P. 1
Mga Pangkat Etniko Sa Pilipinas

Mga Pangkat Etniko Sa Pilipinas

|Views: 3,365|Likes:

More info:

Published by: Dan Alexis Morco Arinzana on Jul 13, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/26/2015

pdf

text

original

MGA PANGKAT ETNIKO SA PILIPINAS

Pangsinense Ang mga Pangasinense ay mga taong nakatira, nagmula o naninirahan sa probinsya ng Pangasinan. At ang kanilang dayaleko o salitang ginagamit ay panggalatot. Ilokano Ang Ilokano ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Ilokano, ang pangatlong pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas. Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon ang katutubong lugar ng mga Ilokano at ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan para sa Rehiyon ng Ilocos. Ang "Ilokano" ay karaniwang katawagan din sa Iloko (o Iluko), ang wika ng mga Ilokano. Tagbanua Naninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso. Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa. Mangyan Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad. May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro. Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikanna kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.

Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain. Ifugao Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao. Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan. May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang baw Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg, Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao. Kalinga Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga. Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa. Itawes Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish,

Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag at may sarili din silang wika na ang tawag din ay Itawis. Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka. Gaddang Tinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay nila. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay ang kanilang itinatanim. Kankanai Ang mga Kankanai ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May maraming pangkat ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay matatagpuan sa ibat ibang bahagi ng Benguet at maging sa iba't ibang bahagi ng La Union at malalapit na probinsya, samantalang ang iba manam ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Mountain Province at mga probinsyang malapit dito. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankanaey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba sa kanilang kultura at paniniwala. Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat. Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya Ilonggo Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.

Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa kalikasan.Ang mga katangian ng isang ilonggo ay malumanay at malambing Ibaloy Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense. Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatonglugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan. Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket. Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan. Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod. Isneg Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ngbasi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa,gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana. Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na

kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang. Ivatan Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan.[kailangan ng sanggunian] Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy. Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugiskahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon atapog. Mayroon itong maliliit na bintana. Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa. Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano. Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela. Maranao Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan. Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mgamoske. Buo pa rin at hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso. TIBOLI Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay.

Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka. Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan samukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit. Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking TIBOLI. Tausug Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya. May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga tagaBorneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu Badjao Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika. Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya. Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas. Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. Subanen

Ang mga Subanen ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila sa iisang ninuno lamang sila nagmula. Cuyunon Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Español na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda. Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na naguugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulodsarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya. Hindi sila naniniwala sa mga ibang tao Bagobo Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba. Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket. Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito.

Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghahabi. Yakan Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang “Paring” palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay. Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at handang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan. Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayag dito ang lalaki. Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng malong ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang malong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang baywang. Moro Tumutukoy ang mga Moro sa isang populasyon ng mga Muslim sa Pilipinas, na binubuo ang isang malaking pangkat ng hindiKristiyano.[1], na binubuo ng mga 5.25% ng bahagi ng populasyon.[2]
Bisaya

Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong Pilipino. Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa hilagangsilangang Mindanao habang ang iba naman ay dumayo sa ibang mga bahagi ng bansa, kasama na ang Kalakhang Maynila, kung saan sila ang bumubuo ng mayoriya. Cebuano, Hiligaynon (o Ilonggo), at Waray-

Waray ang mga nangungunang wika ng mga Bisaya pagdating sa bilang ng mga tagapagsalita. Bagaman maaaring magkaunawaan ang mga tagapagsalita ng mga wikang ito (at ng iba pang mga wikang Bisaya) kung pipilitin, hindi pa rin ito sapat para sa masaysay na talastasan, at karaniwang Filipino o Inggles ang ginagamit bilang wikang pantalastasan sa pagitan ng mga kasapi ng iba’t ibang pangkat linggwistiko. Higit 40% ng mga Pilipino ang may kanunununuang Bisaya. Bikolano Ang mga Bikolano ay matatagpuan sa tangway sa Timog Silangang Luzon at pati na rin sa Catanduanes, Masbate, Sorsogon,Camarines Sur, at Camarines Norte. Sila ay nabiyayaan ng kalikasan sa lupain tulad ng magagandang tanawin, matabang lupa, at mga mineral. Ang kanilang mga ari-arian ay nakakapinsala sa kanilang buhay at nakapipigil sa kanilang pag-unlad ang malimit na pagdaan ng bagyo sa lugar nila. Kilala sila sa pagiging relihiyoso nila at ang kahiligan nila sa mga pagkaing maaanghang at may gata. Mahilig sila sa pagsasayaw at pagdalo sa mga kasayahan. Simple lamang ang pananamit ng mga kalalakihang Bikolano ngunit ang mga kababahian ay mahilig magpaganda at gumagamit sila ng mga palamuti sa katawan. Kapampangan Ang mga Kapampangan ang ikapitong pinakamalaking pangkat etnikong Pilipino. Pangunahin silang naninirahan sa mga lalawigan ngPampanga at Tarlac, gayundin sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, at Zambales, at may bilang sila na mahigitkumulang 2,890,000. Ang wikang Kapampangan ang katutubong wika ng mga Kapampangan. Sinasabing ang lutuing Kapampangan ang pinaka-evolved at pinakadalisay sa mga lutuing Pilipino; ang Pampanga ang tinataguriang sentrong kulinari ng Pilipinas. Ang ilan sa mga pagkaing nagmula sa Pampanga ay ang kare-kare, sisig, at kilawin. Tagalog Ang mga Tagalog[1] ang isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas kasunod ng mga Bisaya, at ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. Sila ang pangunahing pangkat etniko sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna,Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. Nagtataglay rin ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, at Mindoro Oriental, at angKalakhang Maynila, ng mga malalaking populasyong Tagalog.

Mayroon ding mahalagang bilang nga mga Tagalog sa mga lalawigan ng Palawan. Mula ang pangalang Tagalog sa katawagang "taga-ilog". Ngunit mayroon din panukala o teoriyang nagmula ito sa pangalan ng ilang mga tribo, mga Tagal, sa Borneo atSumatra, o Minangkabaw.[1] Ang mga Tagalog ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka, pangingisda at pagtitinda. Masipag, matiyaga at masikap ang mga Tagalog. Sila ay likas na masayahin kaya madalas silang magdaos ng mga pagtitipon tulad ng kasalan, kaarawan at kapistahan.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->