You are on page 1of 2

Paalam sa Pagkabata (kwentong Cebuano) Salin ni Nazareno D.

Bas sa Panamilit sa Kabantanon ni Santiago Pepito Maikling Kwento Teoryang Humanismo Pankat 1 Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim-iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko. Sa kabilang silid, sa kwarto nina nanay at tata, naririnig ko ang pigil na paghikbi.umiiyak na naman si nanay. Ang sunudsunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin koy tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang akoy bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit tanawin

sa bahay ay walang p-agbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga. Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang itoy ginagamit ni tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong itoy itinapon ni nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit nag alit si tatay sa ginawa ni nanay. Pinagbuhatn ni tatay ng kamay si nanay. Pagkatapos ipinabalik kay nana yang lamabt sa sampayan. Hanggang ngayon bay hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating samadaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galling sa dagat. Magkatulad kayong ng ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na ng malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kalian mo pa malilimutan ang nagyari? Pangkat 2 Tuluyang umiyak si nanay. Umungol lamang si tatay. Nanlilisik ang mga matang tumingin sa lambat at

pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin amg tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon. Mula noon ay hindi na ginalaw ni nana yang lambat. Naluma na ito ngunit buung-buo pa rin sa aking paningin. Buung-buo pa rn sapaningin ni nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob salambat na iyon? Alam kong alam ni nana yang hindi ko nalalaman. At kailangan malaman ko ito. May karapatan akong malaman. Nilapitan ko si nanay na malalim parin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nautol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha. Lakad na Celso, malapit nang dumating ang tataymo. Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi ng aking guro sa ikaapat na baitang ng primary. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naabot na kaya ni nana yang langit? Ano pa ang hinihintay mo, Celso?

Ipinahid ko sa mukha ang suot sando. Humakbang pagkatapos. Maya-mayay tumakbo na ako ng matulin. Nasa dalampasigan ang mamimili ng isdang dala ng mga mangingisda. Sumalpak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaki may katandaan na. sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan. Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gitara mula sa dikalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At muli na naming naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot nakundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko. BABANG LUKSA ni Diosdado Macapagal "Tulang Pampango" Salin ni Olivia P. Dantes ng "PABANUA" ni DIOSDADO MACAPAGAL Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw Tila kahapon lang nang ika'y lumisan; Subalit sa akin ang tanging naiwan, Mga alaalang di - malilimutan. Kung ako'y nasa pook na limit dalawin Naaalala ko ang ating paggiliw;

Tuwa'y dumadalaw sa aking paningin Kung na gunita kong tayo'y magkapiling. Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay Na kung saan unang tayo'y nagibigan ; Sa bakura't bahay , sa lahat ng lugar , Itong kaluluwa'y hinahanap ikaw. Sa matandang bahay napuno ng saya Sa araw na iyo'y pinagsaluhan ta; Ang biyayang saglit , kung nababalik pa Ang ipapalit ko'y ang aking hininga. Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan At iniwan akong sawing kapalaran Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay At sa pagyaon mo'y para ring namatay ? Marahil tinubos ka ni bathala Upang sa isipa'y hindi ka tumanda ; At ang larawan mo sa puso ko't diwa Ay manatiling maganda at bata. Sa paraang ito kung nagkaedad na Ang puting buok ko'y di mo makikita At ang larawan kong tandang tanda mo pa Yaong kabataan taglay na tuwina

At dahil nga rito, ang pagmamahalan Ay hanggang matapos ang kabataan, Itong alaala ay lalaging buhay, Lalaging sariwa sa kawalanghanggan. Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw Tayo'y nagtagumpay sa dupok ng buhay, Ang ating pagsintang masidhi't marangal Hindi mamamatay, walang katapusan Ang kaugalian ng ninuno natin Isang taon akong nagluluksa mandin; Ngunit ang puso ko'y sadyang maninimdim; Hanggang kalangitan tayo'y magkapiling.

You might also like