You are on page 1of 12

1. KATUTUBONG PANAHON Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.

Naganap pa ang iba pangmigrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon. Naging laganap ang sosyal at pulitikal na organisasyon ngpopulasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ngHilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.[1] Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay angbarangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang barangay, ang mga sosyal na dibisyon ay ang mgamaharlika, kung saan kasama ang datu; ang mga timawa; at ang mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan. Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia.[2] Noong ika-16 dantaon, matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito saMaynila noong 1565.[1] Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anitoang relihiyon ng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pulitikal na konsepto ng mga estadong pinamunuan ng mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar.[1] Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay. Alibata - Noon Panahon ng mga Katutubo Bago pa dumating ang mga Kastila'y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kanyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan, alibata at wika. At ang kanilang sistema ng pagsulat ay tinatawag na Alibata. 2. PANAHONG NG KASTILA Nang lumapag si Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika-16 ng Marso 1521, ang Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon ay mga Muslim na. Pinatutunayan din sa kasaysayan na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay Magellan na napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan, na hindi pa kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao.

Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga Kastila ang nagpasimula ng mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan ng huling haring Muslim na si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon). Ipinagtanggol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong tatag hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo). Sa pagkatalo ni Soliman, ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa Pulo ng Luzon. Pinatay nila ang mga lalaki at babae, matanda at bata. Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtanggol sa kanilang mga sarili hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso laban sa baril at kanyon. Itinatag ng mga Kastila bilang pangunahing lugar ang Manila, at nagplano sila na lusubin ang Visayas. Sa maikling sandali, nalupig nila ang Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikdan ang kanilang relihiyon at tanggapin ang Kristiyanismo. Pero ang mga matatapang at bayani ay mas nilubos pa nilang mamatay kaysa sumira sa ALLAH (Subhanahu Wa Taala). Ang mga katutubo na mahihina ang pananampalataya sa kanilang dating relihiyon ay tinangap ang relihiyon ng mga Kastila. Hindi huminto ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Di pa sila nakontento, pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng Mindanao. Pero ang ibat-ibang mga tribu ng mga Muslim ay lumaban at pinigil ang pag-usbong ng pangarap ng mga Kastila. At doon nagsimula ang naging tanyag na digmaan ng mga Muslim at Kastila. 3. PANAHON NG AMERIKANO Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang labanan ang mga Kastila.[10] Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.[11] Ngunit, dumistansya ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.[11] Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at tumaas ang tensyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo. Digmaang Pilipino-Amerikano Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[12] Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano.[4] Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng

mga kasapi.[12] Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[12] Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noongMarso 31, 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12] Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913. Kolonya ng Estados Unidos Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa malayang pamamahala.[14] Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur, Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan. Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga administrasyon.[4] Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas. AngBatas Jones, na ipinasa

ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas. Naganap noong dekada 1920 ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918. Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ng Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan, naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[15] Pinamunuan ito ni Manuel L. Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935. 4. PANAHON NG HAPON Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanganoong Disyembre 8, 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pagatake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito [18] ito ay pinasok ng mga Hapones noong Enero 2, 1942[19]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong Abril 9, 1942 at ang Corregidor noong Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.[20] Sumama sina Quezon at Osmea sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt.[21] Inutusan si MacArthur na pumunta sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas. Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong

Pilipinas). Isinaayos nila ang Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang ideklara nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.[22] Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa.[22] Ang pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ngHukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.[22] Noong Mayo 8, 1942 hanggang Setyembre 2, 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935-1946) at ang sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944. Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga Pilipino at Amerikanong sundalo saLeyte noong Oktubre 20, 1944. Maraming pang mga sundalo ang dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong Setyembre 2, 1945. Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942. Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmea ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa

pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. 5. PANAHON NG BATAS MILITAR Noong una ay marami ang nagmamaliit sa kanila. Hindi raw kaya ng mga Hapones ang ginagawa ng mga kolonyalistang bansa. Hinihintay na lamang ng mga Pilipino na maging malaya matapos ang ilang taong "paggabay" ng mga Amerikano. Ngunit kasabay ng untiunting pagpasok ng mga Hapones sa bansa at ang pagsiklab ng giyera ay ang pagkakatuklas sa isang itinatagong katotohanan: hindi tayo kayang ipagtanggol ng mga Amerikano na lubos na inasahan ng maraming kababayan natin noong panahon na iyon. Matapos mapasok ang Maynila, iprinoklama agad ang pagpapatupad ng batas militar noong Enero 3, 1942. Simula pa lamang ay nagpahayag na kaagad sila ng hindi kagustuhan sa mabuting pagtingin ng mga Pilipino sa mga Amerikano. Para daw sa kanila, ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino lamang. Ngunit ito naman ay isa na lamang sa mga istratehiya na ginagamit ng isang manakop upang mabihag ang mga puso ng mga mamamayan ng bansang sinasakop. Hindi pa nananamnam ng mga Pilipino ang demokrasiyang pinatikim ng mga Amerikano ay agad naman itong pinalitan ng batas militar. Ipinakita ang pananakot ng mga Hapones at ang pagnanais ng mga ito na disiplinahin ang mga mamamayan. Noong panahong iyon, ang mga miyembro ng militar, mula sa pinakamataas na ranggo hanggang sa pinakamababa, ay naging simbolo ng kapangyarihan, kalupitan at kasinungalingan. Marami ang inaresto nang wala man lamang sapat na ebidensiya sa ginawang kasamaan. Nakikinig lamang ang mga Hapones sa mga sabi-sabi lalo na ng mga espiya. Naging problema din ang hindi pagkakaintindihan sa wika. Marami rin mga Pilipino ang naparusahan dahil dito. Ang mg a Pilipino naman ay hindi makaalma dahil sa tinanggalan na sila ng mga armas at sa kaunting pagkanti lamang sa isang sundalong Hapones ay malupit na parusa kundi man pagkakapatay ang katumbas. Ginawa ng mga mananakop na ito ang lahat, makontrol lamang ang mga Pilipino. Nagpatupad sila ng mga limitasyon sa oras ng paglabas ng mga tao sa kanilang mga bahay, kung saan ang mga hindi susunod ay aarestuhin at ikukulong. Sa pagpapalabas ng mga balita, lahat ay dapat dumaan sa kanilang panunuri. Maraming diyaryo at iba pang babasahin ang ipinatigil. Ang mga natira lamang ay iyong sila na ang siyang namamalakad. Pinakialaman rin ang ang mga organisasyon at institusiyon pati na ang simbahan. Ipinagbawal ang paggamit ng ating watawat ang pagpapatugtog ng

pambansang awit. Maging ang mga pangalan ng mga daan at lugar na nagpapaalala sa mga Amerikano ay pinalitan. Pinilit rin nilang ipagamit sa mga tao ang mga perang kung tawagin ay "Mickey Mouse Money." Lahat ng itoy ginawa nila. Walang namang magawa ang mga Pilipino. Isang maliit na pagkakamali nilay maaaring humantong sa kamatayan. Wala ring nagawa agad ang mga Amerikano. Naging malakas na ang kontrol ng mga Hapones sa Pilipinas. Ang dating binalewala ng maraming Pilipino ay siya namang naging dahilan ng pagkakaroon nila ng isang masamang panaginip.

6. PANAHON NG HIMAGSIKAN Ang Himagsikang Pilipino o Himagsikan ng 1896 (18961898) ay isang labanan sa pagitan ng Imperyong Kastila at ng Katipunan. Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 300 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, indio) sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil dito, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng divide et impera-hatiin at sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo. Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ring nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ilustrado. Pinadala ng mga ilustrado ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda. Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA. Isang paring Pilipino, si Padre Pedro Pelaez ang nagpasimuno ng isang kilusang sikularisasyon noong

kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga Kastilang pari. Pagkatapos na mamatay si Pelaez sa isang lindol, tinuloy ng tatlong pari-sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Nagustuhan ng mga prayle ang bagay na ito at sila'y naghanap ng pwedeng maibintang sa tatlong pari. Natupad ito nang isang rebelyon ng mga sundalo sa moog sa Kabite ang madaling nasupil. Agad na isinisi ng mga prayle ang rebelyon (na pinamunuan ng isang nagngangalang Sarhento LaMadrid) kina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora (pagbawas sa suweldo ng mga sundalo ang sanhi ng rebelyon). Sa kabila ng kakulangan ng patunay na nagdidiin sa kanila sa rebelyon, hinatulan ang tatlo-kinilala pagkatapos bilang Gomburza-na garotihin noong Pebrero 17, 1872. Hindi pinayagan ng arsobispo ng Maynila (na naniniwala sa kawalang-kasalanan ng tatlo) na sila'y alisan ng sutana. Sa halip, inutos nito ang pagpapatunog ng mga kampana bilang tanda ng pagdadalamhati. Marami sa mga kakampi ng Gomburza ang tinapon papalabas o kusang umalis sa Pilipinas. At marami sa mga Pilipinong piniling manatili ang nanghilakbot sa nangyari. Ilang taong lumipas, isang ilustradong duktor na nagngangalang Jose Rizal ang magpapatunay na ito ang nagbago sa kanyang buhay. Ang kilusang propaganda Itinatag ng mga ilang mag-aaral sa europa ang kilusang propaganda, gulat sa kaibahan ng Espanya sa kanyang kolonya sa Timog-Silangang Asya. Layon ng kilusang ito,na pinamunuan nina Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, tulad ng sekularisasyon at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Ginamit nila ang paraan ng pagsusulat upang maipahayag ang reklamo nila. Isinulat ni Gregorio Sanciangco ang El Progreso de Filipinas na tungkol sa mga patakaran ng mga kastila na di-makatarungan tungkol din ito sa economical state ng Pilipinas noong panahong iyon. Isa sa mga patakarang ito ay ang pagpataw ng mga Kastila ng mataas na buwis sa mga Tsino, Mestisong Tsino at Pilipino. Hindi na pinagbabayad ng buwis ang mga Kastila at Mestisong Kastila. Isinulat naman ni Pedro Paterno ang Ninay. Isang nobelang nagsasaad tungkol sa diwang makabansa. Noli Me Tangere at El Filibusterismo naman ang sinulat ni Rizal na tungkol sa masamang pamamalakad ng mga Kastila ng bansa. Ito ay nagdulot ng pagmamahal ng mga tao sa bansa. Sa pamamagitan ng tuwing gabihang pahayagan na La Solidaridad, pati na rin sa mga akda ng ilan sa mga kasapi nito, naipahayag nila ang kanilang mga saloobin tungkol sa kung ano ba dapat ang baguhin sa Pilipinas. Sa kabila ng lahat ng ito, sa huli, nabigo ang Kilusang Propaganda na tuparin ang nakaatas na layon nito. Nahati ang kilusan sa isang maka-del Pilar na paksyon at isang maka-Rizal na paksyon, bagay na naging dahilan ni Rizal para iwanan ang Espanya-at

Europa. Ang napakalungkot at napakamasalimuot na pagkamatay nina Lopez-Jaena at del Pilar ang huling dagok sa kilusan. Sa halip, ang nasimulan ng Kilusang Katipunan ang nagbigay-inspirasyon sa dalawang kilusang sumunod nito. La Liga Filipina Pagkatapos ang pagbalik ni Rizal sa "Pilipinas" noong 1892, itinatag niya ang La Liga Filipina (Samahang Pilipino) noong taong ding yaon. Layunin ng kilusang ito, na kinabibilangan ng mga tulad nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, na ituloy ang programa ni Rizal na panloob na reporma sa Pilipinas. Hindi nagustuhan ng mga Kastila ang pagtatag sa kilusang ito (ito'y marahil sa isa sa mga nakasaad sa kasulatan ng Liga, na naghihikayat ng "pagtatanggol laban sa karahasan at kawalang-katarungan") at noong Hulyo 7 ay dinakip si Rizal at itinapon sa Dapitan sa lalawigan ng Zamboanga. Nahati ang samahan pagkatapos ng pangyayaring ito. Ang makagitnang pangkat ay binuo muli ang sarili nito na Cuerpo de Compromisarios (Samahan ng mga Kumprumisaryo) na may layuning magbigay ng pera sa La Solidaridad. Ang radikal na pangkat, sa pamumuno ni Bonifacio, ay naging Katipunan. Noong gabi ng Hulyo 7, 1892, itinatag nina Andres Bonifacio, kasama ang mga dating kasapi ng La Liga Filipina na sina Ladislao Diwa,Deodato Arellano, Teodoro Plata, at Valentin Diaz ang Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayo'y Abenida Claro M. Recto). (Sa kabila ng nilalaman ng karamihan, si Bonifacio ang ikatlongPangulo. sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang makakaya. Humingi rin sila ng tulong sa isang barkong pandigma ng Hapon na nakadaong sa Maynila na ang kasabay ang lahat ng puwersa ng Imperyong Hapones na tumuloy agad ng puwersang panghimagsik ng mga Pilipino at mga taguyod para sa mga Katipunan para sa huling makikipaglaban sa mga sundalong Kastila - at nabigo. Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang himagsikan, inilimbag ng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng dalawang katipunero na sina Candido Iban at Franciso del Castillo (na parehong nagtatag ng Katipunan sa Kabisayaan), ang pahayagang Kalayaan. Para di malaman ng mga Kastila ang kinaroroonan ng palimbagan nito, ipinahayag nito si Marcelo H. del Pilarbilang "editor" nito at sa Yokohama bilang lugar ng limbagan nito. Dalawang beses lang inilimbag ang pahayagang ito; inilimbag na palihim ang ikalawang edisyon sa limbagan ng Diario de Manila. Hindi nagtagal at rumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang lukasyon nito sa Tondo, nagtatag ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ng San Juan del Monte, Pasig, San Felipe Neri, Pateros, Marikina, Kalookan, Malabon, at di kalauna'y sa

ilang mga bayan sa mga lalawigan sa Kabisayaan. Nagkaroon din ng sangay pangkababaihan ang Katipunan; umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi nito noong taong 1893. Sa kabuuan, mula sa mahigit na 300, lumaki ang Katipunan sa mahigit 30,000 na mga katipunero. 7. PANAHON NG KASALUKUYAN Ikalimang Republika (1986-kasalukuyan) Pamamamahala ni Corazon Aquino (1986-1992) Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging normal ang sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal na Freedom Constitution.[37] Isang bagong saligang-batas ang ipinagtibay [38] noongPebrero 1987. Ipinagbawal ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas military, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon sa Cordillera at sa Timog Mindanao at ang pagbabalik ng istilong pampanguluhan ng pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan.[39] Umunlad ang bansa sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at respeto sa mga mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino dahil sa mga kudeta ng mga diapektadong mga kasapi ng militar.[40] Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan ng serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog ng Bulkang Pinatubonoong 1991 na nagdulot ng pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao.[41] Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa pamahalaan ang Clark Air Base sa Pampanganoong Nobyembre ng taong iyon, at ang Subic Bay Naval Base sa Zambales noong Disyembre 1992, na nagtapos sa halos isang siglo ng pamamalagi ng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Namatay si Corazon Aquino noong Agosto 1, 2009 sa Makati medical center sa lungsod ng makati sa kadahilanang Colon Cancer. Pamamamahala ni Fidel V. Ramos (1992-1998) Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel Ramos, na inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong Aquino.[39] Ginawa niyang legal ang Partidong Komunistaat nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban

sa pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan ng krimen habang nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong Oktubre 1995, nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang nagtatapos sa kaguluhang rebelde. Isang kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad na maging malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na nagtapos sa pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat ng MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front ang pakikipaglaban. Maraming mga malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli para sa ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.[42] Pamamamahala ni Joseph Estrada (1998-2001) Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa halalan ng pagka-Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang pagtulong sa mga mahihirap at paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga mahihirap.[43] Noong panahon ng krisis na pinansyal sa Asya na nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng mas malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang kakulangan sa badyet at bumaba ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal ito kumpara sa mga kalapit-bansa nito. Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa mga akusasyon ng kronyismo at kurapsyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga suliranin sa kahirapan.[34] Noong Oktubre2000, inakusahan si Estrada na tumatanggap siya ng pera mula sa sugal. Siya ay isinakdal ng Mababang Kapulungan, ngunit ang kanyang paglilitis sa Senado ay hindi natuloy nang iboto ng senado na huwag eksaminahin ang tala sa bangko ng pangulo. Bilang sagot, nagkaroon ng mga demonstrasyon na naghingi sa pag-alis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim at ang pagkawala ng suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong Enero 20, 2001. Pamamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010) Humalili si Bise Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (ang anak ni Pangulong Diosdado Macapagal) sa posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang paglisan. Tinatayang hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang Arroyo sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada. Naging mas lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan pagkalipas ng apat na buwan, kung saan nanalo ang kanyang koalisyon sa

karamihan ng mga posisyon.[34]Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng hating pulitika ng mga koalisyon at isang kudeta sa Maynila noongHulyo 2003 na naging sanhi ng pag-deklara niya ng isang buwang pambansang state of rebellion.[34] Sinabi ni Arroyo noong Disyembre 2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004 ngunit binago niya ang kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong sumali sa halalan.[34] Siya ay muling nahalal at isinalin sa puwesto para sa kanyang anim na taong termino noong Hunyo 30, 2004. Noong 2005, isang tape na naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni Arroyo at isang opisyal ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo ang opisyal na itaas ang bilang ng kanyang mga boto upang manatili siya sa puwesto.[44] Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Inamin niya na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga alegayon ng pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto.[44] Hindi nagtagumpay ang mga planong pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon.

You might also like