P. 1
Dinastiya Sa China

Dinastiya Sa China

|Views: 3,098|Likes:

More info:

Published by: Dan Alexis Morco Arinzana on Jun 29, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/10/2013

pdf

text

original

DINASTIYA SA CHINA 1.

Xia Dynasty About 1994 BCE - 1766 BCE - King Yu - Alinsunod sa tradisyon ng mga Tsino, Pininiwalaan na itinatag ni Emperador Yu ang unang dinastiya ng Tsina. Sa ilalim ng kanyang pamumuno nakontrol ang pagbaha ng Ilog Huang Ho. Hinati-hati niya ang kanyang kaharian sa siyam na lalawigan, pinalawak ang teritiryo hanggang Disyerto ng Gobi at sinugpo ang mga tribo sa timog. 2. Shang Dynasty 1766 BCE - 1027 BCE - Tang of Shang - Ang Dinastiyang Shang o Dinastiyang Yin ay ang itinuturing bilang isang pinakaunang totoong imperyo sa Tsina. Sa una, pinaniniwalaang isang alamat lang ang Shang, pero nang madiskubre ng mga Intsik na gumamit sila ng mga butong orakulo, dito napatunayang totoo ang Shang.Ito ay nagtagal sa loob ng 1766 BCE hanggang 1122 BCE.Ang dinastiya ring ito ay pinamunuan ni Emperador Tang. Isa nang halimbawa ng mga ambag nito ay ang paggawa ng mga kagamitang bronse,palayok,banga at ang pagbabasa ng emperador sa mga "oracle bone" para sa mga nagpapahula ng hinaharap. 3. Zhou Dynasty 1122 BCE -256 BCE plus suppliment – Zhou - Ang Dinastiyang Zhou (1122– 256 BCE) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina. Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng mga Zhou (Chou). Itinatag ang Dinastiyang Zhou na namahala sa loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya. Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang pampulitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari. Bilang kapalit kailangang maging tapat ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Dito rin umiral ang "Ginintuang Panahon ng Pilosopiya" na pinangunahan nina Confucius at Lao-tzu. Kahit maraming digmaan sa dinastiya, masasabing sa panahong ito maraming pag-unlad ang naganap. Sa panahong ito, natutunan ang pag-araro at pagamit ng matutulis na sandatang yari sa bakal. Napaunlad din ang irigasyon para sa patubig ng mga pananim. 4. Qin Dynasty 221 BCE - 206 BCE - Prinsipe Cheng - Ang Dinastiyang Qin (221 - 206 BK) ay pinangunahan ng Dinastiyang Zhou at sinundan ng Dinastiyang Han sa Tsina. Nang mapag-isa ni Qin Shi Huangdi ang Tsina noong 221 BK, ito ang simula ng panahong Imperyal ng Tsina na nagtapos sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing noong 1912. Ang dinastiyang ito ay nag-iwan ng isang sentralisadong imperyo na gagayahin ng mga susunod na mga dinastiya. Sa rurok ng kanyang kapangyarihan, ang Dinastiyang Qin ay may 40 milyong tao. 5. Sui Dynasty 589 AD - 618 AD - Emperor Yang Jian or Wendi - Sui (589 - 618 C.E.). Nang bumagsak ang dinastiyang Han, nagkaroon ng mabilis na pagpapalit ng dinastiya at maraming digmaan. Nakapasok sa China ang mga nomadikong mandirigma. Watak-watak ang China nang

may 400 taon. Sa loob ng panahong ito umabot ang Buddhism sa China. Bumalik ang konsolidasyon sa ilalim ng Sui. Itinatag ito ni Yang Jian. Sa loob ng maikling panahon ng dinastiyang ito, inayos ang Great Wall of China na napabayaan ng mahabang panahon, itinayo ang Grand Canal na nagdurugtong sa Huang Ho at Yangtze River at inayos ang dating kapital ng Han, ang Chang An. 6. Tang Dynasty 618 AD - 907 AD - Hsuan Tsung Dinastiyang Tang (Intsik: 唐朝; pinyin: Táng Cháo; IPA: [tʰɑŋ tʂʰɑʊ]; Gitnang Tsina: dhɑng) (Hunyo 18, 618 – Hunyo 1, 907) ay isang imperyong dinastiya sa Tsina. 7. Sung Dynasty 969 AD - 1279 AD - Sung Tai Tsu - Ang "Southern Sung", gayunman, kahit na flourished nito na walang hilagang teritoryo. Nagkaroon ng mga kahit na mas higit na teknolohikal at cultural advancements, at ang populasyon ay lumaking mainam, bagaman ang mga Sung naiiwan paladigma mahina. Ngunit ngayon ng isang kahit na mas nagbabala lakas loomed: ang Mongols. 8. Yuan Dyansty 1279 AD - 1368 AD - kublai khan - Ang Dinastiyang Yuan (Yuan Dynasty) ay isa sa mga dinastiya na naghari sa Tsina. Sila ang sumundo sa bumagsak ng Dinastiyang Sung. Itinatag ito ng mga mongol sa pangunguna ni Kublai Khan. 9. Ming Dynasty 1368 AD - 1644 AD - ZuYuanzhang o Hongwu Emperor - Ang Dinastiyang Ming ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina. Ito ang huling dinastiya na pinamamahalaan ng mga Tsino. 10. Manchu or Qing Dynasty 1644 AD - 1912 AD – Nuchen - Ang Dinastiyang Qing (Tsino: 清朝; pinyin: Qīng cháo; Wade-Giles: Ch'ing ch'ao, kilala din bilang Dinastiyang Manchu ay ang huling dinastiya na naghari sa Tsina mula 1644 hanggang 1912 (na may maikling, pagbabalik noong 1917). Tinawag din itong Imperyo ng Dakilang Qing o Empire of the Great Qing (Tsinong payak: 大清国; Tsinong tradisyunal: 大清國; pinyin: Dà Qīng Guó; also anachronistically Tsinong payak: 大清帝国; Tsinong tradisyunal: 大清帝國; pinyin: Dà Qīng Diguó). Si Aisin Gioro (Nurhachi), na isang taga-Manchu ang nagtatag ng dinastiya. [1] Si Puyi ang huling emperador ng dinastiyang ito. Bumagsak ang dinastiya dahil sa Himagsikang Doble-10 at itinatag ang Republika ng Tsina pagkatapos ng rebolusyon.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->