P. 1
BIAG NI LAM-ANG

BIAG NI LAM-ANG

|Views: 539|Likes:

More info:

Published by: Dan Alexis Morco Arinzana on Jun 29, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/18/2013

pdf

text

original

BIAG NI LAM-ANG

Epiko ng ifugao May isang mag-asawa na nagngangalang Juan at Namongan ay nakatira sa malayong baryo ng Nalbuan. Isang araw iniwan ni Don Juan ang kanyang buntis na asawa at pumunta sa kabundukan upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot. Habang papunta sila sa kabundukan ay ipinanganak ni Namongan ang isang batang lalaki. Kakaiba ang sanggol sa iba sapagkat pagkasilang pa lamang ay nakapagsasalita na ito. Gusto niyang pangalanan siyang Lam-ang. Siya na rin mismo ang pumili ng kanyang mga ninong nang siya ay binyagan. Nasaan ang aking ama? isang araw ay tinanong ni Lam-ang ang kanyang ina na si Namongan. Nasa kabundukan siya upang ayusin ang di pagkakaunawaan sa isang grupo ng Igorot doon, sabi ng kanyang ina. Nalungkot si Lam-ang. Hindi pa niya nakikita ang kanyang ama buhat ng siya ay isinilang at nasasabik na siyang makita ito. Matatagalan kaya ang kanyang pagbalik? Hindi ko alam, malungkot na sagot ng kanyang ina na si Namongan na nasasabik din itong makita. Ni hindi ko man lamang alam kung buhay pa siya. Isang araw ay nanaginip si Lam-ang. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang ama na walang awang pinatay ng isang grupo ng Igorot. Lubos siyang namuhi nang siya ay nagising. Nagpasya siya na sundan ang ama sa kabundukan. Siyam na buwan siya noon. Nang marating niya ang pamayanan ng mga Igorot, nakita niya na nagsasayawan ng mga ito paikot sa ulo ng kanyang ama na nakatusok sa isang kawayan. Sa kanyang galit ay kinalaban at pinatay niya ang lahat ng Igorot, kasama ang kanilang pinuno na pinahirapan muna bago pinatay. Sa kanyang pag-uwi sa Nalbuan ay napadaan siya sa ilog ng Amburayan. Doon ay naligo siya sa tulong ng kanyang mga kaibigang babae na pinupunasan ang kanyang katawan upang maalis ang mga dumi at dugo, ngunit ito'y nakapatay sa lahat ng nabubuhay na hayop sa ilog. Nang siya ay nasa hustong gulang na upang mag-asawa ay may nakilala siyang isang magandang babae, si Ines Kannoyan at umibig siya rito. Pumunta siya sa bahay nila Ines upang umakyat ng ligaw kasama ang kanyang puting tandang at ang kanyang paboritong aso. Nang makarating siya sa bahay ay nainis siya sa dami ng naunang manliligaw sa kanya. Inutusan niyang tumilaok ang kanyang tandang at sinunod naman siya nito. Noon din ay gumuho ang bahay nila Ines at nangamatay ang lahat ng kanyang manliligaw. At inutusan naman niyang tumahol ang kanyang aso at tumahol nga ito. Mabilis na bumalik sa dati ang gumuhong bahay. Lumabas si Ines at ang kanyang mga magulang upang salubungin siya. Ipinaramdam ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang kay Ines Kannoyan. Ang aking panginoon na si Lam-ang ay iniibig ka at gusto ka niyang pakasalan, sabi ng puting tandang kay Ines sa lenggwaheng naiintindihan niya. Pakakasalan kita kung matutumbasan mo ang aming kayamanan, sagot ni Ines Kannoyan. Ang pagsubok'na ibinigay ni Ines ay hindi nakapagpahina kay Lamang. Umuwi siya kaagad at bumalik kasama ang isang malaking bangka na puno ng ginto, hinigitan nito ang halaga ng kayamanan nila Ines. Ikinasal sila at namuhay ng masaya. Lumipas ang mga taon at dumating ang pagkakataon ni Lam-ang na humuli ng isda na tinatawag na rarang. Ito ay isang obligasyon ng bawat may asawang lalaki sa kanilang komunidad upang manghuli ng rarang. Ngunit nararamdaman ni Lam-ang na mapapatay siya ng isang berkahan, (isang uri ng isda na kabilang sa pamilya ng mga pating) kapag pumalaot na siya upang manghuli ng rarang. Ngunit kailangan niyang tuparin ang kanyang tungkulin at isang gabi ay pumalaot siya sa karagatan. Napatay siya ng berkahan tulad ng kanyang inaasahan. Tumangis si Ines sa kalungkutan. Umisip ang kanyang puting tandang ng paraan upang buhaying muli si Lam-ang. Umarkila si Ines Kannoyan ng mga maninisid upang hanapin ang mga buto ni Lam-ang sa ilalim ng dagat. Madaling nahanap ng mga maninisid ang lahat ng mga buto at pinagsamasama ni Ines ang mga ito. Kasama ang puting tandang at ang paboritong aso ni Lam-ang ay namanata siya gabi-gabi hanggang sa isang araw ay nabuhay si Lam-ang. At mula noon ay namuhay sila ng masaya.

ANDRES BONIFACIO
Si Andrés Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa. Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila. Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini. Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang mangagawa ang pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano). Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay. Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga cedula. Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director). Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andrés Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaki na si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->