Professional Documents
Culture Documents
Paksang Pangungusap
-sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya -ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto -kadalasay makikita sa unang talata (implayd) at huling talata (konklusyon) ng tekstong ekspositori
Suportang Ideya
-mga mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan sa paksang pangungusap -tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang pangungusap -ito ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang layunin ng teksto
Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pagunlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman natiy gakulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo namay tulad ni Bondying ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkaroon tayo ng katawang Tarzan at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban namay itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapangdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakakupit sa ating mga magulang at sa mahiwagang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.
ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. Makikita ito sa mga salitang ginamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito.
Ito ay maaaring manlibang, manghikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon, magbigay ng kuro-kuro, magturo ng isang paraan, magtanggol sa isang paniniwala, magbigay ng katotohanan, magpakilala ng kaugalian, kultura at iba pa.
Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students. Clowns-Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat pag nakakatulog na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.-Bob Ong
Panahon pa lang ng mga disipulo ni Kristo uso na ang panununog ng libro. Hanggang sa mga sandaling to paborito pa ring libangan ng ilang makapangyarihan sa mundo ang pagsunog sa mga sulating sumasalungat sa paniniwala nila, pulitikal man o panrelihiyon. Pero para sa akin, napakasagradong bagay ng mga libro para sirain.- Bob Ong
Sa pambansang pagsusuri ng National Book Development Board sa mga Pilipinong may edad 18 taong gulang pataas noong 2003, lumalabas na 94% sa atin ang may kakayahang magbasa ng mga simpleng salita, 90% ang nakapagbasa na ng libro, at 68% ang nakapagbasa na ng mga librong walang kinalaman sa eskwelahan.-Bob Ong
Tono ng Teksto tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay, maaaring masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa
tayo, natin, atin, kami, namin at amin 2. ikalawang panauhan ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at inyo 3. ikatlong panauhan siya, niya, kanya, sila, nila at kanila
Doon Po Sa Amin (Teo Antonio) Doon po sa amin, bayan ng Panique, Mga mamamayan ay lubhang maswerte. Ang pulis ay pilay, ang meyor ay pipi, Gobernor ay bulag, ang hukom ay bingi. At may isang mutyang ginahasa noon, Ginahasang mutyay sa pulis nagsumbong. Ang pulis na pilay, nagbulong sa meyor, Na ang sinangguniy bulag na gobernor. Sa hukom na bingi, ang kasoy dinala Kaya katibayay tinakwil ng tenga Doon po sa amin, sa Paniqueng sinta, Bingi, bulag, pipit pilay ang hustisya.