Rizal ay nasa kanyang pagiging manunulat, sabi naman ni Unamuno. TUNGO sa ikapagkakaroon ng isang tunay na malaya at nagsasariling Pilipinas, makabubuti marahil na pag-aralan natin nang husto ang ating kasaysayan upang ganap nating makilala ang ating sarili. Makabubuting ituwid din muna ang ating kasaysayang kolonyal upang makita natin ang tunay na kaluluwang Pilipino at upang matanim sa utak natin kung paano tayo sinakop at pinagsamantalahan ng mga Kastila noong una, at ng mga imperyalistang Amerikano at mga kasabuwat na mayayamang Pilipinong negosyantet pulitiko nitong dakong huli. Makabubuti rin marahil na baguhin ang mala-kolonyal na sistema ng ating edukasyon at pairalin ang isang edukasyong maka-Pilipino, makatao, makabayan at siyentipiko upang mapawi sa kaisipan ng susunod na henerasyon ang pagpapahalaga sa kaisipang elitistat makadayuhan o kolonyal. Panahon na marahil na isalin sa Filipino ang makabayang mga aklat upang higit na maunawaan ng masang sambayanan at, sa pamamagitan nito, malikha natin ang tunay na pagmamahal at pagtatanggol sa kalayaan at kasarinlan tungo sa ikapagkakaroon ng tunay ding malayat nagsasariling Pilipinas. Lubhang napapanahon na rin marahil na ganap na isulong ang reporma sa lupa tungo sa pambansang industriyalisasyon. Sa larangan ng wika bagaman nananaig pa rin ang rehiyonalismo sa ilang bahagi ng bansa panahon na rin marahil na kilalanin ng sambayanan na Filipinong batay sa Tagalog ang ating pambansang wika. Natural lamang na sa diyalektong Tagalog ibinatay iyon sapagkat, sa kasaysayan ng mga bansa, ang diyalekto sa sentro ng sibilisasyon, gobyerno, edukasyon at komersiyo ng naturang bansa ang siyang nananaig o dominanteng wika sa bansang iyon. Sapagkat sa panahon pa ng Kastila, ang Maynila na bahagi ng Katagalugan ang sentro ng lahat, hindi katakatakang batay sa Tagalog ang kasalukuyang wikang pambansa. At hanggang nasa wikang Ingles ang sistema ng ating edukasyon, mananatiling iilang Pilipino lamang ang makauunawa hindi lamang sa ating kasaysayan, kundi pati na sa lahat ng sangkap ng ating pagkalahit pagkabansa. Mananatili tayong may kaisipang alipin at makadayuhan at bansang mala-kolonyal. Ano pa nga ba ang dapat gawin ng sambayanang Pilipino tungo sa ganap na paglaya at pagsasarili ng bansa? Ang tunggalian ay magsisimula sa larangan ng mga ideya upang pagkatapos ay dalhin sa arena na titigmakin ng dugo, matatandaang sinabi ni Elias kay Ibarra sa Noli. Sinimulan nga ni Rizal ang tunggalian para sa kalayaan sa larangan ng mga ideya, pero huminto na siya doon, ayon sa yumaong makabayang Sen. Claro M. Recto. Si Bonifacio nga ang nagtuloy ng naturang pakikibaka sa pamamagitan ng rebolusyon sa ikatutubos at ikalalaya ng Pilipinas. Nakita ni Recto ang katotohanang ito kaya ipinapayo niya sa ating henerasyon: Mangarap tayong kagaya ni Bonifacio, at ipagpatuloy natin ang pakikibaka para sa ganap na kabutihan ng ating lahi mula sa kamay ng bagong pang-aalipin, at huwag tayong padala sa takot at pag-aalinlangan, bagaman maaari tayong salubungin ng dambuhalang mga alon sa ating paglalakbay.Hindi lahat ng pangarap ay natutupad, pero ang kahanga-hangang mga bagay sa mundo ay nilikha ng mga mapangaraping kagaya ng Dakilang Proletaryong si Andres Bonifacio. #

Ang M und o Sa P aningi n Ng I san g March 23, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Maikling kuwento iniantolohiya sa SUBVERSO ng Alliance of Concerned Teachers o ACT) KAGABI, matapos ang halos kalahating araw na pakikipagpulong, pakikipagtawaran at pakikipagsigawan sa mga opisyales ng unyon sa pabrikang iyon ng tabakong pag-aari ng pamilya Riego de Dios, nagmumurang umuwi ang kanyang amo, hindi nagdaan sa paborito nitong mamahaling otel sa tabing dagat ni sa pangmayamang kapihan sa Malate upang maghanap ng babaing makakapiling nito sa loob ng ilang oras o sa buong magdamag. Kahit sitenta anyos na, binata pa rin ito, malakas pa rin at matikas ngunit waring takot mag-asawa, kaya parang nasisiyahan na at hindi nagsasawa sa saglit na pakikipagrelasyon sa kung sinusinong babae na, kalimitan, pinakamatagal na ang isang linggong pakikipagkalantarian. Ikinatuwa niya ang pag-uwi agad nito sapagkat tiyak niyang hindi siya pipiliting magtrabaho, di gaya kung nagbubumabad ito hanggang madaling-araw sa mga lugar na palipasan ng oras at aliw at pasyalan ng mga babaing mababango, makikinis, husto sa tindig at sukat, at waring mahihiyang lapitan ni kausapin ng karaniwang mga lalaki lamang na kukulu-kulo ang tiyan at walang maipagyayabang na kayamanan at kapangyarihan. Kung maaari nga lamang, ayaw na niyang paglingkuran ang kanyang amo sapagkat mahaba-haba na ring panahon ang kanyang ipinagtrabaho anumang oras nitong magustuhan, araw man o gabi, katanghalian man o madaling-araw, o kahit dapat na muna siyang magpahinga para manumbalik ang sigla niyat lakas na matagal nang hinuhuthot at kinakatas. Pagpasok na pagpasok ng kanyang amo sa maluwang, alpomprado at naiilawan ng aranyang mula pa sa Paris na salas ng mansiyong iyon sa Forbes Park, agad nitong tinawag ang pandak, mataba at kikimbulkimbol na katulong na si Bebang na dose anyos pa lamang yata nang magsimulang maglingkod sa mga Riego de Dios nang ang amo niyang si Miguelito kilala ngayon sa daigdig ng negosyo bilang Don Miguel na ay kinse anyos naman. Nagpakuha ito ng isang kopita, malamig na tubig at isang boteng Dom Perignon, tatlong ulit na mabilis na lumagok, at biglang nagtungayaw nang mabungaran sa napakalaking telebisyon ang panggabing balita tungkol sa naganap na demonstrasyon sa Mendiola ng libu-libong mga manggagawang idinadaing ang kahirapan ng buhay at miserable nilang kalagayan kaya humihingi ng dagdag na sahod na P125 bawat araw. Punyeta! Mga bwisit! Umalingawngaw ang mataginting na tinig ni Don Miguel sa kabuuan ng salas, naglagos hanggang sa kusina, kaya nagmamadaling bumalik ang katulong na si Bebang, nilalamulamukot ang puting uniporme sa bandang tiyan at waring bariles na mabubuwal. Bakit po? Tonta! Di kita tinatawag, halos sairin nito ang lamang alak ng kopita. Ano pa ang gusto nila? Mabuti nga, may trabaho pa sila. Sino pong sila? parang naguguluhang tanong ng namumutlang si Bebang.

Letse di kita kinakausap. Muli nitong sinalinan ng Dom Perignon ang kopita at parang walang anumang tinungga. Napangalahati ng kanyang amo ang lamang alak ng bote, at bigla siyang kinabahan nang magtungo ito sa banyo, matagal na naligo, nagsabon nang husto at, pagkatapos, kinuha ang paboritong pabangong Bulgari, winisikan ang leeg, maging ang dibdib at umuusling tiyan. Naisip niyang baka siya piliting magtrabaho, gaya noong di na mabilang na araw at gabi na para siyang minerong paulit-ulit na palulusungin at paaahunin sa makipot, madilim, malalim at maalingasaw na lugar na iyon na ikinaiigting ng mga ugat ng kanyang leeg, ikinapupula ng kanyang ulo sa galit, ikinababaligtad ng kanyang sikmura hanggang sa tuluyan siyang masuka at manlupaypay sa sobrang hirap ngunit, sa kabilang banda, para namang nasa glorya si Don Miguel at siyang-siya sa ipinagawa sa kanya. Kailan nga ba nagsimula ang kanyang kalbaryo? Malabo at pira-piraso na ang mga gunita noong anim na taon pa lamang ang edad ni Miguelito ngayon ngay si Don Miguel na ngunit malinaw niyang natatandaan ang kasaysayan ng pamilya Riego de Dios sapagkat, matapos ang marangyang hapunan habang tumutugtog sa ponograpo ang maindayog na mga awiting Kastila, nakaugalian na nilang pag-usapan ang pinagmulan ng semilya ng pamilya sa beranda ng lumang mansiyong iyon sa kalye Arlegui sa Quiapo, at waring hindi iyon pinagsasawaang sariwain noon upang ipagmalaki marahil na hindi sila karaniwang Indio lamang kundi dumadaloy sa kanilang mga ugat at puklo ang dugo ng isang taal na peninsulares. Bantog na bantog noon diumano ang ama ni Miguelito si Don Segismundo Manuel Riego de Dios y Echevarria sa mataas na lipunan ng Andalucia, hindi dahil sa kagandahang lalaki sapagkat sa edad pa lamang na tatlumpong taon, bahagya na itong nakakalbo, medyo usli na ang tiyan, muntik nang matawag na pandak batay sa karaniwang taas, at bilugang parang buwan ang malamang mukha ngunit, sa kabilang banda, hinabul-habol ito at inambisyong maangkin ng naggagandahang mga senyorita dahil sa pinakaimportanteng katangian ang labis na kayamanan. Bago pinakasalan ni Don Segismundo ang pinakamagandang senyorita sa Andalucia si Donya Flordeliza Luz Montealegre y Mercader na kamukhang-kamukha diumano ng inimbentong larawan ni Birheng Maria at may katawang mala-Venus de Milo naging kaibigan pa nitong matalik ang bantog na manunulat na Amerikanong si Ernest Hemingway at nakahumalingan nilang manood ng mga corrida de toros, humanga nang husto sa mga matador, lalo na kay Antonio Ordonez na naging paborito rin ng mga artistang sina Orson Welles at Rita Hayworth, at nagsusumigaw sila at masigabong pumapalakpak kapag nalulugmok na ang sumisingasing na toro dahil sa ulos ng matalim na espada. Nalahiran diumano ng ugali ni Hemingway si Don Segismundo, naging mainitin ang ulo, naging medyo barumbado, naging lasenggo at bohemyo. Wala pa silang isang taong kasal ni Donya Flordeliza, isang matipuno, matikas, dalawamput pitong taon lamang ang edad at gupit-Alponsinong binatang Pranses ang malimit nilang bisita, nag-aalok kay Don Segismundo ng kung anu-anong negosyo, ginagabi sa pakikipagkuwentuhan sa mag-asawa kahit pilipit ang gramatika sa wikang Kastila ngunit sapat naman para maunawaan ng kausap hanggang, nang malaon,

nagbubumabad ito doon lalo na kung wala si Don Segismundo at kasama ni Hemingway sa mga panggabing aliwan ng mga buhay bohemyo. Nagulat na lamang ang alta sosyedad ng Andalucia nang isang umaga, parang apoy sa talahibang kumalat ang balitang nag-alsa balutan si Don Segismundo, iniwang humahagulhol ang magandang asawa na muntik nang mahulog sa marmol na hagdan nang ipagtulakan at tadyakan niya habang yumayakap sa kaliwa niyang hita at nagmamakaawa. Saglit na nanatili sa Andalucia si Don Segismundo matapos iwan ang asawa, nagpalikwad-likwad sa mga bahay-aliwan at mamahaling mga otel at, kalimitan, kasa-kasama at kainuman si Hemingway. Hindi naglipat-buwan, isang prayleng matagal na namalagi at yumaman nang husto sa Pilipinas ang nagbalik sa Espanya, hindi sinasadyang nakausap si Don Segismundo, ipinagyabang kung paano niya naloko ang maraming Indio habang pinalalaganap ang Katolisismo at ang mga aral ni Kristo, lalo na ang linyang mapapalad ang maralita at mapapasakanila ang kaharian ng langit o madali pa para sa isang kamelyong makapasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman sa pinto ng langit. At, ilang araw mula noon, tuluyang iniwan ni Don Segismundo ang Andalucia at sumakay ng barkong papuntang Pilipinas. Naging interesado si Don Segismundo sa industriya ng tabako sapagkat mahal na naibebenta sa Europa ang mga produkto nito, sigarilyo man o abano o maging maskada, at nang mabalitaan niyang sa Vigan at sa iba pang panig ng Ilokos ang malalawak na taniman, agad niyang pinuntahan ang kura paroko doon si Padre Ramon Labrador, isa ring peninsulares na gaya niya ngunit hindi taga-Andalucia kundi mula sa Catalonia at kahit apat na taon pa lamang nanunungkulan sa Vigan, may daan-daan nang ektaryang lupain doon, may matatapat na katiwala at masisipag na magsasakang sanay na sanay magtanim ng tabako at mangalaga sa mga iyon laban sa mapaminsalang mga insekto, hanggang anihin at patuyuin ang mga dahon at iluwas sa Maynila. Bakit bibili ka pa ng lupa? Gamitin mo ang iyong pagka-Kastila, nakangising sabi ni Padre Labrador nang nagpapahanap si Don Segismundo ng mga isandaang ektarya upang makapagsimula siya sa naturang industriya. May isang dalagang India dito, debotong Katoliko, at kailan lamang, nakamana ng mga dalawang libong ektarya nang gilitin ni Kamatayan ang leeg ng kanyang ama. Pagkatapos ng agunyas, maaga tayong maghapunan. Papasyalan natin at ipakikilala kita. Alam kong gustung-gusto niyang makapagasawa ng isang Kastila batay sa malimit niyang ikumpisal kapag mayroon siyang pinagnanasaan. Tumaginting sa kumbento ang halakhak ng kura paroko. Wala pang dalawang linggong nagpabalik-balik si Don Segismundo sa malaking bahay-Kastila ng pamilya Baterina sa Vigan at nang buwang ding iyon, kahit may iniwan siyang asawa sa Andalucia, magarbong ikinasal ni Padre Labrador si Don Segismundo kay Petra Baterina na beynte kuwatro anyos na noon, matingkad na kayumanggi gaya ng maraming Ilokana, mga limang piye at isang pulgada ang taas, medyo pango, matulis ang baba, at halatang tabain lalo na kapag nanganak na. Natural, si Don Segismundo na ang lubos na namahala sa dalawang libong ektaryang lupaing minana ni Petra, pinatamnan niya agad iyon ng tabakong mula pa diumano ang binhi sa Cuba hanggang makapagtayo sila ng pabrika sa Marquez de

Comillas sa Maynila at mabili ang mansiyong iyon sa Arlegui kung saan, noong 1935, sa kabila ng dalawamput isang taon nang pagsasama, at hindi na nga inaasahang magkaanak pa sa edad na kuwarentay singko na, biniyayaan sa wakas ng diumanoy mahabaging Diyos at itinuring pa ngang milagro ng mga relihiyoso si Donya Petra ng isang malusog na sanggol na mestiso na walang nakuha ni mata sa ina kundi sa lakas marahil ng dugong Kastila ni Don Segismundo, mahihirapang paniwalaang ang inay isang taal na Ilokana. Iyon nga si Miguelito, ngayoy Don Miguel na kahalubilo ng mga Zobel de Ayala, ng mga Soriano y Cia, at kung sinu-sino pang kilala sa daigdig ng malalaking kapitalista. Hindi na niya matandaan ngayon kung paano, mulang Andalucia, dalawang nakababatang kapatid na babae ni Don Segismundo ang biglang dumating sa mansiyon sa Arlegui, doon na nanirahan at naging katuwang sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya Riego de Dios. Bago ibinalik ng Amerika noong Hulyo 4, 1946 ang inagaw nitong kasarinlan ng Pilipinas, magkasunod na namatay sina Don Segismundo at Donya Petra at naiwan sa kalinga ng dalawa niyang Espanyolang tiya ang labing-isang taong gulang pa lamang na si Miguelito, gayundin ang pagpapatakbo sa industriya ng tabako ng pamilya. Sa mga tiya nga ni Miguelito, pagkatapos ng marangyang hapunan, malimit niyang marinig ang paulit-ulit na ikinukuwento ng mga ito na kasaysayan ng semilya ng pamilya sa harap nang parang namamalikmatang si Miguelito at, sa kabilang banda, waring iniiwasan ng mga iyong banggitin man lamang ang pamilya Baterina. Hindi na rin malinaw sa kanya nang umalis na sa mansiyon sa Arlegui ang dalawang tiya ni Miguelito nang ito na ang nagpapatakbo ng negosyo sa edad na beynte y kuwatro, kung nagsipag-asawa pa o nagpakatandang mga dalaga dahil isinusuka noon pa man ang mayayamang binatang Indio na hindi miminsang umaali-aligid sa mga ito. Hindi niya rin alam kung bumalik ang mga iyon sa Andalucia at doon na hinintay ang pagkaubos ng hininga sa piling ng mga kapwa peninsulares na mahilig magpasiklab sa alta sosyedad at waring ang dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat, pusod at puklo ang siya lamang natatanging dugong bughaw sa daigdig ng diumanoy mga maharlika. Kailan nga ba siya nagsimulang maglingkod kay Don Miguel? MALIWANAG ang nakalilito niyang kabataan sa piling ni Miguelito, gayundin ang paulit-ulit at nakapanlulupaypay niyang pagtatrabaho nang magbinatilyo na ito hanggang sa kasariwaan ng sigla ng katawan at daluyong ng mainit na dugo sa singit at puson at, ngayon na lamang, dala na rin marahil ng edad at lumipas na sulak ng damdamin, malimit na siyang makapagpahinga at nagagawa na niyang tanggihan si Don Miguel kapag pinipilit siyang magtrabaho kapalit ng mga mura at insulto at, kahit sakalin pa siya nito, o ipasakal sa kasama nito, nagagawa niyang payapain ang sarili, iniwawaksi ang galit sapagkat, batay sa kanyang karanasan, tuwang-tuwa ang kanyang amo kapag siyay galit na galit dahil agad na napagtatrabaho at napipilit pasukahin kahit namimilipit at mawalan ng ulirat sa hirap. Ngayon niya lamang nauunawaan ang kanyang kalituhan sa panahon ng kamusmusan ni Miguelito. Noon, labis niyang ipinagtaka kung bakit kailangan pang hiwain ang kanyang balat malapit sa ulo para makapanungaw siya at makita ang munti niyang daigdig. Bumunghalit ng iyak si Miguelito nang hinihiwa siya, at tumahimik lamang nang bendahan na ang kanyang sugat. Ilang araw din siyang nakabenda noon

pero, tuwing umaga, nilalanggas naman ang kanyang sugat, pinapalitan ng benda hanggang sa tuluyang mangati-ngati, matuyo at maghilom. Nang magsimulang mag-aral si Miguelito sa elementarya ng Ateneo de Manila, malimit itong manghabol ng suntok o mambato kaya kapag tinutuksong malaki ang kanyang alaga siya nga na hindi makahiwalay at kakambal na ng kanyang amo saanman ito magpunta. Hanggang maaari, pilit siyang itinatago ni Miguelito, ayaw ipakita kaninuman, at nasusulyapan niya lamang ang kanyang mga kauri sa loob ng mga kubeta sa Ateneo kapag halos sabay-sabay silang pinasusuka ng madilaw-dilaw na likido ng kani-kanilang amo. Magaan lamang ang kanyang trabaho noon, iyon lamang, ang sumuka ng madilaw na tubig anumang oras magustuhan ni Miguelito ngunit, nang trese anyos na ang kanyang amo, labis niyang ikinagagalit kapag nilalaru-laro siya, hinihimas sa ulo, lalo na kapag lihim na binubuklat ni Miguelito sa loob ng nakapinid na kuwarto ang ilang de kulay na magasing itinatago nito sa ilalim ng kama. Sinasakal siya habang nilalaro nang husto, masidhing hinihilang pataas-pababa ang kanyang balat sa may leeg, hanggang maramdaman niya ang pagpupuyos ng damdamin at waring pagbaligtad ng kanyang sikmura, at bigla siyang masusuka, manlalambot na waring pagod na pagod kasabay ang impit ngunit nasisiyahang daing o halinghing ng kanyang amo. Malimit nang gawin iyon ni Miguelito, dalawang beses, kung minsay tatlo sa isang araw, lalo na kapag binubuklat ang nakatagong magasin o sa mga pamamasyal, nakakakita ito ng makinis na bintit lampastuhod na palda sa simbahan man kung Linggo o sa mga mamahaling restawrang paboritong kainan ng mayayaman kasama ang mga anak na dalagitang mababangot makikinis, mahilig sa maarteng pagbungisngis, at sinasadya yatang ipakita ang maputing mga hita kapag napapansing pinagmamasdan sila ng mga binatilyong hindi mapakali sa upuan at nanlalaki ang mga mata sa katititig sa kanila. Kung noon, ikinagagalit ni Miguelito kapag tinutuksong malaki ang kanyang alaga, buong kayabangan namang ipinagmamalaki na siya nito sa mga kabarkada, sinasabing hindi siya basta-basta at tiyak na mananalo kung may paligsahan ng mga batuta. Natiis pa niya ang gayong trabaho, ang laru-laruin at galitin siya, saka madaliang pasukahin ngunit, nang lubusang magbinata na si Miguelito at magbumabad sa mga panggabing aliwan, makisalamuha sa piging at handaan ng mga mayayaman at makahalubilo ang naggagandahang mga kababaihan, sumidhi ang daloy ng umaalimpuyo nitong dugo sa puson at, sa bawat gabi, isinasabak siya sa trabaho at, kalimitan, madalingaraw na kung siya man ay pinagpapahinga, lupaypay sa hirap at halos hindi na makagulapay at manunumbalik lamang ang kanyang lakas kapag naligo na ang kanyang amo at sabunin siya nang husto saka magana at saganang mag-aalmusal sa primera klaseng otel na naging lunduyan ng maligayang daing ng magdamag. Ayos lamang naman sana sa kanya kung pinagtatrabaho man siya ng kanyang amo pero, nang malaon, tumimo sa kanyang kamalayan ang miserable niyang kalagayan. Anumang oras na gustuhin nito, katanghalian man, hatinggabi man o madaling-araw, puwede siyang piliting sagad-sarang magtrabaho hanggang manlupaypay siya sa hirap. Masakit nga na kahit dapat na oras na ng pagtulog at pamamahinga,

bigla siyang patatayuin at hindi niya maiwasang labis na magalit at maghimagsik na halos ikabalatay ng mga litid niya sa leeg, ikapula ng kanyang ulo at ikapanigas ng kanyang kalamnan. Alam niya, batay sa nakasusuklam niyang mga karanasan, waring hindi pinagmamalasakitan ng kanyang amo ang kanyang kalusugan. Para siyang minerong lusong-ahon, dahan-dahan sa simula, ngunit aapurahin kung malaon, sa madilim, makipot, malalim at maalingasaw na butas na iyon. Patitigilin nga lamang siya ng kanyang amo kapag bumaligtad na ang kanyang sikmura at tuluyan siyang masukat hindi na makagulapay. At ano lamang ang kanyang pabuya? Ang paliguan at sabunin nang husto matapos ang walang habas na pagtatrabaho? Sa kabilang banda, labis niya namang ikinatatakot kapag naligo nang husto ang kanyang amo kahit hindi pa siya nakapagtatrabaho, magwiwisik ito ng pabango, magsesepilyot magmumumog ng pampabango din ng hininga at sa dinami-dami ng mga damit na pamporma, nakakailang sukat-palit bago makapagpasiya kung ano ang tuluyang isusuot. Paulit-ulit na kakausapin siya, ipagdidiinang huwag siyang ipapahiya sa kanyang makakasama sa magdamag kaya kailangan niyang pagbutihin ang nakagawiang ipagawa sa kanya. Kapag gayon, natitiyak niya, matagal ang oras ng kanyang trabaho. Naroroong matagal na dila-dilaan ng kasama nito ang kanyang ulo at wala siyang magawa kundi magalit kahit pilitin niyang payapain ang damdamin. Naroroong sakal-sakalin siya hanggang sa halos hindi na siya makahinga hanggang tuluyan siyang itulak papasok sa entrada ng minahan, at magsisimula na nga ang waring walang katapusan niyang kalbaryo ng pag-aahon-lusong, ang pag-igting ng kanyang mga ugat, ang panginginig ng kanyang kalamnan at, sa wakas, ang pabugso niyang pagsuka na waring saglit niyang paglaya sa buhay-busabos sapagkat matagal-tagal siyang makapagpapahinga ngunit, kung minamalas, kahit kababalik lamang ng kanyang lakas, biglang-bigla siyang pababangunin ng kanyang amo upang piliting muli na namang magtrabaho. Sa buong panahon ng kasiglahan ng kanyang amo hanggang unti-unti na itong nakakalbo, miminsan niyang inakala na pinagmamalasakitan din siya nito nang isang gabi, mula sa isang sikat na kapihan sa Malate, pinilit isama ni Don Miguel sa silid ng isang otel katumbas marahil ng pabuyang kinse mil pesos ang isang babaing mestisahin, makinis, balingkinitan, may naghuhumindig na dibdib, halatang wala pang dalawampung taong gulang at maituturing nang apo ng kanyang amo kung itoy hindi natakot mag-asawat magpamilya. Kung udyok ng babae o hindi, noon lamang siya maingat na sinuotan ng kapote ng kanyang amo bago pinalusong at pinagtrabaho sa maalingasaw na minahan ngunit, matapos ang paulit-ulit, paulit-ulit na paglulusong-ahon, laking gulat naman niya nang sa mismong mukha niya naman sumambulat ang gustung-gustong ipasuka sa kanya ni Don Miguel. Nasabi niya tuloy sa sarili: mabuti pang hindi na siya sinuotan ng kapote. MATAGAL na niyang pinaghihimagsikan ang gayong buhay, ang busabos niyang kalagayan sa mahabang panahon ng paglilingkod kay Don Miguel at nang magsimula itong tumuntong sa edad na sisenta y singko hanggang ngayong sitenta na, saka niya lamang unti-unting naipadama sa kanyang amo ang tahimik niyang pagpoprotesta. May mga sandaling kahit ano ang gawin ni Don Miguel pahiran man siya sa ulo at katawan ng kung anu-anong krema, laruin man siya o ipalaro, padila-dilaan man ang kanyang ulo, sakal-sakalin at

hilahin pataas-pababa ang balat sa leeg nananatili siyang nakayuko lamang at hindi pinapansin ang anumang pagmumura ng kanyang amo. Ilang beses na nga niyang narinig na wala na siyang silbi, inutil, at bihirang-bihira nang mapakinabangan hanggang dumating ang puntong labis na siyang ikinahihiya ng kanyang amo sa mga pumapatol pa ring makaniig ito. Sa marami nang pagkakataong iyon, malakas na punyeta at punyeta ang laging lumalabas sa bibig ng kanyang amo habang pigil na humahagikhik ang kapiling nito. Gayunpaman, bihirang-bihira na, may pagkakataong saglit siyang nagagalit ngunit mabilis din naman siyang nanlalambot kahit kalulusong lamang at hindi pa sumusuka sa maalingasaw na butas na iyon na lalong ikinaiinis at ipinanggagalaiti ni Don Miguel. Kahit hindi na niya magawa ngayon ang dating trabaho, hindi pa rin nagsasawa si Don Miguel sa pagpapalipas ng oras sa paborito nitong primera klaseng mga lugar aliwan kung saan walang itulak-kabigin sa mga babaing nag-aagawang maupo sa tabi nito. Waring nasisiyahan na lamang ngayon si Don Miguel sa pakikipag-usap at paghimas-himas sa mga iyon at, kung isama man sa kuwarto ng isang otel, milagro ng mga milagro kung mapilit siyang saglit na magtrabaho. Uuwi tuloy si Don Miguel na mainit ang ulo at, bago mananghalian, pupunta agad sa opisina nito sa pabrika ng tabako, gagala sa planta at bubulyawan ang sinumang trabahador na tatamad-tamad diumano at hindi ayos ang ginagawa. Kung tinatamad kayo, umuwi na kayo! Huwag na kayong babalik. Punyeta. Malimit nitong isalubong sa mga trabahador, lalo na nga kung noong nagdaang gabi, hindi siya nito napilit magtrabaho at mapasuka. Sa pabrikang iyon ng tabako ng mga Riego de Dios, si Don Miguel ang Diyos at may hawak ng buhay at kapalaran ng mga manggagawa doon. Noong una, kapag napag-initan ang sinumang trabahador, lalo na ang mga umaangal sa suweldong dapat matagal nang naumentuhan dahil lumolobo ang presyo ng mga bilihin at sobra-sobra naman sa kabilang banda ang tinutubo ng kompanya, agad iyong ipatatawag ni Don Miguel sa opisina, sisinghalin at papupuntahin sa kahera upang ipakuha ang huling suweldo at anumang karampot na benipisyo. Kahit lumuha at magmakaawa, sukdulang lumuhod man, sadyang matigas ang puso ni Don Miguel at hindi na mababago ang pasyang tanggalin sa trabaho ang manggagawang matagal na ring naglilingkod sa kanyang pabrika. Magreklamo ka sa Dole, punyeta! pabulyaw pang sasabihin nito. Laking gulat na lamang ni Don Miguel nang isang araw, ilang manggagawa ang pumasok sa opisina nito, may dalang sulat at ipinatatalastas sa kompanya na may unyon na ng mga manggagawa at, katunayan, may sertipiko na at nakarehistro na sa Kagawaran ng Paggawa. Nagmura man nang nagmura si Don Miguel, sa payo na rin ng abogado ng kompanya, napilitang kilalanin nito ang unyon, nakipagtalastasan nang malaon tungkol sa mga kahilingan, hanggang kangina ngang umaga, nagharap sa opisinang pangkomperensiya ang dalawang panig at, kahit halos maghapong nag-usap at nagpaliwanagan, lumilitaw na wala pa ring malinaw na napagkasunduan. Matigas ang mga opisyales ng unyon sa kanilang mga pahayag at kahilingan, lalo na nga ang tungkol sa umento sa sahod, bayad sa sobrang oras ng paggawa, libreng gamot at pagpapagamot, kaseguruhan sa trabaho, at iba pang itinadhana na ng batas ngunit matagal nang nilalabag ng kompanya. Sa takbo nga ng usapan kangina, lumilitaw na nagmamatigas si Don Miguel at binigyang-diin pa na utang na

loob ng mga manggagawa na pinagtatrabaho pa nito ang mga iyon sa kompanya ng tabako ng mga Riego de Dios. Tuwang-tuwa naman siya sa nangyari sapagkat, sa init ng ulo, dumeretsong umuwi ang kanyang amo at waring nakalimutan ang nakagawiang aliwan sa piling ng mababango, makikinis at malalambing na babaing halatang namumulupot kay Don Miguel hindi na dahil sa husay niyang magtrabaho kundi sa lalo nitong pagiging galante. Kinabahan nga lamang siya nang matapos lumaklak ito ng Dom Perignon, naligo ito nang husto at nagpabango pa ngunit, nang humilata na ito sa kama napagod marahil ang isip sa mga problema ngayon sa kompanya tiyak na tiyak niyang lubos siyang makapagpapahinga hanggang umaga, at hindinghindi siya pipiliting galitin, ni ipagalit sa sinumang kapareha, upang pagtrabahuhin pa kahit paano, kahit mabilis siyang nanlalambot gayong saglit lamang ang kanyang paglusong at pag-ahon sa dinadalaw nitong minahan. Kalimitan nga na labis na ipinagtutungayaw ni Don Miguel kasabay ng panlalait sa kanya ni hindi na siya makapasok man lamang sa entrada ng minahan dahil agad siyang nalulugmok sa panlalambot. Naisip tuloy niyang matagal na ngang nahuthot at nakatas ang kanyang lakas sa ilang dekada na rin namang paspasang pagtatrabaho niya para masiyahan lamang ang kanyang amo sa matapat niyang paglilingkod. MAAGANG nagising kinaumagahan si Don Miguel, humingi lamang ng isang basong sariwang gatas kay Bebang, saglit na namalagi sa banyo, ipinahanda ang kulay asul na terno at, pagkabihis, habang hinihintay ang itim na Mercedes Benz at tsuper na si Mang Benito, parang hindi ito mapakaling palakad-lakad sa kabuuan ng maluwang na salas ng mansiyong iyon sa Forbes Park. Malimit kumunot ang noo nito saka biglang sisigaw ng punyeta habang nakadukot ang kaliwang kamay sa bulsa ng pantalon. Akala niya tuloy siya na naman ang minumura nito tulad sa bawat pagkakataong hindi na niya ito mapaglingkuran nang lubusan buhat nang magka-edad. Ngayon, kung tutuusin, parang ang muli niyang pinagsisilbihan ay si Miguelito sa panahon ng kamusmusan nito at wala na siyang obligasyon kundi ang magbuga na lamang ng madilaw na tubig sa naghihintay na palikuran ng mga kauri niya ngunit hindi na sumisirit na gaya noon kundi, kalimitan, matamlay na matamlay sa paglabas at pagpatak. Wala na nga ba siyang silbi? Iyon ang malimit niya ngayong marinig na paratang ni Don Miguel. Iyon ang hindi niya matanggap at ikinasasakit ng damdamin hanggang nagsusumigaw sa kanyang isipan ang paghihimagsik sapagkat, sa abot ng kanyang pang-unawa, ni hindi man lamang minamahalaga ngayon ni isinasaalang-alang ng kanyang amo ang matagal na niyang paglilingkod na nagdulot din naman ng ibayong kaligayahan at kaluwalhatian sa sulak ng dugo ng binatang si Miguelito at, gayundin, nang si Don Miguel na ito. Kasalanan ba niya kung hinuthot ng kanyang amo ang dati niyang sigla at lakas, kung halos hindi na siya pagpahingahin sa walang oras na pagtatrabaho? At ano ngayon ang gantimpala? Ang pagbuntunan ng sisi? Ang paratangang inutil? Gusto tuloy niyang sumigaw, manawagan sa mga kauri niya, upang labanan na ang kani-kanilang amo at putulin, sa wakas, ang tanikala ng matagal nang sa kanilay pambubusabos ng uring kanilang kinagisnang paglingkuran. Hindi niya tuloy naiwasang itanong sa sarili kung bakit ngayon lamang siya namulat sa kahabaghabag niyang kalagayan. Bakit hindi noon pa nang malakas siya at masigla?

Kabubukas lamang ng maluwang na tarangkahan ng bakuran ng pabrika nang dumating si Don Miguel at nagmamadaling pumasok sa opisina. Ilang saglit lamang, nasa kani-kanilang puwesto na ang mga manggagawa, paanas na nag-uusap at ipinagtataka marahil kung bakit gayong kaaga ng kanilang amo dahil, kalimitan, halos alas onse na o makapananghalian bago ito sumulpot sa pabrika. Makaraan ang ilang minuto, nagmamadaling pumasok sa opisina nito ang abogado ng kompanya, may dala-dalang kung anuanong papeles na pahapyaw lamang pinagtuunan ng pansin ni Don Miguel. Kausapin mo ngayon ang presidente ng unyon ng mga punyeta. Bilhin mo suhulan mo para iurong ang mga reklamo sa Dole, utos ni Don Miguel sa abogado. Matigas po, talaga. Nagbanta na nga po silang magwewelga kapag di natin naibigay ang mga hinihingi nila. Mga walang utang na loob, punyeta! Mag-isip ka ng paraan kung paano sila tatanggaling isa-isa kahit sinong opisyal nila, lalo na iyong bwisit na presidente. Tingnan mo rin sa mga trabahador ang pwedeng palayasin na iyong matatanda na at di na gaanong makapagtrabaho. Iyong mga inutil na. Naisip niya, siya yata ang pinariringgan ng kanyang amo, pero malinaw namang mga trabahador sa pabrika ang tinutukoy nito. Padaguk-dagok sa mesa si Don Miguel, at ilang beses na tumawag sa telepono; may narinig pa siyang tinawagang kung sinong heneral, sinabing baka magkawelga sa pabrika at kailangan nito ng ayuda ng mga pulis. Huli niyang narinig ang paulit-ulit nitong salamat, salamat, salamat. May tatawagan pa sana ito, ngunit waring nagdalawang-isip, kaya tuluyan nang ibinaba ang telepono at kumunut-kunot ang lumapad nang noo dahil sa bahagyang pagkakalbo. Ilang ulit pang nakipagnegosasyon ang unyon, ngunit ang abogado lamang ng kompanya ang humaharap, at sinabi nitong nalulugi ang pabrika kaya imposibleng maipagkaloob ang hinihinging umento at benipisyo ng mga manggagawa. Idinagdag pa nitong mapipilitang magbawas ng mga empleyado ang kompanya para hindi magsara at malamang na pagretiruhin na ang lampas na ang edad sa sisenta. Nalulugi? Imposible! alsa-boses na sabi ng presidente ng unyon. Noong nagdaang taon, ang laki nga ng binayarang buwis ng kompanya. Ibig sabihiy malaki ang tinubo. Mali ba ang rekord sa BIR, Attorney? O talagang swapang si Don Miguel? Saglit na hindi nakakibo ang abogado, saka banayad na sumagot. Ipinararating ko lamang sa inyo ang panig ng kompanya. Tingnan natin, baka magawaan pa natin ng paraan. Kakausapin ko nang husto si Don Miguel. Sa ilang araw na iyon, ikinatuwa niyang laging mainit ang ulo ng kanyang amo. Waring nakalimutan na nito ang nakaugaliang paghahanap ng kaparehang makakausap at mahihimas man lamang habang pinipilit siyang magalit upang mapagtrabaho kahit panandalian man lamang, kahit alam nitong agad siyang manlalambot at hindi na mapilit sumuka anuman ang gawin sa kanya ni Don Miguel, murahin man at insultuhin, o pagtawanan man ng kapareha nito. Sa wakas, nasabi niya sa sarili, unti-unti na siyang nakalalaya sa matagal nang pagsasamantala sa kanyang lakas sa ilang dekada nang walang habas na pagtatrabaho, hinuthot iyon nang husto, lalo na nga noong kasiglahan ng kanyang amo at umaalimpuyong

lagi ang dugo sa mga ugat hanggang puson. Noon, bihira nga siyang makapagpahinga, lupaypay na bago sabunin at paliguan, at tuluyang patulugin nang mahimbing habang naglalaro pa sa bilugang mukha ng kanyang amo ang ligayat kaluwalhatian. Gayunpaman, naisip niya, ano pa ang halaga ng kanyang paglaya kung ubos na ang kanyang lakas? Isang umaga, wala pa si Don Miguel sa pabrika, biglang pumutok ang welga ng mga manggagawa doon, binarikadahan ang tarangkahan, ipinamukha sa mga nakasulat sa plakard at kartelon ang inhustisyang dinaranas ng mga manggagawa sa pabrika ng tabako ng pamilya Riego de Dios, ipinagdiinan ang pagiging tuso, ganid at makaharing pamamalakad ni Don Miguel, at magkakapit-bisig lalaki man o babae buong tatag nilang hinarang sa pagpasok ang ilang trak ng kompanya, gayundin ang mga kotse ng ilang opisyal nito. May mangilan-ngilan ding manggagawang hindi nakiisa sa welga, nagtangkang magsipasok, ngunit waring nangatakot at umatras nang makitang dudumugin sila ng mga welgista. Pero bago magtanghalian, nagdatingan ang mga isandaang pulis, mga nakabatuta, armadong parang lalaban ng giyera, at agad na kinausap ng pinuno nito ang presidente ng nagwewelgang unyon, sinabihang ilegal iyon, kaya makabubuting itigil na ang piket, papasukin sa tarangkahan ang mga gustong pumasok dahil, kung hindi, mapipilitan silang buwagin iyon. Lalong nagkapit-bisig ang mga welgista, nagsigawang walang aalis at, biglang-bigla, dinaluhong ng mga pulis ang piketlayn, walang habas na binatuta ang mga welgista pati mga babae, at napilitang ipagtanggol ng mga nagwewelga ang kanilang hanay hanggang sa magkahambalusan, magpangbuno, magkabatuhan at, sa isang iglap, ilang sunud-sunod na putok ng baril ang nangibabaw sa kaguluhan. Tatlo sa mga welgista, babae pa ang isa, ang duguang tumimbuwang. Ang ibay nagpulasang umaagos ang dugo sa mukha dahil sa pumutok na ulo sa hambalos ng batuta, may mga nabalian ng braso, nagkapasa sa katawan, napilay at halos hindi na makalakad at, sapagkat walang kalaban-laban, walang nagawa kundi magmura at magtungayaw habang tumatakbo at napilitang iwan ang piketlayn. Ilan pa sa kanila ang puwersahang dinampot ng mga pulis at isinakay sa mobile car. May araw din kayo! Mga putang ina nyo. Agad na nalaman iyon ni Don Miguel, at nalaman din niya, nang magkasunud-sunod ang tawag sa telepono sa mansiyon nito sa Forbes Park. Madadala na ang mga punyetang iyan. Magdemanda sila. Tingnan ko kung mananalo sila sa akin sa korte. Aba, madali silang palitan, nagyayabang pa nitong sabi sa kausap sa kabilang linya. Sa buong araw na iyon, namalagi sa mansiyon ang kanyang amo, lumaklak na lamang ng Dom Perignon, at waring hindi ikinatigatig ang marahas na nangyari sa pabrika. Nang magising ang kanyang amo kinaumagahan, agad itong naligo ngunit hindi na siya gaanong sinabon at binanlawan at waring tuluyan na nga siyang nakalimutan. Pagkaalmusal, agad itong nagbihis, ipinahanda ang Mercedes Benz, sinabihan ang tsuper na dadaan muna sa pabrika saka may kakausapin sa Manila Hotel. Nang palabas na sa bukana ng Forbes Park ang kotse, tatlong lalaking nakamotorsiklo ang biglang sumulpot kung saan, agad na umagapay sa kotse, isa sa likuran at dalawa sa tagiliran, saka narinig na lamang ang sunud-sunod na mga

putok. Bumulwak ang dugo sa bahagyang nakakalbong ulo ni Don Miguel hanggang tumimbuwang ito sa upuan pisil-pisil ang dumurugo ding dibdib. Habang naghihingalo ang kanyang amo,bigla niyang naitanong sa sarili: Malaya na ba ako? Kailan lalaya ang mga kauri ko? Kailan?# Sa B utas Ng Kar a yo m February 27, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez HALATANG-HALATANG natataranta si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at kapit-tuko niyang mga basalyos nang magkakasama silang maglakad sa bakuran ng Malakanyang upang ipamalas sa publiko ang diumanoy kanilang pagkakaisa sa kabila ng umalingasaw sa katiwalian na $329-M kontratang ZTE-NBN at pagdampot ng mga ahente ng gobyerno, kaugnay nito, kay Engr. Rodolfo Noel Lozada, Jr. pagbaba pa lamang sa eroplano mulang Hongkong upang mahadlangan ang pagtestigo nito sa Senado. Nang lumaganap at mag-alab ang matinding protesta ng ibat ibang sektor ng lipunan hindi lamang sa Kamaynilaan, kundi maging sa halos lahat ng rehiyon ng bansa, at hinihiling na patalsikin na si Gloria, inorganisa naman ng Malakanyang ang kaalyado nitong mga gobernador at alkalde upang itambol sa sambayanan na ganap ang pagsuporta nila sa administrasyong Arroyo. Tinapatan at kinontra din ng Malakanyang ang idinaos na mga misa sa La Salle at Ateneo para kay Lozada at naglibot pa sa mga kampo-militar si Hen. Hermogenes Esperon, Jr., hepe ng estado mayor ng AFP, upang tiyakin lamang ang katapatan ng mga sundalo sa Reyna ng Malakanyang. Bukod sa kung anu-anong panggigipit kay Lozada at asawa nito, pinalitaw pagkatapos sa estasyon ng telebisyon na pag-aari ng gobyerno ang isang Erwin Santos, OIC ng Phil. Forest Corp., para ibunyag ang mga katiwalian diumano ni Lozada sa naturang korporasyon nang ito pa ang presidente niyon. Pero, sa kabila ng pagsisikap ng mga tambolerot propagandista ng rehimen na piringan ang mata ng publiko, lumitaw na lalong sumidhi lamang ang pagnanasa nitong makita ang maliwanag na katotohanan sa likod ng mga anomalyat eskandalong kinasasangkutan ng naghaharing rehimen. Hindi lamang ang katiwalian sa ZTE-NBN at pagkidnap kay Lozada ang itinatanong ngayon ng mulat at namumulat na mga mamamayan. Gusto rin nilang linawin nang husto ng rehimen ang Hello Garci, mga kontratang Northrail at Southrail, Mega Pacific at Piatco, gayundin ang P728-M fertilizer scam ng isang Joc-joc Bolante, bukod sa iba pang nangalingasaw na mga transaksiyon. Bakit, tanong nila, nagbitiw sa tungkulin bilang presidente ng PNOC si Eduardo Manalac (dahil ayaw matulad kay Bolante) nang atasan ito diumano ni dating Sekretaryo Romulo Neri ng NEDA na magpalabas ng P500-M para sa pagtatanim ng jatropha, bukod sa P500-M ding hiningi sa National Development Corp. , at inilipat pagkatapos ang P1-B iyon sa kamay ng Phil. Forest Corp. sa ilalim noon ni dating Sekretaryo Mike Defensor bago mag-eleksiyon noong 2007? Ano na ang nangyari, tanong pa ng publiko, sa P800-M paunang-bayad ng Comelec sa Mega Pacific para sa kontrobersiyal na kontrata kaugnay ng ACM (automated counting machines)?Saan napunta ang taunang P254-M para sa mga kasangguni ng DAR (Dept. of Agrarian Reform)? Saan naroroon ang nawawalang P20-M sa nabawing ilang yaman ng mga Marcos?Saan talaga ginasta ang P5-B para sa Tanggapan ng Pangulo at may di pa nga yatang

nalilikidang P77-M? Saan talaga ginugol ang P650-M pondo sa paniniktik? Nalinaw na ba ang kuwenta, halimbawa, ni Sekretaryo Norberto Gonzales, tagapayo sa pambansang seguridad, ang cash advance niyang P138.7-M? Natural, isang garapal na katiwalian ang pagwawaldas sa salapi ng bayan kaya, nitong huli, ipinahayag ni La Gloria bilang pagtatanggol-puri na kinansela niya ang kontratang ZTE-NBN nang malaman niyang may katiwalian. Nalaman niya iyon noong sinundang gabi peropinirmahan pa rin niya kinabukasan sa Hainan, China noong Abril 2007. Kinansela lamang niya iyon noong Oktubre 2, 2008 makaraan nga ang limang buwan, at maaaring hindi nga kinansela kung hindi ibinunyag ni Joey de Venecia ang sinasabing mga katiwalian na pinatibayan pa, nang malaon, ng mga pahayag ni Lozada. Patalsikin si Gloria! Pahirap sa masa! isinisigaw nga ng mga nagpoprotesta. Sa punto tuloy ni Presidente Manuel Villar ng Senado, matibay na batayan ng panibagong kasong impeachment ang pag-amin ni La Gloria na pinirmahan pa rin niya kahit alam niyang may katiwalian ang naturang kontrata bagaman kinansela niya iyon nang malaon. Pero, sa kabilang banda, dahil hawak sa pundilyo ng Malakanyang ang mayorya ng Kamara dahil sa kalansing ng pera, natural lamang na muling mabasura ang kaso gaya ng tatlong naunangimpeachment na itinapon lamang sa poso negro ng pulitika. Nalusutan na rin ni La Gloria ang tatlo ring pagrerebelde ng ilang grupong militar. Sapagkat maliwanag na ang sambayanan pa rin ang may ultimong kapangyarihang magpasiya, at lumilitaw na hindi na basta-basta mahahadlangan ng Malakanyang sa pamamagitan ng mga propagandat buladas o mapanikil na mga hakbang ang dumadambang mga alon ng protesta laban sa mga katiwalian ng naghaharing rehimen, sa butas na ng karayom sabi ng mga kritikong pampulitika lulusot si La Gloria ngayon upang manatili siya sa glorya. Makatuwiran nga lamang ang sinabi noong 1700 ni Francois Marie Arouet o Voltaire pilosopo-manunulat na Pranses na nakilalat napabantog bilang tagapagtanggol ng karapatang pantao na banal na karapatan ng mga mamamayan na ibagsak at palitan ang anumang pamahalaang hindi na makatugon sa mga pangangailangan at kapakanan ng sambayanan. Sa butas na nga ba ng karayom lulusot si La Gloria? Ma y Ed sa 4 Ba? February 20, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) KUNG pagbabatayan lamang ang pagsasanib ng mga puwersang datiy parang langis at tubig kaugnay ng mga pagbubunyag sa Senado ng isang Engr. Rodolfo Noel Lozada, Jr. tungkol sa garapal na katiwalian sa $329-M kontratang ZTE-NBN na sangkot mismo diumano si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, gayundin ang butihin niyang esposo, bukod sa pangunahing mga basalyos ng rehimen gaya ni dating Komisyoner Benjamin Abalos ng Comelec, maaaring sabihin agad ng mga palasuri sa pambansang pulitika na, sa malapit na hinaharap, maglulundo ang lahat sa Edsa 4.

Ipinahayag tuloy kamakailan ni Prof. Jose Ma. Sison, punong kasangguning pampulitika ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines) na hinog na ang lahat para patalsikin sa poder si La Gloria. Nag-alab nga ang opinyon publiko matapos sindihan ni Lozada ang mitsa ng bomba laban sa talamak na katiwalian sa burukrasya sa ilalim ng naghaharing rehimen, at matinding tinuligsa ng mga lider at miyembro ng ibat ibang grupo ang pananatili sa kapangyarihan ng Reyna ng Malakanyang. Matapos sikapin ng mga makapangyarihan na mahadlangan ang pagtestigo ni Lozada sa Senado kaya pinapunta siya sa Hongkong ng mga kinauukulan, binigyan ng P500,000 sabi niya ng Pangalawang Kalihim Tagapagpaganap Manuel Gaite, at dinampot siya sa NAIA pa lamang ng mga ahente ng gobyerno nang mapilitan siyang umuwi, dinala sa Laguna sa halip na sa bahay niya sa Pasig, pinapirma pa sa isang apidabit, kahit labag sa kanyang kalooban, ng isang Atty. Antonio Bautista, nagdesisyon siyang ibunyag na ang nalalaman niya tungkol sa umalingasaw na ZTE-NBN. Lumitaw na 92% sa mga nagpadala ng opinyon sa HARAPAN sa telebisyon ang naniwalang nagsasabi nang totoo si Lozada at 8% lamang ang nagsabing nagsisinungaling siya. Tama na, sobra na, kilos na! madagundong ngang isinigaw noong Peb. 15 sa demonstrasyon sa Makati ng mga 10,000 lider at miyembro ng nagsanib-sanib na mga organisasyon pampulitika man o panrelihiyon o pangnegosyo, tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Karapatan, Pamalakaya, Kabataan, UNO, Laban ng Masang Pilipino, Makati Business Club, Management Association of the Phil., Simbahan at iba pang sektang panrelihiyon. Ito rin ang mensahe sa misang idinaos para kay Lozada sa La Salle Greenhills na dinaluhan ng mga 5,000 tao noong Peb. 17. Nagkaisa nilang hinihinging magbitiw na sa tungkulin si La Gloria sapagkat wala na itong moral na awtoridad na pamahalaan ang bansa dahil sa talamak na katiwalian sa gobyerno, mga pagpatay na pampulitika, paglabag sa Konstitusyon, paninikil at pagsalaula sa mga karapatang sibil ng sambayanan, bukod pa nga sa pandaraya sa eleksiyon noong 2004. Sa kabila ng mga nabanggit, higit pa ngang masama sabi ng mga demonstrador ginagawa pa nga nito ang lahat-lahat upang bulagin ang opinyon publiko at ilibing ang sagradong mga katotohanan. Maglulundo nga kaya ito sa Edsa 4? O sawa at nadala na ang mga mamamayan sa ganitong sistema? Maaalaala, 20 taon ng pag-abuso sa kapangyarihan at disimuladong pandarambong sa salapi ng bayan, at tandisang paninikil sa lehitimong mga karapatang sibil ng sambayanan sa pamamagitan ng Batas Militar, at walang habas na pagpatay kay dating Senador Benigno Aquino, Jr. nang malaon, ang tuluyang nagpaalab sa damdaming-bayan sa ilalim ng diktadurang Marcos kaya naganap ang Edsa 1 noong Peb. 25, 1986. Pandarambong din sa pera ng bayan, tiwaling pamamahala at paglilihim sa katotohanan ang nagpabagsak din sa rehimeng Estrada noong Edsa 2. Maliwanag, sa kabilang banda, nabigong patalsikin naman sa poder ng mga kaalyado ni Erap si La Gloria noong Edsa 3 sapagkat lumitaw na personal lamang ang pangunahing mga dahilan kaya hindi sumuporta ang masang sambayanan at iba pang mulat at progresibong sektor ng lipunan. Sa Edsa 1 at 2, napalitan nga ang abusadong pambansang liderato pero hindi ang sistemang pampulitikat pangekonomiya na nananatiling kontrolado ng iilang naghahari-harian sa lipunan sa kapinsalaan ng masang sambayanan. Nakabalik pa nga sa poder ang mga basalyos ng pinatalsik na mga rehimen at, sa bawat humaliling rehimen, lumubha pa nang lumubha ang mga problemang panlipunan, pampulitikat pangkabuhayan, at lalong

lumulubog sa krisis ang bansa. Matapos gamitin ng mga kinauukulan ang suporta ng masang sambayanan at makabayang mga sektor ng lipunan para diumano sa pambansang pagbabago, ibinasura lamang ng bagong lideratong kinatawan din ng uring mapagsamantala ang pambansang kapakanan. Ni hindi nga anino hanggang ngayon ang minimithi ng mga mamamayan na isang lipunang tunay na makatao, mapayapa, maunlad at demokratiko. May Edsa 4 ba? Sabi nga, isa sa mabisang paraan ng pambansang pagbabago ang People Power pero, sa kabilang banda, dapat na lantay na makabayan at progresibong pambansang liderato ayon sa mga kritikong pampulitika ang hahalili o hahawak ng renda ng gobyerno tungo sa ganap na pagbabago ng napakatiwali nat naghaharing sistemang panlipunan, pampulitikat pang-ekonomiya para makamit ang ganap na pambansang katubusan sa kamay ng uring mapagsamantalat walang makabayang konsensiya. Garap al Na February 13, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) KILALA na ang naghaharing rehimen sa pagiging garapal sa paglulubid ng kasinungalingan at pagtatakip sa katotohanan kaugnay ng walang habas na mga katiwaliang kinasasangkutan nito, mulang jueteng payola hanggang sa Hello Garci, mulang P728-M fertilizer scam hanggang sa P1.3-B mga makinang pambilang ng boto sa Comelec, mulang maanomalyang mga proyektong SouthRail at NorthRail hanggang sa nangangalingasaw na mga kontratang Transco, Piatco at $329-M ZTE-NBN. Bukod sa mga nabanggit, marami pa ngang dapat halukayin ang sambayanan sa poso negro ng ganid na kapangyarihan na, sa kabilang banda, pilit at pilit na pinababango ng mga tambolerot salamangkero ng rehimen upang ululin ang opinyon publiko at magmukhang malinis sa mata ng sambayanan ang Reyna ng Malakanyang at, gayundin, ang mapagmahal na esposo nitot mga miyembro ng opisyal na maharlikang pamilya kabilang na ang parang garapatang mga basalyos na pawang sumisisipsip sa puklot dugo ng bayan. Napatunayan na sa maraming pagkakataon ang pagiging eksperto ng pambansang liderato sa pagpisil sa ilong ng publiko upang hindi maamoy nang husto ang nakasusukang baho ng rehimen kaugnay ng kung anu-anong garapal na anomalyat eskandalong bunga ng makasarilit tiwali nitong pamamahala. Sa anumang paraan, kailangang

maitago ang sagradong katotohanan sukdulan mang baluktutin ang tuwid at ituwid ang baluktot sa kapinsalaan ng pambansang kapakanan. Nariyan, unang-una, ang waring pagputol sa dila ng kinauukulang mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng mapanikil na E.O. 464 upang hindi makatestigo ang mga ito sa mga pagdinig ng Senado tungkol sa kabikabilang nagaganap na katiwalian sa pamahalaan. Nariyan ang pagbusal sa bibig ng mga kritiko sikilin man ang malayang pamamahayag at salaulain ang mga karapatang sibil ng mamamayan. Nariyan ang

paniniktik, panggigipit, panunuhol, at pananakot sa mga posibleng magbulgar ng katotohanan. Higit sa lahat, nariyan ang pandarahas sa makabayan at militanteng mga puwersang nagmamahal sa katotohanan at matagal nang

nananawagan para sa isang mapayapa, malinis, maunlad at demokratikong lipunang pinaghaharian ng tunay na hustisya sosyal. Malinaw na makikita ang garapal na sistemang ito ng naghahari-hariang rehimen sa kaso na lamang ng isang Engr. Rodolfo Noel Lozada, Jr., nagbitiw na Presidente ng Philippine Forest, Corp. at naging kasangguni ni dating Sekretaryo Romulo Neri noon sa NEDA (National Economic & Development Authority) kaugnay ng maanomalyang kontratang $329-M ZTE-NBN. Ayon sa kanya, hindi miminsang tumanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay para marahil hindi niya isiwalat ang mga nalalaman sa naturang kontrata, lalo na ang paghingi diumano ni dating Komisyoner Benjamin Abalos ng Comelec ng komisyong $130-M. Batay sa kanyang salaysay sa Senado, pinapunta muna siya sa Hongkong para makaiwas sa pagtestigo sa naturang kaso at, nang mapilitang umuwi, sinalubong agad siya at dinampot ng grupo ng isang Hen. Angel Atutubo, retirado na pero pinuno sa seguridad ng paliparan ng NAIA. Kinuha na siya paglabas na paglabas sa eroplano, hindi idinaan sa karaniwang daanan ng mga pasahero para diumano pangalagaan ang kaligtasan dahil peligroso ang kanyang buhay. Sa halip na ihatid sa kanyang bahay sa Pasig, ipinasyal siya hanggang Laguna ng tropa ng isang Kor. Paul Mascarinas at napilitang ibalik lamang nang maging maingay na ang lahat sa media. At, kinabukasan, dinala siya sa opisina ng isang Atty. Antonio Bautista, pinapirma sa isang apidabit na hindi niya lubos na sinasang-ayunan pero, dahil sa takot at ikasisiya ng Malakanyang, ay napilitan niyang pirmahan. Nagdesisyon tuloy si Lozada na tuluyan nang humarap sa Senado upang ibunyag ang lahat niyang nalalaman sa ipinatong na 100% sa presyo ng nangalingasaw na kontratang ZTE-NBN, gayundin ang nakaugalian diumanong ipatong na 20% sa tunay na presyo ng iba pang mga proyekto ng gobyerno dahil sa kasuwapangan ng kinauukulang mga opisyal nito. Natural, sa pagdinig ng Senado, matinding pinalitaw ng mga guwardiya de honor ni Presidente Gloria MacapagalArroyo, sa pangunguna nina Sekretaryo Lito Atienza ng DENR, Dir. Hen. Avelino Razon ng PNP, at iba pa, na si Lozada pa ang naglulubid ng mga kasinungalingan. Batay sa kanilang dispalinghadong mga pahayag at retorika, hangal na nga lamang ang maniniwalang nagsisinungaling at inimbento lamang ni Lozada ang lahat. Ano ang makukuha ni Lozada sa kanyang pagbubunyag? Ang gipitin at iligpit ng mga makapangyarihang baluktot ang kaisipan? Ang madamay ang kaligtasan ng kanyang pamilya? Kung oportunista lamang si Lozada, at pinili niyang susian ang bibig, gaya ng maraming basalyos ni La Gloria, baka italaga pa siyang miyembro ng gabinete ng Malakanyang. Nagbitiw pa nga si Lozada bilang Presidente ng Phil. Forest, Corp. kamakailan. Sapagkat garapal na ang lahat, maliwanag na konsensiyat nalalabing pagpapahalaga sa dangal ang nagtulak kay Lozada sa kabila ng matinding takot na ituwid ang baluktot alang-alang sa sagradong katotohanan at pambansang kapakanan at, sa kanyang ginawa, hindi mapananatili ng rehimen sa arena ng panlilinlang at kamulalaan ang namumulat na mga mamamayan. Di Natutulo g An g La hat February 6, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

NANG sinusulat ito, Pebrero 4, nagbobotohan na ang malahunyangong mga kongresista makaraan ang nakaugaliang pag-aaksaya ng mahabang oras sa patalsikan ng laway at pataasan ng ihi sa masalimuot na mga debate sa mga reglamento at proseso, bukod sa litanya ng mga paratang at ganting-paratang ng mga magkakalaban, kung patatalsikin na sa wakas sa puwesto si Espiker Jose de Venecia at pauupuin sa kubeta ng

kapangyarihan si Rep. Prospero Nograles ng Davao bilang bagong lider ng Kamara. Sa takbo ng botohan, tapos na ang liderato ni JDV sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Gayunpaman, maliwanag naman, tulad ng matinding sikat ng araw sa katanghalian, na ang balyahan o karambola sa kapangyarihan ng uring naghahari-harian sa pulitika at ekonomiya ng bansa ay batay lamang sa personal na mga motibot interes at hindi sa importanteng mga isyung magsusulong sa pambayang kapakanan. Hindi na nga bago ito sa kasaysayan ng nakasusukang sistema ng pulitika sa bansa na, magpahanggang ngayon, lumilitaw na pinamamayanihan hindi ng marangal at makabayang mga layunin kundi ng ganid na ambisyon ng mga Mafioso. Kahit sinasangkalan ang mga repormang dapat ipatupad sa Kamara kaya magbabago diumano ng liderato, ayon sa mga basalyos ng Partidong Kampi ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, ipinaratang naman ni JDV ng LakasCMD na nagsimulang maniobrahin ng Malakanyang na patalsikin siya nang ibunyag ng kanyang anak na si Joey de V. ng Amsterdam Holdings, Inc. ang suhulan at katiwalian sa kontratang $329-M ZTE-NBN na kasangkot pa mismo diumano si Unang Ginoo Mike Arroyo. Tinangka pa, ayon pa rin kay JDV, na ipapatay silang mag-ama ng mga kinauukulan na hindi man lamang ipinaimbestiga ni La Gloria nang sulatan niya itot ireklamo iyon. Kung hindi nasaktan nang husto ang amor propio, tiyak na hindi pa ibubunyag ni JDV ang nalalaman niyang matinding mga katiwalian sa pamahalaan alang-alang sa pambansang kapakanan. Isinumbat pa nga niya ang mga naitulong niya kay La Gloria mula nang makiusap itong maging kandidatong bise-presidente niya noon hanggang ngayong namamayagpag na ito sa Malakanyang. Hindi maikakaila, pati si Nograles, naging doberman pinscher sila ni La Gloria sa Kamara para guwardiyahan ang mga katotohanan kaugnay sa pagkakabasura agad sa dalawang kasong impeachment laban sa Presidente ng Matatag na Republika. Bukod sa ibinunyag niyang katiwalian sa pagbebenta sa Transco, at labis na pagkontrol ng Malakanyang sa pork barrel at road users tax, gayundin ang hiwaga sa likod ng Hello Garci, mga pagpatay na pampulitika at pagabuso sa kapangyarihan, nagbanta pa si JDV na marami pa siyang ibubunyag na katiwalian ng naghaharing rehimen sa darating na mga pagkakataong puwede siyang magtalumpati sa Kamara. Bagaman inamin niyang isa siyang makasalanan, mariin naman siyang nananawagan sa lahat lalo na sa pambansang liderato na simulan ang rebolusyong moral tungo sa isang maayos at malinis na gobyerno at maunlad at mapayapang Pilipinas. Sa kabilang banda, kung pakikinggan naman ang mga pahayag ni Rep. Dato Arroyo anak ni La Gloria gayundin ng himod-pundilyo nilang mga kakampi, si JDV ang sinungaling, masama at tiwali kaya nga ginilitan ng leeg ang liderato nito sa Kamara. Nahihilo na tuloy ang bayan kung sino ang paniniwalaan at, kaugnay nito, malinaw na nailarawan ng ilang bahagi ng isang editoryal ng La Solidaridad (Hulyo 15, 1889) ang mga nagaganap ngayon sa diumanoy marangal na bulwagan ng buong Kongreso: Hindi mapag-aalinlanganan, malubha at mapanganib ang kahulugan ng mga kaguluhan at paulit-ulit na pag-aawayaway sa Kongreso. Katulad ng isang sambayanang malapit nang mamatay ang maiinit na diskusyong iyon xxxx

Ipinamamalas sa mga mamamayan ng mga alingasngas at eskandalo na ang kanilang mga kinatawan at ang mga namumuno sa kanila na hindi naman nagsisikap na malutas ang pangunahing mga problema ng bansa at mapaunlad ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan ay walang inaatupag kundi maglunoy sa kanilang pagpipintasan at walang kawawaang pagbabalitaktakan, pag-iinsultuhan at pag-iiringan na labis na ikinawawala ng dangal ng buong Kongreso. xxxxx Ito ang pangunahing layunin: lumikha sa mga mamamayan ng isang malaking isyung pampulitika sa pamamagitan ng mga palabas, ipangalandakan ang mga prinsipyo, ang mga dakilang adhikain, habang ipinagtatanggol sa pamamagitan ng mabulaklak na mga salita ang mga patakarang pangkabuhayan na makabubuti sa mga mamamayan, at pagtagal-tagal, ituring naman o gawing isang malaking biro lamang ang lahat ng ito. May pag-asa pa nga ba ang bansa sa ilalim ng lideratong kumakatawan lamang sa interes ng uring mapagsamantala? Sabagay, sabi nga, hindi lahat ay natutulog sa dilim ng gabi. P ara Laman g Mga T alahib January 30, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) KAHIT dapat nang magretiro sa serbisyo militar si Hen. Hermogenes Esperon, Jr. bilang hepe ng estado mayor ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa Pebrero 9, 2008 dahil 56 na taong gulang na siya, pinalugitan pa ng tatlong buwan o baka muli pang palugitan hanggang 2009 ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang termino ng panunungkulan ng naturang heneral sa layunin diumanong mawakasan ang may apat na dekada nang rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA bago matapos ang 2010. Maaalaala, nagsimulang manungkulan sa kasalukuyang puwesto si Esperon noong Hulyo 21, 2006 nang halinhan niya ang nagretirong si Hen. Generoso Senga. Kung susundin ang probisyon ng PD (Presidential Decree) 1636, na sinusugan ng PD 1650, sapilitang magreretiro sa edad na 56 ang sinumang militar at, bagaman, tatlong taon ang termino ng panunungkulan ng hepe ng estado mayor ng AFP (hanggang Hulyo 21, 2009 para kay Esperon), nilinaw naman ng probisyon ng Batas ng Republika Blg. 8186 na dapat na ngang magretiro ang sinumang militar na 56 na ang edad kahit hindi pa tapos ang kanyang termino sa puwesto. Sa kasong ito ni Esperon, maliwanag na nilabag na naman ni La Gloria ang Seksiyon 5 at 7 ng Artikulo XVI ng Konstitusyon na nagtatadhanang maaari lamang palugitan ang panunungkulan ng hepe ng estado mayor sa panahon ng giyera o pambansang emerhensiyang idineklara ng Kongreso. Nagdeklara na ba ng giyera o pambansang emerhensiya ang Kongreso? Marami tuloy ang nagsasabing hindi ang pagpuksa sa CPP-NPA ang pangunahing dahilan kaya pinalugitan ang panunungkulan ni Esperon kundi, higit sa lahat, ang malaking utang na loob ni La Gloria sa kanya noong halalang presidensiyal ng 2004, bukod pa nga sa hanggang langit na debosyon nito sa Reyna ng Malakanyang. Ikinatuwiran ni La Gloria, sa kabilang banda, na sumusulong na ang kampanya laban sa NPA at inaasahan naming lalong susulong ito sa darating na ilang buwan kaya mahirap magpalit ng mga kabayo sa panahong ito. Kung

gayon, natural nga na panatilihin sa puwesto legal man o ilegal si Esperon na naninindigang lalabanan niya ang NPA hanggang wakas kaya, ayon sa kanya, maaaring maging madugo ang darating na ilang buwan. Sa unang tatlong buwan ng 2008, layunin diumano ni Esperon na lansagin ang 17 prenteng gerilya sa sinasabing 87 prente nito sa ibat ibang dako ng kapuluan. Kayang-kaya diumanong gawin ito ng kanyang tropa sapagkat, sabi pa niya, mahina na ang puwersa ng NPA at binubuo na lamang ng 5,760 armadong mandirigma kumpara sa mga 80,000 tropang militar. Ilang heneral na ba, maging noong nagdaang mga rehimen, ang nangarap at nangalandakang wawakasan nila ang rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA? Bakit tumagal ito ngayon ng apat na dekada? Kung susuriin, hindi marahas na opensiba militar o kamay na bakal ang lunas sa bagay na ito. Sa kasaysayan ng mga bansang may mga kilusang rebolusyonaryo, hindi nawakasan ng puspusang pananalakay ng militar ang gayong mga kilusan. Maaaring natalo sila sa ilang sagupaan, nahuli o napatay ang ilang lider at miyembro nila, ngunit bakit patuloy at patuloy na may humahalili sa kanila upang ituloy ang pakikibaka? Kung susundan tuloy ngayon ang takbo ng utak ni La Gloria at ng mga Esperon, kamay na bakal at karahasan ng militar at tiyak na madadamay at magbubuwis din ng buhay maging ang inosenteng mga mamamayan ang tanging makalulunas sa apat na dekada nang rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA. Bakit hindi muna sikapin ng gobyernong isulong ang usapang pangkapayapaan, talakayin ang mga repormang panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika, gaya ng panukala mismo ni Jose Ma. Sison, punong kasangguning pampulitika ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines)? Sabi nga, magiging dispalinghado lamang ang anumang pagsisikap ng kasalukuyang rehimen o ng susunod na mga rehimen na wakasan ang rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA hanggang hindi masusing inuugat ng pambansang liderato ang pangunahing mga dahilan ng paghihimagsik ng mga iyon. Hanggang abusado sa kapangyarihan ang mga kinauukulan, kabi-kabila ang inhustisyat pagsasamantala, at naglulublob sa pribilehiyot kayamanan ang iilang naghahari-harian sa lipunan samantala, sa kabilang banda, mailap sa masang sambayanan ang tunay na hustisya sosyal at patuloy pa silang inginungudnod sa karalitaan at kawalang-pag-asa ng uring mapagsamantala. Samakatuwid, kahit ibuhos pa ng rehimen ang lahat nitong puwersa laban sa CPP-NPA o iba pang nagrerebeldeng mga grupo, at hindi naman nalulunasan ang matindi nang mga problemang panlipunan, pampulitikat pangkabuhayan, para lamang mga talahib na mulit muling susulpot at mamumulaklak silaban man nang silaban ang gayong mga rebolusyonaryong kilusang naghahangad ng pambansang pagbabago para sa masang sambayanan. T anghalan n g P anlilinla ng January 23, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) \MULA nang pairalin sa bansa ang demokrasyang tatak-Amerika, naging mabisang instrumento na ng uring mapagsamantala ang moro-morong eleksiyon upang magrigodon sa poder at pamamahala sa bansa ang mga

kinatawan ng uring mapagsamantala. Hindi na tuloy katakataka kung bakit, ngayon pa lamang, kahit grabe nat santambak ang mga problema ng bansa na dapat na unahin nilang pag-ukulan ng panahon at pagsikapang lunasan,nagbabalyahan na ang mga ito kung sino ang dapat maging Presidente ng Republika kapag naghalalan sa 2010. Nagsimula pa sa panahon nina Quezon, Roxas at Osmena, hali-halili lamang sa pag-upo sa inodoro ng kapangyarihan ang mayaman at maimpluwensiyang mga pamilya upang pangalagaan, unang-una, ang ganid at oportunistang interes ng mga kagaya nilang asenderot kapitalista. Ilang angkan nga ba lamang ang sugapang kumakatawan sa pambansang liderato? Higit na masama, ibenta man ang kasarinlan at dignidad ng bansa at ilubog sa kumunoy ang ekonomiya nito, walang pakundangan pa silang nakikipagsabuwatan sa mapandambong na dayuhang mga interes makapanatili lamang sa kapangyarihan kahit ingudngod sa karalitaan at kawalang-pag-asa ang masang sambayanan. Ayon tuloy sa manunulat na si Stanley Karnow batay sa kanyang aklat na In Our Image naging tau-tauhan o papet lamang ng Estados Unidos ang mga naging presidente ng bansa.Sino nga ba unang-una na si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ng Matatag na Republika ang hindi naging masugid na tagahimod ng kuyukot ng imperyalistang mga patakaran ng Amerika? Dahil sa nabanggit na umiiral na kalakaran sa pambansang pulitika, natural nga lamang na laging inutil ang bawat eleksiyon tungo sa tunay na pambansang pagbabago. Kung tutuusin, lumilitaw na laro lamang ng uring naghahariharian sa lipunan ang pulitikat eleksiyon sa bansa para lamang patuloy nilang mapagsamantalahan ang bayan. Panapanahon nga lamang ang pandarambong sa pondo ng gobyernong galing sa pawis at dugo ng dayukdok na mamamayan.Alin nga bang rehimen nang maluklok sa kapangyarihan ang hindi nagsamantalat nandambong sa sambayanan? Sapagkat magkakabalahibot may pare-parehong hindi mabundat-bundat na sikmura ang mga pulitikong ito, at kinakatawan nila ang magkakatulad na interes ng uring mapagsamantala, hindi na rin katakataka kung ang dating nangangalandakan ng pagmamahal sa bayan at malasakit sa kapakanan ng milyun-milyong maralita sa panahon ng mabuladas na kampanya, ang sila namang maging pasimuno ng katiwalian at dispalinghadot makasariling pamamahala sa bayan kapag nanalo na sa isang eleksiyong laging umaalingasaw sa perat hitik ng karahasan, hokus pokus o dayaan. Kung napatalsik man sa poder ang dating masama, tiwalit abusadong rehimen, asahan na, sabi nga, na masama rin o higit pang masama ang papalit na rehimen upang pagpasasaan lamang ang kayamanan ng bansa at busabusin ang masang sambayanan. Sa maikling salita, sapagkat sila na ang nasa poder, mapangalagaan lamang ang makasarilit ganid na mga interes at ambisyon, maaari na nilang gawin ang lahat salaulain man ang Konstitusyon, sikilin man at labagin ang sagradong mga karapatang sibil ng mamamayan, o walang pakundangang pagpistahan ang pondo ng naghihirap na bansa. Ano nga ba kung nagtitiis mamaluktot sa gutom ang bayan basta silay nagtatampisaw sa pribilehiyo, karangyaan at kapangyarihan? Ngayon pa nga lamang, kahit malayo pa ang 2010, sinimulan nang buksan ng uring mapagsamantala ang telon ng tanghalan ng panlilinlang upang bolahin o utuin ang sambayanang patuloy na nangangarap ng isang tunay na

makabayan, makatao, maunlad at demokratikong lipunan. Pero, sa kabilang banda, kung dati ring magkakauring mga artista ng bulok na status quo na nagsipagpalit lamang ng damit upang magmukhang tunay na tao ang magtatanghal, ano pa nga bang bago ang mapapanood ng sambayanan? At, kung tutuusin, ngayon pa lamang, alam na alam na nila ang wakas. Sabi nga ng mga palaaral sa pulitika ng bansa, nakasalalay sa kamay ng busabos na masang sambayanan, hindi sa palad ng mala-payasot sirkerong mga pulitiko, ang pambansang katubusan. Maunlad at Matatag na Rep ub lika? January 16, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) BALINTUNA pa ring ipinangangalandakan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na sumusulong o umuunlad ang ekonomiya ng Matatag na Republika dahil marahil, unang-una, sa paglakas ng piso kontra sa dolyar ng Amerika. Kung tutuusin, hindi naman resulta ito ng tunay na pambansang kaunlaran kundi ng halos $15-B ipinadadala dito taun-taon ng nagsasakripisyong migranteng mga manggagawa at patuloy na pangungutang ng gobyerno upang matugunan ang lagi nang depisito sa pambansang badyet. Batay sa kongkretong mga datos, maliwanag na nagpopropagandat nag-iilusyon lamang ang naghaharing rehimen upang mapahupa ang tumitinding disgustot protesta ng sambayanan sa kanyang dispalinghadong liderato nang, sa gayon, patuloy pa rin siyang makapamayagpag, gayundin ang kanyang mga basalyos, sa nakasusugapang kapangyarihan, impluwensiyat pribilehiyo. Unang-una, kung talagang bumabangon at sumusulong ang pambansang ekonomiya, bakit batay sa mga estadistika 80% ng mga Pilipino ang nagtitiis mabuhay sa wala pang $2 isang araw? Habang nagdaralita ang milyun-milyong ordinaryong mamamayan, 20% lamang ng populasyon ang nagpapasasat nagpapakabundat sa 50% ng pambansang kita at, katunayan, lumalaki nga ng 20% taun-taon ang tubo ng pangunahing 1,000 korporasyon sa bansa. Kung totoong umuunlad ang ekonomiya at bumubuti ang pambansang kalagayan, bakit tuluy-tuloy ang pandarayuhan sa ibang bansa ng manggagawang Pilipino kahit pinagmamalupitan at inaabuso sila doon? Sapagkat inilulubog ng bawat rehimen hanggang ngayon sa utang ang bansa (US$64-B na ang pambansang utang) upang matugunan ang lagit lagi nang depisito sa pambansang badyet na kulang na nga pero dinarambong pa ang 30% niyon taun-taon ng mga mandurugas sa burukrasya, halimbaway sa pamamagitan ng ilegal o sobra-sobra ang presyong mga transaksiyon at kontrata, bukod pa sa maalingasaw na pork barrel na pinagmumulan ng kickback ng kinauukulang mararangal na mga miyembro ng Kongreso, lumilitaw pa nga ngayon na malulumpo ang lubhang kinakailangang serbisyo publiko. Sa panukalang pambansang badyet na P1.227-T para sa 2008 na malamang na pagtibayin na ng Malakanyang, P624.1-B ang itinakdang pambayad-utang (P295.8-B sa interes lamang at P328.3-B sa prinsipal). Ano pa ang matitira para maayos na mapatakbo ang gobyerno at matugunan ang pangunahing mga pangangailangan ng sambayanan? Higit pa ngang masama, parang mga piranhang hindi pa nasiyahan sa inilaang P12.2-B na regular na

pork barrel ang mga mambabatas at isinalaksak pa sa badyet ng DPWH (Dept. of Public Works & Highways) batay sa paratang ni Sen. Franklin Drilon ang karagdagan pang pork barrel din na P13.5-B. (Maaari tuloy ihambing ito sa pinakamalaking pork barrel sa kasaysayan ng Kongreso ng Amerika $24-B na isinaksak ng mga Republican sa $286.4-B badyet ng DPWH noong 2005 at mahigpit na tinuligsa ng Citizens Against Government Waste). Sa halip na pagsikapan ng pambansang liderato na bumalangkas ng makabayang mga patakarang pangkabuhayan at humulagpos sa dikta ng mapandambong na dayuhang mga interes na pangunahing bumabansot at lumulumpo sa pambansang ekonomiyat nagpapalaganap tuloy ng karalitaan, at sa halip na matapat nitong pagsikapan ding pairalin sa bansa ang tunay na hustisya sosyal, ano nga ba ang nakasusukang inaatupag pa ni La Gloria at ng kanyang mga basalyos? Cha-cha o pagbabago sa umiiral na Konstitusyon na iaangkop sa dayuhang mga interes (pagmamay-ari ng mga lupain dito, 100% sosyot kontrol sa mga korporasyon, pagmamay-ari maging ng pambayang mga utilidades tulad ng tubig, elektrisidad, transportasyon at telekomunikasyon, ospital at mga paaralan, at maging mass media) at, higit sa lahat, pagpapalawig sa termino ng panunungkulan ni La Gloria matapos man ang 2010? Higit pang masama, hindi pa nga nalulutas ang mga pagpatay na pampulitika at mga pagsalaula sa mga karapatang pantao, isinusulong pa ng rehimeng ito at gustong paghariin sa bansa ang mapanikil na mga hakbang na lalong sasalaula sa sagradong mga karapatang sibil ng sambayanan. Nariyan, halimbawa, ang mungkahing buhayin ang kalansay nang R.A.1700 o Batas Kontra-Subersiyon, gayundin ang pagkakaroon ng Pambansang ID, upang tuluyang masugpo diumano sa punto ng mga henyo ng rehimen ang halos apat na dekada nang rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA, gayundin ng MILF, bukod pa sa putaputaking rebelyon ng ibat ibang puwersang naghahangad ng pambansang pagbabago tungo sa isang tunay na makabayan, makatao, maunlad at demokratikong lipunan. Sapagkat pinatunayan na ng kasaysayan lalo na noong paghahari sa bansa ng diktadurang Marcos ang pagiging abusado sa kapangyarihan ng mga awtoridad, ano pa nga ba ang aasahan ng sambayanan sa gayong mga plataporma ng rehimen? Batay sa mga nabanggit, ito ba kung gayon ang ipinangangalandakang maunlad at Matatag na Republika? Kuta n g Ip o kr isya January 9, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez KUNG kinilala sa Estados Unidos ng Amerika ang isang Ted Turner bilang may pinakamalawak na lupain (mga 800,000 ektarya o 1.7 milyong acre sa limang ibat ibang estado doon), maituturing naman ang Simbahang Katoliko na isa sa nagmamay-ari ng libu-libo ding ektaryang lupain dito sa Pilipinas. Sa panahon pa ng paghahari ng kolonyalismong Kastila sa bansa nagawa ng mga prayle na makapangamkam ng malalawak na lupain dito, lalo na nang ipatupad ang Batas Maura na nagtadhanang kailangang iparehistro ang lahat ng lupain upang mabigyan ng titulo torrens o katunayan ng pagmamay-ari na, nang malaon, naging isa sa mga dahilang nagbunsod ng maraming rebelyon na humantong sa Rebolusyong 1896.

Dahil nasusulat sa wikang Kastila ang naturang batas at hindi naunawaan ng maraming Indio, nagawa ng mga prayle na iparehistro sa pangalan ng kanilang korporasyon ang mga lupaing hindi nairehistro. Nakapagpalawak pa ang Simbahan ng mga asyenda sa pamamagitan ng donasyong lupa ng mayayamang Indio na lubos na naniwala sa aral ng Simbahan na madali pa sa isang kamelyo na pumasok sa butas ng karayom kaysa isang mayaman sa pinto ng langit. Bukod sa Simbahan, batay sa datos ng Kawanihan ng Estadistikang Pang-agrikultura, 21% ng lupaing agrikultural sa bansa ang pagmamay-ari lamang ng 9,500 tao habang, sa kabilang banda, ayon na rin kay Danilo Ramos, sekretaryo heneral ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2 milyong magsasaka ang nagtitiis na bungkalin at pagkunan ng pantawid-gutom ang tig-kalahating ektarya lamang bawat pamilya. Sa Cebu, katunayan, 155 tao lamang ang may-ari ng lahat ng niyugan at maisan; sa Timog Katagalugan, 835 tao ang may-ari ng 70% ng lupaing agrikultural 16 na pamilya lamang, halimbawa, ang may-ari ng 26,000 ektaryang tubuhan sa Batangas; sa Negros Oriental, 10 pamilya lamang ang may hawak ng halos lahat ng lupain doon at, sa Mindanaw, kontrolado naman ng dayuhang mga korporasyon ang mahigit na 207,000 ektaryang taniman ng pinyat palmera. Batay sa mga nabanggit, hindi na nga katakataka kung bakit milyun-milyong magsasaka at iba pang ordinaryong mamamayan ang wala ni isang dangkal na lupa at tanging libag lamang ng kanilang mga katawan ang maituturing nilang kanila ngunit kapag nahugasan sa poso, mulit muling bumabalik naman sa lupa ng iilang propiyetaryot asendero. Sapagkat inutil pa ngat palsipikado ang batas sa reporma sa lupa at nagagawang salaulain ng tusong mga asendero at ginagawang korporasyon ang kanilang mga asyenda upang malusutan ang naturang batas, kaninong santot santa pa nga ba dudulog ang nagdaralitang mga magsasaka? Kay La Gloria, na lumilitaw pang kaalyado ng malalaking asendero o sa Simbahan na waring paimbabaw o pagkukunwari naman ang ipinangangaral na kawanggawa at pagkalinga sa mga maralitat hindi pinagpala ng mahabagin nilang Diyos sa kaitaasan? Bakit nga ba doble-kara ang Simbahan hindi nga lamang sa isyu ng reporma sa lupa? Maaalaala, pinagmalasakitan at tinulungan ng mga opisyal ng Simbahan ang 55 magsasakang Higaonon na naglakad mulang Sumilao, Bukidnon hanggang Malakanyang upang hinging ibalik sa kanila ng San Miguel Corp. ang 144 na ektaryang lupaing naipagkaloob na sa kanila noon ng DAR o Kagawaran ng Repormang Pansakahan. Pero, sa kabilang banda sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema noong Disyembre 21, 2007 pabor sa mga magsasaka ayaw namang ipasakop ng Simbahan sa reporma sa lupa ang 268.5 ektarya nitong lupaing agrikultural sa Nueva Caceres, Camarines Sur na, kung tutuusin, baka kahinahinala pa ang sistema kung bakit naging ari-arian nito? Sabagay, ano pa nga ba ang dapat asahan ng sambayanan mula sa Simbahan? Sa panahon pa man ng mga prayleng Kastila sa bansa, kilala na ang Simbahan bilang matibay na kuta ng ipokrisyat huwad na kabanalan. Husti s ya So s ya l Lab an s a Reb elyo n December 19, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal)

MATAPOS ipahayag ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo noong nagdaang Huwebes sa Lungsod ng Masbate na kinakatigan niya ang binabalak na panukalang-batas ni Rep. Jose Solis ng Sorsogon na buhayin ang kalansay nang RA 1700 o Batas Kontra-Subersiyon, pinutakti na siya ng maalab na mga pagtuligsa mula sa ibat ibang sektor ng lipunang mapagmahal sa kalayaan at mga karapatang sibil. Maaalaala, pinagtibay ang RA 1700 noong 1957 sa kasagsagan ng rebelyon ng mga Huk. Itinadhanang ilegal ang PKP (Partido Komunista ng Pilipinas), at isang krimen na ang maging kasapi nito, gayundin ang anumang pakikipag-ugnayan sa naturang partido. Walang habas na inabuso ito ng rehimeng diktatoryal ni Marcos, marahas at malupit na ginamit laban sa mga kalaban sa pulitika at pinaghihinalaan pa lamang na mga Komunista, kaya marami ang basta na lamang ikinulong ng pasistang rehimen, pinahirapan, pinatay, at nawawala hanggang ngayon. Nang malaon, idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang nasabing batas dahil sinisikil nito ang kalayaan sa pamamahayag at iba pang mga karapatang sibil. Sa ilalim ng rehimeng Ramos, pinawalang-saysay ng RA 7636 ang RA 1700 noong 1992. Kinilala nang legal ang PKP, gayundin ang pagiging miyembro sa gayong organisasyon, liban sa armadong mga nakikibaka laban sa gobyerno. Gaya ng iba pang partidong pampulitika, hinikayat pang makilahok sa larangang parlamentaryo ang nasabing partido, inakit na kumandidato ang mga miyembro o kinatawan nito sa bawat eleksiyon upang maisulong sa mapayapang paraan ang kalayaan sa paniniwala at pinapangarap na pambansang mga pagbabago lalo na para sa kapakanan ng masang sambayanan. Sapagkat parang nabanlian ng kumukulong tubig ang kamay ni La Gloria nang sabuyan agad ng mga protesta ang pagkatig niya sa ideya ni Rep. Solis na paghariin na naman sa bansa ang mapanikil na RA 1700, agad ngang ipinangalandakan ni Sekretaryo Ignacio Bunye, tambolero ng Malakanyang sa pamamagitan ng dispalinghadong retorika na hindi personal na ninanais ni Presidente Arroyo na muling buhayin ang naturang batas. Ayon kay Bunye, sinabi ni La Gloria na kung magpapasok si Solis ng gayong panukalang-batas para labanan ang rebelyon lalo na ang halos apat na dekada nang rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA okey iyon sa akin kung okey sa Kongreso. Sa anumang punto tingnan, may malabnaw na utak na lamang marahil ang maniniwalang hindi gusto ni La Gloria at ng kanyang mga basalyos at kauri tulad unang-una ni Hen. Hermogenes Esperon, hepe ng estado mayor ng Hukbong Sandatahan na muling paghariin sa bansa ang malupit at malagim na panahon ng diktadurang Marcos na walang patumanggang sumalaula sa sagradong kalayaan at mga karapatang sibil ng sambayanan sa layunin diumanong durugin ang anumang rebelyon nang sa gayon, sa kabilang banda, makapangunyapit naman sa nakababaliw na kapangyarihan ang mga kinauukulan. Sabagay, kung tutuusin, nariyan na nga ang patuloy na mga pagpatay na pampulitika, ang paninikil at pagsalaula sa lehitimong mga karapatang sibil ng mga mamamayan sa ibat ibang pagkakataon kahit sagradong ginagarantiyahan iyon ng umiiral na Konstitusyon. Kung tunay ngang ninanais ng pambansang liderato ang pambansang kapayapaan at kaunlaran, makabubuti marahil na magbalik-tanaw sila at suriin ang mga aral ng kasaysayan. Hindi nasugpo ng alinmang batas, gaano man kahigpit at kalupit, ang mga rebelyon sa maraming bansa at, malinaw na halimbawa, sa mismong Pilipinas, pinatunayan na

ito ng pag-iral ng RA 1700 mulang 1957 hanggang sa ilalim ng diktadurang Marcos na nagpaalab pa, kung susuriin, sa rebolusyonaryong mga pakikibaka. Sabi nga, magpapatuloy ang mga rebelyon hanggang laganap ang karalitaan at inhustisya sa ilalim ng anumang rehimen, hanggang abusado sa kapangyarihan at naglulublob sa pribilehiyo at kontrolado ng mga naghari-harian sa lipunan ang pambansang pulitikat ekonomiya sa kapinsalaan ng masang sambayanan. Magpapatuoloy ito hanggang itinatanikala sa lupa ng mga propiyetaryot asendero ang mga magsasaka, at binubusabos nang husto ng mga kapitalista ang kanilang mga manggagawa sa ibat ibang pabrikat empresa. Hindi masusugpo ng RA 1700 o anumang batas ang mga rebelyon hanggang inutil ang Estado na maipagkaloob sa mga mamamayan ang pangunahing mga pangangailangan (pagkain, lupa at mga pabahay, mga ospital at mga paaralan, trabaho at makatarungang suweldo). Magpapatuloy ang mga rebelyon hanggang patuloy lamang ginagatasan ng Estado ang sambayanan sa pamamagitan ng pagpapataw ng sobra-sobrang mga buwis para mapalamon at mabundat lamang ang mayayaman at may madambong ang tiwaling mga opisyal ng gobyerno habang, sa kabilang banda, usad-pagong ang katarungan at, kung kumilos man, kalimitang pumapabor pa sa uring mapagsamantalat makapangyarihan at, higit sa lahat, naglilingkod pa sa dayuhang interes ang pambansang liderato at, sa ngalan ng makasariling kapakanan, ibinibenta pa ang pambansang kasarinlan at kinabukasan. Sa maikling salita, hindi mapanikil na batas, kundi hustisya sosyal o katarungang panlipunan ang mabisang sandata laban sa rebelyon kung nais din lamang ng mga kinauukulan ang isang mapayapa, makatao, demokratiko at maunlad na bansa. Sino An g Uut uin P a? December 12, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez KAHIT personal na napakiusapan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo si Sheik Sabah Al Ahmed Al Sabah Emir ng Kuwait na huwag ituloy ang nakatakdang pagbitay kay Marilou Ranario hindi naman dapat mamayagpag si La Gloria at ang kanyang mga basalyos kung ibinaba man ng Emir sa habang-buhay na pagkabilanggo ang hatol kay Marilou. Nailigtas man siya sa kamatayan, pagdurusa pa rin at mapait na mga alaala ang patuloy niyang magiging kayakap araw-araw sa bilangguang libingan na rin ng marami niyang pangarap para sa iniwan niyang mga mahal sa buhay sa sariling bayan. Isang guro si Marilou, 33 taong gulang pa lamang, tiniis iwan ang dalawang anak kaakibat ang lungkot at pangungulila para makipagsapalaran sa Kuwait sapagkat, sa bansang nilisan, hindi niya mabanaagan ni anino ng pag-asa. Dahil minaltrato siya ng amo niyang babaing si Najat Mahmoud Faraj sinaktan, ginutom, parang hayop na ayaw pagpahingahin, halos di pinasusuweldo, at labis pang ininsulto ang mga Pilipino napilitan siyang ipagtanggol ang dignidad kaya niya napatay ang abusadong amo.Matapos ang paglilitis sa hukuman, ibinaba ang hatol na bitay sa kanya noong Enero 11, 2005. Maaalaala, noong 1995, sa ilalim ng rehimeng Ramos, walang nagawa ang gobyerno kaya tuluyang nabitay sa Singapore ang isang Flor Contemplacion sa sala ring pagpatay. Noong 2004, sa rehimen ni La Gloria, nailigtas

naman na maputulan ng ulo ang tsuper ng trak na si Angelo de la Cruz nang kidnapin ito sa Iraq. Tatlo lamang sina Marilou, Flor at Angelo sa mahabang listahan ng mga manggagawang Pilipinong itinaboy na parang layak sa kung saan-saang panig ng mundo na naging biktima ng pang-aabuso/t kalupitan ng kani-kanilang amo. Hindi na nga mabilang ang iniuwing mga bangkay na lamang, nagpakamatay man o sadyang pinatay; ang ibay wala sa sarilit nabaliw, lalo na ang mga kababaihang ginahasa; at may ibang buhay nga pero baldado naman. Kung tutuusin, hindi na mahalaga ngayon kung nailigtas man sila ng gobyerno sa kamatayan, o naibalik ng Pilipinas, o nabigyan ng kahit bahagyang katarungan. Sa nagdaang iresponsableng mga pambansang lideratot mapagsamantalang rehimen, at hanggang sa kasalukuyan, maliwanag na nandayuhan sa ibat ibang bansa ang milyun-milyong manggagawang Pilipino dahil sa kawalan ng oportunidad at pag-asa sa sariling bayan upang makapamuhay sila, gayundin ang mga mahal nila sa buhay bilang mga tunay na tao sa pinapangarap nilang mapayapa, maunlad at demokratikong lipunan. Kung pinalad mang magkatrabaho dito ang iba, lalo na ang ordinaryong mga mamamayan, binubusabos naman sila nang husto ng gahamang mga kapitalistat asendero, kaya napakamiserable ang suweldong hindi pa yata sapat na pambili ng kahit palotsinang kabaong. Higit sa lahat, biktima pa sila ng balintunang mga patakarang pang-ekonomiya ng gobyernong higit na naglilingkod sa dayuhang mga interes kaysa kapakanan ng masang sambayanan at pambansang kinabukasan. Sapagkat umiiral nga ngayon ang mapang-aliping kontraktuwalisasyon, isinusulong pa ng gobyerno ang pribatisasyon at, sa ngalan ng mapandambong na globalisasyong idinidikta ng imperyalistang mga bansa tulad, unang-una, ng Estados Unidos lalo lamang ibinubulid ng rehimen sa karalitaan ang milyun-milyong mamamayan habang, sa kabilang banda, naglulublob sa grasyat kuwarta ng bayan sa pamamagitan ng talamak na korupsiyon sa burukrasya ang ganid na pambansang lideratong manhid na sa daing at mumunting mga pangarap ng uring dayukdok at busabos. (Batay nga sa sarbey ng Transparency International, numero 10 na ang Pilipinas sa mga bansang talamak ang katiwalian). Masisisi ba, kung gayon, na magpatuloy ang exodus ng manggagawang mga Pilipino sukdulan man silang pagmalupitan, lunurin ng luha, at paulit-ulit mang maging biktima ng trahedya sa pangingibang-bansa mapagkalooban lamang ng desentet matatag na kinabukasan ang iniwang pamilya? Sapagkat malinaw na patunay ang patuloy na pandarayuhan sa ibang mga bansa ng mga manggagawang Pilipino na bansot at bagsak ang pambansang ekonomiya, lubha tuloy nakatatawa ang ipinagyayabang ni La Gloria na mabilis itong umuunlad.Ipinangalandakan pa niya ito kay Reyna Elizabeth II ng Bretanya, gayundin sa mga nakasalamuha niya sa Espanya at Pransiya, sa walong araw na pagliliwaliw niya at ng kanyang esposo sa Europa, kabuntot ang ilang miyembro ng gabinete at sangkaterbang mga basalyos sa Kongreso. Hindi pa rin malinaw, tulad ng maraming anomalyang nakaapekto sa ekonomiya, at sa marawal na kalagayan ng milyun-milyong maralita,kung pribadong pondo o salapi ng nagdaralitang bayan ang niwaldas sa gayong walang kapararakang paglalakbay habang kumaindili ang milyun-milyong manggagawang labis na naghahangad na makapangibang-bansa dahil sa kainutilan ng gobyernong malutas ang malaganap na disempleyo. Higit na masakit, at nakasusuklam pa nga sa kabila ng mapapait na karanasan at trahedyang sinapit ng mga Marilou, Flor at iba pang tulad nila inuuto pa ng rehimen ang migranteng mga manggagawa, tinatawag na mga bagong bayani dahil lamang nasusuhayan ng bilyun-bilyong dolyar na ipinadadala ng mga ito sa bansa taun-taon

($12.8-B noong 2006) ang napakabuway at atrasadong pambansang ekonomiyang patuloy na binabansot ng kainutilan, kawalang-malasakit, at mapandambong na interes ng pambansang lideratot uring mapagsamantala. Higit pang masama, inuuto rin nang husto ng rehimen ang sambayanan sa pamamagitan ng kahangalang propaganda sa isang estasyon ng telebisyon: Ramdam nila ang pag-asenso! Sino ang uutuin pa? Martsa ng Ka mata yan o P ag-asa? November 28, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) MALUPIT, walang konsensiya, at manhid ang umiiral na balintunang lipunan sa buhay at kinabukasan ng karaniwang magsasakang patuloy na umaasa sa katuparan ng tunay na reporma sa lupa. Batay sa kasaysayan, nagsimula ang lahat sa panahon pa ng kolonyalismong Kastila nang kamkamin ng mga prayle ang malalawak na lupain sa bansa kaya nagkaroon ng mga asyendang umalipin at nagtanikala sa lupa sa uring magsasaka na nagbunsod noon ng maraming rebelyon na humantong, nang malaon, sa Rebolusyong 1896. Hindi mapapasubalian, problemang agraryo rin ang isa sa pangunahing mga dahilang nagpalakas sa rebelyon ng mga Huk sa Gitnang Luson noong dekada 50 at, sa kasalukuyan, ito rin ang mitsa ng mga paghihimagsik sa ibat ibang dako ng kapuluan ng mga mamamayang wala ni isang dangkal na lupang maaaring bungkalin at mapagkunan ng pantawid-gutom. Matatandaan, nang pinatatalsik sa poder ang diktadurang Marcos, tumataginting na ipinangako ni dating Presidente Corazon C. Aquino na lubusan niyang ipatutupad ang reporma sa lupa pero, nang maluklok na siya sa Malakanyang, inilibing niya sa limot ang pangakong iyon, gayundin ang kinabukasan ng uring magsasaka. Hanggang ngayon, umaalingawngaw sa 6,000 ektaryang Hacienda Luisita ang daing at panaghoy sa pamilya Aquino ng kanilang mga magsasaka. Ilang buwan pa nga lamang noon sa kapangyarihan si Tita Cory, mga punglo ng armalite hindi bigas ang ipinalamon ng kanyang rehimen sa nagdemonstrasyong mga magsasakang mula sa Timog Katagalugan. Dinilig nga ng dugo ng mga iyon ang mainit na aspalto ng Mendiola sa halip na naiukol ang kanilang pawis sa bukiring hinihingi nilang maging kanila. At ilang buhay na ba ang ibinuwis ng mga magsasaka sa asyenda nina Tita Cory marinig lamang maging ng hangin ang namamaos na nilang mga karaingan? Sabi nga, ilang supot lamang ang hinihingi nila sa tone-toneladang asukal na mula sa tubuhang dinilig ng pawis nilat dugo. Higit na masama, nasalamangka pa ng mga asendero ang CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program), sinalaula ang batas, at ginawang korporasyon ang kanilang mga asyenda upang hindi masakop ng reporma sa lupa. Ginawa ito sa Hacienda Luisita sa Tarlak, naunang ginawa sa libu-libong ektaryang lupain ni Danding Cojuangco sa Negros, at ganito rin yatang tusong taktika ang ginawa sa Hacienda Velez-Malaga at sa iba pang mga asyendang patuloy na nagiging libingan ng mumunting pangarap, at mismong buhay, ng mga magsasaka.

Sapagkat mga kapitalistat asendero ang karamihan sa pambansang liderato, at sila ang naghahari-harian sa pambansang pulitikat ekonomiya, waring imposible na ngang marinig nila ang karaingan ng uring busabos at dayukdok tungo sa ikapagkakaroon ng tunay na hustisya sosyal at lipunang maunlad at makatao. Nilumot na nga sa pintuan ng Malakanyang, noon pa mang nagdaang mga rehimen, hanggang sa kasalukuyan, ang hinaing ng mga magsasakat iba pang kauri nilang binubusabos ng mga diyus-diyosan sa lipunan. Sa ilalim ng kasalukuyang rehimen, kinakailangan pang maglakad, tiisin ang pagod at gutom, noon pang Oktubre 10, mulang Sumilao, Bukidnon, papuntang Malakanyang (1,700 kilometro ang layo) ng 55 magsasaka ng tribong Higaonon 15 ang babae para hilingin kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na maibalik sa kanila ang 144 na ektaryang lupaing katutubo na ipinagkaloob na ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan o DAR sa 137 nilang miyembro noon pang 1997. Pero, matapos pagtibayin ng pamahalaan ang kahilingan ng pamilya ni Norberto Quisumbing, Sr. na gawing agro-industriyal ang nasabing lupain, agad na binawi iyon ng gobyerno sa mga magsasaka at ibinalik sa naturang pamilya. Sa Disyembre 10 pa Pandaigdig na Araw ng Karapatang Pantao nakatakda silang dumating sa Malakanyang. Kung di makikipagkita sa amin si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, sabi ni Samuel Merida, presidente ng Mapalad Cooperative, hindi kami titigil ng pagmamartsa sa paligid ng Malakanyang. Magpapatuloy kami hanggang makamit namin ang katarungan sa aming pakikibaka. Walang makapipigil sa aming pagmamartsa. Sinimulan namin ang pagmamartsang ito bilang pakikiisa sa iba pang mga magsasakang nangangarap na magkaroon ng sariling lupang masasaka. Malinaw na madamdaming nailarawan ng martsang ito ng mga magsasakang Higaonon ang marawal na kalagayan ng milyun-milyong magsasaka sa buong bansa na malaon nang binabansot ng pambansang lideratot uring asendero ang mumunti nilang mga pangarap. Sapagkat kontra-maralita ang programat patakaran ng naghaharing rehimen bagaman laging ipinangangalandakan nito ang diumanoy kapakanan ng mahihirap na mamamayan ano, kung gayon, ang naghihintay sa nagmamartsa pang 55 magsasakang Higaonon pagdating nila sa Mendiola pa lamang sa Disyembre 10? Sanay masaganang bigas (hindi mga punglo ng armalite), at sariling lupang masasaka (hindi aspaltadong libingan) tulad noong nangyari sa panahon ni Tita Cory ang naghihintay sa kanila sa pinto ng Malakanyang. Martsa ba ito ng kamatayan o pag-asa? Sino n g Nan gga gago sa B aya n? November 21, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Editoryal) NAKASUSUKA ang mga palabas at buladas ng mga diyus-diyosang naghahari-harian sa pambansang pulitikat ekonomiya at lipunan. Matatandaan, kamakailan lamang, buong giting na nanawagan kay Presidente Gloria

Macapagal-Arroyo si Espiker Jose de Venecia ng Kamara na simulan ang pambansang rebolusyong moral upang masugpo, kung hindi man tuluyang mapawi, ang nagbalandrang katiwalian sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan. Maaalaala rin, nang kapanayamin noong nagdaang linggo ni Ricky Carandang sa programa niya sa telebisyon (ANC) si JDV, nanggagalaiti pa nitong ipinaratang na ginagago lamang ang bayan ng mga nagharap ng kasong impeachment laban kay La Gloria. Paulit-ulit din niyang binigyang-diin ang kahalagahan ng delikadesa na para bang ito ang tuntungan at sandigan ng mga hakbang niyang pampulitikat mga programa para sa kapakanan ng bansa. Si JDV nga ba ang nagsabi nito? Sapagkat ibinunyag ng kanyang anak na si Joey de V. ng Amsterdam Holdings, Inc. ang katiwalian sa likod ng

kontratang ZTE-NBN, at sangkot diumano sa anomalya si La Gloria at ang esposo nitong si Mike Arroyo, gayundin sina dating Tagapangulong Benjamin Abalos ng Comelec at Sekretaryo Leandro Mendoza ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon, at iba pang gulugod-dikyang alipores ng rehimen, kaya niya ipinaubaya sa katulong na espiker sa ngalan ng delikadesa ang kasong iniharap ng isang Atty. Roel Pulido laban sa Presidente ng Matatag na Republika upang maisampa iyon sa Komite sa Hustisya ng Kamara na binubuo naman, sa isang banda, ng masusugid na basalyos ng Malakanyang. Natural, gaya ng dalawang naunang kasong impeachment noon laban kay La Gloria, ipinalamon agad sa basurahan ang dokumento ni Pulido dahil diumano sa kakulangan ng sustansiya o nilalaman. O sinadyang pahinain ang nilalaman niyon at inunahan lamang ang makupad na oposisyon sa pagsusumite niyon upang hindi na makapagharap ng malakas at makatotohanang impeachment ang sinuman sa loob ng kasalukuyang taon? Sabi

nga, napakalakas man ng mga datos o ebidensiya, imposibleng maisampa sa Senado ang anumang impeachment laban kay La Gloria hanggang nananaig ang oportunismo sa Kamara hindi ang prinsipyot paninindigan para sa pambansang kapakanan at garapal pa ngang tagahimod ng pundilyo ng Palasyo ang nagmamarangal na mga miyembro nito. Anuman ang buladas o ipinangangalandakan ni JDV, hindi na ito dapat paniwalaan, ayon naman kay Sen. Juan Ponce Enrile. Sabi niya, ipokrito, bolero at mapagpanggap ito at walang karapatang manawagan ng pambansang rebolusyong moral sapagkat siya mismo ay kasangkot sa ibat ibang maanomalyang transaksiyon tulad ng North Luzon Railways Corp. at National Broadband Network. Idinagdag pa ni Enrile na marami akong alam sa kanya mula pa noong 1995. Di ko alam kung saan siya pupulutin kapag napilitan akong ibunyag ang mga iyon. Kilala ko ang tunay niyang pagkatao. Si Enrile nga ba ang nagsabi nito? Sino nga ba, kung gayon, ang nanggagago sa bayan? Sumaliw din sa awit ni JDV si La Gloria, nakitono, at bumunghalit ng panawagang tigilan na ang pamumulitika ng walang pusot kaluluwang mga pulitiko at grupong handang gumamit ng dahas matupad lamang ang layunin o

ambisyon. Sa pulong ng grupo ng gabinete para sa pambansang seguridad, madamdaming nanawagan siya sa buong bansa, sa mga lider nito, na labanan ang pamumulitikang nagbubunga ng karahasan, katiwalian, at pagpapabaya sa mga maralita. Magsikap tayong bawasan ang tunggalian, dagdag pa niya, labanan ang katiwalian, wakasan ang karahasan, at unahin higit sa lahat ang kapakanan ng ordinaryong mga mamamayan. Maralita diumano ang mga mamamayan dahil may mga Pilipinong inuuna ang pamumulitika at kapakanang-pansarili at ambisyon kaysa kapakanan ng bansa at, sabi pa niya, pagod na ang mga mamamayan sa negatibong pampulitikang mga retorika. Si La Gloria nga ba ang nagsabi nito? Sino nga ba, kung gayon, ang nanggagago sa bayan? Kung nilinaw lamang nang husto ni La Gloria sa bayan ang kontrobersiyal na mga isyung kinasangkutan ng kanyang rehimen (tulad ng Hello Garci, jueteng payola, Piatco, Macapagal Blvd., NorthRail, Venable LLP, ZTENBN, edukasyong cyber, mga pagpatay na pampulitika, mga pambobomba nitong huli, atbp.), at hindi pinipilit itago ng rehimen hanggang ngayon ang sagradong mga katotohanan sa pamamagitan ng mapanikil na mga hakbang makapanatili lamang sa kapangyarihan (Proklamasyon 1017 noon, E.O. 464, CPR, Human Security Act at iba pang disimuladong mga hakbang), at kung hindi minamaniobra ng rehimeng maibasura ang anumang kasong impeachment laban sa kanya at, sa halip, siya pa mismo ang dapat magsulong na ituloy ito tulad nang ginawa noon ni dating Presidente Elpidio Qurino upang malinawan ng sambayanan ang katotohanan at malinis ang kanyang pangalan, baka nga sakaling paniwalaan ang kanyang mga panawagan at matigil ang garapal, makasarilit mapandambong na pamumulitika. Hindi sana marawal, at kahabag-habag, tulad ngayon, ang pambansang kalagayan at kinabukasan. Sino nga ba, kung gayon, ang nanggagago sa bayan? Sa anot anuman, sabi nga, hindi habang panahong pagagago ang sambayanan. Katunayan, sa pinakahuling sarbey ng Pulse Asia, 54% ng mga mamamayan sa Kamaynilaan ang hindi na nagtitiwala kay La Gloria, 41% naman sa Kabisayaan, 44% sa ibang bahagi ng Luzon, at 44% sa Mindanaw. Isinusulat na sa pader ng kasaysayan ang hatol ng bayan. P angarap ng Mil yo n g Mar iannet November 14, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) SA isang balintunang lipunang pinaghaharian ng inhustisyat pagsasamantala ng iilang kumukontrol sa pambansang pulitikat ekonomiya, hindi na katakatakang magpakamatay ang isang Mariannet Amper dahil sa gutom at karalitaan at kawalang-pag-asa. Labingdalawang taon (12) pa lamang si Mariannet ng Ma-a, Davao, at masidhing nangarap

noong nabubuhay pa na magkaroon ng bagong bag, sapatos, bisikleta at maayos at palagiang trabaho para sa kanyang amat ina. Masarap ngang mangarap kung malaki ang posibilidad na matupad pero, sa katayuan ni Mariannet na malimit lumiban sa pagpasok sa paaralang elementarya ng Ma-a dahil walang baon o pamasahe, isang trahedya lamang ang mangarap at umasa kaya nagpakamatay siya habang lumuluha ng hamog ang mahalumigmig na umaga noong nagdaang Nobiyembre 2. Biktima si Mariannet ng isang lipunan at gobyernong walang konsensiya. Habang walang habas na nilulustay lamang at dinadambong ng mga diyus-diyosan ang pondo ng bayan sa ibat ibang ahensiya ng burukrasya, mulang Malakanyang at Kongreso hanggang sa pamahalaang lokal, na lubhang pakikinabangan sana ng mga mamamayan kung iniukol sa maayos na serbisyo publiko (lupat pabahay, gamot at ospital, edukasyon at trabaho, at iba pang pangunahing pangangailangan ng sambayanan), namamaluktot naman sa karalitaan at hungkag ang tiyan ng milyunmilyong dayukdok sa mga kanayunan at kalunsuran. Batay nga sa pananaliksik ng IFPRI (International Food Policy Research Institute), labing-isang (11) milyong Pilipino ngayon ang nabubuhay sa halagang wala pang $1 isang araw na, batay naman sa opinyon ng United Nations, ay labis nang karalitaan. Kasama ang pamilya ni Mariannet Amper sa mga ito at, sa kabilang banda, milyun-milyon pa ang nabubuhay nga, pero para na ring mga patay, dahil ipinagkakait sa kanila ng lipunan ang karapatang mabuhay nang may dignidad bilang tunay na mga tao. Totoo nga yata tuloy ang kasabihang walang iniisip ang iilang mayayaman at makapangyarihan sa lipunan kundi kung paano madaragdagan at mapananatili sa anumang paraan ang kanilang kayamanan at kapangyarihan. Sa gayong gahamang layunin, hindi ikinababahala ng kanilang budhi kung patuloy man nilang busabusin sa miserableng suweldo sa kanilang mga pabrikat korporasyon ang kanilang mga manggagawa, o ilibing sa malalawak nilang asyenda ang mumunting pangarap ng kanilang mga magsasaka, o kulimbatin nilat dambungin ang buwis na kinatas sa pawis at dugo ng sambayanan. Sa likod ng napakalalaking kayamanan, ayon nga sa nobelistang Pranses na si Honore de Balzac (1799-1850), naroroon din naman ang napakalalaking krimen, at inhustisya. Tulad din ng pagsasamantala o panghuhuthot ng makapangyarihang mga bansa sa ekonomiya ng mahihinang mga bansa kaya nananatiling atrasadot maralita ang mga ito (halimbaway ng Estados Unidos sa Pilipinas), gayundin naman ang ginagawa sa masang sambayanan ng iilang diyus-diyosan sa lipunan kaya lumalaganap at tumitindi ang gutom at karalitaan saanmang dako ng kapuluan. Sa ilalim ng ganitong mapagsamantalat mapambusabos na sistema, hindi na nakagugulat kung dumami pa ang mga Mariannet Amper na malinaw na biktima ng kawalang-pagasa, ng gutom at karalitaan, dahil lamang sa kawalang konsensiya ng uring mapagsamantalat naghahari-harian. Kinailangan pa ngang kitlin ni Mariannet ang kanyang musmos pang buhay bago dumagsa ang tulong taos man sa kalooban o pakunwari lamang sa kanyang naiwang miserableng pamilya. Nagkaloob ng P5,000 ang DSWD (Dept. of Social Welfare & Development) at ipinangakong sasagutin ang gastos sa pagpapalibing kay Mariannet; may mga nangako rin ng trabaho para sa kanyang amat ina; buong giting ding iniutos agad-agad propaganda man o hindi ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na pag-ibayuhin pa ang programa ng gobyerno kontra sa gutom at karalitaan kaya pinadagdagan pa niya ng P1-B ang pondo niyon. Higit na kapansin-pansin, nagsermon pa ang mga

relihiyoso tungkol sa pagpapakamatay ni Mariannet, ipinagdiinan ang bukang-bibig na panawagang kalingain ang mga maralita gayong patuloy naman nitong ipinagkakait, sa kabilang banda, sa mismong mga maralita ang pagkakamamahal nitong mga institusyon mga kolehiyo man o unibersidad o ospital. Kailangan pa nga ba na magbuwis ng buhay sa pakikibaka para sa kanilang kinabukasan ang marami pang nangangarap na Mariannet upang magising ang konsensiyat malunod ang ipokrisyat inhustisya ng uring mapagsamantalat naghahari-harian sa bansa tungo sa pag-iral ng tunay na hustisya sosyal at pagkakaroon, sa wakas, ng isang tunay na mapayapa, makatao, demokratiko at maunlad na lipunang Pilipino? Ito, kung tutuusin, sa kabuuan, ang masidhing pangarap ng milyun-milyong mga Mariannet. RP (Rep ub lika ng P and ar amb o n g) November 7, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) MATAPOS ang pagsisikap ng Sandiganbayan sa loob ng anim na taon na tapusing litisin ang kasong pandarambong laban sa dating Presidente Joseph E. Estrada at hatulang mabilanggo ito ng 40 taon o reclusion perpetua na, hindi mapapasubalian, ginastusan ng pondo ng bayan ng milyun-milyong piso, agad-agad namang siningahan lamang kamakailan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang desisyon ng hukuman nang nagkukumahog niyang patawarin o pagkalooban ng pardon si Erap. Ikinatuwiran ni La Gloria at ng kanyang mga tambolero na 70 taong gulang na si Erap, nagdusa na ito diumano sa loob ng anim na taon habang nakakulong at inaalagaan sa Veterans Memorial Hospital noong una, at komportableng namuhay pagkatapos sa marangyang bahay-bakasyunan nito sa Tanay. Hindi nga miminsang nakalalabas ito noon doon, ligtas na ligtas dahil sa dami ng guwardiya, magpapagamot man o dadalaw sa may sakit na ina. Kahit napatunayan ng Sandiganbayan na nandambong si Erap sa bayan (mula sa lagay sa jueteng, buwis sa tabako, Belle Corp. o anupamang pinagmulan ng nakalululang deposito sa bangko ng isang Jose Velarde noon), isinangkalan ng administrasyon ang diumanoy makataong prinsipyo at pagkakasundo ng mga puwersang pampulitika na para bang ito ang mabisang susi para maisulong ang hindi pinagsasawaang ipangalandakang pambansang kapakanan kaya pinalaya agad ni La Gloria si Erap. Napatala nga si Erap sa kasaysayan ng bansa bilang kauna-unahang Presidente na nahatulang makulong sa pandarambong, pero pinakamabilis din namang pinalaya nang hindi man lamang sumayad ang puwit sa Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. Sapagkat lumilitaw na namumulat nat hindi palaging nalilinlang ang sambayanan, ibat ibang sektor ng lipunan ang maanghang na tumuligsa sa gayong kagandahang-loob ni La Gloria. Makasarili diumano ang motibo nito at layuning patahimikin ang kampo ni Erap upang makapanatili sa kapangyarihan, lalo ngayong nag-aalab ang damdaming-bayan at nauuhaw sa katotohanan sa mga eskandalong kinasasangkutan ng rehimen (ZTE, pandaraya sa eleksiyon, garapalang panunuhol sa loob ng Malakanyang, trahedya sa Glorietta 2, at kung anu-ano pang tuluy-tuloy na katiwalian sa ibat ibang ahensiya ng burukrasya).

Bagaman may legal na kapangyarihan si La Gloria na pagkalooban ng pardon o kapatawaran ang sinumang bilanggo matapos ang maraming taon ng pagkakakulong sa Muntinlupa tulad halimbawa noon ng isang Jalosjos lubhang nagmadali nga siya sa kaso ni Erap at, kung tutuusin, isa na rin itong pagyurak sa desisyon ng Sandiganbayan at tandisang pagpapahintulot sa pandarambong o katiwalian. Sabi nga, nagmamahal sa inhustisya ang sinumang nagpapahintulot nito. Higit pang masama, ipinakikita lamang ng desisyon ni La Gloria na, sa bansang ito, talagang doble-kara ang katarungan iba para sa mayaman at makapangyarihan at iba rin para sa kakaning-itik at ordinaryong mga mamamayan. Pinatitingkad lamang nito ang sarsuwela at pagsasabuwatan ng mga naghahari-harian sa lipunan para patuloy nilang mapaglaruan lamang at mapagsamantalahan ang masang sambayanan. Habang patuloy silang naglulublob sa nakababaliw na kayamanan, pribilehiyo at kapangyarihan, nalulunod naman sa miserableng buhay kayakap ng inhustisya ang nakararaming karaniwang mga mamamayan. Kalakaran na nga yata na sa bansang ito, ang tunay na mga nagmamalasakit sa pambansang kapakanan at masidhing nagnanais ng isang mapayapa, makatao, demokratiko at maunlad na lipunan, gayundin ang mga biktima ng inhustisyat karalitaan, ang patuloy na ikinukulong at pinagdurusa sa mga bilangguan dahil lamang sa balintunang sistemang kontroladot pinayayabong ng uring mapagsamantalat hari-harian na, batay sa desisyon ni La Gloria sa kaso ni Erap, ay nagsusulong pa sa pandarambong. Sabagay, noon pa mang naunang mga rehimen, ang RP ay nangahulugan nang Republika ng Pandarambong! Glo ria at Glor ietta: Magkau gna y B a? October 24, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) HANGGANG nang sinusulat ito, Oktubre 22, wala pang malinaw na resulta ang makupad na imbestigasyon ng pulisya kung sino ang may kagagawan sa pagsabog ng malaking bahagi ng Glorietta 2 noong nagdaang Biyernes, Okt. 19. Hindi pa rin tinitiyak ng mga opisyal ng PNP kung aksidente lamang iyon o isang tahasang pambobomba. Labing-isa (11) ngang inosenteng mamamayan ang nasawi at mga 120 pa ang nasugatan. Natural at dapat lamang kinondena ng ibat ibang sektor ng lipunang mapagmahal sa kaayusan at kapayapaan ang gayong malagim na insidente. Sa punto ng isang retiradong militar Commodore Rex Robles apat na grupo lamang sa bansa ang may kakayahang magsagawa ng gayong napakalakas na pagsabog, o sabihin nang pambobomba, dahil may nakitang RDX (isang mabisang elemento ng malakas na bombang C4 na karaniwang gamit ng militar). Lumitaw pa ngang walang nakaimbak doon na mga tangke ng LPG (liquefied petroleum gas), o maging ng oxygen, o ng iba pang kemikal na maaari ngang basta na lamang magliyab at malakas na pumutok. Ayon kay Robles, ang Abu Sayyaf lamang na konektado diumano sa Jemaah Islamiyah, ang MILF (Moro Islamic Liberation Front), ang MNLF (Moro National Liberation Front), at ang espesyal na yunit ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang pawang may kapasidad na magsagawa nito.

Agad namang ipinangalandakan ni Sekretaryo Norberto Gonzales, tagapayo ng Pangulo sa pambansang seguridad, na mga terorista tulad nga ng Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf ang nambomba sa Glorietta 2 bilang operasyon ng mga ito para makakuha diumano ng higit na pondo mula sa mga kaalyado sa labas ng bansa. Ayon pa sa kanya, may mga ulat nang tinanggap ang kanyang opisina, noon pa man, na target ng pambobomba ng mga terorista ang Kamaynilaan; ang nangyari sa Glorietta 2, sabi niya, ay hudyat lamang ng higit pang malalaking pag-atake. Bilang pagpapakitang-gilas, agad namang nag-alok ng pabuyang P2-M si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa ikadadakip ng mga kriminal. Bagaman nagpadala ng mensahe ang isang Sheikh Ruben Omar Lavilla ng grupong RSM (Rajah Solaiman Movement) at inako ng mga ito ang naganap na pambobomba, lumitaw nang malaon na moro-moro o gawa-gawa lamang iyon upang iligaw ang mga imbestigador at, sa opinyon ng PNP, hindi na iyon dapat patulan o pagkaabalahan pa ng panahon. Sapagkat ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, ayon naman kay Eid Kabalu ng MILF, ang nais ng kanilang grupo, lalong hindi nila iyon magagawa at handa pa nga silang tumulong upang matiyak ang nambomba sa Glorietta 2. Gaya rin ng sangkatutak na imbestigasyong isinagawa ng mga kinauukulan, halimbawa na lamang ang jueteng payola, Hello Garci, fertilizer scam, mga pagpatay na pampulitika at kontratang ZTE-NBN, tatak na yata ng naghaharing rehimen na labuin ang kalinawan at maskarahan ang katotohanan. Malinaw pang halimbawa rin ngayon na pinalalabo ng mga guwardiya de honor ni La Gloria kahit may mga umamin na ang garapalang pamumudmod ng kuwarta ng bayan sa inimbitahan kamakailan sa Malakanyang na kaalyadong mga kongresista, gobernador at alkalde. Hanggang ngayon, itinutuwid ng rehimen ang baluktot, at binabaluktot ang tuwid at, sa pamamagitan ng mapanlinlang na mga retorika, patuloy na ipinagdidiinan ng mga tambolero ng Palasyo na hindi iyon lantarang panunuhol upang bugukin ang panibagong kasong impeachment laban sa kanilang Reyna. Dahil sa gayong nakaugaliang pagtatakip ng pambansang liderato sa sagradong katotohanan makapanatili lamang sa nakababaliw na kapangyarihan, hindi na tuloy nakagugulat ang napakaseryosong paratang ni Senador Antonio Trillanes na sina Sekretaryo Norberto Gonzales at Hen. Hermogenes Esperon, hepe ng estado mayor ng AFP, ang utak ng pambobomba sa Glorietta 2 at, natural, ayon kay Trillanes, may basbas ito ni La Gloria. Binigyang-diin pa ni Trillanes sapagkat hindi naman siya estupido na may mga batayan at ebidensiya ang kanyang mga paratang at handa siyang paimbestiga pero isang independiyenteng lupon kung maaariy mga pari o mga kagaya ni dating Sen. Jovito Salonga na hindi nakatali sa asintos ng Palasyo ang dapat mag-imbestiga. Sa maikling salita, hindi dapat na ipagkibit-balikat na lamang at ituring na isang walang kalidad na pamumulitika ang seryosong mga paratang ni Trillanes sapagkat, unang-una, seryoso din ang mga implikasyon nito sa pambansang kapakanan. Kung totoo ang mga iyon, ipinabomba ba ang Glorietta bilang isang taktika muna ng naghahari-hariang rehimen para mailigaw nito ang nag-aalab na opinyon publiko laban sa kultura ng talamak na katiwalian at panunuhol, ng paninikil at inhustisya? Dahil sa mala-kumunoy na mga krisis na kinalulubluban ng administrasyong Macapagal-Arroyo, lalo na ang isyu ng kredibilidad at lumalala pang katiwalian, hiningi tuloy kamakailan nina Arsobispo Emeritus Julio Labayen at

mga Obispo Antonio Tobias at Deogracias Iniguez, mga tagapayo ng Kilusang Makabansang Ekonomiya, gayundin

ng iba pang sektor ng namumulat na sambayanan, na magbitiw na agad sa poder si La Gloria upang maituwid ang pambansang direksiyon. Pero, sa kabilang banda, kung magtuluy-tuloy ang mga pambobomba ng mga terorista gaya ng palagay ni Sekretaryo Norberto Gonzales batay diumano sa ulat sa paniniktik na tinanggap ng kanyang opisina hindi kaya taktika din ito ng rehimen, batay naman sa paratang ni Trillanes, upang lubos na mapangatuwiranan ni La Gloria na ideklara naman ang Batas Militar na lalong magpapalawig sa kanyang pamamayagpag sa kapangyarihan? Sariwa pa nga sa alaala ang mga pambobombang naganap noon bago pinaghari sa bansa ng yumaong diktador Ferdinand E. Marcos ang mapanikil, malagim at kasumpa-sumpang Batas Militar. Ano nga ba, Kuya? Gloria at Glorietta: magkaugnay ba? Ka wala ng hi yaa n October 17, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez PARANG mga piranha noong nagdaang Oktubre 11 na nag-unahan papuntang Malakanyang ang mga 190 kongresista nang makaamoy ng dugo ng sambayanan. Inimbitahan sila ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa isang pulong-almusalan na, hindi man tuwirang sinabi, layunin lamang na bugukin na naman sa Kamara ng Kongreso ang pangatlo nang kasong impeachment laban kay La Gloria mula nang mamayagpag siya sa poder. Inanyayahan din, tanghalian naman, ang ULAP (Union of Local Authorities of the Philippines) para talakayin naman diumano ang progreso ng mga proyekto ng gobyerno sa mga rehiyon na, kung tutuusin, ay isa lamang tandisang pagpapamalas ng Malakanyang na hawak nito sa ilong ang mga gobernador, alkalde, at iba pang mga opisyal ng pamahalaang lokal. Matatandaan, dahil sa nakararami at asal-aliping mga alipores ni La Gloria sa Kamara, mabilis pa sa ipu-ipong naibasura agad noon ang dalawang naunang impeachment at, ngayon, napakahina diumano at kulang na kulang sa merito sinadya man o hindi ang iniharap sa Kamara ni Atty. Roel Pulido laban sa Presidente ng Matatag na Republika. Marami tuloy ang naghihinalang binayaran si Pulido para pahinain iyon at unahan ang Oposisyon sa paghaharap ng malakas at makatotohanang mga sakdal na maaaring magpatalsik sa poder kay La Gloria kung mananaig sa kinauukulang mga mambabatas ang makabayang paninindigan at pagmamahal sa katotohanan, hindi ang garapal na oportunismo. Sapagkat baldado ang nilalaman, tiyak na itatapon lamang sa poso negro ng Kamara ang iniharap ni Pulido pero, higit na mahalaga, kailangang iendorso agad iyon ng mga basalyos ng Malakanyang sa Komite sa Hustisya ng Mababang Kapulungan para hindi na puwedeng ipagharap pa ng panibagong malakas at makatotohanang kasong impeachment si La Gloria hanggang Oktubre 2008. Tinangka pa ngang suhulan ng P2-M si Rep. Crispin Beltran ng Anakpawis at mahigpit nga niyang tinanggihan para iendorso din niya iyon at palitawing lehitimo, o hindi hinokus-pokus lamang ng mga salamangkero, ang dokumento ni Pulido. Higit na masama, sa naturang pagpupulong sa Malakanyang ng mga kaalyado ng Presidente na marami ngang nag-uunahang dumalo dahil napabalitang may ibibigay umiral na naman ang kultura ng panunuhol ng naghaharing rehimen. Tawagin mang maagang pamasko mula kay Santa Kulasa, pabaon o pang-gasolina o

tulong sa eleksiyong pambarangay na hindi naman dapat sawsawan ng Malakanyang unang-una at, gayundin, ng mga gobernador at alkalde lumilitaw na suhol ang ipinamudmod na P200,000 hanggang P500,000 sa mga dumalo. Ipinangako din sa mga nagbenta ng katiting na lamang nilang karangalan na ibibigay agad ng Malakanyang ang pinaglalawayang pork barrel ng kinauukulang mga piranhang nakabalatkayong kongresista. Higit pang masama at pandarambong na rin, at kawalanghiyaan, galing sa pawis at dugo ng patuloy na kinukuba sa buwis na mga mamamayan ang ipinamudmod na kuwarta mapanatili lamang sa kapangyarihan ang Reyna ng Malakanyang. Bagaman mahigpit na pinasisinungalingan ng mga guwardiya de honor ng Palasyo na naganap ang gayong panunuhol kahit umamin na si Rep. Antonio Cuenco ng Cebu na binigyan siya ng P200,000 at, gayundin, si Gob. Among Ed Panlilio ng Pampanga, bukod pa sa dalawang gobernador sa Timog Katagalugan, na pawang nagsitanggap ng tulong pambarangay na tig-P500,000 pinatingkad pa ng mga basalyos ng rehimen ang umiiral na ipokrisya ng pambansang liderato. Sabagay, sabi nga, may sariling pamamaraan ang kawalanghiyaan, at madaling magkasundo ang mga kinauukulan sa mga bagay na kaugnay nito nariyan ang ibat ibang maanomalyang transaksiyon o kontrata ng gobyernong nilaspag ang pondo ng bayan tulad na lamang ng Venable LLP, Northrail, Macapagal Blvd., Piatco, fertilizer scam, at call centers. Mahirap ding makalimutan ang naging inutil na teleponong pambarangay at multi-milyong pisong inamag na mga libro at kagamitan sa Kagawaran ng Edukasyon. Kung matutuloy sa hinaharap, lalong mangangalingasaw din sa baho ang bilyun-bilyong pisong cyber education at nahadlangang kontratang ZTI-NBN. Kalakaran na nga yata sa halos lahat ng proyekto ng gobyerno, laging sagad hanggang langit ang presyo ng mga iyon dahil lamang sa inaasahang kickback o padulas o suhol para sa mga kinauukulan. Dahil sa ganitong kultura ng panunuhol ng umiiral na rehimen, o ng alinmang nagdaang mga rehimen, lalo tuloy lumalabo nang lumalabo ang sagradong mga katotohanan halimbawa na lamang ang mga kahiwagaan sa likod ng Hello Garci, mga pagpatay na pampulitikat pagsalaula sa mga karapatang pantao at iba pang gusto ng mga diyusdiyosang ibaon na lamang sa limot o burahin sa kasaysayan ng bansa. Sa anumang punto suriin, lehitimong karapatan ng sambayanang maliwanagan ang lahat-lahat na kaugnay ng pambansang kapakanan sapagkat, unanguna, sa batis ng pawis nilat dugo naglulublob sa nakahihiyang pribilehiyot karangyaan ang mga nagpapanggap na lingkod ng bayan samantalang sila lalo na ang masang sambayanan ay alipin pa rin, hanggang ngayon, ng karalitaan o miserableng pamumuhay dahil sa inhustisya ng pambansang lideratong wala na yatang kahihiyan sa bayan at mga mamamayan. Isus uka n g Kasa ysa ya n October 10, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) HINDI na bago sa panahon pa man ng pananakop ng mga Kastila at ng mga Amerikano nang malaon ang panlalait o pagyurak sa dignidad ng mga Pilipino.Tinawag nila tayong mga unggoy, inihalintulad sa iba pang hayop, ginawang tampulan ng masasakit na biro at, higit sa lahat, itinuring na mga alila lamang na maaaring sigawsigawan, mura-murahin, sipa-sipain o walang habas na pagmalupitan at pagsamantalahan.

Hindi na nga bago, o dapat na ikagulat pa, kung bakit kamakailan lamang, sa The Daily Show ni Jon Stewart sa telebisyon sa layuning makapagpatawa sa tanong na kung handa na ang Amerikang magkaroon ng babaing Presidente ipinakita ang mga larawan nina dating Punong Ministro Golda Meir ng Israel at Margaret Thatcher ng Bretanya. Ipinakita rin ang retrato ni dating Presidente Corazon C. Aquino ng Pilipinas ngunit, sa nakasalamin at nakangitinglarawan, may nakasulat na Slut! (ibig sabihiy maruming babae o puta). Kamakailan din lamang, sa programang Desperate Housewives ng ABC sa telebisyon, labis na pinagdudahan at minaliit ng tauhang ginampanan ni Teri Hatcher ang kredibilidad o kalidad ng Pilipinong mga doktor na nagtapos sa mga unibersidad sa bansa nang sabihin nitong gusto niyang makita ang diploma ng kanyang doktor dahil baka galing lamang sa kung anong kolehiyo ng medisina sa Pilipinas. Matatandaan din, sa diksiyonaryong Oxford, katulong sa bahay o alila ang kahulugan ng salitang Filipina at, gayundin naman, ang Filipineza sa talasalitaang Griyego na kailan lamang yata binagot itinama ang tunay na ibig sabihin. Sa ilang paliparan naman sa London, napakabili noon ng pretzel at cookies na pinanganlang Filipinos dahil kayumanggi. Sa ilang subway sa New York, hindi miminsang ipinaskel ang Beware of Filipino Pickpockets at, kamakailan din lamang, napasama ang Piliipinas sa listahan ng mga bansang talamak ang katiwalian. Higit sa lahat, napatala pa sa librong Guinness ang yumaong diktador na si Ferdinand E. Marcos bilang pinakamalaking magnanakaw sa buong mundo. Napakasama na nga ng impresyon sa mga Pilipino saanmang panig ng mundo magtungo. Sa Japan, inaakala agad na nagbebenta ng aliw ang nagpupunta doong mga Pilipina; mga alila naman ang unang tingin sa kanila sa Hongkong, Taiwan, Singapore at Gitnang Silangan at, kahit mga propesyonal, karaniwang migranteng trabahador ang palagay nila sa mga Pilipino na puwede nilang walang habas na pagsamantalahan at tratuhing parang hayop maging sa Europa at Aprika. Dahil sa kalambutan ng gulugod at pagiging asal-alipin ng pambansang liderato mula pa sa panahon nina Quezon, Roxas at Osmena hanggang sa rehimen ngayon ni La Gloria, at napakalalim na ng ugat ng diwang kolonyal sa pambansang kamalayan, hindi na nga katakatakang lahing busabos ang tingin sa mga Pilipino ng ibang lahi at, sa maraming pagkakataong pinatunayan ng kasaysayan, hindi mahalaga sa kanila kung laiitin man nila ang mga Pilipino at, gayundin, ang pambansang dignidad. Kaugnay ng naturang mga panlalait sa lahing Pilipino, mararangal na mamamayan lamang ng bansa ang may karapatang magprotesta. At, sa kabilang banda, habang nangangayupapa sa dayuhang mga interes ang pambansang liderato dahil lamang sa makasariling mga ambisyon lalo nat mga manyikang de susi lamang silang sunudsunuran sa diktat kapritso ng diyus-diyosan nilang mga Amerikano gaya nang ipinakikita ng mga patakarang pangekonomiyat pampulitika ng umiiral na rehimen walang karapatang manggalaiti ang mga ito laban sa gayong pagyurak ng mga dayuhan sa dignidad ng bansat sambayanan. Sabi nga, kung sila mismo bilang mga lider ay walang dignidad at himod-pundilyo sa makapangyarihang mga dayuhan paano naman nila ipagtatanggol ang dignidad ng kanilang mga kababayan? Kung tutuusin, masamang halimbawa sa mata ng ibang lahi ang ipinakita noon pa man hanggang ngayon ng pambansang lideratong walang pagpapahalaga sa sariling dignidad.Bukod sa labis na pamamanginoon sa diyus-

diyosang mga dayuhan, bentador pa nga silamismo ng pambansang soberanyat kapakanan at alipin pa ng katiwalian kaya, tiyak, isusuka sila ng kasaysayan. Angkop na angkop tuloy sa kanila ang sinabi noon ni Rizal: Higit na matamis na mamatay nang may karangalan kaysa mabuhay sa kahihiyan. Ala y sa Di yo sa n g Ap o y October 3, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) SA PANAH0N ng mga Aztec ng Mexico noong mga taon ng 1500 na matindi nilang sinasamba ang mga diyusdiyosan tulad, halimbawa, ng araw, libu-libong tao ang isinasakripisyo sa ikalulugod diumano ng ibat iba nilang diyos. Labis nilang pinaniniwalaan na kailangang pakainin araw-araw ng sariwang puso ng tao ang sinasamba nilang araw kaya binibiyak nila ang dibdib ng mga isinasakripisyo sa ibabaw ng isang batong altar upang ialay ang puso ng mga ito. Para naman huwag magalit ang diyos nilang ulan, pinapatay ng mga pari ang nag-iiyakang mga bata upang makaakit diumano ng ulan ang kanilang mga luha. Bilang ritwal naman sa diyosa ng mais, isang babaing birhen pa ang nagsasayaw sa loob ng 24 na oras, pinapatay pagkatapos at binabalatan; isusuot ng isang pari ang balat ng babae at magsasayaw din. Tulad ng labis na paniniwala sa relihiyon lalo na sa Kristiyanismo na milyun-milyong tao na ang isinakripisyot sinilaban nang buhay, pinahirapan, ibinilanggo at pinatay sa panahon ng mga Krusada, waring gayundin naman sa ating bansa pagdating sa daigdig ng pulitika ng mga diyus-diyosan sa lipunan na sukdulan, hanggang ngayon, ang paghahangad sa poder at pangungunyapit sa kapangyarihan, pribilehiyot kayamanan. Isinakripisyo ba, kung gayon, sa diyosa ng apoy nang biglang magbitiw sa tungkulin nito lamang nakaraang Lunes si dating Tagapangulong Benjamin Abalos, Sr. ng Comelec upang masugpo ang paglaganap ng sunog kaugnay ng naglalagablab nang kontrata sa ZTE Corp. ng China tungkol sa pagkakabit ng broadband sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong bansa? Maaalaala, sinindihan ni Joey de Venecia III ng Amsterdam Holdings Inc. anak ng espiker ng Kamara ng Kongreso ang isyung ito kamakailan. Ipinaratang niyang si Abalos ang lumalakad upang maipatupad ang kontratang labis-labis diumano ang presyong $329-M dahil sa aataduhing kickback ng mga kinauukulan. Kaugnay nito, sinusuhulan pa siya diumano ni Abalos ng $10-M para iatras ang alok ng kanyang korporasyon at, nang magkita pa sila ni Unang Ginoo Mike Arroyo sa Wack Wack Golf & Country Club kasama sa mesa sina Abalos at Sekretaryo Leandro Mendoza ng DOTC dinuro pa siyat sinigawan ng Back off! ng esposo ni La Gloria. Inamin din ni dating Sekretaryo Romulo Neri ng NEDA sa ginawang pagdinig ng Senado na inalok din siya ni Abalos ng P200-M para paboran at ayusin ang naturang kontrata sa ZTE. At, dahil sa mga bagay na ito, isinalang nga ni dating Rep. Rolex Suplico sa Kamara ang impeachment laban kay Abalos. Sapagkat noon lamang nagdaang Huwebes, Setyembre 27, masayang ipinangalandakan ni Abalos sa mga peryodista na hindi niya ikinababahala ang mga paratang sa kanya, gayundin ang isinampang impeachment, at pabiro pa niyang sinabing ang tingin ngayon ng tao sa kanyay napakamaimpluwensiyat makapangyarihan at seksi, lubha

tuloy katakataka sa isang iglap lamang ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin at nagbitiw siya sa tungkulin sa Comelec. Sino ang nagmungkahi, o nagpayo, o mataray na nag-utos, na gawin niya ang gayon at, tulad ng sakripisyo ng mga Aztec, biniyak ang kanyang dibdib, kinuha ang puso, at inihandog sa kung kaninong diyosa ng apoy, ng araw man o ng ulan? Sa biglang pagbibitiw ni Abalos sa Comelec, natural, nawalang-saysay, at ibabasura na lamang, ang kasong impeachment laban sa kanya na, kung itinuloy, tiyak na kakaladkad sa pangalan at pagkatao ng kung sinu-sinong makapangyarihan sa pamahalaan si La Gloria man, angkanyang esposo, at piling mga basalyos kaugnay ng maanomalyat mabahong kontratang ZTE-NBN. Nangangahulugan din bang malilibing na rin sa limot ang maalingasngas na kontrata ng Comelec sa Mega Pacific at, gayundin, ang garapalang dayaan sa eleksiyon noong 2004 batay sa Hello Garci, bukod pa ang nangyaring mga hokus-pokus diumano ng mga Lintang Bedol nito namang katatapos na halalan ng 2007? Sa anot anuman, kahit nagbitiw na si Abalos sa gobyerno, hindi pa rin nangangahulugang nasugpo na ang paglalagablab ng apoy na nilikha ng mga kahiwagaang nasa likod ng kontratang ZTE-NBN. Higit pa ngang dapat pag-ibayuhin ng Senado ang imbestigasyon nito alang-alang sa sagradong katotohanan at pambansang kapakanan. Nariyan pa naman sina Neri at Mendoza, at iba pa, o tulad ng mga Aztec noon, isasakripisyo rin silat iaalay sa diyosa ng apoy upang hindi lamunin ng sunog pati Malakanyang? Gayunpaman, sabi nga, hindi mananatiling bulag ang sambayanan sa paghahanap ng hustisyat katotohanan. Lina wi n Ang Kalab ua n September 26, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) MATAPOS ipalabas ng Korte Suprema ang TRO (temporary restraining order} na pansamantalang ipinatitigil ang maalingasaw na kontrata ng gobyerno sa ZTE Corp. ng China kaugnay ng $329-M proyektong NBN (National Broadband Network), wala nang saysay kung tutuusin ang paghuhugas-kamay ni Presidente Gloria MacapagalArroyo nang atasan niya si Sekretaryo Peter Favila ng Kalakalan na ipangalandakan sa mga peryodista noong nagdaang Sabado na pansamantala rin niyang ipinahihinto ang pagpapatupad sa naturang kontrata at, gayundin, ang nagsisimula nang bumahong $406-M cyber education ng Kagawaran ng Edukasyon na, lumilitaw, sobra-sobra din ang presyo gaya ng NBN. Natural, ginawa ni La Gloria ang gayong hakbang sa hangaring huwag nang busisiin pa ng Senado ang lahat-lahat, lalo na nga ang mga kahiwagaang nasa likod ng kontrata sa ZTE at, gayundin, masugpong mag-alab, sa isang banda, ang naturang isyu gaya ng Hello Garci na tiyak na ngangatngat sa kanyang rehimen at sa diumanoy Matatag na Republika. Sapagkat, batay sa apidabit ni Jose Joey de Venecia III ng Amsterdam Holdings Inc. na kalaban ng ZTE sa kontrata, nasasangkot sa anomalya ang pangunahing mga basalyos ni La Gloria at, higit sa lahat, ang kanyang esposo si Unang Ginoo Jose Miguel Mike Arroyo na, maaalaala, nasangkot na rin noon sa jueteng payola at pinaghinalaang may-ari pa ng sangkatutak na perang nakadeposito sa pangalan ng isang Jose Pidal.

Kahit pansamantalang ipinatitigil ng mga kinauukulan ang naturang kontrata dahil sa umalingasaw na baho, hindi na nga ba ito itutuloy? Sapagkat buwis ng sambayanan ang ipambabayad kung matutuloy ang kontrata sa ZTE dahil uutangin pa sa China ang kaukulang pondo para mabayaran naman ang ZTE, lubhang nararapat na halukayin ng Senado ang lahat-lahat para mapalitaw ang sagradong katotohanan at maiwasan o masugpo sa hinaharap ang nakaugaliang katiwalian ng mga mandarambong sa pondo ng bayan sa ibat ibang transaksiyon ng pamahalaan. Bagaman inaasahang lalabuin ng mga basalyos ng rehimen ang isyu at paulit-ulit na itatanggi ang mga paratang ni Joey de Venecia III, anak ng espiker ng Kamara, lubhang kinakailangang linawin sa sambayanan ang maraming katanungan kung gusto rin lamang ng Malakanyang na maibalik, kahit bahagya, ang naglahong kredibilidad ni La Gloria at ng kanyang maalingasngas at saklot ng katiwaliang rehimen. O ugali na ng rehimeng ito at ng mga naghahari-harian sa lipunan na bulagin ang publiko lalo na ngat pansarilit gahaman nilang mga interes ang nasasangkot? Totoo bang $130-M ang orihinal na presyo ng kontrata sa ZTE pero ginawang $329-M para sa mga komisyon at kickback ng mga mandarambong? Totoo bang si Tagapangulong Benjamin Abalos ng Comelec ang nag-aayos ng lahat at tinangka pa nitong suhulan ng $10-M si Joey de V. para iatras ang alok ng Amsterdam Holdings Inc. na, kung pagkakalooban ng kontrata para sa NBN, wala ni isang perang gagastusin ang gobyerno, di gaya sa ZTE na uutangin pa ang pambayad sa $329-M? Totoo bang inalok din ng P200-M ni Abalos si dating Sekretaryo Romulo Neri ng NEDA (National Economic and Development Authority) para tumulong na maisakatuparan ang naturang kontrata? Totoo bang hindi sinasadya ang pagkikita, at hindi masinsinang pinag-usapan ang proyektong NBN, nina Abalos, Sekretaryo Leandro Mendoza ng Transportasyon at Komunikasyon, at Joey de V. sa opisina ni Abalos, gayundin sa Wack Wack Golf & Country Club kung saan pagalit na dinuro at sinigawan diumano ni Mike Arroyo ng Back off! si Joey para kalimutan na ang alok ng Amsterdam Holdings Inc. sa gobyerno? Higit sa lahat, totoo bang may paunang lagay o komisyon o kickback na tinanggap na ang mga kinauukulan mula sa ZTE kaya puspusan ang pagkilos at pagsisinungaling ng mga ito para maipatupad ang kontrata? Sa pagdinig na isinagawa ng Senado, malinaw na hindi nasagot, lalo na ni Sekretaryo Mendoza, gayundin ni Lorenzo Formosa III, katulong na kalihim ng DOTC para sa telekomunikasyon, ang nabanggit na mga katanungan. Halatang wala silang ginawa kundi pagtakpan ang Unang Ginoo at si Abalos sa anumang pagkakasangkot ng mga ito sa maanomalyang kontrata sa ZTE. Sabagay, kaugalian na ito ng bawat namumunini sa poder sa ilalim ng anumang rehimen ang palabuin ang lahat upang hindi mabulgar nang husto ang mga katiwalian at, higit sa lahat, makapanatili pa rin silang naglulublob sa impluwensiya, pribilehiyo at kapangyarihan. Higit tuloy pinaniwalaan ng sambayanan, maging ng mga senador, ang mga pahayag ni Joey de Venecia na. tulad ng Hello Garci, ay malaking aninong hindi matatakasan ni La Gloria. Kung tutuusin tuloy, walang habas na paglulustay sa salapi ng bayan at pagkagahaman sa kickback ang mga kontratang tulad ng ZTE, cyber education, call centers sa mga unibersidad ng Estado, at iba pang mga kontratang kauri ng mga nabanggit na, sa kasalukuyan, hindi pa naman lubhang kailangan ng dayukdok na sambayanan. Higit pa rin nilang kailangan magpahanggang ngayon at nilumot na ng panahon ang pangunahing

mga pangangailangang dapat matugunan ng matinong pamahalaan lupat pabahay, damit at pagkain, gamot at serbisyo sa kalusugan, trabaho at edukasyon, katarungan at hustisya sosyal. Bakit, kung gayon, pansamantalang ipinatitigil lamang at hindi pa tuluyang kanselahin o ibasura ni La Gloria ang umaalingasaw sa bahong kontrata sa ZTE? May milyun-milyon bang mga dahilang mahirap ipaliwanag kaya malinaw ang kalabuan o malabo ang kalinawan? Malaking utang tuloy, at obligasyon ni La Gloria, sa sambayanan na linawin ang mga katotohanan sa likod ng anomalyang ito. W AS AK N A KREDI B I LI DAD September 19, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) DAHIL kuwestiyon pa rin ng kredibilidad ang parang malaking aninong nakabuntot kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, marami ang nagkibit-balikat lamang at nagtaas ng kilay nang ipahayag niya sa isang komperensiya ng mga obispo, ulama at opisyal ng militar at pulisya sa Malakanyang na binuo niya ang PTG (Procurement Transparency Group) para maging hayag sa publiko ang lahat ng mga proyekto at kontrata ng gobyernong ginagastusan ng pera ng sambayanan. Sa pamamagitan nito, diumano, malalabanan at masusugpo ang kung anu-anong katiwaliang talamak na sa ibat ibang pagawaing-bayan. Bakit, kung gayon, hinahadlangan pa ng Malakanyang sa pamamagitan ng kontrobersiyal na E.O. 464 ang pagdalo sa mga pagdinig ng Senado ng kinauukulang mga opisyal ng Ehekutibo para linawin sa sambayanan ang mga kahiwagaang nasa likod, halimbawa, ng $329-M na kontrata ng gobyerno sa ZTE ng China? Bakit hindi rin ihayag sa bayan ang mahigit $400-M kontrata ng Kagawaran ng Edukasyon para sa sinasabing cyber education? Bakit, magpahanggang ngayon, malabo pa sa burak ang mga katotohanan sa likod lamang ng Hello Garci dahil malinaw na hinahadlangan pa ng mga basalyos ng Malakanyang ang muling imbestigasyon nito sa Senado? Bagaman napatala sa kasaysayan na sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo, kauna-unahang nahatulang nagkasala sa kasong pandarambong ang isang dating Presidente (Joseph Ejercito Estrada), hindi naman nangangahulugang matapat na ang kasalukuyang rehimen na labanan at sugpuin ang mga katiwalian sa pamahalaan. Unang-una, bakit hindi kumikilos ang gobyerno na panagutin ang isang Jocjoc Bolante kaugnay ng nilustay na P729-M pondo para sa abono sa lupa ng mga magsasaka? Bakit nalibing na sa limot ang maanomalyang bilyong pisong automated counting machines ng Comelec, gayundin ang kontrobersiyal na kontrata ng Macapagal Blvd.? Bakit mukhang nakikipag-areglo pa sa pamilya Marcos ang mga kinauukulan kaugnay ng diumanoy sangkatutak na nakaw at itinatagong mga kayamanan ng yumaong diktador? Batay sa mga nabanggit, at kahit itinatag pa ang PTG, matapat nga ba si La Gloria na labanan at sugpuin ang talamak na katiwalian sa pamahalaan? Kung tutuusin, naghambalang sa ibat ibang ahensiya ng burukrasya ang mga

mandarambong sa pera ng bayan ngunit, di gaya ng isang Erap na nahatulang nagkasalat nakakulong na, lumilitaw na mga diyus-diyosan pa sila ngayon at nagpapasasa sa ilalim ng umiiral na rehimen. Higit na masama, bukod sa salapi ng bayan, dugot buhay pa ang kinukulimbat nila at, sa ilalim nga ng rehimeng ito, batay sa ulat ng grupong Karapatan, 888 ang pinatay na makabayang mga aktibista, peryodista at kritiko ng rehimen, at 184 pa ang dinukot at nawawala tulad na lamang ng isang Jonas Burgos. May nadakip na ba at naparusahan kahit isang kriminal kaugnay nito? Sa anumang punto tingnan ngayon, lumilitaw na buladas lamang ang pahayag ni La Gloria na pagsugpo sa katiwalian. Kongkretong mga halimbawa ang kailangang makita ng sambayanan halimbaway ang pag-usig at pagpapakulong unang-una sa tiwali niyang mga basalyos, hindi ang mga kritiko lamang at kalaban sa poder upang maibalik, kahit bahagya, ang pagtitiwala ng bayan sa kanyang mga pahayag at sinasabing mga programa sa pamamahala. Kung hindi, at lulubha pa ang lahat lalo na ang katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ng pambansang liderato wala na ngang sukat ipagmalaki pang kredibilidad ang naghaharing rehimen. Sabagay, matapos mapatalsik sa poder ang diktatoryal na rehimeng Marcos, idinuyan na ngat nilunod sa buladas ang sambayanan maging ng sumunod na mga rehimen (Cory, Ramos at Erap), at lalo na ngayon. Mulang 1986 hanggang sa kasalukuyan, wala namang makabuluhan o radikal na pambansang mga pagbabago para sa kapakanan ng masang sambayanan. Anino pa rin ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Hindi naparusahan ang mga kriminal ng pinatalsik na rehimeng diktatoryal at, marami sa kanila, ang nakabalik pa sa kapangyarihan sa ibat ibang sangay ng pamahalaan. Muling nabuhay ang dati, at sumibol pa ang bagong oligarkiya. Muling sumigla ang panggagahasa sa pambansang ekonomiya. Muling sumidhi ang pandarambong sa salapi ng bayan at mulit muling namayagpag at umabuso sa kapangyarihan ang uring mapagsamantalat patuloy na kumukontrol sa pambansang pulitikat ekonomiya. Ano pa nga ba ang bago? Buladas na nga lamang ang lahat. Utang at Utan g P a September 12, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez KAHIT itinatambol ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at ng kanyang mga henyo sa gabinete na matino at nasa tamang landas ang pananalapi ng gobyerno, mahirap nang pasinungalingan ang naghuhumindig na mga katotohanan. Noon pa man, tulad lamang ang gobyerno ng isang pamilyang sobra-sobra ang ginagasta kaysa kinikita kaya patuloy na nangungutang, nagsasanglat nagbebenta ng anumang ari-arian matugunan lamang kahit bahagya ang mga pangangailangan. Sapagkat laging may depisito sa pambansang badyet taun-taon at batbat ng katiwalian ang dalawang pangunahing ahensiyang inaasahan sa koleksiyon ng buwis (BIR at Customs), walang naiisip na solusyon ang mga opisyal ng gobyerno kundi patuloy na mangutang upang matugunan ang kakulangan. Umabot na, nito lamang nagdaang

Hunyo, ng P3.78 trilyon ang kabuuang pambansang utang na, tiyak, lolobo pa bago matapos ang termino ng kasalukuyang rehimen. Bukod nga sa pangungutang, nagkukumahog pa ang pamahalaan na isapribado o ibenta ang ibat iba nitong ari-arian sa layunin nitong makalikom ng karagdagang P70 bilyon bago matapos ang 2007. Katunayan, mulang Enero hanggang Hulyo, ibinenta na nito ang 46% sosyo sa PTIC (Phil. Telecommunications Investment Corp.), gayundin ang 20% sosyo rin sa PNOC-EDC (Phil. National Oil Co. Energy Development Corp.) at 4.6% namang hawak sa PNB (Phil. National Bank. Naibenta na rin nito ang ari-arian sa lumang paliparan ng Iloilo. Nakalikom ito diumano ng P42.6 bilyon. Bago matapos ang kasalukuyang taon, pinagsisikapan nitong maipagbili rin ang propiyedad ng gobyerno sa Fujimi, Japan at, higit sa lahat, ang 24% sosyo sa San Miguel Corp. at 12% sosyo sa Meralco, bukod sa iba pang mapagkakakuwartahang ari-arian lupa man o mga interes sa ibat ibang korporasyon. Pero, sa kabilang banda, lumilitaw na pambayad-utang lamang ang mga ito at dinidispalko pa, ginagantso at dinarambong ng tiwalit salabusab na pambansang liderato. Nariyan nga ang ibat ibang maanomalyat nangangalingasaw na mga kontrata at proyekto ng gobyerno na nakalulula ang mga presyo (ZTE, cyber education, automated counting machines, fertilizer scam, Macapagal Blvd., at iba pa, at iba pa). Habang namimilipit sa hirap ang sambayanan sa mga bagot itinataas na mga buwis (naging doble, halimbawa, ang buwis sa bahay at lupa mula noong 2004, bukod pa sa itinaas ng mga permisot lisensiya at rehistro ng mga behikulo), naglulublob naman sa karangyaan sa pamamagitan ng nakukulektang mga buwis ang kinauukulang mga opisyal ng pamahalaan (ginagantsong pork barrel at kung anu-ano pang pondo ng bayan) at, natural, ang sambayanan pa rin nga ang kinukuba sa pagbabayad ng pambansang utang at napagkakaitan ng pangunahing mga pangangailangan dapat matugunan ng matinong pamahalaan. Sapagkat P624.1 bilyon sa panukalang pambansang badyet na P1.3 trilyon sa 2008 ang sinasabing ilalaan na pambayad-utang, nakatakda nang mangutang na naman ang gobyerno ng P346.1 bilyon para matugunan kahit bahagya ang pangunahing mga serbisyo publiko. May sapat na pondo pa nga bang mailalaan sa edukasyon, lupat pabahay at kalusugan at iba pang mahalagang serbisyo publiko? At, higit na masama, batay na rin sa mga pananaliksik, 30% pa nga ng natitirang badyet ang nilalamon ng katiwalian sa kung anu-anong sangay ng pamahalaan. Lumilitaw tuloy na patuloy na nangungutang ang gobyerno para makabayad sa mga pagkakautang at, sa kabilang banda, patuloy ding nanganganak ang mga buwis para may madambong ang tiwaling mga opisyal nito. Kailan mababago ang ganitong napakasamat umiiral na pambansang kalagayan? Hindi ito magagamot, di nga kasi, ng puno ng pag-asang hungkag na mga retorika o inimbentong mga estadistika na papaunlad diumano ang ekonomiya. Lubhang napapanahon nang rebisahin at ituwid ng pambansang liderato ang pinaiiral na mga patakarang pangkabuhayang nakatali sa asintos ng mapambusabos na dayuhang mga interes at matapat na isapuso ang kapakanan ng bansat ordinaryong mga mamamayan hindi ang interes, unang-una, ng iilang piling grupo ng mga taong patuloy na kumukontrol sa pambansang pulitikat ekonomiya.

Nanana ginip La ma ng? September 5, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez IKINATAAS ng kilay ng maraming ekonomista, gayundin ng mga peryodistat ordinaryong mga mamamayan, ang ipinagyabang kamakailan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na sumulong ng 7.5% ang GNP (gross domestic product o kabuuang halaga ng nalikhang mga produkto at serbisyo). Pinakamataas ito diumano sa loob ng 20 taon at nalampasan nito, ayon pa rin sa kanya, ang pagsulong ng ekonomiya ng mga kalapit bansa sa Asya tulad ng Malaysia, Hong Kong at Indonesia. Nanlalaki ang mga mata, sagad hanggang tainga ang ngiti at waring umiindak sa piling ng mga ulap, buong giting niyang ipinahayag sa isang komperensiya sa loob ng Malakanyang na nagtagumpay ang ating mga planong pangkabuhayan. Binigyang-diin pa niya: Walang nag-akalang makakakulekta tayo ng higit na mga buwis, mababawasan natin ang mga nandaraya sa buwis, mapalalakas ang piso at mapasisigla ang merkado (stock market). Walang nag-akalang maaayos natin ang ating badyet, mababayaran ang ating mga pagkakautang at mapararami ang trabaho, pero nagawa natin ito? Ow? Kahindik-hindik. Nakagugulat! Ito ang karaniwang reaksiyon ng mga nakababatid, at nakauunawa, sa malinaw na reyalidad ng pambansang kalagayan. Nairitat nanggalaiti sa gayong mga pagdududa, halos pasinghal na itinanong ni La Gloria sa reporter ng Manila Shimbun na nag-alinlangan sa katotohanan ng 7.5% na pagsulong ng GNP: Ibig ninyong sabihin, ang aming mga datos ay di totoo at nagsisinungaling ang mga taga-NSCB (National Statistical Coordination Board)? Totoo nga ba ang mga ipinagyabang ni La Gloria? Bakit laganap ang disempleyo kaya patuloy ang exodus ng manggagawang Pilipino at nagtitiis magpaalipin sa ibang mga bansa? Bakit kulang sa target nitong makukulektang buwis ang BIR at Customs o Adwana? Bakit nito pa lamang Hulyo, halos P60-B na ang depisito sa pambansang badyet? Bakit kailangang magbayad ng mga P50,000 bawat isa ang mga Pilipino para mabayaran ng gobyerno ang pambansang utang? Kung saglit mang lumalakas ang piso, maliwanag na bunga ito, unang-una, ng bilyun-bilyong dolyar na ipinapasok sa bansa ng migranteng mga manggagawa, hindi ng pagtaas ng kita mula sa mga produktong iniluluwas (export) sa ibang mga bansa o pagtuntong kaya ng bansa sa landas ng industriyalisasyon. Batay nga sa pananaliksik ng SWS (Social Weather Stations), malaganap pa rin ang gutom at karalitaan, grabe pa rin ang problema sa pabahay at kalusugan, marami pa rin ang hindi makapag-aral sa elementarya pa lamang, lalo na nga sa mga kolehiyo pa at unibersidad, at 30% ng pambansang badyet ang nilalamon ng katiwalian sa burukrasya dahil sa mga kickback at maanomalyang mga kontrata o garapalang pandarambong sa pondo ng bayan kaya, sa kabilang banda, tambak at nilulumot sa Ombudsman at Sandiganbayan ang mga kaso ng korupsiyon laban sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan. Tanggapin na, sa kabilang banda, na totoo ang mga datos ng NSCB na pinagbatayan ng pahayag ni La Gloria hanggang kalian mapananatili ang sinasabing pagsulong ng ekonomiya? Hindi mapapanatili, ayon na rin sa mga ekonomista, ang nakitang pagsulong diumano ng ekonomiya sa loob ng unang anim na buwan ng 2007. Batay na rin sa paliwanag ni Vishnu Varathan ng Forecast Pte. Ltd., mahina ngayon ang pandaigdig na merkado sa kredito, at

mahina rin ang larangan ng pamumuhunan, kaya hihina din ang eksport na labis na makakaapekto sa lokal na ekonomiyang umaasa sa eksport. Natural, sa anumang punto tingnan, imposibleng umunlad ang pambansang ekonomiya hanggang nakatali ang pambansang liderato sa pundilyo at dikta ng mapandambong na interes ng imperyalistang mga bansa lalo na nga ng Amerika kaya patuloy pa itong nangangayupapa sa altar ng mapaminsalang liberalisasyon at globalisasyon. Idagdag pa nga ang labis na pagkontrol ng iilang piling grupo ng mga tao sa pambansang ekonomiyat pulitika na matagal nang sumasalaula sa interes ng masang sambayanan. Mahirap ding sumulong ang ekonomiya hanggang anino pa rin ang pambansang kapayapaan, lalo na ngayong sumisidhi dahil sa balintunang patakaran ng gobyerno ang kaguluhan at karahasan sa Mindanaw. Lumilitaw tuloy na mukhang mahihirapang lubusang isulong ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF (Moro Islamic Liberation Front). Sa pagdakip kamakailan sa The Netherlands kay Prof. Jose Ma. Sison, tagapagtatag ng Partido Komunista sa bansa dahil marahil sa maniobra ng Estados Unidos at ng gobyerno ng Pilipinas nagsimula na nga ang malawakang mga kilos-protesta at pagsidhi ng mga taktikal na opensiba ng puwersa ng NPA na tiyak na makakaapekto sa ekonomiya. Dapat na maging pambansang agenda ni Presidente Macapagal-Arroyo ang kapayapaan, sabi ni Muhammad Ameen, tagapangulo ng kalihiman ng MILF, hindi punglot giyera at pananakot gaya nang ginagawa nito ngayon laban sa anumang grupong nagrerebelde. Ganito rin ang opinyon ng maimpluwensiyang samahan ng obispong Katoliko sa bansa (CBCP). Kung hindi, at kung hindi mabisang matutugunan ng pamahalaan ang batayang mga pangangailangan ng sambayanan, baka ito, sabi ng mga kritiko, ang magpapasabog sa natutulog na bulkang sosyal. Sa kabila ng umiiral na reyalidad, sumulong diumano ng 7.5% ang GDP, sabi ni La Gloria kaya, kung tutuusin, dapat magbunyi ang bansa. Ow? O nananaginip lamang ang mga kinauukulan? HELL-o Gar ci, HELL -o Glo r ia August 30, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) KAHIT ipinangalandakan ng Malakanyang na hindi nito ikinababahala kung muling iimbestigahan ng Senado ang maeskandalong Hello Garci isang tape na nagbunyag sa usapan nina Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at dating Komisyoner Virgilio Garcillano ng Comelec tungkol sa karagdagang isang milyong boto para kay La Gloria noong eleksiyon ng 2004, halatang-halata naman sa kanilang mga patutsada ang pagkainis ng mga kinauukulan. At bakit iginigiit na ipatupad na naman ang ibinasura ng Korte Suprema na E.O. 464, na kailangan pa ang permiso ng Presidente para makadalo sa pagdinig ng Senado ang sinumang opisyal ng sangay ehekutibo ng gobyerno? Pulitika ito ng pangwawasak, paratang ni La Gloria at, samakatuwid, dapat nang tigilan lalo na marahil ni Sen. Panfilo Lacson na pinaratangang nagpapasiklab lamang para sa eleksiyon sa 2010. Pag-aaksaya lamang ito ng oras, sabi naman ni Sen. Edgardo Angara. Sa halip na buhayin ang imbestigasyon sa Hello Garci, makabubuting

pagtibayin na lamang ng Senado, ayon naman kina Kalihim Tagapagpaganap Eduardo Ermita at Sekretaryo Ignacio Bunye, ang 24 na panukalang-batas para diumano sa pambansang kapakanan. Kung susundan tuloy ang lohika o takbo ng utak ng Malakanyang, dapat na ilibing na lamang sa limot ang lahat, huwag nang ungkatin at sariwain ito kahit ipagkait ang sagradong katotohanan sa uhaw na sambayanan at, higit sa lahat, patawarin na lamang ang anumang kasalanan ni La Gloria, ng mga Garcillano at Lintang Bedol, ng mga Esperon at iba pang opisyal ng militar na nabanggit sa Hello Garci na, batay sa nilalaman niyon, lumililitaw na pawang kasangkot sa maanomalyang eleksiyon ng 2004. Sagrado pa rin nga ang katotohanan kahit sinasabing ilegal ang wiretapping na isinagawa ng grupo ni Vidal Doble, dating sarhento ng ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines), para madinig at mailagay sa tape ang usapan noon nina La Gloria at Garcillano kaugnay ng karagdagang isang milyong boto na, kung tutuusin, ay nagpanalo kay La Gloria laban sa yumaong si Fernando Poe, Jr. noong 2004. Kahit nga pinakamahalaga ang katotohanan higit sa lahat, bakit, kung gayon, pinipilit ng Malakanyang na huwag nang uriratin ang Hello Garci at nagkukubli ito sa likod ng hungkag na retorikat teknikalidad? Matatandaan, dahil sa naturang tape, sumidhi ang malawakang mga demonstrasyong humihinging umalis na sa poder si La Gloria noong 2005. Dalawa ding kasong impeachment ang iniharap laban sa kanya sa Kongreso (2005 at 2006) na agad na naibasura at naikubli ang sagradong mga katotohanan dahil sa puspusang pagmamaniobra ng himod-pundilyo niyang mga basalyos sa Kamara. Nagbunsod din ito, nang malaon, ng pagrerebelde ng grupong Magdalo. At, bunga ng mga pagdududang nandaya nga siya para lamang manalo, lumagabog tuloy nang husto ang kanyang kredibilidad. Hanggang ngayon, itinatanong tuloy ng malawak na sektor ng sambayanan kung lehitimo ngang Presidente o hindi si La Gloria. Kung bubusisiin na naman ang Hello Garci at mapatutunayang nandaya nga siya noong eleksiyon ng 2004 at tiyak na ikinababahag ito ng kanilang buntot wala nga siyang karapatang patuloy na mamatnugot sa bansa at sabihing may bansa akong dapat pamahalaan, may mga terorista akong dapat labanan, may kapayapaan akong dapat makamit at lalong hindi niya dapat iduyan sa ilusyon ang sambayanan na ihahatid niya ang Pilipinas sa daigdig ng mauunlad na mga bansa o First World sa malapit na hinaharap. Natural, sa anumang larangan lalo na nga kung mga opisyal pa ng pamahalaan ang nasasangkot dapat parusahan ang anumang pandarayat katiwalian upang masugpot hindi na tularan. Pero, sa takbo ng mga pangyayari, sapagkat ang kabaluktutan ng isip at kawalang-katarungan ang naghahari sa lipunan, ang mga tiwalit kalaban pa ng katotohanan ang naglulublob sa gloryat kapangyarihan. HELL-o HELL-o Gloria. Nanaka wi n P a? August 8, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) Garci.

TATLONG rehimen na ang nagdaan Cory, Ramos at Erap pero masalimuot pa ring tulad ng isang bungkos na abaka hanggang sa administrasyon ngayon ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang paghahabol ng gobyerno sa sinasabing kahindik-hindik na nakaw at itinatagong yaman ng pamilya Marcos. Maliban sa $560-M, ilang mansiyon at sosyo sa malalaking korporasyong kinontrol ng PCGG (Presidential Commission on Good Government), lumilitaw na inutil ang pamahalaang makumpiska ang iba pang kayamanan ng mga kinauukulan na galing diumano sa pandarambong sa kaban ng bayan sa loob ng mahabang panahong pamamayagpag sa poder ng yumaong diktador na si Ferdinand E. Marcos. Anino na lamang, unang-una, ang ibinulgar noon ng isang Reiner Jacobi batay sa dokumentong iniharap ng abogado niyang si David Chaikin sa administrasyong Estrada na depositong $13.2-B ni Irene Marcos-Araneta sa UBS (Union Bank of Switzerland) na inilipat at pinaghati-hati nang malaon sa mga bangko sa Liechtenstein, Luxembourg at British Virgin Islands, sabi naman ni dating Prokurador Heneral Frank Chavez. Paano pa ang napabalitang tone-toneladang mga bara ng gintong nasa paliparan diumano ng Kloten o nasa Fort Knox? Paano pa rin ang hinahabol ngayon ng mga Marcos na 10 higanteng mga korporasyon ni Lucio Tan dati nilang basalyos na may kabuuan nang yamang $2.3-B ngayon at, gayundin, ang nasa pangalan ng iba pa nilang kroni noon tulad ng mga Cuenca, Benedicto, Campos, at iba pa. Kahit may lihim na talastasang nagaganap diumano ngayon sa pagitan ng mga Marcos at ng administrasyong Arroyo kaugnay ng naturang mga kayamanan, mukhang imposibleng mabawi nga ito agad. Una, kailangang patunayan muna, at aminin ng mga Marcos, na nakaw ang mga iyon para makumpiska ng gobyerno. Batay sa naturalesa ni Imelda Marcos, hinding-hindi niya aamining nakaw ang mga iyon para mapangalagaan ang anumang natitira pa nilang karangalan at, sa kabilang banda, napakahabang proseso ang lahat para mapatunayan ito sa usadpagong na hukuman. Kung talagang bilyun-bilyong dolyar ang kanilang yaman, saan iyon nagmula? Bilang mga opisyal ng gobyerno, P2.3-M lamang sa isang taon ang magkasanib na kita noon nina Ferdinand at Imelda. Galing ba iyon sa mga ilegal na transaksiyon at komisyon o kickback na talamak maging ngayon sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan? Galing ba iyon sa pagnenegosyo na ipinagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno, lalo na sa Presidente? Pinalitaw, noong una, na galing ang tone-toneladang mga bara ng ginto sa maalamat na kayamanang nakulimbat diumano ni Hen. Tomoyuki Yamashita mula sa sinakop niyang mga bansa sa Timogsilangang Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at, sa kabilang banda, walang ganoong karaming ginto ang Bangko Sentral ng Pilipinas para mailabas ni Marcos ng bansa. Kung totoong galing iyon kay Yamashita, tanong ng yumaong peryodistang si Teodoro Benigno, naging miyembro ng gabinete ni Cory, bakit walang nabuhay na sundalo ni Yamashita ang lumitaw para patunayan ito? Bakit walang nagprotesta at naghabol na mga bansa matapos ang giyera? Lalong lumabo pa ang lahat nang palitawin naman ng isang Erick San Juan sa kanyang aklat (Raiders of the Lost Gold, 1998) na galing sa Vatican ang mga gintong iyon. Sabi niya, galing ang kayamanan ni Marcos kay Padre Jose Antonio Diaz, naging tesorero noon ng Vatican sa ilalim ni Papa Pio XII. Pinag-interesan umano ni Padre Diaz ang kayamanan ng Vatican, nagbalik ng Pilipinas, nagpalit ng pangalan bilang Kor. Severino Sta. Romana, kinaibigan

ang batang-batat matalinong abogadong si Ferdinand E. Marcos na tumulong upang legal na mailipat sa pangalan ni Diaz at maideposito kung saan-saang mga bangko ang nasabing kayamanan. Tinuruan ni Diaz si Marcos sa kalakalan ng ginto kaya dumalo pa si Marcos sa inagurasyon ni Presidente Harry Truman ng Amerika bilang opisyal na kinatawan ng J.A. Diaz & Co. na nakalista sa New York Stock Exchange. Paano naman, kung gayon, nailipat ni Marcos sa kanyang pangalan ang mga gintong iyon? O talagang pinalalabo ang lahat upang hindi mabawi ng gobyerno kung talagang may layunin itong bawiin ang anumang nakaw na yaman ng pamilya Marcos, lalo na mula sa salapi ng bayan? Natural, hindi dapat patawarin ang anumang pandarambong sa yaman ng bansa, at walang dapat makinabang sa mga iyon kundi ang mismong sambayanan, hindi ang sinumang matataas na opisyal ng gobyerno. Sabi nga, nagmamahal sa pandarambong at inhustisya ang sinumang nagpapahintulot nito, lalo na kung matataas na opisyal pa ng pamahalaan. Kaya, sa anumang negosasyon ngayon ng gobyernot pamilya Marcos kaugnay nito, ang nakaw na yaman ay hindi na dapat na nakawin pa. Susi N g Kap a yap aan August 1, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) HABANG nakasalang sa pagitan ng gobyerno at ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) ang usapang pangkapayapaan sa ikalulutas ng matagal nang rebelyon ng mga Muslim sa Mindanaw, lubhang napapanahong masusing pag-aralan ng mga henyo ng kasalukuyang rehimen lalo na ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang malalim nang mga ugat ng naturang problema. Inakala noon na nalutas na ang nasabing rebelyon nang makipagkasundo sa gobyerno ang grupong MNLF (Moro National Liberation Front) ni Nur Misuari at itayo ang ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) pero lumubha pa nga ang gulot karahasan at patuloy pang lumulubha nang maghimagsik naman nang malaon ang MILF, bukod pa sa terorista diumanong Abu Sayyaf at humiwalay na tropa ng MNLF Dahil sa rebelyong ito, marami na ngang buhay ang ibinuwis, sa panig man ng militar o ng mga Muslim o ng inosenteng mga sibilyan. Pinakahuli sa listahan ang 14 na sundalong napatay sa pakikipagsagupa sa MILF kamakailan sa Basilan na, kung tutuusin, ay pinatay hindi ng mga Muslim, kundi ng talamak na katiwalian ng mga opisyal ng AFP o Hukbong Sandatahan ng bansa dahil sa matagal nang nakaugaliang palusot o kickback sa pagbili ng mga armas at iba pang kagamitang pandigma. Pinutulan pa nga ng ulot ari ang 10 sa kanila na labis ngayong ikinagagalit ng gobyerno kaya nagbantang dudurugin ang mga kinauukulan, at nagpalabas na nga ito ng 130 mandamiento de arresto laban sa mga nagsagawa ng gayong brutalidad.

Kung susuriin, hindi lamang kuwestiyon ng kulturat relihiyon o ng soberanyat kasarinlan o ng pangteritoryong integridad ang pagrerebelde ng mga Muslim tungo sa hiwalay na Bangsa Moro sa Republika ng Pilipinas. Sa nagdaang mga rehimen hanggang ngayon, nagkasapin-sapin na at nilumot na ang panlipunang mga problema sa Mindanaw bunga, unang-una, ng kapabayaan at kainutilan ng gobyernot pambansang liderato na tugunan ang mga pangangailangan ng naturang rehiyon kaya, hindi katakataka, laganap ngayon doon ang gutom at karalitaan at kawalan ng oportunidad lalo na sa sentro ng mga Muslim. Gaya sa iba pang mga panig ng bansa na patuloy naman ang rebelyon ng CPP-NPA, naghahari doon ang kawalangkatarungan at pagsasamantala sa masang sambayanan ng mga kinauukulan kaya lubhang napakailap at malabong anino lamang ang tunay na hustisya sosyal. Hindi na nga dapat ikagulat ang tumitinding kaguluhan at karahasan sa Mindanaw na, ayon noon sa yumaong Hashim Salamat, dating tagapangulo ng MILF, ay magpapatuloy at maaaring magtagal kung kamay na bakal ang paiiraling patakaran ng gobyerno sa paglutas sa rebelyon doon. Binigyang-diin pa ni Eid Kabalu, tagapagsalita ng MILF, na kung sasalakayin ng mga sundalo ang kanilang kampot teritoryo, puspusan silang lalaban at maglulunsad ng mga ganting-salakay. Para kay Salamat, dapat magdaos ng isang reperendum sa nasabing rehiyon para matiyak kung gusto o hindi ng mga mamamayan ang isang nagsasariling Islamikong Estado o Bangsa Moro bagaman, sa kabilang banda, lumilitaw na hindi papayag ang gobyerno na matulad ang Mindanaw sa Silangang Timor na nagsarilit humiwalay sa Indonesia ilang taon na ang nakararaan. Kahit Sulu, Tawi-Tawi, Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur ang balwarte ng mga Muslim sa 24 na probinsiyat 20 siyudad sa Mindanaw, susuportahan diumano sabi ni Salamat sa mga bayanbayan at probinsiyang kontrolado ng mga Kristiyano, ngunit nakararami ang mga Muslim, ang pagkakaroon ng nagsasariling Bangsa Moro dahil na nga, unang-una, sa kapabayaan ng pamahalaang tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan doon at paunlarin ang rehiyong iyon. Batay tuloy sa umiiral na mga kalagayan doon at namamayaning kontradiksiyon sa pagitan ng gobyernot MILF, mananatiling mabuway ang lahat sa Mindanaw at mukhang malabo pang makamit ang kapayapaan doon, lalot nananatiling propaganda lamang ng pamumulitika ng pambansang liderato ang ipinangangalandakang pagpapaunlad sa nasabing rehiyon. Sa Mindanaw o sa iba pang panig ng bansa hindi makakamit ang kapayapaan hanggang lumalaganap ang karalitaan at inhustisya, hanggang tiwalit nagmamalabis sa kapangyarihan, naglulublob sa pribilehiyo, at walang habas na kinokontrol ng naghaharing-uri ang pambansang ekonomiyat pulitika sa kapinsalaan ng masang sambayanan, lalot napakakasangkapan pa ang mga ito sa dayuhang mga interes at patuloy na ibinebenta ang pambansang kasarinlan at kapakanan at kinabukasan ng susunod na mga henerasyon.

Sa maikling salita, hindi dahas kontra dahas, hindi punglo at giyera, ang dapat itugon ng gobyerno sa tumitinding rebelyon ng mga Muslim na, tiyak, higit na magbubunga pa ng gulot karahasan, lalot napatunayan na ng kasaysayan ang katapangan at hindi pagsuko ng mga Muslim sa panahon man ng mga Kastila o Amerikano, sa panahon man ng Hapon o diktadurang Marcos. Sa Mindanaw o saanman, lupat bahay pa rin, pagkain pa rin at damit, paaralan pa rin at ospital, trabaho pa rin at iba pang pangunahing mga pangangailangan ng mga mamamayan at lantay na hustisya sosyal ang pinakamabisang lunas sa anumang rebelyon. Pang-unawa pa rin, at matapat na pagdinig at mabisang pagtugon ng gobyerno sa karaingan ng mga mamamayan ang susi ng kapayapaan. KULE LAT July 25, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) SA KABILA ng kung anu-anong propagandat estadistika ng mga tambolero ng kasalukuyang rehimen na maayos at nasa tamang direksiyon ang pamamahala ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo para sa kapakanan ng bansat sambayanan, lubhang balintunang pinakamababa ang grado niyang tinanggap mula sa mga mamamayan kung ihahambing sa nakuhang marka nina dating Presidente Corazon C. Aquino, Fidel V. Ramos at Joseph Estrada. Batay sa resulta ng sarbey ng SWS (Social Weather Stations), mababa pa sa zero noong Hunyo 2007 ang grado ni La Gloria, -3 lamang. Sa kabilang banda, +7 noong Abril 1992 ang grado ni Cory, +19 ang kay Ramos noong Abril 1998 at +9 ang kay Erap noong Disyembre 2000. Maliwanag na lumilitaw tuloy, kung gayon, na disgustado ang maraming mamamayan sa lideratot pamamalakad niya sa bansa mulang 2001 hanggang ngayon, at hindi na nga katakataka kung dumarami nang dumarami ang humihinging umalis na siya sa poder. Pinatunayan lamang ng naturang sarbey na hindi kayang baluktutin ng anumang propaganda ang reyalidad. Anumang pagmamapuri ang ipangalandakan ng pambansang liderato lalo na sa mga SONA ni La Gloria umuunlad ang ekonomiya, trabaho sa milyun-milyong mamamayan, pagkain sa bawat mesa, pabahay sa mga maralita, murang gamot, edukasyon para sa lahat, katuparan ng reporma sa lupa, kapayapaan ng bayan, malinis na gobyernot sistemang elektoral, paghahari ng demokrasyat hustisya sosyal at kung anu-ano pang mailusyong mga programa naghuhumindig naman, sa kabilang banda, ang hindi mapapasubaliang mga katotohanan. Katakataka pa nga ba kung mababa pa sa zero ang ibinigay na marka ng mga mamamayan kay La Gloria noon lamang Hunyo 2007? Una, sa kanayunan man o kalunsuran, tumitindi ang gutom at karalitaan kahit sinasabing patuloy na umuunlad ang pambansang ekonomiya. Sa Mindanaw na lamang batay sa mga pag-aaral 21.3% ng mga mamamayan ang nagugutom, 12.5% o higit pa sa Kamaynilaan, at mga 17% sa buong bansa. Maliwanag na tumitindi ang disempleyo at kawalan ng oportunidad sa bansa kaya napipilitang mandayuhan at magpaalipin sa kung saanmang sulok ng mundo ang milyun-milyong manggagawang Pilipino. Katotohanan ding nadaragdagan pa ang napakarami nang

mamamayang walang bahay, walang lupa, walang-wala. Tanggapin nang umuunlad ang ekonomiya sa kapakanan ng argumento naramdaman na ba ng masang sambayanan ang naturang kaunlaran? Nalasap na ba iyon ng kanilang bituka at nalahiran niyon, kahit bahagya, ang kanilang pang-araw-araw na buhay? Ikalawa, mulang 2001 hanggang ngayon, naging talamak ang katiwalian sa ibat ibang sangay ng gobyerno at usadpagong naman ang hustisya para maparusahan ang mga kinauukulan. Sabi nga, ang mga kakaning-itik lamang ang kayang dagukan ng batas samantalang nagpapasasa sa pera ng bayan ang hari-hariang mga salabusab. Ano na ang nangyari sa jueteng payola, sa maalingasaw na mga kontratang tulad ng North Rail, Macapagal Blvd., PIATCO, at Venable LLP, bukod pa sa niwaldas na pondo sa pataba sa lupa (fertilizer scam), maanomalyang transaksiyon ng Comelec sa pagbili ng automated counting machines, at iba pa, at iba pa? Ikatlo, sa kabila ng itinatambol na mga reporma sa sistema ng eleksiyon, ano na ang wakas ng Hello Garci na nagdulot ng matinding pag-aalinlangan ng mulat na mga mamamayan sa pagkakapanalo ni La Gloria sa eleksiyong pampanguluhan noong 2004? Sapagkat hindi naman naparusahan ang mga kinauukulan unang-una na ang isang Virgilio Garcillano at itinaas pa ng ranggo ang mga militar na nabanggit sa naturang kontrobersiyal pa ring tape, lalo pa ngang lumagabog ang kredibilidad ni La Gloria. At, parang nauulit ang lahat sa Magindanaw, nagkalat pa sa katatapos na eleksiyon ang isang Lintang Bedol. Ikaapat, bagaman bukang-bibig ng pambansang liderato ang pagmamahal sa kalayaan at demokrasya, lalo na ang pangangalaga sa sagradong mga karapatang pantao o kalayaang sibil ng mga mamamayan, kabaligtaran naman ang mga hakbang ni La Gloria. Maliwanag nga itong napatunayan sa mapanikil niyang mga dekrito at proklamasyon na, sa opinyon ng Korte Suprema, ay labag sa Konstitusyon. Tuluy-tuloy pa nga ang mga pagdukot at pagpatay na pampulitika laban sa mga puwersang makabayan at progresibo at tandisang mga kritiko ng umiiral na rehimen. Puspusan pa nga ang pagkilos ng mga kinauukulan para ganap na ipatupad ang tiranikot mala-batas militar na HSA (Human Security Act) na sasalaula sa demokratikong mga proseso, magbubunsod ng higit pang mga karahasan at didiskaril sa usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA man o sa MILF. Batay sa mga nabanggit, at umiiral na reyalidad ng pamumuno sa bansa ni La Gloria pabanguhin man siya ng kanyang mga tambolero sa pamamagitan ng mga retorikat inimbentong estadistika o purihin man niyat buhatin ang sarili ano pa nga bang grado ang maaasahan niya mula sa namumulat na mga mamamayan? Kulelat? SAN A At S AN A P a July 18, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) SA Hulyo 23, nakatakda ang ika-7 SONA (State of the Nation Address) ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Natural, mamamayagpag na naman siya sa bulwagan ng diumanoy marangal na Kongreso at buong sigabong

ipapangalandakan, sa pamamagitan ng hungkag na mga retorika, ang kagilagilalas na nagawa ng kanyang rehimen para sa kaunlaran ng bansat sambayanan. Tulad din ng iba pang mga SONA ng kung sinu-sinong naging Presidente ng bansa, iduruyan niya lamang sa ilusyon ng mga pangako at maambisyong mga programa ang dayukdok na sambayanan. Natural, unang-una, muli niyang itatambol at itatampok ang mahusay niya diumanong mga programa para sa pagpapaunlad sa tinagurian niyang Super Regions at, gayundin, ang kanyang nakahihilong pangarap na maihatid at mapabilang ang bansa sa loob ng 20 taon sa daigdig ng mauunlad at industriyalisadong mga bansa (First World) na wari bang, sa isang banda, mananatiling nakapagkit ang kanyang puwit sa trono ng kapangyarihan sa gayong kahabang panahon. Batay na rin sa pahayag kamakailan ni Sekretaryo Ignacio Bunye ng Malakanyang, bibigyang-diin ni La Gloria sa kanyang walong ulit nang nirebisat patuloy na kinikinis na talumpati sa nakatakdang SONA ang mabulaklak na landas na tatahakin ng ekonomiya, ang pagkakaroon ng katatagang pampulitika, at pag-iral ng tunay na hustisya sosyal. Gayundin, hindi niya kalilimutang pag-ukulan ng pansin ang kapayapaan sa Mindanao, ang puspusang pagpapaunlad sa naturang rehiyon, at ang patuloy na pakikibaka laban sa sinasabing terorismo kaugnay ng mga patakaran ni Presidente George W. Bush ng Estados Unidos laban naman sa kinababaliwan nitong pandaigdig o global na terorismo. Tiyak, batay na rin sa reyalidad at umiiral na pambansang kalagayan, kahit kinisin pa nang kinisin ang nilalaman at pagkakasulat, mamumutiktik lamang sa malinaw na mga kontradiksiyon ang SONA ni La Gloria sa Hulyo 23. Hanggang kontrolado ng iilang pamilya ang pambansang pulitikat ekonomiya (60 pamilya lamang ayon sa manunulat na si Stanley Karnow), at isang-ikalimang (1/5) bahagi lamang ng populasyon (ayon naman kay Padre John Doherty, SJ) ang nagpapasasa sa 50% ng pambansang kita, at hindi nababago ang balintunang balangkas ng lipunan, malabong maghari sa bansa ang tunay na hustisya sosyal. Habang nakatali sa asintos ng dayuhang interes, lalo na mapandambong na diktat mga patakaran ng imperyalismong Amerikano at tau-tauhan pa nga nito o kasabuwat ang pambansang liderato suntok sa buwan na magkaroon ng pambansang industriyalisasyon at maihatid sa rurok ng kaunlaran, gaya ng mailusyong pangarap ni La Gloria, ang pambansang ekonomiyat matatag niyang Republika. Paano rin makakamit ang katatagang pampulitika kung puspusang isinusulong pa ng Estado at ng naghaharing pambansang liderato ang paninikil at pagsalaula sa sagradong mga karapatang sibil ng sambayanan at, gayundin, kung mismong ang mga ito ang unang-unang nagbabasura sa demokratikong mga proseso? Maliwanag na halimbawa ang nagdaang mga hakbang ng umiiral na rehimen (E.O. 464, CPR, Proklamasyon 1017, at iba pa). Hindi pa nga nalulutas, at patuloy pa, ang mga pagdukot at pagpatay na pampulitikang kinasasangkutan diumano ng AFP (Armed Forces of the Philippines), narito pa nga ngayon ang tiranikot mala-batas militar na HSA o batas kontra-terorismo na umaani na ng matinding mga pagtuligsa at sunud-sunod na mga kilos-protesta. Sa halip na isulong nga ng Estado ang talastasang pangkapayapaan sa tropang MILF (Moro Islamic Liberation Front) at, gayundin, sa CPP-NPA, lalo pa lamang nitong pag-aalabin at palulubhain ang lahat sa pamamagitan ng

patakarang ngipin sa ngipin o dahas kontra dahas. Sapagkat itinuturing nang terorista ng gobyerno ang naturang mga grupo, maliwanag na gagamitin ang HSA laban sa mga ito. Maliwanag ang mensahe ng batas, sabi nga ni Bunye. Tutugisin at dudurugin, binigyang-diin ng Malakanyang, ang lahat ng maaari nitong ituring na terorista batay sa napakasaklaw, ngunit napakalabo, nitong depinisyon ng terorismo kaya, sa isang banda, maaaring terorismo na rin maging ang lehitimong pagtuligsat paghingi ng pambansang pagbabago sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Makabuluhan tuloy hanggang ngayon, at higit na makatotohanan, ang obserbasyon noon ng yumaong Sen. Claro M. Recto na magkatulad ang kalagayan ng bansa sa kalagayan ng Cuba bago pinatalsik nina Fidel Castro ang diktadurat masamang rehimen ni Fulgencio Batista. Ganoon din ang obserbasyon noon ni Carl Rowan (dating direktor ng US Information Agency). Ayon kay Rowan, umiiral ang pagwawalang-bahala ng naghaharing-uri, ang pagkakaroon ng mga subersibo at gerilya sa kabundukan, ang patuloy na pag-ungol ng disgustadong mga estudyantet intelektuwal sa mga siyudad, at napakaliit na minorya ang mahigpit na kumukontrol sa kayamanan ng bansa. Idinagdag niyang nagigising na ang masa sa katotohanang ito at nakikita na nila ang kasalanan ng isang oligarkiyang gumagamit ng katiwalian, at umuupa ng mga mamamatay-tao para makapanatili sa kanilang pribilehiyadong katayuan. Kung hindi diumano magigising ang naghaharing-uri sa pangangailangan ng masang sambayanan, dagdag niya, maaaring magkaroon ng malaking gulo sa bansa. Natural, at dapat nang asahan, pasisinungalingan ni La Gloria sa kanyang SONA ang umiiral na tiwalit masamang pambansang kalagayang nakita na noon pa man nina Recto at Rowan at, tiyak, iduruyan nga niya sa rurok ng pagasat mahalimuyak na kinabukasan ang dayukdok na sambayanan. Parang sirang plaka ng ponograpo, paulit-ulit nga lamang ang mga nilalaman ng SONA ngunit, sa kabilang banda, paulit-ulit ding idaraing ng mga mamamayan: SANA, SANA NGA! HSA: T ero r ismo Ng Esta d o July 11, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) SA ISANG bansang may malalabnaw na utak ang mga namumuno sa gobyerno at parang mga garapatang hindi makahiwalay sa puklo ng imperyalismong Amerikano, hindi na katakatakang paratangan agad na subersibo at terorista na ang sinumang tao o grupong nagtataguyod ng makabayan, makatao at progresibong mga adhikain, lalo na laban sa sugapa sa kapangyarihang pambansang liderato at mapandambong at mapaghari-hariang interes ng Estados Unidos dito. Napatunayan na ito, sa maraming pagkakataon, noon pa mang nagdaang mga rehimen at, lumilitaw, nagiging grabe pa ang lahat sa administrasyon ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Unang-una, hindi pa rin masugpo, at walang nalulutas, sa serye ng mga pagdukot at pagpatay na pampulitika na karaniwang mga biktimay miyembro ng mga organisasyong itinuturing na maka-Komunista o lantarang mga kritiko kaya ng kasalukuyang lideratot sistema ng gobyernong mapanikil sa mga karapatang sibil ng sambayanan o mapanalaula sa demokratikong mga proseso mapangalagaan lamang ang pansariling mga interes at ambisyon sa

kapangyarihan. Ikalawa, bilang pangangayupapa sa dikta ni Presidente George W. Bush ng Amerika kaugnay ng inimbento nitong giyera kontra diumano sa global na terorismo, igigilgil na nga sa Hulyo 15 ang diktatoryal, despotikot mapang-abusong mala-batas militar na HSA (Human Security Act) o batas kontra-terorismo. Batay na rin sa pahayag kamakailan ng dalawang pangunahing anghel de la guwardiya ng Malakanyang, malamang kaysa hindi na abusuhin ng mga kinauukulan at gawing instrumento pa ng terorismo ng Estado laban sa sambayanan ang HSA. Ipinangalandakan na nga ni Sekretaryo Norberto Gonzales, tagapayo ni La Gloria sa pambansang seguridad, na maaaring gamitin ang nasabing batas upang ituring na terorista ang mga kalaban lamang sa pulitika. Walang kagatul-gatol at arogante namang sinabi ni Sekretaryo Raul Gonzalez ng Katarungan na, sa pamamagitan ng HSA, maaari nang pakinggan ang usapan sa telepono (wiretapping) ng mga peryodista at iba pang hinihinala pa lamang na mga terorista. Bagaman sinasabi ng mga tambolero ng rehimen na may ilalatag na mga regulasyon at mekanismo upang hindi maabuso, lalo na ng mga pulis at militar, ang HSA, napakalabo naman dito ang depinisyon o kahulugan ng pagiging terorista. Depende na sa mga diyus-diyosan sa gobyerno, batay sa dispalinghado nilang lohika, kung ituturing nilang terorista o hindi ang sinuman at kung labag sa batas o hindi ang kanilang mga kahingian. Halimbawa, maaari nang ituring na terorista ang mga humihinging umalis na sa poder si La Gloria o baguhin kaya ang napakabalintunang sistema ng lipunang naghahari sa pulitikat ekonomiya at naglulublob sa grasyat pribilehiyo ang iilang elitistat uring mapagsamantala habang, sa kabilang banda, nananatiling nagdaralitat dayukdok ang malawak na sektor ng sambayanan. Sa ilalim ng HSA, terorismo na ang paghahasik ng takot at kalituhan at pamimilit sa gobyernong ipagkaloob ang mga kahingiang labag sa batas. Samakatuwid, mga hakbang na ng terorismo maging ang mapayapang mga demonstrasyon at kilos-protestang tumutuligsa sa balintunang mga patakaran ng gobyerno na, kung tutuusin, sagrado itong karapatan ng mga mamamayan na ginagarantiyahan ng umiiral na Konstitusyon kaugnay ng mga karapatang sibil at pantao (Bill of Rights). Sapagkat masusugid na basalyos ni La Gloria tulad nina Ermita, Gonzales at Gonzales, at kung sino pa ang bubuo ng Konseho Kontra-Terorismo na papapel bilang imbestigador, hukom at taga-bitay sa ilalim ng naturang batas, tiyak, kaysa hindi, na walang habas na gamitin ng mga nasa poder ang HSA laban sa itinuturing nilang mga kalaban sa pulitika at, gayundin, sa sambayanang patuloy na humihingi ng lantay na mga pagbabagong pampulitika, pang-ekonomiyat panlipunan sa bansa. Ano pa nga ba ang demokratikong mga proseso kung, sa ilalim ng naturang batas, maaari nang hulihin at bulukin sa bilangguan ang sinuman batay lamang sa kapritsot baluktot na lohika ng Konseho Kontra-Terorismo kahit walang kaukulang mandamiento de arresto o wala pang matibay na ebidensiya at pinaghihinalaan lamang ang kinauukulan? Ano pa ang saysay ng demokratikong mga proseso kung maaaring basta na lamang kumpiskahin ng gobyerno ang deposito sa bangko at iba pang ari-arian ng sinumang hinihinalang terorista? Ano pa ang

kahihinatnan ng isinusulong ng gobyernong usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA at MILF (Moro Islamic Liberation Front) kung, sa ilalim ng HSA, terorista nang itinuturing ang dalawang grupong ito? Saanmang punto tingnan ngayon, higit pang mga problema sa halip na malutas ang napapanaginipang terorismo ang tiyak na idudulot sa bansat sambayanan ng HSA, unang-una na ang nakaugalian at tumitinding paglabag ng umiiral na rehimen sa mga karapatang pantao at ang lalong pagsalaula pa, sa isang banda, sa Konstitusyon at demokratikong mga proseso. Sa ilalim ng isang sibilisadong lipunang nagmamahal diumano sa demokrasya, hindi dapat magkapuwang at umiral ang isang batas na gaya ng HSA. Sa halip na mapangalagaan nito ang mga mamamayan laban sa sinasabing terorismo, isusulong lamang nito ang terorismo ng Estado laban sa makabayan at progresibong mga mamamayan lalo na ngat ipatutupad ito ng isang iresponsableng liderato. Sa anot anuman, lagi at lagi namang isinusumpa ng kasaysayan ang mga diktador at mapang-abuso sa kapangyarihan. Hul yo 4 : Hu wad na Kasa r inlan July 4, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) MATAPOS linlangin ng pamunuang Amerikano si Hen. Emilio Aguinaldo at agawin ng mga ito ang idineklara ni Aguinaldo na paglaya ng bansa sa kamay ng kolonyalistang mga Kastila noong Hunyo 12, 1898 sinakop nga ng lahi ng mga Yankee ang Pilipinas sa pamamagitan ng Tratado sa Paris na binayaran ng $20-M ng Estados Unidos ang Espanya para maging kolonya naman nito ang bansa. Pinairal nila dito noon, sa halos 50 taon, ang imperyalista nilang mga patakaran at interes, pampulitika man, pang-ekonomiya, pang-edukasyon o panlipunan na, higit na masama, umiiral pa rin hanggang ngayon. Sa pamamagitan ng Batas Tydings McDuffie na pinagtibay ng gobyernong Amerikano noong 1934 na nangakong ibabalik nila ang kasarinlan ng Pilipinas 10 taon matapos pagtibayin ang dinisenyo nilang kolonyal na Konstitusyon ng 1935. Sa ilalim ng naturang batas, tiniyak na mananatili ang karapatan ng mga korporasyon at mamamayang Amerikano na magkaroon ng mga ari-arian sa Pilipinas, magtalaga ng mga tropat magtayo ng mga base militar sa malawak na teritoryo nito. Gayundin, tiniyak din ang pagpapatupad ng malayang kalakalan ng Amerikat Pilipinas. Sa ilalim pa ng minamaniobra nila noong rehimeng Roxas, ibat iba nang imperyalistang pagsasamantala ang kapalit ng diumanoy kasarinlang ibinalik noong Hulyo 4, 1946. Nariyan ang Batas sa Ari-arian na nagtadhanang hindi maaaring pakialaman ang lahat ng lupat guasalit iba pang ari-ariang pag-aari na ng mga Amerikano bago, at pagkatapos, ng Hulyo 4, 1946. Nariyan ang Batas Bell sa Kalakalan at Parity Rights na nagpahintulot na dambungin ng kapitalistang mga Amerikano ang likas na yaman ng bansa at diktahan ng Estados Unidos maging ang taripa at halaga ng piso kontra dolyar. Nariyan pa rin nga ang Kasunduang Militar ng Amerika at Pilipinas na nagpahintulot sa pagtatayo ng mga base militar nila dito na napalayas lamang pagkatapos ng 99 na taon pero, sa kabilang banda, nahalinhan naman ngayon

ito ng VFA (Visiting Forces Agreement) na, hindi maikakaila, instrumento pa rin ng mga Amerikano upang supilin ang mga kilusang makabayan at progresibo o laban sa interes ng Amerika dito. Hindi na tuloy dapat ikagulat ngayon kung bakit nag-aalok ng tulong na militar sa AFP ang Amerika kamakailan para lipulin diumano ang CPP-NPA at iba pang tropang agad nilang binabansagang mga terorista. Bilang paghohosana kay Presidente George W. Bush ng kasalukuyang rehimen, lumilitaw na hindi na mahahadlangan ang pagpapatupad na nito ngayong Hulyo ng masahol pa sa teroristang HSA (Human Security Act) o batas kontra-terorismo. Sapagkat ginawa nilang tau-tauhang sunud-sunuran o papet ang pambansang liderato, mula pa kina Osmena, Roxas at Quezon hanggang ngayon kay La Gloria, malaya nilang nahakot sa murang halaga ang asukal, abaka, niyog, troso, mineral at iba pang hilaw na materyales at, sa kabilang banda, ginawa nilang tambakan ng sobra nilang mga produktot kapital ang bansa, tulad na lamang ng mga gamot at kemikal at mga kagamitang medikal, bukod pa sa kung anu-ano pang mga produktong ayaw na yatang tangkilikin sa kanilang bansa ng mga mamamayan nila. Hindi maikakaila, iginilgil at pinairal nila sa bansa ang isang edukasyong kolonyal at nasa wikang Ingles na, kung tutuusin, ay mabisang instrumento ng pampulitikang indoktrinasyon ng sambayanan para mangayupapa ang mga ito sa mga bagay at pagpapahalagang maka-Amerikano. Kinontrol din nila maging ang daluyan ng malayang komunikasyon (radyo, telebisyon, babasahin at maging internet ngayon) para mapalaganap ang kanilang mga propagandat maianunsiyo pa ang kanilang mga produkto upang tangkilikin ng mga mamamayang Pilipino sa kapinsalaan ng lokal na mga industriya. Dahil sakal-sakal pa rin ng diyus-diyosang Amerikano ang halos lahat ng antas ng pambansang larangan, hindi na tuloy katakataka kung manatiling bitukang agrikultural nito ang Pilipinas at patuloy na anino lamang ang pambansang industriyalisasyon habang, sa kabilang banda, nagdaralitat busabos ang masang sambayanan, ipinagkakait sa kanila ang tunay na hustisya sosyal at binabansot ang kanilang makabayan at mapagpalayang mga adhikain tungo sa pambansang katubusan. Sa maikling salita, kahit ibinalik ng mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946 ang inagaw nito sa kamay ng mga rebolusyonaryong Pilipino na idineklarang kasarinlan noong Hunyo 12, 1898, nananatili pa ring huwad hanggang ngayon ang naturang kalayaan at kasarinlan, lalot nadidiktahan nito at napapaikot sa kanilang imperyalistang mga layunin ang walang gulugod at kasabuwat pang pambansang liderato. Naiparatang tuloy noon ng yumaong makabayang Sen. Claro M. Recto na kaakibat ng huwad na kasarinlang ito ang isang bagong pang-aalipin. At hindi naiwasang ipayo noon ni Recto sa sambayanang Pilipino: Mangarap tayong kagaya ni Bonifacio, at ipagpatuloy natin ang pakikibaka para sa ganap na katubusan ng ating lahi mula sa kamay ng bagong pang-aalipin, at huwag tayong padala sa takot at pag-aalinlangan, bagaman maaari tayong salubungin ng dambuhalang mga alon sa ating paglalakbay. B u wa ya! June 27, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Editoryal) MATAGAL nang inihalintulad sa buwaya ang mga miyembro ng diumanoy marangal na Kongreso dahil sa kasibaan nila sa pera. Panahon pa yata ng yumaong Presidente Elpidio Quirino, kilala na sa pagiging salabusab sa pondo ng bayan ang kung sinu-sinong senador at kongresista kaya, tulad din ng hunyangong agad nakapagpapalit ng kulay batay sa inaangkupang kapaligiran, marami sa kanila ang biglang tumatalikod sa dating mga prinsipyot paninindigan, nangangayupapa sa dikta ng Malakanyang, masagpang lamang ang nakalalaway na multi-milyong pisong pork barrel na, dahil maalingasaw na sa mga katiwalian, pinaganda pa nga ang pangalan at tinawag ngayong CDF (countryside development fund). Sa panahon ngayon ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, P200-M sa bawat senador at P70-M sa bawat kongresista ang itinakdang CDF taun-taon, bukod pa nga sa kung anu-anong pondo at ganansiyang walang habas nilang nasasalamangka kaya, hindi na katakataka, kung bakit marami ngayon ang halos mabaliw at makipagpatayan maluklok lamang sa Kongreso. Mabuti nga kung matapat na nagagamit ang naturang pondo sa pagpapaunlad sa kanilang kinakatawang mga lugar ngunit, kalakaran na yata, nariyan ang limpak-limpak na kickback sa mga proyekto o pagawaing-bayan na pinondohan mula sa CDF na mula naman, sa kabilang banda, sa labis-labis na buwis na patuloy na kumukuba sa dayukdok nang sambayanan. Noon pa mang nagdaang mga rehimen, napatunayan na ng kasaysayan ang pagkabuwaya sa pork barrel ng maraming mambabatas. Sa maraming pagkakataon, parang matabang karne itong inilalawit-lawit ng Hari o Reyna ng Malakanyang sa naglalaway na bunganga ng mga mambabatas na gusto nitong masilot mapasunod sa anumang kagustuhan o kapritso at, marami nga sa kanila, ang nagbenta ng delikadesa, ng nalalabing karangalan at ng dating prinsipyot paninindigan. Sa ilalim ng rehimen ni La Gloria sa ngalan ng pork barrel marami ang sumukob sa kanyang palda, lalo na sa Kamara, kaya para silang mga manyikang de susi o mga payaso sa karnabal na nagbasura agad sa dalawang kasong impeachment laban sa kanilang amo kahit hindi pa nasusuring ganap ang iniharap na mga impormasyon at ebidensiya. Lalo pang tumingkad ang kanilang pagkabuwaya nang ibulgar kamakailan ni Rep. Herminio Teves ng Negros Oriental ang ipinaparatang niyang mga katiwaliang nagaganap sa CA (Commission on Appointments) ng Kongreso. Binubuo ang naturang komisyon ng 12 kongresista at 12 senador at, ayon kay Teves, kinikikilan o binabakalan o hinihingan ng mga P5-M ng tinatawag niyang Big Five ang mga hinihirang sa gabinete at maging sa herarkiya ng militar upang makalusot doon ang nombramiyento. Sabi ni Teves, ibubunyag niya ang pangalan ng mga ito sa isang opisyal na imbestigasyon at, kung totoo nga ang lahat, isang matinding sampal na naman ito sa makapal nang mukha ng Kongreso.

Hindi na lihim at bulgar na bulgar na, ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, ang gayong garapalang pangingikil sa CA sa mga nombradong manungkulan sa gabinete o sa mataas na puwesto sa AFP. Sapagkat mapagkukuwartahan ang maging miyembro ng CA, tulad din ng ibat ibang makapangyarihang mga komite sa Kamara man o sa Senado, hindi na nga nakagugulat na ngayon pa lamang, ayon sa isang babaing mambabatas, 63 kongresista na ang nagbabalyahang maging miyembro nito. Hindi malayong maglabu-labo din ang marami sa kanila para pamunuan ang mga komiteng labis na pinagkakakitaan halimbawa na, unang-una, ang Komite sa mga Pagawaing-Bayan (Public Works). Sapagkat talamak ang katiwalian sa burukrasya at, sabi nga, balon ng pera ang kakambal ng mataas na puwesto sa gobyerno, hindi lamang nga sa Kongreso naghambalang ngayon ang mga buwaya. Sa ibat ibang ahensiya o tanggapan nito, nakalitaw ang kanilang mga pangil at handang sakmalin sa bawat pagkakataon ang pondong mula sa pawis at dugo ng nagdaralitang sambayanan. Higit na masama, maging sa templo ng karunungan at karangalan, namumugad na rin ang mga buwaya at, batay sa natuklasan ng Komisyon ng Awdit o COA, maraming katiwalian ang naganap sa PLM {Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) tulad ng ilegal na paggastos sa pondo, ilegal na mga kontrata at iba pang mga anomalyang naglaladlad ng katiwalian. Mismong Presidente ng PLM at Lupon ng mga Rehente nito ang nasasangkot diumano sa gayong mga bagay. Sa PLM ba lamang ito nangyayari o sa iba pang pampublikong mga unibersidad na nasa kandili ng Estado? Lubhang nakasusulak tuloy ng dugo, sabi ng mga kritikong panlipunan, na habang nakalublob sa karalitaan at walang pambili ng kahit palotsinang kabaong ang ordinaryo o masang sambayanan, walang patumanggang sinasakmal lamang ng mga buwaya sa gobyerno ang buwis na pinipiga sa kanilang bulsa. Sino An g T una y Na T eror ista? June 20, 2007 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Editoryal) NANG sinusulat ito, Hunyo 18, pinakahuling nadagdag sa listahan ng mga biktima ng mga pagpatay na pampulitika si Mario Auxillo, lider ng Bayan Muna sa Bohol at, batay sa ulat ng grupong Karapatan, umabot na nga ng 844 ang mga biktima, bukod sa 198 mga dinukot, buhat lamang noong 2001 nang magsimulang manungkulan bilang Presidente ng diumanoy Matatag na Republika si Gloria Macapagal-Arroyo. Kailan ito magwawakas? O wala nang pag-asang magwakas sa ilalim ng naghahari-hariang rehimen? Batay sa ibinulgar kamakailan sa Inquirer ng dalawang heneral na ayaw pang magpakilala at ibibigay nila diumano kay Sen. Antonio Trillanes IV ang maraming impormasyon at ebidensiya kaugnay ng Hello Garci at mga pagpatay na pampulitika lumilitaw na talagang malaki ang kinalaman ng militar sa mga bagay na ito. Sa isang

pagpupulong ng mga sundalo, ayon sa kanila, hayagang kinumusta ng isang heneral kung ano na ang nangyayari sa kanilang misyon sa Luzon. Itinanong niya sa kanyang mga sundalo kung ilan nang militanteng mga aktibista ang kanilang napatay, sabi ng mga nagbulgar sa Inquirer. Hayagan nila iyong tinalakay. Ipinagyabang pa nga nila ang mga pagpatay. Utakpulbura talaga sila. Dahil sa gayon, sabi ng dalawang heneral na nagbulgar ng mga impormasyon sa Inquirer, maraming militar ang nagakalang malaking puntos para sa kanilang promosyon sa higit na mataas na ranggo kung marami silang napatay na militanteng mga aktibista, peryodistat kritiko o mga kalaban sa pulitika ng umiiral na rehimen. Kung ganito nga ang takbo ng utak ng maraming sundalot opisyal ng AFP (Armed Forces of the Philippines), lalong titindi ang kaso ng mga pagpatay na pampulitika at lalong dadami ang mga desaparecidos o mga dinukot na hindi makita, hanggang ngayon, ang anino o kalansay. Bukod sa mga nabanggit, nariyan pa nga ang ipatutupad sa Hulyo kung hindi mahahadlangan na HSA (Human Security Act) o batas kontra-terorismo. Batay sa mapanikil na naturalesa ng pambansang liderato (CPR, E.O. 464, Proklamasyon 1017 at marahas na pagbuwag sa lehitimong mga kilos-protesta, kasama na nga ang nangyayaring mga pagdukot na pagpatay na pampulitika), hindi malayong abusuhin pa nga ng mga ito ang naturang kontrobersiyal na batas makapanatili lamang sa kapangyarihan. Unang-una, napakalabo sa nasabing batas ang kahulugan ng pagiging terorista. Batay sa nilalaman nito, ang paghahasik ng pangamba at kalituhan at pamimilit sa gobyerno na sundin ang labag sa batas na mga kahilingan ay mga hakbang na ng terorismo. Pinagsama-sama maging ang karaniwang mga krimeng may kaukulang kaparusahan sa ilalim ng umiiral na mga batas, at itinadhana na rin itong terorismo. Ipinahihintulot ng HSA ang pagdakip na walang mandamiento de arresto, paniniktik sa mga pinaghihinalaan, pakikialam sa komunikasyon, deposito sa mga bangko at iba pa, at pagkumpiska sa mga ari-arian ng mga pinaghihinalaan pa lamang na mga terorista. Sa maikling salita, sinasalaula nito ang sagradong mga karapatan ng mga mamamayan (Bill of Rights) na ginagarantiyahan ng kasalukuyang Konstitusyon. Higit na masama, ang binuong Konseho Kontra-Terorismo ang may labis na kapangyarihang maging imbestigador, hukom, at tagapagpatupad ng batas kaugnay nito. Ayon tuloy sa KME (Kilusang Makabansang Ekonomiya): Ang administrasyon ni GMA ang tunay ngayong terorista laban sa sambayanan sa pagbabalat-kayong ipinatutupad ang batas. Malinaw, nakaamba ang batas kontraterorismo laban sa mga mamamayang tunay na nagtataguyod at nagsisikap para sa mga pagbabagong panlipunan, pampulitikat pangkabuhayan sa bansa. Layunin nitong lipulin ang mga kritiko ng gobyerno, ang mga nagtatanggol sa pambansang patrimonya, ang mga tumutuligsa sa mga inhustisya sosyal, at lahat ng mga taong kumukuwestiyon

sa kanyang pagiging Presidente. Ang batas na ito ay bahagi ng sistematikot masamang pakana ng Gobyerno para permanenteng patahimikin ang anumang uri ng oposisyon at para alisin ang lahat ng hadlang sa pananatili ni GMA bilang Presidente. May susulpot pang opresibong mga batas, ayon pa sa KME. At magpapatuloy naman, sa kabilang banda batay na rin sa ipinahihiwatig ng mga pangyayari ang walang patumanggang mga pagdukot at pagpatay na pampulitika at garapalang pagsalaula sa mga karapatang pantao at demokratikong mga proseso. Sino nga ba, kung gayon, ang tunay na terorista?

You might also like