P. 1
Sinaunang Kasaysayan Ng India

Sinaunang Kasaysayan Ng India

3.0

|Views: 16,213|Likes:
Published by listalist

More info:

Published by: listalist on Jul 04, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/11/2015

pdf

text

original

Sinaunang kasaysayan ng India

Kasaysayan Unang Kabihasnan Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920. May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo. Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito. Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga archeoloheyo, ang paglusob ng mga Aryano sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan. Imperyong Maurya Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-kanyakanya ang mga tao at nagtayo ng mga maliliit na kaharian. Ang mga kaharian na ito na pinag-isa noong ika-3 siglo BCE bilang Imperyong Maurya na itinatag ni Chandragupta Maurya at umunlad sa

pamamahala ni Dakilang Asoka.[7] Ang mga naging hari ng imperyo ay pinaunlad ang pag-aaral sa agham, matematika, heograpiya, medisina, sining at panitikan. Imperyong Mughal Sa pagsugod ng mga muslim mula sa Gitnang Asya noong ika-10 siglo hanggang ika12 siglo, halos ang buong Hilagang Indya ay pinamumunuan ng isang Sultan. Ang tinawag sa muslim na imperyo na ito ay Imperyong Mughal. Sa pamumuno ni Dakilang Akbar, naging balanse ang pag-tuturing sa mga Hindu at Muslim. Pinalawak ng mga emperador ang nasasakupan ng imperyo. Bumagsak ang imperyong ito dahil sa pag-alsa ng mga militanteng Hindu, ang Maratha. Dahil sa gulo na nangyari, madaling nasakop ng mga Europeo ang subcontinent. Kolonya ng mga Europeo at Paglaya Nasakop ng mga Europeo nang ika-16 siglo ang Indya. Ang namahala sa kolonyang ito ay ang East India Company at pagkatapos ng Rebolusyong Sepoy, direktang namahala na ang Empress ng Britanya at isinama ang India sa Imperyong Britanya. Si Mahatma Gandhi kasama si Jawaharlal Nehru, 1937. Si Nehru ang naging unang ministrong pinuno noong 1947. Nang ika-20 siglo, isang malawakang kilos para sa kalayaan ay pinangunahan ni Mahatma Gandhi. Nagkaron ng civil disobedience bilang protesta. Nakalaya din ang Indya noong Agosto 15, 1947, pero ang rehiyon na pinamumunuan ng mga muslim ay humiwalay at itinatag ang Pakistan. Noong Enero 26, 1950, naging isang opisyal na republika ang India at nagkaroon ng sariling saligang-batas. Ang Indya ay nagkakaroon ng mga problema sa kahirapan, terrorismo, digmaan ukol sa relihiyon, diskriminasyon sa mga mabababa sa caste at naxalismo.

Simula ng Eksplorasyon At Pagtuklas

Pananakop ng mga Español I. Paglunsad ng mga eksplorasyon Maraming mga bagay at dahilan ang nag-udyok sa mga Europeo upang tumuklas at manakop ng mga lugar na hindi pa kristiyanado. Isa sa mga dahilang ito ay ang mga krusada. Ito ang ekspidisyong ipinadala ng mga kristiyanong bansa sa Europa, sa Gitnang Silangan upang agawing muli sa mga Muslim ang “banal na lupain”. Kahit hindi nagtagumpay ang krusada sa layuning nito, nakita ng mga mandirigmang europeo ang mga kayamanan at produkto ng Silangan. Nagkaroon ng bagong panlasa at interes ang mga Europeo sa pamumuhay at mga karangyaan ng mga nakadigmang tagaSilangan. Nauso ang paggamit ng mga rekadong gaya ng cinnamon, paminta, luya at iba pa. Isang malaking negosyo ito kung matutunton ang pinanggalingan ng mga rekadong ito. Gayunpaman, monopolyo ng mga taga-Venice ang pag-angkat at pamamahagi sa Europa ng mga bagay mula sa Silangan. Nang bumagsak noong 1453 ang Constantinople sa mga Turkong Muslim,tanging mga mangangalakal na taga-Venice lamang ang pinahintulutang makadaan sa Dagat Madeterano. Ito ay dahil ang mga taga-Venice ay pumanig sa mga Muslim sa pakikidigma nito sa mga Griyego. Ang paghahangad na was akin ang monopolyo ng mga taga-Venice sa kalakalang Silangan-Kanluran ang nagtulak sa mga ibang Europeo na humanap ng ibang daanan patungong silangan. Ang mga salaysay ni Marco Polo tungkol sa mga paglalakbay niya sa China at ang karangyaan ng bansang ito ay nagging isa ring pang-akit. Sa panahong ding ito umunlad ang agham at karunungan at sa mga bagong imbensyon ay kasama ang mga kagamitang sa nabigasyon gaya ng kompas, mapa at iba pang instrumentong pang giya. Nagbigay ito ng lakas ng loob sa mga nabigador upang puntahan ang mga lugar na hindi pa naaabot ng mga taga kanluran. II.Kasunduan sa Tordesillas Dahil sa paguunahan o pagpapaligsahan ng Portugal at Espanya sa panunuklas o eksplorasyon, napairal ng isang dekreto ang papa ng Roma, Alexander VI na nagtatakda at nagsisilbing gabay sa pagtuklas ng dalawang bansa. Noong Mayo 3, 1493, binigyan ng papa ng karapatang ang Espanya na manuklas sa bagong daigdig at ang Portugal sa Africa. Binago ito noong Mayo 4, 1493. Gumuhit ng isang imahenaryong linya na nagmula sa hilagang polo patungong

timog polo, 100 liga sa kanluran ng Azores at Cabo. Ang mga lupaing matutuklasan sa silangan ng linya ay sa Portugal at lahat ng mga lupaing nasa kanluran ay sa Espanya. Dahil sa pagtutol ng Portugal sa mga dekreto ng papa, pinagtibay ang kasunduan ng Tordesillas noong Hunyo 7, 1494. III. Pagtuklas ni Magellan sa Pilipinas. Ninais ni Magellan, isang Portuges, na maglalayag upang hanapin ang Spice Island. Lumapit siya sa hari ng Espanya. Binigyan siya nito ng limang barkon at 264 na manlalayag. Naglayag sila papuntang kanluran kahit ang Spice Island ay nasa silangan. Sa halip na makarating sa nasabing pulo, napunta sila sa pulong malapit sa Samar. Dumaong sila sa pulo ng Homonhon noong ika 16 ng Marso, 1521. Sa baybayin ng Limasawa, ipinagdiwang nila ang unang misang Katoliko noong Marso 31, 1521. Naglayag sila patungong Cebu at nakipagkaibigan kas Rajah Humabon, hari ng Cebu. Noong ika 14 ng Abril, isa pang misa ang ginanap at ito ay sinundan ng pagbibinyag kay Rajah Humabon, ang asawa nito at 800 na katutubo. Sila ang kaunaunahang Kristiyanong Pilipino. IV. Felipinas~Pilipinas Taong 1543 dumating si Villalobos sa pulo ng Leyte. Siya ang nagpangalan sa ating bansa ng Felipinas bilang parangal sa haring Espanya, si Haring Felipe II. Dumating naman si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Siya ang unang nagtayo ng unang pamayanan Kastila sa Cebu. Nagsimulang kumalat ang ia pang pamayanang Kastila sa Visaya at Luzon. V. Labanan sa Mactan Nais mamahala ni Magellan sa buong kapuluan kaya’t humingi siya ng buwis kay Lapulapu, pinuno ng Mactan. Hndi pumayag si Lapulapu kaya’t nagsimula ang pag-aaway niya at ni Magellan. Noong Abril 27, 1521 ang labanan ay nagumpisa sa pagsunog ng may 30 bahay ng katutubo na lalong ikinagalit ng mga ito. Tinamaan ng isang palasong may lason si Magellan na ikinalugmok nito. Pinagtulung-tuloungan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magellan. May sumibat at tumaga sa kanya hanggang siya ay mamatay. Dali-daling tumakas ang iba pang Kastila. Kasamang namatay ni Magellan ang walo pang Kastila at apat na katutubo. Ang labanan sa Mactan ay an unang matagumpay na pagtataboy sa dayuhang mananakop.

VI. Kolonisasyon ng Cebu, Panay at Maynila Dumaong ang elspedisyon nina Legaspi sa pulong kung tawagin ay Sugbu, ngayon ay Cebu, noong Abril 27, 1565. Hindi sila tinanggap ng mga katutubo noong una kaya kinanyon ng mga Kastila ang mga katutubo. Sa takot ay nagsitakbuhan ang mga ito sa mga bundok. Matapos matiyak na wala ng hadlang, lumunsad ang mga Kastila. Dito nagtatag ng unang panahanang Kastila si Legaspi na tinawag niyang Villa De San Miguel na pinalitan din ng Santisimo Nombre De Jesus. Mula sa Cebu ay pumunta si Legaspi sa Panay. Inakala niyang higit na ligtas ang Panay sa pananalakay ng mga Portuges. Higit ding sagana ang lugar na ito sa pagkain. Mula rito ay inutusan niya si Martin De Goite na maghanap ng iba pang lugar. Pinabalik din ni Legaspi ang isang barko sa Mexico na nagdaan sa isang bagong rotang natuklasan nila ni Fray Andres De Urdaneta. Tinawag na rin ni Legaspi na Pilipinas ang kapuluan. Natagpuan ni De Goiti ang Maynila. Tinanggap naman siya ni Rajah Sulayman, ang puno ng katutubo sa isang pamayanan sa Maynila ngunit hindi nagtagal ang pagiging magkaibigan nila. Naghinala si Sulayman sa tunay na motibo ng mga Kastila kaya nagkaroon din ng mga paglaban. Sinunog ni De Goiti sa tulong ng mga Bisaya ang pamayanan sa Maynila. Noong 1571, si Legaspi ay lumipat sa Maynila. Tiniyak muna ni Legaspi na ligtas ang gagawin nilang pagdaong dahil sa nangyari kila De Goiti at Sulayman. Inihayag ni Legaspi na ginawaran na ang titulong Adelentado ang Maynila bilang capital ng Pilipinas noong Hunyo 24, 1571. Sumunod din ang pagpapadala ni Legaspi ng mga ekspedisyon upang ipagpatuloy ang pananakop sa iba pang pulo gaya ng Ilokos, Pangasinan, Mindoro at iba pa. Siya ang naging unang Gobernador Heneral ng kapuluan. Aging madali ang kolonisasyon sa tulong ng mga misyonero ngunit hindi nagtagumpay ang mga kolonisador sa Mindanao at Sulu. Sa kolonisasyon ng mga pulo, nanguna ang apo ni legaspi na si Juan De Salcedo. Siya ang namahala sa mga ekspidisyon sa hilagang kanlurang Luzon hanggang sa silangang bahagi ng Quezon. Nang mamatay noong Agosto 1572 si Legaspi, ipinagpatuloy ng sumunod na Gobernador Heneral si Guido De Lavenzares ang pananakop sa iba pang mga pulo. VII. Ang Pamumuhay sa Ilalim ng mga Kastila 1. Ang Kabuhayan a) Agrikultura- napilitan ang mga katutubo na magtanim nang labis upang makabayad sila ng tributo b) Industriya- tinuruan ang mga tao na mag imprenta ng mga aklat, pagkakarpintero, pag- ukit, paggawa ng kandila, alak at asukal.

c) Pagbabangko- itinatag ang kaunaunahang bangkong Pilipino na pag-aari ni Francisco Rodriguez. Itinatag naman ang kaunaunahang bangko ng pamahalaang Insular, ang Banko Español- Filipino. d) Komunikasyon at Transportasyon- nagkaroon ng telegrapo noong 1873 at telepono noong 1890. Ang kaunaunahang pahayagan ay ang Del Superior. Ang iba pang pahayagan ay La Esperanza, La Estrella, at Dyaryo De Manila.

Sinaunang kabihasnan sa Timog-Silangang Asya
Kasaysayan Si Solheim at ang iba pa ay nagpapakita ng katibayan ng isang sanga sangang kalakalan "Nusantao" (Nusantara) sa karagatan na mula Vietnam hanggang sa kabuuan ng mga kapuluan o arkipelago noon pang 5000 BCE hanggang 1 CE. Ang mga tao ng Timog Silangang Asya, lalo na ang mga mula sa lahing Austronesyano, ay ilang libong taon nang mga mandaragat, at ang ilan pa ay naaabot ang pulo ng Madagascar. Ang kanilang mga sasakyan, gaya ng vinta, ay nakapakalahaga sa karagatan. Ang paglalakbay ni Fernando Magallanes ay nagtala kung gaano mas mahusay ang mga sasakyan ng mga ito, kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo. Ang pagdaan sa Karagatang Indiyano ang nakatulong sa pagkolonisa ng Madagascar ng mga taong Austronesyano, at kasabayan din nang pag-unlad ng kalakalan sa pagitang ng Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Ang ginto mula Sumatra ay sinasabing umabot hanggang sa Roma. Orihinal na mga animista ang mga tao. Ito ay lumaong napalitan ng Brahmanikong Hinduismo. Ito naman ay sinundan ng Theravada Budhismo, noong 525. Noong 1400, pumasok sa rehiyon ang impluwensyang Islamiko. Ito ang tumulak sa mga Hindu ng Indonesia na umatras sa Bali. Sa Kalupaang Timog Silangang Asya, napanatili ng Myanmar, Cambodia, at Thailand ang paniniwalang Theravada ng Budhismo, na dinala doon buhat sa Sri Lanka. Ang uri ng Budhismong ito ay humalo sa impluwensyang Hindu ng kulturang Khmer.

Imperyalismo ng Japan
Panahong Klasikal Ang Panahong Yamato, mula sa ika-3 siglo hanggang ika-7 siglo, ay nakitaan ng pagbuo ng isang dominanteng pulitika na nakasentro sa kapatagang Yamato sa katimugang bahagi ng pangunahing pulo ng Hapon ng Honshu. Sinasabi nila na ang kanilang mga ninuno ay ang mga diyos ng araw at natamo ang kaisahang pulitikal,mga nasa kalagitnaan ng ika-apat na siglo. Ang Kaharian ng Baekje ang nagpakilala ng Budhismo sa Hapon, at ito ay tinataguyod ng mga namumunong uring Hapon. Binigyan ng suportang militar ng mga Hapon ang Baekje. Si Prinsipe Shōtoku ay nagsikap sa pagpapalaganap ng Budhismo at kulturang Tsino sa Hapon. Siya ang nagdala ng kapayaan sa Hapon sa pamamagitan ng proklamasyong ng 17 artikulong konstitusyon na base sa teoryang pulitikal ng mga Intsik sa sentralisadong pamahalaang sentral. Ito ang gumawa ng daan para maging dominante ang pilosopiyang Confucius sa Hapon hanggang ika-19 na siglo. Kasama rin dito ang ang pagtanggap nila ng panulat ng mga Tsino. Pinag-igi naman ang reporma ng Taika ng 645, kung saan ang lahat ng lupain ay kinukuha ng hari at ang pagsisimula ng mas pinagbuting pagbubuwis. Ang panahong ito ay nakitaan din ng unang paggamit sa salitang Nihon(日本) bilang pangalan ng pabuo ng estado. Ang panahong Nara noong ika-8 siglo ay nagmarka ng unang pagdating ng mas matibay na estadong Hapon, na nakasentro sa palibot ng korteng imperyal ng lungsod ng Heijō-kyō. Ang korteng imperyal ay inilipat sa Nagaoka-kyō, at pagkatapos ay sa Heian-kyō (ngayon ay Kyoto). Sa panahong ito, ang mga hari ay namumuno kasama ang mga maimpluwensyang pamilya. Maraming mga hari ang nakapag-asawa ng mga Fujiwara. Pinatunayan ng mga naging anak ng Fujiwara na sila ay magagaling na pinuno at ginamit nila ang kapit ng pamilya upang maging dominante sa pamahalaan. Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pamahalaang Militar ng Hapon ang nangasiwa sa bansa.

Kalagayang pang-ekonomiya ng Asya Pagkatapos ng Ikalwang digmaang Pandaigdig
Ekonomiya Mga pundok alang sa rehiyonal nga koordinasyon pang-ekonomiko:
      

Asia-Pacific Economic Cooperation Asia-Europe Economic Meeting Association of Southeast Asian Nations Closer Economic Partnership Arrangement Commonwealth of Independent States South Asian Association for Regional Cooperation South Asia Free Trade Agreement (proposed)

Mga natural nga rekursos Ang Asya tugob sa petrolyum ug puthaw.
 

taas nga produksiyon sa agrikultura, labaw na sa humay ang ubang mga agrikultural nga produkto mao kining mosunod: trigo ug manok pagpanglasang (forestry) pagpangisda

 

Paggama og mga produkto Pinansyal Ang Asya may tulo ka mga sentro pinansiyal. Kini mao ang Hong Kong, Singapore ug Tokyo. THE BEST ITONG PUNTAHAN
 

call center' business process outsourcing

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat burat

Dahilan ng Digmaan Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya noong 1918. Naniwala ang mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa digmaan. Sila ay ginamit pambayad ng pera sa Britanya at Pransya na nagwagi sa digmaan. Ang mga Hapones ay tumulong talunin ang Amerika. Naramdaman nila na karapatan nilang magpalawak ng kapangyarihan sa Asya. Ngunit pinigilan sila ng Pinag-isang Kaharian at Estados Unidos. Pagsikat ng mga Diktador Noong mga 1930, sinimulan ng mga pinunong militar ng Hapon ang pananakop sa mga bahagi ng Tsina at iba pang bansang Asyano. Nasakop ng Hapon ang Manchuria noong 1931. Nang malaman ito ng League of Nations, umalis ang Hapon at lumawak ang imperyo sa labas ng bansa. Ang Alemanya ay napasakamay ng partidong Nazis noong 1933. Ang kanilang pinuno ay si Adolf Hitler. Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga Jews. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar

Digmaan sa Europa

Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at Sudetenland, isang lugar sa Tseka. Nakipagsunduan rin siya kay Joseph Stalin para magtulungan at di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet noong Setyembre 1,1939, nagdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransya. Ang uri ng digmaang ito ay tinawag na ''blitzkrieg'' o digmaang kidlat dahil sa bilis nito. Ang Dinamarka, Noruwega, Belhika, Olanda, at Pransya ay bumagsak sa kamay ng blitzkrieg. Nanatiling malaya ang Britanya. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa. Noong Agosto 12, 1940, binomba ng Alemanya ang katimugang baybayin ng Inglatera. Pinagsamasama ni Punong Ministro Winston Churchill ang kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensyon, ang radar, na ginamit para malaman kung may hukbong panghimpapawid papunta sa bansa. Di nasakop ng Germany ang Britanya. Noong Hunyo, 1941, tinapos na ni Hitler ang pananakop sa Britanya para simulan ang pananakop sa Unyong Sobyet. Ayon sa mga historiko, ito ang pinakamalaking pagkakamali ni Hitler. Gusto niya ng bakanteng lugar para sa mga German at makontrol ang kayamanan ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang pinakamakapangyarihang karibal na si Joseph Stalin. Umaabot sa talong milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng Germany. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga Germans. Nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan. Noong Hunyo 6, 1944, ang paglumunsad ng mga sundalong Amerikano, Briton at Kanadyano ay nagsimula ng pagsakalay sa Normandy, Pransya ay lumaban ng mga sundalong Aleman. Ang mga puwersang Kakampi sa tulong ng mga sundalong Pranses sa Normandy ay nagsimula ng pagpapalaya sa Pransiya, ang operasyon na ito ay itinawag na D-Day o Operasyong Overlord. Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan sa mga kawal ng pulang

Sobyet. Noong Mayo 8, 1945, Ang pagkatalo ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa pwersang Kakampi. Digmaan sa Asya Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa noong Disyembre 3, 1942. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa bansang Hapon, ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng giyera laban sa Estados Unidos. Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at itinuloy pa rin nila ang pag-atake. Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas mula Malinta Tunnel sa Corregidor patungo sa Washington D.C., Estados Unidos at iniwan ang pamamahala kay Jose P.Laurel at Jorge Vargas. Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na umatake ang mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang USAFFE at tuluyang isinuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen. King at Hen. Wainwright. Lumakas ang pwersa ng mga Hapon at nasakop lahat ng mga lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina, French Indochina, Myanmar, Malaya, Dutch East Indies, at ang Pilipinas. Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3, hanggang Marso 3, 1945 ay nilusob ng magkakasanib na hukbong Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang napatay sa kamay ng mga hukbong Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945.

Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Look ng Tokyo, Hapon.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->