You are on page 1of 4

Dalawang Uri ng Sanaysay

Pormal o Maanyo

Ang sanaysay na pormal o baguhan - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y
maimpormasyon. katulad ng naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan
ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling
paksang tinatalakay.Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat
na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan,
matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw
ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso,
paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

Impormal o Di-pormal

Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitan


ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring
magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin
nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng
personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya.
Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang
may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling
maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay
unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda
ang pananaw.

You might also like